Upload
cherrynot
View
208
Download
16
Embed Size (px)
Citation preview
Pag-aalis ng balat ng mga hinog o
nilagang pagkain tulad ng nilagang
patatas at kamote, manggang
hinog, at saging nang kamay
lamang ang ginagamit.
Pag-aalis ng balat ng hilaw na
pagkain sa tulong ng pantalop o
kutsilyo.
Pagbabayo sa almires ng mga
sangkap tulad ng, bawang,
pamintang buo, ulo ng hipon, at
mani upang maging pino.
Pagpuputol sa maiksing piraso ng
mga pagkaing tulad ng gulay na
sitaw.
Paghihiwalay ng mga sabaw sa
mga buo-buong laman ng sangkap
tulad ng dinikdik na ulo ng hipon,
gata ng niyog, at pinya sa lata sa
pamamagitan ng salaan.
Pagpuputol-putol sa maliit na
piraso ng mga pagkain tulad ng
karne, isda, gulay, at manok sa
tulong ng kutsilyo.
Paghahalo o pagdudurog sa
pagkain upang maging ganap na
lusaw na ginagamitan ng tinidor,
pangbating pangkamay o di-
kuryenteng pang-bati.
Ang mga hilaw na papaya at
kamoteng kahoy ay dinudurog sa
pamamagitan ng pagkiskis sa
gadgaran.
Pagdurog ng pino ng mga pagkain
tulad ng baboy at bigas sa
pamamagitan ng gilingan.
Pagsasama-sama ng mga
sangkap ng lutuin sa tulong ng
sandok.
Paglalagay ng asin, patis, suka,
toyo, betsin, paminta, at iba pa
upang maging malasa at masarap.
Paglalagay ng hiwa o gilit sa laman
ng isda o karne bago iluto upang
masipsip ang mga sangkap o
upang ang isda ay hindi
mamaluktot.
PANUTO: Basahin ang paglalarawan at tukuyin ang angkop na gawaing kamay
para dito. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1.Pagpuputol-putol ng mga karne, isda, manok, at gulay sa maliliit na piraso sa
pamamagitan ng kutsilyo.
a.paggigilit b. pahihiwa c. paggugutay d. Pagpuputol
2. Dinudurog ng pino ang mga pagkaing tulad ng karne at bigas na ginagamitan
ng gilingan.
a. paghihiwa b. pagdidikdik c. paghihimay d. Paggigiling
3. Ang mga sumusunod ay mga gawaing kamay maliban sa_______.
a.pagbabalat b. pagsasala c. pagtatadtad d. Paggigilit
4. Ang gulay na tulad ng sitaw ay pinuputol-putol sa pamamagitan ng gawaing
kamay sa paghahanda ng pagkain. Anong gawaing kamay ang angkop na
gamitin dito?
a. pagbabalat b. pagsasala c. paghihiwa d. Paggugutay
5. Ang paglalagay ng mg panlasa tulad ng asin, betsin, suka, tuyo, at iba pa ay
tumutukoy sa anong gawaing kamay?
pagbabati b. pagtitimpla c. pagsasala d. paghahalo
6. Pagdurog ng pino sa mga pagkaing tulad ng karne at bigas.
a. pagbabati b. pagdidikdik c. paggigiling d. Pagsusukat
7. Pagdurog sa pagkaing tulad ng hilaw na papaya at kamoteng kahoy.
a. paggigiling b. paggagadgad c. pagsasala d. Paggigilit
8. Ang mga pagkaing tulad ng upo, sayote, manggang hilaw, at iba pa
ay inaalisan ng balat sa tulong ng kutsilyo. Anong gawaing kamay ang
angkop na gamitin dito?
a. paggigiling b. pagbabalat c. paghihiwa d. Pagtatalop
9. Paghihiwalay ng sabaw sa buo-buong laman ng sangkap.
a. pagbibistay b. pagsasala c. pagbabati d. Paghihiwalay
10. Pag-aalis ng balat ng hinog o nilagang pagkain.
a. pagbabalat b. paghahalo c. pagtatalop d. pag-aalis
Tumulong sa magulang sa paghahanda ng
pagkain. Isulat sa kalahating bahagi ng papel
ang mga gawaing kamay na isinasagawa sa
paghahanda.