18
Patnubay para sa Masiglang Pkikibahagi sa Pagdiriwang Banal na Misa sa Pagiisang Dibdib nina Mark and Emilyn Ika-18 ng Setyembre 2015 Alas-2 ng Hapon San Antonio de Padua Silang Cavite

Misalette - Mark and Em

Embed Size (px)

DESCRIPTION

MIsalette

Citation preview

Page 1: Misalette - Mark and Em

Patnubay para sa Masiglang Pkikibahagi sa Pagdiriwang Banal na

Misa sa Pagiisang Dibdib nina

Mark and Emilyn

Ika-18 ng Setyembre 2015

Alas-2 ng Hapon

San Antonio de Padua

Silang Cavite

Page 2: Misalette - Mark and Em

Mark Lester Ogot – Emilyn Pagsisihan

Mga Pangunahing Tagapagtangkilik Mga Ninong at Ninang

Ensign. Silverio Ogot Mrs. Nesing Baldorado Engr. Cornelio Ogot Mrs. Lea Azarcon

Engr. Paul Magbanua Mrs. Normita Semine Mr. Gilbert Sibala Mrs. Alona Balbas Mr Gilbert Reyes Mrs. Virgie Cababao

Mr. Enrique Alcantara Mrs. Remedios de la Cruz Dr. Mario Aquino Mrs. Eden Villanueva Engr. Joel Callao Mrs. Soledad Marquez

Mr. Benjamin Moratillo Engr. Felix Buensuceso

Maghahatid ng Aming mga Singsing, Aras, at Bibliya

Mga Katiwalang Pandangal

Aaron James Santos Elizabeth Pagsisihan Mary Ailette Ogot Magtatanglaw sa Aming Pagsasama

Richard Pagsisihan Lealyn Agustin Dadamtan Kami ng Pag-ibig

Mc Donnel Ogot Alona Ruz Sa Ami’y Magbubuklod Bilang Isa

Raymond Weil Pagsisihan Ivy Katherine Laparan Mga Abay

Rod Paulo Roxas Jeff Dominic Flores Marvin Jay Roxas

Kimwan Ogot

Romalyn Belista Danica Jude Ramos

Kayeleen Ogot Princess Alcantara

Elijah Caleb Pagsisihan Sean Mckristoffer Ogot Ron Jacob Pagsisihan Magsasaboy ng Mababangong Bulaklak

Johanne Lorraine Azarcon Vannah Celine De Luna Gianne Ogot Dylan Denise Setias

2 35

Page 3: Misalette - Mark and Em

Pagpirma sa Kontrata

Pagkuha ng Litrato

1. Ang Bagong Kasal 2. Ang Bagong Kasal kasama ang kanilang mga

magulang 3. Ang Bagong Kasal kasama ang kanilang mga ninong at

ninang

4. Ang Bagong Kasal kasama ang mga Katiwalang Pandangal

5. Ang Bagong Kasal kasama ang mga abay 6. Ang Bagong Kasal kasama ang pamilya ng lalaki 7. Ang Bagong Kasal kasama ang mga kamag-anak ng

lalaki 8. Ang Bagong Kasal kasama ang pamilya ng babae 9. Ang Bagong Kasal kasama ang mga kamag-anak ng

babae

Mga Kabahagi sa Banal na Misa

Rev. Fr. Nelson Bisco Pari

Lina Agsalud Pangunahing Tagapagbasa

Trisha Jenina Pagsisihan Unang Pagbasa

Evelyn De Luna Salmong Tugunan

Kristina Eugenio-Ogot Pangalawang Pagbasa

Roy Laparan - Lead Koro

34 3 34 3

Page 4: Misalette - Mark and Em

Pambungad

Pangunahing Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa. Si

Tagapagbasa: Yahweh ay papurihan, paglilingkuran siyang

kusa; Lumapit sa harap niya at umawit na may

tuwa.

Pagbati

Pari: Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu

Santo.

Lahat: Amen.

Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong

Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang

pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y

sumainyong lahat.

Lahat: Amen.

Pari: Mga kapatid, tayo ngayon ay nagkakaisa bilang

isang pamilyang Kristiyano upang saksihan at

ipagdiwang ang sagradong pagsasama nina Mark Lester

at Emilyn bilang mag-kabiyak. Tayo ay

magpasalamat sa Panginoon sa pagbubuklod sa

kanila sa pag-ibig at ating ipagdasal na lagi

nilang maalala ang pagmamahal ng Panginoon

sa kanilang pagtahak sa kanilang bagong buhay

bilang mag-asawa. Ang biyaya at pagmamahal

ng Panginoon ay sumainyong lahat!

Lahat: At sumainyo rin!

Pari: At pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos:

Ama, at Anak, at Espiritu Santo.

Lahat: Amen.

Pari: Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang

ang Panginoon at ang kapwa ay mahalin at

paglingkuran.

Lahat: Salamat sa Diyos.

(Awiting Pangwakas)

Pananatili (Hangad)

Huwag mong naising lisanin kita;

Wala ‘kong hangaring ika’y mag-isa.

Sa’n man magtungo, ako’y sasabay,

Magkabalikat sa paglalakbay.

Mananahan sa tahanang sisilong sa ‘yo,

Yayakapin ang landasin at bayan mo.

Poon mo ay aking ipagbubunyi

At iibigin nang buong sarili.

Sa’n man abutin ng paghahanap,

Ikaw at ako’y magkasamang ganap.

Ipahintulot nawa ng Panginoon:

Ni kamataya’y maglalaho, anino ng kahapon.

Dahil pag-ibig ang alay sa ‘yo,

mananatili ako.

H’wag nang naising tayo’y mawalay,

H’wag nang isiping

Magwawakas ang paglalakbay.

4 33 4 33

Page 5: Misalette - Mark and Em

Lahat: Amen.

Pari: Nawa'y maging mapalad kayo sa inyong mga

anak at suklian nang makasandaan ang inyong

pagmamahal sa kanila. Mamalagi ang

kapayapaan ni Kristo sa inyong mga puso at

mag-anak; magkaroon kayo ng mga kaibigang

tutulong sa inyo sa hirap at ginhawa.

Lahat: Amen.

Pari: Saklolohan ninyo at aliwin ang sa inyo ay

magmamakaawa. Tanggapin ninyo ang

ipinangako ng Panginoon sa mga nagdadalang-

awa.

Lahat: Amen.

Pari: Nawa'y pagpalain ng Maykapal ang inyong mga

gawain at matamasa ang bunga ng inyong

pinagpaguran. Sa inyong pagkabalisa sa

kabuhayan ay huwag sana kayong maligalig at

huwag padala sa malabis na paghahangad ng

kayamanan. Sa halip ay laging sikaping makapag

-impok ng kayamanang di lumilipas sa

langit.

Lahat: Amen.

Pari: Palawigin ng Diyos ang inyong buhay, upang

matamo ang masaganang bunga na dulot ng

isang matuwid na pamumuhay at matapos na

paglingkuran Siya nang buong pag-ibig sa lupa

ay makamit ninyo ang buhay na walang

hanggan sa kabila, sa piling ng ating Amang

nasa langit.

Lahat: Amen.

Pagsisisi

Pari: Habang naghahanda tayo para sa pagdiriwang

ng Eukaristiya, alalahanin natin ang ating mga

kasalanan. (Manahimik saglit.)

Lahat: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa

inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala

sa isip, sa salita, at sa gawa, at sa aking

pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal

na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at

banal, at sa inyo, mga kapatid, na ako’y

ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Pari: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,

patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at

panubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Lahat: Amen!

(Aawitin ang Panginoon, Maawa Ka.)

Panginoon, maawa Ka.

Panginoon, maawa Ka.

Kristo, maawa Ka.

Kristo, maawa Ka sa amin.

Panginoon, maawa Ka.

Panginoon, maawa Ka.

Pari: Papuri sa Diyos sa kaitaasan…

(Aawitin ang Papuri sa Diyos.)

Koro: Papuri sa Diyos, papuri sa Diyos

Sa kaitaasan, papuri sa Diyos (2x)

At sa lupa’y kapayapaan,

sa mga taong kinalulugdan Niya

32 5 32 5

Page 6: Misalette - Mark and Em

Pinupuri Ka namin, Dinarangal Ka namin

Sinasamba Ka namin Ipinagbubunyi Ka namin

Pinasasalamatan Ka namin

Dahil sa dakila’t angking kapurihan Panginoong Diyos, Hari ng langit

D’yos Amang makapangyarihan sa lahat Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak

Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos Anak ng Ama

Papuri sa Diyos, ...

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan Maaawa Ka sa amin, Maawa Ka

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan Tanggapin mo ang aming kahilingan (2x) Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama (Maawa Ka, Maawa Ka sa amin)

Papuri sa Diyos, ...

Sapagkat Ikaw lamang ang banal At ang kataastaasan

Ikaw lamang O Hesukristo ang Panginoon

Kasama ng Espiritu Santo Sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

Papuri sa Diyos, ... Sa kaitaasan, papuri sa Diyos

sa amin ang Eukaristiyang ito upang pag-isahin kami sa isa't isa at sa iyo. Yayamang pinag-isa mo sina Mark Lester at Emilyn sa sakramento ng kasal at sa pakikinabang ng tinapay at alak, pag-isahin mo rin sila ngayon sa pag-ibig at paglilingkod sa isa't isa. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon.

Lahat: Amen.

Katapusang Seremonya

Pari: Mark Lester at Emilyn, yayamang natanggap na ninyo

ang sakramento ng kasal, ang aking

ipinagtatagubilin sa inyo ay maging tapat kayo

sa isa't isa.

(Emilyn), ibigin mo ang iyong asawa at sikaping

pangalagaan ang iyong mag-anak. Manatili sa

pananampalataya, sa pag-ibig ng

Diyos at sa kapwa, at magpakabanal.

(Mark Lester), mahalin mo ang iyong asawa tulad ng

pagmamahal ni Kristo sa Santa Iglesya. Sa

inyong magkasamang pamumuhay, itanim sa

iyong puso ang banal na pagkatakot sa Diyos.

Sumainyo ang Panginoon.

Lahat: At sumaiyo rin.

Pari: Nawa'y pagpalain kayo ng Panginoon sa

kanyang mga pangungusap.

Lahat: Amen.

Pari: Pag-isahin niya ang inyong mga puso sa buklod

ng dalisay na pag-ibig habang kayo'y

nabubuhay.

31 6 6 31

Page 7: Misalette - Mark and Em

Ng makibakang di alintana, mga hirap na dinaranas

Sa tuwina’y magsumikap na hind humahanap ng kapalit na kaginhawaan At di naghihintay kundi ang aking mabatid loob Mo’y siyang sinusundan

Panginoon, turuan mo ako maging bukas-palad

Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo At magbigay ng ayon sa nararapat Ng walang hinihintay mula sa Iyo

Sapagkat ang Diyos ay Pagibig

Pag-ibig ang siyang pumukaw, Sa ating Pusot Kaluluwa Ang siyang nagdulot sa ating buhay, ng gantong aral at pag asa Pag-ibig ang siyang buklod natin, Di mapapawi kalian pa man Sa puso’t diwa tayo’y isa lamang, Kahit na tayo’y magkawalay

Pagka't ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig Magmahalan tayo't magtulungan At kung tayo'y bigo, ay h'wag limutin Na may Diyos tayong nagmamahal Sikapin sa ating pagsuyo Ating ikalat sa buong mundo Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop Sa bawa't pusong uhaw sa pagsuyo Pagka't ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig Magmahalan tayo't magtulungan At kung tayo'y bigo, ay h'wag limutin Na may Diyos tayong nagmamahal

Pag-aalis ng Belo at Kordon

Pangunahing Tagapagbasa:

Maari lamang pong lumapit sa altar sina (Donnel at Alona -cord sponsors) upang alisin ang kordon kasunod sina (Raymond at Ivy -veil sponsors) upang alisin ang belo.

(Aalisin ng mga abay ang kordon at belo.)

Manalangin tayo. (Tumigil sandali)

Pari:

Panginoon, dahil sa iyong pag-ibig, ibinigay mo

Panalanging Pambungad

Pari: Ama naming makapangyarihan, Ikaw ang

nagdulot na maging simbolo ng pagmamahal ni

Hesukristo sa Kanyang Simbahan ang

sakramento ng kasal. Dinggin Mo ang aming

mga panalangin para kay Mark Lester at Emilyn. Sila ang

sumusumpa ng kanilang pagmamahal nang may

pananampalataya sa Iyo at sa isa’t-isa. Nawa’y

itulot Mo na maging puno ng pagmamahalan

ang kanilang pagsasama sa pamamagitan ni

Hesukristo kasama ng Espiritu Santo

magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen!

Pangunahing Magsiupo po ang lahat.

Tagapagbasa:

Unang Pagbasa (Ecc 26:1-4,13-16)

Tagapagbasa: Pagbasa mula sa Aklat ng Ecclesiastico.

Maligaya ang asawa ng butihing maybahay, mag -

iibayo ang bilang ng kanyang mga araw. Kasiyahan

ng lalaki ang babaing sadyang tapat, kaya’t siya’y

mapayapang mabubuhay hanggang wakas. Ang

isang mabuting maybahay ang pinkamahalagang

kaloob, na itinalaga ng Panginoon sa mga may

takot sa Kanya. Sa kasaganahan o kasalatan, may

galak sa kanilang mga puso, at anuman ang

mangyari may ngiti sa mga labi.

7

30 7

Page 8: Misalette - Mark and Em

Kaaliwan ng lalaki ang mabait na maybahay, sa

alindog ng babae sisigla ang kaniyang buhay. Ang

tahimik na maybahay ay isang biyaya; Mahinahon

niyang asal ay di mababayaran ng salapi. Ang

maybahay na mahinhin, kagandaha’y walang

kupas, kalinisa’y mas mainam kaysa mamahaling

hiyas. Ang mabait na maybahay ay liwanag ng

tahanan, parang araw na sumisikat sa rurok ng

kalangitan.

Ang Salita ng Diyos!

Lahat: Salamat sa Diyos!

Salmong Tugunan

Tagapagbasa: Salmong Tugunan, atin pong itutugon:

Purihin natin ang ngalan ng Panginoon. Ulitin po natin…

Lahat: Purihin natin ang ngalan ng Panginoon.

Tagapagbasa: Purihin ang Panginoon nitong kalangitan, kayo sa itaas, siya’y papurihan. Ang lahat ng anghel , magpuri’t magdiwang, Kasama ang hukbo roong karamihan! Tugon...

Lahat: Purihin natin ang ngalan ng Panginoon!

Tagapagbasa: Ang araw at buwan Siya ay purihin, purihin din Siya ng mga bituin. Mataas na langit Siya ay purihin, tubig sa itaas gayon din ang gawin! Tugon…

Lahat: Purihin natin ang ngalan ng Panginoon!

Ng mga kasalanan ng mundo,

Ipagkaloob Mo sa amin

Ang kapayapaan.

(Magsisiluhod ang lahat.)

Pari: Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,

Panginoong Hesukristo, ay huwag magdulot ng

paghuhukom at parusa sa kasalanan ko. Alang-

alang sa iyong dakilang pag-ibig, nawa'y aking

matanggap ang pagkupkop mo sa akin at kaloob

mong lunas.

(Itataas ng Pari ang ostiya at ang kalis habang

sinasabi:)

Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng

mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga

inaanyayahan sa kanyang piging.

Lahat: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na

magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang salita mo

lamang ay gagaling na ako.

Pari: Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan at Dugo

ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.

Komunyon ng Bagong Kasal at ng

Bayan

Awitin sa Komunyon

Bukas Palad

Panginoon, turuan mo ako maging bukas-palad

Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo At magbigay ng ayon sa nararapat Ng walang hinihintay mula sa Iyo

8 29

Page 9: Misalette - Mark and Em

Lahat: Amen.

Panalangin ng Kapayapaan

Pari: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga

Apostol: "Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.

Ang aking kapayapaan ang ipinagkakaloob ko sa

inyo." Tunghayan mo ang aming

pananampalataya at huwag ang aming mga

pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng

kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong

kalooban kasama ng Espiritu Santo

magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Pari: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging

sumainyo.

Lahat: At sumaiyo rin.

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa't isa.

(Pagkatapos ng pagbati ng kapayapaan, hahatiin ng

Pari ang ostiya habang sinasabi:

Sa pagsasawak na ito ng Katawan sa Dugo ng

aming Panginoong Hesukristo, tanggapin nawa

namin sa pakikinabang ang buhay na walang

hanggan.

(Aawitin ang Kordero ng Diyos)

Kordero ng Diyos na nag-aalis

Ng mga kasalanan ng mundo,

Maawa Ka sa amin.

Kordero ng Diyos, maawa ka. ( ulitin )

Kordero ng Diyos na nag-aalis

Mga kabundukan, mataas na burol, malawak na

Tagapagbasa:

gubat, mabubungang kahoy. Hayop na maamo’t

mailap na naro’n, maging gumagapang na hayop

at ibon, lahat ay magpuri’t kay Yahweh iukol.

Tugon…

Lahat: Purihin natin ang ngalan ng Panginoon!

Tagapagbasa: Pupurihin Siya ng lahat ng tao, hari at prinsipe,

lahat ng pangulo. Babae’t lalaki, mga kabataan,

matatandang tao’t kaliit-liitan. Tugon…

Lahat: Purihin natin ang ngalan ng Panginoon!

Tagapagbasa: Siyang nagpalakas sa sariling bansa, kaya

pinupuri ng piniling madla, ang baying Israel

mahal Niyang lubha! Tugon…

Lahat: Purihin natin ang ngalan ng Panginoon!

Pangalawang Pagbasa (Ef 5:2, 25-32)

Tagapagbasa: Pagbasa mula sa Sulat ni Pablo sa mga Taga- Efeso.

Mamuhay kayong puspos ng pag-ibig tulad ni Kristo; dahil sa pag-ibig sa atin, inihandog Niya ang Kanyang buhay bilang mahalimuyak na hain sa Diyos.

Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Kristo sa Simbahan. Inihandog Niya ang Kanyang buhay para rito upang ang Simbahan ay italaga sa Diyos matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at ng salita. Ginawa Niya ito upang maiharap sa Kanyang sarili ang Simbahan, marilag, banal, walang kulubot. Dapat mahalin ng mga lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sarili nilang

28 9

Page 10: Misalette - Mark and Em

katawan. Ang lalaking nagmamahal sa asawa ay

nagmamahal sakanyang sarili. Walang taong

namumuhi sa sarili niyang katawan, bagkus ito’y

pinakakain at inaaalagaan, gaya ng ginagawa ni

Kristo sa Simbahan.

Tayo’y mga bahagi ng Kanyang katawan.

“Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t

ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at

sila’y magiging isa.”

Isang dakilang katotohanan ang inihayag nito

— ang kaugnayan ni Kristo sa Simbahan ang

tinutukoy ko. Subalit ito’y tumutukoy rin sa

bawat isa sa inyo: mga lalaki mahalin ninyo ang

inyu-inyong mga asawa gaya ng inyong sarili;

mga babae, igalang ninyo ang inyu-inyong

asawa.

Ang Salita ng Diyos!

Lahat: Salamat sa Diyos!

Tagapagbasa: Magsitayo po ang lahat.

(Aawitin ang Aleluya.)

Koro: Aleluya, Aleluya,

Wikain mo, Poon nakikinig ako

Sa Iyong mga Salita

Aleluya, Aleluya,

Ang mabuting balita (Jn 15:12-16)

Pari: Ang Mabuting Balita ayon kay San Juan

Lahat: Papuri sa iyo, Panginoon!

Ama naming mapagmalasakit, pinagbuklod mo ang lalaki at babae at niloob mong ang pag-iisang-dibdib ay huwag magapi ng kasalanang mana at huwag maglaho sa unang paggunaw sa sanlibutan.

Magiliw mong tunghayan ang babaeng ito, ang iyong anak na

naging kabuklod ngayon sa banal na tipan. Bilang pagtugon sa

kanyang kahilingan, gawaran mo siya ng pagpapala ng pag-ibig at

kapayapaan sa buhay. Matularan nawa niya ang mga banal na

babae na ipinagkakapuri sa Banal na Kasulatan.

Nawa'y pagtiwalaan siya ng kanyang asawa at ituring siyang kapantay at kapwa tagapagmana sa buhay na walang hanggan. Lagi nawa siyang igalang at mahalin tulad ng ginagawang pagmamalasakit ni Kristo sa banal niyang Sambayanan.

Ama naming matapat, nawa'y sundin nilang lagi ang iyong kalooban. Nawa'y manatili silang tapat sa banal na tipan at maging

katibayan nawa sila ng katapatan ni Kristo sa sanlibutan.

Makintal nawa sa kanilang puso at diwa ang Banal na Aral. Lukuban nawa sila ng iyong Espiritu upang manatili silang masigla sa kanilang pagmamahalan. Gawin mo silang huwaran ng mga

ipagkakaloob mong mga supling at nawa'y maipadama pa nila sa

kanilang mga apo ang alab ng kanilang paglingap. Maging

maligaya nawa sila sa lahat ng mga araw ng kanilang mahabang buhay, at sa wakas, Amang mapagkalinga, akayin mo sila sa buhay na walang katapusan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

10 27

Page 11: Misalette - Mark and Em

Mapasaamin ang Kaharian Mo, Sundin ang loob Mo.

Dito sa lupa para naman sa langit. Bigyan Mo po kami ngayon

Ng aming kakanin sa araw-araw At patawarin Mo kami sa aming mga sala.

Para nang pagpapatawad namin Sa nagkakasala sa amin

At h’wag Mo kaming ipahintulot sa tukso At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

Pagpapanalangin sa Mag-asawa

(Bendisyong Nupsial)

Pari: Mga kapatid, halina’t hilinging pagpalain ng Poong Maykapal ang pag-iisang dibdib nina Mark Lester at Emilyn upang pamalagiin Niyang

sila’y magkasukob sa wagas na pag-ibig yayamang ang kanyang Espiritu Santo ang nagbibigkis sa kanilang puso.

(Itataas ng pari ang kanyang mga kamay na lulukob sa mag-asawa, habang sinasabi:)

Ama naming makapangyarihan, sa iyong kagandahang loob, nilikha mo ang sanlibutan at nilalang mo ang tao na iyong kawangis.

Niloob mo na ang lalaki at babae ay magdaup- palad at magkaisa sa puso at loobin. Itinalaga mo na ang mag-asawang iyong pinagtali ay huwag kailanman paghiwalayin.

Ama naming mapagmahal, ipinasya mo na ang pag-iisang dibdib ay maging banal na

sakramento na siyang kababanaagan ng

pag-iisang puso ni Kristo at ng kanyang banal na Sambayanan.

“Ito ang aking utos sa: mag-ibigan kayo gaya ng

pag-ibig ko sa inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa

sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang

buhay para sa mga kaibigan. Kayo’y mga kaibigan

ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko. Hindi ko

na kayo inaaring alipin, sapagkat hindi alam ng

alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa

halip, inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat

sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking

Ama.

Hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo’y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga. Sa gayon, ang anumang hingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay ipagkakaloob sa inyo. Ito ang iniuutos ko sa inyo: mag-ibigan kayo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon!

Lahat: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo!

Tagapagbasa: Magsiupo po ang lahat.

Homiliya

Pagsisindi ng Kandila

Pangunahing Maari nang sindihan nina (Mc Donnel -Male Candle Sponsor

Tagapagbasa : at Lealyn -Female Candle Sponsor) ang mga kandila.

Ang liwanag ay sagisag ng pagpapatnubay ng

Panginoon sa pagsasama nina (Mark Lester) at

(Emilyn). Nawa’y sumikat sa kanila ang

liwanag ni Kristo nang lagi nilang makita ang

kabutihan at kagandahan ng isa’t-isa. Sa oras ng

kadiliman at pagsubok, ang liwanag na ito ang

magsisilbing gabay sa pagtahak nila ng daan

tungo sa katotohanan at pag-asa.

26 11

Page 12: Misalette - Mark and Em

Pangunahing Atin na pong sisimulang ang seremonya ng

Tagapagbasa: kasal. Maaari lamang pong tumayo ang mga

magulang nila Mark Lester at Emilyn sa kanilang tabi

kasama ng mga ninong at ninang.

Mahal naming Mark Lester at Emilyn, naririto kayo

Pari: ngayon upang pagtibayin ang inyong

pagmamahalan sa harap ng Simbahan. Tinitiyak

ko sa inyo na kayo’y ipagdarasal ng ating bayan

upang basbasang masagana ng Diyos ang

inyong pagmamahalan at tulungan kayong

makatupad sa mga pananagutan ng may-asawa.

At kayo naman, mga kapatid na sumasaksi sa

kasalang ito, ay aking pinakikiusapan na isama

sa inyong mga panalangin ang mga ikinakasa na

ito at tanggapin sila sa pamayanang Kristyano.

Mark Lester at Emilyn, Maaari lamang na sagutin ninyo

ang aking mga katanungan ng may buong

katapatan.

Emilyn, ikaw ba ay naparito nang may kusang

loob na ipangako ang iyong sarili sa pag-ibig at

pagsisilbi sa iyong asawa?

Em: Opo, Padre.

Pari: Mark Lester, ikaw ba ay naparito nang may kusang

loob na ipangako ang iyong sarili sa pag-ibig at

pagsisilbi sa iyong asawa?

Mark

Lester: Opo, Padre.

sa buong daigdig. Puspusin mo kami sa pag-ibig kaisa ni ____ na aming Papa at ni ____ na aming Obispo at ng tanang kaparian.

Alalahanin mo rin ang mga kapatid na nahimlay

nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay,

gayon din ang lahat ng mga pumanaw. Kaawaan

mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan. Kaawan

mo at pagindapatin kaming lahat na makasalo sa

iyong buhay na walang wakas. Kaisa ng Mahal na

Birheng Maria na Ina ng Diyos, kaisa ng mga

apostol at ng lahat ng mga banal na namuhay dito

sa daigdig nang kalugod-lugod sa iyo,

maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa

ikararangal mo, sa pamamagitan ng iyong Anak na

aming Panginoong Hesukristo.

Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya at sa kanya, ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at

turo ni Hesus na Panginoon nating Diyos,

ipahayag natin nang lakas-loob:

(Aawitin ang Ama Namin.)

Lahat: Ama namin, sumasalangit Ka,

Sambahin ang ngalan Mo.

12 25

Page 13: Misalette - Mark and Em

Tanggapin ninyo itong lahat at kanin: Ito ang aking katawan na ihahandog para sa inyo.

Gayon din naman, noong matapos ang hapunan, hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:

Tanggapin ninyong lahat ito at kanin: Ito ang kalis ng aking dugo ng bago at walang hanggang tipan. Ang aking dugo na ibubuhos para sa inyo at para sa lahat. Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin.

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

(Magsisitayo ang lahat at aawitin ang Si Kristo ay Gunitain.)

Si Kristo ay gunitain: Sarili ay inihain, Bilang pagkai’t inumin, pinagsasaluhan natin,

Hanggang sa Siya’y dumating,

Hanggang sa Siya’y dumating

Lahat: Ama ginagawa namin ngayon ang pag-alala sa pagkamatay at

muling pagkabuhay ng iyong Anak, kaya’t iniaalay namin sa iyo ang tinapay na nagbibigay-buhay at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan. Kami’y nagpapasalamat dahil kami’y iyong minarapat na tumayo sa harap upang maglingkod sa iyo.

Pari: Isinasamo naming kaming magsalu-salo sa Katawan at Dugo ni

Kristo ay mabuklod sa pagkakaisa sa pamamagitan ng Espiritu

Santo.

Ama, lingapin mo ang iyong Simbahang laganap

Pari: (Mark Lester & Emilyn) Kayo ba ay pareho nang handa na

palakihin bilang mabubuting Kristiyano ang

mga anak na ibibigay sa inyo ng Panginoon?

Em & Mark: Opo, Padre.

Pari: Mark Lester at Emilyn, nais niyo rin lamang na

sumailalim sa sagradong sakramento ng kasal,

pagdaupin ninyo ang inyong mga kanang kamay

at sabihin ang inyong mga intensiyon sa harap

ng Diyos at ng Kanyang simbahan.

Emilyn, tinatanggap mo ba si Mark Lester bilang

iyong kabiyak sang-ayon sa batas na iniaatas ng

ating simbahan?

Em: Opo, Padre.

Pari: Ibinibigay mo ba ang iyong buong sarili bilang

kanyang kabiyak?

Em: Opo, Padre.

Pari: Tinatanggap mo ba siya bilang iyong kabiyak

sang-ayon sa iniaatas ng batas ng ating bayan?

Em: Opo, Padre.

Pari: Mark Lester, tinatanggap mo ba si Emilyn bilang

iyong kabiyak sang-ayon sa batas na iniaatas ng

ating simbahan?

Mark Lester: Opo, Padre.

Pari: Ibinibigay mo ba ang iyong buong sarili bilang

kanyang kabiyak?

Mark Lester: Opo, Padre.

24 13

Page 14: Misalette - Mark and Em

Pari: Tinatanggap mo ba siya bilang iyong kabiyak

sang-ayon sa iniaatas ng batas ng ating bayan?

Mark Lester: Opo, Padre.

Ngayon ay magharap kayo at samibitin ang

inyong mga pangako sa isa’t-isa.

Mark Lester: Wedding VOW

Em: Wedding VOW

pamamagitan ni Hesukristo na aming

Panginoon.

Sa Kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay,

ang iyong bagong tipan sa iyon sambayanan ay

naghahain sa amin ng iyong buhay at pakikipag-

ugnayan bilang mga kasalo sa iyong kadakilaang

walang hanggan. Sa dakilang pag-ibig na hain

ng iyong anak, pinagbubuklod mo ang mga

magsing-ibig upang sa pagsasama habang

panaho’y mailahad ang iyong katapatan at

pagmamalasakit.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng

papuri sa iyo ng walang humpay sa kalangitan,

kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

(Aawitin ang Santo. )

Lahat: Santo, santo, santo, D’yos makapangyarihan,

Puspos ng l’walhati ang langit at lupa.

Osana, osana, sa kaitaasan!

Pinagpala ang narito sa ngalan ng Panginoon.

Osana, osana sa kaitaasan!

Osana, osana sa kaitaasan!

Pangunahing Magsiluhod po ang lahat.

Tagapagbasa:

Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanang

Pari: kabanalan. Kaya’t sa pamamagitan ng iyong

Espiritu, gawin mong banal ang mga kaloob na

ito upang para sa ami’y maging Katawan at

Dugo ng aming Panginoong Hesukristo.

Bago niya pinagtiisang kusang-loob na maging

handog, hinawakan niya ang tinapay,

pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon,

iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

14 23

Page 15: Misalette - Mark and Em

Pari: Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang

paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang

makapangyarihan.

Lahat: Tanggapin nawa ng Panginoon itong

paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan

niya at karangalan, sa ating kapakinabangan

at sa buong Sambayanan niyang banal.

Panalangin Ukol sa mga Alay

Pari: Ama naming lumikha, Iyong pagdamutan at

tanggapin ang aming mga handog para sa pag-

iisang dibdib nina Mark Lester at Emilyn. Ang pag-ibig

Mong kanilang tinataglay ay loobin Mong

kanilang maihandog sa Iyo sa kanilang

pagmamahalan araw-araw sa pamamagitan ni

Hesukristo kasama ng Espiritu Santo

magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Prepasyo

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Lahat: At sumainyo rin.

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Lahat: Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari: Pasalamatan natn ang ating Panginoong Diyos.

Lahat: Marapat na siya ay pasalamatan.

Pari: Ama naming makapangyarihan, tunay ngang

marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa

Sa araw na ito, sa harap ng Panginoon, ng ating

mga pamilya at mga kaibigan, isinusumpa ko, na

mamahalin kita, magpakailanman.

Pari: Ngayong naipahayag na niyo ang inyong

sumpaan sa harap ng Panginoon, itulot nawa

Niya ang Kanyang kabutihan at pagpalain ang

inyong pagsasama. Ang pinagsama ng

Panginoon ay huwag paghiwalayin ng tao.

Mark & Em: Itulot Mo sa amin, O Panginoon, na kami’y

maging isang puso’t kaluluwa, mula sa araw na

ito, sa saya at kalungkutan, sa kasaganahan at

kahirapan, sa sakit at kalusugan, hanggang

kamatayan.

Pari: Nawa’y saksihan ng lahat ng naririto, na ako,

taglay ang kapangyarihan ng simbahan, ay

pinagtitibay at binabasbasan ang pag-iisang

dibdib na ito. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng

Espiritu Santo.

Lahat: Amen.

(Babasbasan ng pari ng banal na tubig ang bagong kasal.)

Pagbabasbas ng mga Singsing at Aras

Pangunahing Maari rin lamang pong pumarito sa altar sina

Tagapagbasa:

(Elijah-Ring Bearer, Sean -Coin Bearer, at Jacob -Bible Bearer)

dala ang mga singsing, aras, at bibliya.

Pari: Mark Lester at Emilyn, ngayon ay babasbasan ang inyong

mga singsing at aras. Tulong nating kailangan

ay sa Panginoon nagmumula.

Lahat: Pagkat itong lupa’t langit tanging siya ang

lumikha.

22 15

Page 16: Misalette - Mark and Em

Pari: Manalangin tayo. (Tumigil sandali.)

Panginoon, pagpalain mo ang iyong mga

lingkod, sina Mark Lester at Emilyn, ng kasaganahan sa

buhay na sinisimbolo ng mga aras na ito upang

magamit nila ito sa pagkamit ng buhay na

walang hanggan. Sa pamamagitan ni Kristong

ating Panginoon.

Lahat: Amen.

Pari: Panginoon, basbasan mo ang mga singsing na

ito upang ang iyong mga lingkod, sina Mark Lester at Emilyn

na magsusuot ng mga ito, ay mabuhay ng

may pagmamahalan at katapatan. Sa

pamamagitan ni Kristong ating Panginoon.

Lahat: Amen.

(Ang aras at mga singsing ay babasbasan ng Banal

na Tubig.)

Pagbibigayan ng mga Singsing at Aras

Pari: Ngayon ay ibigay ninyo itong mga singsing sa

isa’t-isa at ulitin ang aking mga sasambitin:

(Kukunin ni Mark Lester ang singsing mula sa pari at

isusuot ito sa kanang kamay ni Emilyn.)

Lalaki: Emilyn, sa pagsuot mo ng singsing na ito,

nawa’y ang ating mga buhay ay maging isa.

Ibinibigay ko ang aking buong pagkatao, pag-

ibig, at katapatan. Mula sa araw na ito

hanggang magpakailanman, ako ay lalagi sa

iyong tabi. Nagpapasalamat ako sa Panginoon

sa pagdulot Niya ng pagdating mo sa aking

buhay.

maging malinis at maligaya ang inyong bagong

buhay nang ito ay maibahagi niyo rin sa inyong

magiging mga anak at mga mahal sa buhay.

Paglalagay ng Kordon

Pangunahing Maari lamang pong lumapit sa altar sina (Richard -

Tagapagbasa : Cord Sponsor at Alona -Cord Sponsor) upang

ilagay ang kordon sa bagong kasal.

(Ilalagay ng mga abay ang kurdon.)

Mark Lester at Emilyn, ang kordong ito ay sagisag ng pagmamahal ng Panginoon na magbubuklod sa inyong mga puso at kaluluwa. Nawa’y lumalalim ang inyong pagmamahalan nang matulungan niyo ang isa’t-isa sa oras ng paghihirap nang may pagtitiwala at pagmamahal.

Pag-aalay

(Aawitin ang Take and Receive habang nag-aalay ng mga handog sa altar.)

Take and Receive, Oh Lord, My Liberty Take all my Will, My Mind, My Memory

All things I hold, and and all I own are thine

Thine was the gift, to thee, I all resign

Do Thou direct, and Govern all and sway Do what Thou wilt, command, and I Obey

Only Thy grace, Thy Love on me bestow This make me rich, all else will I forego

16 21

Page 17: Misalette - Mark and Em

kaligayahan kapiling ang Panginoon,

manalangin tayo sa Panginoon...

Lahat: Isinasamo namin, dinggin Mo kami.

Pari: O Diyos na walang hanggan at

makapangyarihan, tunghayan Mo ng buong awa

ang Iyong mga lingkod. Loobin mong

magmahalan sila at maging tapat sa isa’t isa

habang buhay. Pagkatapos ng isang mahaba at

banal na pamumuhay, nawa’y gantimpalaan mo

sila ng kaligayahang walang hanggan, sampu ng

kanilang magiging mga supling at ng lahat ng

mahal sa kanila. Alang-alang kay Kristong

aming Panginoon.

Lahat: Amen.

Pagpapatong ng Belo

Pangunahing Maari lamang pong lumapit sa altar sina (Raymond -

Tagapagbasa : Veil Sponsor at Ivy -Veil Sponsor) upang

ipatong ang belo sa bagong kasal.

(Nakaluhod ang bagong kasal habang pinapatungan

ng belo.)

Mark Lester at Emilyn, ang belong ito ay sagisag ng

inyong pagsasama. Kayo ay dinamtan ng puti

noong kayo ay binyagan na sagisag ng bagong

buhay na malinis at maligaya sa piling ng

Panginoon. Kayo ngayon ay magsusuot nito sa

inyong pagpasok sa bagong buhay Kristyano na

magkasama. Nawa’y itulot ng Espiritu Santo na

Em: Mark Lester, sa pagsuot mo ng singsing na ito, nawa’y

ang ating mga buhay ay maging isa. Ibinibigay

ko ang aking buong pagkatao, pag-ibig, at

katapatan. Mula sa araw na ito hanggang

magpakailanman, ako ay lalagi sa iyong tabi.

Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagdulot

Niya ng pagdating mo sa aking buhay.

Pari: Hawakan ninyo ang aras. Ito ang sagisag ng

kasaganahang inyong pagsasaluhan bilang isa.

Inyong laging pakakatandaan na anumang mga

biyayang dumating sa inyong buhay ay galing sa

Panginoon. Gamitin niyo ito sa pagpupuri sa

Kanya.

Mark Lester: Emilyn, tanggapin mo ang aras na ito bilang

simbolo ng aking pagsusumikap na maitaguyod

ang ating magiging pamilya. Sa ngalan ng Ama,

ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Em: Mark Lester, tinatanggap ko ito bilang sagisag ng iyong

pagbibigay at pagtitiwala. Nawa’y matutunan

ko itong ingatan at gamitin ng wasto upang

tayo’y makapagtayo ng isang tunay na

Kristiyanong tahanan. Sa ngalan ng Ama, ng

Anak, at ng Espiritu Santo.

Pagtanggap ng Bibliya

Pari: Tanggapin ninyo itong bibliya, ang sagisag ng

inyong pananampalataya. Nawa’y matulungan

kayo nitong hanapin ang tamang daan tungo sa

mabuting pagsasama bilang mag-asawa. Sa

ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Mark Lester at Emilyn: Tinatanggap po namin ito. Sa ngalan ng Ama,

ng Anak, at ng Espiritu Santo.

20 17

Page 18: Misalette - Mark and Em

Pagsisindi ng Kandila ng Pagkakaisa

Pangunahing Maaari na pong maupo ang mga magulang at

Tagapagbasa: mga ninong at ninang nina Mark Lesterat Emilyn upang

ating masaksihan ang kanilang pagsindi ng

Kandila ng Pagkakaisa.

(Sisindihan ng bagong kasal ang Kandila ng

Pagkakaisa.)

Ang kanilang pagsindi ng iisang kandila ay

nangangahulugang magmula sa araw na ito’y

sila ay hindi lamang mga taong nagmamahal sa

isa’t-isa. Ito ay sagisag na ang kanilang pag-ibig

ang nagbubuklod sa kanila bilang isa sa mata ng

Panginoon.

Pari: At kayong nagsidalo sa kasalang ito, bilang

patunay ng inyong pagsang-ayon sa kanilang

pag-iisang dibdib, hinihiling ko ang inyong

masigabong palakpakan.

(Palakpakan ang lahat.)

Pangunahing

Tagapagbasa: Magsitayo po ang lahat.

Panalanging Bayan

Pari: Mga minamahal, idalangin natin ang Simbahan

at ang bagong kasal, na ang kanilang pag-iisang

dibdib ay larawan ng pagkakaisa ni Kristo at ng

Simbahan. Pagkatapos ng bawat kahilingan,

ating sabihin: Isinasamo namin, dinggin Mo

kami.

Tagapagbasa: Para sa Simbahang laganap sa buong daigdig, sa

mga namumuno sa kanya at sa ating bayan,

manalangin tayo sa Panginoon...

Lahat: Isinasamo namin, dinggin Mo kami.

Tagapagbasa: Para sa mga nahihirapan at maysakit, at para sa

lahat ng nagdurusa at namimighati, manalangin

tayo sa Panginoon...

Lahat: Isinasamo namin, dinggin Mo kami.

Tagapagbasa: Para kina Mark Lester at Emilyn, upang magkaisa sila sa

puso at damdamin habang buhay, manalangin

tayo sa Panginoon…

Lahat: Isinasamo namin, dinggin Mo kami.

Tagapagbasa: Para sa mga magulang nina Mark Lester at Emilyn, na

ibinigay ang kanilang buhay sa pagpapalaki ng

kanilang mga anak sa paraang ninais ng

Panginoon, upang tulutan sila ng kalusugan at

katahimikan ng isip, manalangin tayo sa

Panginoon...

Lahat: Isinasamo namin, dinggin Mo kami.

Tagapagbasa: Para sa mga kapamilya, kaanak, at mga kaibigan

nina Mark Lester at Emilyn, nawa’y tulutan sila ng

Panginoon ng kaligayahang kanilang hanap,

manalangin tayo sa Panginoon...

Lahat: Isinasamo namin, dinggin Mo kami.

Tagapagbasa: Para sa mga mag-asawa na naririto ngayon,

nawa’y lalong pagtibayin ng Panginoon ang

kanilang pagsasama, manalangin tayo sa

Panginoon...

Lahat Isinasamo namin, dinggin Mo kami.

Tagapagbasa: Para sa ating mga mahal sa buhay na pumanaw

na, nawa’y mahanap nila ang katihimikan at

18 19