10
NATIONAL UNIVERSITY Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Agham PANGGITNANG PAGSUSULIT Siya Galing siya sa pamilyang butas ang bulsa. Kinupkop siya ng aking ina na mababa ang loob, noong tatlong buwang sanggol pa lamang siya. Inaruga tulad ng isang tunay na anak, pinag-aral at itinuring na kapamilya. Ang aming ilaw ng tahanan ay makapal ang palad at disiplinado, pagdating sa amin, dalawa ang bibig nya. Hindi ko alam pero lumaki siyang mabigat ang kamay, mahaba ang buntot, at naging malikot ang kamay dahil umaasta siyang mayaman sa harap ng iba.Mahangin talaga ang ulo nya. Makati rin ang paa kaya madalas siyang napapagalitan; at sa tuwing nasesermonan ay nakapinid ang tainga. Matigas ang ulo at . balat kalabaw kahit minsan nagiging matalas na rin ang dila ni Inay sa kanya. Kahit anong pangaral sa kanya, isa talaga siyang hampas lupa at walang plano sa buhay. Ewan ko ba talagang kumukulo ang dugo ko sa kanya. Nagbubulakbol pa siya sa eskwela at tuwing nasa bahay ay takaw-tulog. Isang araw lumayas siya sa amin, nabalitaan naming nakipagtanan daw ito. May nagsabi ring buntis daw ito kaya lumayo. Nasaktan si Ina sa paglisan niya, alam kong mahal na mahal niya ito sa kabila ng lahat. Tinanggap nya pati ang sanga-sangang dila, ang taingang kawali at ang kawalang galang nito sa kanya. Kawawa talaga siya, di nya naisip ang kanyang kinabukasan. Sana umuwi siya isang araw at magbago na. SEMANTIKA I. Pag-unawa sa Binasa Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang ang sagot. ____1. Ang kahulugan ng butas ang bulsa ayon sa binasa ay; a. walang salapi b. walang pangtustos c. walang pambili d. walang maibenta 1

Midterm Exam Filipino-1 - Copy

Embed Size (px)

DESCRIPTION

eksaminasyon

Citation preview

Page 1: Midterm Exam Filipino-1 - Copy

NATIONAL UNIVERSITYKolehiyo ng Edukasyon, Sining at Agham

PANGGITNANG PAGSUSULIT

 Siya

       Galing siya sa pamilyang butas ang bulsa. Kinupkop siya ng aking ina na mababa ang loob, noong tatlong buwang sanggol pa lamang siya. Inaruga tulad ng isang tunay na anak, pinag-aral at itinuring na kapamilya.

       Ang aming ilaw ng tahanan ay makapal ang palad at disiplinado, pagdating sa amin, dalawa ang bibig nya. Hindi ko alam pero lumaki siyang mabigat ang kamay, mahaba ang buntot, at naging malikot ang kamay dahil umaasta siyang mayaman sa harap ng iba.Mahangin talaga ang ulo nya. Makati rin ang paa  kaya madalas siyang napapagalitan; at sa tuwing nasesermonan ay nakapinid ang tainga. Matigas ang ulo at . balat kalabaw kahit minsan nagiging matalas na rin ang dila ni Inay sa kanya.

      Kahit anong pangaral sa kanya, isa talaga siyang hampas lupa at walang plano sa buhay. Ewan ko ba talagang kumukulo ang dugo ko sa kanya. Nagbubulakbol pa siya sa eskwela at tuwing nasa bahay ay takaw-tulog.

      Isang araw lumayas siya sa amin, nabalitaan naming nakipagtanan daw ito. May nagsabi ring buntis daw ito kaya lumayo. Nasaktan si Ina sa paglisan niya, alam kong mahal na mahal niya ito sa kabila ng lahat. Tinanggap nya pati ang  sanga-sangang dila, ang taingang kawali at ang kawalang galang nito sa kanya. Kawawa talaga siya, di nya naisip ang kanyang kinabukasan. Sana umuwi siya isang araw at magbago na.

SEMANTIKAI. Pag-unawa sa Binasa Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang ang

sagot.

____1. Ang kahulugan ng butas ang bulsa ayon sa binasa ay;a. walang salapi b. walang pangtustosc. walang pambili d. walang maibenta

____2. Ang kahulugan ng mababa ang loob ayon sa binasa ay;a. mapangkupkop b. maawainc. mapagmahal d. maunawain

____3. Ang kahulugan ng makapal ang palad ayon sa binasa ay;a. masipag maghanap ng trabaho b. masipag sa trabahoc. masipag makatrabaho d. masipag magbigay ng

trabaho.____4. Ang kahulugan ng dalawa ang bibig ayon sa binasa ay;

a. mabunganga b. mahilig magsalitac. nakikipagdebate d. nakikipagtalo

____5. Ang kahulugan ng mabigat ang kamay ayon sa binasa ay;a. tamad kumilos b. tamad magtrabahoc. tamad gumalaw d. tamad makisalamuha

1

Page 2: Midterm Exam Filipino-1 - Copy

____6. Ang kahulugan ng mahangin talaga ang ulo ayon sa binasa ay;a. mapagmalaki b. mayabangc. mahilig magkwento ng hindi totood. mahilig ipagmalaki ang sarili sa mga kaibigan

____7. Ang kahulugan ng makati rin ang paa ayon sa binasa ay;a. mahilig sa gala b. mahilig pumasyal sa kasintahanc. mahilig makipagsosyalan d. mahilig pumasyal sa kaibigan

____8. Ang kahulugan ng balat kalabaw ayon sa binasa ay;a. hindi marunong makinig ng payob. hindi tinatablan ng hiyac. hindi tinatablan ng sakit d. hindi madaling magkasakit

____9. Ang kahulugan ng matalas na rin ang dila ayon sa binasa ay;a. masakit magsalita b. mapanghamakb. masakit pakinggan d. mapangtuligsa

____10. Ang kahulugan ng sanga-sangang dila ayon sa binasa ay;a. sinungalingb. mapaggawa ng kwentoc. malihim sa tunay na pangyayari

Teksto at Konteksto ng DiskursoII. May Pagpipilian Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang ang

sagot.____1. Ito ay isang verbal na pagpapahayag na pasalita at pasulat; isang verbal na palitan; isang konbersasyon; isang pormal na mahabang diskusyon/ talakay sa isang partikular na sabjek o isang proseso ng verbal na pag-uusap gamit ang pangangatwiran.

a. konteksto b. tekstoc. diskurso d. teoryang speech act

____2. Sa verbal/oral na pagpapahayag, ito ang tinig/boses na ating sinasab, sa pasulat na diskurso ito ang mga linya o isteytment na ating binabanggit sa ating diskursong isinusulat, dito natin ipinapahayag ang ating talino.

a. konteksto b. tekstoc. diskurso d. teoryang speech act

____3. Ito ay binubuo ng mga kultural, historikal, sikolohikal na elementong nakapaloob sa teksto na kabahagi sa pagbibigay ng kahulugan sa ipinahayag(pasalita o pasulat) man.

a. konteksto b. tekstoc. diskurso d. teoryang speech act

____4. Pinag-aralan ni John L. Austin na ang pangunahing kraytirya ay kung totoo o

2

Page 3: Midterm Exam Filipino-1 - Copy

hindi ang sinasabi, kungdi kung paaano nagampanan ng tama o apropriyet, may lugod at naaayon sa konbensyon, tuntunin o regulasyon na kinikilala pareho ng tagapagsalita o tumatanggap ng mensahe.

a. konteksto b. tekstoc. diskurso d. teoryang speech act

____5. Ito ay tumutukoy sa pagsasabi ng anuman sa karaniwan pamamaraan (an act of saying something)nang hindi nangangailangan ng aksyon; halimbawa nito ay “masaya ako.”

a. illocutionary b. perlocutionaryc. indirect speech act d. locutionary

____6. Ito ay ang pagsasagawa ng aksyon/akto sa pagsasabi ng anuman (the performance of an act in saying something) hindi lamang sinabi ang nasabing bagay kungdi isagawa pa ito.

a. illocutionary b. perlocutionaryc. indirect speech act d. locutionary

____7. Ito ay awtomatikong pagsasagawa ng isang bagay at kung ano ang ibig sabihin ng pangungusap na sinambit o kaya’y hindi buong-buo ang diwa/ di detalyado ang pangungusap ay awtomatikong naiintindihan pa din; halimbawa, Ang pagsasabing Peter! Sa halip na Peter, pwede mo bang hugasan ang pinggan? Kung gustong makiusap para maghugas ng pinggan si Peter ay imumuwestra o ituturo na lamang.

a. illocutionary b. perlocutionaryc. indirect speech act d. speech act

____8. Ang pagbabago ng wika ay bunga ng impluwensya ng mga sosyal at kultural na factor; maaring resulta ng kontak at panghihiram, o bunga ng imahinasyon ng isip ng tao.

a. teoryang variationist b. teoryang pragmatiksc. teoryang speech act d. direct speech act

____9. Ito ay tumutukoy kung paano ginamit ng tao (tagapagsalita) ang wika sa konstekto ng isang partikular na paraan; kung paanong ang panahon (time), lugar (place), at sosyal na relasyon (social relationship) sa pagitan ng tagapagsalita ay tagatanggap ay nakaaapekto sa pagsasagawa ng aksyon.

3

Page 4: Midterm Exam Filipino-1 - Copy

a. teoryang variationist b. teoryang pragmatiksc. teoryang speech act d. speech act

____10. Ito raw ang nagpapalinaw ng mga karakter; aksyon at larawan ng mundog ipinapahayag ng pangungusap.

a. illocutionary b. perlocutionaryc. indirect speech act d. speech act

Bagong Ortograpiyang Filipino at EstrakturaIII. May Pagpipilian Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang ang sagot.___1. Ang tawag sa binago o pinagyamang dating ABAKADA.

a. Bagong Alpabetong Filipino b. Alibatac. Abecedario d. Ang Higit na Pinagyamang ABAKADA

___2. Ito ay magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.a. Kudlit b. Klasterc. Diptonggo d. Sintaksis

___3. Tinatawag itong malayang morpema na nakapag-iisa.a. Salitang-ugat b. Morpemac. Morpolohiya d. Sintaksis

___4. Bilang ng dinagdag na titik na tinanggihan ng Malakanyang. a. Apat b. Tatlo c. Dalawa d. Anim

___5. Ang Bagong Alpabetong Filipinoa. 28 Titik b. 26 Titikc. 20 Titik d. 25 Titik

___6. Formulasyon o pagbuo ng salitaa. Morpolohiya b. Semantikac. Morpoponemiko d. Sintaksis

___7. Ang sikolohikal na pakahulugan ng mga salitaa. Morpolohiya b. Semantikac. Sintaksis d. Morpoponemiko

___8. Ang word order o ayos ng mga salita sa isang pangungusap.a. Sintaksis b. Morpolohiyac. Morpoponemiko d. Semantika

___9. Ang pinakamaliit na yunit ng tunoga. Ponema b. Morpemac. Ponolohiya d. Morpolohiya

___10. Ito ay tumutukoy sa denotasyon at konotasyon na kahulugan ng mga salita.

a. Sintaksis b. Morpolohiyac. Morpoponemiko d. Semantika

Modelo ng Komunikasyon IV. MAY PAGPIPILIAN (Multiple Choice)Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang ang sagot.____ 1. Ipinakita niya ang kanyang modelo sa pamamagitan ng dayagram na SMCR (Source, Message, Channel, Receiver) ayon sa kanya kapag mahusay ang

kasanayan sa komunikasyon ng parehong tagapagsalita at tagatanggap ay mas epektibo ang paghahatid at pag-unawa ng mensahe.

4

Page 5: Midterm Exam Filipino-1 - Copy

a. George Herbert Mead b. Harold Lasswell c. David Berlo d. Shannon at Weaver____ 2. Nagpakilala ng isang modelong paraan kung paanong mas mapapadali ang komunikasyon sa pamamagitan ng “Mathematical Theory of Communication”. Ayon sa teorya, ang paghahatid ng mensahe ay nangangailangan ng electronic signal na binubuo ng “information source” ang mensahe, ang transmitter, ang signal at ang resiver.

a. George Herbert Mead b. Harold Lasswell c. David Berlo d. Shannon at Weaver____ 3. Siya ang tinaguriang “Father of Communication Study” na nagbigay ng empasis sa proseso ng encoding at decoding. Sinamahan niya ito ng “human behaviour” na tumutukoy sa pagbibigay ng kahulugang denotasyon at konotasyon. a. Charles Osgood b. Wilbert Lang Schramm c. David Berlo d. Shannon at Weaver____ 4. Ang kanyang modelo ay ay nagpapahintulot sa pag-iiterpreta ng mensahe na may impluwensya ng kagamitang pisikal- (telepono, telebisyon, mikropono, atbp.); semantika(distraksyon, gulang, atityud atbp.) at ingay (noise).

a. Charles Osgood b. Wilbert Lang Schramm c. David Berlo d. Shannon at Weaver____ 5. Ipinakilala niya ang ”who says what?, to whom?, in which medium?, with what effect? na tumutukoy sa mga elemento transmisyon o paghahatid ng mga mensahe.

a. George Herbert Mead b. Harold Lasswell c. David Berlo d. Shannon at Weaver____ 6. Ang kanyang modelong Simbolik Interaksyonist (Symbolic Interactionist) ay nagsasabing ang lawak ng pag-alam ay lawak ng pagbibigay ngalan ng karunungan sa mga bagay na ting naeengkwentro o nakikita.

a. George Herbert Mead b. Harold Lasswell c. David Berlo d. Shannon at Weaver____ 7. Ang kanyang “Meditational Theory of Meaning” nanagpaliwanag hinggil sa kahulugan ng anumang informasyon na maaaring tukuyin sa pamamagitan ng tatlong dimensyon: ebalwasyon ( kung ito ay mabuti o masama); lakas (potensi); at aktibiti (gaano ito kabilis)

a. Charles Osgood b. Wilbert Lang Schramm c. David Berlo d. Shannon at Weaver____ 8. Ayon sa pag-aaral ni Shannon, anong semantikang epekto ng komunikasyon Ang nakaakit sa iyo ang pisikal na kaanyuan ng kausap mo, sa halip na sa sinasabi/mensahe nakapokus, sa kanyang mata ka nakatitig at nawawala ang konsentrasyon sa sinasabi.

a. Atityud sa Tagapagsalita b. Distraksyon c. Atityud sa mensahe d. Kowd ____ 9. Ayon sa pag-aaral ni Shannon, kung minsan, ayaw nating pakinggan ang ang para satin ay maling paniniwala ng ating kausap. Para sa atin ay walang katuturan at pag-aaksaya lamang ang kanyang ginagawa, May ingay tayong nararamdaman sa sarili natin hinggil sa sinasabi ng kausap. Ramdam natin kung tayo’y binobo, dahil batid natin na taliwas iyon sa iyong nalalaman.

a. Atityud sa Tagapagsalita b. Distraksyon c. Atityud sa mensahe d. Kowd

5

Page 6: Midterm Exam Filipino-1 - Copy

____ 10. Ito’y tumutukoy hinggil sa pananaw, pag-kakaunawa, paniniwala o haka sa mga taong nag-uusap kung anong wika ang nababagay na kanilang gamitin sa pag-uusap na madalas ay nagbibigay ng di inaasahang ekspektasyon.

a. Atityud sa Tagapagsalita b. Distraksyon c. Atityud sa mensahe d. KowdV. Sintaks:Panuto: Isulat ang titik sa patlang na may pinakabuo ang diwa at mahusay ang pagkakaayos.

_____1. a. Laging galit si Gina b. Galit si Gina lagi. c. Si Gina laging galit

_____2. a. Pagod na pagod si Pete pagkatapos ng maghapong paglalaro. b. Sa maghapong paglalaro, si Pete ay pagod na pagod.

c. Pinagpapagod si Pete ng maghapong paglalaro

_____3. a. Hairdresser ang magandang mag-make-up b. Ang hairdresser ay maganda ang make-up. c. Magandang mag-make-up ang hairdresser

_____4. a. Luksong-tinik ang paborito niyang laro b. Tinik-lukso ang larong paborito niya c. Paborito niya ang luksong-tinik bilang laro.

_____5. a. Init ang dahil sa pawisang katawan ni John b. Pawisan ang katawan ni John dahil sa init. c. Sa init napawisan ang katawan ni John.

_____6. a. Naniniwala siya sa sabi-sabi. b. Sa sabi-sabi ang pinaniwalaan niya. c. Ang paniwala niya ay sabi-sabi.

_____7. a. Lumabas na ang katotohanan. b. Ang katotohanan ay naglabas na. c. Naglabas na ang katotohanan.

_____8. a. Nag-iisip siya nang malalim. b. Nagkuro siya ng malalim. c. Malalim ang iniisip niya.

_____9. a. Tumambad sa kanya ang pangyayari. b. Lumantad sa kanya ang pangyayari. c. Humarap sa kanya ang pangyayari.

_____10. a. Humahangos siyang dumating. b. Naiinip siyang dumating. c. Nagtatampo siyang dumating.

6

Page 7: Midterm Exam Filipino-1 - Copy

Ang Kahulugan ng Body LanguageVI. PAGTATAPAT-TAPAT (Matching Type)Panuto: Ano kahulugan ng mga sumusunod na “body language”? Hanapin sa kolum B ang pinakamalapit na kahulugan. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.___1. Pagbibigay ng high five a. pagkakaibigan___2. Paglakad ng padabog b. di interesado/ walang interes___3. Pagtatakip ng ilong c. pagkapahiya___4. Pag-akbay sa tao d. ayaw sumunod___5. Pagkibit-balikat e. Pagkahiya o nahihiya___6. Kausap mo subali’t nakatingin sa malayo f. Pag-aaruga/ pagmamahal___7. Paghaplos sa likod g. pagkatuwa___8. Pamumula ng mukha i. Pagwawalang bahala___9. Pagtatakip ng mukha j. Mabaho ang naaamoy___10. Paghalukipkip k. Pagkamayabang/pagmamalakiVII. SANAYSAYPanuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Sampung puntos bawat isa.A. Papaano makatutulong ang dimensyon ng diskurso sa pag-aaral ng wika ng mga mag- aaral.B. Bakit mahalaga ang Proklamasyon blg. 1041 na nagtatalaga na ang Agosto ay Buwan ng Wikang Filipino?

Inihanda nina:Prop. Ferdinand D. PiñonProp. Arnold L. CayDr. Ricardo M. Matibag

7