19
Sistema ng Proteksyon at Pagtataguyod ng California Libreng Tawag (800) 776-5746 Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang Pangangasiwa Oktubre 2015, Lat. #5493.08 Ang pangangalagang pangangasiwa ay isang serbisyo mula sa Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay (IHSS, In-Home Supportive Services) para sa mga tao na, dahil sa kapansanan sa kaisipan o sakit sa kaisipan, ay kinakailangang subaybayan nang 24 oras bawat araw upang protektahan sila mula sa mga pinsala, panganib o aksidente. Ang tagapagbigay ng serbisyong IHSS ay maaaring bayaran upang subaybayan at bantayan ang isang bata o nasa gulang na may kapansanan kung kailangan nito ng 24 oras na pangangasiwa at maaaring manatili sa bahay nang ligtas kung ito ay ibinigay. Libro ng Patakaran at mga Pamamaraan (MPP, Manual of Policy and Procedures) 30-757; MPP 30-757.173(a). Ang pangangalagang pangangasiwa ay maaaring mahirap makuha at mangangailangan ng malinaw na dokumentasyon ng pangangailangan ng serbisyo. Ginawa ang paglalathalang ito upang matulungan kang maintindihan ang mga pamantayan ng pagiging karapatdapat para sa pagkuha ng pangangalagang pangangasiwa at matulungan kang hamunin ang pagtanggi kung ang mga serbisyo ng pangangalagang pangangasiwa ay itinanggi. Naglalaman ang paglalathalang ito ng nakalakip na materyales, na kakailanganin mo upang humiling ng pangangalagang pangangasiwa at maghanda para sa isang pagdinig. 1) Pagtatasa ng Pangangailangan para sa Pangangalagang Pangangasiwa para sa Programa ng mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay (SOC, 821 (3/06)) (Assessment of Need for Protective Supervision for In-Home Supportive Services Program [SOC, State of California]). - Ang form na ito ay kukumpletuhin ng doktor ng tumatanggap ng IHSS.

Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

  • Upload
    lyanh

  • View
    277

  • Download
    7

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Sistema ng Proteksyon at Pagtataguyod ng California Libreng Tawag (800) 776-5746

Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang Pangangasiwa

Oktubre 2015, Lat. #5493.08

Ang pangangalagang pangangasiwa ay isang serbisyo mula sa Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay (IHSS, In-Home Supportive Services) para sa mga tao na, dahil sa kapansanan sa kaisipan o sakit sa kaisipan, ay kinakailangang subaybayan nang 24 oras bawat araw upang protektahan sila mula sa mga pinsala, panganib o aksidente. Ang tagapagbigay ng serbisyong IHSS ay maaaring bayaran upang subaybayan at bantayan ang isang bata o nasa gulang na may kapansanan kung kailangan nito ng 24 oras na pangangasiwa at maaaring manatili sa bahay nang ligtas kung ito ay ibinigay. Libro ng Patakaran at mga Pamamaraan (MPP, Manual of Policy and Procedures) 30-757; MPP 30-757.173(a).

Ang pangangalagang pangangasiwa ay maaaring mahirap makuha at mangangailangan ng malinaw na dokumentasyon ng pangangailangan ng serbisyo. Ginawa ang paglalathalang ito upang matulungan kang maintindihan ang mga pamantayan ng pagiging karapatdapat para sa pagkuha ng pangangalagang pangangasiwa at matulungan kang hamunin ang pagtanggi kung ang mga serbisyo ng pangangalagang pangangasiwa ay itinanggi. Naglalaman ang paglalathalang ito ng nakalakip na materyales, na kakailanganin mo upang humiling ng pangangalagang pangangasiwa at maghanda para sa isang pagdinig.

1) Pagtatasa ng Pangangailangan para sa Pangangalagang Pangangasiwa para sa Programa ng mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay (SOC, 821 (3/06)) (Assessment of Need for Protective Supervision for In-Home Supportive Services Program [SOC, State of California]). - Ang form na ito ay kukumpletuhin ng doktor ng tumatanggap ng IHSS.

Page 2: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Pahina 2 ng 19

2) Halimbawang Sulat ng Doktor para sa Pangangalagang Pangangasiwa (Protective Supervision Sample Doctor’s Letter). – Ang form na ito ay kukumpletuhin ng doktor ng tumatanggap ng IHSS. Kailangan ding magbigay ang doktor ng tumatanggap ng kopya ng talaan ng Panganib at Pinsala ng tumatanggap upang makumpleto ang form na ito.

3) Plano ng 24-Oras-Bawat-Araw na Saklaw ng Pangangalagang Pangangasiwa (SOC 825 (6/06) (Protective Supervision 24-Hours-a-Day Coverage Plan). – Ikaw ang sasagot sa form na ito.

Bakit mahalaga ang pangangalagang pangangasiwa? Ang mga taong karapatdapat para sa pangangalagang pangangasiwa ay palaging binibigyan ng pinakamataas na bilang ng buwanang oras. Ang pinakamataas na bilang ng oras ng IHSS para sa isang taong itinuturing na hindi malubha ang kapansanan ay 195 oras bawat buwan. Ang pinakamataas na bilang ng oras ng IHSS para sa isang taong itinuturing na malubha ang kapansanan ay 283 oras bawat buwan.

Upang maituring na “malubha ang kapansanan” (“severely impaired”), ang isang indibidwal ay dapat may pangangailangan na dalawampu o higit pang oras bawat linggo sa isang larangan ng hindi medikal na mga serbisyong personal, paghahanda ng pagkain, pagliligpit ng pagkain kung kinailangan ang paghahanda ng pagkain at pagpapakain, at mga serbisyong paramediko (MPP 30-701(s)(1)).

Malalaman mo kung ang tumatanggap ay tumatanggap ng 20 o higit pa sa mga serbisyong ito sa pamamagitan ng pagtingin sa abiso ng aksyon ng tumatanggap. Ang biso ay may kahong may bituin, na nakalagay sa gitnang mababang kalahati ng form. Naglilista ito ng bilang ng oras na awtorisadong ibigay ang mga serbisyong ito.

Gayunpaman, mangyaring tandaan na mayroong bagong programa kung saan ang mga indibidwal ay makakukuha ng IHSS, na tinatawag na Opsyon ng Unang Pagpipilian ng Komunidad (CFCO, Community First Choice Option). Ang mga indibidwal na itinuring na hindi malubha ang kapansanan at tumatanggap ng pangangalagang pangangasiwa ay

Page 3: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Pahina 3 ng 19

magiging karapatdapat para sa 195 oras na pangangalagang pangangasiwa, dagdag pa ang mga oras para sa ibang serbisyo, hanggang sa pinakamataas na 283 oras bawat buwan. Tingnan, http://www.dss.cahwnet.gov/lettersnotices/EntRes/getinfo/acl/2014/14-60.pdf

Kailan makakukuha ng pangangalagang pangangasiwa ng IHSS?

Ang mga indibidwal na karapatdapat para sa pangangalagang pangangasiwa ay dapat na may:

1) Isang “kapansanan sa kaisipan” (“mental impairment”) o “sakit sa kaisipan” (“mental illness”) na nagsasanhi sa mga limitasyon sa pagganap sa: - Alaala (hal. pagkalimot ng mga bagay, tao, lugar, pagsisimula o

pagtatapos ng gawain, atbp.) - Pag-aangkop (hal. kawalan ng kakayahang kumilala at iakma sa

oras, mga tao, mga lugar, kapaligiran, paligid, atbp., kinakailangan upang mamuhay at makumpleto ang mga gawain.)

- Pagpapasya (hal. pagdedesisyon kung saan nalalagay ang kalusugan at/o kaligtasan ng indibidwal sa panganib),

At

2) Ang mga kapansanan ay dapat magsanhi sa tumatanggap na makaranas ng pagkagulo at kawalan ng kakayahan na pamahalaan ang sariling pag-uugali upang mapanatiling ligtas at malaya sa kapahamakan at pinsala ang kanyang sarili. MPP 30-757.171. Halimbawa, ang isang tumatanggap ng IHSS na hindi nauunawaan kung ano ang maaari o hindi niya maaaring gawin at walang pangangalagang pangangasiwa ay nasa panganib ng pinsala mula sa pagtatangkang gawin ang mga bagay na lampas sa kanyang kakayahan. Ang ganitong mga malubhang kapansanan ay maaaring kasama ng pagpaparahan sa kaisipan, autism, Alzheimer’s, demensya at kapansanan na pangkaisipan. Gayunpaman, hindi awtomatikong nagiging karapat-dapat ang tumatanggap ng IHSS para

Page 4: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Pahina 4 ng 19

sa pangangalagang pangangasiwa sa pagkakaroon lamang ng isa sa mga kapansanang ito.

At

3) Dapat ding matukoy ng county na ang tumatanggap ay kailangang ma-obserbahan dalawampu't apat na oras sa isang araw upang ang tumatanggap ay ligtas na manatili sa bahay. MPP 30-757.173. Hindi nangangahulugan na ang tagapagbigay ay naroroon at pinapanood ang indibidwal sa lahat ng oras. Maaaring kasama rito ang pag-obserba sa indibidwal sa ilang alternatibong paraan habang ang isang indibidwal ay naiiwang mag-isa sa loob ng takdang haba ng panahon. MPP 30-172.(b)(3) at Lahat ng mga Sulat ng County (ACL, All County Letters) 98-87.

Kinakailangan ding ipaliwanag ng kawani ng county ang pagkakaroon at pangangailangan para sa mga serbisyong pangangalagang pangangasiwa at kung ang pangangalaga sa labas ng bahay ay isang angkop na alternatibo o hindi sa pangangalagang pangangasiwa. MPP 30-757.174.

Kailan hindi magagamit ang Pangangalagang Pangangasiwa? Ang pangangalagang pangangasiwa ay hindi papahintulutan kung ang pangangailangan ng pangangalagang pangangasiwa ay para sa:

- Sosyal na pagbisita o pakikisalamuha - Kapag ang pangangailangan ay sanhi ng isang medikal na kalagayan

at ang tao ay nangangailangan ng medikal na pangangasiwa (hal. pagbabantay sa tumatanggap at paghihigop o pagbabaling sa tumatanggap upang maiwasan ang hindi paghinga)

- Inaasahang isang medikal na emerhensiya (hal. malubhang kapansanan sa pagganap ng katawan o malubhang panghihina sa pagganap ng anumang bahagi ng katawan o bahagi ng organo. Kabilang sa mga halimbawa ang stroke, pangingisay o atake sa puso o hika).

- Pagpipigil ng anti-sosyal o agresibong pag-uugali ng tumatanggap (hal. pagkasangkot sa away o pagsira ng ari-arian).

Page 5: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Pahina 5 ng 19

- Pagbabantay laban sa sinasadyang (ibig sabihin, pagkatapos ng maingat na pagsasaalang-alang ng epekto at kahihinatnan) mapanirang pag-uugali sa sarili, tulad ng pagpapakamatay, o kapag ang mga indibidwal ay sadyang nagbabalak na ipahamak ang kanyang sarili. (MPP 30-757.172)

Magagamit ba ang pangangalagang pangangasiwa para sa mga bata? Oo. Ang isang bata ay maaaring makatanggap ng pangangalagang pangangasiwa. Gayunpaman, ang bata ay dapat na nangangailangan ng mas malapitang pangangasiwa kaysa sa iba pang mga batang nasa parehong edad.

Dapat masuri ng kawani ng county ang lahat ng pagganap ng kaisipan ng mga bata base sa indibidwal na batayan at magbigay ng pangangalagang pangangasiwa batay sa indibidwal na pangangailangan. Ang lahat ng mga bata na may kapansanan sa kaisipan ay dapat na masuri para sa pangangalagang pangangasiwa.

Hindi maaaring tanggihang bigyan ng pangangalagang pangangasiwa ang mga batay sa:

- Edad lamang, - Dahil ang bata ay hindi nagkaroon ng pinsala kamakailan lang, - Dahil ang magulang ay iniiwan ang bata nang nag-iisa sa loob ng

takdang haba ng panahon, tulad ng limang minuto. Dapat isaalang-alang ng county ang lahat ng mga katunayan sa pagtukoy ng pangangailangan ng pangangalagang pangangasiwa, kabilang ang mga bagay tulad ng edad, kakulangan ng mga pinsala, pagkawala ng mga magulang.

Dapat ding makipag-usap ang county sa magulang o tagapag-alaga ng bata tungkol sa pagkakaroon at pagiging karapat-dapat para sa pangangalagang pangangasiwa at hindi ipagpalagay na maaaring mabigay ng mga magulang o tagapag-alaga ang mga serbisyo nang libre. (ACL 98-87)

Page 6: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Pahina 6 ng 19

Pagdodokumento ng pag-uugali sanhi ng kapansanan sa kaisipan o karamdaman upang ipakita ang pagiging karapat-dapat para sa pangangalagang pangangasiwa Upang ipakita ang pagiging karapat-dapat para sa pangangalagang pangangasiwa kailangan mong magbigay ng dokumentasyon na nagpapakita na dahil sa kapansanan sa kaisipan o sakit sa kaisipan ang tumatanggap ng IHSS ay nasa panganib ng pinsala kung iiwan nang walang pangangasiwa anumang oras sa panahon ng isang dalawampu't-apat na oras na araw. Ang dokumentasyon ay dapat magbigay ng mga halimbawa ng mga bagay na gagawin ng tumatanggap upang saktan ang kanilang sarili o ilagay sila sa kapahamakan kapag iniiwang mag-isa.

Kung hindi mo matukoy ang anumang mga mapanganib na pag-uugali na mayroon ang tumatanggap o mga bagay na gagawin ng tumatanggap na magsasanhi sa pinsala o maglalagay sa tumatanggap sa panganib kapag iniiwang mag-isa, malamang na ang iyong kahilingan para sa pangangalagang pangangasiwa ay matatanggihan.

Dapat na siguraduhin mo rin na magtabi ng kopya ng lahat ng mga dokumentasyon na inipon mo upang ipakita ang pagiging karapat-dapat para sa mga serbisyong pangangalagang pangangasiwa.

1) Gumawa ng isang Talaan ng panganib/Pinsala

Ang pinakamahusay na paraan upang ipakita ang pagiging karapat-dapat (ibig sabihin, ang pangangailangan para sa pangangalagang pangangasiwa) ay sa pamamagitan ng paglikha ng isang listahan o talaan upang idokumento ang bawat aksidente/pinsala o, muntikang aksidente/pinsala na nangyari sa tumatanggap sa loob ng nakaraang anim (6) na buwan o mas matagal pa kung kinakailangan.

Ang talaan o listahan na gagawin mo ay dapat na naglalarawan sa bawat kilos na ginawa ng tumatanggap na maaaring maging sanhi ng pinsala, o naglalagay sa tumatanggap sa panganib ng pinsala o kapahamakan, at kung gaano kadalas ito nangyayari.

Page 7: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Pahina 7 ng 19

Kasama sa ilang mga halimbawa ng mga uring ito ng mga pag-uugali ang: pag-iwan ng nakasinding sigarilyo sa kabuuan ng bahay, paggamit ng SOS pad upang paliguan at linisin ang kanyang sarili, paglilibot sa labas ng bahay at pagkakaligaw, pagpapasok ng estranghero sa loob ng bahay, pagsindi ng kalan at paglimot na patayin ang sindi nito, pagsindi ng maliliit na mga apoy sa paligid ng bahay, pag-iwan na dumadaloy ang tubig, pagkain ng mapanganib na mga produkto o hindi masusustansiyang mga pagkain, pag-untog ng ulo, pagkagat at pagkamot ng sarili, paggamit ng kutsilyo o iba pang mga hindi ligtas na mga bagay sa bahay, pag-akyat papunta sa isang mataas na dako at pagtalon dahil sinusubukan niyang lumipad, pagtatago sa likod ng refrigerator, pagpasok ng daliri sa loob ng saksakan ng bombilya upang makita kung gumagana ang kuryente, paggala sa kalye nang walang konsiderasyon sa palapit na trapiko, pagtalon sa swimming pool kahit hindi marunong lumangoy, pagsubok na ilipat ang mga kasangkapan kahit ang indibidwal ay kulang sa balanse at lakas na kinakailangan, pagsubok na tumayo mula sa kama kahit na ang indibidwal ay kulang sa kakayahan na gamitin o kontrolin ang kalamnan sa katawan upang gawin ito, pagsagawa ng anumang gawain na lampas sa kakayahang pangkaisipan o pisikal ng indibidwal na nagsasanhi ng pinsala o kapahamakan sa tatanggap.

Kung ang tumatanggap ay hindi pa nagkaroon ng isang aksidente o nalagay ang kanyang sarili sa isang mapanganib na sitwasyon kamakailan, ipaliwanag kung bakit. Halimbawa, ang indibidwal ay binabantayan nang 24 oras sa isang araw sa pamamagitan ng tagapagbigay na IHSS at mga miyembro ng pamilya upang maiwasan ang aksidente.

Maaari ka ring lumikha ng talang bahagi sa talaan ng panganib/pinsala na nagsasaad ng tungkol sa kung paano hindi maaaring baguhin ang bahay ng tumatanggap o gawing ganap na ligtas at/o alternatibong paraan kung saan ang indibidwal ay binabantayan kapag ang tumatanggap ng IHSS ay dapat na maiwang mag-isa sa loob ng takdang haba ng panahon (kung naaangkop). Halimbawa, ang tumatanggap ay maaaring maiwang mag-isa dalawang beses sa isang buwan upang ang miyembro ng pamilya ay mamili nang hindi lalampas sa 2 oras at ang tumatanggap ay binabantayan sa pamamagitan ng pagtanggap ng tawag sa telepono sa bahay bawat 20 minuto.

Page 8: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Pahina 8 ng 19

2) Kumuha ng mga sulat upang idokumento ang mga pangangailangan para sa pangangalagang pangangasiwa

Kumuha ng isang sulat mula sa sentrong pang-rehiyon o anumang iba pang mga mapagkukunan tulad ng pang-araw na programa o programa ng paaralan. Ang liham ay dapat naglalaman ng mga sumusunod na impormasyon:

- Ang edad ng tumatanggap, - Impormasyon tungkol sa kapansanan sa kaisipan ng (mga)

tumatanggap at/o sakit sa kaisipan, - Impormasyon tungkol sa kalubhaan ng mga limitasyon sa pagganap

na sanhi ng kapansanan sa larangan ng alaala, pag-aangkop, at pagpapasya,

- Isang paglalarawan ng kung paano ang mga limitasyon sa larangan ng alaala, pag-aangkop, at pagpapasya ay nagsasanhi ng pagkagulo at kawalan ng kakayahan na pamahalaan ang sariling pag-uugali (hal. kawalan ng kakayahan na makilala ang mga lugar, oras, tao, atbp.),

- Ang impormasyon tungkol sa kung ang indibidwal ay kailangang obserbahan at bantayan o hindi upang panatilihin silang ligtas at kung bakit (hal. Kapag ang tumatanggap ay gumagawa ng mga bagay na hindi ligtas, ang indibidwal ay sinasabihan at ang pag-uugali ay pipigilan),

- Magbigay ng halimbawa tungkol sa mga hindi ligtas na pag-uugali na mayroon ang indibidwal at kung gaano kadalas ito nangyayari.

Kumuha medikal na dokumentasyon ng pangangailangan para sa pangangalagang pangangasiwa

1) Kumuha ng isang form ng "Pagtatasa ng Pangangailangan para sa Pangangalagang Pangangasiwa para sa Programa ng mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay" (“Assessment of Need for Protective Supervision for In-Home Supportive Services Program”)(SOC 821 (3/06)) na nakumpleto ng doktor ng tumatanggap

Page 9: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Pahina 9 ng 19

Dapat makakuha ka ng isang kasalukuyang SOC 821 na nakumpleto ng doktor ng tumatanggap kapag humihiling ng mga serbisyo ng pangangalagang pangangasiwa. Magtabi ng kopya ng form para sa iyong talaan. Gagamitin ito ng county upang mangolekta ng impormasyon at gumawa ng pagpapasya tungkol sa pangangailangan para sa pangangalagang pangangasiwa. Ang form na SOC 821 ay maaaring ma-download sa: http://www.dss.cahwnet.gov/forms/english/SOC821.PDF.

Ang form na ito ay maaari lamang lagdaan ng isang medikal na propesyunal na may medikal na espesyalidad o saklaw ng pagsasanay sa larangan ng alaala, pag-aangkop, at pagpapasya. MPP 30-757.173(a)(1)(A).

Hihilingin ng form na SOC 821 sa doktor ng tumatanggap ang impormasyon tungkol sa pagganap sa mga larangan ng alaala, pag-aangkop, at pagpapasya ng tumatanggap. Ang form na ito ay hihingi rin ng impormasyon tungkol sa anumang mga pinsala o aksidente na nangyari sa tumatanggap na sanhi ng kakulangan sa larangan ng alaala, pag-aangkop at pagpapasiya at, kung ang indibidwal ay maaari mailagay ang kanyang sarili sa mapanganib na sitwasyon o hindi.

Kadalasan, ipagkakaloob ng county ang pangangalagang pangangasiwa kung minarkahan ng doktor ng tumatanggap ang mga kahong "oo" sa mga una at pangalawang tanong sa form na SOC 821 at, minarkahan ang kahong "malubha" sa lahat ng larangan ng pagganap, at tatanggihan ang pangangalagang pangangasiwa sa lahat. Gayunpaman, dapat na gamitin ng county ang form na SOC 821 kasabay ng iba pang mahalagang impormasyon upang masuri ang pangangailangan ng pangangalagang pangangasiwa. Hindi sapat na ang (SOC 821) form lamang ang ginagamit upang ipakita ang pagiging karapat-dapat para sa pangangalagang pangangasiwa. (Kodigo ng Kapakanan at Institusyon [Welfare and Institution Code] § 12301.21 and MPP 30-757.173(a)(2) and (3)).

Tandaan: Kung nakumpleto ng doktor ng tumatanggap ang form na SOC 821 (3/06) dati at ipinahiwatig na ang tumatanggap ay hindi nangangailangan ng pangangalagang pangangasiwa at nagpahiwatig ng pangangailangan para sa pangangalagang pangangasiwa sa bagong nakumpletong SOC 821, dapat ipaliwanag ng doktor kung bakit nagkaroon

Page 10: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Pahina 10 ng 19

ng pagbabago sa mga pangangailangan. Halimbawa, ang doktor ay maaaring nag-tsek ng maling kahon o hindi alam kung paano kumpletuhin ang form.

2) Kumuha ng dagdag na sulat ng doktor na nagdodokumento ng pangangailangan para sa pangangalagang pangangasiwa (Kalakip 1)

Kumuha ng sulat ng doktor na nagdodokumento ng kapansanan ng tumatanggap (sakit sa kaisipan o kapansanan sa kaisipan), antas ng pagganap, kanyang edad, at naglalarawan kung paano nagsasanhi ang kapansanan sa mahinang pagpapasya, pagkagulo, mahinang alaala, o pagkalito. Maaari mong gamitin ang form sa dulo ng publikasyong ito upang makuha ang impormasyon na inilarawan sa itaas mula sa doktor ng tumatanggap.

Dapat na may kaunting kaalaman ang doktor sa mga pag-uugali at kakayahang pangkaisipan at pisikal ng indibidwal na ilagay ang kanyang sarili sa mapanganib na mga sitwasyon upang makumpleto nang maayos ang form sa paketeng ito o makapagbigay ng isang sulat na may kapaki-pakinabang na impormasyon tungkol sa kung paano nakahahadlang ang kapansanan ng tumatanggap na maiwang mag-isa. Maaari mong bigyan ang doktor ng tumatanggap ng kopya ng iyong talaan ng panganib/pinsala upang ibahagi sa doktor ang impormasyon tungkol sa mapanganib na pag-uugali na mayroon ang tumatanggap na humahadlang sa tao na maiwang mag-isa anumang oras sa panahon ng isang dalawampu't-apat na oras na araw.

Iba pang mga form na kailangan upang makakuha ng pangangalagang pangangasiwa

1) Ang form ng "PLANO NG 24-ORAS-BAWAT-ARAW NA SAKLAW NG PANGANGALAGANG PANGANGASIWA" (“PROTECTIVE SUPERVISION 24-HOURS-A-DAY COVERAGE PLAN”) (SOC 825 (6/6)) na nakumpleto ng doktor ng tumatanggap

Kung humihiling ka ng 24-oras na pangangalagang pangangasiwa, dapat kumpletuhin mo rin ang isang form ng SOC 825. Nangangailangan ang

Page 11: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Pahina 11 ng 19

form na ito na magbigay ka ng impormasyon tungkol sa kung paano ibibigay ang dalawampu't-apat na oras na pangangalagang pangangasiwa. MPP 30-757.173(a)(1)(A)(5).

Ang form na ito ay makukuha sa inyong lokal na opisina ng kapakanan ng county. Ito ay matatagpuan sa internet sa http://www.dss.cahwnet.gov/cdssweb/entres/forms/English/soc825.pdf.

Page 12: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Sinasabi ng county na hindi ko kailangan ng pangangalagang pangangasiwa. Ano ang gagawin ko?

Nagsasabi ng maraming pangkaraniwang dahilan ang mga county para sabihin sa isang tao na sila ay hindi karapat-dapat para sa pangangalagang pangangasiwa. Sa ibaba ay listahan ng mga karaniwang dahilan ng county at ang ilang mga paraan upang pasinungalingan ang mga ito.

Mayroon bang malubhang kapansanan sa kaisipan?

Dahilan ng county

- Hindi nakita sa pagbisita sa bahay ang malulubhang kapansanan sa kaisipan.

- Nangangailangan ng pangangalagang pangangasiwa dahil sa pisikal na kapansanan, hindi kapansanan sa kaisipan.

- Ang mga pisikal na kapansanan ay nagsasanhi sa mapanganib na pag-uugali.

Ang ilang mga sagot

- Ang iyong araw-araw na talaan, pahayag ng doktor, talaan ng sentrong pang-rehiyon; masyadong maikli ang pagbisita sa bahay, sinubaybayang pag-uugali at hindi sumagot ng mga katanungan sa alituntunin; Ang form na SOC 293, Linya H ay nagpapakita ng 5 para sa isang kapansanan sa kaisipan.

- Dahil sa kapansanan sa kaisipan ay hindi nauunawaan ang mga pisikal na kapansanan, hindi naunawaan o pinapahalagahan ang mga kahihinatnan ng mga kilos sa mga pisikal na kapansanan - ibig sabihin, sinusubukang tumayo o maglakad nang walang tulong kahit ito hindi ito kaya nang walang panganib ng pinsala, kakain ng matatamis kahit na malagay sa panganib dahil sa dyabetis, sisikaping tanggalin ang benda o tubo o suhay dahil masakit ito o makati, atbp.

- mga kapansanan sa kaisipan ay nagsasanhi rin nito; hindi kinakailangang ipakita na ang kaisipan ang tanging sanhi.

Page 13: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Mayroon bang mapanganib na pag-uugali sa bahay?

Dahilan ng county

- hindi nagpapatunay ng pangangailangan ang pormal na dyagnosis sa kondisyon ng kaisipan.

- Walang mga pinsala kamakailan.

- Walang katibayan ng mapanganib na pag-uugali sa panahon ng pagbisita sa bahay ng manggagawa ng county.

- Hinahadlangan ng "kumpletong" pisikal na paralisis ang tumatanggap na gumawa ng kahit ano.

Ang ilang mga sagot

- Pahayag ng doktor ng tipikal na pag-uugali para sa taong may ganoong dyagnosis.

- Ang tumatanggap ay maayos na pinangangasiwaan.

- Hindi oras-oras ang dalas; pinalampas na araw bago at pagkatapos; hindi maaaring magbigay ng tuntuning panlahat mula sa isang oras sa 24 na oras sa isang araw.

- Anumang sinadyang aksiyon na mapanganib, hal. pagbunot ng catheter, G-tube, etc.

Page 14: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Ibang mapagkukunang impormasyon sa IHSS at nangangalagang pangangasiwa

Ang Disability Rights California ay may mga publikasyon at iba pang mga kapaki-pakinabang na impormasyon sa website nito tungkol sa IHSS, na makukuha sa http://www.disabilityrightsca.org/issues/inhome_pubs.html.

Ang Disability Rights California ay nagbibigay din ng libreng serbisyo sa mga taga-California na may kapansanan sa mga isyung kaugnay sa kapansanan. Upang humiling ng tulong, maaari kang makipag-ugnayan sa Disability Rights California sa pagtawag sa 1-800-776-5746 upang humiling ng pagpasok.

Nilalahathala ng Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan ng California (California Department of Social Services) ang mga regulasyon nito, na tinatawag na "Libro ng mga Patakaran at Pamamaraan," o "MPP," sa website nito sa http://www.dss.cahwnet.gov/ord/PG310 Htm.

Nilalathala ng Kagawaran ng mga Serbisyong Panlipunan ng California ang Lahat ng mga Sulat ng County at Lahat ng mga Abiso ng Impormasyon ng Country (ACINs, All County Information Notices) sa website nito sa http://www.dss.cahwnet.gov/lettersnotices/default.htm.

Page 15: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Kalakip 1

Page 16: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Halimbawa ng kung ano ang dapat nasa Sulat ng Doktor Upang maging karapat-dapat para sa pangangalagang pangangasiwa, ang isang tao ay dapat magkaroon ng isang sakit sa kaisipan o kapansanan sa kaisipan na nagsasanhi sa mga pag-uugali tulad ng: mahinang pagpapasiya (paggawa ng hindi mabuting mga desisyon tungkol sa kalusugan o kaligtasan), pagkagulo/pagkalito (paggala, pagkaligaw, pagkalito sa mga tao, araw o oras) o mahinang alaala (pagkalimot sa pagsimula o pagtatapos ng isang bagay). Ang ganitong mga kapansanan ay maaaring mangyari kasama ng pagpaparahan sa kaisipan, autism, Alzheimer’s at demensya, at mga kapansanang saykayatriko.

Hindi magagamit ang pangangalagang pangangasiwa para sa:

- Sosyal na pagbisita o pakikisalamuha. - Kapag ang pangangailangan ay sanhi ng isang medikal na kondisyon

at ang tao ay nangangailangan ng medikal na pangangasiwa. - Inaasahang medikal na emerhensiya. - Pagpipigil ng anti-sosyal o agresibo pag-uugali ng tumatanggap.

Upang maipakita na ang tumatanggap ng IHSS ay karapat-dapat para sa pangangalagang pangangasiwa, ang tumatanggap ng IHSS ay dapat kumuha ng patunay (sa pamamagitan ng sulat ng doktor) mula sa kanilang doktor tungkol sa kanilang pangangailangan para sa serbisyo. Dapat na ilarawan ng doktor sa sulat ang kapansanan ng indibidwal (sakit sa kaisipan o kapansanan sa kaisipan), antas ng pagganap, ang kanyang edad, at ilarawan kung paano ang kanyang kapansanan ay nagsasanhi sa mahinang pagpapasya, pagkagulo, mahinang memorya, o pagkalito.

Ang sulat ay dapat magbigay ng sagot sa sumusunod na mga tanong.

Page 17: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Pangalan ng Benepisyaryo: _________ Araw ng Kapangangakan: ______

Dyagnosis: __________________________________________________

Prognosis: __________________________________________________

1. Mayroon bang kapansanan sa kaisipan o kapansanan sa kamalayan ang indibidwal bilang resulta ng kanilang kapansanan?

Mangyaring i-tsek ang naaangkop na sagot: ☐ Oo o ☐ Hindi

2. Nahahadlangan ba ng kapansanan sa kaisipan at kapansanan sa kamalayan ang indibidwal na maiwang mag-isa?

Mangyaring i-tsek ang naaangkop na sagot: ☐ Oo o ☐ Hindi

3. Pare-pareho ba ang mga pag-uugali na inilarawan sa mga indibidwal sa Talaan ng Panganib at Pinsala sa dyagnosis ng indibidwal?

Mangyaring i-tsek ang naaangkop na sagot: ☐ Oo o ☐ Hindi

4. Maasahan ba na ang kapansanan ng indibidwal ay magsanhi sa uri ng pag-uugali na dulot ng nasa Talaan ng Panganib at Pinsala?

Mangyaring i-tsek ang naaangkop na sagot: ☐ Oo o ☐ Hindi

5. Maaari bang maapektuhan ng kapansanan ang pagpapasiya ng isang indibidwal kaugnay sa kaligtasan?

Mangyaring i-tsek ang naaangkop na sagot: ☐ Oo o ☐ Hindi

6. Mangyaring magbigay ng isang maikling pagpapaliwanag ng mga sagot sa itaas at isang paglalarawan ng mga limitasyon sa pagganap ng benepisyaryo:

Page 18: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Pahina 18 ng 19

Ibinigay ko ang impormasyon sa itaas sa abot ng aking kaalaman.

Nilagdaan ni: ___________________________ Petsa: _____________

Page 19: Mga Serbisyong Pang-suporta sa Bahay Pangangalagang

Ang Disability Rights California ay pinopondohan ng iba't ibang mga pinagkukunan, para sa kumpletong listahan ng mga nagpopondo, pumunta sa http://www.disabilityrightsca.org/ Documents/ListofGrantsAndContracts.html.