1
Enero 2021 33 32 Kaibigan Géoffroy Koussemou N aglakad si Géoffroy palabas ng klase kasama ang kanyang kaibi- gang si Théodore. Kapwa sila 16 anyos, at nakatira sila sa Benin, isang bansa sa Africa. Pupunta sila sa isang bagong paaralan para matuto tungkol sa pagsasaka. Iyon ang unang pagkakataon nilang mapalayo sa kanilang mga pamilya. Kinailangan nilang mag-aral at magtrabaho nang maraming oras bawat araw. Hinatak ni Géoffroy sa balikat ang kanyang backpack. “Palagay ko ay hihinto ako sa pag-aaral. Napakahirap ng mga klaseng ito.” “Huwag!” sabi ni Théodore. “Huwag kang hihinto. Kailangan mong umasa sa Diyos. Kung gagawin mo ito, magtatagumpay ka.” Naaalala ni Géoffroy ang mga salita ni Théodore sa buong magha- pon. Pinalaki si Géoffroy bilang isang Kristiyano, ngunit hindi niya kailanman tinangkang umasa sa Diyos. Lumuhod siya sa sahig pero hindi muna siya nagsimulang magdasal. Kinakabahan siya. Pero kung hindi siya makakuha ng tulong kahit saan, hindi niya maipapa- sa ang kanyang mga klase. Dahan-dahang iniyuko ni Géoffroy ang kanyang ulo. “Ama sa Langit,” sabi niya, “ipakita po ninyo sa akin kung paano ako aasa sa inyo. Maaari mo ba akong tulungang ipasa ang mga klase ko? Ipinapangako ko na paglilingkuran ko kayo sa lahat ng makakaya ko sa buong buhay ko.” Mula noon, nadama ni Géoffroy na siya ay mas matapang na at mas determinado. Mahirap pa rin ang mga klase, ngunit alam niya na handa siyang tulungan ng Diyos kung gagawin niya ang kan- yang bahagi. Isinantabi ni Géoffroy ang kanyang takot at nagsikap nang mabuti. Naging magaling siya sa eskuwela. Makalipas ang labingwalong buwan, handa na siyang magtapos. Nagawa niya ito! Matapos siyang mag-aral, nanatiling masipag si Géoffroy. Hindi naglaon nagkaroon na siya ng sariling bukirin. At isang araw ay nakita niya ang isang kaibigang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Binigyan Ni Sydney Squires Mga Magasin ng Simbahan (Batay sa tunay na buhay) MGA PAGLALARAWAN NI ISABEL MUÑOZ MGA PIONEER SA BAWAT LUPAIN siya ng kanyang kaibigan ng Aklat ni Mormon. Binasa ni Géoffroy ang Aklat ni Mormon at nanalangin. Nakadama siya ng init at kapaya- paan at alam niyang tiyak na totoo ang Simbahan. Alam na niya ang susunod na gagawin. Siya ay nagtrabaho, nagda- sal, at umasa sa Diyos. Una ay nag- pabinyag muna siya. Pagkatapos ay ibinahagi niya ang kanyang patotoo sa mga taong nakapaligid sa kanya. Nagpabinyag din ang ilan sa kan- yang mga kaibigan. Hindi nagtagal, ang nagsimula bilang isang maliit na grupo ng mga miyembro ay naging isang branch. Tinutulungan niyang lumaki ang Simbahan sa Benin! Gustong magmisyon ni Géoffroy. Kulang ang pera niya, kaya ipinagbili niya ang kanyang sakahan. Makalipas ang ilang buwan, nakatanggap siya ng mis- sion call sa Ivory Coast. Siya ang unang missionary mula sa Benin na nakatanggap ng mission call! Ang kanyang dedikasyon ay nakatulong sa kanya sa loob ng maraming taon. Dahil sa kanyang pananampalataya, at ng iba pang mga miyembro, marami pang tao ang nabinyagan. Ang kanyang branch ay naging ward. Ang ward na iyon ay bahagi na ngayon ng unang stake sa Benin! Patuloy si Géoffroy Koussemou na nagsisikap at umaasa sa Diyos. Alam niya na ang mga dakilang bagay ay maaaring mangyari sa tulong ng Diyos. UNANG MISSIONARY MULA SA BENIN Ang Benin ay may 4,018 na mga miyembro ng Simbahan. Ang mga unang missionary ay inatasan sa Benin noong 2003. Ang Benin ay isang maliit na bansa sa kanlurang baybayin ng Africa. Nabinyagan si Géoffroy sa edad na 19. Natutong umasa si Géoffroy sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin habang nag-aaral siya. A l am n i G é o f f r o y n a h a n d a a n g D i y o s n a t u l u n g a n s i y a k u n g g a g a w in n i y a a n g k a n y a n g b a h a g i . Ipinagbili ni Géoffroy ang sakahan na binili niya para sa kanyang misyon.

MGA PIONEER SA BAWAT LUPAIN Géoffroy Koussemou

  • Upload
    others

  • View
    16

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MGA PIONEER SA BAWAT LUPAIN Géoffroy Koussemou

E n e r o 2 0 2 1 3332 K a i b i g a n

Géoffroy Koussemou

Naglakad si Géoffroy palabas ng klase kasama ang kanyang kaibi-gang si Théodore. Kapwa sila 16 anyos, at nakatira sila sa Benin,

isang bansa sa Africa. Pupunta sila sa isang bagong paaralan para matuto tungkol sa pagsasaka. Iyon ang unang pagkakataon nilang mapalayo sa kanilang mga pamilya. Kinailangan nilang mag- aral at magtrabaho nang maraming oras bawat araw.

Hinatak ni Géoffroy sa balikat ang kanyang backpack. “Palagay ko ay hihinto ako sa pag- aaral. Napakahirap ng mga klaseng ito.”

“Huwag!” sabi ni Théodore. “Huwag kang hihinto. Kailangan mong umasa sa Diyos. Kung gagawin mo ito, magtatagumpay ka.”

Naaalala ni Géoffroy ang mga salita ni Théodore sa buong magha-pon. Pinalaki si Géoffroy bilang isang Kristiyano, ngunit hindi niya kailanman tinangkang umasa sa Diyos. Lumuhod siya sa sahig pero hindi muna siya nagsimulang magdasal. Kinakabahan siya. Pero kung hindi siya makakuha ng tulong kahit saan, hindi niya maipapa-sa ang kanyang mga klase. Dahan- dahang iniyuko ni Géoffroy ang kanyang ulo.

“Ama sa Langit,” sabi niya, “ipakita po ninyo sa akin kung paano ako aasa sa inyo. Maaari mo ba akong tulungang ipasa ang mga klase ko? Ipinapangako ko na paglilingkuran ko kayo sa lahat ng makakaya ko sa buong buhay ko.”

Mula noon, nadama ni Géoffroy na siya ay mas matapang na at mas determinado. Mahirap pa rin ang mga klase, ngunit alam niya na handa siyang tulungan ng Diyos kung gagawin niya ang kan-yang bahagi. Isinantabi ni Géoffroy ang kanyang takot at nagsikap nang mabuti.

Naging magaling siya sa eskuwela. Makalipas ang labingwalong buwan, handa na siyang magtapos. Nagawa niya ito!

Matapos siyang mag- aral, nanatiling masipag si Géoffroy. Hindi naglaon nagkaroon na siya ng sariling bukirin.

At isang araw ay nakita niya ang isang kaibigang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Binigyan

Ni Sydney SquiresMga Magasin ng Simbahan(Batay sa tunay na buhay)

MG

A P

AG

LA

LA

RA

WA

N N

I IS

AB

EL M

OZ

M G A P I O N E E R S A B A W A T L U P A I N

siya ng kanyang kaibigan ng Aklat ni Mormon. Binasa ni Géoffroy ang Aklat ni Mormon at nanalangin. Nakadama siya ng init at kapaya-paan at alam niyang tiyak na totoo ang Simbahan.

Alam na niya ang susunod na gagawin. Siya ay nagtrabaho, nagda-sal, at umasa sa Diyos. Una ay nag-pabinyag muna siya. Pagkatapos ay ibinahagi niya ang kanyang patotoo sa mga taong nakapaligid sa kanya. Nagpabinyag din ang ilan sa kan-yang mga kaibigan. Hindi nagtagal, ang nagsimula bilang isang maliit na grupo ng mga miyembro ay naging isang branch. Tinutulungan niyang lumaki ang Simbahan sa Benin!

Gustong magmisyon ni Géoffroy. Kulang ang pera niya, kaya ipinagbili niya ang kanyang sakahan. Makalipas ang ilang buwan, nakatanggap siya ng mis-sion call sa Ivory Coast. Siya ang unang missionary mula sa Benin na nakatanggap ng mission call!

Ang kanyang dedikasyon ay nakatulong sa kanya sa loob ng maraming taon. Dahil sa kanyang pananampalataya, at ng iba pang mga miyembro, marami pang tao ang nabinyagan. Ang kanyang branch ay naging ward. Ang ward na iyon ay bahagi na ngayon ng unang stake sa Benin!

Patuloy si Géoffroy Koussemou na nagsisikap at umaasa sa Diyos. Alam niya na ang mga dakilang bagay ay maaaring mangyari sa tulong ng Diyos. ●

UNANG MISSIONARY MULA SA BENIN

Ang Benin ay may 4,018 na

mga miyembro ng Simbahan.

Ang mga unang missionary ay

inatasan sa Benin noong 2003.

Ang Benin ay isang maliit na bansa sa kanlurang

baybayin ng Africa.

Nabinyagan si Géoffroy sa edad

na 19.

Natutong umasa si Géoffroy sa Diyos sa

pamamagitan ng panalangin

habang nag- aaral siya.

Alam ni Géoffroy na handa ang Diyos na tulungan siya kung gagawin niya ang kanyang bahagi.

Ipinagbili ni Géoffroy ang

sakahan na binili niya para sa

kanyang misyon.