10
Mga Dalubhasang Pintor at ang Kanilang mga Sining

Mga Pintor

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Pintor

Mga Dalubhasang Pintor at ang Kanilang mga

Sining

Page 2: Mga Pintor

Ipinasa Ni:Ma. Abegail C.

PacinaIV-1

Ipinasa Kay:

Bb. Arlene C. Salise

MSEP Teacher

Page 3: Mga Pintor

Carlos “Botong” V. Francisco

Siya ay nagsimulang magtrabaho bilang layout artist at ilustrador sa Philippine Herald at Manila Tribune. Kabilang siya sa unang hanay ng mga guro sa bagong tatag noong UST School of Architecture and Fine Arts. Siya ay isa sa mga modernistang pintor na lumihis sa itinakdang kumbensiyon ng pagpipinta ni Amorsolo, at nagpasok ng sariwang imahen, sagisag, at idyoma sa pagpipinta.

Kasama sina Victorio C. Edades at Galo B. Ocampo, nagpinta siya ng sari-saring mural, gaya sa Bulwagan ng Lungsod Maynila; Capitol Theater; The Golden Gate Exposition, San Francisco; State Theater; at sa mga tahanan ng mga sikat na tao, tulad nina Ernesto at Vicente Rufino at Pang. Manuel L. Quezon. Makalipas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Botong ang naging pangunahing pintor ng mural sa Filipinas.

Noong 1952, nagwagi ng komisyon at humamig ng pambihirang paghanga sa iba't ibang bansa ang kaniyang higanteng mural para sa First International Fair na ginanap sa Maynila, at may paksang na pinamagatang 500 Taon sa Kasaysayan ng Filipinas.

(Nobyembre 4, 1913 - 1969)

(Angono, Rizal)

Page 4: Mga Pintor

Mga Likha ni “Botong” Francisco:

First Mass at Limasawa Muslim Bethrotal

Bayanihan

Page 5: Mga Pintor

Vicente Silva Manansala

Noong 1981, itinuring siyang isa sa mga Pambansang Alagad ng Sining. Siya ang itinuturing na nagsimula ng estilong cubism sa bansa. Isa si Manansala sa Thirteen Moderns na pinangungunahan ni Victorio C. Edades at isa sa Big Three ng modernist movement, kasama sina Cesar Legaspi at Hernando R. Ocampo. Dagdag pa rito, binuo niya ang grupo ng mga Neo-Realists kasama sina Romeo Tabuena at Anita Magsaysay-Ho.

Ipinanganak si Manansala noong 1910 sa Macabebe, Pampanga, ikalawa sa walong anak. Isang taon bago siya mag-kolehiyo, nagtrabaho siya bilang tagapinta ng mga paskil para sa mga pelikula. Pinakasalan niya si Hermengilda Diaz noong 1937. Namatay siya noong 1981 sa lungsod ng Makati.

(Enero 22, 1910 - 1981)

Page 6: Mga Pintor

Mga Likha ni Manansala:

Market Scene (1975)

Luksong Tinik (1973)

Sugarcane Harvest (1965)

Page 7: Mga Pintor

Fernando Cueto Amorsolo

Siya ay isang pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag. Nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909.

Bagaman nakapaglakbay sa ibang mga bansa, kung saan namulat ang mga mata ni Amorsolo sa mga dayuhang pamamaraan ng pagguhit at pagpinta, naging adhikain niya ang makalikha ng mga larawang makabayan at puno ng kasaysayan. Sa panahon man ng kapayapaan o digmaan, nanatili ang diwang ito sa isipan ni Amorsolo, na nagbunga naman ng mga dibuhong may pagpapahalaga sa paghubog, pag-unlad, at pagtatala ng tunay at natatanging katauhan, ngiti, damdamin at kaluluwa ng mga mamamayang Pilipino. Dahil sa kanyang pagkamalikhain, tinagurian si Amorsolo bilang unang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas.

(Mayo 30, 1892 – Abril 24, 1972)(Paco, Maynila)

Page 8: Mga Pintor

Mga Likha ni Amorsolo:

Planting Rice (1951)

Lavandera (1957)

El Ciego (1928)

Page 9: Mga Pintor

Jose Tanig JoyaSiya ay isang pintor at

artistang maramihang-media na nabigyang parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal noong 2003. Namulat sa kasanayang traditionalista, lumihis din siya kinalaunan sa paraang kanya. Kilala bilang tagapaghiwatig ng basal (abstract expressionist), ginamit niya ang mga konsepto ng kinetikong enerhiya at spontaneity sa pagpipinta, at naging bihasa sa sining ng gestured painting, kung saan madaliang ipinipinta ang pintura gamit ang malalapad na brush stroke. Maliban sa pagpipinta, hilig din niya ang pagdidisenyo ng mga seramikang sisidlan, mga plato at tiles o baldosa, at print making.

(Hunyo 3, 1931-1995)

(Maynila)

Page 10: Mga Pintor

Mga Likha ni Joya:

Nanking (1973)

Approaching Storm (1951)

Granadean Arabesque

(1958)