54
Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDEC Lunduyan “La Humildad” Ortega St., Tonsuya Malabon, Metro Manila Enero 16, 1982 Unang Pagkalimbag

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

Embed Size (px)

DESCRIPTION

translated from Allan Kardec's Book of MediumsPublished by Centro La Humildad, c1982

Citation preview

Page 1: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

Mga Halaw sa

Aklat ng mga

Medium

Tinipon at inayos ni

G. ALLAN KARDEC

Lunduyan “La Humildad”

Ortega St., Tonsuya

Malabon, Metro Manila

Enero 16, 1982

Unang Pagkalimbag

Page 2: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

MGA NILALAMAN

3 Paraan ng Pag aaral o Pagsasaliksik ukol sa Espiritismo

6 Lipunan ng mga Medium

7 Pagpapaunlad ng mga Kaloob

8 Identidad ng mga Espiritu

9 Mga Batlaya at di pa Wagas na mga Espiritu

14 Pangkabaitang Tulong ng Talaytayan

16 Obsesyon o Pag-uusig ng mga di pa Wagas na mga Espiritu

20 Katangi-tanging mga Medium

27 Influencia Moral ng mga Medium

35 Influencia ng Kapaligiran

37 Tuparin o (Role) ng Medium sa Pahayag ng Espiritu Comunicante

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

2

Page 3: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

PARAAN NG PAG AARAL

Ang likas at kapuripuring nasain ng bawat naniniwala (believer), isang nasaing hindi

dapat na pag ubusan ng lakas ay ang magkaroon ng mga kabig na maniniwala o maaakit sa

pag aaral. Ang hangaring maging mabilis ang pag akit na ito sa isang tumpak na paraan,

ayon sa ating idea upang matamo ang tagumpay, at maiwasan ang pag aaksaya ng walang

saysay na pagsubok, ito ang dahilan kaya namin iminumungkahi ang tiyak na paraang ito.

Nasabi na natin ang Espiritismo ay isang lagom ng agham, isang filosofia, sino mang

lubusang magsisiyasat ay kailangang magsiyasat ng buong pagtatapat, higit sa iba pa mang

uri ng agham; ito ay matutuhan sa pamamgitan ng totohanang pagsasaliksik. Sinabi na

natin, ang Espiritismo ay tumatalakay sa halos lahat ng mga katanungan na nakaka akit sa

isang katauhan; malawak ang kanyang larangan at ayon sa mga ibubunga ng ating pag

aaral na ito ang dapat nating gawing batayan sa pag aaral. Ang paniniwala sa espiritu

ang inyong pangunahing batayan. Ngunit ang paniniwalang iyan ay hindi sapat upang

maging mulat na Espiritista tayo, tulad din naman na hindi sapat ang maniwala tayo sa Dios

upang maging isang teologo. Kaya tingnan natin kung ano ang tumpak na paraan, ayon sa

mga pagtuturo at hikayat sa atin upang marating ang isang tumpak na paninindigan

(conviction).

Huwag mabahala ang sinomang nagsasaliksik o naniniwala sa katagang pagtuturo

(instruction). Mayroong higit na kaalaman kaysa naririnig sa pulpito. Mayroong natatamo sa

simpleng pakikipag usap natin. Ang sino man na nagpapaliwanag upang makaakit o sa mga

danas ay nakapagtuturo, ang hangad natin ay magbunga ang pagpapaliwanag, kaya rin

naman magpapayo tayo upang ang sino man na nais matuto sa sariling pag aaral ay

makinabang. Matutuklasan nila dito ang tiyak at madaling paraan upang matamo ang

kanilang hangarin - ang matutuhan ang "Agham ng Espiritismo".

Isang pangkalahatang paniniwala na upang makaakit o makakumbinse ay dapat

maglahad ng mga katotohanan. Ito marahil ay inyong makatwirang paraan, ngunit ayon sa

karanasan, ito ay hindi laging mabuting paraan - mayroong mga taong hindi maniniwala

kahit na mga buhay na katotohanan ang madama. Bakit ganito? Tingnan natin.

Sa Espiritismo, ang ukol sa espiritu ay pangalawa lamang, hindi ito ang simula ng

pag aaral. At dito tayo nahuhulog sa pagkakamali. At kaya tayo hindi paniwalaan ng ibang

tao kung ang espiritu ay siyang kaluluwa ng tao. Ang dapat maging simula ng pagsasaliksik

ay kung mayroon nga ng kaluluwa ang tao. Ngunit paano maniniwala ang isang materialista

na mayroon nga ng kaluluwa gayong ang akala niya ay siya ay pawang laman lamang o

materia? Paano siya makapaniniwala na may espiritu sa labas ng kanyang sarili gayong

hindi niya pinaniniwalaan na may gayon sa kanyang sariling pagkatao? Kahit sa anong dami

ng mga patunay na iharap mo sa ganitong uri ng hindi naniniwala, sayang lamang ang lahat.

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

3

Page 4: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

Hindi siya maniniwala sa prinsipyong mayroon ngang kaluluwa. Lahat ng maayos na paraan

ng pagtuturo ay dapat magsimula sa mga bagay na panglabas o nakikita. Para sa

materialista - ang hayag ay ang materia, kaya magsimula kung gayon ng pagpapaliwanag

ukol sa materia, pag aralan ang ukol sa materia, himukin siyang magsaliksik ukol sa isang

bagay na nasa kanyang sarili na hindi materia. Sa isang salita, bago kumbinsihing siya ay

maging isang spiritista, himukin siyang maging Spiritualista (naniniwala na may espiritu).

Para sa bagay na ito, isang naiibang hanay ng pag aaral ang kailangan. Isang kaalaman na

sadyang sa kabuuan ay natatangi. At dapat na tayo ay magpatuloy sa mga ibang paraan.

Ang sabihin sa kanya na may espiritu, bago siya maniwala na mayroon noon ay tulad ng

pagsisimula sa hulihan ng pag aaral.

Kaya bago simulang papaniwalain ang sino man na mayroon nagng kaluluwa, tiyakin

na siya ay maniniwala na mayroon nga ng kakayahan ang espiritu na nabubuhay matapos

mamatay ang tao. Kung hindi pa rin siya naniniwala, sayang lamang ang paliwanag ng ukol

sa espiritu.

Sa pag aaral ng Espiritismo, tayo ay nakikitungo sa mga subaybay o talino (espiritu)

na malalaya, hindi lahat ng ating hilingin ay kanilang sinusunod, kaya tayo ay

nagmamatyag, antayin ang bunga, samantalahin ang anumang darating. Kaya ang sino

mang magturing na ang bawat hilingin sa espiritu ay nakakamit ay isang mangmang o

impostor. Dahil dito kaya ang tunay na Espiritismo ay hindi nagpaparangalan o nagbabadya

sa mga palatindigan. Isa pa, hindi tumpak na akalain na ang mga espiritu ay dumarating

upang magparada o magparangalan, o sumailalim ng pagsusuri na tulad sa mga bagay na

umaakit ng curiosidad o pag oosioso. Sa ganito, ang phenomenong inaasahan ay maaaring

mabigo kung kailan inaasahan. Idagdag pa dito na upang matupad ang inaasam na

pagpapakita ng mga pangyayaring hindi pa natin alam (phenomenon) ay kailangan ang mga

tao na may isang katangi tanging kaloob (facultad media nimica), at ang mga kaloob na ito

ay iba iba ang kahayagan ayon sa kakanyahan ng bawat medium. At sapagkat bihirang

bihira na matagpuan sa iisang medium lamang ang maraming katangian ng mediumnidad,

lalong mahirap makakita nito. Kaya ang tumpak na paraan ng pagtuklas sa katotohanan ng

ukol sa espiritu ay iyong magsimula sa mga teoria, palatandaan na maipapaliwanag, mga

pangyayaring mauunawaan, mga balakid na matitinik at maaring maiwasan. Saka kung sa

dakong huli ay magkaroon ng maliwanag na tanda at linaw ang pagsasaliksik, hindi na

magugulat ang nag aaral kundi maliliwanagan ang lahat ayon sa hakbang ng kanyang

sariling pag aaral o pagsusuri. Ang paraang ito ay mabuti sa isang nagsusuri ng ukol sa

espiritu; hindi na siya magdaranas ng maraming kabiguan, mapaghandaan niyang

tanggapin ang ibang balakid na ipinag pauna na sa kanya.

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

4

Page 5: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

Ang nabanggit na paraan ng pagtuklas ukol sa espiritu (teoria) ay mabuti, ang

filosofia o pangangatwiran ay higit na mahalaga, siyang unang matibay na batayan; ang

mga patunay ay kapupunan o pangalawa na lamang. At mayroong nagsasabi pang kahit

wala ang mga patunay (phenomena) sila ay naniniwala pagkat nabasa at nauunawaan nila

ang simulain ng ukol sa espiritu.

Marami ay naaakit sa isang doktrinang nagpapaliwanag kaysa isang hindi

nagpapaliwanag, o kung nagpapaliwanag man ay malabo. Ang isang matalinong nag aaral

ay nauunawaan na ang mga patunay ay di lubhang kailangan, ang mahalaga ay ang

simulain (doctrine). Ang katunayan ng aming sinasabi ay bago narinig ang mga tanda

(patunay) ng ukol sa espiritu, sa pamamgitan ng kutob (intuition) ay marami na ang

nagpapahalaga at nagkakaisa sa sa simulain o panukala tungkol sa espiritu.

Ito ang aming masasabi. Sino mang ibig maalaman ang ukol sa isang karunungan ay

dapat mag aral at magsaliksik. Gamitan ng comparacion o mga pagbabalis ang mga

nababasa. Basahin ang mga tuligsa at mga patunay sa paksang sinasaliksik. Kaya hindi

kami pumapanig o tumutuligsa sa ano mang simulain. Hindi namin sinasarili ang pagdadala

ng liwanag; ang bumabasa ang siyang kikilala ng mabuti o masama, ng totoo o

kabulaanan.  

HANAY NG PAG AARAL

Nang madama ang katunayan ng Espiritsmo noong unang panahon at lalo na sa

kasalukuyan, ang unang naghari ay ang hindi paniniwala, ang alinlangan sa katotohanan

nito, at lalo pa ang pag aalinlangan sa dahilan ng kahayagan ng katotohanan ng Espiritismo.

Bawat isa ay nagbigay ng sariling pagsusuri ayon sa kanyang sariling idea, paniniwala o

mga kinamulatang paniniwala. Dito nagsimula ang pagkakaroon ng iba't ibang hanay ng

pagaaral. Sa lalong masusing pagmamasid ay masusuri ito hanggang sa tunay at

makatarungang pagpapahalaga.

Ang mga nag uusig sa Espiritismo ay nag iisip ng argumento sa pagkakaibang ito ng

opinion na nagsasabing ang mga Espiritista'y hindi nagkakaisa sa kanilang mga sarili. Ito ay

mahinang pangangatwiran kung lilimiin na ang alin mang bagong karunungan ay hindi

maiiwasang mapag alinlanganan; hanggang sa dumating ang panahon na maayos at

matipon  ang mga nalikom na katunayan at ito ang magtatakda ng opinion sa nabanggit na

pag aaral. Sa kalaunan ng pag aaral na ito, ang mga pag aalinlangan ay mawawala.

Magkakaroon ng coordinacion o pagkakaisa ang mga bagay na nadama sa mga bagay na

mahalaga kung hindi man sa lahat ng mga detalye. Ito ang nangyayari sa pag aaral ng

Espiritismo, hindi nakaalpas sa karaniwang batas; na bayaang magdaan sa iba't ibang

pakahulugan ang mga nagmamasid. Sa ganito ay maituturing na malaki ang ikinasulong ng

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

5

Page 6: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

pag aaral na ito kaysa ng ibang pag aaral sa karunungan o agham. Sa isang magandang

hanay upang landasin ang pag unlad ng mga idea, nangunguna sa talaan ang ukol sa

tinatawag na hanay ng mga tuligsa o mga naguusig sa Espiritismo. Ito ay nababanggit sa

simula at sa dakong huli ng Book of Spirits. Ang palatandaan ng katotohanan ng Espiritu ay

dalawa: materia o fisical at ang nauukol sa diwa (intelligent effect).

Sa mga hanay ng nagdududa o naghihinala sa katotohanan ng Espiritismo ay

nabibilang ang mga mapaghinala na may sabwatan sa mga nagpapatunay, ang iba naman

ay paghihinala ng pagka loka (mental case) sa paghahayag ng patunay sa Espiritismo; ang

iba naman ay nagpaparatang ng pagkahibang o pagkadaya ng pagtingin sa isang bagay na

hindi totoong nagaganap o kaya ang inaakala ay sa demonio ito. Sa lahat ng ito, kung

gagamitin ang inteligencia at tuwid na pagkukuro ng nagsasaliksik, mabubuo ang ganito sa

isipan: Ano ang dahilan upang madaya ang medium na ito gayong alam kong siya ay walang

pakinabang sa gayon? Baka naman ako lamang ang naghihinalang ang medium ay

nasisiraan ng bait, o kaya ay may kulang lamang ang isipan ko upang maghinala sa isang

katotohanang tunay na nagaganap sa aking harapan.

Kaya magpatuloy tayong magmasid, magsaliksik, damhin ang ating kutob (intuition)

pulutin ang mga mabubuting bagay sa pagsubaybay sa pag aaral ng ukol sa Espiritismo.

 

FORMACION O PAGTATAG NG LIPUNAN NG MGA MEDIUM

Atas ng malaking kakulangan natin ng kaalaman sa pagpapaunlad ng mga kaloob

(facultad medianimika) at upang makatulong sa mga kapatid na mga kasangkapan at lalo

pa sa mga kasalukuyang nagsasanay ngayon sa pagpapaunlad sa anomang uri ng kaloob,

ang maliit na halaw na ito buhat sa Aklat ng mga medium - Allan Kardec, ay inaasahan

naming pakikinabangan ng maraming nagsisipagsaliksik sa Espiritismo.

 

Ang ilan sa maraming uri ng kaloob (facultades) ay ang sumusunod:

 

    Medium sa hapag              Aparato

    Medium sa pagsasalita       Parlante

    Medium sa pandinig           Auditivo

    Medium sa pangitain          Videncia

    Medium sa material            Aporte

    Medium sa pagsulat           Escribiente

    Medium sa pagtulog           Sonambula

    Medium sa panggagamot    Curandero

 

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

6

Page 7: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

PAGPAPAUNLAD NG MGA KALOOB (FACULTADES) 

Bago makapagsimula ng paglinang sa alinmang uri ng kaloob (facultad) ang isang

nagnanasa (aspirante) kailangang maging mabait, tahimik, laging concentrado, nakikiugnay

sa kanyang Angel dela Guardia upang siya ay subaybayan lagi na.

Ipinapayo sa mga sanayan sa magmemedium ang pagkain ng mga gulay at bungang

kahoy at mga pagkaing madaling matunaw. Bago magsimula sa pagsasanay ay mabuti ang

kaunti lamang ang kinain at may dalawang oras ng nakakain bago magsimula sa

pagsasanay. Maging malinis sa katawan at diwa. Iwasan ang pag sasang usapan ng walang

kabuluhan at lalo pang iwasan ang paghatol sa kapwa.

Kailangan din na ang mga taong nakapaligid sa nagsasanay (sitters) ay magkaroon

ng iisang uri ng hangarin; ang makatanggap ng mabubuting pahayag buhat sa mga banal o

sa mga batlaya.

Upang makapamahayag ng tumpak ang isang batlaya, kailangang magkaroon ng

pagsasandugo ng fluido sa pagitan espiritu at ng medium. Ngunit ito ay hindi dagliang

naghahari. Kung nauunlad na unti unti ang mediumnidad, ang kasangkapan ay magiging

angkop na magamit ng espiritu communicante.

Hindi dapat hilingin ang sinomang espiritu upang siyang magpahayag. Maaring hindi

pa angkop sa kanya ang panahon o kaya ay wala pa siyang pahintulot para sa tawag na iyon

sa kanya. Kaya ang lalong mabuti ay ang paunlarin ang kaloob, patuloy na tumawag sa

iyong Anghel dela Guardia. Ganito ang dalangin:   Idinadalangin ko po sa iyo Dakilang Ama

na nawa'y makapamahayag sa aking pamamagitan ang sinomang mabuting espiritu.

Nawa'y subaybayan ako ng aking Angel dela Guardia, at kahit manawari ay lumayo sa akin

ang mga espiritu ng kadiliman. Siya Nawa.

Isang bagay na higit na mahalaga kaysa pagtawag ng tuwiran sa isang espiritu ay

ang pagiging payapa at concentrado sa isipan upang maugnay sa isang matapat at matatag

na pasya na magtagumpay, hindi padalos dalos at walang wawa kundi isang dibdibang

pagpapatuloy at tiyak na pagnanasa na ligtas sa pagkainip. Mag isang manahimik at

magcoconcentracion sa isang pook na ligtas sa ingay. Isa, dalawa, tatlo hanggang sampung

minuto ay magcoconcentracion. Gawin ito sa loob ng anim na buwan hanggang sa magtamo

ng anomang uri ng kaloob (facultad).

 

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

7

Page 8: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

IDENTIDAD DE LOS ESPIRITUS - PAGKILALA SA MGA ESPIRITU 

Ang suliranin tungkol sa pagkilala sa mga espiritu communicante ay isa sa mga lagi

nang pinagtatalunan ng mga mahiligin sa katuruan ng Espiritismo. Palibhasa ay ang mga

espiritu ay hindi naghahayag sa atin ng kanilang kakayahan at marami sa kanila ang

gumagamit ng iba't ibang pangalan tulad din naman nating mga tao.

Isa sa mahirap matiyak at kadalasay hindi maaring tiyakin ay ang pagpapanggap ng

isang espiritu na siya ay dakilang tauhan noong unang panahon, o kaya ay siya ang dakilang

Poong Hesus at iba pang pagpapanggap. Ang turo sa atin ng ating Mahal na Protector: sa

sandaling ang isang espiritu comunicante ay magbigay sa atin ng mga mabubuting aral na

nababatay sa patakarang moral, kabutihan at pag-ibig ay hindi na kailangang pag ukulan pa

ng pahalaga ang pangalang kanilang ilalagda o iiwan sa atin matapos magbigay ng isang

pahayag.

Sapat nang malasap natin ang bunga ng kahoy (pahayag) upang makilala natin ang

uri ng puno (espiritu) na pinanggalingan ng pahayag.

Habang ang isang espiritu ay nagiging dalisay at tumataas ang antas ng kanyang

unang kalagayan, ang mga sariling katangiang taglay ay nawawala na. Ito ang nangyayari

sa mga espiritung unlad at wagas na.

Kaya nga, ang pangalang tinaglay nila sa lupa ay maliit lamang ang halaga para sa

kanila.

Gayon din, mapupuna natin na ang mga espiritung magkakasing uri ng antas

ng kalagayan ay nag aakitan sa kanilang sarili at sa ganitong paraan ay gumagawa sila ng

mga pagtitipon-tipon tulad ng mga magkakasang bahay ng isang familia. Kung ang mga

nagkakatipong espiritu ay mga wagas na o yaong mga batlaya, sa kanilang mga pahayag ay

hindi na sila nagbibigay ng pangalan.

Ngunit dahil na rin sa ating kinaugalian na inaantay ang pangalan ng espiritu

communicante, ito ay nagbibigay ng pangalan ng isang banal na ating iginagalang o

karaniwang ating kinagigiliwan.

Gayon din, kung ang espiritu communicante ay magbigay ng pangalan ni San Pedro,

kahit na siya ay hindi si San Pedro, malamang na ang nagpapahayag ay isa sa pangkat na

kinabibilangan ni San Pedro nanggaling.

Inuulit dito, na ang pangalang iiwan sa atin ng isang espiritung nagpahayag ay di

gaanong mahalaga kaysa uri ng pahayag na sa atin ay ibinigay. Lalo pa ang isang pahayag

na puno ng mabubuting aral ng kabaitan at pag ibig.

Ang isa pang suliranin ay kung ang isang espiritung nasa mababang kalagayan ay

gumagamit ng isang pangalang kapita pitagan upang mabigyan ng kapangyarihan ang

kanyang pangungusap at gayon din upang magkaroon ng bisa ng pang akit (facinacion) ang

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

8

Page 9: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

pahayag niya.

Ito ay nangyayari sa mga espiritung hindi gaanong marurunong ngunit higit na

mayayabang.

Ang isa pang paraan ng pagkilala sa isang espiritu ay ang hilingin sa kanya na

magpakilala ang sarili: "Sa pangalan ng Amang makapangyarihan sa lahat". Kung ang

nagpapahayag ay nagpapanggap lamang o isang impostor, yaon ay aalis na lamang at

sukat na hindi na magpapaalam.

Ngunit ang mabisang paraan upang makaakit ng mga batlaya o mataas na espiritu

na magpapahayag sa atin ay ang tumpak na paghahanda ng kasangkapan: pananahimik,

concentrado at payapa lagi na. At ang pagtawag sa ating mga Angel dela Guardia upang

siya ang lagi nang sa atin (medium) ay sumubaybay.

MGA BATLAYA AT DI PA WAGAS NA ESPIRITU

Ang pangungusap ng mga espiritung lubhang unlad at may pagkasulong at

kawagasan ay hindi lamang nagsasaad ng mga dakilang bagay kundi kabuuan ng kanilang

pahayag kailanman ay di kakikitan ng pagpapaimbabaw.

Samantalang pabuti buti man ang sinasabi ng isang espiritu, kung ito ay nalalabiran

ng isang salitang nagsasaad ng kababaan, ito ay isang tanda ng maliwanag na buhat sa

isang espiritung wala pa ng kawagasan. Lalo pa kung ang kabuuan ng pahayag ay

sumusugat sa malinis na kaugalian at may magaspang na pangungusap.

Magpanggap man ang isang espiritu na siya ay mataas, ay makikilala rin kung siya

ay mababa sa kahabaan ng panahon ng sa atin ay pakikiabot sabi. Mababakas sa diwa ng

pahayag na sumusugat sa damdamin o sa pangit na hugis na inilalarawan sa kabuuan ng

mga katagang pilit ay pinagaganda kahit na ang pinakadiwa ay hubad sa katotohanan.

Ang kaalaman at kagandahang loob ay mga katangian din ng mga espiritung wagas.

Hindi sila namumuhi sa mga tao o sa mga espiritu man. Sa halip ay kinaaawaan ang ating

mga kahinaan. Pinupuna ang ating mga kamalian ngunit laginang taglay ang kahinahunan.

Walang uring pagtatakwil o sama ng loob.

Samakatuwid, kung ang pahayag ay wala ng mga katangiang nagsasaad sa itaas,

tiyak na yaon ay di pahayag ng mga batlaya kundi buhat sa mga espiritung di pa wagas at

kulang pa ng pagkasulong.

Ang katalinuhan ay hindi isang tiyak na tanda ng kataasan ng isang espiritu na

nagpapahayag, sapagkat ang matalas na pag iisip at ang kabaitan ay hindi lagi nang

magkasabay sa landas na kanilang dinadaanan. Ang isang espiritu ay maaring maging

mabuti, may magandang kalooban at magkaroon ng maikling kaalaman. Samantalang ang

isa namang espiritung matalino at marunong ay maaring kulang naman sa kabaitan.

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

9

Page 10: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

Ang mabubuting epiritu ay lagi nang ipinapayo sa atin ang pagsisiyasat sa kanilang

mga pahayag at wag dagliang tatanggapin ang mga yaon.

Ang mga espiritung di pa wagas ay mahihigpit naman at nais na sundin agad ang

kanilang pahayag nang wala ng pagsusuri. Ibig nilang tayo ay mailihis ng landas sa ating

pag aaral.

Narito ang ibinigay na payo ni San Luis tungkol sa paksang ito: Kung sa inyong mga

gawain ay pinukaw ang inyong damdamin ng mga espiritu hanggang kayo ay magkaroon ng

lubos na pagtitiwala, ang mahalagang tagubiling hindi naman pagsasawaang ulit-ulitin sa

inyo at lagi nang isapuso sa inyong mga pag aaral ay ang inyong timbangin at suriin,

ipailalim sa katibayan ng tunay na katwiran ang lahat ng mga abot-sabing inyong

tinatanggap. Huwag ninyong ipag-walang bahala, at sa sandaling may mapansin kayong

isang bagay na dapat pag-alinlanganan, kapuna-puna at may kadiliman, hingin ninyo ang

mga kaukulang paliwanag upang inyong maintindihan.

Maaring likumin ang mga paraan upang makilala ang uri ng mga espiritu sa

pamamagitan ng mga patakarang sumusunod:

    1. Wala nang iba pang paraan upang makilala ang pagkakaiba ng kalagayan (antas) ng

mga espiritu maliban sa gamitin ang mabuting pakiramdam. Lahat ng saligang bigay ng

mga espiritu na rin ukol sa bagay na ito ay laban sa katwiran at hindi maaaring buhat sa

mga matataas na espiritu.

    2. Kikilalanin natin ang mga espiritu sa pamamagitan ng kanilang pangungusap at mga

kilos o aciones. Ang damdaming nakapupukaw ng ating kalooban at mga payo na kanilang

ibinibigay.

    3. Kung tinatanggap natin na ang mga espiritung mabubuti ay hindi maaring magsabi ni

gumawa kung hindi ng kabutihan, kaya nga lahat ng bagay na hindi wasto ay hindi

maaaring magbuhat sa isang espiritung mabuti.

    4. Ang mga espiritung wagas ay taglay lagi na ang pangungusap na puno ng

pagpipitagan, marangal, mahinahon at walong halong anomang pangungusap na

pangkaraniwan. Lahat ng bagay ay sinasabi ng buong linis at kahinhinan, hindi pinupuri

kailan man ang sarili, at lalong hindi rin ipinagmamataas ang kanilang karunungan, ni ang

kabutihan ng kanilang sariling kalagayan kaysa ibang mga espiritu. Ang pangungusap

naman ng mabababang espiritu ay mayroon lagi nang bakas ng kanilang mga naging hilig

sa buhay laman, lahat ng kataga na naghahayag ng kabalasikan, kakulangan, kapalaluan,

kasaklapan at hinala ay mga tanda na kapuna puna ang kababaan ng uri, o kaya ay

panlilinlang kung ang espiritu ay gumamit ng isang pangalang kapita pitagan at hiram.

    5. Hindi nararapat na hatulan ang mga espiritu sa pamamagitan ng hugis na panglaman o

forma materyal at ayon sa kanilang estilo kung hindi limiin ang tunay na idinidiwa, siyasatin

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

10

Page 11: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

ang kanilang mga pananalita, pagtimbang-timbangin at gamitan ng malaya at matalinong

pagkukuro. Lahat ng nahihiwalay sa mabuting pangangatwiran o lohika at sa kabaitan ay

hindi mapag aalinlanganan buhat sa mga espiritung hindi pa wagas kahit na anong

pangalan ang gamitin.

    6. Ang lenguaje ng matatas na espiritu ay lagi nang magkakasingtulad hindi man sa hugis

ay sa diwa. Ang mga kaisipan ay pare-pareho rin kahit na anong panahon at pook. Maaaring

higit o kulang ang pagkakalinang sang ayon sa mga pangyayari, ng kanilang mga

kinakailangang bagay at ng kadalian ng kanilang pakikiugnay ngunit hindi

mangagkakalaban-laban kung ang dalawang abotsabi na nagtataglay ng iisang pangalan ay

magkakalaban ang sinasabi, ang isa sa kanila ay huwad at ang tunay ay yaong hindi

nagpapabulaan sa ano mang karakter ng nasabing personaje. Sa dalawang abotsabing

parehong nilagdaan, halimbawa ni San Vicente de Paul na ang isa ay nangangaral ng

pagkakaisa at pagkakawanggawa, at ang isa naman ay nagsasabog ng pagtatakwilan, ang

isang taong maalam magmatyag ay tiyak na malalaman na ang unang pahayag ay siyang

buhat sa isang batlaya at ang huli ay buhat naman sa isang espiritung di pa unlad o wagas.

    7. Ang sinasabi ng mabubuting espiritu ay yaon lamang kanilang nababatid.

Nagsasawalang kibo o ipinagtatapat ang kanilang kamangmangan sa mga bagay na hindi

nila nalalaman. Samantalang ang mababang espiritu naman ay laging tumitiyak ng wala

nang pakundangan sa katotohanan.

    8. Makikilala rin ang mababang espiritu sapagkat madaling nahuhulaan ang mga bagay

na darating at yaong mga gawaing panglaman na hindi ipinahihintulot na malaman natin ay

nangatitiyak nila. Ang mabubuting espiritu ay maaaring ipahiwatig sa atin ang mga bagay

na mangyayari kung inaakala nilang ang ganito ay mayroon kapakinabangan o aral na

maituturo ngunit kailanman ay hindi nila tinitiyak ang mga petsa. Anomang kahayagan ng

isang pangyayari na nagtatakda ng panahon ay isang gawaing mahiwaga (mystification).

    9. Ang mataas na espiritu ay malinis ang pamamahayag, walang paligoy-ligoy. At ang

himig o estilong ginagamit ay maliwanag. Maikli at malubay na mauunawaan ng lahat.

Gayon din, nasasabi ang maraming bagay sa iilang kataga lamang, sapagkat bawat salita ay

may katuturan. Ang mababang espiritu o mapagpanggap na marurunong ay ang mga

pangungusap ay walang laman, maligoy at nawawala ang tunay na idinidiwa. Karaniwan ang

kanilang pananalita ay pakitang tao at katawa tawa, nagiging malabo nang dahil sa

paghahangad na masabing malalim ang kahulugan.

10. Ang mabubuting espiritu kailanman ay hindi nag-uutos, hindi mahigpit sa

pagpapatupad kung hindi nagpapayo at kung hindi sila pakinggan ay nagpapaumanhin. Ang

mababang espiritu ay parang hari kung mang utos, mabababagsik, naglalagda ng mga

kautusan, ang ibig ay sundin sila o pakinggan agad. At lagi nang nag-aatubili sa paglisan

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

11

Page 12: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

kahit hindi sila kailangan. Lahat ng espiritu na nag uutos na siya ay igalang ay labag sa

kanyang simulain. Samantalang ang mga mababang espiritu ay hindi ibig na masusuway

ang kanilang pagkukurong ibinibigay. At ang akala, sila lamang ang may karapatan sa

katotohanan. Ang nais ay pikit matang paniwalaan sila, at tutol sila sa anomang

makatwirang pagsisiyasat, sapagkat nababatid nila na ang katwiran ay siyang mag aalis ng

kanilang mascara o balatkayo.

11. Ang mga espiritung mabuti ay hindi pumupuri ni nanunuyo sa sinumang gumagawa

ng mabuti at sang ayon sila ngunit lagi nang maingat at mahinahon sa kanilang mga payong

ibinibigay at laging sinasabing kulang at kulang pa ang pagpapakasakit nating ginagawa.

Ang mabababang espiritu naman ay lagi nang gumagawa ng masasagwang pagpuri, nag

uudyok sa kataasan at kapalaluan samantalang nangangaral ng kababaang loob, at

sinisikap nilang maiangat ang kahalagahan ng pagkatao niyaong mga nais nilang marahuyo

at mahulog ang kalooban sa kanilang mga kapangyarihan.

12. Ang matataas na espiritu ay hindi pinag uukulan ng pansin ang lahat ng bagay na

walang saysay maging anuman ang hugis. Mga karaniwang espiritu lamang ang maaring

magpahalaga sa maliliit na tiwaling-tiwali sa mga pagkukurong wagas at dalisay. Lahat ng

utos na may halong lagim ay tiyak na tanda ng kababaan at panlilinlang ng isang espiritung

gumagamit ng isang pangalang makahari.

13. Hindi nararapat ipanibulos ang kalooban sa mga salitang masasagwa at kakatwa na

ginagamit ng ilang espiritu upang sila’y panaligan at magiging tunay na laban sa katwiran

ang pagtanggap na totoo ang mga pangalang ito. Hindi ito buhat sa isang batlaya.

14. Gayon din naman, hindi dapat pagkatiwalaan ang mga espiritu na madaling

nagpapakilala sa pangalan ng mga taong lubos na kagalang-galang at pag-ingatang mabuti

ang kanilang pananalita bago tanggapin, sapagkat kadalasan ang kanilang ginagawa’y isang

pagbabalatkayo upang makaakit ng paniniwala na sila’y mayroon mabuting pakikiugnay sa

mga espiritung unlad na. Pinupuri nila ang kapalaluan ng medium at pinagsasamantalahan

nila ang gayon hanggang sa mauwi kadalasan sa mga pangyayaring kakatwa at katawa-

tawa.

15. Ang mga mabubuting espiritu ay lubhang maingat, ginagamitan ng katalinuhan ang

mga bagay na kanilang ipinapayo. Sa bawa’t payo na ibigay ay lakip ang isang mabuti at

karapatdapat na layunin. Kaya’t ang mga payo na naiiba sa ganitong palatandaan ay dapat

na pakalimiin bago tanggapin at ilagay sa gawain.

16. Ang mabubuting espiritu ay mahinahon at maingat sa mga bagay na maari nilang

ipangako. Kalaban sila sa paglalantad ng kasamaan kundi sa pamamagitan ng mabuting

kaparaanan. Ang mabababang espiritu naman ay pinalalala ito. Ang mabubuting espiritu ay

pinagsisikapang maiayos ang mga bagay na nagkakalaban-laban, inaalis ang mga sagabal

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

12

Page 13: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

at inaayos ang mga di-pagkakaunawaan, ipinangangaral ang pagpapatawad. Ang mga

mababang espiritu ay pinalalago ang dahilan ng kaguluhan at ipinupunla pang lalo ang mga

binhi ng masamang kaisipan sa pamamagitan ng masasamang sulsol.

17. Ang mga espiritung mabubuti, ang ipinagaganap lamang ay ang kabutihan. Lahat ng

pangaral, simulaing ipinapayo ay pawang batay sa malinis na pagkakawanggawa, walang

pagtatangi tulad ng ginawa at itinuro ng Dakilang Panginoon.

18. Ang mabubuting espiritu ay ipinapayo lagi na ang mga bagay na naaayon sa tunay na

matuwid. Lahat ng payo na nalalayo sa landas na ito ay maliwanag na buhat sa

mabababang espiritu.

19. Ang mga mabababang espiritu o hindi pa wagas ay gumagawa rin ng pagtataksil sa

kanilang sarili sa pamamagitan ng mga tandang panglaman na hindi maaaring pagkamalan.

Ang nagiging bunga sa isang medium ng ganitong gawain ay isang bigla at malakas na

pangangatog at di pangkaraniwang pamamayagpag ng buong katawan. Kakaibang-kakaiba

sa katahimikan at katamisan ng pangdama kung siya ay ginagamit ng mabubuting espiritu.

20. Ang mga espiritung hindi pa wagas ay madalas na sinasamantala na sa mga pahayag

nila ay kakitaan ng himig na kataksilan, nagpupunla ng di pagtitiwala sa mga hindi nila

kasang ayon. Yaong mga taong inaakala nilang maghahayag ng kanilang panlilinlang ay siya

nilang higit na pinag-uukulan ng pansin at paghamak. Ibinubuhos ang kanilang panahon at

paningin sa mga taong mahina at paniwalain upang madala nila sa kasamaan. Ginagamitan

nila ng sunud-sunod na katwirang hindi tama, mga pagkutya at mga kapinsalaan. At kung

minsan ay mga tandang panglaman ng kanilang lihim na kapangyarihan upang maakit at

mapaniwala nilang mabuti. Pilit nilang inihihiwalay sa landas ng katotohanan.

21. Ang espiritu ng mga tao na nagkaroon sa lupa ng isang tanging gawaing pang

kabaitan at panglaman, kung hindi pa nahihiwalay sa hinuhod ng laman, ay nasa ilalim pa

rin sila ng kapangyarihan ng mga bagay na panglupa at dala dala pa rin nila sa kanilang

sarili ang ilang bahagi ng kanilang mga kaugalian, ang kanilang pagmamahal at mga

pagpapakalabis na tinaglay nila sa lupa. Ito ay mahirap na pagkamalan at nakikilala sila

kaagad sa kanilang mga pangungusap.

22. Ang mga kaalaman na madalas ipagpalalo ng ilang espiritu ay hindi isang tanda ng

kanilang kataasan o kawagasan. Ang mahalaga’y ang kalinisan ng puso, ang malinis na

damdaming pangkabaitan na hindi maaring magbago.

23. Hindi kailangang magtanong sa espiritu upang makilala ang katotohanan. Bago ang

lahat ay kailangan munang makilala kung sino ang pinakikitunguhan, sapagkat ang mga

espiritung mababa at mangmang ay pinakikialaman din nang walang pakundangan ang alin

mang karapat dapat sa pagpipitagan. Hindi rin totoo na dahil na ang isang espiritu ay

naging dakilang tao sa balat ng lupa ay taglay pa rin niya ang gayong kapangyarihan at

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

13

Page 14: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

karunungan sa kabilang buhay. Maliban sa kabaitan na siyang sa kanya ay magpapawagas,

ang tiyak na magiging daan niya patungo sa Di Likha ay ang palawakin ang kanyang

kaalaman at kabaitan.

24. Ang pagbibiro ng matataas na espiritu ay ginagamitan ng magagandang

pangungusap, kadalasan ay mahinhin at magalang at marikit na tugma sa panlasa ngunit

kailan man hindi pangkaraniwan. Sa mga mababang espiritu, ang mapapait at masasakit na

biruan kadalasan ay pagsasamantala.

25. Kung pag aaralang mataman, ang karakter ng espiritung namamahayag, lalung-lalo

na ang tungkol sa kabaitan ay makikilala ang kanilang taglay na kalikasan at ang grado o

laki ng pagtitiwala na sa kanila’y ipagkakaloob. Ang mabuting kaisipan kailanman ay hindi

maaaring madaya. Lahat ng mga araling ito ay buhat sa karanasan at sa mga pagtuturo ng

mga espiritu. Ngayon ay buuin natin sa pamamagitan ng mga kasagutang bigay rin nila na

nauukol sa mahahalagang sauliraning ating pinag aaralan.       

PANGKABAITANG TULONG NG TALAYTAYAN

Ang bigay palang ito ng Diyos (mediumnidad) ay hindi ipinagkakaloob para sa

pansariling kasiyahan ng medium ni lalong hindi upang pagbigyan ang sariling ambisyon o

personal na kapakanan lamang. Ito ay ipinagkaloob sa kanya upang pabutihin ang kanyang

sarili at upang ipakilala ang katotohanan sa mga tao. Kung ang espiritu ay nakikita na ang

medium ay hindi nakikiisa sa kanyang mabubuting layunin at hindi sinasamantala ang mga

pagtuturo at mga paalaala na sa kanya ay ibinibigay, umaalis ang espiritu upang humanap

ng ibang matatangkilik na medium na lalong karapat dapat sa pagtulong.

Ngunit kung isang batlaya o isang unlad na espiritu ang siyang lalayo sa isang

medium, ito ay pansamantala lamang. At sa panahong ito, ang medium ay hindi tatanggap

ng abot sabi kahit sa ibang espiritu upang bigyan siya ng aral at upang ipakilala na ang

kanyang facultad o kaloob ay hindi siya ang masusunod sa pag-gamit noon.

At hindi dapat ipagmataas ng isang medium ang anumang kaloob na kanyang

natamo. Ito ay isang pagsubok sa medium at isang dakilang aral na dapat tangkilikin ang

kaloob na hubad sa pagpaparangya o kayabangan.

Sa isang dako, ang pansamantalang pagkawala ng kaloob (Biyaya) ay hindi lagi nang

isang parusa, ito ay maaaring tanda ng mabuting pangangalaga ng isang batlaya sa isang

medium na kailangan ang pansamantalang pamamahinga. At sa panahong ito, siya ay hindi

gagamitin ng sinumang espiritu.

Ngunit may mga medium na kalian man ay hindi nangangailangan ng pamamahinga

ng katawang laman, lalo pa ang patlang o pagtigil ng mga kaloob (facultad). At gayon man

ay nagaganap ang pagtigil na ito. Bakit?

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

14

Page 15: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

Ito ay nangyayari upang subukin ang kanilang pagpapaumanhin at pagtitiyaga. Kaya

nga hindi itinakda ang panahon o hangga ng ganitong pansamantalang pagtigil na ito ng

kaloob o biyaya. Nais din nilang patunayan kung ang medium ay maiinip. Gayon din,

madalas ay binibigyan sila ng panahon upang isip-isipin ang mga aral na sa kanila ay

ipinagkakaloob. Sa ganito ay nakikilala ng mga batlaya kung ang medium ay tunay na

espiritista na mapagtitiwalaaan. Ang tiwalang ito ay hindi maikakapit sa isang medium na

mahiligin lamang sa mga abot-sabi at hindi matiyaga at walang pagsusuri sa kanyang

sariling katangian at mabuting pagsunod sa hikayat ng mga batlaya.

Ang isang nagnanasa (aspirante) na magkaroon ng anomang kaloob (facultad) kung

hindi magtamo ng anoman ay maaari bang ituring na ang espiritu ang kulang ng

pagtatangkilik sa kanya o may iba pang kadahilanan?

Sa halip na mainip, ay isipin na may mabubuting bagay na tatanggapin kapalit ng

mga biyayang ninanasa. Ang kaloob para sa pagtulong sa mga may karamdaman sa laman

at sa diwa ay ilan lamang sa maaaring maging kapalit ng anumang biyayang hindi natamo.

Kaya nga, lagi nang manahimik, magconcentracion, maglingkod sa lahat at

matiyagang antayin ang anomang kaloob buhat sa mga batlaya.

Kung ang isang medium ay intuitivo o inspirado, siya ay makalilikha ng isang gawain

sa kanya na ring pag iisip. Kung ang mga kaisipan o ideas ay mabubuti, ay magpapasalamat

siya sa gayong biyayang nanggaling sa isang genio (genius) at siya ay humanda sa

pagtanggap ng marami pang iba. Ganyan ang sigliwa (inspiracion) ng mga manunula

(poeta), ng mga paham (filosofo) at ng mga dalubhasa (sabios) o marurunong.

Sa sandaling unlad na ang kaloob (facultad) ng medium ay kailangang huwag siyang

magpakalabis sa pag-gamit noon. Ang kasiyahan na nagbibigay sigla sa maraming

nagsasanay ay kailangang magkaroon ng pagtitimpi. Dapat unawaing ang ipinagkaloob

(facultad) ay marapat gamitin sa kabutihan at hindi sa gawaing walang bait at parang pag-

oosioso lamang (vana curiosidad). Dahil dito, ang kaloob ay dapat gamitin lamang sa sandali

o panahon ng mahalagang pangangailangan at hindi sa lahat ng kataon na hindi gaanong

mahalaga. Kaya nga, kailangang itakda ang tiyak na araw at oras ng pagtawag sa kanila

sapagkat sa ganitong paraan ay magkakaroon ng mabuting kaayusan (regimiento) o

pagligpit sa sarili. At ang espiritung nais na sumapiling ay magkakaroon ng paghahanda.

Ang medium ay siyang interprete o taga-hayag ng anumang abot-sabi na buhat sa

isang espiritu comunicante. At ang utak ng medium ang siyang tanggapan o oficina na doon

nagkakaroon ng ugnayan ang diwa ng kasanagkapan at ng espiritu. Kaya nga lubhang

mahalaga ang pagiging handa ng isang medium upang maging maayos at mainam ang

abotsabing tatanggapin sa kanyang pamamagitan.

Kung hindi handa ang isang kasangkapan, nangyayaring iwanan siya ng espiritu

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

15

Page 16: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

cominicante at lumapit sa iba na nakapaghanda.

OBSESYON (OBSESSION) 

Nangunguna sa maraming panganib sa pag aaral ng Espiritismo ay ang tinatawag na

OBSESSION. Ito ay ang kapangyarihan at kakayahan na mapamahalaan ang pagkatao ng

isang talaytayan.

Mga di pa wagas ng espiritu ang siyang gumagawa ng obsession sa mga medium na

mayroon ng kahinaan ang karakter – yaong may taglay na kayabangan, mapagmapuri sa

sarili, magagalitin at mainitin ang ulo.

Kung minsan ang dahilan ng obsession ay isang paghihiganti, maaaring sa buhay na

ito o noong isang unang kabuhayan. Kung minsan ang dahilan ng obsession ay upang

puminsala lamang sa mga tao, papagtiisin ang iba, tulad nilang nagtitiis sa kanilang pagka

espiritu.

Tulad ng linta ay nagkakaroon sila ng kapangyarihan sa isang marangal at

iginagalang na angkan. Sa ganito, ang wika nila ay hindi na kailangang kainggitan ang

pamilyang yaon.

Ang espiritung dahilan ng obsession ay lubos na natutuwa kung sinusunod ang

kanilang mga udyok sa atin. May espiritung pilit na ipinapasusunod sa atin ang kanilang

sariling karunungan, sariling mga idea, ukol sa ciencia, economia, moralidad religion at

filosofia. Lumalapit sila sa isang medium na pikit mata namang napasusunod nila hanggang

sa ma-obsesa at parang nawalan sa sariling pasiya o fuerza de voluntad sa lahat ng bagay

na sa kanila ay ipagawa.

Gayon din naman ang pagiging mayabang ng isang kasangkapan, ang kanyang

pagmamapuri at pagpaparangalan sa kanyang kaloob na tinanggap ay maaaring maging

dahilan ng pagiging obsesado niya. Ito ay nangangahulugan ng sa kaniya ay pagsubaybay

ng mabababang espiritu hanggang sa siya ay udyukang gumawa ng mga pagdaraya at

panlilinlang. Tulad din naman nating mga tao ang nangyayari. At, ang tinatawag na

posesyon ay higit ang kapangyarihan sa isang kasangkapan kaysa tinatawag na obsesyon.

At ang espiritu ay hindi na humihiwalay sa medium kung hindi iyon na ang nakapangyayari

sa medium at siya nang nag aatas sa mga ibig ipagawa sa medium. Ito ay lubhang panganib

ang sasapitin lalo pa kung ang mga medium ay susunod ng susunod sa mga hindi marapat

gawin at makapipinsala sa iba at lalo pa sa sarili ng medium.

Nagpapanggap ang ibang mababang espiritu na sila ay mga marangal na personaje o

tauhan ng kabanalan: tulad ni Hesus, Virgin Maria at iba pang mga banal na espiritu. Kaya

lubos silang pinaniniwalaan ng nagiging biktima ng kanilang hindi mainam na panlilinlang.

Maingat sila sa pagsasalita at laging may himig ng kabaitan at paumanhin. Ngunit ang lahat

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

16

Page 17: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

ng ito ay paraan upang sila ang makapangyari at makapamahala sa katauhan upang

maitago ang kakapusan ng kanilang kaalaman.

Kadalasan, kung nakikita ng isang mababang espiritu na ang kanyang pahayag sa

isang medium na obsesado niya ay sinisiyasat at pinag aaralan ay hindi siya lumalayo,

ipinaiisip niya sa medium na lumayo o magsarili. O kaya ay tuwiran niyang iuutos sa

medium ang paglayo sa mga namamahala.

Bawat medium na masaktan kung ang pahayag sa pamamagitan niya ay siyasatin at

suriin ay siyang kauri ng espiritung sa kanya ay gumagamit. Kaya’t ang espiritung ito

samakatuwid ay hindi mabuti. At ang paglayo ng isang medium na obsesado ay lagi nang

hindi nakabubuti, pagkat sa gayon ay wala nang makatutulong at makapagpapayo sa kanya.

Lalo pa sa sariling pagtanggap niya ng mga pahayag, gaano man kabuti para sa kanya ang

mga pahayag na yaon, ngunit maari din siyang magkamali sa pagpapahalaga doon pagkat

hindi lahat ng bagay ay kaniyang malalaman. Kasangkapan lamang siya, kailangan niya ang

isang matalinong sa kanya ay tutulong, ang pangulo ng lunduyan o ang pangalawang

pangulo o ang sino mang may kaalaman.

Ang paraan ng paglunas sa obsesyon ay ayon sa kabigatan ng sanhi. Para sa isang

medium na dati nang maalam ng ukol sa bagay na ito (obsesyon), yaon ay hindi

mapanganib. Kahit na kung ang espiritu comunicante ay mababa at di pa wagas, ngunit

matatawag na hindi kasiya-siya sa kanyang pandama. At ang mababang espiritu ay lalo pa

siyang tutuksuhin at paiisipin upang sumunod.

Dalawang bagay ang magagawa ng isang kasangkapang sanay at marunong na.

Patotohanan sa espiritung sa kanya ay nais na maghari na siya (medium) ay hindi malinlang

at siya ay hindi kauri ng mababang kalagayan ng espiritu.

Maging mapagpaumanhin at matiyaga hanggang mapagod at mawalan ng pag-asa

sa kanyang tagumpay ang espiritu manghihibo. Sa ganitong paraan ay kusang titigil ang

espiritu, tulad ito sa mga taong nanghihikayat at di natin sila pinakikinggan.

Ngunit kadalasan ay hindi ito sapat makaraan man ang mahabang panahon. Ang

udyok ng espiritung mababa ay patuloy pa rin. Ang medium ay kailangan humingi ng

matapat na tulong sa kanyang Angel dela Guardia at sa mga batlaya tumutulong sa kanya

lagi na.

Para sa mga espiritung manunukso, pakitunguhan sila ng may ganap na katatagan

ngunit may lakip na habag. At idalangin sila. Sa simula ay magiging rebelde ang espiritu,

ngunit sa matiyagang pangangalaga sa kanya, susuko at pahihikayat siya sa inyo. Sa wakas

ay madadala ninyo siya sa mabuting landas buhat sa kawalan ng pag-asa. Kailangan na

siraing lahat ang mga abotsabing natipon upang makita ng espiritung manghihibo na siya ay

hindi na pinakikinggan.

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

17

Page 18: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

Sinabi na natin na wala namang panganib sa isang medium kung siya ay hindi

patutukso o padadaya ngunit sa tinatawag na Fascinacion, ang espiritu ay may lubos na

kapangyarihan sa kanya, kaya’t mahigpit ito kaysa Obsesyon. Ang hikayat ng espiritu ay

masidhi at walang dapat gawin kundi paliwanagan ang medium na siya ay nadadaya. Ngunit

ito ay magbibingi-bingihan. Kaya’t magtiyaga hanggang magtapat ang espiritu na siyang

sanhi ng fascinacion na hindi siya (espiritu) ang nagbigay ng pangalan sa pahayag. Ang

saad ng isang espiritu: “Humanap ako ng isang taong aking maaakay. Nakita ko siya.

Ngayon ako ay magpapalumagak dito sa kanya. Habang pinagpapaliwanagan ang espiritu

ay lalo tayong tatanggihan noon hanggang sa itaboy tayo sa malayo. At sapagkat walang

higit na bulag kaysa ayaw makakita ng katotohanan, ang lahat ng paraan upang mabuksan

ang paningin ng isang medium na nasa ilalim ng fascinacion ay nawawalan ng bisa. Ang

mabuti kung gayon ay iwanan ang medium sa kanyang sarili. Tulad ng isang may sakit na

mahirap gumaling kung lagi nang inaalagaan ang kanyang sakit at natutuwa pa doon.

Ang pagkagahis sa laman (mahina) ay daan upang magamit ang lakas na buhat sa

obsesado (medium) at mapaalis ang mababang espiritu. Kailangan dito ang pagtulong ng

isang tao o kasangkapan upang bigyan ng lakas o magnetismo at gayon din ng lakas ng

kalooban o fuerza de voluntad. Kung hindi makatulong ang obsesado sa kanyang sarili,

makatutulong ang isang taong mabait at mabuti ang ugali. Mauutusan niya ang espiritung

gumagamit upang iwanan ang medium. Gayon ang ginawa ng Manankop noong siya ay

magpalabas ng mga demonyo o mangangaway na espiritu.

Maibibigay lamang dito ang pangkalahatang payo, pagkat walang tiyak na paraan o

formula o anumang salita na may kapangyarihan na makapagpapalayo ng mga espiritung

sanhi ng obsesyon o facinacion.

Kung minsan, ang obsesado ay kulang sa lakas at fluido, dito ay kailangan ang isang

medium na sa kanya ay makatutulong. At mabuti rin ang pagsangguni sa espiritu protector

sa pamamagitan ng isang medium na mapagtitiwalaan. Gayon din, dapat isangguni sa

Anghel de la Guardia ng medium na ginagamit ng mababang espiritu.

Ang mga hilig ng medium na obsesado na kulang sa kabaitan at kababaang loob at

marami pang ugaling hindi maganda ang magiging balakid sa kanyang pagkaalpas sa

kapangyarihan ng mga mababang espiritu.

Ilang magkakapatid na babae ang sa loob ng ilang taon ay naging biktima ng hindi

magandang karanasan. Ang kanilang mga damit ay lagi nang nakakalat sa mga sulok ng

bahay, sa itaas ng bubong, ginugupit, pinupunit at pinagbubutas butas. Kahit ito itago at

susian ay nakakalat din. Ang mga babaing ito ay hindi naman mga espiritista. Akala nila ay

naging biktima sila ng pagbibiro. Ngunit ang patuloy na nangyayari kahit sila mag ingat ay

nagbubulaan sa gayong hinala. Makaraan ang mahabang panahon ay lumapit sila sa mga

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

18

Page 19: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

espiritista upang itanong ang kadahilanan at ang una sa mga nabanggit na pangyayari, ang

dahilan ay hindi kahina hinala. Ang panglunas ay higit na mahirap. Ang espiritung gumawa

ng lahat ng gulo ay naghihiganti. Nagpakita siya ng di mabuting kalooban at mailap sa

kumakausap sa kanya. Makaraan ang ilang panahon na wari ay nagtigil na ang mga gulo, ito

ay umulit at kinailangan ang payo ng isang mataas na batlaya. Ang payo ay ito: Idalangin ng

mga babaing yaon sa kanilang Anghel na taga tanod na sila ay laging tulungan, huwag

iiwan. Siyasatin ang kanilang budhi, mangumpisal sa kanilang sarili at suriin kung sila ay

nakatutupad sa kahingian ng mabuting pagkakapit bahay at sa pagkakawanggawa, hindi sa

laman kundi sa diwa o sa di pagpaupasala sa kapwa. Nakalulungkot banggitin na ang

pagiging malabiga kahit na sila ay mapagdasal at mapagkawanggawa at ang paninirang

puri sa kapit bahay ang siyang nag udyok sa mga espiritu para maghiganti. Yaon ay lagi

nilang iniiring at pinapalibhasa. At yaon ay magugunita nila kung pilit na pagbabalikan sa

isip. Kung ang mga babaing yaon ay magpapakabuti sa pakikipagkapwa, babalik ang

kanilang Anghel de la Guardia upang siyang magtaboy sa espiritung manunukso. Nang

sabihin na waring masasakit ang salita ng mga espiritung nag uusig, ito ay sumagot: “Dapat

kong sabihin ang aking sinaad at kagaya ng aking pagkasalita. Paano ay ang mga babaing

iyan ay hindi maniniwala na ang pagkamalabiga at machismis ay masamang gawain. Kaya

marapat lamang ang aking ginawang panggugulo sa kanila. At nawa ay maging babala iyon

sa kanila sa hinaharap”.

Sa salaysay na ito ay may mahalagang aral tayong mapupulot, na ang masasamang

ugaliin ay nakaaakit upang tayo ay lapitan ng mga mababang espiritu. At ang pagiging

mabuti at mabait naman ang siyang nagpapalayo sa kanila upang tayo ay huwag nang

pinsalain o guluhin ang ating buhay. Walang alinlangan na ang mga mabubuting espiritu ay

makapangyarihan sa mga espiritung di pa wagas, na ang malakas na kalooban nila ay sapat

na upang palayuin ang mga yaon. Ngunit ang tinutulungan nila ay yaong nagbabago at

nagpapakabuti na.

Kung hindi ito mangyari, iniiwan sila ng mabubuting espiritu, sa gayon, ang pagtukso naman

ng mababang espiritu ang nagiging daan sa pag uusig at pagbabayad utang ng mga

inuusig.

Bakit hindi maligtas ang isang medium sa subaybay ng masamng espiritu at bakit

waring hindi makayang paalisin ng mabubuting espiritu upang sila ay tuwirang

makapamahayag?

Hindi ang kulang sa lakas ang mabuting espiritu kundi ang medium ang di gaanong

malakas at di makasunod sa mataas na espiritu. Maari din naman na angkop ang fluido niya

sa isang espiritu kaysa sa iba.

Bakit mayroon na sa tingin natin ay mabubuting tao na may marangal na pagkatao

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

19

Page 20: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

at gayonman ay hindi magamit ng mabubuting espiritu? Ito ay isang pagsubok. Gayon din

naman sino ang nakatatalos kung ang puso ay nalalahiran ng isang buktot na kaisipan?

Gayon din kung ang kayabangan ang nakapananaig sa nahahayag na kabutihan? Ang mga

pagsubok na ito na naglalantad ng sariling kahinaan na magtuturo sa kanya na

magpakababang loob.

Mayroon bang sinoman sa daigidig na ito na makapagsasabing siya ay ganap at

walang kapintasan? Yaong sa malas ay mabuti at waring ganap ay maaring mayroon na

nalilingid na kapintasan, isang tanda ng di pagiging ganap o perfecto.

Maari bang ang pinag uusig ng isang mababang espiritu ay tuluyang masiraan ng

bait? Oo, isang uri ng pagkawala ng sariling bait na naiiba sa pangkaraniwang pagkaloko.

Kung ang mga medicong tao ay maalam ng Espiritismo, malaki ang kanilang maitutulong sa

mga ito pagkat makikilala nila kung sino ang tunay na loko at ang sinasapian lamang ng

mababang espiritu. Kahit na hindi maniniwala sa pahayag ng mga espiritu ay pilit na

maniniwala kung sa hindi inaasahan ay maihayag na lamang at sukat ang isang espiritu, at

sa gayon ay sino naman ang hindi pa maniniwala?

KATANGI-TANGING MGA MEDIUM

Bukod sa mga iba't ibang categoria ng mga medium na nabanggit sa simula ng mga

halaw na ito, ang mediumnidad ay nagpapakilala ng isang walang katapusang antas o uri ng

kaloob at dito ay ating ibibilang ang mga special (o katangi-tanging) medium; sila ay nag-

aangkin ng di pangkaraniwang kakayahan o katangian na hindi pa masuri, ayon sa

katangian at kaalaman ng espiritung nagpapahayag.

Ang abotsabi sa pamamagitan ng mga special medium na ito ay laging may

kaugnayan sa kakanyahan ng espiritung comunicante. At nagpapakita ng pangsariling

kaangkinan gaya ng kaatasan o kababaan ng sarili; ng sariling karunungan o

kamangmangan; ngunit dahil sa ang katangian ng bawat isa ay pangsarili, nakikita ang

sariling pagtalakay sa isang bagay kaysa iba pa; ang mga espiritu na laging kumakatok o

lumilikha ng ingay, sila ay hindi nag iiba ng kanilang pakiramdam. At ang mga nabibilang sa

mga nagpapahayag ng may katalinuhan ay ang mga espiritung manunula o poeta, mga

musikero, pintor, novelista, makaagham (scientifico), mga mangagamot at marami pang iba.

Ang ating binabanggit ay ang mga espiritung nasa panggitnang uri, na pagdating sa isang

kalagayan ng pagsulong, ang mga katangian nila ay nagkakaisa at dumarating sa pakikiisa

sa kasakdalan o perfecion. Ngunit, tangi sa hilig ng espiritu comunicante, nariyan ang

katangian ng medium na siyang kasangkapan ng espiritu. Ang huli ang siyang nakatalos

kung ang kasangkapan niya ay angkop o kanyang mapapasunod. Ang espiritu ang siyang

nakatutuklas ng (special) katangi-tanging kaangkinan na tayong mga tao ay hindi

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

20

Page 21: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

nakapagpapahalaga.

Magbigay tayo ng isang pagbabaki: Ang isang dalubhasang musikero ay mayroong

maraming mga violin; sa pangkaraniwan, sasabihing maiinam na lahat ang mga yaon;

ngunit sa isang dakilang musikero, mayroon siyang makikitang antas na pagkakaiba, at

pipili siya ng ilan at iiwan ang iba naman. Ang pagpili niya ay sa pamamagitan ng intuicion o

kutob ng loob. Ganito rin ang ukol sa mga medium. Mayroon man ng parehong katangian ng

mediumnidad, pipili rin ang isang espiritu ng isang medium ayon sa uri ng pahayag na

kanyang ibibigay. Kaya, halimbawa may taong bilang medium ay nakagagawa ng tula na sa

kanyang sarili ay hindi maalam gumawa kahit na dalawang taludtod, pilitin man. Ganito ang

ukol sa mga pintor, musikero at iba pang karunungan.

Mayroon namang mga medium na sa kanilang sarili ay walang kaalamang

makaagham (sciencia) na mayroon ng tanging kakayahan na makatanggap ng abotsabi ukol

dito. Ang mga ibang medium naman ay may katangian sa pagtanggap ng pahayag ukol sa

istorya, ang iba naman ay sa pagtanggap ng pahayag ng mga batlayang mangangaral o

moralista. Sa isang salita, ano man ang pagiging sunud sunuran ng medium, ang pahayag

na kanyang matanggap ng sa madaling paraan ay may sariling tatak at katangian. Mayroon

namang mga medium na ang pahayag ay lagi nang nasa kabilugan ng ibang pagpapahayag,

na kadalasan ay hindi tapos ang ibig sabihin, pahat o bulaan ang pahayag na tinanggap.

Matangi sa mga dahilan ng mga hilig, nagpapahayag ang espiritu ng buong puso sa sino

mang taga pamagitan ayon sa kanilang pagkagiliw. Kung ang lahat ng bagay ay timbang, at

walang natatangi o nakahihigit, ang espiritung nagpapahayag, sa paggamit ng ibang

medium ay makapamamahayag ng may pagkakaiba at lalong maganda dahilan sa kaugma

niya ang medium na nasabi.

Magiging isang pagkakamali kung gayon, kung ang isang mabuting medium na

nakatanggap ng mainam na pahayag ay hanapin o asahan na makatanggap ng lahat ng uri

ng pahayag. Ang pangunahing batayan ay matiyak ang pinagmulan o ang katangian ng

espiritung pinanggagalingan ng pahayag. At lalo pa ang katangian o kakayahang moral ng

medium na ipagagamit sa espiritu, kaya nga, kailangang pag aralan ang bukal na

kakayahan o katangian ng medium, samantalang pinagaaralan ang katangian ng espiritung

magpapahayag, pagkat ang mga ito ang dalawang condicion o pangangailangan upang

makatanggap ng mabuting bunga (pahayag). Mayroon pang pangatlong sanhi o dahilan

upang makatanggap ng tulad ng huling banggit, ang layunin, ang lihim na alitigtig, ang

humigit kumulang ay kapuri-puring layunin ng sumasangguni, kita at maaaring sabihin:

Upang makatanggap ng isang mabuting pahayag, ito ay kailangang magmula sa isang

espiritung mabuti, na magawan ng espiritung ito na maipahatid sa pamamagitan ng isang

mabuting kasangkapan. Na upang maipaabot ito sa iba o sa atin, ang dahilan ay karapat

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

21

Page 22: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

dapat o ayon sa nasa ng batlayang nagpapahayag.

Ang batlaya, na nababasa ang isipan ang nagpapasya kung ang tanong ay marapat

sa isang wastong sagot at kung ang taong tumatanong o sumasangguni ay marapat

tumanggap noon. Sa isang kasong taliwas o kung hindi matapat ang tanong at gayon may

tinugon ng tapat na sagot, walang nawala pagkat ang espiritu ay nakapaghasik ng mabuting

binhi sa mabatong lupa. At pumapalit sa batlaya ang mga bulaan at mapagbiro na ang mga

ito ay di gaanong pinahahalagahan ang katotohanan, hindi nila sinusuri ang mga bagay at

walang halaga maging anuman ang paraan o wakas ng pagpapayo.

Ang mga kasangkapan o medium ay maaring hatiin sa dalawang grupo: Mga medium

sa paghahayag na fisical: yaong mga nakalilikha ng ingay, katok, yabag, etc.

     1. Tipping mediums - yaong dahil sa kanilang hilahis ay may mga ingay at mga katok

na nalilikha.

    2. Moving mediums - yaong ang kakayahan ay nakapagpapagalaw ng mga bagay. Ito ay

pangkaraniwan.

    3. Medium para sa mga bagay na nakalagay sa alangaang o sa hangin. Mayroon

ang sarili ay napalulutang sa itaas na walang sumasalo. Ito ay pangbihira, lalo pa ang huling

nabanggit.

    4. Musical medium - nagagawa nila na magpatugtog ang anomang instrumento kahit na

hindi hinihipo. Pangbihira ang uring ito.

    5. Medium para sa multo (aparition) - Yaong mga medium na ang katangian ay

nakabubuo ng isang multo na maaaring makita ng mga taong kaharap.

    6. Medium sa materyalizacion at aporte - yaong mga nakatutulong sa mga espiritu sa

pagdadala ng iba't ibang bagay - Ito ay isang uri ng moving medium.

    7. Nocturnal (no. 2) medium - yaong mga nakadadama ng paggalaw ng mga bagay sa

gitna ng kadiliman o gabi. Ito ay nangyayari atas ng kapaligiran at hindi ng katangian ng

medium o ng espiritu. Ang uring ito ay pambihira. At maaaring sabihin na dahil sa

kalagayan  at kadiliman, ito ay nagiging paraan  ng  pagdaraya, magiging dahilan  upang

paniwalaan  sila at kumita  ng salapi at sa gayong paraan. Ngunit ano ang kailangan?

Ang gayong uri ng pagdaraya maging sa pansarili o panlipunan ay talagang

mahahayag sa madla, at ipakikilala sa kanila ng mga espiritu na hindi mabuti ang

pakikialam sa kanilang mga gawain. Inuulit ko ang wika ni Erastus, ang isang baguhan ay

maaaring ligaligin sa pamamagitan ng marahas na pagpaparamdam sa kanyang mga daliri

na sapat upang makilalang bulaan ang medium na nasabi. Bukod pa sa ang gayong bagay

ay pangsamantala lamang.

8. Medium sa Pagsulat - Pneumatographic medium -Yaong ginagamit ng espiritu

ang kamay sa tuwirang pagsulat. Ito ay sadyang pambihirang fenomena at isang

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

22

Page 23: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

napakadaling gayahin sa pamamagitan ng panglilinlang.

9. Healing medium - Yaong mga nakapagpapagaling ng mga maysakit sa pamamgitan

ng paglalapat ng kamay sa mga maysakit o sa pagdalangin. Ang kaloob na ito ay

maaaring hindi mediumnidad. Ito ay nadadama ng lahat na may matibay na

pananampalataya sa Dios. Kahit na sila ay medium o hindi man; kadalasan yaon ay bunga

ng makalangit ng mga batlaya at lalong nagiging mabisa.

Yaong mga medium na mainam sa pagtanggap ng pahayag na intelectual o

naghahayag ng katalinuhan. Yaong mga iba pang uri ng medium, humigit kumulang ay

nabibilang sa alinman sa dalawang grupo o kaya ay sa dalawa. Kung ang mga pahayag ay

susuriin makikita na mayroong magkahalong fisical at intelectual na diwa. Halos ay hindi

makita ang hanggahan sa dalawang uri ng pahayag. Ang mga medium para sa

intelectual na pahayag ang siyang nakatatanggap ng regular at walang patlang na pahayag

ng mga batlaya.

10. Sensitive mediums - yaong mga nakakatanggap ng impresyon o alitigtig sa mga

espiritu, mabuti man o masama. Ang mga medium na ito ay delikado at kailangang iwasan

ang mga espiritung mararahas, na ang impresyon sa medium ay nakasasakit at

nakapipinsala; ang bunga ay ang pagkapagal at panghihina.

11. Hearing mediums - Nakaririnig ng mga espiritu. Ito ay pangkaraniwan. Mayroon

akala ay nakaririnig sila ngunit ito ay imahinasyon lamang.

12. Speaking Mediums - Yaong mga nagsasalita sa ilalim ng subaybay ng mga espiritu.

Ito ay ang parlante at pangkaraniwan din ito.

13. Seeing Mediums - Yaong nakakikita ng kaluluwa1 samantalang gising. Ang di

inaasahang pagkakita sa isang pagkakataon ay pangkaraniwan ngunit ang palagiang

pagkakita sa mga kaluluwa ay hindi pangkaraniwan. Kadalasan ay imaginacion lamang ang

nangyayari kaya dapat gamitan ng maingat ng pagsusuri.

14. Inspired Mediums - Yaong ang mga salita o diwa ay sa suggestion ng espiritu kahit

na labag sa kanilang kalooban. Kabilang dito ang ukol sa pangkaraniwang galaw ng buhay o

para sa matataas na antas ng karunungan at gawain.

15. Mediums for Presentiments - Yaong sa ilalim ng ibang pangyayari ay natatanggap

ang alitigtig o kaba para sa darating na pangkaraniwang pangyayari.

16. Prophetic Mediums - Ito ay nabibilang sa inspired o Presentiment medium, sa

pahintulot ng Dios, at may higit na katiyakan kaysa Presentiment medium. Naghahayag sila

ng mga darating na pangyayari para sa lahat at sila ang nagbibigay ng paraan at mga

pointers sa dapat gawin ng mga tao. "Kung mayroon mga tunay na propeta, higit na marami

ang bulaan, na ang mga panaginip at wari ay revelacion ay bunga lamang ng kanilang guni -

1 ? Espiritu sa orihinal na salita mula sa Halaw. Sa pag aaral natin, tanging kaluluwa o peri-espiritu lamang ang maaaring makita.

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

23

Page 24: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

guni (imagination) at naibubunsod ang gayon ng sariling ambicion na maituturing na

profeta". (Book of Spirits, no. 624).

17. Medium Sonambula - Yaong mga nagsasalita samantalang natutulog, sa tulong o

ayuda ng mga espiritu.

18. Ecstatic Medium - Yaong samantalang nasa lubos na ecstasy o ganap na

concentration ay nakatatanggap ng pahayag o revelacion buhat sa mga espiritu. Marami sa

kanila ang nagiging gayon atas ng sariling guni-guni o mga magdarayang espiritu na siyang

nakikinabang sa gayon. Bihirang bihira ang mapagtitiwalaan sa uring ito ng mediumnidad.

19. Medium sa Pintura - Yaong nakapagpipinta o nakaguguhit (draw) sa atas ng mga

espiritu. Tinutukoy dito ang mga tunay na magagandang painting tulad ng kay Jupiter na

kahit tinularan ng maraming nagsisisulpot na pintor  ay hindi  nakapantay  sa magandang 

likha ng tunay na medium sa pagpinta. Ang lahat ng ibang nagnais makapagpinta ng

maganda ay pawang caricatura lamang ang naipinta.

20. Medium Musicians - Yaong nakalikha, nakapagcocompose o nakasusulat ng musika

sa ilalim ng subaybay ng mga espiritu. Mayroong mekanikal o semi mekanikal, paisip

(intuicion) o inspirado na mga medium na musikero, ganito rin ang ukol sa mga pahayag sa

literatura o sa pagsulat ng magagandang salaysay.  (mediums for musical effects)

21. Versifying Mediums - Yaong mga nakatatanggap ng pahayag sa verso o patula.

Madalas ay hindi maayos ang taludtod, bihira lamang ang maganda at tumpak ang versos o

taludtod.

22. Incorrect mediums - Sila ay nakatatanggap ng mabubuting bagay, puno ng moral o

pangaral, ngunit ang estilo o forma ng salita ay malabo o mali, puno ng paulit ulit na kataga

at mga hindi angkop na terms o pananalita. Ang kamalian sa pananalita sa isang pahayag

ay buhat sa kakulangan ng kailangan ng kabatiran sa kultura ng medium, na dahil dito ay

hindi mabuting kasangkapan ng espiritu. Hindi binibigyan ng malaking pahalaga ng espiritu

ang forma o mga maling pananalita, ang mahalaga ay diwa ng pahayag, kaya ipinauubaya

sa atin ang pag aayos sa pagsasalin ng pahayag. Ito ay di katulad kung tinanggap ng

bulaang pahayag na walang ayos ang diwa, ito ay atas o mula sa mga espiritung may

kababaan ang uri.

Imperfect Mediums

Obsessed Mediums - Yaong hindi makaiwas sa hikayat ng mga espiritung

magdaraya.

Fascinated Mediums - Yaong nasa kakayahan ng mga espiritung magdaraya at

nalilinlang ukol sa uri ng pahayag na natatanggap.

Trifling Mediums - Yaong hindi tinatanggap na ang biyaya nila ay karapatdapat at

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

24

Page 25: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

ginagamit lamang nila sa paglilibang o sa mga bagay na walang saysay.

Indifferent mediums - Yaong hindi nakatanggap ng pangaral sa kabaitan ng dahil

sa kanilang kaloob at sa anumang paraan ay hindi pinagbubuti ang sariling ugaliin at

magandang kaasalan.

Presumptous mediums - Yaong nagkukunwari na sila lamang ang kaisa ng

matataas na espiritu. Sila ay naniniwala sa sariling katangian at kakayahan at itinuturing na

mababa at mali ang lahat ng pahayag na di natanggap buhat sa kanila.

Haughty mediums - Yaong ipinagmamayabang ang abot sabing kanilang

natanggap. Inaakala na wala na silang dapat pang matutuhan sa Espiritismo  at hindi

natututo sa mga aral  na tinatanggap sa mga espiritu. Hindi sila nasisiyahan sa biyayang

sumasakanila. Ibig nila ay maangkin o makamit ang lahat ng biyaya.

Susceptible mediums - Kauri ng nasa itaas, nasasaktan kung pintasan ang

kanilang pahayag, nagagalit pagka sila ay kinontra. Pagka ipinagparangalan ang kanilang

pahayag, ibig na yaon ay purihin, hindi naghihintay o tumatanggap ng payo. Karaniwan

ayaw nila sa mga taong hindi lubos ang tiwala sa kanila. At iniiwan ang grupo na hindi nila

makayang mapasunod at makontrol.

Bayaan sila sa sariling palad. Humanap ng sa kanila ay papansin o kaya ay lumayo sa

pag iisa, ang lipunan ng kanilang lisanin ay di gaanong mawawalan - Erastus.

Mercenary mediums - Yaong ginagamit sa pagkaka-pera ang kanilang biyaya.

Ambitious mediums - Yaong ang biyaya nila ay hindi tinatapatan ng halaga ngunit

umaasa na makatanggap ng pakinabang para sa sarili.

Zealous mediums - Yaong tumitingin na may pagkainggit sa ibang medium na higit

na pinahahalagahan at higit na nauungos sa kanila.

Mabubuting Medium

Serious mediums - Yaong ginagamit ang kaloob sa mabuti at mahalagang sanhi

lamang. Itinuturing na paglapastangan kung ang kaloob ay gagamitin sa mga pag oosyoso

lamang o pinag lalaruan ang anumang buhat sa mga batlaya.

Modest mediums - Yaong hindi ikinakapit sa sarili ang kapurihan kaugnay ng

pahayag na kanilang tinatanggap maging ang mga yaon ay maganda. Itinuturing na hiwalay

ang kanilang sarili sa pahayag nila. Malayo sa pag iwas sa mga puna o critico, sila pa ang

humahanap noon.

Devoted Mediums - Yaong nauunawaan na ang tunay na medium ay may isang

mission na tutupdin, at kung kailangan ay magpapakasakit sa ugali, sa mga kalayawan,

panahon, hanggang sa mga biyaya ng laman para sa kabutihan ng mga ibang tao.

Hindi mapapabulaanan, dagling makikita na ang ganitong pagpuna sa kakayahan at

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

25

Page 26: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

mga hilig o capritso ng medium ay makaaakit ng di pagkakaunawaan at pag iiringan sa iba,

ngunit walang kailangan magkagayon man. Ang mediumnidad ay lumalaganap araw araw,

higit at higit. At ang medium na pansinin ang mga kahayagan at kakulangang ito ay

patutunayan lamang ang isang bagay na hindi siya isang mabuting kasangkapan o siya ay

may subaybay ng masamang espiritu. Ngunit ito, tulad ng nasabi ko na, ay pangsamantala

lamang. Ang mga masasamang medium o yaong naabuso ng paggamit sa kanilang kaloob

ay magtitiis sa bunga ng maling gawain nila, tulad ng nangyari na sa iba, matututo sila sa

sariling mapait na danas kung ang bunga ng dakilang kaloob ng mediumnidad ay gamitin sa

makalupang kahalingan sa halip na pakinabangan para sa pagkaunlad ng sariling pagkatao.

Kung ayaw nilang paakay, kaawaan ninyo sila sapagkat sila ay itatakwil ng Dios. Erastus

Ang binanhay na talaang ito ay may malaking halaga, hindi lamang para sa mga

matapat na medium (sincere) na talagang maghahangad sa pagbasa nito na maiwasan ang

mga panganib na nakahantad sa kanila. Gayon din ang sino man na namamahala at

gumagamit ng medium, sapagkat ito ay magtuturo sa namamahala kung ano ang mga

bagay na dapat nilang asahan sa kanilang mga medium. Kaya't ang talaang ito ay dapat lagi

nang natutunghayan ng sinomang magsisiyasat sa mga kahayagan ng mediumnidad. Gayon

din ang Spirit Scale na siyang katambal ng talaang ito; ang dalawang nabanhay na talaang

ito ang lumalagom sa lahat ng prinsipyo ng doktrina at makadaragdag ng higit sa inaasahan

upang mabalik ang Espiritismo sa kanyang tunay na mission - Socrates.

Ang lahat ng iba't ibang kakayahan (shades) ng mediumnidad na nabanggit ay

naghahayag ng mga anag-ag lamang sa tumpak na salita ngunit ang mga ito ay bunga ng

mga natatanging (special) kakayahan ng mediumnidad. Maaring huluin na ang mga

kakayahan (faculty) ng isang medium sa isang uri ng kaloob ay pangbihira, ang masabi ng

medium ay maaaring maraming iba't ibang kakayahan ngunit makikitang namumukod at

natatangi ang isang uri. Ito ay dapat pag ukulan ng panahon upang lalong makatulong ang

medium sa marami kung mapaunlad ang tanging kaloob. Isang malubhang pagkakamali na

piliting mabungkal ang isang uri ng kaloob na wala sa kanya. Ang mga hayag na kaloob ang

dapat pagyamanin at paunlarin, ngunit ang hindi unlad ay hindi dapat pag aksayahan ng

oras. Ito ay makapipinsala sa unlad na kaloob na nasa kanya (medium) na.

Kapag may binhi ng isang facultad ng mediumnidad, ito ay makikita sa mga

palatandaang hindi mapabubulaanan o matatanggihan. Kapag ang (special) facultad na

kanyang taglay ay napaunlad unti unti ay magbubunga ng mga mahahalaga at

magagandang bagay, sa paghahangad na magawa ang lahat ng uri ng kaloob, hindi

makagagawa ng mabuting paglilingkod. Iniiwan ng mabuting espiritu ang gayong uri ng

medium at magiging laruan sila ng mababang espiritu.

Nakalulungkot, ngunit hindi pangbihira na mayroong mga medium na hindi

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

26

Page 27: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

nasisiyahan sa kanilang biyaya na tinanggap kaya nagnasa (na ito ay buhat sa malabis na

pag-ibig sa sarili at ambition) na magtamo pa ng pangbihirang biyaya upang sila ay sumikat

at mapansin, ito ay sumisira sa kanilang pinakamahalagang katangian - yaong para sa mga

tiyak na medium. Socrates

Ang pag aaral sa mga specialidad ng mga medium ay kailangang hindi lamang para

sa kanila kundi gayon din para sa tumataliba o umiimboca sa mga espiritu. Marapat

lamang na piliin ang medium na angkop sa dahilan ng pagsangguni nila.  Mapapansin na

ang isang medium na masayahin ay makatanggap ng malungkot at mabalasik na pahayag o

ang taliwas dito.  Ito ay maliwanag na palatandaan na ang medium ay kumikilos sa ilalim ng

isang subaybay na hindi kanya. Ito ay atin pang tatalakayin sa ibang bahagi - Ang influencia

moral ng mga medium.

ANG INFLUENCIA MORAL NG MGA MEDIUM

Ang kaunlaran ba ng mediumnidad ay ayon sa kaunlarang moral o kabaitan ng

medium? Hindi, ang kaloob (facultad) ay ukol sa medium como tao na may katawang laman,

walang kinalaman ang moral o ugali sa paggamit ng kaloob ay mababatay kung mabuti o

hindi mabuti ang pag uugali, na ito ay ayon sa katangian ng kasangkapan, batay sa kanyang

kabaitan o moral.

Laging sinasabi na ang mediumnidad (facultad) ay isang kaloob ng Ama (gift of God),

isang biyaya, isang favor o ganting pala. Bakit ito ay hindi maging karapatan ng mabubuting

tao, at bakit nakikita nating may mga medium na mahusay ang mga kaloob at gayon ma'y

hindi sila karapat dapat at ginagamit ang kanilang biyaya sa hindi mabuting bagay o

paraan?

Ang lahat ng mga kaloob ay mga biyaya na dapat nating ipagpasalamat sa Dios,

maraming mga tao ang hindi magkamit noon; itatanong din natin kung bakit binigyan ng

paningin ang mga masasama, talas ng dila ang mga taong mapagsambit ng mga salitang

puno ng kasamaan. Ganito rin ang ukol sa mediumnidad. Mga taong kulang sa kabaitan at

kabutihan ang nagiging mga medium sapagkat kailangan nila ang kaloob na ito para sa 

kanilang ikasusulong;  inaakala ba ninyo na ipagkakait ng Dios ang  kaligtasan sa mga 

makasalanan? Pinararami Niya ang mga paraang yaon sa kanilang landasin. Inilalagay Niya

ang mga paraang iyon sa kanyang mga palad. Ang mediumnidad ay ipinagkakaloob upang

pakinabangan ng medium na rin; hindi ba si Judas, ang traidor, bilang Apostol ay gumawa ng

mga milagro at nagpagaling ng mga maysakit? Yaon ay ipinahihintulot ng Dios upang

makilala niya ang kanyang pagkukulang.

Ang mga medium ba na ang kanilang kaloob (facultad) ay ginagamit sa masamang

paraan, o hindi ginagamit sa mabuting sanhi o hindi nagbabago o bumubuti sa sarili, sa

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

27

Page 28: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

pagtanggap ng mga pahayag at pangaral na buhat sa mga espiritu, sila ba ay sasapitan ng

bunga ng kanilang mga pagkakamali at kasamaan?

Pag ginamit sa masamang paraan, ibayo ang parusa sa medium pagkat mayroong

liwanag na umaakay sa kanya at gayon man ay hindi niya sinamantala ang pagkakataong

magbago. Yaong nakakikita at madapa ay masisisi kaysa isang bulag na mahulog sa kanal.

Mayroong mga medium na sa pamamagitan nila ay natatanggap ang mga pahayag

ng panayan, at hindi inaakala ay ibinibigay sa mga paksang paulit ulit na binabanhay, sa

mga araling moral, halimbawa'y sa mga pagkakamaling tinutukoy, ang mga ito ay mayroong

tanging dahilan.

Oo, ang dahilan ay upang maliwanagan nila ang isang bagay na inuulit-ulit o kaya ay

upang ituwid sa ilang pagkakamali; sa iba ay binabanggit ang ukol sa kayabangan, sa iba ay

ukol sa pagkakawanggawa; ang pagkapigta sa mga pangaral ang siyang magbubukas ng

kanilang mga mata. Walang sinomang  medium na di  natutumpak sa paggamit ng kanilang

kaloob, may mga kayabangan, malabis na pag ibig sa sarili, o ginagamit ang kaloob para sa

sariling kapakanan  o ambition, ang hindi nakatatanggap paminsan minsan ng pagalaala at

pangaral buhat sa  mga batlaya. Ang masama nito ay hindi nila iniuukol ng paalala sa

kanilang sarili. Ang batlaya ay gumagamit ng paraan sa ganitoing pagtuturo na ibinibigay sa

isang hindi tiyak na paraan. Ito ay upang bigyan ng pahalaga ang sinomang matutong

sumunod at makinabang sa kanilang pagtalima. Ngunit sa mga ibang medium, ang

pagkabulag at kayabangan ay gayon na lamang na hindi kinikilalang ang sarili ang siyang

larawan sa kanilang harapan; lalo pa kung ipaiintindi ng espiritu na sila (medium) ang pinag

uukulan ng puna at pangaral, sila ay nagagalit at itinuturing na bulaan at mapanukso ang

espiritung sa kanila ay nangangaral. Ito ay maliwanag na ang espiritu ay tumpak sa kanyang

pagpansin.

Sa mga pangaral buhat sa batlaya sa pamamagitan ng isang medium, ito baga ay

para lamng sa kanya o sa ilan na nakarinig?

Hindi, ito ay para sa kalahatan, sa sangkatauhan. Ang medium ay kasangkapan

lamang sa pagtawag ng pansin na tayo ay magbago at magpakabuti. Darating ang panahon

na magiging karaniwan ang mabubuting medium at ang espiritu ay hindi na

kakailanganing gumamit ng medium na walang mabuting kaugalian.

Sapagkat ang katangiang moral ng medium ay nagpapalayo sa mga espiritung di pa

wagas, bakit may mabuting medium na nakapagbibigay ng bulaan at magaspang na

katugunan?

Alam ba ninyo ang nasa kalooban ng kanyang kaluluwa? Isa pa, kahit na hindi

kasamaan, puedeng siya ay hindi seryoso at mapagwalang bahala. Kung minsan kailangan

niya (medium) ang leksyon upang maging maingat.

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

28

Page 29: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

Bakit ang mga batlaya ay binabayaang ang mga medium na may kapangyarihan at

mabuting facultad at maaring makagawa ng maraming kabutihan ay maging kasangkapan

ng mga maling mga pahayag?

Ang medium ay sinusubaybayan ng mga espiritu o batlaya, ngunit kung ang medium

ay sumusunod sa maling landas, binabayaan sila. Ito ang dahilan kung bakit iniiwasan ng

espiritu ang sa kanila (medium) ay paggamit pagkat ang katotohanan ay hindi

maipaliliwanag ng kabulaanan.

Imposible ba na makatanggap ng mabuting pahayag buhat sa isang medium na

imperfecto o di mabuti?

Ang isang di mabuting medium ay gagamitin ng isang batlaya, pangsamantala,

pagkat pipiliin ang isang mabuting kasangkapan na angkop sa kanila.

Dapat pansinin na kapag nakita ng mabuting espiritu na ang isang medium ay

nagiging alipin ng magdarayang espiritu, inihahayag ang kanilang mga pagkakamali,

inilalayo ang mga taong tapat ang nasa sa pakikipagaral, na maaaring mapagsamantalahan

ng mababang espiritu. Sa gayong kalagayan, kahit na ano pa ang kanilang katangian, ito ay

di dapat panghinayanagan.

Ano-anong katangian dapat magtaglay ang isang medium upang matawag na siya ay

perfect o sakdal?

Sakdal, alam natin na ang pagkasakdal ay wala sa balat ng lupa, sana ay wala na

tayo dito kung tayo ay sakdal na. Sabihin natin: mabuting medium at ito ay pangbihira at

higit pa sa dapat asahan. Ang isang mabuting medium ay yaong hindi pinangangahasang

dayain ng masamang espiritu. Ang isang magaling na medium ay yaong bihira kung

madaya.

Kung nakikiisa lamang sa mabubuting espiritu bakit pinababayaang madaya ang

isang mabuting medium? Kung minsan ay pinababayaan ng mabuting espiritu na madaya

ang isang magaling na medium upang ito ay magkaroon ng matalinong pagbabaki at

malamang piliin ang totoo kaysa sa kabulaanan. Magaling man ang isang medium, siya ay

hindi napakagaling na wala na siyang kahinaan sa sarili na hindi makikita, ito ay

magsisilbing aral sa kanya. Ang mga bulaang pahayag na matanggap niya sa pana panahon

ay mga babala na hindi dapat ituring na wala ng kapintasan ang sarili at ipagyabang ang

gayon.

Ano ang kondisyong kailangan upang matanggap natin ang mga salita ng matataas

na espiritu na malinis at ligtas sa mga adulteracion o pagkahalo ng masamang mga salita.

Ang maging mabuti, alisin ang kayabangan at malabis na pag ibig sa sarili, ang

dalawang ito ang kailangan.

Kung ang pahayag ng mga wagas na espiritu ay tinatanggap nating malinis sa mga

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

29

Page 30: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

kaparaanang mahirap matamo, hindi kaya ito hadlang sa pagpapalaganap ng katotohanan.

Hindi, pagkat ang liwanag ay lagi nang dumarating sa kanya na tumatanggap noon.

Ang sino mang nais maliwanagan ay kailangang takasan ang kadiliman at ang kadiliman ay

naroon sa karumihan ng puso.

Ang mga espiritu na inaakala ninyo na kinatawan ng kabutihan ay hindi panibulos sa

mga taong ang puso ay pigta ng kayabangan, makalamang pag-ibig at kulang sa

kawanggawa o pagkahabag sa kapwa.

Bayaan sila, kung gayon na nagnanasa ng kaliwanagan ng langit na isa isang tabi

ang makataong mga kahilingan at sila ay magpakababa sa harap ng walang hanggang

kapangyarihan ng Manlilikha: Ito ang magiging payak na katunayan ng kanilang katapatan

at ang kondisyong ito ay madaling matupad ng bawa’t isa.

Kung ang medium sa kanyang pagtupad ng tungkulin ay isa lamang kasangkapan,

ngunit batay sa kalagayang moral, ang medium ay may malaking kaugnayan sa atin.

Sapagkat upang makapamahayag, ang banyagang espiritu ay ipinakikilala ang sarili

kaugnay ng espiritu ng medium. Ang pagpapakilalang ito ay mangyayari habang may

simpatia o pag akit sa isa’t isa o afinidad sa pagitan nila. Ang peri-espiritu ay

nakapangyayari sa banyagang espiritu ng pag-aakitan o pagtutulakan ayon sa antas ng

kanilang pagkakahawig o di pagkakaparis.

Kaya ang mabuting espiritu ay sa mabuting medium, at ang di mabuting espiritu ay

sa di mabuting medium naaakit, dito nga nasusunod na ang mabuting katangian ng medium

ay may makapangyarihang kakayahan sa uri ng espiritu na magpapahayag sa kanyang

pamamagitan. Kung ang medium ay vicioso, nagsusugal, napaliligiran siya ng mabababang

espiritu at siya ay lagi nang handa upang salisihan ang mga batlaya na tinatawagan. Ang

mga katangian na lagi nang nakakaakit sa mga espiritung banal ay ang pagkakawanggawa,

pagka mabuting puso, pag-ibig sa kapwa at sa kapit bahay, ang di pagpapahalaga sa

kayamanan ng lupa; ang mga kamalian ng medium na nagpapalayo sa mga mabubuting

espiritu ay ang kayabangan, egoismo, inggit, panibugho, pagtatakwil, pagkamakalupa

(sensuality) at lahat ng mga makalupang hilig na siyang sa tao ay nagdidikit sa materia.

Lahat ng mga kasalatan at defecto sa moral o kabaitan ay mga bukas na pintuan

para sa mga espiritu ng kasamaan, ngunit ang isang magaling nilang napaglalaruan ay ang

kayabangan, pagkat ito ay lagi nang tinatanggihang ikapit sa sarili ng sinuman. Ang

kayabangan ay nakapipinsala sa di mabilang na mga medium na mayroon ng mahalgang

katangian at kaloob (facultad) na kung hindi dahil lamang sa kayabangan ay maari sanang

maging mabuting lingkod bilang isang mabuting kasangkapan ng mga batlaya. Ngunit sila

ay naging alipin ng mga espiritung bulaan, ang kanilang katangian ay naunsyami saka

pinahirapan at hinamak ng pinakamapait na pagkalinlang.

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

30

Page 31: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

Ang kayabangan ay mababakas sa mga medium sa paraang hindi

mapagalinlanganan na ito ay dapat na agad ay itawag ng pansin sa kanila, pagkat ito ang

isa sa mga dahilan upang pagalinlanganan ang kanilang mga abot-sabi.

Sa simula, isang bulag na tiwala sa kataasan at kadakilaan ng pahayag ng abot-

sabing tinuran at ang pagka-makapangyarihan ng espiritung nagbigay noon, saka isang pag-

iring para sa lahat ng hindi lumalapit sa kanila (medium) pagkat naniniwala ang mga yaon

na sila ang may karapatan sa katotohanan. Ang prestihio ng mga dakilang pangalan na

hiniram ng mga espiritung nagpapanggap na kanilang Protector, ito ay nakasisilaw sa kanila,

at sapagkat ang sariling karangalan at kapurihan ay mapipinsala kung ipagtatapat ang

pagiging di tapat bilang medium, sila ay tumatanggi sa anumang uri ng payo, iniiwasan nila

ang payo kaya’t lumalayo sa kanilang mga kaibigan o sa sinumang maaaring maging

dahilan upang mamulat ang kanilang mga mata; kung mapilit na makinig sila sa mga payo,

yaon ay mahigpit na tinututulan. Nasasaktan sila sa lalong maliit na pagsumang sa kanilang

paniwala, sa isang maliit na pagpansin at hanggang halos ay itakwil ang mga taong sa

kanila ay tumutulong. Sa wari ay balatkayo ang ganitong paglayo, udyok ng mga

sumusubaybay na espiritu na ayaw na sila ay pag alinlanganan, ang mga medium ay

magagawang mamalagi sa kanilang malikmata (fascination), matatanggap ang mga

magagaspang na katiwalian at itinuturing itong mga makalangit na bagay. At lubos ang

compianza sa mga pahayag na kanilang tinatanggap, pag-iring at pagtatakwil sa anumang

mga pahayag na hindi sa kanila nanggaling. Hindi marapat na pagpapahalaga sa mga

dakilang pangalan, pag iwas sa mga pagpapayo, lahat ng pagtawag pansin ay itinuturing na

masama, paglayo sa mga buong pusong nagbibigay ng payo, ang paniwala sa kanilang

sariling kakayahan kahit kulang sa karanasan – ito ang mga katangiang taglay ng mga

mayayabang at palalong mga medium.

Tumpak na sabihin na ang kayabangan ay kadalasan na gigising sa isang medium ng

dahil sa kanyang kapaligiran. Kung siya ay may higit na facultad kaysa karaniwan, siya ay

kailangan at laging pinupuri, itinuturing na mahalaga ang sarili, daglian ay nagkakaroon ng

paglaki sa sarili, itinuturing na importante at mabiyaya ang sarili, magmamalabis sa kilos at

nahahayag ang di mabuting ugali. Kadalasan ay nakapagsisisi ang pagpapasigla na

naitulong sa ilang medium pagsumapit sila sa malabis na pagdakila sa kanilang sarili.

Kaagapay ng larawang ito ng medium na mayabang, ilagay natin sa isang tunay na

mabuting medium – siya na ating pagkakatiwalaan, madali ang paggamit sa kanya bilang

kasangkapan, at malaya ang batlaya sa paggamit sa kanya bilang kasangakapan, na walang

balakid sa anumang sanhi na panglaman. Na ito ay ipinahihintulot, ang higit na kailangang

isaalng alang ay ang katangian ng batlaya na lagging sa kanya ay humihilahis at dahil dyan,

hindi ang kung sino ang pangalan ng batlaya kundi ang pangungusap ng abot-sabi. Hindi

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

31

Page 32: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

dapat kaligtaan na ang pag akit sa mabubuting espiritu ay maging kasing lawak ng kanyang

pag iwas sa mga mababang espiritu. Sa pagkaalam na ang kanyang biyaya ay upang

gamitin sa kabutihan, hindi siya nagmamapuri, hindi inaangkin ang karangalan ng kanyang

sarili. Tinatanggap niya na isang biyaya ang pahayag na matatanggap sa kanyang

pamamagitan, kaya nga sisikapin niyang maging karapat dapat sa biyaya – maging mabuti

siya, maawain at mahinhin. Ang medium na mayabang ay ipinagmamapuri ang sa kanya ay

pakikitungo ng mataas na espiritu, samantalang ang medium na mabuti ay lalong

magpapakababa sa gayong pagbiyaya ng mga batlaya, laging itinuturing na siya ay hindi

karapat dapat sa biyaya na kanyang tinatanggap.

Ang sumusunod na tagubilin ay ibinigay ng espiritu ukol sa paksang ito, tulad ng

maraming pahayag na naibigay na.

Nabanggit na naming, ang medium, bilang medium ay pangalawa lamang ang hilahis

sa pahayag ng espiritu, ang gawain nila ay tulad sa isang makinang de electricidad, na

nagpapadala ng balita buhat sa isang panig ng daigidig hanggang sa isang malayong panig,

kaya kung ibig naming magbigay ng isang abot-sabi, ginagawa naming tulad sa isang

telegraph operator sa kanyang pagkatagapamagitan kaya samantalang ang tic-tac ng

telegraph ay sumusulat buhat sa libong milia ang layo, sa isang pirasong papel, ang isinaling

sulat ng telegrama, gayon din kami, buhat sa hindi masusukat na layo ng nakapagitan sa

mundong nakikita at sa mundong hindi nakikita o buhat sa bayan ng mga espiritu ay

ipinahahayag naming sa mundo ninyo, (mundo ng laman) ang mga aral at mga pahayag sa

pamamagitan ng isang medium. Ngunit tulad ng pagiging magulo ng papawirin na

nakagugulo sa pagtanggap ng telegram ang influencia moral ng medium ay may kinalaman

sa pahayag na tanggapin niya, nahihilahisan at hindi nagiging mabuti, paano ay nagdaraan

sa isang mayabang na medium na hindi angkop sa paghilahis ng isang batlaya. Kaalinsabay

nito, nagagawa ng medium na hindi makapinsala ng gayon sa pamamgitan ng sariling lakas

ng loob at lakas ng katawan at walang pinsalang mahahayag. Tunay nga, mga pahayag ng

matataas na pilosofia at mga payak na aral ng moralidad ay matatanggap sa pamamagitan

ng mga medium na hindi angkop sa gayong matataas na karunungan. Sa isang dako, may

mga pahayag na kulang sa uri at pahat sa aral ng kabaitan ang naglalagos naman sa

medium na labis na ikinahihiya na siya pa ang naging paraan sa pagtanggap ng mga

pahayag na yaon. Bilang panglahat na batayan, ang mga espiritu ay nakaaakit ng kanilang

kauri, ang mga espiritung may kataasan ay bihirang magpahayag sa mga medium na

mayabang o may kapintasang marami kung mayroon din lamang malalapitan silang

kasangkapan ng mga batlaya – ang mabuting medium.

Ang maaakit ng mga medium na mapagwalang bahala at hindi gaanong

pinahahalagahan ang tungkulin ay ang mga espiritung kanilang kauri, ang natatanggap na

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

32

Page 33: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

pahayag ay may bakas ng magagaspang na pangungusap, watak watak na diwa, lagut lagot

na pangungusap, madalas ay salat na diwa na pang espiritu. Bumabanggit din naman sila

ng mabubuting bagay, at sa gitna ng mga pahayag na ito ay isinisingit ng mga bulaang

espiritu ang magagandang salita ng kabulaanan, mga invension at mapagimbabaw na pang

akit upang dayain ang katapatan ng mga sa kanila ay nakikinig. Saka aalisin ang lahat ng

mga salita o banggit na hindi tumutugon sa pamantayan ng isang mabuting pahayag; iiwan

lamang ang bahagi ng pahayag na matatanggap ng tumpak na pangangatwiran o naaayon

sa aral ng doctrina o simulain. Ang mga pahayag na tulad nito ay dapat ipangilag o ilayo sa

mga bagong nag aaral, sa mga bagong sapi o sa mga kulang pa sa kaalaman sa Espiritismo;

pagkat para sa mga maalam na at mayroon ng karanasan ukol sa espiritu, nabibigo ang

mga manglilinlang, sila ay walang pasubaling paaalisin2.

Hindi ako babanggit ng ukol sa mga medium na nasisiyahan sa pag akit at pagdinig

sa mga maruruming pahayag, bayaan natin silang masiyahan sa kanilang sarili sa

pakikipagniig sa mga espiritung panatico (cynical). Isa pa, ang pahayag na tulad nito ay

nakakaakit ng kalungkutan at pag iisa, sa ano’t anuman, ang pahayag ay makapag uudyok

lamang ng kabiguan at kawalang pag asa sa mga taong kasapi sa kabilugang matapat ang

layon sa pag aaral. Ngunit pag ang influencia moral ng medium ay iginiit at ipinadama, iyon

ay kung kailan ipinapalit niya ang sariling kuro o akala sa halip ng sa espiritu na siyang

ipinahahatid sa kanyang pamamagitan, saka kung humahagilap siya sa sariling guni guni ng

mga di mapaniwalaang simulain, na siya ay nananalig na yaon ay paisip sa kanya, ito kung

gayon ay (isa sa isang libo) bunga o galing sa hilahis ng pagkatao ng medium – saka

nangyayari ang nakapagtataka – ang kamay ng medium ay gagalaw ng hindi kinukusa, ito

ay sa tulong ng mapagbirong espiritu, iniiwasan ang magandang paghahayag ng isang

batlaya, nililisan ang diwa, ang anino ang siyang pinapansin, ipinapalit ang mga matatayog

na paliwanag. Sa ibabaw ng nakasisindak na batong ito’y ang pangsariling ambition o

hangarin ng medium, na nauntol, nabalaho, na sa di pagtanggap ng pahayag na ipinagkait

ng mabuting espiritu, pinalalabas ng medium na ang bunga ng sariling kaisipan ay buhat sa

mga espiritu. Dahil dito, kailangang ang mga pangulo ng kabilugang espiritista ay

magkaroon ng katangi-tanging katalinuhan at di pangkaraniwang kaalaman. Ito ay upang

makilala ang likas na mga abot-sabi at huwag na masugatan yaong dinadaya ang kanilang

sarili.

Kapagka nag-aalinlangan, lumiban, huwag kumibo ang wika ng kasabihan, huwag

tanggapin ang anuman ng walang katunayan ng katotohanan. Dagling ang isang panukala

ay malantad sa liwanag, kung sa wari ay nakapag aalinlangan, idaan yaon sa sukatan ng

katwiran at lohika. Ang hindi matanggap ng katwiran at kabutihan, walang halaga agad;

2 ? Walang awang paalisin sa orihinal na Halaw.

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

33

Page 34: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

higit na mabuti pang tanggihan ang sampung katotohanan kaysa tanggapin ang isang

kabulaanan – ang isang bulaang patakaran. Pagkat sa ibabaw ng bulaang patakarang ito,

baka ikaw ay makalikha ng malaking muog na maaaring maguho sa unang hininga ng

katotohanan, tulad ng isang bantayog na itinayo sa buhanginan; samantalang hindi mo

pinahahalagahan ang ilang katotohanan ngayon pagkat di maipaliwanag ayon sa lohika at

halimbawa, sa lalong madaling panahon, ang isang matibay na katotohanan, isang hindi

matatanggihang pagpapakilala ay malantad upang ipahayag ang likas ng katotohanan.

Tandaan, gayon man, O mga Espiritista, na walang di mangyayari para sa Dios at

para sa mga mabubuting espiritu, maliban sa kawalang katarungan at di pagkakapantay

pantay.

“Ang Espiritismo ngayon ay sapat nang naisasabog sa gitna ng mga tao; at maging

mabait ang mga matatapat na mananampalataya sa kanyang banal na Doctrina, na ang

mga batlaya ay hindi na mapipilitang gumamit ng mga di wastong medium – na walang mga

mainam na katangian. Kung gayon, ang isang medium, sinuman siya, maibigay at ipakilala,

sa pamamagitan ng conducta at mga hilig, ng kanyang kayabangan, ng kanyang kasalatan

sa pag-ibig at pagkakawanggawa – mga tunay na dahilan upang mawalan ng confianza sa

kanya – tanggihan, walang saysay ang pahayag na kanyang tinanggap, pagkat may ahas na

nagkakanlong sa damuhan – may hindi tumpak at nakapipinsala sa medium. Iyan ang aking

wakas na paliwanag ukol sa influencia moral ng mga medium sa kanilang mga pahayag na

tinanggap at tatanggapin pa. Erastus”

INFLUENCIA NG KAPALIGIRAN

1. Ang kapaligiran ba ng medium ay nakahihilahis sa mga pahayag niya? Ang lahat

ng espiritung nakapaligid sa medium ay nakatutulong sa kanya, sa mabuti man o sa

masama.

2. Hindi ba maaaring magtagumpay ang mataas na espiritu sa harap ng masamang

medium na siyang tagapamagitan nila at gayon din sa mga nakapaligid sa medium?

Oo, kung inaakala nilang yaon ay makatutulong at ayon din sa hangarin ng taong sa

kanila ay lumalapit at nagpapatulong. Nasabi na namin: ang lalong mataas na espiritu kung

minsan ay nakapamamahayag bilang pangbihirang favor o kaloob na hindi isinasaalang-

alang ang di mabuting kaangkinan ng medium at ng kanyang kapaligiran ngunit ang mga di

mabuting espiritu ay hindi nakalalapit sa kanila.

3. Ninanasa ba ng mataas na espiritu na maakay ang mga kabilugang walang bahala

sa kanilang pag aaral?

Hindi lumalapit ang mga matataas na espiritu sa kabilugan na magiging walang

saysay ang kanilang paglapit. Kung ang kapaligiran ay mangmang pa ngunit matapat sa pag

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

34

Page 35: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

aaral, lumalapit kami ng buong puso, kahit na ang matagpuan namin ay pulpol na

kasangkapan (medium) ngunit sa pook na marurunong ang tao at naghahari ang irony, hindi

kami nagtutungo. Sa gayon ay kailangan ang magsalita para sa mata at tainga – upang

marinig at makita – ito ang tuparin ng rapping o mapagbirong espiritu (lumilikha ng mga

ingay at katok). Tama naman na ang ipinagmamalaki ang kanilang kaalaman sa agham ay

palibhasain ng espiritung mangmang at kapos sa kaunlaran.

4. Hindi ba tinatanggihan ang mga mababang espiritu sa pagtitipong formal?

Hindi, nananatili sila doon, kung minsan ay nakikinabang sila sa mga aral na doon ay

ibinibigay, ngunit sila ay tahimik tulad ng mga mapagpaimbabaw sa gitna ng mga paham.

Magiging isang pagkakamali na akalain na kailangang maging isang medium upang

makaakit ng mga espiritung nasa likod ng libingan. Ang buong kalawakan ay nalalaganapan

nila, lagi silang nasa ating paligid, tayo ay nakikita nila, minamatyagan tayo, nakikihalubilo

sa ating pagtitipon, sinusundan tayo o lumalayo sa atin kung paano natin sila naaakit o

napapalayo; hindi na kailangan ang mediumnidad para doon; kailangan tayong mapaligiran

ng mga espiritu na angkop o may afinidad sa atin, maging matataas o mabababa ayon sa

ating sariling ugali o mga katangian sa ating sarili (mabait o bulaan) kung isasaalang alang

ang katayuang moral ng mundong lupa, makikita natin kung anong uri ng espiritu ang

nakararami sa gitna ng mga espiritung ligaw. Kung ituturing natin ang bawat lipunan

(people), mahahaka natin ayon sa naghaharing kilos at mga gawain, ang kanilang mga

gawain, mga kaisipan, humigit kumulang ay mabuti o makalupa, kung anong uri ng mga

espiritu ang makikisama doon ayon sa pagpili at afinidad.

Bilang panimulang punto ang patakarang ito, ipagpalagay na may nagkakatipong

mga taong walang bahala, abala sa gitna ng kanilang kaligayahan, anong uri ng espiritu

kaya ang matatagpuan sa kanilang kalagitnaan? Tiyak na hindi mataas na espiritu, hindi rin

ang mga paham at pilosopo ang gugugol ng panahon sa kalagitnaan nila. Kaya nga, kung

may nagkakatipong mga tao, sila ay may kasamang mga pulutong ng mga panauhing hindi

nakikita, na nakikisa sa kanilang mga katangian o mga hilig, sa ganito ay hindi na sila

kailangang tawagan – naakit na sila, tanggapin natin ngayon na maaaring makipagniig sa

mga espiritu ng bayang hindi nakikita sa pamamagitan ng isang medium, sino kaya ang

tutugon sa kanila? Ang mga espiritung naroroon na, mangyari pa na nag aantabay lamang

ng pagkakataong makapamahayag. Kung ang isang lipunan na hindi tapat ang pagaaral ay

tawagan ang isang banal, maaari siyang tumugon at maghayag ng ilang mabubuting bagay

tulad ng isang pastol sa gitna ng kanyang mga tupang nagkakawatak-watak. Ngunit sa oras

na makita nyang hindi nauunawaan at hindi pinakikinggan ang kanyang pangaral, lumilisan

siya, tulad ng inyong gagawin sa kanyang katayuan, at ang mga ibang espiritu ang

magkakaroon ng buong kalayaan sa lipunang iyon.

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

35

Page 36: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

Hindi nakasasapat na maging formal ang isang pagtitipon upang makatanggap ng

mainam na pahayag, mayroong mga taong hindi tumatawa at gayon man ay walang malinis

na puso, at ang malinis na puso, sa ibabaw ng lahat ang nakakaakit sa mabubuting espiritu.

Walang kalagayan ng kasangkapan, mabuti man o hindi na nakahahadlang sa pagtanggap

ng pahayag. Ang mga may taglay na kababaan ay nakakaniig ng tulad nila, na inaakala na

hindi masama ang tayo ay dayain at nakikiisa sa ating mga kahinaan.

Sa ganito makikita ang malawak na kapakanan sa uri ng mga abot sabing may

katalinuhan, ngunit itinuturing na ang kakayahang ito ay hindi nakilala (influencia) noon ang

bayan ng mga espiritu ay hindi pa gaanong kinikilala ng tulad sa kasalukuyan, at noong

bago magkaroon ng mga nagpapatunay ay mag alis ng lahat ng ating pangangailangan.

Pagkat ang pahayag ay umaayon sa opinion ng mga katulong, ito’y hindi

nangangahulugan na ang opiniong yaon ay umaaninag sa espiritu ng medium, tulad sa

isang salamin; ito ay hindi dahil mayroon kang kasamang mga espiritu na kaisa mo, maging

sa mabuti o sa masama, kauri ng iyong ugali, ang nagpapatunay nito ay; kung nakaaakit ka

ng ibang espiritung tangi sa iyo ay nakapaliligid, ang medium ding iyon ay magpapahayag

sa isang may ibang mga pangungusap at nagsasabi ng mga bagay na malayo at naiiba sa

iyong kaisipan at mga paninindigan. Paglalayon, ang kalagayan ng kapaligiran ay magiging

higit na mabuti pagkat magkakaroon ng pagkakaisa para sa kabutihan, dagdag na malinis at

dakilang alitigtigin, higit na matapat na pagnanasa na matuto at aralan na walang

alinlangan.

ANG TUPARIN (ROLE) NG MEDIUM SA MGA ABOT SABI NG ESPIRITU

            “Ang medium ba, sa panahon ng pagtupad bilang kasangkapan ng espiritu ay nasa

katayuang normal?”

“Nasa isang maselang katayuan kung minsan (crisis) ito ang nakapapagod sa kanya,

kaya kailangan niya ang pahinga; kadalasan ang katayuan ng medium ay hindi naiiba sa

katayuang pangkaraniwan o normal.”

“Ang pahayag bang isinulat o verbal ng espiritu ay maaaring manggaling sa espiritu

ng medium?”

“Ang espiritu (soul) ng medium ay maaaring magpahayag tulad ng sinuman, kung

may kalayaan ang espiritu, na naaangkin niya ang mga katangian ng espiritu. May

katunayan ito sa espiritu ng taong buhay na dumadalaw at nagpapahayag sa pamamagitan

ng pagsulat, at ito ay kahit hindi sila tinatawagan.

Pagkat dapat mong malaman na sa gitna ng mga espiritung tinatawagan ay

mayroong ilan sa kanila na buhay pa sa lupa, saka makikipag usap sa inyo na bilang espiritu

at hindi taong buhay. Bakit hindi maipagpalagay na ang gayun din ay mangyayari sa espiritu

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

36

Page 37: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

ng medium?

Ang paliwanag na ito ay waring nagpapatunay sa opinion ng mga naniniwala na ang

pahayag o lahat ng communication na galing sa espiritu ng medium ay hindi sa ibang

espiritu.”

“Sila ay mali, pagkat walang pasubali, pagkat kung inaakala na ang espiritu ng

medium ay makapamamahayag sa sarili, ito ay hindi dahilan upang ang ibang espiritu ay

hindi makapamamahayag sa kanyang pamamagitan.”

“Paano malalaman kung ang sumasagot ay ang espiritu ng medium o sa ibang

espiritu?”

            “Ayon sa himig ng pahayag, suriin ang mga pangyayari at ang lenguaje at makikita

ang pagkakaiba. At higit at lalo pa sa katayuan ng somnambulismo o (ecstacy) labis na

concentracion na ang espiritu ng medium ay higit na malaya, ngunit sa pangkaraniwang

kalagayan ay lalong mahirap, matangi pa sa mga katugunan na hindi maikakapit na galing

sa medium. Kaya nga sinasabi kong kayo ay mag-aral at magmatyag.”

“Pansin: Kapag ang isang tao ay nagsasalita sa atin, agad nating namamatyagan

kung alin ang sa kanya galing o kung alin ang hindi sa kanya at isang echo lamang o ganting

ingay ng salita.

Sapagkat ang espiritu ng medium ay maaaring nakapagtamo ng kaalaman sa

kanyang mga unang kabuhayan, na ito ay kanyang nakalimutan na sa pagkakaroon ng

katawang laman, ngunit sa espiritu ay kanyang natatandaan, hindi baga kaya siya maaaring

makakuha sa kanyang sariling kakayahan na walang makahihigit sa lawak ng pahayag na

kanyang tinanggap sa mga espiritu?”

“Iyan ay madalas mangyari sa kalagayan ng isang medium somnambula (sleeping

medium) o ecstatic crisis; gayon man may mga pangyayaring hindi mapagaalinlanganan,

mag-aral kayo ng puspusan, magmuni-muni (meditate).”

Ang mga pahayag bang buhat sa espiritu ng medium ay laging mababa ang uri kaysa

doon sa mga ibinibigay ng mga ibang espiritu?”

“Hindi lagi na, sapagkat ang ibang espiritu ay maaaring mababa ang uri kaysa sa

espiritu ng medium at nagsasalita ng walang diwa; ito ay nakikita sa somnambulismo, at

karaniwan na ang espiritu ng medium ang siyang nagpapahayag at siya rin naman ang

nagsasalita ng ilang mabubuting bagay.”

Ang espiritu comunicante ba ay tuwirang nagbibigay ng kanyang pahayag o ang

espiritu ba ng medium ay siyang tagapamagitan ng espiritu comunicante?”

Ang espiritu ng medium ay siyang interprete pagkat ang kanyang sarili ay nakaugnay

sa katawan ng nagsasalita sa atin at kailangan ang ugnay sa medium at sa espiritu

comunicante; kung paanong ang alambre ng kuryente ay kailangan upang tumanggap ng

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

37

Page 38: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

balita buhat sa malayo at sa dulo ng alambre ay isang taong matalino ang siyang

tumatanggap at nagpapadala ng balita.

“Ang espiritu incarnado ba ng medium ay nakahihilahis sa pahayag buhat sa ibang

espiritu?”

“Oo, kung siya ay hindi nagigiliw sa kanila, maaring baguhin niya ang mga sagot at

angkinin na parang kanya ang mga bagay at mga hilig ngunit hindi niya nahihilahisan ang

mga espiritu mismo kundi siya ay isa lamang masamang tagapagsalita o interprete.”

“Ito ba ang dahilan ng pagpili ng espiritu sa sinumang medium na ibig nila?”

“Wala nang iba, hinahanap nila ang interprete na kanilang kabagang at nalilipat ang

diwa ng buong katumpakan; kung walang simpatiya sa pagitan ng medium at ng espiritu

comunicante, ang espiritu ng medium ay isang kalaban na tumututol at magiging

masamang kalooban at madalas ay isang hindi tapat na tagapagpaliwanag (interprete).

Ganito rin sa inyong kalagitnaan kung ang payo ng isang paham ay naipapaliwanag ng isang

mapagkamali o hindi matapat na tao.

“Madaling maipaghahalimbawa na ganito rin ang pangyayari sa isang medium sa

paisip (intuitive) ngunit hindi sa mga medium sa mekanikal.

“Hindi lubusang isinasaalang-alang ang papel na ginagampanan ng medium,

mayroong isang batas doon na hindi pa lubusang nauunawaan. Ang ukol sa mekanikal na

medium, upang mapagalaw ang isang bagay, kailangan ng espiritu ang makalupang fluido

na ito ay hinihiram sa medium na ginagamit ng espiritu, gayon din, unawain sana, na upang

makatanggap ng isang malamang abot-sabi, kailangan ng espiritu ang isang matalinong

kasangkapan, at ang taga-pamagitang ito ay ang espiritu ng medium.”

Ito ay hindi maiaangkop sa mga mesang nagsasalita, baskets at mga tablets, pagkat

kung ang mga nabanggit ay magbibigay ng mga sagot o pahayag, waring walang kinalaman

ang medium na ginagamit.

“Iyan ay isang pagkakamali, mabibigyan ng espiritu ang mga bagay na hindi

gumagalaw na parang buhay na pangsamantala, ngunit hindi katalinuhan. Kaya nga, ang

espiritu ng medium ang makakatanggap (ng hindi kinukusa) ng pahayag sa pamamagitan

ng maraming kaparaanan.”

“Parang lumalabas sa mga paliwanag na ang espiritu ng medium ay hindi lagi nang

walang hilahis sa pahayag.”

“Siya ay walang kinalaman kung hindi niya naihahalo ang sariling isipan sa pahayag

ng espiritu comunicante, ngunit ito ay hindi lubos, kailangan ang pagsang-ayon bilang taga-

pamagitan kahit na sa tinatawag na mekanikal medium.”

“Hindi ba mayroon ng malaking garantiya sa kalayaan (sa pahayag) ang mekanikal

medium kaysa intuitive (paisip) medium?”

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

38

Page 39: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

“Walang alinlangan, at para sa mga ilang pahayag, ang mekanikal medium ay

karapatdapat. Ngunti kung ang kakayahan ng medium sa intuicion ay hayag, siya ay

magagamit din sa mga pahayag na di kailangan ang malaking kasanayan.’

“Sa mga iba’t ibang systems (paraan) na nailahad na upang ipaliwanag ang spirit

fenomena ay may isang nabubuo sa paniwalang ang tunay na mediumnidad ay yaong nasa

isang bagay na lubusang hindi kumikilos (inert), walang buhay, yaon ay nasa basket, mesa,

card, etc. halimbawa, na siyang kasangkapan, na naipakilala ng spiritu comunicante sa

pamamagitan nito, naipakikilala ang sarili na buhay at mayroong inteligencia o kaalaman,

doon nagsimula ang tawag na: Inert mediums – Ano ang masasabi ninyo tungkol dito?”

Mayroong isa lamang kataga para diyan: kung mabigyan ng katalinuhan ang basket

ay gayon din ng buhay, ang basket ay dapat na makasulat ng mag-isa, hindi na kailangan

ang medium, magiging kababalaghan kung ang isang matalinong tao ay maging isang

makina, at ang isang basket (inert) ay magkaroon ng inteligencia. Ito ang isa sa mga bagay

na tulad sa marami pang iba ay hindi makapasa sa harap ng karanasan at pagsisiyasat.”

“Ang mga espiritu ay iisa ang lenguaje: ang kaisipan (thought) wala silang salitang

naririnig kaya iisa lamang ang kanilang lenguaje: batay dito, naipaaabot ba ang mensahe o

pahayag ng medium sa isang lenguaje na hindi niya nagamit sa buong buhay niya? Sa

ganyang pangyayari, saan niya kukunin ang mga salitang kanyang gagamitin?

“Sinagot mo na ang iyong sariling tanong: Na ang espiritu ay mayroong iisang

lenguaje ang kaisipan, ito ay nauunawaan ng lahat, maging ngtao o ng espiritu. Ang

malayang espiritu kung makipag usap sa espiritu ng medium ay hindi siya nagsasalita sa

Frances o sa Ingles kundi sa pangkalahatang lenguaje: ang pag iisip, upang maipaaalam ang

ibig sabihin, ang espiritu ay kumukuha ng mga pangungusap sa vocubulario o sa

pangungusap ng medium.”

Kung ito ay siyang nangyayari, makapagpapahayag lamang ang espiritu sa

pangungusap ng medium samantalang mayroong mga medium na nakatatanggap ng

pahayag sa pangungusap na hindi alam, hindi ba ito ay isang pagsasalungatan?

“Unang-una ay dapat unawain na hindi lahat ng medium ay angkop sa ganitong

gawain. Ikalawa, na ito ay ginagawa ng espiritu sa isa lamang pagkakataon, kung inaakala

na ang gayon ay magiging kapaki-pakinabang, ngunit ang pangkaraniwang abot sabi o higit

pa, pinipili ng espiritu ang magpahayag sa salita na alam o familiar sa medium, pagkat

kaunti lamang ang balakid na dapat malagpasan.”

“Hindi kaya ang hilig ng ilang medium na magpahayag sa isang salitang banyaga ay

buhat sa kanyang kaalaman noong isang unang kabuhayan at natipon sa sarili?”

Maaaring gayon nga, ngunit hindi ito ang kalakaran, ang espiritu sa kanyang

pagpipilit ay maaaring malagpasan pangsamantala ang mga balakid na panglaman- ganito

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

39

Page 40: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

rin ang nangyayari kung ang isang medium ay nagsasaad ng mga salita sa sariling lenguale

na hindi niya naiintindihan.”

“Maari bang ang isang taong hindi maalam sumulat ay makasulat bilang

kasangkapan ng isang espiritu?”

“Oo, ngunit makikita agad ang malaking balakid, ang kamay na hindi bihasa upang

makagawa ng mga letra o salita, ganito rin ang ukol sa medium sa pagguhit na hindi

maalam gumuhit.”

“Ang isang medium ba na kapos sa katalinuhan ay makatanggap ng mga pahayag na

may katalinuhan?”

“Oo, sa kaparaanan na tulad sa pagsulat ng isang medium sa salita na hindi niya

alam. Ang mediumnidad, sa tumpak na katawagan, ay hiwalay sa katalinuhan at gayon din

sa katangiang moral ng medium at sa kakulangan ng mabuting kasangkapan, magagamit

ng espiritu ang kasangkapang malapit ngunit karaniwan na para sa isang pahayag na may

uri, pipiliin ng espiritu ang medium na kaunti lamang ang kakulangan, isaalang-alang din:

Ang Idiota ay gayon dahil lamang sa hindi maayos ang mga sangkap panglaman (organs)

ngunit ang kanyang espiritu ay higit pang unlad kayasa iyong inaakala. Mayroong patunay

dito, bunga ng pagtawag sa mga ito, maging buhay o patay na.

Ito ay katotohanan na tinitiyak ng karanasan. Tinawagan naming sa ilang kataon ang

espiritu ng mga mulala (idiots) na nagpapakilala ng kanilang katangian at tumugon sa isang

matalino at superior na paraan.

“Ang ating kaisipan ay hindi nangangailangan ng damit ng mga salita upang

maintindihan ng mga espiritu, at nararamdaman nila ang ibig nating ipahatid sa kanila,

ipahatid lamang sa kanila an gating diwa, ito ay dahil sa kanilang katangiang intellectual,

natatanggap ng ilan ang isang kaisipan ayon sa pagkasulong na pangdiwa, samantalang sa

ilang iba, na walang alaalang nagigising, walang kaalaman sa puso o utak, ang paisip ay

hindi napapansin o natatanggap. Sa gayong katayuan, ang espiritu ng tao na siyang

medium ay higit na angkop na magpahatid ng kaisipan para sa ibang mga tao kahit na iyon

ay hindi maintindihan kaysa sa isang espiritu na wala sa laman at di pa gaanong unlad.

Pagkat ang taong makalupa ay naihahandog ang sarili sa ating kapasyahang ito ay hindi

magagawa ng isang espiritu.”

Kaya nga, kung makatagpo tayo ng isang matalinong medium sa kasalukuyan, na

may mga natipong kaalaman noong nagdaang mga buhay na magpapagaang sa

pagtanggap ng abot sabi, siya ang ating pipiliin kaysa sa isang medium na kapos ang

kakayahan maging sa buhay na ito o sa nagdaang kabuhayan. Madali tayong mauunawaan

sa ilang kataga at paliwanag.”

Pansin: Ang analisis na ito sa tuparin ng medium at ang mga paraan sa

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

40

Page 41: Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium

pamamahayag ng mga espiritu ay maliwanag at may maayos na pangangatwiran. Bunga

nito ay ang isang principio (principle) na ginagamit ng espiritu hindi ang mga idea o kaisipan

ng medium kundi ang mga sangkapin sa utak ng medium upang maipahayag ang mga idea.

At habang mayaman ang kaangkinan ng utak ng medium, lalung magaan ang pagtanggap

ng pahayag kung ang pahayag ng espiritu ay sa lenguaje ng medium dagli niyang

matatagpuan ang mga salita na buo sa paghahayag ng kuru-kuro kung sa ibang lenguaje na

di batid ng medium, hindi niya natatagpuan ang mga salita kundi ang mga letra lamang.

Napipilitan sa gayon ang espiritu na idikta ng letra por letra ang pahayag. Kung ang medium

ay hindi maalam bumasa o sumulat, wala siya kahit ng mga letra. Kaya nga ang kamay ang

kailangang gamitin sa pagsulat, at dito ay may mga balakid na dapat pagtagumpayan. Ang

ganitong kahayagan ay possible, marami tayong halimbawa, ngunit ang ganitong mga

bagay ay di gaanong mahalaga kaysa sa lawak at bilis ng mga pahayag na tinatanggap.

Dapat piliin ng espiritu communicante ang ma medium na sunud-sunuran o sa kanilang

pananaw, ay yaong mga medium na mayroong mga mahahalagang kaangkinan. Kung ang

mga nagnasa ng mga kahayagang ito bilang pagpapatibay ay napag aralan na ang mga

pangkaraniwang paraan at katayuan ang mga fenomenang yaon ay nahahayag o nalilikha.

Sa wakas ng ilang halaw na ito na inihahandog naming sa kapakanan ng mga

mayroon ng anumang uri ng kaloob ng mediumnidad, sa mga pangulo at umuugit ng mga

lunduyan at sa mga magsasaliksik sa simulain ng Espiritismo, umaasa kaming ito ay

kapupulutan ng liwanag para sa lahat ng magsasany o mga kasangkapan upang sa gayon

ay lalong pakinabangan ang biyaya ng mga kaloob (facultad). Sa ganitong paraan, ang mga

lihim ng kaitaasan ay ating matatanggap ng buong liwanag at kasiyahan. At ito ay

maituturing na isang tagumpay sa pag aaral ng katotohanan o ng Espiritismo.

Lunduyan “La Humildad”

Ortega St., Tonsuya

Malabon, Metro Manila

Enero 16, 1982

Mga Halaw sa Aklat ng mga Medium Tinipon at inayos ni G. ALLAN KARDECElectronic copy available at http://espiritista.org.phNOT FOR SALE

41