Departamento ng mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan Maghanap ng dentista Pumunta sa www.denti-cal.ca.gov. Mayroon ka bang mga tanong? Tawagan ang Denti-Cal toll-free sa 1-800-322-6384. Karapatang-ari © 2018 Delta Dental. Nakareserba ang lahat ng karapatan. #110960_B (rev. 1/18) Palaging Ngumiti 5 paraan para masulit ang iyong pagbisita sa dentista Departamento ng mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan

Medi-Cal Dental Bifold · Pangkalusugan . papalapit ang petsa. Programa ng Medi-Cal sa Ngipin (Denti-Cal) Saklaw na mga benepisyo sa ngipin mula sa Denti-Cal ang mga sumusunod na

  • Upload
    others

  • View
    7

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Medi-Cal Dental Bifold · Pangkalusugan . papalapit ang petsa. Programa ng Medi-Cal sa Ngipin (Denti-Cal) Saklaw na mga benepisyo sa ngipin mula sa Denti-Cal ang mga sumusunod na

Departamento ng mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan

Maghanap ng dentista Pumunta sa www.denti-cal.ca.gov.

Mayroon ka bang mga tanong? Tawagan ang Denti-Cal toll-free sa 1-800-322-6384.

Karapatang-ari © 2018 Delta Dental. Nakareserba ang lahat ng karapatan. #110960_B (rev. 1/18)

Palaging Ngumiti

5 paraan para masulit ang iyong pagbisita sa dentista

Departamento ng mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan

Page 2: Medi-Cal Dental Bifold · Pangkalusugan . papalapit ang petsa. Programa ng Medi-Cal sa Ngipin (Denti-Cal) Saklaw na mga benepisyo sa ngipin mula sa Denti-Cal ang mga sumusunod na

Programa ng Medi-Cal sa Ngipin (Denti-Cal) Saklaw na mga benepisyo sa ngipin mula sa Denti-Cal ang mga sumusunod na serbisyo:

• Kumpletong Eksaminasyon para sa batang wala pang 3 taon

• Kumpletong Eksaminasyon (Edad 3 at mas matanda)

• Pagsubaybay na Eksaminasyon (Edad 3 at mas matanda)

• Mga X-Ray (ilang mga eksepsyon para sa mga benepisyaryo ng Restricted Scope)

• Paglilinis (May hustong edad at bata)

• Paggamot ng fluoride

• Pagpapasta (silver at kakulay ng ngipin)

• Mga crown*

• Operasyon sa Gilagid*

• Paglilinis upang matulungan ang dentistang kumpletuhin ang eksaminasyon

• Mabusising Paglilinis at Periodontal Maintenance

• Paggamot na Root Canal (m ga ngipin sa harap at likod)

• Mga Hindi Kumpletong Pustiso*

• Mga Kumpletong Pustiso

• Pagbunot ng Ngipin / Operasyon sa Panga

• Mga Serbisyong Pang-emergency

May ilang eksepsyon sa mga benepisyong nabanggit sa itaas tinukoy gamit ang isang asterisk *).

Inirerekomenda ng Denti-Cal na simulan ng mga bata ang pagpapatingin sa isang dentista pagdating ng kanilang unang kaarawan. Mahalaga ang nagpapatuloy na pangangalaga ng ngipin para sa kabuuang kalusugan mo at ng iyong anak.

5 paraan para masulit ang iyong pagbisita sa dentista Sundin ang mga tip na ito:

Maging handa Dalhin ang mga Medi-Cal identification card at isang balidong California ID card o lisensiya sa pagmamaneho at alamin ang iyong social security number.

Kunin ang mga sagot na kailangan mo Siguraduhing magtanong at banggitin ang anumang mga problema sa ngipin na napansin mo.

Magbahagi ng impormasyon Ibigay sa iyong dentista ang kasaysayan ng ngipin, kasaysayang medikal, at mga gawi mo o ng iyong anak upang masigurado ang pinakamahusay na pangangalaga.

Magkasundo sa isang plano ng paggamot Kung may maraming opsyon sa paggamot, siguraduhing itanong sa iyong dentista ang tungkol sa mga pagkakaiba at mga dahilan para sa bawat opsyon bago ka pumili ng isang pinal na plano ng paggamot.

Magtakda ng appointment para sa iyong susunod na pagbisita Humingi sa opisina ng appointment card na may petsa at oras pagkatapos mong itakda ang iyong susunod na appointment at hingin sa opisina na padalhan ka ng isang paalala habang papalapit ang petsa.