16
!"#2 HUNYO 2015 MAGING MAS MALUSOG 5 BAGAY NA PUWEDE MONG GAWIN NGAYON

MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

  • Upload
    others

  • View
    7

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

!"#2 HUNYO 2015

MAGING MAS MALUSOG

5BAGAY NAPUWEDE MONGGAWIN NGAYON

Page 2: MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

Gusto mo ba ng higit pang impormasyon olibreng pag-aaral ng Bibliya sa iyong tahanan?Magpunta sa www.jw.org /tl o ipadala angiyong request sa isa sa mga adres sa ibaba.JEHOVAH’S WITNESSES: PHILIPPINES: PO Box 2044,1060 Manila. UNITED STATES: 25 Columbia Heights,Brooklyn, NY 11201-2483. Para sa adres sa iba pangmga bansa, tingnan ang www.jw.org /tl/contact.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliyana tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatanay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.Publishers: Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.� 2015 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. Printed in Japan.

1 2 3 4 5TA M P O K N A P A K S A

PARAAN PARA MAGINGMAS MALUSOG

WALANG sinuman ang gustong magkasakit. Hindi langito abala, magastos pa. Masama na ang pakiramdammo, baka hindi ka pa makapasok sa eskuwela o trabaho,makapaghanapbuhay, o hindi mo maasikaso ang iyongpamilya. Baka kailangan mo pa nga na may mag-alagasa iyo, at gumastos nang malaki para magpagamot.

Siyempre pa, mas mabuti na ang nag-iingat para ma-kaiwas sa sakit. Pero may mga sakit na hindi talagamaiiwasan. Sa kabila nito, may magagawa ka para hindika madaling tablan ng sakit. Isaalang-alang ang limangbagay na puwede mong gawin ngayon para maging masmalusog.

!"#2

SA ISYUNG ITO

2 TAMPOK NA PAKSAParaan Para MagingMas Malusog

8 TULONG PARA SA PAMILYAKung Paano MagigingTapat sa Sumpaan

10 SULYAP SA NAKARAANGalileo

12 ANG PANGMALAS NG BIBLIYAPangangalunya

14 Ang Parrot Fish—Gumagawa ng Buhangin

16 PAGMAMASID SA DAIGDIGPagtutok sa Kapaligiran

Vol. 96, No. 6 / Monthly / TAGALOGLimbag sa Bawat Isyu: 51,788,000 sa 103 Wika

Page 3: MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

1 MAGING MALINIS

AYON sa Mayo Clinic, ang paghuhugas ngkamay ang “isa sa pinakamainam na para-an para maiwasan ang sakit at ang pagkalatnito.” Napakadaling mahawa ng sipon otrangkaso kapag naihawak mo sa iyongilong o mata ang kamay na kontaminado ngmikrobyo. Ang pinakamagandang panlabandito ay ang laging paghuhugas ng kamay. Ka-pag malinis ang isa, maiiwasan din ang pag-kalat ng mas malulubhang sakit, gaya ngpulmonya at mga sakit na nauugnay sa diar-rhea, na taon-taon ay pumapatay ng mahigitdalawang milyong bata na wala pang limangtaong gulang. Maging ang pagkalat ng naka-mamatay na Ebola ay puwedeng mapigilankung uugaliin ang paghuhugas ng kamay.

May mga panahon na mas kailangangmaghugas ng kamay para maprotektahanang kalusugan mo at ng ibang tao. Dapatkang maghugas ng kamay:˙ Pagkatapos gumamit ng palikuran.˙ Matapos palitan ang diaper ng bata o mata-

pos siyang tulungang gumamit ng palikuran.˙ Bago at pagkatapos gumamot ng sugat.˙ Bago at pagkatapos makasama ang mga

maysakit.˙ Bago maghanda ng pagkain, maghain,

o kumain.

˙ Matapos bumahin, umubo, o suminga.˙ Matapos humawak ng hayop o dumi nito.˙ Matapos humawak ng basura.

Tiyakin din na tama ang paghuhugas mong kamay. Ipinakikita ng mga pag-aaral nakaramihan sa mga gumagamit ng pampubli-kong palikuran ay hindi naghuhugas ng ka-may matapos gumamit nito o hindi naghuhu-gas nang tama. Ano ba ang tamang paraanng paghuhugas ng kamay?˙ Basain ang mga kamay sa malinis at umaa-

gos na tubig at magsabon.˙ Pagkuskusing maigi ang mga kamay hang-

gang sa maging mabula ang mga ito, at hu-wag kalimutang linisin ang iyong mga kuko,hinlalaki, ibabaw ng kamay, at pagitan ngmga daliri.

˙ Pagkuskusin ang mga kamay nang di-kukula-ngin sa 20 segundo.

˙ Magbanlaw sa malinis at umaagos na tubig.˙ Tuyuin ng malinis na pamunas o paper towel.

Simpleng hakbang lang ang mga ito peromakatutulong para makaiwas sa sakit atmagligtas ng buhay.

Gumising! Hunyo 2015 3

Page 4: MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

2 GUMAMIT NG MALINIS NA TUBIG

SA ILANG bansa, ang pag-iigib ng malinis natubig ay bahagi na ng pang-araw-araw na ga-wain. Pero nagiging problema ang malinisna tubig saanmang bahagi ng mundo kapagang suplay ng tubig na iniinom ay nakonta-mina dahil sa baha, bagyo, sirang tubo, o ibapang dahilan. Kapag marumi ang pinagku-nan ng tubig o hindi ito naimbak nang tama,maaari itong pamugaran ng mga parasito, atpagmulan ng kolera, nakamamatay na diar-rhea, tipus, hepatitis, at iba pang impeksi-yon. Maruming tubig ang isa sa mga dahilanng tinatayang 1.7 bilyong kaso ng mga sakitna nauugnay sa diarrhea taon-taon.

Kadalasan, ang kolera ay nakukuhasa inumin o pagkaing kontaminado ng duming mga taong may ganitong sakit. Anongmga hakbang ang puwede mong gawin paramaprotektahan ang iyong sarili mula sa kole-ra at iba pang uri ng kontaminasyon sa tubig,lalo na pagkatapos ng isang sakuna?

˙ Siguraduhin na ang inyong tubig na iniinom—pati na ang ginagamit sa pagsisipilyo, pag-gawa ng yelo, paghuhugas ng pagkain at pla-to, o pagluluto—ay malinis ang pinagmulan,gaya ng pampublikong suplay na sumailalimsa proseso ng paglilinis o mga selyadong botena galing sa mapagkakatiwalaang kompanya.

˙ Kung sakaling makontamina ang tubig sa gri-po, pakuluan ang tubig o gamitan ito ng ang-kop na kemikal na panlinis.

˙ Kapag gumagamit ng kemikal, gaya ng chlo-rine o mga water-purifying tablet, maingat nasundin ang instruksiyong kasama nito.

˙ Gumamit ng de-kalidad na water filter, kungmay mabibili at abot-kaya.

˙ Laging iimbak ang nilinis na tubig sa lalag-yang malinis at may takip para maiwasangmakontamina ulit.

˙ Kapag kumukuha ng tubig sa lalagyan, tiya-king malinis ang anumang panalok na gaga-mitin.

˙ Tiyaking malinis ang kamay kapag humaha-wak ng lalagyan ng tubig, at huwag isawsawang daliri o kamay sa tubig na inumin.

May magagawa ka para hindi kamadaling tablan ng sakit

Page 5: MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

3 MAG-INGAT SA KINAKAIN

PARA maging malusog, napakahalaga angtamang nutrisyon, at para sa tamang nutris-yon, kailangan ang masustansiya at balan-seng pagkain. Baka kailangan mong suriinang asin, taba, at asukal na pumapasok saiyong katawan, at kontrolin ang dami ngiyong kinakain. Kumain ng iba’t ibang klaseng prutas at gulay. Kapag bumibili ng tina-pay, cereal, pasta, o bigas, tingnan ang lista-han ng ingredient para makapili ng pagkainggawa sa whole grain. Ang mga ito ay masmasustansiya at mas mayaman sa fiber kay-sa sa mga gawa sa refined grain. Pagdatingnaman sa protina, kumain ng kaunting karnena walang taba, at sikaping kumain ng isdailang beses bawat linggo hangga’t maaari.Sa ilang bansa, may makukuha ring pagka-ing mayaman sa protina na galing sa gulay.

Kung mahilig kang kumain ng matatamisat matatabang pagkain, nanganganib kangmaging sobra sa timbang. Para maiwasanito, uminom ng tubig sa halip na matatamisna inumin. Kumain ng mas maraming prutassa halip na matatamis na pagkain. Limita-han ang pagkain mo ng solid fat mula sasausage, karne, mantikilya, cake, keso, atcookies. At sa pagluluto, mas magandanggumamit ng masustansiyang oil kaysa sasolid fat.

Ang sobrang asin, o sodium, sa pagkain aymaaaring maging sanhi ng alta presyon.Kung problema mo ito, gamitin ang impor-masyon sa packaging ng mga pagkain paramakontrol ang dami ng sodium na nakakain

mo. Sa halip na asin, gumamit ng herbs atspices bilang pampalasa.

Hindi lang mahalaga kung ano ang kinaka-in mo, importante rin ang dami nito. Kaya ka-hit nasasarapan ka sa pagkain, huminto ka-pag busog ka na.

Isang problemang may kinalaman sa nut-risyon ay ang pagkalason sa pagkain. Anu-mang pagkaing hindi inihanda at inimbaknang tama ay puwedeng maging lason. Taon-taon, 1 sa bawat 6 na Amerikano ang nala-lason sa pagkain. Karamihan ay gumagaling,pero may ilan na namamatay. Ano ang puwe-de mong gawin para maiwasan ito?˙ May mga gulay na itinanim sa lupang ginami-

tan ng patabang dumi ng hayop, kaya huga-sang mabuti ang mga ito bago ihanda.

˙ Gamit ang mainit na tubig na may sabon, hu-gasan ang kamay, sangkalan, mga kasangka-pan, at mesa bago maghanda ng bawat sang-kap.

˙ Para maiwasan ang kontaminasyon, hugasanmuna ang anumang pinagpatungan o pinag-lagyan ng hilaw na itlog, manok, karne, oisda, bago uli ito gamitin.

˙ Lutuin ang pagkain hanggang sa maabot nitoang tamang temperatura, at ilagay agad sarefrigerator ang anumang pagkaing madalingmasira kung hindi pa ito kakainin.

˙ Itapon ang pagkaing madaling mapanis kungnapabayaan ito nang mahigit dalawang orassa katamtamang temperatura o nang isangoras sa temperaturang lampas sa 32 digriCelsius.

Gumising! Hunyo 2015 5

Page 6: MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

May epekto sa kalusugan ang mga bagay na hindimo kontrolado—gaya ng ekonomiya, suplay ng mgapangangailangan, at iba pa. Pero puwede mong sundinang ilang mungkahi sa artikulong ito. Gaya nga ng sina-bi ng isang taong marunong na nabuhay noon, “matali-no ang nakakakita ng kapahamakan at nagkukubli.”—Kawikaan 22:3.

INGATANANG IYONGKALUSUGAN!

4 MAG-EHERSISYO

ANUMAN ang iyong edad, kailangan mo ngregular na ehersisyo para sa magandang pa-ngangatawan. Marami ngayon ang walangsapat na ehersisyo. Bakit mahalaga angehersisyo? Makatutulong ito sa iyo para:

˙ Makatulog nang maayos.

˙ Maging maliksi.

˙ Manatiling malakas ang buto at kalamnan.

˙ Mapanatili o maabot ang tamang timbang.

˙ Mabawasan ang tsansang dumanas ngdepresyon.

˙ Maiwasan ang maagang kamatayan.

Kung hindi ka mag-eehersisyo, masmalamang na ikaw ay:

˙ Magkaroon ng sakit sa puso.

˙ Magkaroon ng type 2 diabetes.

˙ Magkaroon ng alta presyon.

˙ Magkaroon ng mataas na kolesterol.

˙ Ma-stroke.

Ang uri ng ehersisyong angkop sa iyo aydepende sa iyong edad at kalusugan, kayamakabubuting kumonsulta muna sa doktorbago umpisahan ang anumang ehersisyo.Batay sa iba’t ibang rekomendasyon, angmga bata at kabataan ay nangangailangannang di-bababa sa 60 minuto ng katamta-man-hanggang-puspusang ehersisyo araw-araw. Ang mga adulto naman ay dapat mag-karoon ng 150 minuto ng katamtamangehersisyo o 75 minuto ng puspusang eher-sisyo linggo-linggo.

Pumili ng aktibidad na mae-enjoy mo.Puwede mong subukan ang basketball,tennis, soccer, brisk walking, pagbibisikleta,paghahalaman, pagsisibak ng kahoy, pagla-ngoy, pamamangka, jogging, o iba pangaerobic exercise. Paano mo malalaman kungang isang aktibidad ay katamtaman o puspu-san? Karaniwan na, papawisan ka sa katam-tamang ehersisyo, pero hihingalin ka namansa puspusang pag-eehersisyo.

Page 7: MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

Inaasam ng mga nagbabasa ng Banal na Kasulatan ang pangako na dara-ting ang araw na “walang sinumang tumatahan ang magsasabi: ‘Ako aymay sakit.’ ” (Isaias 33:24)� Samantala, gawin ang iyong buong makakayapara maingatan ang kalusugan mo at ng iyong mga mahal sa buhay. ˛

� Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? nainilalathala ng mga Saksi ni Jehova, o magpunta sa aming website na jw.org/tl.

5 MAGKAROON NG SAPAT NA TULOG

IBA-IBA ang haba ng tulog na kailanganng bawat tao. Karamihan ng bagong-silangna sanggol ay natutulog nang 16 hanggang18 oras araw-araw; ang mga batang edad1-3 ay natutulog nang mga 14 na oras,at ang mga edad 3-4 naman, mga 11 o12 oras. Karaniwan na, ang mga batangpumapasok sa eskuwela ay nangangaila-ngan ng di-bababa sa 10 oras na tulog, mga9 o 10 oras naman para sa mga kabataan,at 7 hanggang 8 oras para sa mga adulto.

Hindi dapat bale-walain ang pagkakaroonng sapat na tulog. Ayon sa mga eksperto,mahalaga ang sapat na tulog para sa:˙ Paglaki ng mga bata at tin-edyer.˙ Pagkatuto at memorya.˙ Pagpapanatili ng tamang balanse ng mga

hormon na nakaaapekto sa metabolismo attimbang.

˙ Malusog na puso.˙ Pag-iwas sa sakit.

Karaniwang iniuugnay sa kakulangan ngtulog ang sobrang katabaan, depresyon, sa-

kit sa puso, diyabetis, at malulubhang aksi-dente. Magagandang dahilan ito para mag-karoon ng sapat na tulog.

Ano ang puwede mong gawin kung hindika nakakatulog nang maayos?˙ Sikaping matulog at gumising sa pare-pare-

hong oras araw-araw.˙ Gawing tahimik, madilim, nakakarelaks, at

hindi sobrang mainit o malamig ang iyongkuwarto.

˙ Huwag manood ng TV o gumamit ng gadyetsa higaan.

˙ Hangga’t posible, gawing komportable angiyong higaan.

˙ Bago matulog, iwasang kumain nang marami,at iwasang uminom ng caffeine at alkohol.

˙ Kung matapos gawin ang mga mungkahingito ay nakararanas ka pa rin ng insomnia oiba pang sleep disorder—gaya ng labis-labisna pagkaantok sa maghapon o panganga-pos ng hininga habang natutulog—makabubu-ting kumonsulta sa isang kuwalipikadong es-pesyalista.

Gumising! Hunyo 2015 7

Page 8: MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

ANG HAMONNoong araw ng iyong kasal,sumumpa ka. Nagbitiw ka ngisang panghabambuhay napangako—na hindi mo iiwan angiyong asawa at lulutasin ninyoang anumang problemang baba-ngon.Pero sa paglipas ng mga taon,ang madalas na pagtatalo ay na-kaapekto sa inyong pagsasama.Tapat ka pa rin ba sa sumpaanninyong mag-asawa?

ANG DAPAT MONG MALAMANAng pagiging tapat sa sumpaan ay solusyon, hindi proble-ma. Marami sa ngayon ang atubiling mangako ng katapatansa mapapangasawa. Para sa ilan, katulad ito ng kadenadahil matatali sila sa nagawa nilang maling desisyon. Sahalip na mag-isip nang gayon, ituring mo itong parangangkla na magpapatatag sa inyong pagsasama. Sinabi ngmay-asawang si Megan, “Kapag tapat kayo sa inyong sumpa-an, kahit may mga panahong nag-aaway kayo, alam n’yo nahindi kayo mauuwi sa hiwalayan.”� Kapag may tiwala kayona panatag ang inyong pagsasama—kahit may mga pana-hong maligalig ito—mayroon kayong dahilan para lutasin anginyong mga problema.—Tingnan ang kahong “Tapat sa Sum-paan at sa Asawa.”Tandaan: Kung nagkakaproblema ang pagsasama ninyo, itona ang panahon para patibayin, hindi pag-alinlanganan, angiyong determinasyon na maging tapat sa inyong sumpaan.Paano?

� Pinahihintulutan ng Bibliya ang taong may asawa na wakasan ang kanilang pag-sasama kung nagkasala ng seksuwal na imoralidad ang kaniyang kabiyak. Tingnanang artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya—Pangangalunya” sa isyung ito ng Gumi-sing!

T U L O N G PA R A S A PAM I LYA � P A G - A A S A W A

Kung PaanoMagigingTapat saSumpaan

% Ang pagiging tapat sa sumpaan ay parang angklana magpapatatag sa inyong pagsasama

r Higit pang tulong para sa pamilya ang makikita sa www.jw.org/tl

Page 9: MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

“Kung kayong mag-asawa ay ma-tapat sa isa’t isa, natatamasa ninyoang pagiging permanente ng inyongpagsasama. Kung iisipin ninyo angmga buwan, taon, at mga dekadasa hinaharap, nakikita ninyongkayo pa rin ang magkasama. Hindininyo matanggap na hindi na kayomag-asawa, at ang pangmalas naito ay nagdudulot ng katiwasayansa inyong ugnayan. Ganito angsabi ng isang asawang babae: ‘Ka-hit na galit na galit ako sa [akingasawa] at labis akong nagugulu-han sa nangyayari sa amin, hindiako nababahala na magwawakasang aming pagsasama. Nababaha-la ako kung paano namin panu-numbalikin ang aming pagmama-halan. Wala akong alinlangan namaaayos din ang aming ugnayan—bagaman sa panahong iyon ayhindi ko alam kung paano ko itogagawin.’ ”—Mula sa Ang Bantayan,Setyembre 15, 2003.

TAPAT SA SUMPAAN AT SA ASAWA

ANG PUWEDE MONG GAWINSuriin ang iyong pangmalas. “Panghabambuhay na pag-sasama.” Kapag naririnig mo iyan, nasasakal ka ba o na-papanatag ka? Kapag nagkakaproblema kayo, lagi bang su-masagi sa isip mo ang makipaghiwalay? Para maging tapatsa inyong sumpaan, kailangang ituring mo ang pag-aasawabilang panghabambuhay na pagsasama.—Simulain sa Bibli-ya: Mateo 19:6.Suriin ang iyong background. Baka nakaaapekto sa pang-malas mo ang naobserbahan mo sa iyong mga magulang.“Nagdiborsiyo ang mga magulang ko noong bata pa ako,”ang sabi ng may-asawang si Lea, “at natatakot ako na bakadahil dito ay negatibo ang tingin ko sa commitment.” Maka-aasa ka na puwede mong baguhin ang mga bagay-bagaysa pagsasama ninyong mag-asawa. Hindi ka nakatakdangmatulad sa iyong mga magulang!—Simulain sa Bibliya: Gala-cia 6:4, 5.Suriin ang iyong pananalita. Kapag nagtatalo kayong mag-asawa, iwasang magsabi ng mga bagay na pagsisisihan mo,gaya ng “Iiwan na kita!” o, “Maghahanap na ako ng iba!” Angganiyang pananalita ay makasisira sa inyong sumpaan, at sahalip na malutas ang problema, magbabatuhan lang kayong mga insulto. Sa halip na masasakit na salita, subukan ito:“OK, pareho tayong galit. Paano tayo magtutulungan paramalutas ang problemang ito?”—Simulain sa Bibliya: Kawika-an 12:18.Ipakita sa iba na tapat ka sa asawa mo. Maglagay ng lit-rato ng asawa mo sa iyong desk sa trabaho. Magkuwentosa iba ng magagandang bagay tungkol sa pagsasama ninyo.Kung matagal-tagal kayong magkakalayo, sikaping tawagansa telepono ang asawa mo araw-araw. Laging banggitin ang“kami,” at gumamit ng pananalitang gaya ng “kami ng misisko” o “kami ng mister ko.” Sa paggawa nito, maikikintal mosa iba—at sa iyo—na talagang tapat ka sa asawa mo.Maghanap ng mabubuting halimbawa. Tularan ang may-gulang na mga mag-asawang may maligayang pagsasama.Tanungin sila, “Para sa inyo, ano ang ibig sabihin ng pagi-ging tapat sa sumpaan, at paano ito nakatulong sa inyongpagsasama?” Sinasabi ng Bibliya: “Sa pamamagitan ng ba-kal, ang bakal ay napatatalas. Gayundin pinatatalas ng isangtao ang mukha ng iba.” (Kawikaan 27:17) Tandaan mo angsimulaing iyan at makinabang sa payo ng mga mag-asawangmay matagumpay na pagsasama. ˛

MGA SUS ING TEKS TO

“Ang pinagtuwang ng Diyos ay huwagpaghiwalayin ng sinumang tao.”—Mateo 19:6.

“Ang bawat isa ay magdadala ng ka-niyang sariling pasan.”—Galacia 6:5.

“May isa na nagsasalita nang di-pinag-iisipan na gaya ng mga sak-sak ng tabak, ngunit ang dila ngmarurunong ay kagalingan.”—Kawi-kaan 12:18.

Gumising! Hunyo 2015 9

Page 10: MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

BAGO ang panahon ni Galileo, marami ang naniniwalana ang araw, mga planeta, at mga bituin ay umiikot

sa palibot ng lupa. Ang paniniwalang iyan ay bahagi ngopisyal na turo ng Simbahang Katoliko.

Pero sa tulong ng kaniyang teleskopyo, nakakita si Ga-lileo ng ebidensiyang salungat sa kinikilalang mga turong siyensiya noon. Halimbawa, habang pinagmamasdanniya ang mga sunspot na parang umuusad sa ibabaw ngaraw, naunawaan niya na ang araw ay umiinog sa isangaxis. Dahil sa ganitong mga obserbasyon, malaki angisinulong ng kaalaman ng tao tungkol sa uniberso. Peroang mga ito rin ang naging dahilan kung bakit nakalabanni Galileo ang Simbahang Katoliko.

ANG SIYENSIYA AT RELIHIYONIlang dekada patiuna, si Nicolaus Copernicus, isang

astronomong taga-Poland, ay nakabuo ng teoriya naang lupa ay umiikot sa palibot ng araw. Pinag-aralan niGalileo ang mga akda ni Copernicus tungkol sa pagkilosng mga bagay sa kalangitan at nag-ipon siya ng ebiden-siyang susuporta sa teoriyang iyon. Sa umpisa, nag-alangan si Galileo na ihayag ang ilan sa kaniyang obser-basyon dahil baka tuyain siya at hamakin. Pero dahil

S U LYA P S A N A K A R A A N � G A L I L E O

GALILEOPasimula noong ika-14 hanggang ika-16 na siglo,ang mga siyentipiko at pilosopo sa Europa aynagkaroon ng bagong pangmalas sa uniberso nasalungat sa turo ng Simbahang Katoliko. Isa sakanila ay si Galileo Galilei.

MAIKLING IMPORMASYON) Si Galileo Galilei ay isinilangnoong 1564 sa Pisa, Italy, anglunsod na kilala dahil sa leaningtower nito. Nagturo siya saUniversity of Padua at nangmaglaon ay tumira at nagtrabahosa Florence.

) Hindi si Galileo ang nakaimbentong teleskopyo, pero pinahusay niyanang husto ang magnification nitokung kaya lalo itong nagingkapaki-pakinabang.

) Dahil sa mga pangmalas niGalileo tungkol sa uniberso,dalawang beses siyang ipinatawagng Inkisisyon—ang hukumangKatoliko na responsable sapagpaparusa sa mga lumilihis saturo ng Simbahan.

Page 11: MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

sa pananabik sa mga nakita niya sa kaniyang teleskop-yo, isinapubliko rin niya ang mga natuklasan niya. Sina-lansang ng ilang siyentipiko ang kaniyang mga argumen-to, at di-nagtagal ay sinisiraan na siya ng mga klerigo sakanilang mga sermon.

Noong 1616, ipinagbigay-alam ni Cardinal Bellarmine,“isang nangungunang teologo nang panahong iyon,” kayGalileo ang bagong-labas na utos ng Simbahang Katoli-ko laban sa mga ideya ni Copernicus. Hinimok niya si Ga-lileo na sundin ang utos na iyon, kaya naman ilang taongnanahimik si Galileo tungkol sa pag-ikot ng lupa sa pali-bot ng araw.

Noong 1623, nagsimulang manungkulan ang kai-bigan ni Galileo na si Pope Urban VIII. Kaya noong 1624,hiniling ni Galileo sa papa na pawalang-bisa ang utos no-ong 1616. Pero hinikayat ni Urban si Galileo na ipaliwa-nag ang magkasalungat na mga teoriya ni Copernicus atni Aristotle sa paraang walang pinapanigan.

Dahil dito, sumulat si Galileo ng aklat na pinamaga-tang Dialogue on the Great World Systems. At kahit inu-tusan ng papa si Galileo na maging neutral, lumabas naparang kinakampihan ng aklat ang mga konklusyon niCopernicus. Inangkin ng mga kalaban ni Galileo na hina-mak ng aklat niya ang papa. Matapos pagbintangan ngerehiya at pagbantaang pahihirapan, napilitan si Galileona itanggi ang mga turo ni Copernicus. Noong 1633, hi-natulan siya ng Inkisisyong Romano ng habambuhay napagkabilanggo sa kaniyang tahanan at ipinagbawal angkaniyang mga akda. Namatay si Galileo sa kaniyang ba-hay sa Arcetri, malapit sa Florence, noong Enero 8,1642.

Sa loob ng daan-daang taon, ang ilan sa mgaakda ni Galileo ay kabilang sa talaan ng mga aklat na ipi-nagbabawal basahin ng mga Katoliko. Pero noong 1979,muling pinag-aralan ng Simbahan ang desisyon ng Inki-sisyong Romano na inilabas 300 taon na ang nakara-raan. Sa wakas, noong 1992, inamin ni Pope John Paul IIna nagkamali ang Simbahang Katoliko sa paghatol nitokay Galileo. ˛

Inamin ni Pope John Paul IIna nagkamali ang Simbahang Katolikosa paghatol nito kay Galileo

Page 10: � Regional M. Vrubel Art Museum, Omsk/Bridgeman Images; page 11: � Adoc-photos/Art Resource, NY

Pinahirapan Ba ng Inkisisyonsi Galileo?

Sinasabi ng ilang istoryador namaaaring pinahirapan ng Inkisis-yong Romano si Galileo sa pisikal.Ayon sa naging sentensiya kayGalileo, para mapatunayan angtotoong intensiyon niya, kailangansiyang sumailalim sa “mahigpitna pagsisiyasat.” Ang pananali-tang ito, sa terminolohiya ng Inki-sisyon, ay kadalasang nanganga-hulugang “pahirap,” na posiblengtumukoy kahit man lang sa “ber-bal na banta ng pisikal na pagpa-pahirap.”Ayon sa mga eksperto, mayiba’t ibang yugto at antas ng pag-papahirap. Maaaring kasama ritoang pagpapakita sa biktima ngmga kasangkapan sa pagpapahi-rap, paghuhubad sa kaniya, pag-gapos sa kaniya, o kahit ang pa-tindi nang patinding pananakitsa kaniya. Hanggang ngayon, hin-di pa rin natin alam kung ano tala-ga ang “mahigpit na pagsisiyasat”na dinanas ni Galileo.

Gumising! Hunyo 2015 11

Page 12: MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

A N G PA N GMA L A S N G B I B L I YA � P A N G A N G A L U N YA

P A N G A N G A L U N Y ASa kabila ng mga kabutihan ng pagiging tapat sa asawa,patuloy na sinisira ng pangangalunya ang maraming pamilya.

Ano ang pangangalunya?ANG SINASABI NG MGA TAO Sa ilang kultura, hin-di masama ang pakikipagtalik sa hindi asa-wa, lalo na sa bahagi ng lalaking may-asawa.Para naman sa ilan, hindi nila itinuturing napanghabambuhay ang pag-aasawa.ANG SABI NG BIBLIYA Sa Bibliya, ang pa-ngangalunya ay karaniwan nang tumutukoysa kusang seksuwal na pakikipagtalik ngisang taong may-asawa—lalaki man o babae—sa hindi niya asawa. (Job 24:15; Kawikaan30:20) Ang pangangalunya ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos. Sa sinaunangIsrael, ang parusa rito ay kamatayan. (Leviti-co 18:20, 22, 29) Tinuruan ni Jesus ang ka-niyang mga tagasunod na huwag mangalun-ya.—Mateo 5:27, 28; Lucas 18:18-20.

KUNG BAKIT ITO MAHALAGANG ISAALANG-ALANG Si-nisira ng mga mangangalunya ang taimtim napanata nila sa kanilang asawa noong araw ngkanilang kasal. Ito rin ay ‘kasalanan laban saDiyos.’ (Genesis 39:7-9) Pinagwawatak-watakdin ng pangangalunya ang mga anak at mgamagulang. Higit sa lahat, nagbababala angBibliya na “hahatulan ng Diyos ang . . . mgamangangalunya.”—Hebreo 13:4.

“Maging marangal nawa ang pag-aasa-wa sa gitna ng lahat, at maging walangdungis ang higaang pangmag-asawa.”—Hebreo 13:4.

r Alamin ang sagot sa iba pang mga tanong tungkol sa Bibliya sa www.jw.org/tl

Page 13: MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

Gumising! Hunyo 2015 13

Tinatapos ba ng pangangalunya ang pagsasama ng mag-asawa?ANG SABI NG BIBLIYA Pinahihintulutan ng Bib-liya ang isang may-asawa na tapusin ang ka-nilang pagsasama kung magkasala ng seksu-wal na imoralidad ang kaniyang asawa.(Mateo 19:9) Ibig sabihin, pagkatapos ngisang gawang pagtataksil, ang asawang pi-nagkasalahan ay may karapatang magdesis-yon kung makikisama pa siya sa asawangnagkasala o makikipagdiborsiyo rito. Perso-nal na desisyon ito.—Galacia 6:5.

Pero sa mata ng Diyos, ang pag-aasawaay sagrado at panghabambuhay. (1 Corinto7:39) Kinapopootan ng Diyos kapag ang isaay gustong makipagdiborsiyo batay sa maba-

babaw na dahilan, gaya ng hindi na siya ma-saya sa kaniyang asawa. Kaya ang pakikipag-diborsiyo ay hindi isang basta-bastangdesisyon.—Malakias 2:16; Mateo 19:3-6.

“Sinasabi ko sa inyo na ang bawatisa na dumidiborsiyo sa kaniyang asa-wang babae, malibang dahil sa pakiki-apid [o, seksuwal na imoralidad], aynagpapangyaring malantad siya sa pa-ngangalunya.”—Mateo 5:32.

Ang pangangalunya ba ay isang kasalanang walang kapatawaran?ANG SABI NG BIBLIYA Hindi. Sinasabi ng Bibliyana ang Diyos ay nagpapakita ng awa sa mganagsisisi at nanunumbalik sa kanilang mga ka-salanan—kasama na ang pangangalunya.(Gawa 3:19; Galacia 5:19-21) Sa katunayan,binabanggit sa Bibliya ang tungkol sa mga lala-ki’t babae na huminto sa pangangalunya at na-ging mga kaibigan ng Diyos.—1 Corinto 6:9-11.

Makikita ang awa ng Diyos sa nangyari kayHaring David ng sinaunang Israel. Nangalunyasi David sa asawa ng isa sa kaniyang mga opis-yal ng hukbo. (2 Samuel 11:2-4) Sinasabi ngBibliya na “ang bagay na ginawa ni David ay na-ging masama sa paningin” ng Diyos. (2 Sa-muel 11:27) Matapos tumanggap ng pagsaway,nagsisi si David at pinatawad siya ng Diyos. Peropinagdusahan ni David ang masasamang bu-nga ng kaniyang ginawa. (2 Samuel 12:13, 14)Nang maglaon, pinatotohanan ng matalinong siHaring Solomon na “ang sinumang nanganga-lunya . . . ay kapos ang puso.”—Kawikaan 6:32.

ANG PUWEDE MONG GAWIN Kung nagkasalaka ng pangangalunya, kailangan mong humi-

ngi ng tawad sa Diyos at sa iyong asawa.(Awit 51:1-5) Gaya ng Diyos, kapootan mo angpangangalunya. (Awit 97:10) Maging determi-nadong umiwas sa pornograpya, seksuwal namga pantasya, flirting, o anumang bagay naaakay sa iyong magkaroon ng seksuwal na in-teres sa hindi mo asawa.—Mateo 5:27, 28;Santiago 1:14, 15.

Kung pinagtaksilan ka ng iyong asawa,makaaasa ka na nauunawaan ng Diyos angnadarama mo. (Malakias 2:13, 14) Hinginang kaniyang tulong at patnubay, at “siyaang aalalay sa iyo.” (Awit 55:22) Kung magpa-siya kang patawarin ang iyong asawa at patu-loy na makisama sa kaniya, kailangang mag-sikap kayong dalawa na muling patibayin anginyong pagsasama.—Efeso 4:32. ˛

“Pinalalampas . . . ni Jehova angiyong kasalanan,” ang sabi ng prope-tang si Natan sa nagsisising si Davidna nagkasala ng pangangalunya.—2 Samuel 12:13.

Page 14: MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

SAAN nanggagaling ang buhangin? Maramiitong pinagmumulan. Pero baka magulat kasa ilalarawan ng artikulong ito. Ito’y isangisda na dumudurog ng korales para magingbuhangin—ang parrot fish!

Ang mga parrot fish ay nakatira sa iba’tibang tropikal na katubigan sa buong mun-do. Pagkatapos isubo ang durog na korales,kinakain nila ang maliliit na pagkaing kasa-ma nito at inilalabas ang natira bilang buha-ngin. Para magawa ito, ginagamit ng parrotfish ang tulad-tukang bibig nito na may ma-lalakas na panga at matitibay na ngipin. Mayilang uri ng parrot fish na nabubuhay nanghanggang 20 taon, na hindi napupudpodang ngipin.

Sa ilang lugar, sa pamamagitan ng pag-nguya sa patay na korales, ang parrot fish aynakagagawa ng mas maraming buhanginkaysa sa ibang natural na proseso. Tinatayang ilang mananaliksik na mga 100 kilo ngbuhangin ang nagagawa ng karaniwang par-rot fish taon-taon.

Mayroon pang mahalagang serbisyo na gi-nagawa ang parrot fish. Habang walang-sawaitong nanginginain ng nilulumot na patay nakorales at halamang-dagat, pinananatili rinnitong malinis ang mga korales kung kayanapananatiling malusog ang mga coral reef.Kung wala ang mga parrot fish at iba pangnanginginain ng halamang-dagat (herbivore),ang mga coral reef ay mabilis na mapupunong lumot at damong-dagat. “May mga nagsa-sabi na walang mga coral reef sa ngayonkung hindi dahil sa mga herbivore,” ang pali-wanag ng aklat na Reef Life.

Dahil sa maghapong gawain nito, kaila-ngan ng parrot fish ng sapat na tulog sa gabi,at dito ay kakaiba na naman sila. Kapaggabi, nagkalat ang maraming maninila samga coral reef. Kaya naman, ang mga parrotfish ay karaniwang natutulog nang nakatagosa dakong masisilungan, pero kahit doon ayhindi sila ligtas mula sa mga gutom na pa-ting.

Bilang karagdagang proteksiyon, binabalu-tan ng ilang parrot fish ang kanilang sarili sagabi. Naglalabas sila ng malinaw na mucus,o malagkit na likido, na bumabalot sa kanilahabang sila ay natutulog. Naniniwala angmga marine scientist na ang mabahongpambalot na ito ay nagsisilbing proteksiyonng parrot fish mula sa mga maninila.

Ang parrot fish ay isa sa pinakakitang-kitaat pinakamagagandang isda sa coral reef.Kadalasan, sari-sari at matitingkad ang kani-lang kulay, na nagbabago habang lumalakisila. Higit sa lahat, sa mga lugar na hindi ga-anong pinangingisdaan, ang mga parrot fishay hindi takot sa tao. Kaya naman napakada-li nilang pagmasdan.

Ang malapitang panonood at pakikinigsa parrot fish habang ngumunguya ito ng ko-rales ay isang karanasang di-malilimutan ngmga nanggagalugad sa mga coral reef. At sapaglangoy ng makukulay na parrot fish, na-pananatili nilang malusog ang kanilang pali-gid para sa ibang nilalang sa dagat at parasa atin. ˛

ANG PARROT FISHGumagawa ng Buhangin

Page 15: MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

Ang parrot fish (kilala ng mga siyentipikobilang Scaridae) ay isang malaking pamil-yang may mga 80 uri at naglalagi sa mgacoral reef sa Tropiko. Pinangalanan silanang gayon dahil sa kanilang kakaibangbibig na medyo kamukha ng tuka ng isangparrot. Ang parrot fish ay may haba namula 50 hanggang 100 sentimetro.

KILALANIN ANG PARROT FISH

, Steephead parrot fish

/ Swarthy parrot fish

Gumising! Hunyo 2015 15

Page 16: MAGING MAS MALUSOG BAGAYNA PUWEDEMONG … · 2019. 1. 16. · sa proseso ng paglilinis o mga selyadong bote na galing sa mapagkakatiwalaang kompanya. ˙ Kung sakaling makontamina

g1

5 0

6-T

G1

50

22

4sLibreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Bibliya online samahigit 100 wika

Magpunta sawww.jw.org/tlo i-scan ang code

no

p

PAGMAMA S I D S A DA I G D I G � K A P A L I G I R A N

PAGTUTOK SAKAPALIGIRAN

Ang daigdig ay naglalaan ng malinisna hangin, tubig, at masustansiyangpagkain. Pero ginugulo ng mga taoang natural na mga prosesong ito.Pinagsisikapan ng mga siyentipiko namakahanap ng mga solusyon paramapangalagaan ang kapaligiran.

PAG-ISIPAN: Sa kabila ng pagsisikap at magagandang tunguhin,bakit hindi kayang pigilan ng mga tao ang pagkasira ng atingkapaligiran?—Jeremias 10:23.

�M

edia

Bake

ry

AUSTRALIA Tinatayang mga 500,-000 kilometro kubiko ng di-gaa-nong maalat na tubig ang nasa ila-lim ng sahig ng karagatan. “Anglebel ng tubig sa dagat ay [dating]mas mababa kaysa ngayon,” angsabi ni Vincent Post ng FlindersUniversity sa Adelaide, kaya masmalayo ang baybayin noon. Nangpanahong iyon, kapag umuulan,napupuno ng tubig-ulan ang mgalugar na ngayon ay nasa ilalim nang dagat. Umaasa ang mga siyenti-piko na balang-araw, ang mga re-serbang ito ng tubig sa ilalim ng da-gat ay makatutulong sa mahigit700 milyon katao na limitado angnakukuhang malinis na tubig.

SAHARA DESERT Kalahati sa mga uri ng malalaking hayop nadating matatagpuan sa Sahara ay naglaho na o kaya ay nawalan na ng99 na porsiyento ng kanilang tirahan. Ang kaguluhan sa rehiyong ito atpangangaso ay ilan lang sa mga dahilan. Bagaman ang dami ng sari-saring hayop at halaman sa mga disyerto ay maikukumpara sa mganasa kagubatan, sinasabi ng mga mananaliksik na ‘hindi gaanong bini-bigyang-pansin ng mga siyentipiko ang mga disyerto dahil sa kakula-ngan ng pondo.’ Kaya nahihirapan ang mga conservationist na subay-bayan ang nanganganib na mga ekosistema ng disyerto.

DAIGDIG Tinatayang 1 sa bawat 8 namatay noong 2012 ay resulta ngpolusyon sa hangin. Pagdating sa kapaligiran, ang “polusyon sa hanginang pinakamalaking panganib ngayon sa kalusugan sa buong daigdig,”ayon sa World Health Organization.