9
1 Sangay ng mga Paaralang Lungsod SEKSYON NG SEKUNDARYANG FILIPINO Maynila MATAAS NA PAARALANG CAYETANO ARELLANO BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO VIII IKAAPAT NA MARKAHAN- UNANG LINGGO Aralin 1- Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura Baitang at Pangkat: VIII- 4, 3, 6, 15, 14 Petsa: Enero 20, 2014 PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Aralin 1: - “Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura” MAHALGANG TANONG - Bakit isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura? KAKAILANGANING PAG-UNAWA - Isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura bunga ng malungkot niyang karanasan sa larangan ng pag-ibig at upang pailalim niyang mailarawan ang kawalang katarungan sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol. INAASAHANG PRODUKTO/ PAGGANAP - Ang mga mag-aaral ay nakapaglalahad ng maaaring damdamin at saloobin ni Balagtas sa kalagayan ng bansa at ng

Lp 1 for garde 8

Embed Size (px)

DESCRIPTION

garde 8

Citation preview

Page 1: Lp 1 for garde 8

1

Sangay ng mga Paaralang Lungsod

SEKSYON NG SEKUNDARYANG FILIPINO

Maynila

MATAAS NA PAARALANG CAYETANO ARELLANO

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO VIII

IKAAPAT NA MARKAHAN- UNANG LINGGO

Aralin 1- Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

Baitang at Pangkat: VIII- 4, 3, 6, 15, 14 Petsa: Enero 20, 2014

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Aralin 1:

- “Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura”

MAHALGANG TANONG

- Bakit isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura?

KAKAILANGANING PAG-UNAWA

- Isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura bunga ng malungkot niyang karanasan sa larangan ng pag-ibig at upang pailalim niyang mailarawan ang kawalang katarungan sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol.

INAASAHANG PRODUKTO/ PAGGANAP

- Ang mga mag-aaral ay nakapaglalahad ng maaaring damdamin at saloobin ni Balagtas sa kalagayan ng bansa at ng Florante at Laura sa kasalukuyan.

Page 2: Lp 1 for garde 8

2

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Pag-unawa sa Binasa

- Naiisa-isa ang mga konsepto ng nabasang teksto gamit ang Hot Seat

Pagsasalita

- Nakagagawa ng batas ukol sa mga paraan sa pagsupil ng katiwalian sa

lipunan

- Nakapaglalahad ng mga dahilan sa pag-aaral ng Florante at Laura

- Nakapagsasadula ng patalastas ayon sa panghihikayat na mag-aral ng

Florante at Laura

- Nakapagbibigay-pananaw ukol sa pahayag na “Ang panulat ay higit na

makapangyarihan kaysa tabak.” sa pamamagitan ng isang debate

Pagsulat

- Nakasusulat ng liham bilang si Balagtas hinggil sa kalagayan ng bansa

at ng Florante at Laura ngayon panahon

- Nagagamit ang kolokasyon sa isinulat na liham

PAMAMARAAN:

A. PanimulaIsulat sa mga kahon ang mga nalalaman niyo sa awit at korido.

Awit Korido

Page 3: Lp 1 for garde 8

3

Paano sila nagkakatulad?-

Paano sila nagkakaiba?-

Konkulsyon-

B. PagganyakPunan ng mga impormasyon ang Slam Book ni Balagtas.

Pangalan:

Palayaw:

Kaarawan: Zodiac Sign:

Kamatayan: Edad:

Address:

Paaralan:

Paboritong Asignatura:

Paboritong Kasuotan:

Paboritong Pagkain:

Paboritong Kulay:

Paboritong Kasabihan:

Mga Magulang:

Mga Naging Kasintahan:

Page 4: Lp 1 for garde 8

4

PUSO

Pusong mamon

Kabiyak ng puso

Pusong bato

Atake sa puso

Asawa:

Mga Anak:

Mga Naging Katungkulan:

Mga Isunulat na Akda:

C. Paglinang ng Talasalitaan

Bigyang kahulugan ang mga salitang nasa loob ng bilog. Gamitin sa pangungusap ang mga salitang nasa loob ng bilog.

Isa sa paglinang ng talasalitaan ang Pag-uugnayan ng mga Salita (Word Association). Hindi lamang kayarian at gamit ng salita

ang dapat na binibigyang-pansin natin sa pagpapakahulugan. Mahalga ring mapag-aralan at masuri ang kaugnayan ng mga salita sa iba pang salita upang magkaroon tayo ng ideya sa kabuuan ng kahulugan nito. Isa sa halimbawa nito ang:

Kolokasyon- ito ang pag-uugnay ng salita sa iba pang salita upang makabuo ng iba pang kahulugan.

Page 5: Lp 1 for garde 8

5

BUHAY

Hanapbuhay

Bagong- buhay

Buhay- alamang

Buhay- reyna

PANGUNGUSAP:

Page 6: Lp 1 for garde 8

6

PILIPINO

Himig- Pilipino

Bihis- Pilipino

Pilipinong- Pilipino

Kulturang- Pilipino

D. Pagsususring Pampanitikan

Sa pamamagitan ng Hot Seat, sagutin ang mga tanong ukol sa

binasang teksto.

PANGUNGUSAP:

UNANG TANONG:

Bakit iba ang istilo ng pakikipaghimagsik ni Balagtas sa ibang rebede? Ano sa tingin mo ang pinakaepektibong paraan ng pagrerebelde?

IKALAWANG TANONG:

Ano ang inspirasyon ni Balagtas sa pagsulat ng Florante at Laura?

Page 7: Lp 1 for garde 8

7

E. Pagbibigay- input ng guro

- “Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura”

- Pahina 2-4 ng Kayumanggi sa Florante at Laura

F. Pangkatang Gawain

Pangkat 1- Gumawa ng 5 batas ukol sa mga paraan sa pagsupil ng

katiwalian sa lipunan.

Pangkat 2- Maglahad ng dahilan kung bakit dapat pag-aralan ang

Florante at Laura gamit ang bawat letra ng salitang Balagtas

Pangkat 3- Magsadula ng isang komersyal kung paano mahihikayat

ang kapwa mag-aaral sa pagbabasa ng Florante at Laura.

G. Pag-uulat ng bawat pangkat

H. Pagbibigay- ebalwasyon ng guro

I. Pagsusulit

Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.

1. Ano ang buong pamagat ng obra maestra ni Francisco Baltazar?

IKATLONG TANONG:

Ano ang tunay na himagsik ni Balagtas? Nakatulong ba ito sa kanyang pagsulat ng obra-maestra?

IKAAPAT NA TANONG:

Paano mo maiuugnay ang Florante at Laura sa kasulukuyan?

IKALIMANG TANONG:

Ano ang ibig sabihin ng pangungusap na “Si Balagtas ay hindi isang makatang bayan kundi isang aral na makata”? Ipaliwanag ang sagot.

IKAANIM NA TANONG:

Ano sa tingin mo ang iniisip ni Balagtas habang isinusulat niya ang kanyang obra maestra? Bakit Niya ito isinulat? Patunayan ang sagot.

Page 8: Lp 1 for garde 8

8

2. Saan nakatuon ang pakikibaka ni Balagtas sa kanyang

paghihimagsik?

3. Anong genre ng panitikan nabibilang ang obra maestra ni Balagtas?

4. Binubuo ng ilang pantig ang bawat taludtod ng obra maestra ni

Balagtas?

5. Magbigay ng isang salitang nabuo mula sa kolokasyon at gamitin ito

sa makabuluhang pangungusap. Salungguhitan ang kolokasyong

ginamit.

J. Sintesis

Magtanghal ng isang debate ukol sa paninindigan ng klase sa pahayag

na “Ang panulat ay higit na makapngyarihan kaysa tabak.”

K. Takda

1. Magsulat ng liham bilang si Balagtas tungkol sa kalagayan ng bansa

at ng Florante at Laura sa kasalukuyan. Gumamit ng hindi bababa

sa 5 kolokasyon at salungguhitan ang mga ito.

2. Basahin at sagutan ang pahina 8-14.