9

Click here to load reader

LINLANG

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Naisulat ang kwentong ito noong kasagsagan ng impeachment trial ng pangulo ng Pilipinas. pawang mga kathang isip lamang ang mga sitwasyong naipakita sa mga tagpo nito.

Citation preview

Page 1: LINLANG

LINLANGGideon

“Pare, tagumpay ang operasyon.”“Oo, ang pinakamuhay ay yung nailagay natin sa may LRT.”“Sa tantya ko ay doon sasabog yun sa may Blumentritt.”

Unti-unting nagbabalik sa alaala ni Gina ang mga katagang ito habang napapanood sa ABS-CBN ang ‘flash news’.

“Apat na pambobomba ang naganap ngayon sa iba’t ibang parte ng kalakhang Maynila…”

Habang inuulat ang balitang ito ay pilit niyang inaalala ang mukha ng dalawang lalaking nag-uusap kani-kanina lang ay bumili sa kanya ng prutas.

Si Gina ay nasa edad 21. Kababakasan ng paghubog ng kahirapan das a kanyang balat na pinakinis at pinaitim ng sikat ng araw sa maghapong pagtitinda ng mga prutas. Morena ang kanyang mukha at may tuwid na buhok. Kung di lang sunog ang balat ay mababaks mo sa kanya ang kagandahan dahil sa tambok ng kanyang dibdib at kislap ng mga mata. Minsa’y niyayaya siya ng mga mayayamang kostumer na lalake na sumama na lang sa kanila at habambuhay na siyang hindi magtitinda o maghihirap pa. may prinsipyo sa buhay si Gina. Hindi niya alintana ang pang-aalik ng mga ilang mga mayayamang kalalakihan dahil sa alam niyang lolokohin lamang siya. Nakaenrol siya ngayon sa isang State University. Nais niya na ang lahat ng kanyang makakamtan ay pinaghihirapan niya. Lalo na ang pag-angat sa buhay. Mayroon din siyang marubdob na pagmamahal sa bayan. Mula pa noong mag-aral siya ng kolehiyo ay nabuksan na ang kanyang isipan na kung dapat makipaglaban at mamatay para sa kapakanan ng bayan ay handa niyang ibuwis ang kanyang buhay. Kaiba nga lang sa iang mga kasama niya, siya ay hindi madalas makasama sa mga rally dahil sa kanyang pagtitinda upang makapagtapos ng pag-aaral, dahil ayaw niyang matulad sa kanyang ina na iniwanan ng asawa nito dahil tutol ang mga magulang nito na makapag-asawa ng mahirap at di nakatapos ng pag-aaral.

Kinabahan siya dahil sa pamilyar sa kanya ng mukha ng dalawang lalaking nag-uusap kanina. Di nga lamang niya maalala kung saan niya ito nakita.

“Miss, pabili ng pakwan.” Usal ng isang lalake.

“Ilan ho?”

Nagulat siya dahil pagharap niya ay ang kaklase niyang si Gerry ang kanyang nabungaran.

Page 2: LINLANG

“Ikaw ha, niloloko mo na naman ako.”

“Napakasipag talaga ng classmate ko.” Sabi ni Gerry. “Tapos mamayang gabi papasok ka pa. sabi ko naman sayo eh, sagutin mo na ko para may katulong ka sa pagtitinda mo.”

“Eh di napagalitan ka ng tatay mo. Alam ko namang ikaw din lang ang inaasahan ng batugan mong ama.” Sabi ni Gina.

“Sabay tayong pumasok mamaya ha.” Pag-aaya ni Gerry.

“Sige, pero tulungan mo kong magsalansan ng prutas mamaya para maaga tayong makapasok. Saka may importanteng bagay akong sasabihin sa iyo.”

“Bakit sasagutin mo na ko?”

“Baliw! Marami pa akong pangarap sa buhay.”

Pagkagaling sa pamantasan ay dumaan sila sa may lugawan na karaniwang dinudumog ng mga estudyante.

Naikwento ni Gina ang nangyari kanina patungkol sa pambobomba sa kamaynilaan. Hindi gaanong interesado si Gerry dahil saw ala itong interes sa mga ganitong usapin. Basta ang sa kanya’y sapat na ang mabuhay sa araw-araw. Nag-aaral siya dahil gusto niya lang makatapos at makahanap ng simpleng trabaho.

“Umiral na naman ang pagiging makabayan mo.” Sumbat ni Gerry.

Hindi. Kanina ay bumili sa akin yung ilan sa mga nagtanim ng mga bomba kasi pinag-uusapan nila ito bago pa lang sumabog.

Naantig ang damdamin ni Gerry sa sinabi ni Gina spagkat nakita niya sa TV ang itsura ng ma naging biktima ng pambobomba. Naawa siya dahil magpapasko pa naman. Mahigit sa 60 ang naging biktima at 19 ang namatay at ang masaklap pa ay mga ordinaryong tao ang naging biktima. Ang pinakagrabe nga ay ang sumabog sa Blumentritt LRT station. Isa sa Bus sa may Edsa, sa isang galsoline station sa Makati at sa Airport.

“Natatandaan mo ba ang mga mukha nila?”

“Hindi lang natatandaan. Kilala ko sila.”

“O, bakit hindi mo sabihin sa mga pulis?”

Page 3: LINLANG

“Hindi pwede Gerry, malaking grupo ang nasa likod nito at hindi basta-basta maisasakatuparan ang sinasabi mo.”

“Bakit, sangkot ba ang mga pulis?”

“Hindi mo ako naiiintidihan eh. Di ba sumasama ako sa isang kilusan?

“Doon ko nakita ang mga taong yun. Nung nagtreyning kami. Hindi ko nga lamang maalala kung sila nga yun. Kailangan kong malaman, bakit sila sumasangkot sa ganitong gulo. Hindi ako sigurado, basta ang alam ko, hindi nila kayang gawin yun.”

“Pambihira. Kayo pala ang may kagagawan niyan eh!”

Naging mabigat na pasanin kay Gerry ang mga sinabi ni Gina sapagkat alam niyang hindi ito makukuntento sag anon na lamang. Alam niyang kikilos ito kahit na anong mangyari. Ibinilin sa kanya ni Gina na sabihin kay aling Matring na kinukuhanan nito ng prutas na mga dalawang araw itong hindi makapagtitinda dahil sa may importanteng bagay siyang lalakarin. Umuwi sa boarding house si Gina at sinalansan ang mga gamit. Inilagay sa isang traveling bag at nagpasama kay Gerry na ihatid siya sa terminal ng bus papunta kay Mang Pedring.

Pinuntahan niya si mang Pedring na humimok sa kanya sa kilusan. Tinanong niya rito kung bakit nagawa ng mga kasamahan nila ang ganoong kalunus-lunos na bagay.

“Alam mo Gina, bata ka pa, hindi mo pa alam ang laro at kilos ng lahat sa paligid mo. Kung minsan ay kinakailangang magsakripisyo ng buhay para lamang sa kapakanan ng bayan. Maaaring hindi mo ito maintindihan sapagkat bago ka pa lamang. Ngunit maaari mo itong maunawaan kung maaalala mo ang ninais ni Rizal sa kanyang panulat sa El Filibusterismo patungkol sa pagpapasimula ng rebolusyon. Hindi ko sinasabing tayo ang may kagagawan niyan, pero tinitiyak ko sa iyo, may malaking pagbabagong magaganap sa Pilipinas.

Naalala ni Gina ang huling bahagi ng El Filibusterismo na kung saan ay ginusto ni Simon na pasimulan ang rebolusyon sa pamamagitan ng pagpapasabog ng bomba na nakalagay sa lampara.

“Ibig n’yo pong sabihin ay hudyat ang pambobombang iyon ng isang malawakang rebolusyon?”

“Oo, dahil maraming nagnanais na gisingin ang diwa at damdamin ng taong matagal nang natutulog na kamalayan ng mga Pilipino na manhid na sa kabuktutan ng mga nakaupo sa gobyerno. Mag-antay ka na lang at

Page 4: LINLANG

paglipas ng ilang araw ay makikita mo ang magandang pangyayari sa ating gobyerno.”

Nang mga panahong ito ay kasalukuyang nakasalang ang kaso ng Impreachment laban sa pangulo ng Pilipinas na isinasagawa sa Senado.

Pagkauwi ni Gina ay agad niyang pinuntahan si Aling Matring at kumuha ng mga prutas na kanyang ilalako. Christmas break na, libre na siya ngayon sa pagpasok sa paaralan at medyo malaki-laki ang kanyang kikitain sa pagbebenta ng pakwan.

Nagkita na naman sila ni Gerry. Inaya siya nito na pagkatapos magtinda ay may tao silang kakausapin. Nagtaka si Gina dahil hindi gaanong nagtagal si Gerry sa pakikipag-usap sa kanya. Habang nagtitinda siya ay inaalala niya ang payo ni Mang Pedring na magmasid muna sa mga magaganap sa ating bansa.

Kinagabihan ay nakausap ni Gina ang sinasabi ni Gerry. Nagulat siya dahil sa isang amerikano ang nasa harapan nila. Galit si Gina sa mga amerikano dahil sa kanyang paniniwala na ito ang siyang humahawak at kumokontrol sa ating gobyerno. Dahil simula pa nang magkamalay siya sa bansang ito ay naririnig na niya ang sigaw na “Marcos-tuta ng kano”, “Cory-tuta ng Kano”, Ramos-tuta ng kano”, Erap-tuta ng Kano.” Kano! Galit nag alit siya sa mga Kano!

“Hayop ka Gerry, pati ba naman ikaw ay nagpapaloko sa mga Kano?”

Hindi Gina, hindi siya masamang tao. Katunayan ay ipagtatapat ko na sa iyo na kasama nila ako.”

“Ibig mong sabihin…”

“Hindi. Matagal na kitang sinusubaybayan at kilala na kita. Hindi rin totoo na anak ako ng tatay kong si Mang Teryo. Konsern lang ako sa iyo at ngayon ay gusto kong malaman mo kung paanong ang ating bansa ay pinatatakbo ng mga dambuhalang dragon na nagtatago sa likod ng kanilang mga mapanlinlang na kasuotan.”

Nagtataka si Gina sa mga pananalitang ito ni Gerry na wari mo ba’y napakaraming alam. Samantalang dati-rati’y ni wala itong pakialam sa anumang nangyayari sa bayan.

“O sige, ano bang gusto ninyong sabihin sa akin?”

Ipinaliwanag ng kasama nilang amerikano na may isang organisasyong nagyhahari sa lahat ng mga gobyerno sa ating bansa na siyang naglalaro at

Page 5: LINLANG

kumokontrol sa lahat ng maaaring mangyari sa buong daigdig. Isiniwalat nito ang agenda ng globalisasyon, ang pagdidikta ng IMF na ang sa pagkakaalam ni Gina ay pag-aari ng mga Amerikano ngunit napag-alaman niya sa kanyang kausap na ito pala’y hawak ng mga ‘Komite ng 300’ na siyang tunay na nagtayo ng lahat ng gobyerno sa daigdig, sila rin ang may kagagwan ng kamatayan ni John F. Kennedy, ang pagluklok kay Hitler, ang paglusob sa Iraq ng mga Amerikano sa ilalim ng Geneva Convention na ikinamatay ng 150,000 na tropa ng mga Iraqi na nagwawagayway na ng kanilang puting bandila’y patuloy pa ring isinagawa ang karumal-dumal na pagpatay dahil sa ito ay utos ng Royal Institute for International Affairs. Medyo nagising ang damdamin ni Gina sapagkat hindi naibalita sa midya ang mga pinagsasabi ng kaharap niya at ni hindi lumabas sa ating kasaysayn. Marami pang naikwento ang amerikano na hindi kapani-paniwala sa kanya ngunit nang iharap sa kanya ang mga dokumento ay nagkaroon siya ng pagdadalawang-isip. Nagsabi rin ang amerikano ng kanyang prediksyon ng maaaring maganap sa Pilipins bago matapos ang unang buwan ng susunod na taon. Nasabi nito na magkakaroon ng malawakang pagkilos sa EDSA sanhi ng pinaplanong pagpapatalsik sa kasalukuyang nakaupong president ng bansa. Naikwento rin sa kanya na nagkaroon ng sabwatan sa Senado patungkol sa pagbubukas ng ikalawang envelope ng ebidensya sa impeachment na magiging sanhi ng paghihimagsik ng damdamin ng mga Pilipino na siyang magbubunga ng pagkagalit ng mga ito sa pangulo ng bansa at ang pagdagsa ng mga tao sa EDSA.

Hindi pinaniwalaan ni Gina ang mga sinabi ng amerikano sapagkat matagal nang naitanim sa kanyang isipan ang ideolohiyang kanyang pinanghahawakan. Ngunit nagkaroon pa rin ng kaunting pagtatalu-talo sa kanyang isipan.

Naging mas mabigat pa ang kanilang pag-uusap nang matukoy ng kanyang kaharap na maging ang kanyang kinaaaniban ay isa sa mga galamay ng tinatawag nitong ‘Komite ng 300’. Ang komiteng ito ay binubuo ng mga indibidwal na tao na may napakalawak na impluwensiya sa daigdig, mga bangko, at mga grupong may malalakas na impluwensya sa larangan ng kalakalan. Ang komiteng ito ang nagtayo ng Zionism, Communism, Fabianism, Liberalism, Socialism at iba pang mga Right Wing Parties. Itinalaga rin nito ang United Nations, ang British Intelligence na namumuno sa CIA, Mossad, iba pang Intelligence Agencies at sa Interpol na may hawak ng Drug Trade sa India, Hongkong at London. Ito rin ang nagtalaga sa Kings of Saudi Arabia, Sheiks of Dubai, Kuwait at UAE.

Ang pinakamabigat sa kanyang narinig ay ang pinagmumulan ng terorismo sa buong daigdig na pinamamahalaan ng Royal Institute for International Affairs.

Page 6: LINLANG

Naging malaking palaisipan kay Gina ang pinagsasabi ni Coleman, ang amerikanong kaharap niya.

Naidagdag pa ng Amerikano na maaaring maganap muli ang nangyari sa EDSA ’86 na nagpatalsik sa dating pangulong Marcos. Ikinatuwa ni Gina ang sinabing ito ng amerikano dahil sa ito ang isa sa matagal na niyang ninanais. Ngunit nang ipagpatuloy ng amerikano ang kanyang sinasabi, nabanggit nito na ang susunod na mauupo ay ang pangalawang pangulo sapagkat ito ang bagong alaga at inihahain ng Cardinal sa Roma na iupong pangulo. Medyo ayaw ni Gina ng kasunod na sinabing ito ng Amerikano sapagkat ang nais niya ay hindi ang pagpapalit ng pangulo kundi ang pagpapalit ng gobyerno. Nasabi rin nito ang dahilan kung bakit ganoon kataas ang presyo ng dolyar sapagkat isa ito sa gagamiting instrument sa pagpapatalsik sa pangulo. Ngunit ito’y ibababa sa kainitan ng rally sa Edsa upang ipangganyak sa mga Pilipino na patalsikin nang tuluyan ang nakaupong pangulo.

Halos bumagsak ang kanyang paniniwala sa mga tinuran ng amerikanong kanyang kaharap. Biglang nagbago ang kanyang pagtingin kay Gerry na dating walang pakialam sa takbo ng lipunan. Ito pala’y nagmamasid lang sa mga pwedeng mangyari at maganap sa bansa.

Hinikayat ni Gerry si Gina na kumalas na sa samahan at umanib na lamang sa kanila na nagnanais na pigilan ang plano ng komite.

“Pag-iisipan ko.” Sagot ni Gina.

Di pa nga natatapos ang unang buwan ng taon ay nagkaroon ng napakalaking pagbabago sa Pilipinas. Nabago ang president, nagbunyi ang nakararaming mamamayan. Halos lahat ng sinabi ni Coleman ay naganap.

Wala na si Gerry at ang kanyang tatay sa kanilang tinitirhan.

Pebrero, Muling magkikita sina Gina at Gerry sa isang parke sa may Quezon City. Ika-7:00 ng gabi. Habang naghihintay si Gina ay pinagmasdan niya ang mga taong naroroon. May naglalambingan na parang ayaw nang maghiwalay sa isa’t isa. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang isang dalagitang sa tantiya niya ay nasa edad 16. Maputi, maalon ang buhok, nasa taas na limang talampakan, nakasuot lamang ng pambahay at alikabukin na ang damit. Naka short ito nang maigsi. Ayon sa usap-usapan ng madalas mamasyal doon ay araw-araw daw itong naroon sa parke na para bang doon na nakatira. Maya-maya pa’y may lumapit ditong lalake na halos kasing-edad niya at nag-abot ng pera at itinuro ang isang lalakeng naroon sa isang madilim na bahagi ng parke. Nilapitan ito ng dalagita at sumama na sa lalake.

Page 7: LINLANG

Napailing si Gina sa kanyang nakita. Hindi siya makapapyag na ganoon na kababa ang dignidad ng mga kababaihan. Ito ba’y dala ng kahirapan? Tanong niya sa kanyang isipan. Mabuti pa nga at hindi doon sa parke idinaos ang pagpaparaos ng laman, kasi halos taon-taon ay mahigit sa limandaang pares ng nagtatalik ang nahuhuli sa mga parkeng nakapalibot sa lugar na iyon o tinatayang mahigit sa isang pares isang araw ang ginagawang motel at parausan ang parke.

Mag-aalas nuwebe na ng gabi ay wala pa si Gerry. Medyo sumasama na ang loob ni Gina dahil sa hindi marunong tumupad sa usapan si Gerry. Pero naisip niya na ngayon lang naman naging ganito ang kaibigan. Dati-rati’y nauuna pa ito sa kanya sa kanilang tipanan.

Alas nuwebe beinte nang simulang mainip si Gina, gusto na niyang umalis. Nang akmang siya’y aalis na ay may lumapit sa kanyang isang bata.

“Mam, may nagpapabigay po sa inyo ng sulat na ito. Isa pong lalake na matangkad at maputi.”

Binuksan niya ang sulat. “(Gina, umalis ka na diyan at nahuli na nila si Gerry. Tatlong tao ang nakamasid sa iyo ngayon, huwag kang magpapahalata at delikado ang buhay mo…)” NIlamukos niya ang sulat at nagmasid sa paligid. Mayroon ngang lalake sa may bandang palaruan, sag awing kaliwa ng kanyang kinaroroonan at isa ay malapit sa labasan.

Kinabahan siya. Sinikap niyang lumayo sa lugar na iyon nang hindi mahahalata ng tatlo ngunit nang akmang papalabas na siya ay sinundan siya ng mga ito.

Lakad-takbo ang kanyang ginawa at sinikap na makarating sa may sakayan ng Jeep ngunit nananatiling nakasunod ang mga lalake.

Kinabukasan…

Balita sa telebisyon… “Isang babae, natagpuang patay sa tambakan ng basura sa Quezon City…”