Upload
nguyennhi
View
244
Download
3
Embed Size (px)
Citation preview
Liksyon 5 para sa Pebrero 3, 2018
“
” (1 Tesalonica 2:4)
Talatang Sauluhin:
1. Mga katiwala sa Lumang Tipan Mga katiwala ng materyal na mga bagay
2. Mga katiwala sa Bagong Tipan Matapat at hindi matapat na mga katiwala Mga katiwala ng mga misteryo ng Diyos Mga katiwala ng espirituwal na katotohanan
3. Mga katiwala Ngayon Ang ating responsibilidad bilang mga katiwala
Ang isang katiwala ay isang taong nagtatrabaho upangpangasiwaan ang ari-arian ng iba.
Si Adan at Eba ay mga katiwala ng Diyos sa Eden. Sila ay responsible sa pangangalaga at pagtatamasa ng isangperpektong mundo.
Pagkatapos ang kasalanan ay pumasok sa Mundo at angmundo ay nagbago, ngunit tayo ay nananatiling mgakatiwala.
Ngayong linggong ito ay ating pinag-aralan ang Biblikalna konsepto ng pagiging katiwala, lalong higit ang atingtungkulin bilang mga katiwala ng mga espirituwal nabiyayang ibinigay sa atin ng Diyos.
Libingan ni Shebna (British Museum)
Ang mga katiwala ay kumikilos sa pangalan ng kanilang mga panginoon, ginagawa kung anoang kaniyang gagawin. Kanilang niyayakap ang interes ng kanilang panginoon, at hindi niyaginagamit ang kaniyang mga ari-arian para sa kaniyang pansariling benepisyo.
Mayroong mga matapat na lingkod katulad ni Eliezer at Jose (Gn. 15:2; 39:4), at mga hinditapat katulad ni Arza at Shebna (1K. 16:9; Is. 22:15-21).
Sa Lumang Tipan, ang mga katiwalaay silang nakatoka “sa bahay.” Sila ay nangangasiwa sa mga ari-arian ngkanilang mga panginoon, at angkanilang mga panginoon ay nagtitiwala sa kanila.
Ginamit ni Shebna ang kaniyang posisyon bilang katiwalaupang isulong ang kaniyang personal na mga interes sapamamagitan ng pagtatayo ng isang marangyanglibingan sa Bundok ng Olivo. Siya ay pinaalis.
“At tinawag niya siya, at sa kaniya'y sinabi, Ano ito na nababalitaan ko tungkol sa iyo? magbigay sulit ka ng pagiging katiwala; sapagka't hindi ka na maaaring magingkatiwala pa.’” (Lucas 16:2)
“Mapalad ang aliping yaon, nakung dumating ang kaniyangpanginoon ay maratnang gayonang ginagawa niya.” (Lucas 12:43)
Ang pokus ng Bagong Tipan ay nasaresponsibilidad ng lingkod. Bawa’t lingkoday itinuturing na may pananagutan ngkaniyang panginoon.
Ang mga hindi tapat na lingkod ay pinarurusahan (Lucas 12:45-47), ngunitpatuloy silang makaiiwas sa espirituwalna pagtanggi (Lucas 16:8).
Ang mga matapat na lingkod ay pinupuri, at sila binibigyan ng mas malaking mgaresposibilidad (Lucas 19:17).
Kailangan nating gamiting may responsibilidad ang ating mga kaloobhabang naghihintay sa pagbabalik ni Jesus(Lucas 12:37-38).
“Na tuloy idalangin din ninyo kami, nabuksan sa amin ng Dios ang pinto sa
salita, upang aming salitain ang hiwaga niCristo, na dahil din dito'y may mga
tanikala ako.” (Colosas 4:3)
Ang Diyos ay naghayag ng maraming mgakatotohanan, ngunit mayroong hindi Siya ang may gawa, dahil hindi natin kayang maunawaan angmga ito (Deuteronomio 29:29). Mayroong mgailang rebelasyon na ating nauunawaan lamang ngbahagya. Ang mga katotohanang iyon ay mga“misteryo.”
Ang Diyos ay naghayag ng ilang mga misteryo nahindi naunawaan noong una (halimbawa, pangangaral sa mga Hentil).
Tayo ay mga lingkod ng mga misteryong iyon. Kailangan nating ibahagi iyon sa iba kahit na hindinatin lubusang nauunawaan ang mga iyon.
Ano ang ilan sa mga misteryo ng Diyos na inihayag sa Bagong Tipan?
Ang kabulagan ng Israel (Roma 11:25)
Ang karunungan ng Diyos (1 Corinto 2:7)
Ang transpormasyon ng ating mga katawan (1 Corinto 15:51)
Lahat ng bagay ay tinipon ng sama-sama kay Cristo (Efeso 1:9-10)
Pangangaral ng Ebanghelyo sa mga Hentil (Efeso 3:3-6)
Kasal at ang Iglesia bilang babaing ikakasal kay Cristo (Efeso 5:31-32)
Ang Ebanghelyo (Efeso 6:19)
Ang Ama at si Jesus bilang iisa (Colosas 2:2)
Ano ang ginagawa ng Anti-Cristo (2 Tesalonica 2:7)
Ang dakilang katotohanan ng pananampalataya (1 Timoteo 3:9)
Ang inkarnasyon, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Jesus (1 Timoteo 3:16)
MGA KATIWALA NG ESPIRITUWAL NA KATOTOHANAN“Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa'tisa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, nagaya ng mabubuting katiwala ngmasaganang biyaya ng Dios.” (1 Pedro 4:10)
Ang Espirituwal na mga katotohanan ay mga kaloob na ibinigay sa atin ng Diyospara sa ating sariling kapakinabangan. Tayo ay mga katiwala rin ng mga ito.
Ang pinakamahalagang kaloob ay angpagtubos. Hindi mo ba ibabahagi angnapaka dakilang kaloob na iyon, upangang iba ay makatanggap rin nito?
Isipin mo ang tungkol sa kalasag ng Diyos. Bawa’t parte ng kalasag na iyon ay isangespirituwal na kaloob na ibinigay sa atinng Diyos, at tayo ay mga lingkod ng mgakaloob na iyon (Efeso 6:13-17).
Katotohanan
Katuwiran
Ebanghelyo
Pananampalataya
Kaligtasan
Biblia
“Sapagka't tayong lahat ay kinakailangangmahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mgabagay na ginawa sa pamamagitan ngkatawan, ayon sa ginawa niya, magingmabuti o masama.” (2 Corinto 5:10)
Ang pagiging katiwala ay isang malaking responsibilidad. Ang katiwala ay kailangang mangasiwa ng maraming mgakayamanan upang makuha ang pinakamalakingpakinabang para sa kanilang panginoon.
Samakatuwid, tayo ay responsible para sa lahat ng bagayna ibinigay sa atin ng Diyos. Iyon ay kinapapalooban ngmateryal at espirituwal na mga kaloob.
Tayo ay malaya na gamitin ang ating mga kayamanan parasa ating pansariling benepisyo o para sa pakinabang ngDiyos. Ating tandaan na tayo ay may pananagutan sa lahatng mga ito (Ecclesiastes 11:9).
Tayo ay tinawag upang maging matapat na mga katiwalang lahat ng bagay o kayamanan ng ating Panginoon.
“Ang sandali na ang tao ay nawalan ng paningin sa
katotohanan na ang kaniyang mga kakayanan at mga
pagmamay-ari ay sa Panginoon, sa sandaling iyon siya ay
lumulustay ng mga kayamanan ng Panginoon. Siya ay
umaakto ng bahagi ng isang hindi tapat na katiwala,
naguudyok sa Panginoon na ilipat ang Kaniyang mga
kayamanan sa mas matapat na mga kamay. Ang Diyos
ay nananawagan sa kanilang Kaniyang
pinagkatiwalaan ng Kaniyang mga kayamanan na
pangasiwaan ito ng may katapatan, upang ipakita sa
mundo na sila ay gumagawa para sa kaligtasan ng mga
makasalanan. Siya ay nananawagan sa kanilang
nagaangking napasa sa ilalim ng Kaniyang superbisyon
na hindi Siya ilarawan sa kamalian sa pamamagitan ng
kanilang karakter... Siya sa araw-araw ay pinupunan
tayo ng mga benepisyo... Atin Siyang papurihan sa
pamamagitan ng pagpapabatid sa iba ng kasaganaang
Kaniyang ipinagkaloob sa atin.”
E.G.W. (In Heavenly Places, October 22)