2
December 13, 2015 A Call To Worship (Panawagan Sa Pagsamba) Awit Ng Nagpupuri Sa Dakilang Diyos (Awit 99) v1Si Yahweh ay naghahari, mga tao'y nayayanig, Sa trono niya'y nakaupo mga kerubin nakapaligid Samantalang nasa trono, nayayanig ang daigdig. v2Dakila ang Panginoon, dakila Siya sa Zion Si Yahweh ang naghahari sa lahat ng mga bansa. Mateo 20:25-28 v25Dahil dito, pinalapit sila ni Jesus at sinabi sa kanila, "Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ang naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod. v26Hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Kung nais ninyong maging dakila, dapat kayong maging lingkod sa iba, v27at kung sinuman sa inyo ang nagnanais maging una, siya ay dapat maging alipin ninyo. v28Sapagkat maging ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami." D _____________________ for God’s Glory Mateo 5:16 v16Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit." Efeso 2:10 v10Sapagkat tayo'y kanyang pinakamahusay na gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na inihanda ng Diyos nang una pa upang siya nating lakaran. Mga Katanungan: 1. Noong hindi mo pa nababasa at napapakinggan ang mensahe ng Biblia ano motibo sa pag-gawa ng mabuti?

Lesson 6 the Jesus Life

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Lesson 6 the Jesus Life

Citation preview

Page 1: Lesson 6 the Jesus Life

1

December 13, 2015A Call To Worship

(Panawagan Sa Pagsamba)

Awit Ng Nagpupuri Sa Dakilang Diyos(Awit 99)

v1Si Yahweh ay naghahari, mga tao'y nayayanig, Sa trono niya'y nakaupo mga kerubin nakapaligid Samantalang nasa trono, nayayanig ang daigdig.

v2Dakila ang Panginoon, dakila Siya sa Zion Si Yahweh ang naghahari sa lahat ng mga bansa.

v3Bawat isa'y magpupuri sa ngalan Niyang dakila, Banal siya't papurihan ang Banal Niyang Pangalan.

v4Hari ikaw na dakila, ang mga matuwid ay iyong mahal, Ang dulot mo sa iyong Bayan ay ganap na katarungan; Ang dulot mo sa kanila ay pagtinging pantay-pantay. v5Si Yahweh na ating Diyos ay lubos na papurihan;

Sa harap ng trono niya'y sambahin ang Banal Niyang Ngalan!

Mateo 20:25-28v25Dahil dito, pinalapit sila ni Jesus at sinabi sa kanila, "Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ang naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod. v26Hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Kung nais ninyong maging dakila, dapat kayong maging lingkod sa iba, v27at kung sinuman sa inyo ang nagnanais maging una, siya ay dapat maging alipin ninyo. v28Sapagkat maging ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami."

D _____________________ for God’s GloryMateo 5:16v16Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit."

Efeso 2:10v10Sapagkat tayo'y kanyang pinakamahusay na gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na inihanda ng Diyos nang una pa upang siya nating lakaran.

Mga Katanungan:

1. Noong hindi mo pa nababasa at napapakinggan ang mensahe ng Biblia ano motibo sa pag-gawa ng mabuti? Ayon sa mensahe ano ba dapat ang motibasyon natin sa paggawa ng mabuti?

2. Sino sa iyong pamilya, kamag-anak, at kapatid sa pananampalataya ang nangangailangan ng iyong mabuting gawa?

3. Ano ang maaari kong gawin upang maitalaga (“dedicate’) ang sarili sa paggawa ng mabuti sa bawat araw?

4. Ano naman ang dapat mong ihinto upang mas lalo ka pang makagawa ng mabuti?

Page 2: Lesson 6 the Jesus Life

2

The Jesus LifeTHE WAY OF DOING GOODAng Buhay Ng Paggawa Ng Mabuti

(Lesson 6)

v38Kilala ninyo si Jesus na taga-Nazaret at alam din ninyo kung papaanong pinili siya ng Diyos at kung papaanong pinuspos ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan. Alam din ninyo na saanman siya magpunta, gumagawa siya ng kabutihan sa mga tao at nagpapagaling sa lahat ng pinapahirapan ng

diyablo, sapagkat kasama niya ang Diyos.Mga Gawa 10:38

Ang Mabuting SamaritanoLukas 10

v30Sumagot si Jesus, "May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati ang damit sa

kanyang katawan, binugbog, at iniwang halos patay na. v31Nagkataong dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay,

lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad. v32Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at

nagpatuloy sa kanyang paglakad. v33Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang biktima at siya'y naawa.

v34Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos, ang lalaki ay isinakay ng Samaritano sa kanyang asno at dinala ito

sa bahay-panuluyan upang maalagaan doon. v35Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang may-ari ng bahay-panuluyan, at sinabi, 'Heto, alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong magagastos, babayaran ko sa aking pagbalik.'"v36At nagtanong si Jesus, "Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?"v37"Ang taong tumulong sa kanya," tugon ng abogado. Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, "Sige ganoon din ang iyong gawin."

Paggawa Ng MabutiDOING G O O D

G____________________ Command in ActionLukas 10

v25Isang dalubhasa sa kautusang Judio ang lumapit kay Jesus upang siya'y subukin. "Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkaroon ako ng buhay na walang

hanggan?" tanong niya. v26Sumagot si Jesus, "Ano ba ang nakasulat sa Kautusan?

Ano ba ang nababasa mo roon?" v27Sumagot ang lalaki, "'Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong lakas, at buong pag-iisip;' at 'Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.'"

O______________________ with God & Man1 Juan 4v7Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos.

Lukas 10v28Sabi ni Jesus, "Tama ang sagot mo. Gawin mo iyan at magkakamit ka ng buhay na walang hanggan." v29Upang huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, nagtanong pa ang lalaki, "Sino naman ang aking kapwa?"

O_______________________ CenterednessLukas 10 v33Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang biktima at siya'y naawa.