2
Taga-ulat: Jessa Mae G. Jaco Petsa: Nobyembre 27, 2015 Guro: Propesor Carmela G. Ong Iskedyul: Fil126/TFr/10:30-12 IBA PANG URI NG PAGSUSULIT: LECTURETTE Ang lecturette ay isang maikling paglalahad o pagsasalita tungkol sa isang paksa o talata. Isang uri rin ito ng pagsusulit na kadalasang nagtatagal ito nang 10 hanggang 20 minuto. Ginagawa ito upang subukin ang kakayahan ng isang estudyante sa pakikinig, pag-unawa at pag- alaala ng mga pangunahing ideya o salita mula sa paksang binasa. Ito ay isa ring halimbawa ng pagsusulit na integratibo sapagkat sinusukat nito ang pangkalahatang kasanayan sa wika ng mga mag-aaral. Magbabasa ang guro ng isang talata. Ang kanyang pagbabasa ay gagawin niya ng dalawang ulit at magtatanggal ng ilang mga salita. Sa pagtatanggal naman ng mga salita, kung nagsimula kang magtanggal sa ikalimang salita sa loob ng isang pangungusap, nararapat lamang na ang lahat ng mga natanggal na salita ay nasa ikalimang bilang rin sa loob ng isang pangungusap. Sa paggawa rin ng pagsusulit na lecturette, kinakailangang ang una at huling mga pangungusap ng isang talata ay buo at hindi kinaltasan ng salita sapagkat ito ang magiging basehan ng mga mag-aaral sa pagsagot. Samantala ang ibang mga pangungusap ay kinakaltasan tuwing nth na linya --- maaaring tuwing ikalima, ikaanim, ikapito, ikawalo o ikasiyam ang nawawalang salita sa kanyang sagutang papel. Maaaring hindi ang tiyak o eksaktong salita ang maisulat niya, subalit kinakailangan na magkasing-kahulugan ang sinulat niya at ang nawawalang salita. Halimbawa: Panuto: Ang talatang “Tatak ng Pilipino ang Paggalang sa Matatanda” na nasa baba ay dalawang ulit na babasahin ng guro at aalisan ng ilang mga salita. Unang talata: Iginagalang ng mga Pilipino ang matatandang kasapi ng pamilya. Sa simula pa man ng pampamayanang pamumuhay ng mga unang Pilipino, nagpakita na sila ng mataas na pagpapahalaga para sa matatanda. Karaniwang ang pinakamatanda ang kinikilalang pinuno o tagapayo ng barangay. Ang mga datu ay pinunong naniniwala sa katarungan ng mga matatanda. Nagmamano sa matatanda ang mga batang kasapi sa pamilya. Tanda ito ng paggalang. Gumagamit ng katawagan ng paggalang ang mga nakababata sa pakikipag-usap sa mga

Lecturette.final

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Lecturette.final

Citation preview

Page 1: Lecturette.final

Taga-ulat: Jessa Mae G. Jaco Petsa: Nobyembre 27, 2015Guro: Propesor Carmela G. Ong Iskedyul: Fil126/TFr/10:30-12

IBA PANG URI NG PAGSUSULIT: LECTURETTE

Ang lecturette ay isang maikling paglalahad o pagsasalita tungkol sa isang paksa o talata.Isang uri rin ito ng pagsusulit na kadalasang nagtatagal ito nang 10 hanggang 20 minuto.Ginagawa ito upang subukin ang kakayahan ng isang estudyante sa pakikinig, pag-unawa at pag-alaala ng mga pangunahing ideya o salita mula sa paksang binasa. Ito ay isa ring halimbawa ngpagsusulit na integratibo sapagkat sinusukat nito ang pangkalahatang kasanayan sa wika ng mgamag-aaral.

Magbabasa ang guro ng isang talata. Ang kanyang pagbabasa ay gagawin niya ngdalawang ulit at magtatanggal ng ilang mga salita. Sa pagtatanggal naman ng mga salita, kungnagsimula kang magtanggal sa ikalimang salita sa loob ng isang pangungusap, nararapat lamangna ang lahat ng mga natanggal na salita ay nasa ikalimang bilang rin sa loob ng isangpangungusap.

Sa paggawa rin ng pagsusulit na lecturette, kinakailangang ang una at huling mgapangungusap ng isang talata ay buo at hindi kinaltasan ng salita sapagkat ito ang magigingbasehan ng mga mag-aaral sa pagsagot. Samantala ang ibang mga pangungusap ay kinakaltasantuwing nth na linya --- maaaring tuwing ikalima, ikaanim, ikapito, ikawalo o ikasiyam angnawawalang salita sa kanyang sagutang papel.

Maaaring hindi ang tiyak o eksaktong salita ang maisulat niya, subalit kinakailangan namagkasing-kahulugan ang sinulat niya at ang nawawalang salita.

Halimbawa:

Panuto: Ang talatang “Tatak ng Pilipino ang Paggalang sa Matatanda” na nasa baba ay dalawangulit na babasahin ng guro at aalisan ng ilang mga salita.

Unang talata:

Iginagalang ng mga Pilipino ang matatandang kasapi ng pamilya. Sa simula pa man ngpampamayanang pamumuhay ng mga unang Pilipino, nagpakita na sila ng mataas napagpapahalaga para sa matatanda. Karaniwang ang pinakamatanda ang kinikilalang pinuno otagapayo ng barangay. Ang mga datu ay pinunong naniniwala sa katarungan ng mga matatanda.

Nagmamano sa matatanda ang mga batang kasapi sa pamilya. Tanda ito ng paggalang.Gumagamit ng katawagan ng paggalang ang mga nakababata sa pakikipag-usap sa mga

Page 2: Lecturette.final

nakatatanda sa kanila. Manang, manong, aling, mang, ginoo, apo, impo, lolo at lola, ang mgakatawagang pamitagan sa kanila. Sa Luzon, gumagamit ng mga salitang po at opo ang mga batakung nakikipag-usap sa matatanda.

Inaalagaan ng buong pamilya sina lolo at lola, ang kanilang matatandang kasapi maginghanggang sa mga ito ay magkasakit at mamatay. Hindi bahagi ng kulturang Pilipino angpaglagak sa kanila sa mga institusyong gaya ng Home for the Aged. Tatak ng mga Pilipino angpagmamahal at pagtanaw ng utang na loob sa mga taong nag-alaga sa kanila noong bata pa sila.

Ikalawang talata:

Iginagalang ng mga Pilipino ang matatandang kasapi ng pamilya. Sa simula pa man ng1.____________ pamumuhay ng mga unang Pilipino, nagpakita na sila ng mataas napagpapahalaga para sa matatanda. Karaniwang ang pinakamatanda ang kinikilalang 2._________o tagapayo ng barangay. Ang mga datu ay pinunong 3._________ sa katarungan ng mgamatatanda.

Nagmamano sa matatanda ang mga 4.________ kasapi sa pamilya. Tanda ito ngpaggalang. Gumagamit ng katawagan ng paggalang ang mga nakababata sa pakikipag-usap samga nakatatanda sa kanila. Manang, manong, aling, mang, ginoo, 5.________, impo, lolo at lola,ang mga katawagang pamitagan sa kanila. Sa Luzon, gumagamit ng mga 6.__________ po atopo ang mga bata kung nakikipag-usap sa matatanda.

Inaalagaan ng buong pamilya sina 7.______ at lola, ang kanilang matatandang kasapimaging hanggang sa mga ito ay magkasakit at mamatay. Hindi bahagi ng kulturang Pilipino8.____ paglagak sa kanila sa mga institusyong gaya ng Home for the Aged. Tatak ng mgaPilipino ang pagmamahal at pagtanaw ng utang na loob sa mga taong nag-alaga sa kanila noongbata pa sila.