Laspina, Faith Ann r

Embed Size (px)

Citation preview

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    1/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 1

    Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

    Mabini Campus, Sta.Mesa, Manila

    Epekto ng Pagseselfie sa mga Mag-aaral ng Unang Taon Seksyon-31 sa Batsilyer ng Pagtutuos ng

    Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Mabini Campus

    Faith Ann R. Laspina

    BSA 1-31

    Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Ma. Victoria R. Apigo

    Marso 15, 2014

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    2/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 2

    KABANATA 1

    PANIMULA

    Simula taong 2012 hanggang ngayong 2013, tanyag na tanyag ang salitang "selfie", na

    tumutukoy sa mga larawan na kadalang pinopost nang solo.

    Ayon sa mga pinakahuling pag-aaral, naging malaki ang epekto ng pagkakaroon ng mga social

    networking accounts tulad ng Facebook, Twitter , Instagram at iba pa na kinakailangan mong

    magkaroon ng mga virtual circle of friends. Nagdudulot daw ito ng pagiging conscious ng isang

    indibidwal sa kung gaano kadaming followers meron sila at kung anu-ano ang mga dapat ipo-post

    sa kanilang mga accounts na makakapag-pa -impress sa ibang maaaring makita ng post na iyon.

    Dahil sa patuloy na popularidad, itinanghal bilang "word of the year" ng Oxford English

    Dictionary ang "selfie".Ayon sa Oxford Dictionaries, lumobo sa 17,000-porsyento ang paggamit

    ng salitang "selfie" mula noong 2012. Pagkuha ng self portrait gamit ang smartphone, webcam at

    camera ang kahulugan ng "selfie".

    Naungusan nito ang mga sumikat na salita ngayong taon kagaya ng "twerk" o pagsayaw sa

    mapang-akit na paraan na pinasikat ng singer na si Miley Cyrus sa MTV Video Music Award

    noong Agosto 2012. Sa kaparehong buwan din naging viral sa social media ang "selfie" ni Pope

    Francis kasama ang mga kabataang bumisita sa Vatican.

    Hanggang sa itinanghal na ng TIME Magazine ang Makati City bilang The Selfie Capital of

    the World noong March 14, 2014. Batay sa pag-aaral ng TIME, mayroong 258 selfie-takers sa

    bawat 100,000 mamamayan. Kasama rin ng Makati City ang kapitbahay nitong Pasig City, at

    pang-siyam rin sa listahan ang Cebu City na may 99 selfie-takers sa bawat 100,000 mamamayan.

    http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/World/'Selfie'_ni_Pope_Francis_kasama_ang_ilang_kabataaan,_viral_sa_social_media.htmlhttp://dzmm.abs-cbnnews.com/news/World/'Selfie'_ni_Pope_Francis_kasama_ang_ilang_kabataaan,_viral_sa_social_media.htmlhttp://dzmm.abs-cbnnews.com/news/World/'Selfie'_ni_Pope_Francis_kasama_ang_ilang_kabataaan,_viral_sa_social_media.htmlhttp://dzmm.abs-cbnnews.com/news/World/'Selfie'_ni_Pope_Francis_kasama_ang_ilang_kabataaan,_viral_sa_social_media.html
  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    3/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 3

    1.1LAYUNIN NG PAG-AARALAng papel pananaliksik na ito ay may layong mabigyang pansin ang mga opinyon ng mga

    mag-aaral sa unang taon seksiyon 31 ng Batsilyer ng Pagtutuos sa Politeknikong Unibersidad

    ng Pilipinas, Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila sa mga dahilan kung bakit nahuhumaling ang

    mga kabataang mag-aaral na katulad nila sa pagseselfie. Nais ring maipaalam ng mananaliksik

    ang mga positibo at negatibong epekto ng pagseselfie sa kanilang pamumuhay.

    1.2 SULIRANIN NG PAG-AARAL

    1. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit naaakit mag-selfie ang isang kabataang indibidwal?2. Anu-ano ang mga positibong epekto ng pagseselfie sa iyong sarili?3. Anu-ano naman ang mga negatibong epekto ang kaakibat ng sobrang pagkahilig sa

    pagseselfie?

    4. At kung ano ang mas nangingibabaw sa kanila, ang positibong epekto nito o ang negatibo?1.3SAKLAW AT LIMITASYON

    Ang pag-aaral na ito ay nakabase lamang sa mga opinyon ng mga indibidwal na napili upang

    sumagot ng sarbey kwestyoneyr na inihanda ng mananaliksik tungkol sa mga dahilan kung bakit

    naaakit ang mga indibidwal sa pagseselfie, ang mga positibo at negatibong epekto nito sa

    mismong taong sumiselfie at kanilang sariling pananaw kapag sila ay nakakakita ng taong

    nagseselfie.

    Ang mananaliksik ay pumili ng tatlongput anim (36) na respondente na nakatakdang

    sumagot sa sarbey at ang mga respondenteng ito ay nagmula sa seksyon 31 sa unang taon ng

    Batsilyer ng Pagtutuos sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Mabini Campus, Sta. Mesa,

    Manila, Taong Pampanuruan 2013-2014.

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    4/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 4

    1.4TEYORETIKAL NA BALANGKASAng pag-aaral na ito ay iniugnay sa mga teorya upang mapagpatibaya ang mga resulta at

    upang mas maging batayan ng mananaliksik sa pagbuo ng buong papel pananaliksik.

    Sa Maslows Hierarchy Of Needs, kinakailangan ng isang tao ang sosyal na

    pangangailangan (social needs), kailangan ng isang tao ang pagmamahal, at matanggap sila ng

    kanilang pamilya, kaibigan at mga katrabaho kung ano at sino sila sapagkat sila ay nasa isang

    mundong kinagagalawan lamang (McLeod, 2007), sa tulong ng Selfie o Pagseselfie, nagkakaroon

    ng sosyal na koneksyon ang isang indibidwal sa mga ito sa tulong ng mga litrato. May relasyong

    nabubuo malayo man o malapit ang mga taong nakakakita nito. Kaugnay rin dito, maliban sa

    pangangailangang sosyal, ayon sa Self-Verification Theory, isang teorya na nakapokus sa

    kagustuhan ng tao na makilala at at maintindihan ng mga tao. Karamihan ng mga indibidwal ay

    gustong maging in o laging sunod sa uso, dahil sa pakiramdam nila at pag-aakala ay sila ay

    matatanggap at makikila kung gagawin at sasabay sila sa kung ano ang patok at sikat (Swann,

    1983). Kakabit din ng teoryang ito ang kakayahang maiba ang personalidad ng isang tao sa

    pamamagitan ng interaksyon sa isang indibidwal. Nagiging isang malaking impluwensiya ito para

    mahubog ang mga ugali at kagustuhan. Sa subjek ng mananaliksik na selfie, nakikita rito na ang

    mga tao ay sumusunod sa kung ano ang uso at ginagawa nila kung ano ang ginagawa ng kanilang

    mga kasama sa pang-araw-araw dahil isang impluwensiya ang mga ito sa paghubog ng

    personalidad. Maipapakita ito sa sarvey na isinagawa ng mananaliksik.

    Sa pagpapatuloy, ang lahat ng bagay ay may mga positibo at negatibong epekto, sa Self-

    Worth Theory Of Achievement Motivation, ito ay teorya kung saan sinasabi na ang pinakamataas

    na prayoridad ng isang tao ay ang self-acceptance , kung saan naaakit mag-ayos ang isang

    inidibidwal upang matanggap lamang siya ng kanyang mga kasama (Covington,1998) , kalakip

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    5/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 5

    nito ang magandang epekto ng pagseselfie sa tao, gamit ng Selfie naakit sila mag-ayos upang

    makakuha ng magagandang komentoat sa paghahanap nito ay nagiging resulta ng pagdepende ng

    isang tao sa kanyang sarili. Wala na siyang pakialam sa kanyang paligid kaugnay nito ang

    Adolescent Egocentrism sa mga kabataan kung saan lagi na silang nakatuon sa kanilang panlabas

    na anyo at ugali (Elkind,PhD, 1967). Naniniwala sila na ang lahat ng mata ay sa kanila nakatuon

    o imaginary audience. Ipinapakita lamang nito ang isa sa mga negatibong epekto ng pagseselfie

    sa kadahilanang nagiging sarado ang isipan ng isang tao sa kanyang paligid bagkus nakatuon

    lamang siya sa kung ano siya at kung anong meron siya.

    1.5 KONSEPTWAL NA BALANGKAS

    Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga dahilan at epekto ng pagseselfie sa mga inidbidwal,

    positibo man o negatibo na inirepresenta ng mga respondente, kaugnay rin dito ang pagtitimbang

    ng mga epekto mula tatlongput anim (36) na mga mag-aaral ng Unang Taon, seksyon-31 ng

    Batsilyer ng Pagtutuos ng Politeknikong Unibersidad Pilipinas, Mabini Campus, Sta. Mesa,

    Manila sa paraan ng deskriptib sarvey na kanilang sinagutan upang makakalap ng mga

    kinakailangang impormasyon.

    1.5PAGLALAHAD NG METODOLOHIYANG GINAMIT1.5.1 DISENYO NG PANANALIKSIK

    Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptib sarbey upang malaman ang mga pananaw

    at opinyong ng mga respondente tungkol sa mga nabanggit na layunin, suliranin at pokus ng

    pananaliksik na ito. Sa pag-aaral ng mananaliksik, ang paggamit ng talatanungan ay isang

    produktibo at mas magandang paraan upang makalap ang mga impormasyon, saloobin at komento

    na kailangan mula sa mga respondente.

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    6/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 6

    Dayagram 1.

    Positibo Negatibo

    Deskriptib Sarvey

    SELFIE

    Unang Taon-Seksiyon 31, Batsilyer ng Pagtutuos ,

    Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Mabini

    Campus, Sta.Mesa Manila

    DahilanEpekto

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    7/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 7

    1.5.2 MGA RESPONDENTE NG PAG-AARALAng pag-aaral na ito ay may tatlongput anim (36) na mag-aaral na nanggaling sa

    Seksyon-31 ng Unang Baitang sa kursong Pagtutuos ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas,

    Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila. Ang mga respondente ay napili ng mananaliksik dahil sa

    kadahilanang sila ay abot-kamay na ng mananaliksik at ang mga respondente ay nakapaloob at

    kasali sa grupo ng mga kabataan at mag-aaral na kinakailangan para maisakatuparan ang layunin

    ng papel pananaliksik na ito at para makakuha ng mga datos o impormasyon para sa mga

    nabanggit na suliranin.

    1.5.3

    INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

    Ang paggamit ng isang talatanungan o sarbey ay ang paraan ng mananaliksik upang

    kumalap ng impormasyon at datos mula sa mga iginagalang na respondente. Ang talatanungang

    ito ay naglalaman ng mga tanong na nakabatay sa layunin at suliranin ng papel pananaliksik kung

    saan ang mga respondente ay nakatakdang sagutan ang mga tanong gamit ang paglalagay ng tsek

    sa mga kahon katabi ng mga pagpipiliang sagot o nasa paraang close ended. Mayroon rin tanong

    kung saan ang sagot ay wala nang pagpipilian sa halip ito ay nasa sariling mga salita na ng mga

    respondente o tinatawag na open ended.

    1.5.4 PARAAN NG PAGKALAP NG DATOSKatulad ng nabanggit sa itaas, gumamit ng sarbey ang mananaliksik sa tatlongput anim (36)

    na respondente na nagmula sa seksyon 31 ng Unang baitang ng Kursong Pagtutuos mula sa

    Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Ang mga talatanungan ay ibigay sa mga respondente sa

    angkop na oras at ito ay ikinolekta ilang minuto pagkatapos ibigay at sagutan ang nasabing papel.

    Sa unang tanong ay nakabatay kung ipagpapatuloy pa nila ang pagsagot sa nasabing kwestyoner

    dahil ito ang magsasabi kung sila ay pasok sa krayterya ng kabataang mag-aaral na nagseselfie.

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    8/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 8

    1.5.5 TRITMENT NG DATOSPagkatapos masagutan ng mga respondente ang talatanungan, ang kanilang mga sagot ay

    itatali sa hiwalay na papel, ang mga nakuhang mga resulta ay gagamitan ng pormula upang

    maipakita ang mapagkakatiwalaang porsyento ng mga nasabing sagot ng mga napiling

    respondente.

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    9/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 9

    POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

    MABINI CAMPUS, STA. MESA, MANILA

    IKALAWANG SEMESTRE, TAONG PANURUAN 2013-2014

    PANGALAN:

    Isang Mapagpalang Araw Mga Kapwa Ko Mag-aaral Ng BSA 1-31!

    Hinihiling kong sagutan niyo ang mga tanong sa bandang baba ng papel na ito gamit ang tsek ( ) sa

    loob ng kahon ng inyong napiling sagot. Isa lamang sa bawat tanong ang maaaring lagyan ng tsek.

    Paalala lamang na sagutan ito batay sa iyong pananaw o opinyon para maging katiwa-tiwala ang mga

    lalabas na resulta at mas maging tapat ang aking magiging papel pananaliksik na may titulong EPEKTO

    NG SELFIE SA MGA MAG-AARAL SEKSYON 31-UNANG TAON NG KURSONG PAGTUTUOS SA

    POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS.

    Maraming Salamat!

    1. Ikaw ba ay nagseselfie?

    OO Hindi

    (Kung ang sagot ay hindi, marapat lamang na itigil nang sagutan ang mga susunod pa.)

    2. Ano ang iyong dahilan kung bakit ka naaakit magselfie?

    Gusto lamang magpahayag ng damdamin. Dahil may bago kang gamit o sa tingin mo ay mukhang masarap ang iyong pagkain at

    ito ay iyong ipinapakita gamit ang pagseselfie kasama ang mga ito.

    Gusto mo makakuha ng maraming likes sa mga social networking sites katulad ndFacebook at Instagram.

    Nakikiuso lamang. Iba pa: ______________________________________________

    3. Ano sa iyong opinyon ang mga positibong epekto ng pagseselfie sa iyong sarili?

    Naaakit na mag-ayos ng sarili. Napupuri ng ibang tao sa paraan ng pagkokomento sa iyong mga selfie sa social

    networking sites.

    Tumataas ang tiwala sa sarili. Naibabahagi ang mga nararamdaman. Iba pa: ______________________________________________

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    10/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 10

    4. Ano sa iyong opinyon ang mga negatibong epekto ng pagseselfie sa iyong sarili?

    Nagiging self-centered o nakatuon lamang sa sarili. Mas maraming oras sa pagseselfie at pagpipili ng iyong larawan upang i-post sa social

    networking sites.

    Naaakit bumili ng mga kagamitan (hal. Camera/DSLR, mamahaling cell/smartphones namay mas mataas na megapixel) upang gamitin sa pagseselfie.

    Laging hinihiram ang camera ng kaibigan o kapamilya hanggang sa ito ay malowbat,makapagselfie lamang.

    Iba pa: _______________________________________________

    5. Sa iyong palagay, ano ang mas nangingibabaw ang positibong epekto nito o ang negatibong

    epekto? Bakit? (PAKISAGUTAN SA MAAYOS NA PARAAN)

    _______________________________________________________________________________

    _______________________________________________________________________________

    ____________________________________________________________________________

    _________________________

    Lagda ng Respondente

    Inihanda ni:

    Faith Ann R. Laspina

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    11/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 11

    KABANATA 2

    MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

    2.1 Kaugnay na Literatura

    Kultura ng selfie

    WEDNESDAY, SEPTEMBER 25, 2013

    http://www.abante.com.ph/issue/sep2513/op_edit.htm#.Uwzcl2J_vfI

    Usung-uso nga ang selfie. Ito yung pagkuha ng sariling litrato gamit ang mga makabagong

    gadget na mayroong kamera. Pero hindi lang natatapos ang pagkuha ng sariling mukha kundi

    ipino-post pa ang mga selfie pictures sa social media tulad ng Facebook at Instagram.

    Isang obispo ng Simbahang Katoliko ang nakapuna sa lumalawak na kultura ng selfie lalo na sa

    mga kabataan. Ang interpretasyon kasi rito ni Archbishop Teodoro Bacani ay isang estado ng

    kaisipang nagsusulong ng pagiging makasarili ang selfie culture, lalo na sa mga kabataan.

    Uso kung uso pero may punto si Bishop Bacani. Sabi nga sa isang pelikula, ang vanity o

    sobrang pag-aayos ng sarili para maging maganda sa sariling paningin at sa paningin ng iba ay isa

    sa paboritong sin ng kadiliman. Tunay na itinatatak nito sa kaisipan ang pagiging makasarili.

    Imbes na mukha ng pamilya o kaibigan o mahal sa buhay ang litratuhan ay panay sarili na lamang

    ang kinukunan ng litrato. Nawawala na ang pakikipagkapwa-tao. Sabi pa ni Bishop Bacani, I,

    me, myself na lamang ang nasa isip sa lumalawak na selfie culture.

    Walang masama kung pahalagahan at mahalin ang sarili pero hindi dapat kalimutan ang iba pang

    mahahalaga ring bagay. Unang-una na, ang pagpapalago ng pananampalataya sa Panginoong

    Lumikha. Sa sobrang kaabalahan sa sarili, nakakaalala pa ba ang mga kabataan na magdasal at

    magsimba. Kung mayroon mang mangilan-ngilang nagsisimba, makikita pa rin silang kuha pa rin

    nang kuha ng selfie pictures sa kanilang mga mobile phones.

    http://www.abante.com.ph/issue/sep2513/op_edit.htm#.Uwzcl2J_vfIhttp://www.abante.com.ph/issue/sep2513/op_edit.htm#.Uwzcl2J_vfI
  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    12/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 12

    Sa mga pagtitipon ng pamilya, naaalala pa bang pagtuunan ng pansin ang ibang miyembro ng

    pamilya, lalo na ang mga nakakatanda? Katwiran ng mga bagets, wala naman silang FB account

    bakit kailangan pang isama sa litrato? Baka walang mag-like.

    May oras pa bang kumustahin ang mga kapitbahay o nauubos na ang oras sa pagbababad sa

    Internet?

    Sa mga reunion ng dating magkakaklase o schoolmate, hindi bat mas mahaba ang oras ng

    kuhanan ng litrato kaysa kumustahan at totoong kwentuhan? Bago kumain, litrato muna imbes na

    humingi ng basbas ng Panginoon para sa nakahaing grasya.

    Marami sa kasalukuyang henerasyon ang umiikot ang buhay sa social media. Kahit ang mga

    ipino-post na status, tungkol lahat sa sarili. Hindi lang litrato ang nase-selfie kundi maging ang

    mga inihahayag sa social media. Wala nang pakialam sa pangangailangan ng iba. Ni hindi

    makuhang magbida para naman sa karangalan o magandang balita tungkol sa kapwa.

    Sana nga ay magkaroon ng limitasyon ang pagiging selfie at sana ay hindi mahuli ang pagputol

    ng mga magulang sa ganitong kultura, lalo ng mga kabataan.

    Selfie-selfie rin pag may time!

    http://alaminmokasi.wordpress.com/

    July 24, 2013,Karl Olivier Jamandra

    Ilang beses na siguro nating narinig ang katagangselfie sa mga kaibigan, kasamahan, kapamilya o

    kakilala natin. Marami ring personalidad sa telebisyon ang nabanggit na ito, sa balita man o hindi.

    Ano ba angselfie? At ano ang implikasyon nito sa ating mga sarili?

    http://alaminmokasi.wordpress.com/2013/07/24/selfie-selfie-rin-pag-may-time/http://alaminmokasi.wordpress.com/http://alaminmokasi.wordpress.com/2013/07/24/selfie-selfie-rin-pag-may-time/https://alaminmokasi.wordpress.com/author/korj523/https://alaminmokasi.wordpress.com/author/korj523/https://alaminmokasi.wordpress.com/author/korj523/http://alaminmokasi.wordpress.com/2013/07/24/selfie-selfie-rin-pag-may-time/http://alaminmokasi.wordpress.com/http://alaminmokasi.wordpress.com/2013/07/24/selfie-selfie-rin-pag-may-time/
  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    13/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 13

    Ano ang SELFIE?

    Angselfieay ang pagkuha ng larawan sa saril gamit ang cellphone o kaya digital

    camera. Kadalasang nilalabas o pinapakita ito sa mga social networking site tulad

    ngInstagram at Facebook. Madalas umanong kaswal ang kuha nito gamit ang camera na hawak

    palayo sa sarili ng kumukuha o kaya naman sa harap ng salamin.

    Saan nagmula ang katagang ito?

    Ang katagang ito ay pinauso ng designer/photographer na si Jim Krause. Sa umpisa raw ay mas

    popular ito sa mga kabataan. Nang naglaon, ginagawa na rin ito ng mga mas nakatatanda. Sinabi

    naman sa Time Magazine na isa sa Top 10 Buzzwords ng 2012 ang katagang ito. At ngayon

    ngang 2013 ay halos araw-araw na itong naririnig sa mga bibig ng mga tao, maging tayong mga

    Pilipino.

    Ano ang indikasyon sa ating mga sarili ng selfie?

    Isa bang indikasyon angselfie kung gaano kamahal ng tao ang kanyang sarili, mula hitsura

    hanggang tindig? Sa totoo lang, wala namang masama kung tutuusin ang pagkuha ng selfie.

    Natural na mahalin natin ang ating sarili at ipakita ang nararamdaman nating ito sa iba. Sa aking

    palagay, nagiging di kanais-nais lamang ito pag sobra-sobra na. Paanong sobra-sobra? Di pa

    natatapos ang araw, may panibagong selfie na naman. Wala sanang problema kung nakatago

    lamang ito sa cellphone o camera pero hindi. Kailangang ipangalandakan sa lahat-lahat. Parang

    sarili at sarili na langlagi ang iniisip. Nakakasuya na ag ganun, hindi ba?

    Isang Magandang Artikulo

    Isang linggo na ang nakararaan, nabasa ko ang isangartikulong may kaugnayan

    saselfiesa website na rappler.com. Pamagat ng artikulo ay 7 Signs You Might Be A Narcissist. Ito

    ay akda ni Chinie H. Diaz, na in-interview ng TV 5 para sa isangsegmentng kanilang

    http://www.rappler.com/move-ph/ispeak/33732-7-signs-narcissismhttp://www.rappler.com/move-ph/ispeak/33732-7-signs-narcissism
  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    14/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 14

    programang tinatawag na Reaksyon tungkol saselfiedahil na rin sa mga larawang nilikha nya

    tungkol dito. Sa nabanggit nasegmentdin daw ay may in-interview na isangpsychologistat sinabi

    umano nito na ang sobra-sobrang pagkuha ng selfie ng isang tao ay maaaring senyales ng

    pagkakaroon ng narcissistic personality disorder.

    Ano ang narcissistic personality disorder (NPD)?

    Ayon sa isangartikulo mula sa behavenet.com, ang NPD ay isangsakit sa utakkung saan ang

    taong mayroon nito ay may labis-labis na persepsyon kung gaano sila kaimportante. Inaasam

    nilang kalugdan at tingalain ng iba samantalang mayroon lamang silang maliit na kapasidad na

    ikagalak ang prespektibo ng iba.

    Balik sa artikulong nabanggit kanina, ang 7 senyales na isa kang narcissist ay ang mga

    sumusunod:

    1. Di ka mabuting tagapakinig.2. Ibinababa mo ang iba upang maiangat mo ang iyong sarili.3. Iniisip mong di ka sakop ng mga patakaran.4. Di mo kayang tanggapin nang maluwang ang kritisismo.5. Umiidolo ka ng iba hanggang sa puntong perpekto ang turing mo sa taong iyon.6. Tinatago o nagsisinungaling ka tungkol sa iyong kabataan at kasaysayang pampamilya.7. Desperado kang laging may kontrol sa mga bagay-bagay sa paligid.

    Marami ba sa mga nabanggit ay maituturing mong ikaw? Panahon na siguro na tingnan mo ang

    sarili mo. Hindi sa paraang angat na angat ka sa iba sa puntong dapat kang kalugdan ha, kundi sa

    paraang ano kaya ang iniisip ng iba tungkol sa iyo. Masyado na bang sarili at sarili mo, hitsura at

    http://behavenet.com/narcissistic-personality-disorderhttp://behavenet.com/narcissistic-personality-disorder
  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    15/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 15

    hindi ugali na lamang ba ang iniintindi mo? Isip-isip din pag may oras. Bisita rin sa kinauukulan

    pag sobra-sobra na. Mahirap ang mabuhay sa sariling mundo ng pagiging makasarili.

    TATAK PINOYPicture, Picture lang pag may time!

    http://www.kabayanweekly.com/2013/09/12/tatak-pinoy-picture-picture-lang-pag-may-time/

    September 12, 2013

    Ni Kabayan F rancis L .J. Gacer

    Ang mga Pinoy raw ang numero unong namamayagpag sa social media sa pag-upload ng sariling

    litrato. Lalo na nung nauso ang mga cellphone na may camera. Sa lahat ng sulok ng baranggay,

    iskwelahan, banyo, bansa at mundo pihadong hindi palalampasin ng Pinoy na magpakuha ng

    litrato. Iba nga naman daw ang feeling kapag maraming humahanga at mga likers ng iyong nai-

    upload na litrato. Kung maraming nahuhumaling na maipakita sa mundo ang sarili nila, mayroon

    din namang nagbabago ng isip kaagad at inaalis ang litrato.

    Mahihilig ang Pinoy sa teknolohiya at palagi nating sinisugurado na ang binili nating cellphone

    ay magagamit sa hustong oportunidad. Talagang love na love nating magpakuha ng litrato. Hindi

    lang yata love, talagang nahuhumaling tayo sa kuhanan ng litrato. Kahit ma-late sa pagpasok sa

    eroplano, nagkukuhanan pa rin ng litrato.

    Binawalan na sa kasalan pero kumukuha pa rin ng litrato. Biruin mo ba naman pati yung tagyawat

    na lumalaki ay kinukuhanan pa rin? Tsk!tsk!tsk! Walang duda na ang ganitong kaugalian ay dulot

    ng bisyo at uso. Naging bahagi na rin ng kulturang Pinoy ang kuhanan ng litrato. Kaya nga naman

    ang ngiti ng mga may-ari ng photo studio ay hanggang bumbunan dahil mas dumami ang

    kanilang customer. Pero sa dinami-rami ng mga nagkukuhanan ng litrato ay halos sa kanila ay

    hindi nagpapa-develop.

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    16/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 16

    Madalas din ang dahilan ng pagpapakuha ng litrato ay upang maipaalam ang ginawa, saan

    pumunta at kung sino ang kasama mo. Para bang kung paano mo tinatago ang ano mang souvenir

    na nanggaling sa eroplano, sa ibang bansa, sa concert o sa restaurant na kinainan ninyo. Ganyan

    din ang klase ng prinsipyo na umiikot sa utak ng isang Pinoy; hindi na nga natin nilalagyan ng

    linya kung ano ang importante at hindi. Humantong naba ang henerasyon ng mga Pilipino ngayon

    sa isang yugto ng buhay na okay lang na malaman ng iba ang personal na buhay? Tingnan mo nga

    naman ang panahon, iba na ang ikot.

    Dati, kahit ang pagtanong sa kakainin mo ay hindi tinatangkang gawin. Pero ngayon ultimo ang

    klase ng iyong gupit ay pwede na ring pakialaman ng iba. Basta picture, picture lang pag may

    time wala namang masasayang. Di tulad noon, dahil ang camera natin ay may film, ayaw nating

    sayangin ang bawat shot. Pero ngayon, di bale na shot lang nang shot kasi pwede namang i-delete

    ang mga hindi magaganda at mahalaga.

    Ang mga mobile phones na may camera ay talagang ginhawa sa mga parokyano; halos na yata

    ang lahat ng tao sa mundo ay naging photojournalist. Kung may nangyari sa iyong harapan,

    kinukuhanan agad ng litrato o di naman kaya ay video. Kaya marami na ring mga kilos protesta

    ngayon na ang pinagsimulan ay ang mga litrato o video na nakuhanan sa telepono. May mga

    taong nasa posisyon ang napatalsik dahil sa kinuhanan ng cellphone na may camera. Maraming

    nagkagustuhan at nagpakasal dahil sa litratong kinuhanan. Mga ordinaryong taong sumikat at

    naging tanyag sa ibang bansa dahil sa videong kinuhanan sa cellphone. Sa ganang ito ay umangat

    ang antas ng oportunidad ng bawat Pinoy. Tumaas din ang antas ng tapang ng mga Pinoy

    patungkol sa mga isyu ng bayan. Pero napapansin mo ba na madalas ang paksang paboritong

    ginagamit ng Pinoy ay ang kanyang sarili? Kaya nga naman naging matunog ang SELFIE;

    haharap ka lang sa salamin o kaya naman ilalayo ang cellphone upang kuhanan ang sarili at ang

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    17/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 17

    kaibigan na matagal nang hindi nakita. Kapag bored na bored ka naselfie agad. Kapag ang tagal

    dumating ng kausap moselfie na naman! Kapag napadaan ka sa isang magandang sasakyan na

    naka paradeselfie na naman! Bagong biling blush on o lipstickselfie ulit! Lalo na ngayon ang

    Instagram ay may opsyon na magpapakinis ng mukha, para bang matagal ka nang pasyente ni

    Vicky Belo. Basta alam mo lang kung paano mo ipihit ang iyong bisig upang magkaroon ng

    magandang angulo ang iyong litrato.

    Isa rin sa napapansin natin sa kahalusan ng mga Pinoy ay mahilig magbahagi ng sariling

    impormasyon sa iba. Kung baga ay pina-high tech lang ang salitang tsismis. Ito na yung

    oportunidad mo upang pag-usapan ka. Kahalusan pakiramdam ay naglalakad sa ulap kapag

    maraming naglalagay ng komento at humahanga sa klase ng iyong pagmumukha (hindi naman

    ako galit, nagpapaliwanag lang).

    Kung baga tayo ang nagiging host ng sarili nating talk show. Ikaw na ang bahala kung ano ang

    pamagat ng talkshow mo, tutal ikaw naman din ang bida. Ikaw at ikaw lang ang paksa ng sarili

    mong balitaktakan. Ang niluluto mo, gaano karami na lang ang tinira sa iyong ulam, yung sugat

    sa iyong tuhod, yung dahilan ng pinag-awayan nyong mag-asawa, yung pagpaparinig mo sa

    iyong kaaway o yung bagong gupit mong buhok. Hindi mo na nga kailangan ang GMA, ABS

    CBN o ang TV 5 basta may facebook, Twitter at Instagram ayos na ang lahat.

    Sabi ng iba ang taong naka-shabu daw ay laging tamang hinala: feeling lagi na may nakatingin sa

    kanya. Well ngayon, hindi na kailangan ng isang tao ang gumamit ng bawal na gamot bago

    magkaroon ng ganitong feeling kasi dahil sa pagkahumaling ng mga Pinoy sa picture, picture ay

    hinahayaan mo nanag may tumingin sa iyo lagi. Ikaw rin ang may kagagawan kung bakit alam na

    ng buong baranggay ninyo ang personal mong pamumuhay.

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    18/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 18

    Siguro nga sabay lang talaga sa saliw ng teknolohiya ang mga Pinoy. Pero kahit ano pa man ito

    hindi mapapalitan ang punto na ang mga Pilipino ay masayahing tunay. Ilabas na ang mga

    cellphone o digital camera at mag-picture, picture pag may time.

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    19/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 19

    KABANATA 3

    PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA NAKALAP NA DATOS

    Tungkulin ng kabanatang nito na ilahad ang mga nakalap na datos mula sa sarbey na

    sinagutan ng mga respondente. Kalakip ng mga tanong ay bilang ng mga sagot at ang

    porsyentong ekwibalent na ginamitan ng pormula na nakalagay sa isang talahanayan.

    1. Ikaw ba ay nagseselfie?Kabuuang Bilang ng Sumagot

    (41)

    OO 36

    HINDI 5

    TALAHAYANAYAN 1.

    Sa Talahanayang ito, sa 41 na kabuuang bilang ng binigyan ko ng sarvey at ito rin ang

    bilang ng mga sumagot, lumabas sa pagtatali ng riserter na 36 respondente ang sumagot na OO

    at lima (5) ang nagsabi na hindi sila nagseselfie.

    Batay sa nakalap na datos mula sa unang kwestyon, lumalabas na 36 respondente na

    lamang ang maaaring magpatuloy na sagutan ang natitira pang tanong sa nasabing kwestyoner

    dahil sila na lamang ang may kakayahang sagutan ito sa rason na sila lamang ang bilang ng

    gumagawa ng pagseselfie.

    Sa puntong ito, 36 nalamang ang bilang ng respondenteng naiwan kayat sa pormulang gagamitin,

    36 na ang kabuuang bilang ng mga respondente.

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    20/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 20

    2. Ano ang iyong dahilan kung bakit ka naaakit magselfie?Kabuuang

    Bilang ng

    Sumagot

    (36)

    Ekwibalent na Porsyento

    Gusto lamang

    magpahayag ng

    damdamin.

    6 17 %

    Dahil may bago kang

    gamit o sa tingin mo

    ay mukhang masarap

    ang iyong pagkain at

    ito ay iyong

    ipinapakita gamit ang

    pagseselfie kasama

    ang mga ito.

    2 5 %

    Gusto mo makakuha

    ng maraming likes

    sa mga social

    networking sites

    katulad ng Facebook

    at Instagram.

    3 8 %

    Nakikiuso lamang. 13 36 %

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    21/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 21

    Iba Pang mga sagot:

    Trip lang

    Nararamdaman nila

    na maganda sila sa

    litrato.

    Para maglibang

    Pampersonal na

    larawan

    May pang-display

    picture.

    6

    2

    2

    1

    1

    17 %

    5 %

    5 %

    3%

    3%

    36 100%

    TALAHANAYAN 2.

    Sa Talahanayan 2, Ang may pinakamataas na porsyento ay ang dahilan na nakikiuso

    lamang sila na may 13 respondente ekwibalent sa 36%, tabla naman ang pagpapahayag ng

    damdamin at trip lang ang pagseselfie na mayroong anim(6) na respondente katumbas ng 17%,

    sumunod ang kagustuhang makakuha ng maraming likes sa mga social networking sites katulad

    ng Facebook at Instagram na mayroong tatlong(3) respondente o 8 %, parehas naman na may 5%

    o dalawang (2) respondente ang dahilang may bago silang gamit o sa tingin nila ay mukhang

    masarap ang kanilang pagkain at ito ay ipinapakita gamit ang pagseselfie kasama ang mga ito,

    dahil nararamdaman nila na sila ay maganda at para maglibang. Ang dahilang para sila ay may

    pang-display picture at para sa kanilang pampersonal na picture ay may isang(1) respondente na

    may katumbas na 3%.

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    22/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 22

    3. Ano sa iyong opinyon ang mga positibong epekto ng pagseselfie sa iyong sarili?

    Kabuuang

    Bilang ng

    Sumagot

    (36)

    Ekwibalent na Porsyento

    Naaakit na mag-ayos ng

    sarili.

    14 38%

    Napupuri ng ibang tao sa

    paraan ng pagkokomento

    sa iyong mga selfie sa

    social networking sites.

    3 8%

    Tumataas ang tiwala sa

    sarili.

    5 14%

    Naibabahagi ang mga

    nararamdaman.

    6 17%

    Iba Pang mga sagot:

    Nalilibang

    Masayang mag-apdeyt

    ng display picture.

    Naiiba ang personalidad.

    Nagkakaroon ng

    madaming pictures.

    4

    1

    1

    11 %

    3%

    3%

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    23/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 23

    Walang positibong

    epekto.

    1

    1

    3%

    3%

    36 100%

    TALAHANAYAN 3.

    Sa Talahanayan 3, nakakuha ng pinakamadaming sagot ang positibong epekto na naaakit

    mag-ayos ng sarili na may 38% o 14 respondente, sumunod ay ang naibabahagi ang mga

    nararamdaman na may anim(6) na respondente o 17%, tumataas ang tiwala sa sarili na may

    limang(5) respondente o 14%, nalilibang na may apat(4) na respondente o 11 %, may tig-isang

    respondente naman ang mga sagot na masayang mag-apdeyt ng display picture, naiiba ang

    personalidad, nagkakaroon ng madaming pictures, at walang nakikitang positibong epekto na

    nakakuha ng 3 posyento.

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    24/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 24

    4. Ano sa iyong opinyon ang mga negatibong epekto ng pagseselfie sa iyong sarili?

    Kabuuang

    Bilang ng

    Sumagot

    (36)

    Ekwibalent na Porsyento

    Nagiging self-centered o

    nakatuon lamang sa sarili.

    8 22%

    Mas maraming oras sa

    pagseselfie at pagpipili ng

    iyong larawan upang i-

    post sa social networking

    sites.

    7 19%

    Naaakit bumili ng mga

    kagamitan (hal.

    Camera/DSLR,

    mamahaling

    cell/smartphones na may

    mas mataas na megapixel)

    upang gamitin sa

    pagseselfie.

    8 22%

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    25/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 25

    Laging hinihiram ang

    camera ng kaibigan o

    kapamilya hanggang sa ito

    ay malowbat,

    makapagselfie lamang.

    5 14%

    Iba Pang mga sagot:

    Nawawalan ng oras para

    sa ibang bagay

    May mga naiinis o nang-

    aaway.

    Over-confidence.

    Walang nakikitang

    negatibong epekto.

    1

    1

    1

    5

    3 %

    3%

    3%

    14%

    36 100%

    TALAHANAYAN 4.

    Sa Talahayanayan 4, ipinapakita na parehas ang nakuhang porsyento ng mga sagot na

    nagiging self-centered o nakatuon lamang sa sarili at naaakitbumili ng mga kagamitan (hal.

    Camera/DSLR, mamahaling cell/smartphones na may mas mataas na megapixel) upang gamitin

    sa pagseselfie na mayroong 22 % na ekwibalent sa 8 respondente. Mayroon namang 7

    respondente katumbas ng 19 % ang napili ang sagot na mas maraming oras sa pagseselfie at

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    26/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 26

    pagpipili ng iyong larawan upang i-post sa social networking sites, tabla rin sa 14 porsyento na

    nakuha ng mga sagot na laging hinihiram ang camera ng kaibigan o kapamilya hanggang sa ito ay

    malowbat, makapagselfie lamang at walang nakikitang masamang epekto katumbas ng 5

    respondente at may tis-isang respondente naman ang mga sagot na nawawalan ng oras para sa

    ibang bagay, may mga naiinis o nang-aaway at over-confidence.

    5. Sa iyong palagay, ano ang mas nangingibabaw ang positibong epekto nito o angnegatibong epekto? Bakit?

    Ang tanong na ito ay nasa paraang open-ended, malayang sumagot ang respondente sa

    kanilang paraan. Ang mananaliksik ay ipinagsama-sama ang mga magkakapareho at may iisang

    ideya na mga sagot mula sa mga respondente.

    Sa nasabing tanong, 27 na respondente ang sumagot na mas nangingibabaw positibong

    epekto at 9 ang mas nangingibabaw ang negatibong epekto.

    Sa 27 na respondente na nagsabi na ang mas mangingibabaw ang positibong epekto,

    pinakamadami ang may dahilang dahil dapat may limitasyon lamang at ito ay makokontrol naman

    mula sa walong(8) respondente, apat(4) ang sumagot na sila ay dahil sila ay nalilibang at

    nakakalimot sa problema, apat(4) ang nagiging pala-ayos sa sarili, tatlo(3) respondente dahil ito

    ay isa lamng pagpapahayag ng damdamin, tig-dalawa ang sagot na nakakapagtanggal ng stress at

    nakakapagpataas ng self-esteem , tig-isa din ang sumagot ng nalalaman ang kalagayan ng isang

    tao gamit ang litrato at nahihikayat mag-ayos ng sarili at isa rin ang bilang ng sumagot na positibo

    sa kadahilanang isa mas marami ang nakikita niyang positibong epekto kaysa sa negatibong

    epekto nito.

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    27/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 27

    Sa kabilang banda , sa siyam(9) na respondente na sumagot na mas nagingibabaw ang

    negatibong epekto nito ay may dalawa(2) respondente na nagsabi na dahil ginagawa lang daw ito

    upang magyabang, dalawa(2) din ang nauubos lang ang oras nila dahil sa pagseselfie, at dalawa

    rin ang sumagot na naiipagpaliban ang ibang bagay, tig-iisa naman ng mga respondente ang

    sumagot na wala namn daw itong naiitulong o nai-aambag sa lipunan, maraming naasar sa iyo at

    nasosobrahan sa pagseselfie.

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    28/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 28

    KABANATA 4

    PAGLALAHAD NG NATUKLASAN, KONKLUSYON AT

    REKOMENDASYON

    4.1 PAGLALAHAD NG NATUKLASAN

    Mula sa mga nakalap na datos mula sa mga respondente mula sa seksyon 31-Unang taon

    ng Kursong Pagtutuos sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Mabini Campus, Sta. Mesa,

    Manila, natuklasan ng mananaliksik na lumabas na ang pangunahing dahilan kung bakit naaakit

    mag-selfie ang mga kabataan ay dahil sila ay sumasabay lamang sa uso patunay lamang na ito ay

    nakakuha ng 36% sa nasabing sarvey. Ang iba naman ay nagpapahayag lamang ng kanilang

    damdamin at ang iba naman ay natripan lang sumelfie, itong dalawang dahilan na ito ay ikalawa

    sa pangunahing dahilan batay sa nakalap na impormasyon na may 17%. Sumunod dito ay ang 8%

    kagustuhan na makakuha ng maraming likes sa kani-kanilang mga social networking sites na

    kinabibilangan. May 5% naman ang mga dahilang gusto lamang nilang maglibang at feeling nila

    ay sila ay maganda sa napiling litrato at sila ay bagong gamit. Mayroon naming tig isang

    porsyento ang mga dahilang para sila ay may pang-display picture at pampersonal na picture.

    Natuklasan rin ng mananaliksik ang mga opinyon ng mga respondente sa mga nakikita

    nilang positibong epekto ng pagseselfie sa kanilang sarili. Nakakuha ng pinakamataas na

    porsyento, 38%, na sila ay naaakit mag-ayos ng kanilang sarili, mayroong 17% ang mabuting

    epekto sa paraan ng pagpapahayag ng damdamin, 14% mula sa mga respondente ang tumataas

    ang tiwala sa sarili, 11% ang nalilibang, at 3% naman ang mga positibong epekto na naiiba ang

    personalidad, pagkakaroon ng madaming picture, naa-update ang display pictures, mayroong ring

    3% ang nagsabing wala silang nakikitang positibong epekto.

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    29/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 29

    Sa kabilang banda, nakuha rin ng mananaliksik ang opinyon ng mga respondente ukol sa

    mga nakikita nilang negatibong epekto ng selfie sa kanilang sarili. Pinakamataas na porsyento rito

    ay 22%, ang pagiging self-centered at ang pagkaakit sa pagbili ng mga kagamitan (hal.

    Camera/DSLR, mamahaling cell/smartphones na may mas mataas na megapixel) upang gamitin

    sa pagseselfie. May 19% ang mas maraming oras sa pagseselfie at pagpipili ng iyong larawan

    upang i-post sa social networking sites, pantay naman ang sa 14 porsyento ang laging hinihiram

    ang camera ng kaibigan o kapamilya hanggang sa ito ay malowbat makapagselfie lamang at

    walang nakikitang masamang epekto. Ang mga negatibong epekto tulad ng nawawalan ng oras

    para sa ibang bagay, may mga naiinis o nang-aaway at over-confidence ay pare-parehas nakakuha

    ng 3 porsyento.

    Sa kabuuan, ayon sa sarvey na isinagawa, natuklasan rin ng mananaliksik na mas

    nangingibabaw sa 36 na respondente ang positibong epekto ng pagseselfie dahil 27 sa kanila ang

    pumanig dito, 8 ang sumagot na ito naman daw ay makokontrol at dapat lamang ay may

    limitasyon, tig-apat na bilang naman ang kadahilanang sila ay nalilibang, nakakalimutan ang

    problema at nagiging palaayos sa sarili. May 3 respondente rin na sumagot na dahil ito ay

    nakakapagatanggal ng stress. tig-isa din ang sumagot ng nalalaman ang kalagayan ng isang tao

    gamit ang litrato at nahihikayat mag-ayos ng sarili at isa rin ang bilang ng sumagot na positibo sa

    kadahilanang isa mas marami ang nakikita niyang positibong epekto kaysa sa negatibong epekto

    nito.

    Sa siyam (9) na nagsabi naman na mas nangingibabaw sa kanila ang negatibon epekto

    nito, tig-dalawa (2) ang may dahilang ginagawa lamang ito upang magyabang, nauubos lang ang

    oras nila dahil sa pagseselfie, at dalawa rin ang sumagot na naiipagpaliban ang ibang bagay. Tig-

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    30/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 30

    iisa (1) naman ang nagdahilan na wala namn daw itong naiitulong o nai-aambag sa lipunan,

    maraming naasar sa iyo at nasosobrahan sa pagseselfie.

    4.2KONKLUSYONBatay sa mga datos, ang mananaliksik ay nakabuo ng konklusyon na karamihan sa mga

    respondente ay sumusunod sa uso at gustong maging in sa mga nangyayari sa kanilang paligid.

    At karamihan din sa ma ito ay ginagawang instrumento ang pagseselfie upang magkaroon ng oras

    at mahikayat ang sarili upang makapag-ayos.

    Ang iba ay negatibo ang tingin dito, dahil sa kanila ay isa lamang itong pagmamayabang,

    pag-aaksaya ng oras at walang maitutulong sa lipunan. Ngunit sa ipinakita ng mga impormasyon,

    mas marami pa rin ang nakakakita ng mga positibong epekto nito sa kabuuan dahil itinuturing nila

    itong isang paraan upang mas maging maayos na indibidwal.

    4.3REKOMENDASYONKaugnay sa mga natuklasan, inirerekomenda ng manananaliksik katulad ng isang sagot sa

    sarvey, na dapat alamin muna ng mga taong gustong gawin ang isang bagay ang mga limitasyon

    at mga kaugnay nitong kapalit o consequences. Katulad ng pagseselfie, ito ay may dulot na

    positibo at negatibong epekto sa isang tao, dapat lamang ay alamin muna natin kung hanggang

    saan lamang tayo upang ang magagandang dulot nito ay ating maranasan at maiwasan na rin ang

    mga masasamang kapalit nito.

  • 5/24/2018 Laspina, Faith Ann r.

    31/31

    Epekto ng Pagsesefie sa mga Mag-aaral 31

    Referensya

    Hogaza, M.A (2014, Marso 11). TIME tags Makati as Selfie Capital of the World. Manila Bulletin.

    http://www.mb.com.ph/time-tags-makati-as-selfie-capital-of-the-world/

    McLeod,S. (2004). Maslow's Hierarchy of Needs-Simply Psychology.

    http://www.simplypsychology.org/maslow.html

    Swann, W. (1983). Self-Verification Theory.

    http://homepage.psy.utexas.edu/HomePage/Faculty/Swann/docu/svt-for-wiki.pdf

    Covington (1976). Self-Worth Theory.

    http://principlesoflearning.wordpress.com/dissertation/chapter-3-literature-review-2/the-human-

    perspective/self-worth-theory-covington-1976/

    Elkind, D. (1976). Egocentrism and Child Development.http://tweenparenting.about.com/od/behaviordiscipline/a/AdolescentEgocentrism.htm

    E

    http://www.simplypsychology.org/saul-mcleod.htmlhttp://homepage.psy.utexas.edu/HomePage/Faculty/Swann/docu/svt-for-wiki.pdfhttp://principlesoflearning.wordpress.com/dissertation/chapter-3-literature-review-2/the-human-perspective/self-worth-theory-covington-1976/http://principlesoflearning.wordpress.com/dissertation/chapter-3-literature-review-2/the-human-perspective/self-worth-theory-covington-1976/http://tweenparenting.about.com/od/behaviordiscipline/a/AdolescentEgocentrism.htmhttp://tweenparenting.about.com/od/behaviordiscipline/a/AdolescentEgocentrism.htmhttp://principlesoflearning.wordpress.com/dissertation/chapter-3-literature-review-2/the-human-perspective/self-worth-theory-covington-1976/http://principlesoflearning.wordpress.com/dissertation/chapter-3-literature-review-2/the-human-perspective/self-worth-theory-covington-1976/http://homepage.psy.utexas.edu/HomePage/Faculty/Swann/docu/svt-for-wiki.pdfhttp://www.simplypsychology.org/saul-mcleod.html