8
Konteksto Lumubha ang dati nang matagalang depresyon at krisis sa pandaigdigang sistemang kapitalista bunga ng pagtama ng pandemyang COVID-19. Itinulak nito ang pagtigil ng mga aktibidad sa produksyon, kalakalan at komersyo sa bawat bansang tinamaan ng bayrus. Inilantad nito ang kabiguan ng neoliberal na ilusyon ng walang-hanggang paglawak ng kapital, produksyon at tubo na nagsadlak sa populasyon ng mga atrasadong ekonomya sa ibayong kahirapan at sa ‘di malutas-lutas na krisis ng labis na produksyon sa mga kapitalistang bansa. Sa higit apat na dekadang pag-iral ng neoliberalismo sa Pilipinas, lalong nasadlak sa katangiang atrasado, agraryo at malapyudal ang ating ekonomiya bunsod ng mga patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon, at pribatisasyon. Pinagpipyestahan ito ng malalaking kumprador burgesya, panginoong maylupa, mga burukrata kapitalista at mismong imperyalista. Makikita ito sa malawakang liberalisasyon, deregulasyon, at pribatisasyon sa ating mga pampublikong serbisyo, tulad ng taripikasyon sa bigas; pagtanggal pa sa mga restriksyon sa pag-aangkat ng mga produkto; at pagiging negosyo ng mga ospital at paaralan, na sinusuhayan ng militaristang atake sa mamamayan para tiyakin ang pagpapatupad ng mga mapaminsalang patakarang ito. Tulad ng mga bansang pinamumunuan ng mga pasista at diktador, ginamit ni Duterte ang pandemya ng COVID-19 upang pabilisin ang pagtanggap ng publiko sa nilulutong militar na paghahari. Habang binabalot tayo ng takot dahil mismo sa kakulangan at kainutilan ng aksyon ng gobyerno ni Duterte, ipinapasok naman niya ang mga patakarang inilalako na para diumano sa “pambansang seguridad” o “malunasan ang kasalukuyang krisis”. Upang sagkaan ang posibleng pag-alsa ng mamamayan at upang patahimikin ang lahat ng kritiko ng kanyang kriminal na kapabayaan — niratsadang maipasa sa Kongreso ang Anti- Terrorism Act of 2020 (ATA 2020), na pinirmahan na ni Duterte noong Hulyo 3. Dahil dito, sinikap ng PAMANTIK-KMU na makabuo ng praymer upang magamit sa mga diskusyon sa masang manggagawa at iba pang sektor upang magkaisang labanan ang mapanupil na ATA 2020. Layunin nitong magkaroon tayo ng iisang pagtingin, pananaw, pagsusuri at mga hakbangin kung paano ilalantad at lalabanan ang ATA 2020.

Konteksto€¦ · progresibo, at maging mga simpleng kritiko ni Duterte – at maging ng mga susunod na administrasyon. a. Pinalabo at nilabusaw na depinisyon ng terorismo na panganib

  • Upload
    others

  • View
    9

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Konteksto€¦ · progresibo, at maging mga simpleng kritiko ni Duterte – at maging ng mga susunod na administrasyon. a. Pinalabo at nilabusaw na depinisyon ng terorismo na panganib

Konteksto Lumubha ang dati nang matagalang depresyon at krisis sa pandaigdigang

sistemang kapitalista bunga ng pagtama ng pandemyang COVID-19. Itinulak nito

ang pagtigil ng mga aktibidad sa produksyon, kalakalan at komersyo sa bawat

bansang tinamaan ng bayrus.

Inilantad nito ang kabiguan ng neoliberal na ilusyon ng walang-hanggang paglawak ng kapital, produksyon at tubo na nagsadlak sa populasyon ng mga atrasadong ekonomya sa ibayong kahirapan at sa ‘di malutas-lutas na krisis ng labis na produksyon sa mga kapitalistang bansa.

Sa higit apat na dekadang pag-iral ng neoliberalismo sa Pilipinas, lalong nasadlak sa katangiang atrasado, agraryo at malapyudal ang ating ekonomiya bunsod ng mga patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon, at pribatisasyon. Pinagpipyestahan ito ng malalaking kumprador burgesya, panginoong maylupa, mga burukrata kapitalista at mismong imperyalista.

Makikita ito sa malawakang liberalisasyon, deregulasyon, at pribatisasyon sa ating mga pampublikong serbisyo, tulad ng taripikasyon sa bigas; pagtanggal pa sa mga restriksyon sa pag-aangkat ng mga produkto; at pagiging negosyo ng mga ospital at paaralan, na sinusuhayan ng militaristang atake sa mamamayan para tiyakin ang pagpapatupad ng mga mapaminsalang patakarang ito.

Tulad ng mga bansang pinamumunuan ng mga pasista at diktador, ginamit ni Duterte ang pandemya ng COVID-19 upang pabilisin ang pagtanggap ng publiko sa nilulutong militar na paghahari. Habang binabalot tayo ng takot dahil mismo sa kakulangan at kainutilan ng aksyon ng gobyerno ni Duterte, ipinapasok naman niya ang mga patakarang inilalako na para diumano sa “pambansang seguridad” o “malunasan ang kasalukuyang krisis”.

Upang sagkaan ang posibleng pag-alsa ng mamamayan at upang patahimikin ang lahat ng kritiko ng kanyang kriminal na kapabayaan — niratsadang maipasa sa Kongreso ang Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA 2020), na pinirmahan na ni Duterte noong Hulyo 3.

Dahil dito, sinikap ng PAMANTIK-KMU na makabuo ng praymer upang magamit sa

mga diskusyon sa masang manggagawa at iba pang sektor upang magkaisang labanan

ang mapanupil na ATA 2020.

Layunin nitong magkaroon tayo ng iisang pagtingin, pananaw, pagsusuri at mga

hakbangin kung paano ilalantad at lalabanan ang ATA 2020.

Page 2: Konteksto€¦ · progresibo, at maging mga simpleng kritiko ni Duterte – at maging ng mga susunod na administrasyon. a. Pinalabo at nilabusaw na depinisyon ng terorismo na panganib

PRAYMER HINGGIL SA ANTI-TERRORISM BILL AT TUNGKULIN NG KILUSANG PAGGAWA2

Ano ang Anti-Terrorism Bill (ATA 2020)?Ang ATA 2020 ang bagong nilutong batas na pinangangambahan ngayon ng mga

makabayan, at progresibong indibidwal at organisasyon dahil malaking banta ito

sa ating kalayaang sibil at demokratiko kapag ganap nang naging batas ito.

Anila, mas masahol pa sa ipinataw na Martial Law ng diktador at pasistang si Ferdinand E. Marcos dahil malilikha nito ang kalagayan ng Batas Militar, at hindi na ito kailangang ideklara pa sa pamamagitan ng mga probisyong nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Amyenda ang ATA 2020 sa naunang Human Security Act 2007 (HSA 2007) at naglalayong palakasin ang laban kontra-terorismo. Subalit ang katotohanan, isa itong bagong batas na nagpasahol pa sa HSA.

Naunang naipasa ang bersyon nito sa Senado sa ngalan ng Senate Bill 1083 noong Pebrero 2020, at ginawang urgent ni Duterte ang pagpasa sa Kongreso. Dahil sa pagiging sunud-sunuran ng Kongreso, mabilis na ipinasa ang Anti-Terror Bill ni Duterte kahit wala ito sa panahon at prayoridad.

Noong Hunyo 9, 2020, kahit sa kabila ng pagbawi at pag-urong ng mga kongresista ng kanilang positibong boto, agarang ipinadala nina Sen. Tito Sotto at Rep. Alan Peter Cayetano ang pinal na bersyon ng panukalang batas kay Duterte. Dahil sa matinding pagtutol ng publiko, nagpabuladas sina Duterte ng “review” ng mga iba’t ibang ahensya habang pinahuhupa ang galit ng bayan; ngunit pinirmahan din noong Hulyo 3 bilang Republic Act 11479.

Ginamit din ng AFP/PNP/DILG ang kanilang buong makinarya at rekurso sa pagtatanggol sa ATA 2020. Pinwersa ng DILG ang mga LGU na suportahan ang ATA 2020 para palabasing suportado ito ng publiko, habang ang AFP at NTF-ELCAC ay tuloy-tuloy ang opensiba sa propaganda at operasyong militar para igiit ang kawastuhan “daw” ng Anti-Terror Act.

Bakit kinakailangan nating tutulan ang ATA 2020?Sinasalaula ng ATA 2020 ang mga probisyon ng Saligang Batas ng Pilipinas at lansakan itong wawasak sa sibil at demokratikong karapatan ng mamamayang Pilipino. Sa gayon, ang malinaw na target nito ay lahat ng mga nasa Oposisyon, mga aktibista, makabayan at progresibo, at maging mga simpleng kritiko ni Duterte – at maging ng mga susunod na administrasyon.

a. Pinalabo at nilabusaw na depinisyon ng terorismo na panganib na maisama maging

mga aktibista at simpleng mamamayan:

Halimbawa ng mga social media posts ng AFP/PNP

upang palabasing malawak ang suporta sa ATA 2020.

Nauna nang kumalat ang sulat ng PNP sa mga LGUs

na maglabas ng suporta para dito. Naglabas din ang

DILG ng memo para suportahan ng mga LGU ang ATA.

Malinaw ang pagpapakilos ng rehimeng US-Duterte para

palitawing katanggap-tanggap ang batas.

Page 3: Konteksto€¦ · progresibo, at maging mga simpleng kritiko ni Duterte – at maging ng mga susunod na administrasyon. a. Pinalabo at nilabusaw na depinisyon ng terorismo na panganib

PAMANTIK-KMU 3

Ayon sa mga tagapagtanggol ng ATA 2020, may pananggalang daw ito sa Section 4: “Provided, that, terrorism as defined in this Section shall not include advocacy,

protest, dissent, stoppage of work, industrial or mass action, and other similar

exercises of civil and political rights, which are not intended to cause death or serious

physical harm to a person, to endanger a person’s life, or to create a serious risk to public

safety”.

Nangangahulugan ito na ang mga kilos protesta at iba pang porma ng sama-samang pagkilos ay hindi ligtas sa pagturing bilang terorismo kung ito ay “makakalikha ng seryosong panganib o banta sa kaligtasan ng publiko”.

Maging ang welga ng mga manggagawa ay posibleng pumasok sa depinisyong at interpretasyong ito; tulad ng mga karanasan natin sa simpleng pagtatanggol ng manggagawa sa piket kapag marahas na binubuwag ng AFP/PNP ang mga welga. Kapag may nasaktang goons o tauhan ng AFP/PNP, maari na nilang gamitin ang probisyon sa ATA 2020 upang kasuhan ang mga manggagawa ng “paggawa ng mga aktong terorista”.

Dati na ring itinuturing at pinararatangan ng estado na ang pagsasagawa ng welga ng manggagawa ay isang akto ng “economic terrorism” — kung gayon, magagamit ang ATA 2020 para lansakang supilin at kasuhan ang manggagawang nagtatanggol ng kanilang karapatan at kabuhayan.

b. Pagsisingit ng mga bagong krimen gaya ng “inciting, planning, training, preparing,

and facilitating terrorism”

Dahil sa probisyong “inciting to terrorism”, maging ang mga pahayag, plakard at balatengga, o maging paglaladlad ng mga pangalan o imahen ng idedeklara o tatawagin ng ATC bilang “teroristang organisasyon” ay hindi ligtas at maaring kasuhan sa balangkas ng ATA 2020.

Maging ang saloobin sa social media, at mga mag-like at mag-share nito ay mapaparusahan sa ATA 2020 kapag sinabi o ininterpreta ng ATC na may pagbabalak na gumawa ng gawaing terorista ang iyong saloobin. Tiyak na dadami ang mga “Teacher Ronnel”, na nang naglabas ng saloobin sa palpak na pagtangan sa pandemya at naglabas ng bantang wala siyang kakayahang gawin ay nakasuhan ng “inciting to sedition”. Nangyari ito kahit wala pa ngang Anti-Terror Act.

c. Paglabag sa Section-2, Article III ng 1987 Constitution

na nagbibigay ng mandato na tanging Korte lamang

ang may otoridad na maglabas ng warrant of arrest.

Malubhang paglabag ito sa Konstitusyon ng bansa nang ilagay sa probisyon ng ATA 2020 ang arestong walang mandamyento (warantless arrest) sa mga indibidwal at grupong tatawaging terorista ng Anti-Terrorism Council (ATC) bilang may kapangyarihan na magtukoy kung sino ang idedeklara at huhulihing terorista.

Si Teacher Ronnel Mas.

Page 4: Konteksto€¦ · progresibo, at maging mga simpleng kritiko ni Duterte – at maging ng mga susunod na administrasyon. a. Pinalabo at nilabusaw na depinisyon ng terorismo na panganib

PRAYMER HINGGIL SA ANTI-TERRORISM BILL AT TUNGKULIN NG KILUSANG PAGGAWA4

Kung gayon, nasa pinaratangang terorista pa ang bigat ng pagpapatunay na hindi terorista ang kanyang sarili o ang kanyang grupong kinabibilangan; malinaw na paglabag at pagsalaula sa konstitusyonal na batayang innocent until

proven guilty nang walang pagdududa sa isang patas na paglilitis.

Sa kasalukuyang Saligang Batas, maglalabas lamang ng “warrant of arrest” kung nakita ng huwes na may malinaw at malakas na batayan na ang pinaghihinalaan ay gumawa at naisagawa nya ang krimen.

Nilalabag din nito ang patakaran ng Korte na nagsasaad na ang warrantless arrest ay maaring gawin sa tatlong pagkakataon: (1) sa aktwal na pagsasagawa ng krimen; (2) sa paniniwala ng nang-aresto, mula sa masusing pagkakaalam sa mga katotohanan at sirkunstansya ng krimen, na ginawa ng nasasakdal ang krimen; at (3) kapag tumakas ang isang arestado.

Pabibigatin pa ito ng mga naunang probisyong sasakupin ng pagpaparatang at pagtugis ng ATC. Pinabangis pa nito ang nilaman ng 1973 Martial Law Constitution na nagbigay-otoridad sa ehekutibo na maglabas ng Arrest, Search & Seizure Order (ASSO), dahil ang mga bubuo ng ATC ay nasa gabinete ni Duterte.

d. Militarisado at makapangyarihang Anti-Terrorism Council (ATC):

Bubuuin ang ATC — sa panahon ni Duterte — ng mga berdugo at retiradong opisyal militar, at mga masugid na tagasunod niya, katulad nina:

• Executive Secretary (Salvador Medialdea) bilang Chairman;• Kalihim ng DOJ (Sec. Menardo Guevara) bilang Vice Chairman; • Kalihim ng DND (Ret. Gen. Delfin Lorenzana),

Kalihim ng DILG (Ret. Gen. Eduardo Año), National Security Adviser (Ret. Gen. Hermogenes Esperon), at

• Kalihim ng DSWD (Ret. Gen. Rolando Bautista), DOF (Carlos Dominguez III), DFA (Teodoro Locsin Jr.), NICA (Dir. Gen. Alex Paul Monteaguado), at AMLC/BSP Gov. Benjamin Diokno.

May kapangyarihan itong katumbas ng isang judicial body, o binubuo ng mga huwes – na magbibigay sa ATC ng kakayahang mag-aresto sa sinumang ituring

Page 5: Konteksto€¦ · progresibo, at maging mga simpleng kritiko ni Duterte – at maging ng mga susunod na administrasyon. a. Pinalabo at nilabusaw na depinisyon ng terorismo na panganib

PAMANTIK-KMU 5

nitong terorista. Matapos magsumite ng isang written authority mula sa ATC, ang kinakailangan na lamang nito upang makapag-aresto ay kahit katiting ng suspetsa na ginawa ng nasasakdal ang anumang krimeng nakasaad sa ATA 2020.

e. Mahabang panahon ng detensyon na maari pang pahabain:

Pinapayagan ng ATA 2020 na maikulong ang isang indibidwal sa kabuuan ng 24 araw na walang isinasampang kaso sa korte (14 araw na may dagdag na 10 araw kung nanaisin). Ngunit, madadagdagan pa ito nang ilan pang araw batay sa anumang kaso ang isampa pa sa kanya sa korte sa kaugnay na krimen; o kung magbigay ang korte ng isa pang pormal na mandamyento de aresto (warrant of arrest).

Pangunahing nilalabag nito ang:

• Article VII, Section 18 ng Saligang Batas: kapag walang naisampang kaso sa loob ng 3 araw (72 oras), kailangan na itong palayain; kahit pa sa panahon na suspendido ang “writ of habeas corpus”. Kung hindi, ay kakasuhan ang mga nag-aresto ng illegal detention.

• Article 125 ng Revised Penal Code: ang isang detainee ay nararapat na maiharap sa husgado sa loob ng 12 o 36 oras depende sa bigat ng kanyang nagawang kasalanan.

Ikinabahala rin ang pagkakatali ng mga korte na mapanagot ang ATC at/o sa mga humuli sa nasasakdal dahil sa kasalukuyang patakaran ay iligal na aresto ang mahigit sa 14 araw na pagkakakulong nang walang kaso. Dahil walang nakasampang kaso sa korte, wala itong maihihikayat na karampatang aksyon upang patigilin ang napakahabang pagkakakulong.

Maaring ilagay sa ‘house arrest’ ng ATC ang sinumang tao na napatunayang walang sala at kahit nakapagpiyansa na. Papatawan siya ng limitasyon sa kanyang mga karapatan gaya ng kontrol sa pagkilos at maging pakikipag-usap sa ibang tao.

Maihahalintulad sa solitary confinement at incommunicado ang ganitong karanasan: hindi malayo sa dinanas ng libu-libong mga bilanggong pulitikal noong Batas Militar ni Marcos, at maging sa kasalukuyan.

f. Hinggil sa ‘preliminary proscription’

bilang terorista:

Sa HSA 2007, dapat kumpletuhin muna ang paglilitis sa korte bago maideklarang terorista ang isang indibidwal o organisasyong pinaghihinalaan dito.

Subalit, sa ATA 2020, pinapayagan na ang ATC na magdeklara ng mga terorista kahit walang paglilitis. Kapag diumano’y sapat at makatwiran ang petisyon ng ATC, pwede nang gumawa ng order of

proscription sa loob ng 72 oras.

Paratang at pekeng balita ng AFP Southern Luzon Command

na terorista ang PAMANTIK at KMU. Pinangunahan na

ito ng PNP CALABARZON nang pinasuko sa midya ang 14

manggagawa ng Coca-Cola bilang mga NPA umano.

Page 6: Konteksto€¦ · progresibo, at maging mga simpleng kritiko ni Duterte – at maging ng mga susunod na administrasyon. a. Pinalabo at nilabusaw na depinisyon ng terorismo na panganib

PRAYMER HINGGIL SA ANTI-TERRORISM BILL AT TUNGKULIN NG KILUSANG PAGGAWA6

Pwede nang paratangang terorista ng gobyerno ang sinuman, kahit walang pagkakataon ang nasasakdal upang labanan ang paratang na ito sa korte o magpresenta ng mga ebidensya nagpapatunay na siya ay hindi terorista.

Sa Timog Katagalugan, wala pa mang ATA 2020, pinaparatangan ng terorista ng SOLCOM/PNP-RPO4A/RTF-ELCAC ang mga unyon, pederasyon at sentro ng paggawa at pilit na idinidikit ang mga ito bilang “legal front” ng CPP-NPA-NDF. Ikinakalat nila ito sa pamamagitan ng mga listahan at litratong pinalalaganap sa social media ng AFP, PNP, DILG, NTF-ELCAC at ng iba pang mga opisina ng gobyerno.

g. Kawalan ng pananggalang sa mga taong pinaghihinalaan at posibleng arestuhin:

Malaking kasinungalingan ang sinasabi ni Sen. Sotto at Sen. Lacson sa pagsasabing “huwag mangamba sa ATA 2020, dahil naglagay naman sila ng safeguard para di maabuso ang batas”.

Inalis pa nga ng ATA 2020 ang probisyon sa HSA 2007 na magpapataw ng P500,000.00/araw na multa sa mga otoridad na napatunayang nagkamali sa paghuli sa pinaghihinalaan nilang terorista. Sa katunayan, isa ito sa dahilan kung bakit takot ang mga kapulisan na basta-basta na lamang mag imbento ng kaso ng terorismo sa balangkas ng HSA 2007.

h. Inalis sa ATA 2020 ang “requirements to check for torture”.

Inalis sa ATA 2020 ang pagkakataong ipakita sa husgado ang suspek para malaman kung ito ay nakaranas ng anumang porma ng torture. Kinakailangan ito upang patunayan na hindi nalalabag ang karapatan ng sinumang nakapiit at nasasakdal.

Kahit na may probisyong magpaabot ang mga nag-aresto sa “pinakamalapit” na hukuman sa pinakamadaling panahon, nananatili itong hindi tiyak. Hindi rin malinaw kung ang “pinakamalapit” na korte ay ang korteng may hawak sa kaso, o kung sa lugar na sinasabing ginawa ang krimen.

Ayon sa opinyong ligal ng National Union of People’s Lawyers, hindi ito isang pananggalang, o garantiya ng proteksyon ng akusado.

i. Freeze ng mga bank account ng indibidwal o grupong pinaghihinalaang terorista.

Sa kasalukuyan, kailangan munang humingi ng permiso sa korte para imbestigahan, mabuksan o di kaya ay mai-freeze o kumpiskahin ang bank account at assets ng isang akusado dahil sa posibleng paglabag sa Bank Secrecy Law at karapatan sa pribasiya (privacy) ng indibidwal.

Mawawala na ito sa ilalim ng ATA 2020. Malalagay nito sa peligro ang bank account ng mga unyon, pederasyon o sentro ng paggawa na pinararatangang mga terorista o kaanib ng terorista.

j. Mas matinding pagmamanman at wiretapping sa sinumang suspek:

Mawawala ang karampatang proseso paniniktik: sa nakaraan, kailangang kumuha ng kautusan sa korte ang AFP at PNP para maniktik sa sinususpetsahan nitong mga terorista. Lalong luluwag ang puwang para gamitin din ito sa mga aktibista, unyon, pederasyon, at iba pang mga indibidwal at grupo sa tabing ng anti-terorismo.

Page 7: Konteksto€¦ · progresibo, at maging mga simpleng kritiko ni Duterte – at maging ng mga susunod na administrasyon. a. Pinalabo at nilabusaw na depinisyon ng terorismo na panganib

PAMANTIK-KMU 7

Ano ang dapat nating gawin?1. Palawigin ang kaalaman ng bawat manggagawa hinggil sa napipintong panganib

ng ATA 2020 sa ating mga aktibidad bilang unyonista, aktibista at makabayang

mamamayan.

• Ipalaganap ang malawakang pag-aaral sa ATA 2020 sa mga talakayan sa loob at labas ng pagawaan, komunidad, at pamimigay at pagtatalakay ng polyeto at primer ng ATA 2020. Sikapin nating iugnay sa ating mga buhay na karanasan sa pagawaan at komunidad ang mga isyung pambayan.

• Pangunahan ang pagbubuo ng mga malapad na pagkakaisa sa pamamagitan ng pakikipagkaisa sa malawak na mamamayan. Magsagawa rin tayo ng karampatang mga aksyon na magpapatambol pa ng ating pagtutol sa ATA 2020, tulad ng:

• Pagpupulong ng mga shift/department/GMM sa pagawaan o pulong sa komunidad, pag-organisa ng mga mobile team na magpapaingay sa isyu at mag-iimbita sa ating mga aktibidad, pagpapatugtog ng mga napapanahong awitin o anunsyo sa madla,

• Pagpaskil ng mga panawagan laban sa ATA 2020 kalakip ng ating mga partikular na pakikibaka sa ating mga pagawaan at komunidad, at

• Paghahanda at pagpapalakas ng kakayahang para sa mga malalaking demonstrasyong panrehiyon at pambansa.

2. Irehistro ang malawakang pagtutol sa ATA 2020 sa lahat ng daluyan ng

impormasyon: sa social media, radyo, TV, dyaryo, at iba pa.

Sagutin natin ang mga inilalakong kasinungalingan ng gobyerno, ng AFP at PNP, at maging ng mga galamay sa disimpormasyon ni Duterte sa anumang lunsaran.

Dapat magpakahusay ang lahat sa paggamit ng social media, mga hotlines ng mga istasyon ng dyaryo, radyo at TV, bukod sa iba pang pamamaraan, upang ipalaganap ang ating kalagayan sa pagawaan at komunidad at ang ating opinyon sa mga isyung pambayan.

• Sa radyo at TV: aktibong tumawag o magpadala ng mensahe/opinyon/balita sa mga istasyon.

• Sa dyaryo: magsumite tayo ng mga nakasulat na pahayag sa midya.

• Sa social media: gumawa tayo ng mga pages/accounts ng ating mga samahan at mga lider para malaya nating ipahayag ang ating saloobin at

Page 8: Konteksto€¦ · progresibo, at maging mga simpleng kritiko ni Duterte – at maging ng mga susunod na administrasyon. a. Pinalabo at nilabusaw na depinisyon ng terorismo na panganib

magamit na daluyan. Ikonekta natin sa mga sentrong unyon, pederasyon at mga organisasyon sa loob at labas ng bansa ang ating mga pages upang mapalawak ang naaabot.

3. Magbuo ng malapad na alyansa ng mamamayan laban sa ATA 2020.

Aktibong pangunahan ang mga multisektoral na pormasyong lumalaban sa ATA 2020. Magbuo ng mga pagkakaisa sa iba’t ibang sektor sa pagawaan at komunidad laban sa ATA 2020.

4. Paghahanda sa potensyal na crackdown at matinding panunupil.

Wala tayong dapat ikatakot sa ating mga aktibidad bilang mga unyonista at aktibista. Bukod sa pagsasagawa lamang ito ng ating mga demokratikong karapatang nakasaad sa Saligang Batas, simbolo ng isang demokrasya ang madagundong na kritisismo mula sa mamamayan.

Palakasin natin ang mga paralegal, QRT/QRF, Propaganda Committee, Documentation Teams, Organizing Committees at Alliance Committees upang salagin ang terorismo ng estado sa mamamayan. #

UNYONISMO AT AKTIBISMO, HINDI TERORISMO!MILITARISASYON SA PAGAWAAN, LABANAN!

MASS TESTING, HINDI RED-TAGGING!TUGUNAN ANG PANDEMYA, HINDI ANG PASISMO!

JUNK TERROR BILL! IBASURA ANG ANTI-TERROR BILL!TF-ELCAC, BUWAGIN! EO70, IBASURA!

LABANAN AT BIGUIN ANG PASISMO AT TERORISMO NG ESTADO!