9

Click here to load reader

Kate

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kate

Si Florentino Tansioco Collantes, kilala rin bilang Kuntil Butil, ay isang makata at manunulat. Isa siya sa mga naunang makata na gumamit ng tula para sa mga politikal na kritisismo noong panahon ng Amerikano. Kilala rin siya bilang isang magaling na duplero. Si Collantes ay ipinanganak noong 16 Oktubre 1896 sa Pulilan, Bulakan. Nag-aral siya sa isang pampublikong paaralan noong elementarya sa Pulilan at sa Bulacan High School sa Malolos. Naging guro siya sa loob ng dalawang taon, at pagkatapos ay nagtrabaho sa Bureau of Lands. Sa murang edad, nagbabasa at nagmememorya na siya ng mga awit, korido at pasyon. Bihasa rin siya sa salitang Tagalog, gayundin sa Pampango, Ilokano at Bisaya.

Nagsimulang mag-ambag si Collantes ng mga tula sa gulang na 15. Kabilang dito ang mga pahayagan na Buntot Pagi, Pagkakaisa, Watawat, Pakakak at Ang Bansa.

Siya rin ang naging pangunahing katunggali ni Jose Corazon de Jesus. Noong 1924, nagdebate si Collantes at de Jesus, sa unang balagtasan na naganap noon sa Instituto de Mujeres.

Maagang taon

Collantes ay ipinanganak sa ang nayon ng ng Dampol sa Pulilan, Bulacan sa Toribio Collantes ng Baliwag, Bulacan at ng Manuela Tancioco ng Pulilan. Nakumpleto niya ang kanyang mga pangunahin at pangalawang mga aaral inMalolos, Bulacan.Bilang isang tinedyer, Collantes ipinapakita ng isang sabik na interes sa literatura at kabisado mahaba poems sa Espanyol (ang 'corridos') at Tagalog (ang 'awits'). Siya ay kilala na nakatuon sa memory mahaba sipi mula sa versified mga kuwento sa pasyon ng Jesu-Cristo, na kilala bilang 'pasion', na ayon sa kaugalian Sung sa publiko sa panahon ng Banal na Linggo sa Pilipinas. Siya ay din ng

Page 2: Kate

isang bihasang practitioner ng 'duplo', o isang dramatiko mala-tula maglaban na isang popular na paraan ng entertainment sa Pilipinas hanggang sa ang 1950s. Sa edad na 15, siya na basahin halos lahat ('awits'), ('dula') at corido. Dahil sa kahirapan, siya lamang ang namamahala sa basahin ang mga libro at journal sa pamamagitan ng pagtulong upang magbenta ng mga ilang na "awits" at "coridos" sa panahon ng fiestas at siya ay gumagamit ng pera earns siya upang humiram ng ilang mga journal mula sa isang kalapit na tindahan.Pagkahinog

Bilang isang adult, mga Collantes nagtrabaho sa Bureau pamahalaan ng mga Lands na kung saan siya ay bibigyan ng isang bilang ng mga takdang-aralin panlalawigan na nagbigay sa kanya ng pagkakataon upang malaman ang mga Kapampangan, Ilocano andVisayan wika.

Ang kanyang interes sa tula na humantong sa kanya na magsulat para sa patay na Tagalog publication Buntot Pagi, Pagkakaisa at Watawat. Ay siya mamaya maging isang editor ng ang patay na mga publication Pakak, Balagtas, Lintik andAng Bansa.Noong 1925, siya ay hiniling na sumali sa isang grupo ng mga manunulat na Tagalog upang ayusin ang isang kaganapan sa markahan ang anibersaryo ng kapanganakan ng makata ang Tagalog Francisco Balagtas noong Abril 2. Ang grupo kasama ang mga manunulat Rosa Sevilla at Jose Corazon de Jesus.Ang grupo ay nagpasya upang baguhin ang format ng tradisyunal na duplo at palitan ang pangalan nito balagtasan, sa karangalan ng Balagtas. Ang unang balagtasan ay gaganapin sa Tayuman, Maynila sa Abril 6, 1925. Ilang pares ng mga poets sumali sa pampanitikan na maglaban ngunit Collantes at De Jesus ay ang pinaka-popular na. Ang mga organizers pitted ang dalawa sa isang tunggalian na culminated sa isang paligsahan para sa pamagat ng 'Hari Ng Balagtasan' (Hari ng Balagtasan).Makata ng mga tao

Bagaman De Jesus ay acclaimed 'Hari Ng Balagtasan', ang Collantes din nagkamit pambansang katanyagan bilang isang makata. Ang kanyang pinaka-dakila na gawain ay 'Ang Lumang Simbahan', na kung saan ay kaya popular na siya pinalawak na ito sa isang nobelang na mamaya nakabukas sa isang pelikula starring Mary Walter. Ang pelikula ay ngayon acclaimed bilang isang klasikong sa Philippine sinehan.Ang kanyang iba pang mga gawa na ngayon ay itinuro sa mga paaralan sa buong Pilipinas ay 'Ang Magsasaka' (Ang Farmer), 'Pangarap Sa Bagong Kasal' (managinip Para sa mga Ang Bagong-Weds), 'Mahalin Ang Atin' (Gusto aming Sariling), Ang Tulisan

Page 3: Kate

'(Ang mandarambong) at' Ang Labindalawang Kuba '(Ang labindalawang Hunchbacks).Sa Hulyo 4, 1950, Collantes ay conferred ang pamagat Makata Ng Bayan '(makata ng People) sa pamamagitan ng Pangulo Elpidio Quirino.Mga Collantes namatay sa Hulyo 15, 1951 sa edad na 55. Siya ay survived sa pamamagitan ng kanyang Sixta Tancioco asawa at walong anak.

José Corazón de Jesús (Nobyembre 22, 1896-Mayo 26, 1932), kilala rin bilang Huseng Batute, ay isang makatang Pilipino na sumulat ng mga tula sa Tagalog upang ipahayag ang pagnanasa ng mga Pilipino na maging malaya noong panahon ng pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas (1898-1946). Tinawag ring "Pepito" noong kanyang kapanahunan.

Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong

Nobyembre 22, 1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang

direktor ng kagawaran ng kalusugan ng pamahalaang Amerikano sa

Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga. Bininyagan siyang Jose

Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya ang celio ng Corazon (puso

sa Español) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan.

Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria,

Bulacan. Nag-aral siya sa nasirang Liceo de Manila kung saan siya

nagtapos noong 1915. Ang una niyang tula na nailimbag ay

Page 4: Kate

ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa nasirang Ang

Mithi noong siya ay 17 taong gulang. Sino nga ba ang asawa niya?

Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa

nasirang Academia de Vera ngunit hindi niya pinagpatuloy ang

kanyang pagiging abogado dahil abala na siya sa pagsulat ng isang

kolum ng mga tula sa pahayagang Tagalog na Tuliba. Ang kolum ay

tinawag na Buhay Cavite na isinulat niya sa pangalang-pluma

na Huseng Batute. Sa pamamagitan ng kanyang kolum, pinuna ni De

Jesus ang lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at

pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng Pilipinas na noo'y

isang commonwealth sa ilalim ng pamahalaang Estados Unidas.

May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay

Cavite. Sumulat din siya ng mga 800 kolum na pinamagatang Ang

Lagot na Bagting. Paborito niyang pangalang-pluma ang Huseng

Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Pusong

Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap Dahong

Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi, Elyas, Anastacio

Salagubang at Tubig Lily'

Noong Marso 28, 1924, si De Jesus ay isa sa mga pangunahing

manunulat sa Tagalog na nagpulong sa Instituto de

Mujeres sa Tondo, Manila upang pagusapan ang pagdiriwang ng

kaarawan ng makatang Tagalog na si Francisco Balagtas sa Abril 2.

Ang pulong ay tinawag at pinamunuan ng manunulat na Rosa Sevilla.

Napagpasyahan ng mga manunulat na magpalabas ng tradisyonal

naduplo, o isinadulang debate sa tula na uso noong araw ngunit

nalalaos na noong mga 1920. Pinalitan nila ang porma ng duplo at

binansagan itong balagtasan para kay Balagtas.

May tatlong pares ng mga makata na sumali sa unang balagtasan na

ginanap noong Abril 6, 1924 sa Instituto de Mujeres, na itinatag ni

Sevilla. Naging matagumpay ang balagtasan at nakagiliwan ng mga

manonood ang pares nina De Jesus at Florentino Collantes.

Sumikat ng lubusan ang balagtasan at ito ay naging karaniwang

palabas sa mga pinakamalaki at pinakamahal na teatro sa Maynila

hanggang noong dekada ng 1950. Pinagtapat sina De Jesus at

Page 5: Kate

Collantes at ginawa silang magkaribal at nagtakda ng isang tagisan

ng galing noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium. Si De Jesus

ang nanalo ng tagisan na iyon at binansagan siyang Hari ng

Balagtasan. Hinawakan niya ang titulo hanggang mamatay siya

noong 1932.

Sikat na si De Jesus bilang Huseng Batute sa buong Pilipinas noong

inanyayahan siyang umarte sa pelikulang Oriental Blood. Kasama

niya ang mga bantog na aktres ng panahong iyon (Atang dela

Rama at [Maria Santos]). Kasama rin sa kast ang kanyang anak na

si Juliano de Jesus, na naging aktor sa ilang mga pelikulang Pilipino.

Ngunit nagkasakit si Huseng Batute habang ginagawa ang pelikula at

lumala ang kanyang sakit hanggang siya ay mamatay noong Mayo

26, 1932. Iniwan niya ang kanyang asawang si Asuncion Lacdan de

Jesus at mga anak Teresa, Jose Jr. at Rogelio.

Noong siya ay mamatay, binigay ng pamilya niya ang kanyang puso

sa isang museo ng pamahalaan kung saan ito itinago hanggang

ilibing ito sa libingan ng kanyang ina. Inilibing siya sa ilalim ng dagat

sa Visayas, alinsunod sa kagustuhan niyang nakatala sa kanyang

mga tulang Isang Malalim na Dagat at Ang Visayas.

Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa

Cruz, Maynila noong Pebrero 12, 1861. Ikalima siya sa mga anak ng

mag-asawang Rufino Reyes at Andrea Rivero.

Page 6: Kate

Nagtapos siya ng Bachelor of Philosophy and Letters sa Unibersidad

ng Santo Tomas. Kilala siya bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa

kanyang pagsusulat ng mga kuwentong pambata, ginamit niya ang

sagisag na Lola Basyang.

Ang kanyang sarsuelang pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa

unang bahagi ng panahon ng mga Amerikano ang itinuturing na

kanyang obra maestro. Ito ay pumapaksa sa kapangyarihan ng pag-

ibig sa mga taong tunay na nagmamahalan.

Taong 1902 nang simulan niyang magsulat ng dula nang makita

niyang ang Moro-moro at komedyang itinatanghal ay walang buti at

kapakinabangang idinudulot sa mga manunuod. Sinikap ni Don Binoy

(palayaw kay Severino Reyes) na mapaunlad ang dulang Tagalog.

Naging inspirasyon niya ang kanyang pagsisikap na patayin ang

Moro-moro ang nakitang pagtanggap ng mga manunuod ng sarsuela

sa unang pagtatarighal ng sarsuelang Salamin ng Pag-ibig ni Roman

Reyes; Mga Karaniwang Ugali ni Ambrosio de Guzman; Damit ni San

Dimas ni Roman Dimayuga;Despues de Dios, El Dinero ni Hermogenes

Ilagan. Dahil sa nakita ni Don Binoy na reaksyon ng mga manunuod

sa pagtatanghal ng mga dulang nabanggit ay itinatag niya ang Gran

Compana de Zarsuela Tagala na siyang inaasahang magtataguyod sa

pagtatanghalang mga sarsuela. Pagkatapos nga ng pagtatanghal

ng Walang Sugat ay sunud-sunod nang itinanghal ang Bagong

Fausto,Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin na sinundan pa ng iba. Naging

dramaturgo ng dulang Tagalog si Severino Reyes dahil sa

pagbabagong bihis na ginawa niya sa dulang Tagalog. Nakuha niyang

palitan ng sarsuela ang Moro-moro na dating kinalokohan ng mga

manunuod.

Ang ilan sa mga sarsuelang sinulat ni Severino Reyes ay Walang

Sugat, Huling Pati, Minda Mora, Mga Bihag ni Cupido, Mga Pusong

Dakila, RIP, Ang Kalupi at iba pa. Ang RIP ay isang sarsuelang sinulat

ni Don Binoy upang tuyain ang Moro-moro sa pagkamatay nito.

Si Severino Reyes ay nagsimula ng modernong pagsulat ng dula.

Pinaksa ng kanyang mga dula ang suliranin ng mga Pilipino sa

pagdating at pananakop ng mga Amerikano. Si Don Binoy ay naging

patnugot ng lingguhang magasing Liwayway.

Page 7: Kate

Isinilang si Francisco Baltazar noong ika 2 ng Abril, 1788 sa nayon ng Panginay(Balagtas) Bigaa, Bulakan. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Baltazar at Juana Dela Cruz. Ang pagmamahalan ng dalawang ito ay nagbunga ng apat na supling, sina Felipe, Concha, Nicolasa, at Kiko.Nabibilang lamang sa maralitang angkan ang mag – anak na Baltazar. Ang kanyang ama ay isang panday at ang kanyang ina ay isang karaniwang maybahay. Si Kiko ay pumasok sa kumbento ng kanilang kabayanan sa ilalim ng pamamatnubay ng kura – paroko at ditto ay natutuhan niya ang Caton, misterio, kartilya at Catecismo.Ang pandayan ng kanyang ama ay ginagawang tagpuan ng mga kanayon at dito ay naririnig ni Kiko ang mga usapan at pagtatalo tungkol sa sakit ng lipunang umiiral noon. Malaki ang nagawa nito sa kanyang murang isipan.

Palibhasa’y may ambisyon sa buhay, inakalang hindi sapat ang natutuhan sa kanilang bayan kayat umisip ng paraan kung paano siya makaluluwas ng Maynila upang makapagpatuloy ng pag – aaral. Ayon sa kanyang ama mayroon silang malayong kamag – anak na mayaman, na naninirahan sa Tundo at maaari siyang pumasok dito bilang utusan.Nagustuhan naman ang paglilingkod ni Kiko sa kanyang amo kaya pinayagan siyang makapag – aral. Nagpatala siya sa Colegio de San Jose na noon ay pinamamahalaan ng mga Hesuwitas. Dito’y natutuhan niya ang Gramatika, Latin at Kastila, Fiska, Geografia at Doctrina Cristiana. Noong 1812 ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag – aaral sa Colegio de San Juan de Letran at dito’y natapos niya

Page 8: Kate

ang mga karunungang Teolohiya, Filosofia at Humanidades. Naging guro niya si Padre Mariano Pilapil, ang may – akda ng Pasyong Mahal.

Naging tanyag si Kiko sa purok ng Tundo, Maynila sapagkat sumusulat siya ng tula at itinuturing na mahusay na makata. Sa Gagalangin, Tundo ay nakilala niya ang isang dalagang nagngangalang Magdalena Ana Ramos at ito’y napagukulan niya ng paghanga. Noong panahong iyon ay may isang tagaayos ng tula, si Jose dela Cruz na lalong kilala sa tawag na Huseng Sisiw sapagkat kung walang dalang sisiw ay hindi niya inaayos at pinag – uukulan ng pansin ang tulang ipinaaayos ng sinuman. Isang araw ay may dala – dalang tula si Kiko upang ipaayos kay Huseng Sisiw at sa dahilang walang dalang sisiw ay hindi ito inayos ni Jose. Umuwi si Kikong masamang – masama ang loob kayat simula noon ay hindi na siya humingi ng tulong sa makata ng Tundo.

Noong taong 1853, lumipat siya sa Pandacan at doon niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Sa kabila ng mga paalaala at payo ng mga kakilala at kaibigan na magiging mahirap para sa kanya ang pamimintuho sa dalaga sapagkat magiging karibal niya si Mariano Kapule, isang mayaman at makapangyarihan sa pook na iyon, subalit winalang – bahala ang mga paalalang ito, Hindi siya tumugot hanggang hindi nakadaupang – palad si Maria at hindi nga nagtagal at naging magkasintahan ang dalawa.Palibhasa’y mayaman ginamit ni Nano ang taginting ng salapi upang mapabilanggo si Kiko. Nagtagumpay naman ito. Sa loob ng bilangguan ay nagdadalamhati si Kiko at lalo itong nalubos ng mabalitaan niyang ikinasal na ang pinag – uukulan niya ng wagas na pag – ibig at si Nano. Maraming nagsasabing sa loob ng bilangguan niya isinulat ang walang kamatayang Florante at Laura at buong puso niya itong inihandog kay Selya.

Pagkalabas niya sa bilangguan noong 1838 ay minabuti niyang lumipat sa ibang tirahan upang di na magunita ang alaala ni Selya kaya ang alok na puwesto sa Udyong, Bataan ay buong puso niyang tinanggap. Muling tumibok ang kanyang puso ng makilala niya si Juana Tiambeng, isang anak na mayaman na naging kabiyak niya. Nagkaroon sila ng labing – isang supling, limang lalaki at anim na babae sa loob ng labing – siyam na taong pagsasama nila. Pito ang namatay noong mga bata pa at sa apat na nabuhay isa lamang ang nagmana kay Balagtas.

Page 9: Kate

Dahil sa may mataas na pinag – aralan si Kiko kaya humawak siya ng mataas na tungkulin sa Bataan – naging tagapagsalin, tinyente mayor at huwes mayor de Semantera.

Mainam –inam na sana ang buhay ng mag – anak ngunit nagkaroon na naman ng isang usapan tungkol sa pagkakaputol niya ng buhok sa isang utusan ng isang mayamang si Alfarez Lucas. Sa pagkakataong ito, namayani na naman ang lakas ng salapi laban sa lakas ng katwiran kaya napiit siya sa Bataan at pagkatapos ay inilipat sa piitan ng Maynila. Nang siyay makalaya, bumalik siya sa Udyong at dito nagsulat ng awit, komedya at namatnugot sa pagtatanghal ng dulang Moro – moro na siya niyang ibinuhay sa kanyang pamilya.Noong ika – 20 ng Pebrero, 1862 si Kiko ay namatay sa Udyong Bataan sa gulang na 74 na taon.