37
Mga Kaparaanan sa Pagtitipid - Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)

Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

  • Upload
    joedabid

  • View
    5.726

  • Download
    14

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Electricity and Water Conservation Tips in Filipino language. Applicable to household or office.

Citation preview

Page 1: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

- Elektrisidad at Tubig(Electricity and Water Conservation Tips)

Page 2: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010
Page 3: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Ilaw (Electric Lighting):

• Siguruhing naka-OFF ang

mga ilaw na hindi ginagamit.

• Linisin ng regular ang mga

ilawan (tube, bulb, diffuser)

upang manatili itong maliwanag.

• Gumamit ng energy-saving o

energy-efficient na ilaw gaya ng

compact fluorescent lamps (CFL).

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 4: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

• Mas matipid sa kuryente ang CFLo kaya ay fluorescent lamps (up to 75 %)kumpara sa parehong lakas ng liwanag na incandescent bulb.

• Mas matipid ang konsumong kuryente ng mababa kumpara sa mas mataas na wattage na ilaw (halimbawa: mas matipid ang 10 watts kung ihahambing sa 50 watts,kaya mas mababa ang bayarin sa kuryente).

• Iwasang gumamit ng decorative lights dahil napakababa ang efficiency ng mga ito.

Incandescent

bulb

Compact

Fluorescent

Lamp

Fluorescent Tube

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 5: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Gastusin sa Electric Lighting:

Magkatumbas ng Liwanag na Ilaw

50 Watts Incandescent Bulb

20 Watts Fluorescent Lamp

12 Watts CFL

Presyo ng Kuryente

(As of Aug. 2010, SOCOTECO II)

5.47 Pesos per kWH

Bayarin sa 1 Oras na Paggamit

P 0.28

or 28 Centavos

P 0.11

or 11 Centavos

P 0.07

or 7 Centavos

Bayarin sa 1 Araw na Paggamit (12 Oras)

P 3.30 P 1.32 P 0.79

Bayarin sa 1 Buwang Paggamit

(12 Oras bawat Araw)

P 99.00 P 39.60 P 23.65

Bayarin sa 1 Buwang Paggamit (5 Ilaw, 12

Oras bawat Araw)

P 495.00 P 198.00 P 118.80

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 6: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Plantsa (Electric Iron):

• Napakalakas komunsumo

ng kuryente ang plantsa – halos

1,000W kaya maging bihira sa

paggamit nito.

• Gawing maramihan at hindi paisa-isa

sa bawat pagkakataon nang

pagplantsa ng mga damit. Mas efficient

ito kaya dulot ay tipid sa kuryente.

• Kung halos patapos na sa pama-

malantsa, i-OFF na ito. Ang init

na natitira ay sasapat sa panghuling

bahagi ng damit.

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 7: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

• Mas maiging gawin ang pamamalantsasa umaga dahil mas komportableat malamig pa. Maiiwasan din ang peak demand hours ng elektrisidad na nagyayari tuwing gabi. Ito kasi ang mga oras na bumababa ang supply voltage kaya medyo apektadoang dagliang pag-init ng plantsa. May pagkakataong mataas ang presyo ng kuryente tuwing peak hours.

• Gumamit ng hanger upang maiwasan ang kusot sa damit at nang hindi na kakailanganin ang muling pagplantsa dito.

• Huwag iwanan nang matagal na naka-ONkapag pansamantalang hihinto sa pagpaplantsa,higit na mabuti ay i-OFF at i-unplug ito.

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 8: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Gastusin sa Pagpaplantsa (Electric Iron):

Power Rating ng Plantsa 1000 Watts

Presyo ng Kuryente

(As of Aug. 2010, GSC)5.47 Pesos per kWH

Bayarin sa 1 Oras na Paggamit P 5.47

Bayarin sa 5 Oras na Paggamit P 27.34

Bayarin sa 1 Buwang Paggamit

(5 Oras Araw-araw)P 820.05

Bayarin sa 1 Buwang Paggamit

(5 Oras bawat Linggo)P 136.68

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 9: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Pagluluto (Electric Stove, Oven):

• Napakalakas ding komunsumo

ng kuryente ang Electric Stove

(mahigit-kumulang 1,500W).

• Kung maaaring gawin, hayaang matunaw

muna ang yelo sa mga frozen foods bago isalang

sa stove.

• Iwasang gumamit ng malaking stove

sa isang maliit na kaserola dahil mas

malakas ang konsumong kuryente

nito kumpara sa maliit na stove.

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 10: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

• Ihanda muna ang lahat ng kakailanganing

sangkap bago magsimulang magluto upang

maiwasan ang pag-ON/OFF ng electric stove.

• Gumamit ng flat-bottom pans na may

maayos na takip upang maiwasan ang

heat transfer losses.

• I-switch ang stove sa “LOW” kung

magsimula nang kumulo ang nilu-

luto. Ang matinding pagkulo ay

hindi nakakapagpabilis ng pagka-

luto ng pagkain.

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 11: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

• Gumamit ng sapat lamang na dami ng tubig

upang mapabilis ang pagkulo o pagkaluto at

saka pa lamang dagdagan ng wastong sukat

ng tubig kung kailangan.

• Iwasan ang pabukas-bukas sa takip

ng niluluto kung di-kinakailangan dahil

nasasayang ang init at nadaragdagan

pa ang tagal ng pagluluto.

• I-OFF na ang stove mga ilang minuto

bago matapos ang pagluluto. Sasapat

na ang init na natitira para sa tuluyang

pagkaluto ng pagkain.

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 12: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Gastusin sa Pagluluto (Electric Stove, Oven):

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Power Rating 1500 Watts

Presyo ng Kuryente

(As of Aug. 2010, GSC)5.47 Pesos per kWH

Bayarin sa 1 Oras na Paggamit P 8.20

Bayarin sa 4 Oras na Paggamit

(2 Oras sa umaga, 1 sa tanghali, 1 sa gabi)P 32.78

Bayarin sa 1 Buwang Paggamit

(4 Oras Araw-araw)P 983.40

Bayarin sa 1 Buwang Paggamit

(2-Burner Stove, 4 Oras Araw-araw)P 1,966.80

Page 13: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Refrigerator:

• Tiyaking regular na ma-defrost

ang refrigerator. Ang frost ay nagiging

insulating blanket kaya walang hinto

ang pag-andar ng compressor motor.

Ang pag-andar na ito ay komukunsumo

ng kuryenteng higit sa normal na kailangan.

• Huwag iwanang matagal na bukas ang pinto

nito nang higit sa kailangan. Siguruhing maayos ang

pakalapat ng pinto kung nakasara na.

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 14: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

• Huwag masyadong punuin ang

loob ng refrigerator dahil ma-

haharangan ang air flow na

magdudulot ng overwork sa

compressor motor.

• Ilagay ang refrigerator na may sapat

na space ang condenser coil na nasa

likuran o ilalim nito at linisin ito ng regular.

• Palamigin muna ang mga pagkain bago ipasok

sa refrigerator. Ang mainit na pagkain sa loob

nito ay nagpapalakas ng power consumption.

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 15: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

• Ilagay ang refrigerator malayo

sa stove o iba pang maaring

pagmulan ng init dahil makaka-

apekto sa normal function nito.

• Huwag i-set nang lubhang

mababa ang temperature control

nang higit sa kailangan dahil

tutuloy-tuloy ang andar ng

compressor nito kaya aksaya

lamang ito ng kuryente.

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 16: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Gastusin sa Refrigerator:

Karaniwang Power Rating

(9 cubic ft unit)130 Watts

Presyo ng Kuryente

(As of Aug. 2010, GSC)5.47 Pesos per kWH

Bayarin sa 1 Oras na Pag-andar ng Compressor Motor

P 0.72

Bayarin sa 4 Oras na Pag-andar ng Compressor Motor (Bawat Araw)

P 2.86

Bayarin sa 7 Oras na Pag-andar ng Compressor Motor (dahil hindi maayos

na paggamit, bawat Araw)

P 5.01

Bayarin sa 1 Buwang Paggamit

(7 Oras na Andar Araw-araw)P 150.15

Bayarin sa 1 Buwang Paggamit

(4 Oras na Andar Araw-araw)P 85.80

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 17: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Air-conditioner:

• Panatilihing hindi sobra ang lamig

ng isang air-conditioned room, gamitin

ang thermostat sa pag-regulate ng

temperatura. (1 degree increase in setting

reduces cooling electric bill by 2 %)

• Siguruhing walang singaw sa mga bintana

o sa pintuan ng isang air-conditioned room.

• Huwag harangin ang front grill at pamalagiing

malinis ang filter ng aircon. Ang clogged filter ay

bumabawas sa kakayahan nitong magpalamig.

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 18: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

• Pamalagiing sarado ang pintuan ng isang

air-conditioned room sa lahat ng pagkaka-

taon. Iwasan ang paglabas-masok nang

hindi naman kailangan gaya ng ginagawa

ng mga naglalarong bata.

• Kung maari, huwag ilagay ang aircon sa

lugar na mainit tulad ng malapit sa

lutuan o kaya ay sa tinatamaan ng

init ng araw.

• Magsagawa ng preventive main-

tenance sa pamamagitan ng regular

check-up at pagpapalinis nito.

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 19: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

• Dapat ay naka-OFF ang mga ilaw na

hindi ginagamit sa air-conditioned area.

Ang init na nagmumula sa mga ilaw na

ito ay dumaragdag sa load at tagal ng

pag-andar ng aircon unit kapag ito ay

nasa thermostat control.

• Kung maaring gawin, huwag pamalagiin

ang paggamit ng aircon at sa

halip, electric fan na lang ang

gamitin upang makatipid sa

konsumo na kuryente.

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 20: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Gastusin sa Air-conditioner, Electric Fan:

KaraniwangPower Rating

Window-type Aircon

1 HP : 746 Watts

Window-type Aircon

3/4 HP : 560 Watts

Electric Fan84 Watts

Presyo ng Kuryente

(As of Aug. 2010, GSC)5.47 Pesos per kWH

Bayarin sa 1 Oras na Paggamit

P 4.07 P 3.08P 0.50

or 50 Centavos

Bayarin sa 1 Araw na Paggamit (12 Oras)

P 48.84 P 36.96 P 5.94

Bayarin sa 1 Buwang Paggamit

(12 Oras bawat Araw)

P 1,465.20 P 1,108.80 P 178.20

Bayarin sa 1 Buwang Paggamit (2 unit, 12

Oras bawat Araw)

P 2,930.40 P 2,217.60 P 356.40

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 21: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Washing Machine:

• Ipunin ang labahin hanggang halos kasimbigat

na ang mga ito sa rated capacity ng washing

machine (halimbawa – 5 kg) ngunit di-dapat

lalagpas dito. Saka pa lamang simulan ang

paggamit nito. Ang sobrang bigat ng labahin

ay nakaka-overload at ang kakaunting labahin

naman ay hindi efficient sa konsumo ng

kuryente ng electric motor nito.

• Ilagay ang tamang dami ng

detergent o sabon. Kapag

kulang, maaring hindi lahat

ng damit ay masabunan at

malinis kaya lalabahan itong muli.

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 22: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

• Ang paulit-ulit na paglalaba sa

washing machine ay hindi nakatitipid

sa kuryente (kumpara sa minsanan).

• Piliin ang tamang washing cycle

upang maingatan ang mga damit.

• Ang washing machine na ginagamit

bilang dryer na may high spin speed

ay mas energy efficient kaya naka-

titipid ng kuryente.

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 23: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Gastusin sa Paggamit ng Washing Machine:

Karaniwang Power Rating

(5 kg unit)500 Watts

Presyo ng Kuryente

(As of Aug. 2010, GSC)5.47 Pesos per kWH

Bayarin sa 1 Oras na Paglalaba P 2.75

Bayarin sa 5 Oras na Paglalaba

(1 Beses Bawat Linggo)P 13.75

Bayarin sa 1 Buwang Paggamit

(1 Beses na Paglalaba, Bawat Linggo)P 55.00

Bayarin sa 1 Buwang Paggamit

(2 Beses na Paglalaba, Bawat Linggo)P 110.00

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 24: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

TV, Stereo Component, Computer:

• Kung nanonood ng TV, i-adjust

nang katamtaman lamang ang

volume dahil nakakaapekto din

ito sa konsumo ng elektrisidad.

Kung mas malakas ang volume

mas malaki ang hatak nitong

kuryente.

• Ang mga stereo component o karaoke machine na

malalakas ang sound volume ay matindi din ang

kinukunsumong kuryente.

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 25: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

• Huwag iwanan ang computer na naka-standby

o naka-hibernate mode dahil kumukuha pa rin

ito ng power. Dapat itong i-shutdown at i-unplug

kung hindi na gagamitin. Nakatutulong ang

auto-shutdown feature ng monitor kung

kinakailangang naka-ON ang computer.

• Di-hamak na mas matipid sa kuryente ang

laptop computer kaysa sa desktop computer.

• Kahit naka-power off na ang mga

remote controlled na gamit kumakain

pa rin ito ng kuryente kaya nararapat

ding tanggalin sa pagkakasaksak.

Umiiksi pa ang life span ng mga ito

dahil sa wear-and-tear.

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 26: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Gastusin sa TV, Stereo Component, Computer:

KaraniwangPower Rating

TV21 in. : 100 Watts

Stereo Component5000W PMPO :

500W

Desktop Computer

300 Watts

Laptop Computer

30 Watts

As of Aug 2010,

(GSC) 5.47 Pesos per kWH

Bayarin sa 1 Oras na Paggamit

P 0.55

or 50 CentavosP 2.75 P 1.65

P 0.17

or 17 Centavos

Bayarin sa 1 Araw na

Paggamit (12

Oras)

P 6.60 P 33.00 P 19.80 P 1.98

Bayarin sa 1 Buwang Paggamit

(12 Oras bawat Araw)

P 396.00 P 990.00 P 594.00 P 59.40

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Page 27: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Karagdagang tips upang makatipid sa kuryente:

Maiging gumamit ng mga appliances namay tatak Energy Star o may mataas naEER (energy efficiency ratio ≥11) dahilmas matipid ang mga ito sa kuryentekumpara sa may mababang EER na may parehong working capacity.

Kapag matindi ang sikat ng araw, makatutulongang mga blinds, kurtina, o lilim ng mga tanimna mapaiksi ang cooling operating hours ngair-conditioning appliances.

Mabisa ang skylighting upang maiwasanggumamit ng electric lights kapag sapat angsinag ng araw.

.

Page 28: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Karagdagang tips upang makatipid sa kuryente:

Ang paggamit ng photoelectric switch para

sa outdoor lighting ay makatutulong din sa

pagtitipid kumpara sa manual switching.

Kapag gumagamit ng mineral water dispenser,

huwag hayaan na permanenteng naka-power ON

ang heater at cooler. Ito’y dahil sa kahit na automatic

ang mga itong mag-ON o OFF ayon sa internal

thermostat setting, nasasayang ang init o

lamig ng tubig sa paglipas ng oras na

walang gamit. Ang pag-ON ng mga ito

ng automatic na hindi naman ginagamit

ay aksaya sa kuryente.

Page 29: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Elektrisidad

Karagdagang tips upang makatipid sa kuryente: Mas matipid sa kuryente ang microwave

oven kaysa sa ordinary electric stove sa angkop na pagluluto (500W lamang ito).

Ang mga “grounded” (nakakukuryente) na appliances ay humahatak ng elektri-sidad kahit hindi ginagamit kaya dapat i-unplug o kaya ay ipaayos sa qualified technician.

Ang mga short circuits o electrical faults dulot ngsirang appliance ay humahatak din ng napaka-tinding level ng kuryente, kaya delikado at dagdag pa sa bayarin.

Nagreresulta sa maling electric billing ang sirao uncalibrated na electric meter kaya dapatitong palitan o ipa-calibrate sa distribution utility o electric cooperative.

---oOo---

Page 30: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010
Page 31: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

• Siguruhing walang water leaks o

tumatagas na tubig sa mga gripo

at linya ng tubo.

• Gumamit ng basin o palanggana sa

paglalaba, paghuhugas ng mga prutas,

gulay, at mga gamit sa kusina.

• Gumamit ng watering can o sprinkler sa

pagdilig ng mga halaman.

• Sa baso ilagay ang tubig tuwing nagsisipilyo

ng ngipin at huwag hayaang tuluy-tuloy ang

agos sa gripo.

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Tubig at Bayarin dito

Page 32: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

• Isara ang gripo habang nag-aahit.

• Huwag hayaang nakabukas ang gripo habang

naghuhugas ng mga pinggan at iba pa.

• Iwasan ang pagpa-flush ng toilet bowl kung

di-naman kailangan.

• Gumamit ng balde o angkop na lalagyan kung nagka-carwash.

• Kung may problema ang inyong linya ng

tubig, iulat kaagad sa water district office

• Magbayad sa tamang panahon ng inyong

water bill upang hindi magka-penalty (may

dagdag-bayad ito).

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Tubig at Bayarin dito

Page 33: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Gastusin sa Paggamit ng Tubig:

Karaniwang Konsumong Residential

0-10

cubic meters

(Water District)

11-20

cubic meters

(Water District)

Water Pumps

1.5 HP / 1120kW

(Household Property)

Unit Price

(As of Aug. 2010, GSC)

P 19.20

per cu.m

basic charge +

P 18.45

per cu.m

4.97 Pesos per kWH

BayarinP 192.00

basic charge

P 192.00 +

P 18.45/cu.m

P 5.60 for 1 Hour pump run

Bayarin sa 1 Buwang Paggamit

P 192.00P 192.00 +

P 18.45/cu.m

P 504.00

for 3 Hrs a day pump run

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Tubig at Bayarin dito

Page 34: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Gaano katindi ang epekto ng water leaks?

• Ang maliit ngunit tuloy-tuloy na patak ay umaabot sa 67.5 litro

bawat araw (P 1.30 bawat araw / P 39 kada buwan kung P 19.2 ang

bawat cu.meter).

• Sumasayang ng 900 litrong tubig ang 0.8 mm

na butas sa linya ng tubo (kasing liit lamang ito

ng diameter ng isang tingting, aksaya ng P 17.30/araw

o P 518/buwan).

• Ang 1.6 mm na butas ay sumasayang naman

ng 3,000 litro kada araw (P 57.60/araw o P 1728/buwan).

• Umaabot naman sa 10,000 litro ang nawawalang tubig sa

isang araw ng butas na 3.2 mm ang laki (kasinliit ng munggo,

aksaya ng P 192/araw o P 5760/buwan).

---oOo---

Mga Kaparaanan sa Pagtitipid

ng Tubig at Bayarin dito

Page 35: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

“A peso saved is a peso gained..”

Page 36: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Maraming Salamat Po!

Page 37: Kaparaanan Sa Pagtitipid -Elektrisidad at Tubig (Electricity and Water Conservation Tips)-2010

Mga Pinagkunan ng Impormasyon:

More Than 100 Ways to Improve Your Electric Bill, http://www.eei.com

Reducing Your Electrical Bill, http://www.econogics.com

Dolefil Enercon Program

General Santos Water District Primer

SOCOTECO II monthly billing

Karamihan ng larawan ay mula sa http://www.fotosearch.com

Bumalangkas: Joel G. Paramo

Registered Electrical Engineer

© 2010