25
Tanong at Sagot hinggil sa

Kalikasan Partylist Orientation

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kalikasan Partylist Orientation

Tanong at Sagot

hinggil sa

Page 2: Kalikasan Partylist Orientation

Balangkas

● Ano ang Kalikasan Partylist?● Bakit ito itinatag?● Ano ang panawagan nito?● Ano ang mga programa?● Papaano sumali sa Kalikasan Partylist?

Page 3: Kalikasan Partylist Orientation

Ano ang Kalikasan Partylist?

Page 4: Kalikasan Partylist Orientation

Ang Kalikasan Partylistay isang progresibong partidona binuo para pangalagaanang kalikasan at ipagtanggolang karapatan ng mamamayan.

Page 5: Kalikasan Partylist Orientation

Kinabibilangan ito ng iba't ibang uriat sektor na nagtataguyod ng makamasa, makabansa at maka-kalikasang patakaran, reporma at programa.

Page 6: Kalikasan Partylist Orientation

Bakit itinatag angKalikasan Partylist?

Page 7: Kalikasan Partylist Orientation

Itinatag ang Kalikasan Partylist noong 2010 bilang isa sa mga tugon ng mamamayan sa lumalalang krisis pangkalikasan ng bansa.

Naniniwala tayo na kailangang alagaan at pakinabangan ng sambayanang Pilipino ang ating likas-yaman. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtataguyod ng bagong pulitika ng prinsipyo, paglilingkod at pagbibigay-lakas sa mamamayan.

Sinusuportahan ng partido ang mas malawak na kilusang masa na matagal nang tumitindig para sa tunay na panlipunang pagbabago.

Page 8: Kalikasan Partylist Orientation

Ano ang panawagan ng Kalikasan Partylist?

Page 9: Kalikasan Partylist Orientation

Pangalagaan ang kalikasan.Ipagtanggol ang likas-yaman

para sa mamamayan, para sa bayanat para sa kinabukasan.

Ito ang diwa at panawagan ng ating partido,na gumagabay sa mga pagkilos natin.

Page 10: Kalikasan Partylist Orientation

Isinusulong natin ang adhikaing ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na istratehiya at layunin:

● Itaguyod at palawakin ang kamalayang pangkapaligiran ng mamamayan

Page 11: Kalikasan Partylist Orientation

Isinusulong natin ang adhikaing ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na istratehiya at layunin:● Palakasin ang kapasidad ng mga lokal na komunidad na apektado ng pagkasira ng kalikasan at pakilusin sila upang matugunan ang problemang ito

Page 12: Kalikasan Partylist Orientation

Isinusulong natin ang adhikaing ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na istratehiya at layunin:

● Organisahin at pakilusin ang mga propesyunal at indibidwal na tumugon sa pangangailangan ng mga batayang sektor at komunidad na pangunahing apektado ng pagkasira ng kalikasan

Page 13: Kalikasan Partylist Orientation

Isinusulong natin ang adhikaing ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na istratehiya at layunin:

● Patatagin ang pagkakaisa at koordinasyon ng mga miyembro ng partido upang makapaglunsad ng mga kampanya at pagkilos

Page 14: Kalikasan Partylist Orientation

Isinusulong natin ang adhikaing ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na istratehiya at layunin:● Palakasin ang partisipasyon, representasyon at boses ng mamamayan sa pagbubuo at pagpapatupad ng mga patakaran hinggil sa pangangalaga ng kapaligiran at ang pamamahala ng ating likas na yaman.

Page 15: Kalikasan Partylist Orientation

Ano ang programa ngKalikasan Partylist?

Page 16: Kalikasan Partylist Orientation

1. Pangalagaan ang ating kapaligiran para sa susunod na salinlahi ng mga Pilipino.

Page 17: Kalikasan Partylist Orientation

2. Itaguyod ang karapatan ng mamamayan,lalo na ng mga pinakamahihirap na sektorng lipunan, sa likas na yaman ng bansa.

Page 18: Kalikasan Partylist Orientation

3. Ipagtanggol ang ating pambansang patrimonya para sa tunay na kaunlaran: para sa pakinabang ng mamamayang Pilipino at tungo sa isang ekonomiyang umaasa sa sarili.

Page 19: Kalikasan Partylist Orientation

4. Isulong ang maka-kalikasang kamalayan, edukasyon at pagkilos at ang wastong pamamahala at rehabilitasyon ng ating kapaligiran.

Page 20: Kalikasan Partylist Orientation

5. Isulong at itaguyod ang makabayan, makataoat makakalikasang mga batas at patakaran.

Page 21: Kalikasan Partylist Orientation

Papaano sumali sa Kalikasan Partylist?

Page 22: Kalikasan Partylist Orientation

Maaaring sumali sa Kalikasan Partylist ang sinumang Pilipino na nasa 18 taong gulang pataas at tanggap ang Konstitusyon, prinsipyo at programa na partido.

Ang mga nasa edad ng 15-17 gulang pero nais na maging bahagi ng Kalikasan Partylist ay maaaring maging katuwang na kasapi (associate member).

Page 23: Kalikasan Partylist Orientation

Ang bawat kasapi ay may obligasyong alamin ang kaniyang karapatan at tungkulin at lumahok sa mga aktibidad ng partido.

Ang nais maging kasapi ay mag-apply sa pambansang tanggapan o pinakamalapit na tsapter ng Kalikasan Partylist sa kanilang mga barangay, eskwelahan o komunidad. Kailangan ang minimum ng labinlimang (15) miyembro para makabuo ng isang tsapter ng Kalikasan Partylist.

Page 24: Kalikasan Partylist Orientation

Kontakin ang Kalikasan Partylist

Address: # 26 Matulungin Street, Barangay Central, Diliman, Quezon City 1100 PHILIPPINESWebsite: www.kalikasanpartylist.orgEmail: [email protected]: Kalikasan PartylistTwitter: @KalikasanPartyTelepono:+632.434.3173

Page 25: Kalikasan Partylist Orientation

Maramingsalamat!