4
Taon 35 Blg. 10 Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon (B) — Luntian Setyembre 5, 2021 M ay mga taong sadyang hindi umiimik lalo na kung sa tingin nila na ang pagsasalita ay maaaring maglagay sa kanila sa alanganing posisyon. May mga taong ayaw talagang makisangkot sapagkat may takot na baka madamay pa sa gusot. Bakit nga ba kailangang magsalita kung maaari namang mabuhay nang walang pakialam sa mga isyung-panlipunan, katulad ng kurapsiyon at kawalan ng katarungan. Kung ating pagninilayan nang mas malalim, maraming pagkakahawig sa panahon natin ngayon ang panahon ng ating Panginoong Jesus. Sa mundong kanyang kinamulatan, batid natin kung papaano namumuhay ang mga taong isinasantabi ng lipunan, ang mga mahihirap. Noon at ngayon, ang mga mahihirap ang siyang palaging napagsasamantalahan, nadaraya, at nakakasangkapan upang maitaguyod ang pansariling kapakanan ng iilan. Maraming katiwaliang nagaganap sa ating Kailan ka bansa na nagdudulot ng hirap at pasakit sa mga itinuturing na nasa laylayan. Pakaisipin natin, ‘di kaya tayo ay maituturing na mga bingi at pipi rin? Hindi ba natin naririnig ang panaghoy ng ating mga kababayang mahihirap? Hindi ba’t kaya naman nating magsalita? Bakit mas pinipili nating magmasid lang at hayaang dumaloy ang ating kasaysayan nang walang iniaambag para mapabuti ang kalagayan ng ating kapwa? Hindi kaya kailangan din nating gumaling at mapagaling sa ating mga “kapansanan” na dulot ng ating kawalan ng pakialam? Sa Ebanghelyo, “Kanilang dinala sa kanya ang isang lalaking bingi na nahihirapang magsalita. Ipinamanhik nila sa kanya na ipatong niya sa lalaking ito ang kanyang mga kamay.” (Mk. 7:32) Binangit din na: “Sa pagtingala sa langit, siya ay dumaing at sinabi sa lalaki: Effata. Ang ibig sabihin nito ay: Mabuksan. Kaagad na nabukasan ang tainga ng lalaki, nakalag ang tali na pumipigil sa kanyang dila at nakapagsalita na ng malinaw.” (Mk 7:34-35) Ang kapansanan ng lalaking bingi at pipi sa ebanghelyo ay maituturing na kapansanan din natin sapagakat hindi man tayo literal na bingi at pipi, kadalasan nama’y ‘di tayo makarinig at makapagsalita upang manindigan sa tama at makatarungan. Bayan ng Diyos, halina’t dalhin ang bawat isa patungo kay Hesus at hayaan nating ipasok ang kanyang daliri sa ating mga tainga upang tulad ng lalaking pinagaling ni Jesus, mabuksan din ang mga ito upang ating marinig ang mga kababayang mahihirap at maging boses nila sa lipunang matagal nang bingi sa kanilang mga hinaing. At sa huli, nawa, ang lahat ng makasaksi sa ating mabubuting gawa ay mapagilalas: “Ang kanyang ginawa ay napakabuti, ginawa niyang ang bingi ay makarinig at ang pipi ay makapagsalita.” (Mc. 7:37) Ikaw, kalian ka Magsasalita? Magsasalita? Gemma Veneracion-Aboy

Kailan ka Magsasalita?

  • Upload
    others

  • View
    11

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kailan ka Magsasalita?

Taon 35 Blg. 10 Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon (B) — Luntian Setyembre 5, 2021

May mga taong sadyang hindi umiimik lalo na kung sa

tingin nila na ang pagsasalita ay maaaring maglagay sa kanila sa alanganing posisyon. May mga taong ayaw talagang makisangkot sapagkat may takot na baka madamay pa sa gusot. Bakit nga ba kailangang magsalita kung maaari namang mabuhay nang walang pakialam sa mga isyung-panlipunan, katulad ng kurapsiyon at kawalan ng katarungan.

Kung ating pagninilayan nang mas malalim, maraming pagkakahawig sa panahon natin ngayon ang panahon ng ating Panginoong Jesus. Sa mundong kanyang kinamulatan, batid natin kung papaano namumuhay ang mga taong isinasantabi ng lipunan, ang mga mahihirap. Noon at ngayon, ang mga mahihirap ang siyang palaging napagsasamantalahan, nadaraya, at nakakasangkapan upang maitaguyod ang pansariling kapakanan ng iilan. Maraming katiwaliang nagaganap sa ating

Kailan ka

bansa na nagdudulot ng hirap at pasakit sa mga itinuturing na nasa laylayan.

Pakaisipin natin, ‘di kaya tayo ay maituturing na mga bingi at pipi rin? Hindi ba natin naririnig ang panaghoy ng ating mga kababayang mahihirap? Hindi ba’t kaya naman nating magsalita? Bakit mas pinipili nating magmasid lang at hayaang dumaloy ang ating kasaysayan nang walang iniaambag para mapabuti ang kalagayan ng ating kapwa? Hindi kaya kailangan din nating gumaling at mapagaling sa ating mga “kapansanan” na dulot ng ating kawalan ng pakialam? Sa Ebanghelyo, “Kanilang dinala sa kanya ang isang lalaking bingi na nahihirapang magsalita. Ipinamanhik nila sa kanya na ipatong niya sa lalaking ito ang kanyang mga kamay.” (Mk. 7:32) Binangit din na: “Sa pagtingala sa langit, siya ay dumaing at sinabi sa lalaki: Effata. Ang ibig sabihin nito ay: Mabuksan. Kaagad na nabukasan ang tainga ng lalaki, nakalag ang tali na pumipigil sa

kanyang dila at nakapagsalita na ng malinaw.” (Mk 7:34-35)

Ang kapansanan ng lalaking bingi at pipi sa ebanghelyo ay maituturing na kapansanan din natin sapagakat hindi man tayo literal na bingi at pipi, kadalasan nama’y ‘di tayo makarinig at makapagsalita upang manindigan sa tama at makatarungan.

Bayan ng Diyos, halina’t dalhin ang bawat isa patungo kay Hesus at hayaan nating ipasok ang kanyang daliri sa ating mga tainga upang tulad ng lalaking pinagaling ni Jesus, mabuksan din ang mga ito upang ating marinig ang mga kababayang mahihirap at maging boses nila sa lipunang matagal nang bingi sa kanilang mga hinaing. At sa huli, nawa, ang lahat ng makasaksi sa ating mabubuting gawa ay mapagilalas: “Ang kanyang ginawa ay napakabuti, ginawa niyang ang bingi ay makarinig at ang pipi ay makapagsalita.” (Mc. 7:37) Ikaw, kalian ka Magsasalita?

Magsasalita?Gemma Veneracion-Aboy

Page 2: Kailan ka Magsasalita?

sa mga kaaway.” Ang mga bulag ay makakikita, at makaririnig ang mga bingi; katulad ng usa, ang pilay lulundag, aawit sa galak ang mga pipi. Mula sa gubat ay bubukal ang tubig at ang mga batis dadaloy sa ilang; ang umuusok na buhanginan ay magiging isang lawa, sa tigang na lupa ay babalong ang tubig.”—Ang Salita ng Diyos.B—Salamat sa Diyos.

Salmong Tugunan (Slm 145)

T—Kalul’wa ko, ’yong purihin ang Panginoong butihin.

1. Ang maaasahang lagi’y Pangi-noon,/ panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,/ may pagkaing handa, sa nangagugutom. (T)

2. Pinalaya niya ang mga na-bihag;/ isinasauli, paningin ng bulag;/ lahat ng inapi ay itinataas,/ ang mga hinirang niya’y nililingap. (T)

3. Isinasanggalang ang mga dayuhang/ sa lupain nila’y doon tumatahan;/ tumutulong siya sa balo’t ulila,/ masamang balangkas pinipigil niya. (T)

4. Walang hanggang hari, ang Diyos na Poon!/ Nabubuhay lagi ang Diyos mo, Sion! (T)

Ikalawang Pagbasa (Sant 2:1–5)

Dahil sa pananampalataya natin kay Kristo, may inaasahang pagbabago sa pakikitungo natin sa ating kapwa. Tatanggapin natin ang kapwa—dukha man o mayaman—bilang kapatid kay Hesukristo.Pagbasa mula sa sulat ni Apostol Santiago

MGA KAPATID, bilang sumasam-

Gloria

Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

Pambungad na Panalangin

P—Manalangin tayo (Tumahimik)Ama naming makapangyari-

han, kaming mga tinubos mo at kinupkop ay tunghayan mo nga-yon sa iyong kagandahang-loob upang sa pagsampalataya sa Anak mong si Kristo makamtan ang kalayaan at pamana sa piling mo sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.B—Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOSUnang Pagbasa (Is 35:4–7a) (Umupo)

Inilalarawan ni propeta Isaias ang pagbabalik ng Israel mula sa pagkakatapon bilang pagpapagaling sa mga karamdaman ng tao at ng kalikasan. Diyos ang may akda ng bawat pagliligtas.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

ITO ang sabihin sa pinanghi-hinaan ng loob: “Huwag kang matakot, lakasan mo ang iyong loob, darating na ang Panginoong Diyos, at ililigtas ka

PASIMULAAntipona sa Pagpasok (Slm 119:137, 124)(Basahin kung walang pambungad na awit.)

Ikaw ay tama at banal sa tapat mong kautusan, Panginoong aming mahal. Kami’y iyong pag-ukulan ng lugod mo’t kasiyahan.

Pagbati(Gawin dito ang tanda ng krus.)

P—Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.B—At sumainyo rin.

Paunang Salita(Maaaring gamitin ito o kahalintulad na pahayag.)

P—Sa Ebanghelyo, binuksan ng Panginoong Hesukristo ang bibig at tainga ng lalaking utal at bingi. Si Hesukristo ang Mukha ng Awa ng Diyos. Hilingin natin na habang pinagagaling niya tayo mula sa mga sakit na pisikal at espirituwal, matutunan din nating maging mga mukha ng Awa ng Diyos at sa gayo’y maging mga tanda tayo sa ating kapwa ng Kaharian ng Diyos.

Pagsisisi

P—Mga kapatid, tinipon tayo bilang mga kaanib ng angkan ng Diyos kaya dumulog tayo sa maawaing Panginoong nagpapatawad nang lubos. (Tumahimik)

P—Sinugong Tagapagpagaling sa mga nagsisisi: Panginoon, kaawaan mo kami.B—Panginoon, kaawaan mo kami.P—Dumating na Tagapag-anyayang mga makasalana’y magsisi: Kristo, kaawaan mo kami.B—Kristo, kaawaan mo kami.P—Nakaluklok ka sa kanan ng Diyos Ama para ipamagitan kami: Panginoon, kaawaan mo kami.B—Panginoon, kaawaan mo kami.

P—Kaawaan tayo ng makapang-yarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.B—Amen.

E. C. Marfori

3

5

ngiPaang

ti hin.bu

hin

ong

ri

no

pu'yongko,lu l'waKa

F

C

FsusC

Gm

F

DFC7

Page 3: Kailan ka Magsasalita?

pagmumulat sa pagkabulag ng mundo. Manalangin tayo: (T)

L—Buksan nawa ng mga pinuno ng ating pamahalaan ang kanilang puso’t isipan upang mabigyang pansin ang mga mahihirap gayundin ang panaghoy ng inang kalikasan. Manalangin tayo: (T)

L—Maging bukas nawa ang puso ng bawat Kristiyano na lumapit sa Diyos sa pama-magitan ng Sakramento ng Kumpisal upang makasumpong ng paggaling at kapatawaran. Manalangin tayo: (T)

L— Maramdaman nawa ng mga taong nagdurusa hatid ng salot na hatid ng COVID-19 ang kagalingan at pagliligtas ng Diyos. Manalangin tayo: (T)

L—Salubungin nawa ng mga anghel at lahat ng mga Banal ang mga kapatid nating yumao sa kaharian ng Diyos. Manalangin tayo: (T)

L—Sa ilang sandali ng kata-himikan itaas natin sa Diyos ang ating personal na kahilingan gayundin ang mga taong lubos na nangangailangan ng ating panalang in (Tumahimik) . Manalangin tayo: (T)

P—Ama, hilumin mo ang iyong bayang dumudulog sa iyo. Madama nawa namin ang kagapanan ng iyong pagpapagaling upang makapamuhay kaming may sigla habang naglalakbay patungo sa iyo.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong anak mo at aming Panginoon.B—Amen.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNANPaghahain ng Alay (Tumayo)

P—Manalangin kayo...B—Tanggapin nawa ng Pangi-noon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapaki-nabangan at sa buong Samba-yanan niyang banal.

Panalangin ukol sa mga Alay

sila pinagba-bawalan ay lalo naman nilang ipinamamalita ito. Sila’y lubhang nanggilalas, at ang wika, “Anong buti ng lahat ng kanyang ginawa! Nakaririnig na ang bingi, at nakapagsasalita ang pipi!”

—Ang Mabuting Balita ng Panginoon.B—Pinupuri ka namin, Pangi-noong Hesukristo.

Homiliya (Umupo)

Pagpapahayagng Pananampalataya (Tumayo)

B—Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat, nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao, nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Panalangin ng Bayan

P—Dumulog tayo ng kagalingan sa mapagpagaling na kamay ng Diyos. Buksan nawa niya ang ating puso’t isipan upang sa ating paggaling, magsilbi rin tayong kagalingan para sa ating kapwa lalung-lalo na sa mga nangangailangan. Idalangin natin:

T—Ama namin, hilumin mo kami.

L—Magsilbi nawang instru-mento ng pagpapagaling ang mga pinuno ng ating Simbahan sa pamamagi tan ng mga mabubuting gawang maka-

palataya sa ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Pangi-noon, huwag kayong magtatangi ng tao. Halimbawa: pumasok sa inyong kapulungan ang isang lalaking nakasingsing ng ginto at nakadamit nang magara, at isa namang dukha na panay sulsi ang damit. Kung asikasuhin ninyong mabuti yaong magara ang damit at sabihin sa kanya, “Dito kayo maupo,” at sabihin naman sa dukha, “Tumayo ka na lang diyan,” o kaya’y, “Sa sahig ka na lang maupo,” nagtatangi na kayo at humahatol nang mali.Tingnan ninyo, mga kapatid kong minamahal! Hinirang ng Diyos ang mga dukha sa sanli-butan upang maging mayaman sa pananampalataya at maging kasama sa kahariang ipinangako niya sa mga umiibig sa kanya.

—Ang Salita ng Diyos.B—Salamat sa Diyos.

Aleluya (Tumayo)

B—Aleluya! Aleluya! Ipinanga-ral ni Hesus ang paghahari ng Diyos. Sakit ay kanyang gina-mot. Aleluya! Aleluya!

Mabuting Balita (Mc 7:31–37)

P—Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos.B—Papuri sa iyo, Panginoon.

NOONG panahong iyon, pagba-balik ni Hesus mula sa lupain ng Tiro, dumaan siya sa Sidon, at nagtuloy sa Lawa ng Galilea, matapos tahakin ang lupain ng Decapolis. Dinala sa kanya ang isang lalaking bingi at utal at ipinamanhik nila na ipatong sa taong ito ang kanyang kamay. Inilayo muna siya ni Hesus sa karamihan, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura at hinipo ang dila nito. Tumingala si Hesus sa langit at nagbuntong-hininga, at sinabi sa tao, “Effata,” ibig sabi-hi’y “Mabuksan!” At naka-rinig na ito, nawala ang pagkautal at nakapagsalita na nang malinaw. Sinabi ni Hesus sa mga tao na huwag ibalita ito kaninuman; ngu-nit kung kailan

Page 4: Kailan ka Magsasalita?

tagan ng Diyos ang inyong pananampalataya na nasasalig sa kanyang pagmamahal upang mamalagi kayong nagsisikap gumawa ng kabutihan ngayon at magpasawalang hanggan. B—Amen.

P—Patnubayan nawa ng Diyos ang inyong paglakad sa daang hahantong sa kanya upang inyong taluntunin ang landas ng pag-ibig at kapayapaang walang hanggan. B—Amen.

P — Pa g p a l a i n k a y o n g makapang yarihang Diyos, Ama at Anak (†) at Espiritu Santo.B—Amen.Pangwakas

P—Tapos na ang Misa. Humayo kayong taglay ang pag-ibig upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.B—Salamat sa Diyos.

PAKIKINABANGAma NaminB—Ama namin...P—Hinihiling naming...B—Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapu-rihan magpakailanman! Amen.

Pagbati ng Kapayapaan

Paanyaya sa Pakikinabang(Lumuhod)

P—Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.B—Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatulóy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Antipona sa Komunyon (Slm 41:2–3)

Kami’y usang nauuhaw sa tubig na nasa bukal, ika’y pinanana-bikan, Diyos naming minama-hal, tubig kang buhay ang alay.

Panalangin Pagkapakinabang (Tumayo)

P—Manalangin tayo. (Tumahimik)Ama naming mapagmahal,

kaming pinapagsalo mo sa iyong salita at piging na banal ay iyong pinalalakas at iyong binubuhay. Pagindapatin mong kami’y maka-pakinabang sa buhay ng iyong Anak na para sa ami’y sarili niya ang alay bilang aming Taga-pamagitan kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.B—Amen.

PAGTATAPOSP—Sumainyo ang Panginoon.B—At sumaiyo rin.

Pagbabasbas

P—Magsiyuko kayo at hingin ang pagpapala ng Diyos. (Tumahimik)

Gawaran nawa kayo ng pagpapa la ng maawaing Diyos upang lagi ninyong mapahalagahan ang kanyang karunungang nagdudulot ng kaligtasang walang hanggan. B—Amen.

P—Gawaran nawa ng kata-

P—Ama naming Lumikha, ikaw ang gumagawa ng wagas na katapatan at kapayapaan. Ipagkaloob mong ang iyong kadakilaan ay aming handugan ng iyong minamarapat na aming maialay at nawa’y magkaisa kami sa pakikinabang sa banal na paghahaing ngayo’y ipinagdiriwang sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.B—Amen.

Prepasyo Karaniwang Panahon III

P—Sumainyo ang Panginoon.B—At sumaiyo rin.P—Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.B—Itinaas na namin sa Panginoon.P—Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.B—Marapat na siya ay pasala-matan.

P—Ama naming makapangya-rihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan.

Sa iyong kagandahang-loob kami’y iyong ibinukod upang iyong maitampok sa kadakilaan mong lubos. Kahit na ikaw ay aming tinalikdan dahil sa aming pagkasalawahan, gumawa ka pa rin ng magandang paraang may manguna sa amin para ikaw ay balikan. Kaya’t ang iyong mina-mahal na Anak ay naging isa sa mga taong hamak upang may kapwa kaming makapagligtas sa aming pagkapahamak at pagka-ligaw ng landas.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:B—Santo, Santo, Santo Pangi-noong Diyos ng mga Hukbo napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo Osana sa kaitaasan. Pinagpala ang napa-ririto sa ngalan ng Panginoon Osana sa kaitaasan! (Lumuhod)

Pagbubunyi (Tumayo)

B—Aming ipinahahayag na namatay ang ‘yong Anak, nabuhay bilang Mesiyas at magbabalik sa wakas para mahayag sa lahat.

DO YOU WANT TO SUBSCRIBE TO

SAMBUHAY DIGITAL MISSALETTE?

For inquiries and orders:

Facebook

gmail

Telephone

Sambuhay Missalette

[email protected]

(02) 8895-9701

BE A PRIEST OR

A BROTHER OF

MASS MEDIA

If you are a Grade 12 student, a college student, or a young

professional, male, single, and interested to become

a priest or a brother involved in the apostolate of social communication, we invite you to journey

with us.

Visit our websites:ssp.ph or stpauls.phTel: (02) 8895-9701