5
KABANATA V Lagom, Konklusyon at Rekomedasyon Pagkatapos makuha ang lahat ng datos tungkol sa pag- aaral, gumamit ang mga mananaliksik ng pormula kung saan ang ginamit sa pagsususri at interpretasyon ay ang pagbibilang, pagbabahagdan at pagraranggo. Lagom Ang pagsasaliksik na ito ay nakatuon upang ipaunawa sa mga negosyante atbb kung ano nga ba ang business networking, ang advantages at disadvantages ng pagpartisipa dito. Nabuo ang pananaliksik nito batay sa opinyon ng mga estudyante, impormasyon mula sa internet at mga aklat. Batay sapag- aaral na isinagawa ng mga mananaliksik, natuklasan ang mga sumusunod: A. Karamihan sa mga estudyante ay may alam tungkol sa “networking”, ito ay may porsyento na 41.86%. 34.88% ang nagsabing mayroon silang kaunting alam sa nasabing usapin.

Kabanata V

  • Upload
    dwayne

  • View
    32

  • Download
    4

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Lagom

Citation preview

Page 1: Kabanata V

KABANATA V

Lagom, Konklusyon at Rekomedasyon

Pagkatapos makuha ang lahat ng datos tungkol sa pag-aaral, gumamit ang mga

mananaliksik ng pormula kung saan ang ginamit sa pagsususri at interpretasyon ay ang

pagbibilang, pagbabahagdan at pagraranggo.

Lagom

Ang pagsasaliksik na ito ay nakatuon upang ipaunawa sa mga negosyante atbb

kung ano nga ba ang business networking, ang advantages at disadvantages ng

pagpartisipa dito. Nabuo ang pananaliksik nito batay sa opinyon ng mga estudyante,

impormasyon mula sa internet at mga aklat. Batay sapag-aaral na isinagawa ng mga

mananaliksik, natuklasan ang mga sumusunod:

A. Karamihan sa mga estudyante ay may alam tungkol sa “networking”, ito ay may

porsyento na 41.86%. 34.88% ang nagsabing mayroon silang kaunting alam sa nasabing

usapin. Samantalang, 23.26% naman ang nagsabing wala silang ideya tungkol dito.

B. 32.56% ang nagsabing minsan na silang naaya sa “networking” at 67.44% naman ang

hindi pa kahit minsan naaya sa “networking”

C. 41.86% ng mga estudyante ang nagsabing payag silang sumali sa”networking”

business. Habang 58.14% naman ang tumanggi.

Page 2: Kabanata V

D. 70.73%ang nagsabing may maaaring masamang dulot ang pakikilahok dito. 29.27%

naman ang nagsabing walang masaman maidudulot ang pagsali dito.

E. 36.84% ang nagsabing, ang “networking ” ay isang uri ng panloloko. 63.16% naman

ang hindi sumang-ayon.

F. Nang tinanong kung bakit marami ang hindi sang-ayon sa mga business networkers,

46.94% ang nagsabing “hindi totoo ang mga ipinapangako”, 22.45% ang nagsabing

“dahil sila’y nanloloko ng kapwa ”, 22.45% ang nagsabing “aksaya lamang ng pera”, at

8.16% naman ang nagsabi ng iba pang dahilan.

G. Nang tinanong kung sa palagay ba nilaano ang mabuting maidudulot ng networking,

16.67% ang nagsabing matututong humwak ng business, 16.67 % ang nagsabing

pagkakataong kumita, 11.90% ang nagsabing wala, habang 7.14% ang nagsabing extra

income at nagdedevelop sa self-confidence.

H. Nang tanungin kung bakit maraming naiingganyo sa networking, 14.28% ang

nagsabing mabilis yumaman, 11.90% para sa pera, 7.14% naman ang nagsabing dahil

maaring yumaman.

I. 30.23% ang nagsabing uunlad sila sa networking, 30.23% ang nagsabi ng hindi, at

11.63% naman ang nagsabing depende sa sitwasyon.

J. Nang tanungin bilang isang estudyante, nakikita ba nila ang sarili nila sa hinaharap na

nakikipagpartisipa sa networking, 80.95% ang nagsabing hindi, 9.52% ang nagsabing oo.

Konklusyon

Page 3: Kabanata V

Batay sa mga natuklasan, nabuo ang sumusunod na konklusyon:

1. Iilan na lamang na mga estudyante ang hindi pa nakakalam sa konsepto ng

Networking. Ayon sa datos ng mga mananaliksik, mas marami ang hindi papaya na

sumali sa mga networking business.

2. Mas marami ang nagtitiwala sa networking kaysa nag –iisip na ito ay paraan ng

panloloko sa kapwa. Mas marami naman ang nag iisip na ang pakikiisa rito ay mayroong

masama dulot kaysa nagiisip na ito ay walang masamang epekto. Maraming naniniwala

na “dahil hindi totoo ang mga pangako” ang dahilan kung bakit marami ang hindi sang-

ayon sa business networker.

3. Mas maunti ang bahagdan ng respondents ang minsan ng naaya sa networking

kaysa sa mga hindi pa naaaya.

4. Marami ang naniniwala na matututong humawak ng negosyo ay mabuting

naidudulot ng networking. Mabilis yumaman ang nakikitang dahilan ng respondents kung

bakit maraming naiingganyo sa networking. Pantay naman ang bahagdan ang

nagsasabing uunlad sila sa networking at hindi sila uunlad sa networking.

5. Higit na marami ang nagsabing hindi nila nakikita ang kanilang sarili na

nakikipagpartisipa sa networking.

Rekomendasyon

1. Linangin ang kaalaman ukol sa Networking. Ibahagi ang nalalaman sa iyong

mga kasama sa bahay, mga kaibigan, atbp.

Page 4: Kabanata V

2. Alamin kung ang networking business na balak na salihan ay ligal at hindi

isang uri ng scam.

3. Gumawa ng isang research background sa kumpanya upang makasigurong

hindi ito pangloloko lamang.

4. Huwag matakot na magtiwala sa mga networking business ngunit piliin at

suriin ng mabuti ang mga business na nais lahukan.