7
Kabanata 5 Ang “Bagong Tipan”—Kasaysayan o Alamat? “Ang Bagong Tipan ay maituturing na aklat na pinag-ukulan ng pinakamasusing pagsisiyasat sa pandaigdig na panitikan.” Ito ang sinabi ni Hans Küng sa kaniyang aklat na “On Being a Christian.” At tama siya. Sa nakalipas na 300 taon, higit kaysa pagsisiyasat lamang ang iniukol sa mga Kristiyanong Griyegong Kasulatan. Walang babasahin ang lubusang hinimay at sinuri sa kaliitliitang deltaye na gaya nito. LUBHANG kakatwa ang mga konklusyon na ginawa ng ilang tagapagsiyasat. Noong ika-19 na siglo, ipinasiya ni Ludwig Noack ng Alemanya na ang Ebanghelyo ni Juan ay isinulat noong 60 C.E. ng minamahal na alagad—na, ayon kay Noack, ay si Judas mismo! Iminungkahi ng Pranses na si Joseph Ernest Renan na malamang ang pagkabuhay-na-muli ni Lazaro ay isang panlilinlang na isinaayos ni Lazaro upang suhayan ang pag-aangkin ni Jesus na siya’y gumagawa ng mga kababalaghan, samantalang ipinagpilitan naman ng Alemang teologo na si Gustav Volkmar na ang Jesus sa kasaysayan ay malamang na hindi nagpakilala bilang Mesiyas. 1 2 Sa kabilang dako, sinabi ni Bruno Bauer na si Jesus ay hindi kailanman umiral! “Iginiit niya na ang talagang nagtaguyod ng sinaunang Kristiyanismo ay sina Philo, Seneca, at ang mga Gnostiko. Nang dakong huli sinabi niya na hindi kailanman nagkaroon ng Jesus sa kasaysayan . . . na naganap ang pasimula ng relihiyong Kristiyano noong dakong huli ng ikalawang siglo mula sa isang anyo ng Judaismo na kung saan ay nangunguna ang mga Estoico. 2 3 Sa ngayon, bihira na ang may ganitong paniwala. Subali’t kung babasahin ninyo ang isinulat ng makabagong mga iskolar, matutuklasan ninyo na marami pa rin ang naniniwala na ang mga Kristiyanong Griyegong Kasulatan ay naglalaman ng alamat, mitolohiya, at labis-labis na paglalarawan. Totoo ba ito? Kailan Nasulat ang mga Ito? 4 Panahon ang kailangan sa pagbuo ng mga alamat at mitolohiya. Kaya dapat itanong, Kailan nasulat ang mga aklat na ito? Sinabi ni Michael Grant, isang mananalaysay, na ang makasaysayang ulat ng mga Kristiyanong Griyegong Kasulatan ay nagsimula “tatlumpu o apatnapung taon pagkamatay ni Jesus.” Si C. C. Torrey ay sinipi ng maka-biblikong arkeologo na si William Foxwell 4 Albright nang ipasiya niya na “ang mga Ebanghelyo ay isinulat bago ang 70 A.D. at lahat ng ito ay naisulat sa loob ng dalawampung taon pagkaraan ng Pagpapako-sa-krus.” Sa opinyon ni Albright ang pagsulat ay natapos “hindi lalampas sa 80 A.D.” Medyo naiiba ang pagtantiya ng iba, subali’t karamihan ay sumasang-ayon na ang “Bagong Tipan” ay natapos sa dulo ng unang siglo. 5 Ano ang kahulugan nito? Nagpasiya si Albright: “Masasabi natin na ang dalawampu hanggang limampung taon ay napakaigsi upang gawin ang anomang kapunapunang pagpilipit sa mahalagang nilalaman at ispesipikong pananalita ng mga kasabihan ni Jesus.” Idinagdag ni Propesor Gary 5 Habermas: “Ang mga Ebanghelyo ay napakalapit sa panahon ng pinangyarihan, samantalang ang sinaunang mga kasaysayan ay malimit mag-ulat ng mga pangyayaring naganap maraming siglo ang patiuna. Subali’t, ang makabagong mga mananalaysay ay humahalaw ng mga pangyayari maging sa napakaagang mga yugtong ito ng panahon.” 6 6 Sa ibang salita, ang makasaysayang mga bahagi ng mga Kristiyanong Griyegong Kasulatan ay dapat paniwalaan na gaya din ng sekular na mga kasaysayan. Sa mga taon na namagitan sa mga pangyayari sa sinaunang Kristiyanismo at sa pagkakasulat sa mga ito, tiyak na ang mga alamat at kathang-isip ay walang pagkakataon na makasingit at maging kapanipaniwala. Patotoo ng mga Mismong Nakasaksi 7 Totoo ito sapagka’t marami sa mga ulat ay naglalaman ng patotoo ng mga mismong nakasaksi. Sinabi ng manunulat ng Ebanghelyo ni Juan: “Ito ang alagad [ang alagad na minahal ni Jesus] na nagpapatotoo at sumulat ng mga bagay na ito.” (Juan 21:24) Sinasabi ng manunulat ng aklat ni Lucas: “Sila na sa pasimula ay naging mga saksing nakakita at mga tagapaglingkod ng salita ang siyang naghatid sa atin nito.” (Lucas 1:2) Si apostol Pablo ay nagsabi tungkol sa mga nakasaksi sa pagkabuhay-na-muli ni Jesus: “Karamihan [sa mga ito] ay nangabubuhay hanggang ngayon, datapwa’t 1 gm kab. 5 p. 55-70 Ang “Bagong Tipan”—Kasaysayan o Alamat?

Kabanata 5 Kasaysayan o Alamat

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Kabanata 5 Kasaysayan o Alamat

Citation preview

Page 1: Kabanata 5 Kasaysayan o Alamat

Kabanata 5Ang “Bagong Tipan”—Kasaysayan o Alamat?

“Ang Bagong Tipan ay maituturing na aklat na pinag-ukulan ng pinakamasusingpagsisiyasat sa pandaigdig na panitikan.” Ito ang sinabi ni Hans Küng sa kaniyang aklatna “On Being a Christian.” At tama siya. Sa nakalipas na 300 taon, higit kaysapagsisiyasat lamang ang iniukol sa mga Kristiyanong Griyegong Kasulatan. Walangbabasahin ang lubusang hinimay at sinuri sa kaliitliitang deltaye na gaya nito.

LUBHANG kakatwa ang mga konklusyon na ginawa ng ilang tagapagsiyasat. Noong ika-19 nasiglo, ipinasiya ni Ludwig Noack ng Alemanya na ang Ebanghelyo ni Juan ay isinulat noong 60 C.E.ng minamahal na alagad—na, ayon kay Noack, ay si Judas mismo! Iminungkahi ng Pranses na siJoseph Ernest Renan na malamang ang pagkabuhay-na-muli ni Lazaro ay isang panlilinlang naisinaayos ni Lazaro upang suhayan ang pag-aangkin ni Jesus na siya’y gumagawa ng mgakababalaghan, samantalang ipinagpilitan naman ng Alemang teologo na si Gustav Volkmar na angJesus sa kasaysayan ay malamang na hindi nagpakilala bilang Mesiyas.1

2 Sa kabilang dako, sinabi ni Bruno Bauer na si Jesus ay hindi kailanman umiral! “Iginiit niya naang talagang nagtaguyod ng sinaunang Kristiyanismo ay sina Philo, Seneca, at ang mga Gnostiko.Nang dakong huli sinabi niya na hindi kailanman nagkaroon ng Jesus sa kasaysayan . . . nanaganap ang pasimula ng relihiyong Kristiyano noong dakong huli ng ikalawang siglo mula sa isanganyo ng Judaismo na kung saan ay nangunguna ang mga Estoico.2

3 Sa ngayon, bihira na ang may ganitong paniwala. Subali’t kung babasahin ninyo ang isinulat ngmakabagong mga iskolar, matutuklasan ninyo na marami pa rin ang naniniwala na ang mgaKristiyanong Griyegong Kasulatan ay naglalaman ng alamat, mitolohiya, at labis-labis na paglalarawan.Totoo ba ito?

Kailan Nasulat ang mga Ito?

4 Panahon ang kailangan sa pagbuo ng mga alamat at mitolohiya. Kaya dapat itanong, Kailannasulat ang mga aklat na ito? Sinabi ni Michael Grant, isang mananalaysay, na ang makasaysayangulat ng mga Kristiyanong Griyegong Kasulatan ay nagsimula “tatlumpu o apatnapung taonpagkamatay ni Jesus.” Si C. C. Torrey ay sinipi ng maka-biblikong arkeologo na si William Foxwell4

Albright nang ipasiya niya na “ang mga Ebanghelyo ay isinulat bago ang 70 A.D. at lahat ng ito aynaisulat sa loob ng dalawampung taon pagkaraan ng Pagpapako-sa-krus.” Sa opinyon ni Albright angpagsulat ay natapos “hindi lalampas sa 80 A.D.” Medyo naiiba ang pagtantiya ng iba, subali’tkaramihan ay sumasang-ayon na ang “Bagong Tipan” ay natapos sa dulo ng unang siglo.

5 Ano ang kahulugan nito? Nagpasiya si Albright: “Masasabi natin na ang dalawampu hangganglimampung taon ay napakaigsi upang gawin ang anomang kapunapunang pagpilipit sa mahalagangnilalaman at ispesipikong pananalita ng mga kasabihan ni Jesus.” Idinagdag ni Propesor Gary5

Habermas: “Ang mga Ebanghelyo ay napakalapit sa panahon ng pinangyarihan, samantalang angsinaunang mga kasaysayan ay malimit mag-ulat ng mga pangyayaring naganap maraming siglo angpatiuna. Subali’t, ang makabagong mga mananalaysay ay humahalaw ng mga pangyayari maging sanapakaagang mga yugtong ito ng panahon.”6

6 Sa ibang salita, ang makasaysayang mga bahagi ng mga Kristiyanong Griyegong Kasulatan aydapat paniwalaan na gaya din ng sekular na mga kasaysayan. Sa mga taon na namagitan sa mgapangyayari sa sinaunang Kristiyanismo at sa pagkakasulat sa mga ito, tiyak na ang mga alamat atkathang-isip ay walang pagkakataon na makasingit at maging kapanipaniwala.

Patotoo ng mga Mismong Nakasaksi

7 Totoo ito sapagka’t marami sa mga ulat ay naglalaman ng patotoo ng mga mismong nakasaksi.Sinabi ng manunulat ng Ebanghelyo ni Juan: “Ito ang alagad [ang alagad na minahal ni Jesus] nanagpapatotoo at sumulat ng mga bagay na ito.” (Juan 21:24) Sinasabi ng manunulat ng aklat niLucas: “Sila na sa pasimula ay naging mga saksing nakakita at mga tagapaglingkod ng salita angsiyang naghatid sa atin nito.” (Lucas 1:2) Si apostol Pablo ay nagsabi tungkol sa mga nakasaksi sapagkabuhay-na-muli ni Jesus: “Karamihan [sa mga ito] ay nangabubuhay hanggang ngayon, datapwa’t

1gm kab. 5 p. 55-70 Ang “Bagong Tipan”—Kasaysayan o Alamat?

Page 2: Kabanata 5 Kasaysayan o Alamat

ang mga iba’y nangatulog na sa kamatayan.”—1 Corinto 15:6.

8 Kaugnay nito, si Propesor F. F. Bruce ay gumawa ng matalas na obserbasyon: “Hindi madali naimbentuhin ang mga salita at ginawa ni Jesus sa maagang panahong yaon, gaya ng inaakala ngilang manunulat, palibhasa’y nabubuhay pa ang marami sa Kaniyang mga alagad, at maaalaala panila kung ano ang nangyari at kung ano ang hindi. . . . Hindi magsasapalaran ang mga alagad samga kamalian (huwag nang sabihin pa ang kusang pagpilipit sa mga katotohanan), na kagyat namaibubunyag niyaong mga nasasabik gumawa nito. Sa kabaligtaran, isa sa pinakamatibay nakatangian ng pangangaral ng mga apostol ay ang may-tiwalang panawagan sa nalalaman ng mgatagapakinig; hindi lamang nila sinabing, ‘Mga saksi kami sa mga bagay na ito,’ kundi, ‘Gaya rin ngnalalaman ninyo’ (Gawa 2:22).”7

Mapagkakatiwalaan ba ang Teksto?

9 Posible kaya na ang patotoo ng mga nakasaksing ito ay wastong naisulat subali’t nang maglaonito ay napilipit? Sa ibang salita, naisingit kaya ang mga alamat at kathang-isip pagkaraan ng orihinalna pagsulat? Nakita na natin na ang teksto ng mga Kristiyanong Griyegong Kasulatan ay nasa masmabuting kondisyon kaysa sa alinmang sinaunang babasahin. Sina Kurt at Barbara Aland, mgaiskolar ng tekstong Griyego ng Bibliya, ay nagtatala ng halos 5,000 sinaunang manuskrito nanananatili pa hanggang sa ngayon, at ang iba rito ay kasing-aga ng ikalawang siglo C.E. Ang8

ga-bundok na ebidensiyang ito ay patotoo na ang teksto ay talagang maaasahan. Karagdagan pa,maraming matatandang salin—ang pinakamaaga ay sa taong 180 C.E.—ay nagpapatunay rin na angteksto ay wasto.9

10 Kaya, ano man ang sabihin, ang mga alamat at kathang-isip ay tiyak na hindi nakasingit samga Kristiyanong Griyegong Kasulatan pagkatapos ng orihinal na pagsulat. Ang tekstong taglay natinay kahawig-na-kahawig niyaong sa orihinal at ang kawastuan nito ay tinitiyak ng pagtanggap dito ngmga Kristiyano noon. Kaya, masusuri ba natin ang pagiging makasaysayan ng Bibliya kungihahambing ito sa ibang matatandang kasaysayan? Sa isang paraan ay, oo.

Ang Ebidensiya ng mga Dokumento

11 Ang totoo bukod sa Bibliya, ay limitado ang ebidensiya ng mga dokumento sa mga pangyayari,sa buhay ni Jesus at ng kaniyang mga apostol. Ito ang dapat asahan, yamang noong unang siglo,ang mga Kristiyano ay isa lamang maliit na grupo at hindi nakilahok sa politika. Subali’t angebidensiya na inilalaan ng sekular na kasaysayan ay sumasang-ayon sa mababasa natin sa Bibliya.

12 Halimbawa, sinabi ng Judiong mananalaysay na si Josephus noong 93 C.E., matapos danasinni Herodes Antipas ang kahiyahiyang pagkatalo sa digmaan: “Para sa ilang Judio ang pagkalipol nghukbo ni Herodes ay paghihiganti ng diyos, at isang makatarungang paghihiganti, dahil sa pagtratoniya kay Juan, na pinangalanang Bautista. Ipinapatay siya ni Herodes, bagaman mabuti siyang tao athumimok sa mga Judio na mamuhay nang matuwid, magpamalas ng katarungan sa kanilang kapuwaat ng kabanalan sa Diyos.” Kaya pinatunayan ni Josephus ang ulat ng Bibliya na si Juan na10

Tagapagbautismo ay isang matuwid na tao na nangaral ng pagsisisi at na pinatay ni Herodes.—Mateo 3:1-12; 14:11.

13 Binabanggit din ni Josephus si Santiago, kapatid ni Jesus sa ina, na, ayon sa Bibliya, ay hindisumunod kay Jesus sa pasimula subali’t nang maglaon ay naging isang prominenteng matanda saJerusalem. (Juan 7:3-5; Galacia 1:18, 19) Iniulat niya ang pagdakip kay Santiago: “Pinulong [ngmataas na saserdoteng si Ananus] ang mga hukom ng Sanhedrin at iniharap sa kanila si Santiago,kapatid ni Jesus na kung tawagi’y Kristo, at ilang iba pa.” Sa mga salitang ito, nagbibigay11

si Josephus ng karagdagang katiyakan na si “Jesus, na kung tawagi’y Kristo” ay tunay,makasaysayang persona.

14 Ang ibang sinaunang manunulat ay tumukoy rin sa mga bagay na binabanggit sa mgaGriyegong Kasulatan. Halimbawa, sinasabi ng mga Ebanghelyo na marami ang tumanggap sapangangaral ni Jesus sa paligid ng Palestina. Nang hatulan siya ni Poncio Pilato ng kamatayan, angmga alagad ay nalito at nasiraan ng loob. Di nagtagal, pinalaganap sa Jerusalem ng magigiting namga alagad ang balita na ang Panginoon ay binuhay-nang-muli. Sa iilang taon lamang, angKristiyanismo ay lumaganap na sa buong Imperyo ng Roma.—Mateo 4:25; 26:31; 27:24-26; Gawa 2:23, 24, 36; 5:28; 17:6.

2gm kab. 5 p. 55-70 Ang “Bagong Tipan”—Kasaysayan o Alamat?

Page 3: Kabanata 5 Kasaysayan o Alamat

15 Ang patotoo rito ay galing sa Romanong mananalaysay na si Tacito, isang kaaway ngKristiyanismo. Nang sumulat siya karakarakang matapos ang 100 C.E., ay iniulat niya ang malupit napag-uusig ni Nero sa mga Kristiyano at nagsabi pa: “Si Kristo, na nagtatag ng pangalan, aytumanggap ng kamatayan noong panahon ni Tiberio, salig sa hatol ng prokurador na si Poncio Pilato,kaya’t ang mapanganib na sali’t-saling sabi ay pansamantalang nasugpo, subali’t muling lumaganap,hindi lamang sa Judea, na pugad ng salot na ito, kundi sa mismong kabisera [Roma].”12

16 Sa Gawa 18:2 binabanggit ng Bibliya na “ipinag-utos ni [Romanong emperador] Claudio namagsialis sa Roma ang lahat ng mga Judio.” Binabanggit din ng ikalawang-siglong Romanongmananalaysay na si Suetonio ang utos na ito. Sa kaniyang ay ganito angThe Deified Claudius,isinulat niya: “Palibhasa ang mga Judio ay palagiang nanliligalig dala ng panunulsol ni Chrestus, silaay pinalayas niya [ni Claudio] mula sa Roma.” Kung ang Chrestus na ito ay si Jesu-Kristo at kung13

ang mga pangyayari sa Roma ay kahawig niyaong sa ibang lunsod, tiyak na ang mga pang-uumogay hindi talaga bunga ng panunulsol ni Kristo (alalaong baga’y ng mga alagad niya). Sa halip ito’ymarahas na tugon ng mga Judio sa tapat na pangangaral ng mga Kristiyano.

17 Si Justin Martyr, na sumulat sa kalagitnaan ng ikalawang siglo, ay nagsabi tungkol sakamatayan ni Jesus: “Na naganap nga ang mga bagay na ito, ay matitiyak ninyo sa Mga Gawa niPoncio Pilato.” Bilang karagdagan, ayon kay Justin Martyr, ang mga himala ni Jesus ay binabanggit14

din ng mga ulat na ito, at tungkol dito’y nagsabi siya: “Na ginawa nga Niya ang mga bagay na ito, aymatututuhan ninyo sa Mga Gawa ni Poncio Pilato.” Totoo, hindi na umiiral ang “Mga Gawa,” o15

opisyal na mga ulat na ito. Subali’t talagang umiral ang mga ito noong ikalawang siglo, sapagka’tbuong-pagtitiwalang hinamon ni Justin Martyr ang kaniyang mga mambabasa na patunayan angpagiging totoo ng kaniyang sinabi.

Ang Ebidensiya ng Arkeolohiya

18 Ang arkeolohiya ay naglalarawan o nagpapatotoo rin sa mababasa natin sa mga GriyegongKasulatan. Kaya, noong 1961 ang pangalan ni Poncio Pilato ay natuklasan sa isang inskripsiyon samga kagibaan ng isang teatrong Romano sa Cesarea. Nang hindi pa ito natutuklasan, bukod sa16

Bibliya, ay kakaunti lamang ang ebidensiya hinggil sa pag-iral ng pinunong Romanong ito.

19 Sa Ebanghelyo ni Lucas, iniuulat na sinimulan ni Juan na Tagapagbautismo ang kaniyangministeryo “nang . . . si Lisanias ay pandistritong tagapamahala sa Abilinia.” (Lucas 3:1) Alinlanganang iba sa pangungusap na ito sapagka’t si Josephus ay may binanggit na Lisanias na namataynoong 34 B.C.E., matagal pa bago isilang si Juan. Gayumpaman, nahukay ng mga arkeologo angisang inskripsiyon sa Abilinia na bumabanggit sa isa pang Lisanias na tetrarka (pandistritongtagapamahala) noong panahon ni Tiberio, na nagpupuno bilang Cesar sa Roma nang simulan niJuan ang kaniyang ministeryo.” Malamang na ito ang Lisanias na tinutukoy ni Lucas.17

20 Sa Gawa ay mababasa natin na sina Pablo at Bernabe ay isinugo bilang mga misyonero saChipre at doo’y natagpuan nila ang proconsul na si Sergio Paulo, “isang lalaking matalino.” (Gawa13:7) Noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo, isang inskripsiyon na nagmula noong 55 C.E. angnahukay sa Chipre at binabanggit ang mismong taong ito. Tungkol dito, ay sinabi ng arkeologong siG. Ernest Wright: “Bukod sa Bibliya ay ito ang nag-iisang pagtukoy na umiiral hinggil sa proconsul naito at kasiyasiyang sabihin na wastong ibinibigay ni Lucas ang kaniyang pangalan at titulo.”18

21 Nang siya’y nasa Atenas, sinabi ni Pablo na napansin niya ang isang dambana na inialay “SaIsang Diyos na Hindi Kilala.” (Gawa 17:23) Sa maraming bahagi ng teritoryo ng Imperyong Romanoay natuklasan ang mga dambana na inialay sa wikang Latin sa di-kilalang mga diyos. Ang isa aynatuklasan sa Pergamo na may inskripsiyong Griyego, gaya marahil niyaong sa Atenas.

22 Nang maglaon, samantalang nasa Efeso, si Pablo ay marahas na sinalansang ng mgapanday-pilak, na ang hanapbuhay ay ang paggawa ng mga dambana at imahen ng diyosang siArtemis. Ang Efeso ay tinukoy na “tagapag-ingat ng templo ng dakilang Diana (Artemis).” (Gawa19:35) Kasuwato nito, maraming terra-cotta at marmol na figurine ni Artemis ang natuklasan sakinaroroonan ng sinaunang Efeso. Noong nakalipas na siglo, ay nahukay ang mismong mga labí ngmalaking templong iyon.

Ang Taginting ng Katotohanan

3gm kab. 5 p. 55-70 Ang “Bagong Tipan”—Kasaysayan o Alamat?

Page 4: Kabanata 5 Kasaysayan o Alamat

23 Kaya, ang kasaysayan at arkeolohiya ay naglalarawan, at madalas ding nagpapatunay, samakasaysayang mga elemento ng mga Griyegong Kasulatan. Subali’t, ang pinakamatibay pa ringebidensiya ay nasa sa mga aklat mismo. Kapag binabasa ito, hindi ito nakakahawig ng mga alamat.May taginting ito ng katotohanan.

24 Ang isa pang masasabi ay, napakaprangka nito. Isipin ang ulat tungkol kay Pedro. Detalyadoang ulat ng kaniyang pagkapahiya nang hindi siya makalakad sa ibabaw ng tubig. At sinabi pa niJesus sa pinagpipitaganang apostol na ito: “Lumagay ka sa likuran ko, Satanas!” (Mateo 14:28-31;16:23) Bukod dito, matapos na ipaggiitan na kahit na ang lahat ay tumalikod kay Jesus, hindi niyakailanman gagawin ito, si Pedro ay nakatulog sa kaniyang pagbabantay sa gabi at ipinagkaila panang makaitlo ang kaniyang Panginoon.—Mateo 26:31-35, 37-45, 73-75.

25 Nguni’t hindi lamang kay Pedrong mga pagkukulang ang nailantad. Hindi pinagtatakpan ngprangkang ulat ang pagtatalo ng mga apostol sa kung sino ang pinakadakila sa kanila. (Mateo 18:1;Marcos 9:34; Lucas 22:24) Ni hindi nito iniiwasang sabihin na si Jesus ay pinakiusapan ng ina ninaapostol Santiago at Juan na ibigay sa mga anak niya ang pinakapangunahing mga puwesto saKaharian. (Mateo 20:20-23) Ang “mainitang pagtatalo” nina Bernabe at Pablo ay buong-katapatan dingnakaulat.—Gawa 15:36-39.

26 Kapansinpansin din na sinasabi ng aklat ni Lucas na ang mga unang nakabalita sapagkabuhay-na-muli ni Jesus ay “ang mga babae, na nagsisama sa kaniya mula sa Galilea.” Ito’ykakatwang detalye sa lipunang pinangibabawan ng mga lalaki noong unang siglo. Kaya, ayon sa ulat,kung para sa mga apostol, ang pinag-uusapan ng mga babae ay “walang kabuluhan.” (Lucas 23:55–24:11. Kung hindi totoo ang kasaysayan sa mga Griyegong Kasulatan, malamang na ito’y inimbentolamang. Bakit iimbentuhin ng sinoman ang isang istorya na naglalarawan sa iginagalang na mgatauhan sa kahiyahiyang kalagayan? Hindi mapapalakip ang detalyeng ito kung hindi totoo.

Si Jesus—Isang Tunay na Persona

27 Batay sa paglalarawan sa kaniya sa Bibliya marami ang nagsasabing si Jesus ay isang ulirangkathang-isip. Subali’t sinabi ng mananalaysay na si Michael Grant: “Kung ang pamantayan naikinakapit sa ibang sinaunang babasahing makaysaysayan ay ikakapit din sa Bagong Tipan, na siyangnararapat, hindi natin matatanggihan ang pag-iral ni Jesus kung papaanong hindi natin tinatanggihanang pag-iral ng napakaraming paganong personahe na itinuturing nating tunay na makasaysayan.”19

28 Hindi lamang ang pag-iral ni Jesus kundi maging ang kaniyang personalidad ay naaaninaw saBibliya taglay ang tiyak na taginting ng katotohanan. Mahirap umimbento ng isang kakaibang tauhanat pagkatapos ay magharap ng isang di nababagong larawan tungkol sa kaniya sa isang buong aklat.Halos imposible na apat na iba’t-ibang manunulat ay sumulat tungkol sa iisang tauhan at makalikhapa rin ng magkakahawig na paglalarawan sa kaniya kung ang tauhang yaon ay hindi kailanmanumiral. Na iisa nga ang Jesus na inilalarawan sa apat na Ebanghelyo ay tunay na kapanipaniwalangebidensiya ng pagiging-totoo ng mga Ebanghelyo.

29 Sinisipi ni Michael Grant ang isang angkop na tanong: “Papaano nangyari na, sa buongtradisyon ng Ebanghelyo, walang pagtatangi, ay lumilitaw ang isang kapansinpansin at matingkad nalarawan ng isang makisig na binata na malayang nakikihalubilo sa iba’t-ibang babae, pati na sa mgamay masamang pangalan, nang walang anomang bakas ng pagpapadala sa emosyon,pagpapaimbabaw, o ng pagiging maselan, at sa bawa’t pagkakataon, ay nag-iingat ng payak atmarangal na pagkatao?” Ang tanging sagot ay na siya ay talagang umiral at kumilos sa paraan na20

sinasabi ng Bibliya.

Kung Bakit Hindi Sila Naniniwala

30 Yamang may di-maiiwasang katibayan sa pagiging makasaysayan ng mga Griyegong Kasulatan,bakit sinasabi ng iba na hindi gayon? Bakit kaya marami ang tumatanggap sa ilang bahagi nito,subali’t hindi lahat ng nilalaman nito? Sapagka’t pangunahin na, ang Bibliya ay naglalaman ng mgabagay na aayaw paniwalaan ng makabagong mga intelektuwal. Halimbawa, sinasabi nito na si Jesusay tumupad at bumigkas ng mga hula. Sinasabi din nito na siya ay gumawa ng mga kababalaghanat pagkamatay niya ay binuhay na muli.

31 Sa mapag-alinlangang ika-20 siglong ito, ang gayong mga bagay ay di kapanipaniwala. Hinggil

4gm kab. 5 p. 55-70 Ang “Bagong Tipan”—Kasaysayan o Alamat?

Page 5: Kabanata 5 Kasaysayan o Alamat

sa mga himala, ay sinabi ni Propesor Ezra P. Gould: “Nadadama ng ilang kritiko na isang pagtutolang buong-pagmamatuwid nilang magagawa . . . ”ang mga himala ay hindi talaga nangyayari. 21

Tinatanggap ng ilan na nakapagpagaling nga si Jesus, subali’t sa mga kasong psykosomatikolamang, ‘tagumpay ng isip laban sa materya.’ Ang iba pang kababalaghan, ay niwawalang-bahala ngkaramihan bilang mga kathang-isip o tunay na pangyayari na pinilipit sa pagsasalaysay.

32 Bilang halimbawa nito, isaalang-alang ang pagpapakain ni Jesus sa mahigit na 5,000 sapamamagitan lamang ng ilang tinapay at dalawang isda. (Mateo 14:14-22) Sinasabi ng ikalabinsiyamna siglong iskolar na si Heinrich Paulus na ganito ang talagang nangyari: Nakita ni Jesus na siya atang kaniyang mga apostol ay napaliligiran ng maraming taong nagugutom. Kaya naisip niya namagbigay ng mabuting halimbawa para sa mayayamang naroroon. Kinuha niya ang kaunting pagkainna dala niya at ng mga apostol at ipinamahagi ito sa karamihan. Di nagtagal, ang iba na may baonay sumunod sa kaniyang halimbawa at ipinamahagi rin ang dala nila. Sa wakas, lahat aynapakain.22

33 Kung ito nga ang nangyari, yao’y mariing katibayan ng bisa ng isang mabuting halimbawa. Bakitkailangan pang pilipitin ang isang kapanapanabik at makahulugang istorya at palitawin na ito ay isangdi pangkaraniwang himala? Oo, ang ganitong mga pagsisikap na waling-bahala ang pagigingkahangahanga ng himala ay lalo lamang lumilikha ng maraming problema kaysa maaaring lutasin. Atlahat ng ito ay nasasalig sa maling palagay. Ito ay ang na imposible ang mga himala.panghihinuhaNguni’t bakit dapat magkaganito?

34 Ayon sa pinakamakatuwirang mga pamantayan, ang mga Hebreo at Griyegong Kasulatan aykapuwa makasaysayan, at kapuwa naglalaman ng mga hula at kababalaghan. (Ihambing ang 2 Hari4:42-44.) Papaano, kung tunay ang mga hula? At papaano kung talaga ngang naganap ang mgahimala? Ang Diyos ay talaga ngang nasa likod ng pagsulat ng Bibliya, at tunay na ito’y kaniyangsalita, hindi sa tao. Sa isang susunod na kabanata, ay tatalakayin natin ang suliranin hinggil sa hula,subali’t isaalang-alang muna natin ang mga himala. Sa ika-20 siglo ba ay makatuwirang maniwala nanoong sinauna ay talaga ngang nagkaroon ng mga himala?

[Mga Tanong sa Aralin]

1, 2. (Ilakip ang pambungad.) (a)Ano ang naging pagtrato sa mga Kristiyanong Griyegong Kasulatansa nakalipas na 300 taon? (b) Anong mga kakatwang pasiya ang narating ng mga tagasaliksiksa Bibliya?

3. Anong opinyon hinggil sa Bibliya ang taglay pa rin ng marami?

4. (a) Bakit dapat malaman kung kailan isinulat ang mga aklat ng mga Kristiyanong GriyegongKasulatan? (b) Ano ang ilan sa mga opinyon hinggil sa panahon ng pagsulat ng mgaKristiyanong Griyegong Kasulatan?

5, 6. Ano ang dapat nating ipasiya mula sa bagay na ang mga Kristiyanong Griyegong Kasulatanay nasulat di nagtagal pagkaraan ng mga pangyayari na kanilang iniuulat?

7, 8. (a) Sino ang nabubuhay pa samantalang isinusulat at ipinamamahagi ang mga KristiyanongGriyegong Kasulatan? (b) Ano ang dapat nating ipasiya kasuwato ng komento ni PropesorF. F. Bruce?

9, 10. Kung tungkol sa mga Kristiyanong Griyegong Kasulatan, ano ang matitiyak natin?

11. Hanggang saan sinusuhayan ng panlabas na dokumentaryong ebidensiya ang makasaysayangulat ng mga Kristiyanong Griyegong Kasulatan?

12. Ano ang sinasabi ni Josephus hinggil kay Juan na Tagapagbautismo?

13. Papaano pinatutunayan ni Josephus ang pagiging makasaysayan ni Santiago at ni Jesus mismo?

14, 15. Papaano sinusuhayan ni Tacito ang ulat ng Bibliya?

16. Anong makasaysayang pangyayari na binabanggit sa Bibliya ang binabanggit din ni Suetonio?

17. Anong mga reperensiya na taglay ni Justin Martyr noong ikalawang siglo ang nagpapatotoo saulat ng Bibliya hinggil sa mga himala at kamatayan ni Jesus?

5gm kab. 5 p. 55-70 Ang “Bagong Tipan”—Kasaysayan o Alamat?

Page 6: Kabanata 5 Kasaysayan o Alamat

18. Anong patotoo ang ibinibigay ng arkeolohiya hinggil sa pag-iral ni Poncio Pilato?

19, 20. Sinong mga tauhan sa Bibliya na binabanggit ni Lucas (sa Lucas at sa Gawa) angpinatutunayan ng arkeolohiya?

21, 22. Anong mga relihiyosong kaugalian na nakaulat sa Bibliya ang pinatutunayan ng mga tuklassa arkeolohiya?

23, 24. (a) Saan natin masusumpungan ang pinakamatibay na patotoo hinggil sa katotohanan ngmga ulat ng mga Kristiyanong Griyegong Kasulatan? (b) Anong likas na katangian ng ulat ngBibliya ang nagpapatutunay sa pagiging totoo nito? Ilarawan.

25. Anong pagkukulang ng mga apostol ang prangkahang inilalantad ng mga manunulat ng Bibliya?

26. Anong detalye hinggil sa pagkabuhay-na-muli ni Jesus ang mapapalakip lamang kung ito nga aytotoo?

27. Papaano nagpapatotoo ang isang manananalaysay hinggil sa pag-iral ni Jesus?

28, 29. Bakit makahulugan ang paghaharap ng apat na Ebanghelyo ng nagkakaisang larawan hinggilsa pagkatao ni Jesus?

30, 31. Sa kabila ng katibayan bakit marami ang hindi tumatanggap sa pagiging makasaysayan ngmga Kristiyanong Griyegong Kasulatan?

32, 33. Papaano sinikap ng ilan na waling-bahala ang himala ni Jesus na pagpapakain sa malakingpulutong, nguni’t bakit ito hindi makatuwiran?

34. Kung ang Bibliya ay talagang naglalaman ng wastong hula at mga ulat hinggil sa tunay na mgahimala, ano ang pinatutunayan nito?

[ sa pahina 66]BlurbBakit iuulat ng Bibliya na ang pagkabuhay-na-muli ni Jesus ay unang natuklasan ng mga babaekung hindi ito talagang nangyari?

[Kahon sa pahina 56]Ang Makabagong Pagpuna ay Nasumpungang KulangBilang halimbawa ng kawalang-katiyakan ng makabagong pagpuna sa Bibliya, isaalang-alang ang

komento ni Raymond E. Brown hinggil sa Ebanghelyo ni Juan: “Noong katapusan ng nakaraang sigloat sa pa imula ng siglong ito, ang mga iskolar ay nagkaroon ng malubhang pag-aalinlangan hinggilssa Ebanghelyong ito. Ang Juan ay binigyan ng napakaatrasadong petsa, hanggang sa hulingkalahatian ng ika-2 siglo. Bilang produkto ng Hellenikong daigdig, ipinalagay na ito ay walanganomang makasaysayang halaga at walang gaanong kinalaman sa Palestina ni Jesusng Nazaret . . .“Lahat ng ganitong palagay ay naapektuhan ng sunudsunod at hindi inaasahang mga tuklas sa

arkeolohiya, dokumento at kasulatan. Ang mga tuklas na ito ay umakay sa atin na may-katalinuhangtumutol sa mga pamumuna na halos ay naging karaniwan na at kilalanin kung gaano karupok angsaligan ng labis-labis na pag-alinlangan sa Juan. . . .“Ang petsa ng Ebanghelyo ay iniurong sa katapusan ng unang siglo o mas maaga pa sa rito. . . .

Higit na katakataka, muling iminumungkahi ng ilang iskolar na si Juan na anak ni Zebedeoay malamang na may kinalaman sa Ebanghelyo”!3

Bakit waring kakatwa na maniwalang si Juan nga ang sumulat ng aklat na karaniwan nang iniuukolsa kaniya? Dahilan lamang sa hindi ito umaangkop sa mga pagkiling ng mga tagapuna.

[Kahon sa pahina 70]Isa Lamang Karagdagang Pagsalakay sa BibliyaGanito ang isinulat ni Timothy P. Weber: “Ang maselang na pagpuna ay nagtulak sa maraming

karaniwang tao na mag-alinlangan sa kakayahan nilang umunawa sa nilalaman [ng Bibliya]. . . .Ipinahayag ni A. T. Pierson ang panghihina ng loob ng maraming ebangheliko nang sabihin niya na‘gaya ng Romanismo, [ang maselang na pagpuna] ay halos naglayo sa karaniwang mga tao sa Salitang Diyos sa pagpapalagay na tanging mga iskolar lamang ang maaaring magpaliwanag nito;samantalang inilalagay ng Roma ang isang pari sa pagitan ng tao at ng Salita, ang pagpuna ay

6gm kab. 5 p. 55-70 Ang “Bagong Tipan”—Kasaysayan o Alamat?

Page 7: Kabanata 5 Kasaysayan o Alamat

naglalagay naman ng isang edukadong tagapagpaliwanag sa pagitan ng mananampalataya at ngkaniyang Bibliya.’ ” Kaya, ang makabagong pagpuna ay inilalantad bilang isa lamang karagdagang23

pagsalakay sa Bibliya.

[Larawan sa pahina 62]Ang dambanang ito sa Pergamo ay malamang na naaalay “sa di-kilalang mga diyos”

[Larawan sa pahina 63]Mga kagibaan ng dati-rati’y maringal na templo ni Artemis na ipinagmamalaki ng mga taga-Efeso

[Larawan sa pahina 64]Buong katapatang iniuulat ng Bibliya na ikinaila ni Pedro si Jesus

[Larawan sa pahina 67]Buong linaw na iniuulat ng Bibliya ang “mainitang pagtatalo” nina Pablo at Bernabe

[Larawan sa pahina 68]Ang magkakatulad na paglalarawan kay Jesus sa apat na Ebanghelyo ay matibay na ebidensiya ngpagiging totoo nito

[Larawan sa pahina 69]Sa palagay ng karamihan ng mga makabagong kritiko ang mga himala ay hindi talaga nangyari

7gm kab. 5 p. 55-70 Ang “Bagong Tipan”—Kasaysayan o Alamat?