16
Matagumpay ang kauna-unahang 2007 People’s First Sum- mit ng mga lokal na opisyal ng lungsod kabilang ang ilang grupo ng mga negosyante at mga kapisanang pambayan sa Subic Interna- tional Hotel sa Zambales. Ang pagtitipon ay may layuning pagsamasamahin ang lahat ng sektor sa pagbalangkas ng mga programa ng lung- sod upang matiyak ang mga tagumpay nito.Pinasalamatan ni Mayor Hernani “Nani” Braganza ang mga dumalo sa ka- nilang suporta at pagtitiwala sa kanyang administrasyon. Ang ating hangarin na mabig- yan ng maganda at maginhawang buhay at kinabukasan ang ating mga kababayan ay maisasakatuparan at mapagtatagump- ayan lamang sa tulong ninyo at pagkakaisa PEOPLES FIRST SUMMIT / 14 Ang mga bituin na kinabibilangan nina Bea, Kim, Gee-ann, Bodie, Bruce, Saicy, Wendy, Zeke, Nel, Jasmine, Yen at Robert sa pangunguna ni TV director Laurenti Dyogi kasama si Mayor Braganza sa Pinoy Big Brother House sa Governor’s Island (sundan sa pahina 5) People First Summit 2007: An All Leaders Forum matagumpay Sa wakas maisasakatuparan na rin ang pagpapatayo ng isang airport sa Alaminos City na tiyak na magdadala ng ibayong kaunlaran at progreso sa lungsod at buong Pangasinan Pangasinan Airport itatayo sa Alaminos BEST PRACTICES AWARD PARA SA ALAMINOS LOCAL CIVIL REGISTRY buong detalye sa pahina blg. 3 Mismong si Pangulong Gloria Arroyo sa kanyang State of the Nation Address ang nangakong tutuparin ang pagpapatayo ng halos P700 milyon hala- gang commercial airport sa Alaminos. Kasabay ng kanyang pagpa- pasalamat sa Pangulo, sinabi ni Mayor Hernani “Nani” Braganza na magdadala ang proyekto ng maraming mga lokal at dayuhang mamumuhunan at turista sa Pangasinan. Magkakatotoo na rin ang ating pangarap na magkaroon ng airport matapos ang 12 taong paghihintay. Ang mga paki- nabang at kabutihang dulot nito ay para sa lahat ng Pangasinense, hindi lamang ng mga taga-Alaminos at ng unang distrito,” ayon kay Braganza. Ang panukalang pagpapa- tayo ng airport sa Alaminos ay nagsimula matapos aprubahan ng Kongreso ang pa- giging lungsod ng Alaminos sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulo Fidel V. Ramos. Ang Alaminos ay kabilang sa North Luzon Agri-Business Quadrangle project ng Pangulong Arroyo dahil sa is- tratehikong kinalalagyan nito sa Rehiyon 1 at pagkakaroon nito ng Hundred Islands. Base na rin sa Resolusyon, RDC ExCcom 32 series of 2007, na nilagdaan ng Region- al Development Council Executive Com- mittee ang Alaminos ang pinakamagan- dang lokasyon na pagtatayuan ng airport. Ang airport na may habang 1.2 kilometer runway ay puwedeng gamitin ng malalak- ing eroplano. Samantala, pinapurihan at pi- nasalamatan nina Dr. Salvador T. Duque, chair ng Regional Development Council, at Dr. Vivencio Villaflor, pangulo ng Met- ro Dagupan City Civilian Reconstruction Fund Foundation si Pangulong Arroyo sa pagapruba sa proyekto. “Hindi nagka- mali ang pangulo na piliin ang Alaminos na pagtayuan ng airport. Ang siudad ng Alaminos, maliban sa pagkakaroon nito ng isang national treasure, ang Hundred Islands, ay may sapat na infrastructure at istratehikong lokasyon sa North Luzon Agri-business Quadrangle at magan- dang peace and order situation,” ayon kay Duque at Villaflor. Mura ang Internet access sa Alaminos Nilagdaan noong Enero ng lokal na gobyerno ng Ala- minos sa pangunguna ni Mayor Hernani “Nani” Braganza at ng Enterprise Group Trends and Technology Inc. sa pangungu- na ni Mr. Renan B. Velonza ang isang kasunduan na magbibigay ng abot-kayang internet access sa mga mag-aaral at kabataang Alaminians. Ang proyekto na unang-una sa Pangasi- nan ay sinaksihan nina Dr. Anastacio Domingo, assistant chief for secondary education ng DepEd bilang kinatawan ni Regional Director Ligaya Soledad T. Miguel, Dr. Renato Viray, Alaminos city schools division superintendent, at lahat ng mga school principals. Saksi din sa okasyon sina Ka- gawad Constante Carasi, Joseph Bacay at SK Federation President Margielou Or- ange Humilde, opisyal ng mga barangay, parent-teachers association presidents at MURA ANG INTERNET / 3 FEATURED ARTICLES Ibayong kaunlaran at progreso sa Alaminos at Pangasinan ang inaasahang dala ng P700 milyong halagang Alaminos Airport. Mga bituin PBB 2nd Edition bumisita sa Hundred Islands Sinimulan ng itayo ang pinakaaantay na Olympic-size swim- ming pool sa barangay Lucap malapit sa Hundred Islands National Park. “Mura ang Internet Access sa Alaminos” - page 3 “Mataas na halaga ng tubig at kuryente lutasin” - page 4 “39 na L300 van ipinamahagi sa mga barangay” - page 6 “May tulong sa Agricultura” - page 6 Pagpapatayo ng Olympic-size swimming pool sa Lucap, tuloy-na-tuloy na Ito ang ipinahayag ni City En- gineering head Mario R. Mabalot kama- kailan lamang. Ang nasabing swimming pool ay may sukat na 25X50 meters at nagkakahalaga ng P10 milyong piso. Da- lawang milyon nito ay manggagaling sa siudad at P8 milyon naman ay mula sa Philippine Tourism Authority sa pangun- guna ni General Manager Robert Dean Barbers. Ayon kay Mabalot, inaasahang matatapos ang proyekto bago magbagong taon.Magtatayo nang mga bleachers sa paligid ng pool upang ipaupa sa mga nag- nanais na maglagay ng kanilang pwesto. Dagdag pa ni Mabalot malaki ang im- pact sa turismo at ekonomiya ng itatayong swimming pool. Ipinaliwanag pa niya na ang siudad ang mangangasiwa at magpa- patakbo ng pool. MAY 2007 - SEPTEMBER 2007 Maiden Issue

Isla [May - Sepember 2007]

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Isla [May - Sepember 2007]

Matagumpay ang kauna-unahang 2007 People’s First Sum-mit ng mga lokal na opisyal ng lungsod kabilang ang ilang grupo ng mga negosyante at mga kapisanang pambayan sa Subic Interna-tional Hotel sa Zambales. Ang pagtitipon ay may layuning pagsamasamahin ang lahat ng sektor sa pagbalangkas ng mga programa ng lung-sod upang matiyak ang mga tagumpay nito.Pinasalamatan ni Mayor Hernani “Nani” Braganza ang mga dumalo sa ka-nilang suporta at pagtitiwala sa kanyang

administrasyon. “Ang ating hangarin na mabig-yan ng maganda at maginhawang buhay at kinabukasan ang ating mga kababayan ay maisasakatuparan at mapagtatagump-ayan lamang sa tulong ninyo at pagkakaisa

PEOPLES FIRST SUMMIT / 14

Ang mga bituin na kinabibilangan nina Bea, Kim, Gee-ann, Bodie, Bruce, Saicy, Wendy, Zeke, Nel, Jasmine, Yen at Robert sa pangunguna ni TV director Laurenti Dyogi kasama si Mayor Braganza sa Pinoy Big Brother House sa Governor’s Island (sundan sa pahina 5)

People First Summit 2007: An All Leaders Forum matagumpay

Sa wakas maisasakatuparan na rin ang pagpapatayo ng isang airport sa Alaminos City na tiyak na magdadala ng ibayong kaunlaran at progreso sa lungsod at buong Pangasinan

Pangasinan Airport itatayo sa AlaminosBEST PRACTICES AWARD PARA SA ALAMINOS LOCAL CIVIL REGISTRY buong detalye

sa pahina blg. 3

Mismong si Pangulong Gloria Arroyo sa kanyang State of the Nation Address ang nangakong tutuparin ang pagpapatayo ng halos P700 milyon hala-gang commercial airport sa Alaminos. Kasabay ng kanyang pagpa-pasalamat sa Pangulo, sinabi ni Mayor Hernani “Nani” Braganza na magdadala ang proyekto ng maraming mga lokal at dayuhang mamumuhunan at turista sa Pangasinan.

“Magkakatotoo na rin ang ating pangarap na magkaroon ng airport matapos ang 12 taong paghihintay. Ang mga paki-nabang at kabutihang dulot nito ay para sa lahat ng Pangasinense, hindi lamang ng mga taga-Alaminos at ng unang distrito,” ayon kay Braganza. Ang panukalang pagpapa-tayo ng airport sa Alaminos ay nagsimula matapos aprubahan ng Kongreso ang pa-giging lungsod ng Alaminos sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulo Fidel V.

Ramos. Ang Alaminos ay kabilang sa North Luzon Agri-Business Quadrangle project ng Pangulong Arroyo dahil sa is-tratehikong kinalalagyan nito sa Rehiyon 1 at pagkakaroon nito ng Hundred Islands. Base na rin sa Resolusyon, RDC ExCcom 32 series of 2007, na nilagdaan ng Region-al Development Council Executive Com-mittee ang Alaminos ang pinakamagan-dang lokasyon na pagtatayuan ng airport.

Ang airport na may habang 1.2 kilometer runway ay puwedeng gamitin ng malalak-ing eroplano. Samantala, pinapurihan at pi-nasalamatan nina Dr. Salvador T. Duque, chair ng Regional Development Council, at Dr. Vivencio Villaflor, pangulo ng Met-ro Dagupan City Civilian Reconstruction Fund Foundation si Pangulong Arroyo sa pagapruba sa proyekto. “Hindi nagka-mali ang pangulo na piliin ang Alaminos na pagtayuan ng airport. Ang siudad ng Alaminos, maliban sa pagkakaroon nito ng isang national treasure, ang Hundred Islands, ay may sapat na infrastructure at istratehikong lokasyon sa North Luzon Agri-business Quadrangle at magan-dang peace and order situation,” ayon kay Duque at Villaflor.

Mura ang Internet access sa Alaminos Nilagdaan noong Enero ng lokal na gobyerno ng Ala-minos sa pangunguna ni Mayor Hernani “Nani” Braganza at ng Enterprise Group Trends and Technology Inc. sa pangungu-na ni Mr. Renan B. Velonza ang isang kasunduan na magbibigay ng abot-kayang internet access sa mga mag-aaral at kabataang Alaminians. Ang proyekto na unang-una sa Pangasi-

nan ay sinaksihan nina Dr. Anastacio Domingo, assistant chief for secondary education ng DepEd bilang kinatawan ni Regional Director Ligaya Soledad T. Miguel, Dr. Renato Viray, Alaminos city schools division superintendent, at lahat ng mga school principals. Saksi din sa okasyon sina Ka-gawad Constante Carasi, Joseph Bacay at SK Federation President Margielou Or-ange Humilde, opisyal ng mga barangay, parent-teachers association presidents at

MURA ANG INTERNET / 3

FEATURED ARTICLES

Ibayong kaunlaran at progreso sa Alaminos at Pangasinan ang inaasahang dala ng P700 milyong halagang Alaminos Airport.

Mga bituin PBB 2nd Edition bumisita sa Hundred Islands

Sinimulan ng itayo ang pinakaaantay na Olympic-size swim-ming pool sa barangay Lucap malapit sa Hundred Islands National Park.

“Mura ang Internet Access sa Alaminos” - page 3

“Mataas na halaga ng tubig at kuryente lutasin” - page 4

“39 na L300 van ipinamahagi sa mga barangay” - page 6

“May tulong sa Agricultura” - page 6

Pagpapatayo ng Olympic-size swimming pool sa Lucap,

tuloy-na-tuloy na

Ito ang ipinahayag ni City En-gineering head Mario R. Mabalot kama-kailan lamang. Ang nasabing swimming pool ay may sukat na 25X50 meters at nagkakahalaga ng P10 milyong piso. Da-lawang milyon nito ay manggagaling sa siudad at P8 milyon naman ay mula sa Philippine Tourism Authority sa pangun-guna ni General Manager Robert Dean Barbers.

Ayon kay Mabalot, inaasahang matatapos ang proyekto bago magbagong taon.Magtatayo nang mga bleachers sa paligid ng pool upang ipaupa sa mga nag-nanais na maglagay ng kanilang pwesto.Dagdag pa ni Mabalot malaki ang im-pact sa turismo at ekonomiya ng itatayong swimming pool. Ipinaliwanag pa niya na ang siudad ang mangangasiwa at magpa-patakbo ng pool.

MAY 2007 - SEPTEMBER 2007

Maiden Issue

Page 2: Isla [May - Sepember 2007]

Bagong Pagsilang

Ang Alaminos Ngayon

Mensahe mula sa Alkalde

ISLA is published monthly in Alaminos City.

MAYOR HERNANI “NANI” A. BRAGANZAPublisher

ROD RIVERAEditor-in-Chief

JHABAR RUFINPhotographers

FRANCIS STO.TOMASPage Makeout

ISLA welcomes editorial contributions, in-cluding properly captioned photos. Manu-scripts submitted for publication must be typewritten, double spaced. The editors reserve the right to reject or abridge sub-mitted materials in keeping with edito-rial policy and space. Opinionated manu-scripts should bear the author’s signature

For contributions, comments, suggestions, and feedbacks, contact us at: (075) 551-2249, [email protected] II Alaminos City Information Office, 2nd floor Alaminos City Hall, Quezon Avenue, Alaminos City Pangasinan

Hindi natin maitatanggi ang mahabang panahong pagkaka-hinto ng paglilimbag ng peryo-diko ng ating lungsod—ang ISLA. Ito ay dahil hindi sa ka-pabayaan o kakulangan ng ka-kayahan ng lokal na pamahalaan.Ang mahabang panahon ng pag-paplano upang mas palakasin at patatagin pa ito ang siyang dahilan. Nais natin ang isang pa-hayagan ng lungsod na tunay na gaganap sa kanyang layunin na ip-arating sa mamamayan ang mga im-pormasyong dapat nilang malaman.Tulad ng mga kililala at respetadong mga pahayagan sa bansa, ang bagong ISLA ay asahang maka-tarungan at makatwiran sa lahat ng mamamayan, mayaman o ma-

hirap, kakampi man o oposisyon.Upang mas maging makamasa,

ang bagong ISLA ay ginawang simple, nakapagtuturo at higit

sa lahat kawili-wiling basahin.Tampok din dito ang mga lath-alain ng mga mahuhusay nat-ing mga mag-aaral at mga su-lat mula sa mga bumabasa. Ako ay umaasa na sa pamamagitan ng bagong ISLA higit pang tatatag ang relasyon ng mamamayang Alaminians sa kanilang lokal na gobyerno.Dahil nakasalalay ang tagumpay nating lahat sa pagtutulungan at pagkakaisa sa pagtupad ng ating mga pananagutan at tungkulin.Samahan po ninyo ako na ig-uhit ang ating pinakaaasam na maunlad, tahimik at progresibo-ng Alaminos na ating pangarap.

Mabuhay po tayong lahat!

IBANG-IBA na ang Alamin-os ngayon kung ihambing sa kala-gayan nito bago maging ika-apat na lungsod sa lalawigang Pangasi-nan. Sa kasalukuyan ay mukhang hindi na mapigilan ang deretso at mabilisang pag-usad nito sa karerang pangkaunlaran.Mayroon nang kakaibang halina bilang hantungan ng mga turistang lokal o dayuhan at mga progresi-bong mangangalakal. Wala na silang pangamba tungkol sa seguridad at pasilidad.Maipagmamalaki ngayon ang kal-agayan ng Alaminos tungkol sa ka-

payapaan, kaayusan at kalinisan.Tuloy-tuloy na inaayos at pinalala-kas ang ibat-ibang aspeto ng ser-bisyo publiko para sa kapakanan ng taongbayan at mga dumadalaw na bisita. Anumang pangit at hindi nararapat sa mga nakaraang pa-nahon ay winawalis, pinupuksa at pinapalitan ng maganda.Wala na ang mga kinatatakutang durugista, bandido o pusakal na kriminal. Bagamat hindi maiiwan sa pagkakaroon ng sapat na infra-straktura sa “transportation” at ko-munikasyon, lalong mangunguna sa pag-unlad ang Alaminos kung

natupad na ang ipinangakong “commercial airport” ni Pangulong Arroyo. Ang magandang kapalaran ng Alaminos ay nasa pagkakaroon ng mahusay, masipag at matapat na liderato sa pamahalaang lokal.Walang duda sa mataas na kalibre ng panunungkulan ng mga kasalu-kuyang opisyal sa pangunguna ni Mayor Branganza at Sangguniang Panlungsod. Subalit sila rin mismo ang nagsasabi na ang tagumpay ng kanilang pamumuno ay makam-kamtan lamang dahil sa koopera-syon at suporta ng lahat ng Ala-

Isla - August 2007 2

Editorial

Page 3: Isla [May - Sepember 2007]

Ang Alaminos Ngayon

For contributions, comments, suggestions, and feedbacks, contact us at: (075) 551-2249, [email protected] II Alaminos City Information Office, 2nd floor Alaminos City Hall, Quezon Avenue, Alaminos City Pangasinan

TOP STORIES Isla - August 2007 3

‘Walang Jueteng sa Alaminos’ Ito ang binitawang mga salita ni Mayor Hernani “Nani” Braganza kasabay ng kanyang utos sa pulisya na lalo pang pa-lawigin pa ang mga programa la-ban sa iligal na mga sugal.

Muling nagwagi si Alkalde Hernani “Nani” Braganza bilang punong tagapangasiwa ng lung-sod ng Alaminos sa ikalawang pagkakataon.

Panalo si Nani

Nasawata ng pinagsamang elemento ng Alaminos City Vet-erinary Office at ng Public Order and Safety Office ang isang deliv-ery van na naglalaman ng humigit-kumulang 133 kilo ng karne sa Cabatuan, Alaminos kamakailan.

Nakamit sa taong ito ng Alaminos City Local Civil Registry (LCR) ang “Best Practices in Civil Registration for Good Governance” award dahil sa mga matagumpay na programa nito sa civil registra-tion.

‘Hotmeat’ mula Pampanganasawata ng Veterinary

Office at POSO

“BEST PRACTICES IN CIVIL REGISTRATION FOR GOOD GOVERNANCE”

Nakamit ng Alaminos LCR

Mura ang Internet access sa Alaminos...mula sa pahina 1

Ayon kay Dr. Ronaldo Abarra, CVO head, ang sasakyan na may plate number ZFM-794, ay minamaneho ng isang Ramon Fundal Garcia, 30, residente ng San Miguel Magalang, Pampanga. Sa ginawang imbestigasyon, napagalaman na ang produkto ay nagmula sa Mother Earth Products Inc., na matatagpuan sa Mau-nawa St . , Brgy. Duquit, Dau, Mabalacat, Pampanga at umanoy ihahatid sana sa Ca-biangan, Mabini, Pangasinan. Napagalaman na walang tunay na papeles ang kargamento mula sa National

Meat Inspection Commission. Gayundin ang ginamit na sasakyan ay hindi awtori-sado ng NMIS na maghatid ng karne at ito ay maliwanag na paglabag sa Ordin-ansa bilang 2003-31 ng lungsod ng Ala-minos (Anti-Hot Meat Ordinance). Dahil dito kinumpiska ang karne at itinapon sa isang compost pit sa City Abbatoir kaharap ng driver at dalawa sa mga kasama nito. Nagbayad din ng P1000 ang kompanyang may-ari ng sasakyan upang ito ay hindi na samsamin.

Naniniwala si Braganza na walang mai-dudulot na mabuti ang sugal sa kaniyang mga kababayan kundi hirap.Turuan na- ting umasa sa kanilang mga sarili ang ating mga kababayan, hindi sa mga sugal tulad ng jueteng, tupada at tong-its, sabi

ni Braganza. Ang Alaminos ay ang nag-iisang lungsod sa Pangasinan na walang operasyon ng jueteng. Matatandaan na ipinag-utos ni Braganza ang pagbabawal sa jueteng at iba pang sugal sa kanyang nasasakupan kasa-bay ng mga direktibang sugpuin ang iligal na droga simula ng siya ay umupo bilang alkalde noong 2004. Nag-ani ng mara-ming pagpupuri ang lungsod sa kanilang mga tagumpay na linisin ang kanilang siudad mula sa mga tagaptaguyod ng mga siyudad pangkaunlaran.

Mayor Nani nanumpa

Libreng internet hatid ng administrasyongBraganza para sa mga kabataan

Ayon kay Braganza ang kanyang tagumpay ay isang pahiwatig na gustong maipagpatuloy ng kanyang mga kababayan ang kanyang mga programa. Sa kanyang proklamasyon na dinaluhan ng marami niyang mga taga-suporta, nagpasalamat si Braganza sa tiwalang ibinigay sa kanya at nangakong mas pagbubutihin pa ang mga

serbisyo para sa mamamayan. “Salamat sa tiwala ninyo sa aking administrasyon, kayo’y umasa na aking tutuparin ang mga panga-kong binitiwan ko noong halalan,” sabi ni Braganza. Samantala agad tinipon ni Bra-ganza ang mga pinuno ng mga ibat-ibang departamento ng lokal na pamahalaan upang tagubilinin sya hinggil sa kasa-lukyang lagay ng siudad. Tinalakay nila ang ilang mga problema sa pagpapatupad ng mga serbi-syo at pagrepaso sa mga programa at ordi-nansa ng siyudad.

Tinanggap ni Alaminos City civil registrar Reynaldo R. Castro ang pagkilala sa ginanap na 9th Philip-pine Association of Civil Registrars (PACR) national convention sa Punta Villa Resort. Ayon kay Castro, pangal-awang pangulo at pangulo ng Regional Association of Civil Registrars at Pro-vincial Association of Civil Registrars, ayon sa magkakasunod, ang pagkilala ay bunga ng mga bagong programa at kasipagan ng mga bumubuo ng LCR Alaminos. Higit sa lahat, ayon kay Cas-tro, nakatulong ng malaki ang taunang pagsasagawa ng lokal na pamahalaan ng mga libreng mass civil wedding, mobile birth registration at malawa-kang kampanya upang ipaalam sa la-hat ng mamamayan ang kahalagahan ng civil registration. Ang pagkakaroon ng digital archiving at mga moder-nong facilities ng LCR ang ilan pa sa

mga itinuturing ni Castro na nakatu-long upang makamit ng lungsod ang gantimpala. “Ang gantimpalang nakamit nating ito ay patuloy na magiging in-spirasyon nating lahat upang higit pang mapaglingkuran ang ating mga mama-mayan,” ayon kay Castro. Pinuri ni Ms. Luchi M. Flores, pangulo ng PACR, ang lokal na pamahalaan ng Alaminos sa pangunguna ni Alkalde Hernani “Nani” Braganza sa kanilang pagsusu-mikap upang paiigihin ang Philippine Civil Registration. Ang PACR ay isang lehitimo at propesyonal na organisasyon ng la-hat ng lokal na civil registrars sa Pilipi-nas. Sa taong ito, 26 ang nagkamit ng pagkilala mula sa may 1,600 miembro nito sa buong Pilipinas. Maliban sa Alaminos, tumanggap din ng pagkilala ang local civil registrars ng San Jacinto at Dasol.

Sa ilalim ng kontrata na nag-kakahalaga ng P7.2 milyon, ibibigay ng Trends and Technologies, ang nanalong kontraktor sa proyektong ito ng lungsod, ang mga kaukulang teknolohiya tulad ng isang unit ng sky gateway na ibabase mis-mo sa city hall, isang unit ng sky connector customer unit, 25 personal computers at marami pang iba. Bahagi din ng kontrata ang pagbuo ng mga computer modules, at pagkuha ng mga gurong magtuturo ng mga computer courses at ng isang public school information system. Ang Wireless Internet Connectivity Proyektong na ito ay bahagi ng Computer Literacy Assistance Program ng lungsod na inilunsad noong 2004. Umaasa ang lungsod na sa pamamagitan ng libreng internet access mabibigyan ang mga kabataan ng mga mahahalagang im-pormasyon at kaalaman at magkaroon ng

mas maraming oportunidad at trabaho. “Tungkulin po nating bigyan kayo, bilang mga pinuno niyo, ng mahahalagang mga kaalaman at edukasyon,” ayon kay Mayor Braganza. Nanawagan si Bragan-za sa mga mag-aaral at mga kabataan na huwag sayangin ang mga pagkakataon at oportunidad na dala ng programa para sa kanilang mga sarili, pamilya at lungsod. Taos-pusong nagpasalamat na-man ang mga opisyal ng DepEd at ng mga guro at mag-aaral sa lungsod kay Braganza kasabay ng kanilang pagpupuri.Samantala sinabi ni Humilde na, “malaki ang maitutulong ng programang ito, dahil bibibigyan nito ng pantay-pantay na kara-patan ang mga mag-aaral sa lungsod sa mga makabagong teknolohiya gaya ng internet, na ngayon ay itinuturing na biggest, largest user-friendly library sa buong mundo.”

association presidents at student govern- ment councils.

Page 4: Isla [May - Sepember 2007]

TOP STORIES Isla - August 2007 4

For contributions, comments, suggestions, and feedbacks, contact us at: (075) 551-2249, [email protected] II Alaminos City Information Office, 2nd floor Alaminos City Hall, Quezon Avenue, Alaminos City Pangasinan

sa iligal na droga, bumagsak ang antas ng krimen sa lungsod ng halos 60 porsyen-to.” Dagdag pa ni Lemton, “Ang mababang crime rate na ito ang nagbunsod upang umunlad ang industiya ng turismo at investment sa lungsod na naging daan para tumaas ang revenue ng lungsod at dumami ang kabuhayan at trabaho.” Maliban sa pagtulong sa mga drug dependents, pinapangasiwaan din ng mag-asawa ang pagbibigay ng libreng kurso sa computer at pagtuturo ng Ingles sa mga out-of-school youth at ilang mga pampublikong paaralan.Bin- ansagang “10-Hour

Introduction to Basic Computer”, ang programa ay nagsisilbi ngay-on sa may 58 na mga kabataan sa lungsod.Ang Ala-minos Re-c o v e r y c e n t e r ’s English C o n -versa-tional

C l a s s e s program naman sa

kasalukuyan ay nagsisilbi ng ilang mga public high schools sa tulong

ng ilang magigiting ng mga guro.

Ayon kay Braganza ang pag-sasagawa ng isang Pangasinan Sum-mit ay daan upang pagsama-samahin ang mga istratehiya at matagumpay na mga programa ng bawat local govern-ment unit na tiyak makakatulong sa paglago ng ekonomiya ng probinsya. Ginawang halimbawa ni Bra-ganza ang matagumpay na People Summit ng lungsod ng Alaminos na ginanap sa Subic na na naging daan

para maplantsa ang lahat ng mga pro-grama ng lahat ng mga lider sa lung-sod. Samantala sinuportahan ni Regional Development Council chair, Dr. Salvador T. Duque ang panukala ni Braganza na nagsabing ang provincial development council ay nagmistula na lamang simbolo nito dahil ilang taon na itong hindi natitipon. Ang pagpaplano ay mahalang

sangkap tungo sa maunlad na pama-yanan kayat kailangan pangunahan ito hindi lamang ng iisang lider, ito ay tungkulin lahat ng mga lokal na goby-erno, ayon kay Duque. Ang lungsod ng Alaminos ay isang component city ng probin-sya na ang ibig sabihin bahagi ito ng mga pagpaplano at mga programa ng gobernador ng probinsya.

Naniniwala si Mayor Her-nani “Nani” Braganza na upang mag-patuloy ang gumagandang ekonomiya, kailangang mura, abot-kaya at mabilis ang paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan katulad ng kuryente at tubig sa mga mamimili. Mura at abot-kayang tubig para sa mga mangangalakal at sa ba-wat Alaminians ay dapat maihatid ng mabilis upang mapanatili natin ang

gumagandang ekonomiya ng lungsod dulot ng maunlad na industriya ng tur-ismo at dumamdaming bilang ng mga mamumuhunan, sabi ni Braganza. Isa sa mga iniisip ng lokal na gobyerno ay ang pagimbita ng mga mamumuhunan sa industiya ng power o kuryente na may kakayahang mag-bigay ng mas murang halaga ng kury-ente. Kung sa tubig naman, ayon

kay Braganza ang lungsod ay pinagpa-lang magkaroon ng malawak na pota-ble water reservoir sa ilalim ng lupa na puedeng gamitin at inumin. Inaayos na ng mga kinauukulan ang mga pan-gunahing pipelines na dinadaanan ng tubig upang matiyak na hindi magka-roon ng krisis sa tubig sa hinaharap. Nagpahayag ng pangamba kamakailan si Braganza sa kanyang kauna-unahang State of the City Ad-

dress sa kanyang pangalawang termino sa naiulat na pagpasok ng tubig dagat sa mga potable water underground res-ervoir ng lungsod. Ayon kay Braganza kanya ng ipinagutos sa city planning and development office na pagaralan ang problema at magbigay sa lalong madaling panahon ng kanilang reko-mendasyon.

Ito ang napagalaman kina Dr.Salvador T. Duque, RDC Region 1 Chairman at NEDA Regional Director Leonardo N. Quitos.Ayon kay Duque at Quitos tiyak na mas dadami ang man-gangalakal na magtutungo sa Pangasinan at gaganda at uunlad ang ekonomiya nito lalo na sa unang distrito. Ang mga pahayag na ito nina Duque at Quintos ay kasabay ng kanilang mga ginawang pagpupuri kay Pangulong Gloria Arroyo na siyang nag-apruba ng

panukalang pagpapatayo ng airport sa Alaminos sa kanyang State of the Nation Address kamakailan. Ang Alaminos Airport na nag-kakahalaga ng halos 1 bilyon ay ang sim-ula ng mabilis at nakakalulang pagunlad ng ekonomiya ng lungsod ng Alaminos at ng buong probinsya, ayon kay Duque. Pi-nuri at pinasalamatan nina Dr. Salvador T. Duque, chair ng Regional Development Council, at Dr. Vivencio Villaflor, pangulo ng Metro Dagupan City Civilian Recon-

struction Fund Foundation si Pangulong Arroyo sa pagapruba sa proyekto. “Hindi nagkamali ang pangulo na piliin ang Alaminos na pagtayuan ng air-port. Ang siudad ng Alaminos, maliban sa pagkakaroon nito ng isang national treasure, ang Hundred Islands, ay may sapat na infra-structure at istratehikong lokasyon sa North Luzon Agri-business Quadrangle at magan-dang peace and order situation,” ayon kay Duque at Villaflor.

Pangasinan Summit iminungkahi ni MHAB

Mataas na halaga ng kuryente at tubig lulutasin

Bagong buhay at pagasa ang hatid ng Alaminos Recovery Center

RDC, NEDA, MDCCRFF pabor sa Alaminos Airport

Hiniling ni Mayor Hernani “Nani” Braganza kay Goberna-dor Amado Espino Jr. na pan-gunahan ang pagsasagawa ng isang Pangasinan First Summit na lalahukan ng lahat ng lokal na gobyerno sa probinsya, civic, government at non-government organizations upang magkaroon ng iisang plano para sa kaun-laran ng Pangasinan.

Isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ngayon ng lokal na gobyerno ay ang kung paano bibigyan ng mas murang presyo ng tubig at kuryente ang mamamayang Alaminians.

Pabor ang mga opisyal ng Regional Development Council (RDC) at ang National Economic Development Authority (NEDA) sa planong pagpapatayo ng isang lokal at international airport sa lungsod ng Alaminos.

Simula ng itatag noong taong 2005, isang taon matapos iluklok bilang alkade si Mayor Hernani “Nani” Braganza, patuloy na gumagabay sa mga kabataang naligaw ng landas dulot ng salot na droga ang Alaminos Recovery Center.

Kauna-unahan sa lalawigang Pangasinan, maging sa buong rehiyon 1, maraming mga kabataang Alaminians na dati ay lulong sa iligal na droga ang inilig-tas na ng ARC sa tiyak na kapahamakan.Bagong buhay ang hatid ng programang ito hindi lang sa mga drug dependents, pati na rin sa mga maglalasing. Ang programa ay inilunsad ng administrasyong Braganza kasabay ng malawakang kampanya nito laban sa mga tulak at sindikato ng ipinagbabawal na

gamot na ngayon ay nagani na ng maram-ing mga parangal. Marahil hindi nakamtan ng lokal na gobyerno ang mga tagumpay na ito, kung walang suporta ang Sangguniang Panlungsod, mga opisyal ng barangay, mga non-government organizations, mga ibat-ibang sekta ng relihiyon at ng lipunan.Malaki ang naitulong ng magasawang Lemton at Virgie Agricola, ang mga pan-gunahing nangangasiwa ng ARC sa ba-rangay Cayucay.

Ayon s a m a -gasawa “dahil sa mga pro-g r a m a n g ito ng lokal na pa- mahalaan laban

Page 5: Isla [May - Sepember 2007]

Ayon kay Tourism Department head Miguel “Mike” L. Sison, “naging ka-pansin-pansin ang pagdami ng mga turista sa pagbisita ng mga artista sa kabila ng

inaasahang lean season.” Planong gawing PBB museum ng lokal na gobyerno ang PBB house na matatagpuan sa Governor’s Island Nangako ang mga bituin na mag-

babalik sa Alaminos para magbakasyon at tumulong sa paghikayat ng mga turista sa Hundred Islands.

For contributions, comments, suggestions, and feedbacks, contact us at: (075) 551-2249, [email protected] II Alaminos City Information Office, 2nd floor Alaminos City Hall, Quezon Avenue, Alaminos City Pangasinan

ECONOMIC Isla - August 2007 5 Dalawang araw na saya at aliw ang hatid ng mga house-mates, staff at crew ng popular na Pinoy Big Brother 2nd Edition sa mga taga-Alaminos. Ang mga bituin na kinabibil-angan nina Bea, Kim, Gee-ann, Bodie, Bruce, Saicy, Wendy, Zeke, Nel, Jasmine, Yen at Robert at pinangunahan ni TV di-rector Laurenti Dyogi, ay nagbakasyon ng dalawang araw dito sa lungsod para mag-saya at magbigay saya. Ayon kay Maru R. Benitez, PBB production manager, ang dalawang araw na bakasyon ng lahat ng mga kalahok sa kilalang programa ay han-dog sa kanilang dedikasyon at kasipagan sa kanilang mga trabaho. Kasiya-siya ang ginawang island hopping, kayaking, snorkeling, trekking at diving ng mga PBB stars. Nagpahayag sila na taos-pusong pagpapasalamat kay Braganza sa isang courtesy call dahil sa mainit na pagtanggap ng mga Alaminians sa kanila. Nagpasalamat din si Braganza sa ABS-CBN at PBB Management sa kanilang patuloy na pagtangkilik sa Hun-dred Islands at Alaminos.

Patuloy na makikipagtulungan ang Philip-pine Council for Agriculture, For-estry and Natural Resources and Development (PCARRD) at Ilocos

Region Agri-culture and Resources R e s e a r c h and Devel-o p m e n t Consortium (ILLARDEC) upang isu-long ang mga pro-g r a m a n g

pang-agrikultura ng Alaminos. Ito ang ipinahayag ni Mayor Hernani “Nani” Braganza kamakailan sa Technologies to People (T2P) Regional Media Conference sa Pension House Lu-

cap Wharf . Ang pagpupulong ay pinangu-nahan nina Dr. Patricio S. Fay-lon PCCARD executive di-rector, Dr. Lily Ann D. Lando-P CCA RRD -ACD director, Dr. Meriam E. Pascua, MMSU president at ILARDDEC, RRDCC chair, Dr. Stanley C. Malab, consortium director Ang programa ay naglalayon na ibahagi ng PCCARD at ILLARDEC

ang mga mahahalagang impormasyon at modernong teknolohiya sa pagsasaka. Ayon kay Dr. Pascua kapag naibahagi na nila ang mga k a u k u l a n g k a a l a m a n at teknolo-hiya sa mga magsasaka , makakatiyak na ang lung-

sod ng masaganang pag-ani na magdudu-lot ng higit pang kaunlaran sa lungsod.

PCARRD, ILLARDEC tutulong sa mga programang pang-agrikultura ng lungsod

W a l a n g patid ang pagdag-sa ng mga bisita at turista dito sa lungsod ng Hundred Islands.Karamihan sa ka-nila ay nagmumu-la sa mga pama-halaang lokal sa iba’t-ibang panig ng bansa. Kamakailan lamang, malugod na tinanggap ni Mayor Hernani A. Braganza at ng buong pamahalaan ng lungsod ang mga pinuno at kawani (administrative staff ) mula sa dalawang lalawigan, tatlong lungsod, tatlong bayan at isang baran-gay.Ang League of Municipalities of the Philippines-Camarines Sur Chapter ay nagdaos ng kanilang Enhancement Pro-gram-Study tour dito. Sa pamumuno ng kanilang presi-dente na si Mayor Melquiades Gaite, ang grupo ay masugid na nag-obserba sa mga programa ng lungsod ukol sa solid waste management, coastal resource manage-ment, at sustainable upland development. Naunang bumisita dito ang mga opisyal ng Romblon na pinamunuan ni Congress-man Eleandro Jesus Madrona para sa tat-

PBB 2nd Edition sa Alaminos matagumpay

long araw na Team Building and Study Tour. P inapur i-han ni Madrona ang pananaw o vision at pagsusumikap ni Mayor Braganza, dati niyang kasamahan sa 11th Congress, na mapabagong-anyo at magawang “world class tourist destina-tion” ang Hundred Islands park.Bumisita rin dito upang ma-pagmasdan ang tunay na kagandahan ng Hundred Islands at upang mapag-aralan ang programang pang-agrikultura ng lungsod ang mga grupong mula sa mga

bayan ng Bagabag (Nueva Vizcaya), Balayan (Batan-gas), Lagawe (Ifugao) at Ba-rangay Malhakan ng Mey-cauayan, Bulacan. Nagdaos din dito ng

isang buong araw na paglalakbay ang mga kasapi ng Laoag City Sangguniang Kabataan Federation at muli nilang na-kasama at nakasalamuha ang katulad nil-ang mga lider ng kabataan sa lungsod. Sa

kanilang kasabikang matutunan ang mga kasalukuyang pinakamabuti o pinakama-husay na gawi o kaugalian (best practices) ng Alaminos lalo na sa larangan ng eco-tourism at resource management, bumisita rin dito kamakailan ang administrative of-

ficials ng General Santos City at Ba-guio City. Ayon kay Tourism Depart-ment head Miguel Sison, “mula sa 63,696 noong 2005, halos na-doble ang bilang ng local at foreign tourist arrivals na umabot 111,006 sa taong 2006. “Sa taong 2007 naman, mula Enero hanggang Agosto pa lamang, ay umabot na ang tourist ar-rivals sa Hundred Islands sa 115,811 na local at foreign

tourist,” dagdag niya. Ang pangangalaga at at pama-mahala ng Hundred Islands ay naibalik sa lungsod ng Alaminos noong September 29, 2005.

Mga Bituin ng PBB 2nd Edition bumisita sa Hundred Islands

Walang patid ang pagdagsa ng mga turista

Page 6: Isla [May - Sepember 2007]

Ang dalawang araw na pag-sasanay o training na sinalihan ng mga kasapi ng mga samahang pangkababaihan (women’s groups) mula sa 10 barangay, mga guro ng Technology and Livelihood Education (TLE) mula sa mga pampub-likong paaralan at mga kawani ng CAO at CCO ay ginanap sa Bayanihan Center Rural Development (BCRD). Ang isa sa mga kinikilalang tagapag-bunsod o tagapanguna (pioneer) ng mushroom production industry na si Bb. Corrinne Estrada na naging resource speaker sa training ay isinama ni Madam Stella Jaro Braganza, ang butihing kabiyak

ni Mayor Hernani A. Braganza. Layunin ng training na bigyan ng kalutasan ang concerns o suliranin hinggil sa kawalan ng mapagpipiliang pagkakaki-taan (alternative source of income) para sa mga kababaihan at mga mangingisda, nutrition or feeding program para sa mga batang mag-aaral at ang kakulangan ng panustos o supply ng kabute sa pamilihan o merkado. Maliban sa pagturo ng mush-room production, layunin din ng training ang pagtuturo ng punla o spawn produc-tion. Mayroon nang laboratoryo sa BCRD at ayon kay Estrada ay maaari nang mag-karoon ng kakayahan ang lungsod na makapag-produce ng sariling punla o spawn. Ang sabi ni Mayor Braganza, puwedeng maging kapaki-pakinabang na negosyo ang mushroom production dahil may napakalaking pangangailangan ng kabute sa merkado.

Ilang daang farmer beneficiaries ang nabigyan ng mga pataba katulad ng nitrogen, phosphate, potassium, compost at iba pa, sa pamamagitan ng IMPUC loan program. Ayon kay City Cooperative Of-fice head Annabelle Hebron 666 pang magsasaka ang makakatanggap ng mga ibat-ibang agriculture inputs sa buwan ng Agosto. Inilunsad noong 2005, ang IMPUC ay isang programa ng lokal na pamahalaan katuwang ang Land Bank of the Philippines sa pagbibigay ng loan as-sistance sa mga magsasaka sa mababang interes. Ipinaliwanag ni Hebron na sa ta-ong ito ng 2007, tanging mga magsasaka na nakapagbayad na ng kanilang utang sa

nakaraang taon ang mabibigyan ng pag-kakataong muling umutang.Noong 2005, 775 na mga magsasaka ang nabigyan ng puhunan ng IMPUC at 943 naman sa taong 2006. Ang mga mag-sasakang ito bago binigyan ng ayuda ay dumaan muna sa mga pagsasanay bilang requirements para mapataas ang antas ng kanilang kaalaman sa pagsasaka. “Malaking tulong ang programang ito sa ating mga magsasaka. Sa pamamagi-tan ng programa naiiwasan nilang umutang sa mga usurero na nagpapataw ng mataas na porsyento sa kanilang mga pautang sa ka-nilang mga pangangailangan sa pagsasaka,” ani Hebron. “Ngayon hindi na sila naba-baon sa utang,” dagdag ni Hebron.

Higit kumulang 75 na mga nagpaparami ng kakataying kamb-ing ang nakibahagi sa taong ito sa Farmers Livestock School on In-tegrated Goat Production sa lungsod.

Ang mga lumahok ay bibigyan ng mga mahahalagang kaalaman at modernong teknolohiya sa pagpaparami ng kambing bilang kabuhayan. Inilunsad ni Mayor Her-nani “Nani” Braganza noong 2004 sa pakikipagtulungan na Department of Agriculture, Region 1, ang programa ay nagbibigay kaalaman tungkol sa mga pamamaraan para mabawasan ang mortality rate ng alagang kambing, pag-ayos ng breeder base at pag-gawa ng maayos na tirahan ng mga alagaing kambing. Higit kumulang 209 na beneficiaries na ang nabiyayaan ng programang ito simula 2004. Dalawmput tatlo ang beneficiaries noong taong 2004; 55 noong 2005; 75 noong 2006 at 56 sa taong kasalukuyan. Ang 28 linggong pagsasanay ng mga nagpa-parami ng kambing ay isasagawa ng city veterinary office. Ayon kay Enriqueto Serna, section chief ng programa, ang pagsasanay ay mas malayong makakabuti sa mga nakila-hok hindi tulad ng mga madaliang seminar na halos wala silang matutunan. Ayon kay Enriqueto Serna, section chief ng programa, “ang pagsasanay ay mas malayong makakabuti sa mga nakilahok hindi tulad ng mga madaliang seminar na halos wala silang matutunan.” “Karamihan sa mga beneficiaries ng programang ito ay mga mag-sasaka. Sa aking monitoring nakita ko ang gumandang kondisyon ng kanilang pamumuhay, malaki talaga ang naitutulong ng programang ito sa marami nating mga kababayan.” Matapos ang 28 na pagsasanay tatayahin ng veterinary office ang kakayahan ng mga nakilahok upang malaman ang antas ng kanilang nalaman. Kung pumasa ang mga nakibahagi ay puede na nilang pakinabangan ang Goat Commercialization Program ng lungsod.

Produksyon ng kambing padadamihin

ECONOMIC Isla - August 2007 6

Lahat ng 39 na mga barangay dito ay mayroon ng magkakat-ulad (uniform) na sasakyan mula sa gobyerno (government vehicles) upang magamit sa anumang oras ng pangangailangan ng mga ma-mamayan ng lungsod.

39 na L-300 vans ipina-mahagi sa mga barangay

Nagdaos kamakailan ang pamahalaan ng Alaminos ng pag-sasanay sa kabute o mushroom production na pinangunahan ng City Agriculturist Office (CAO) at ng City Cooperative Office (CCO).

Namahagi ang Alaminos City Integrated Multi-Purpose Coop-erative (IMPUC) at City Cooperative and Agriculture Office ng mga pataba sa mga magsasaka kamakailan.

Pag-aaral sa produksiyon ng kabute idinaos

May tulong para sa Agrikultura

Kabibigay lamang sa mga baran-gay ang huling 18 na L-300 vans. Pinan-gunahan ni Mayor Hernani A. Braganza at ang mga kasapi ng Sangguniang Pan-lungsod ang paglilipat (turn-over) ng mga behikulo sa recipient barangays. Ayon sa pahayag ni City Admin-istrator Wilmer S. Panabang, ang mga sa-sakyan ay mayroong nakapintang makulay na tanawin ng Hundred Islands National Park gaya ng mga sasakyang nauna nang naibigay sa 21 na mga barangay. Nakaukit din sa mga sasakyan ang pangalan at of-ficial seal ng lungsod at ang pangalan ng barangay, nakakabit din dito ang “official use only” sticker at ang registered plate number nito. Idinagdag pa ni Panabang na sa pagkakaroon ng mga barangay ng kanil-

ang mga sariling behikulo, wala ng dahilan upang hindi nila agad mabigyan ng aksyon o kalutasan ang mga suliranin at pangan-gailangan ng mga mamamayang kanilang nasasakupan. Pinaalalahanan ni Mayor Bra-ganza at Administrator Panabang ang mga kapitan na ingatan ang mga behikulo at gamitin lamang sa mga mabubuting gawa. Samantala sinabi ni Sta.Maria barangay kapitan Liborio G. Ramos na “malaki ang pasasalamat ng buong barangay namin sa lokal na gobyerno sa ibinigay na sasakyan na ito.” Dagdag pa niya: “May magagamit na rin ang aking mga nasasakupan sa oras ng pangangailangan, katulad ng mga emergen-cy situations na kailangan agad dalhin ang isang pasyente sa ospital.”

Ang mga sako-sakong mga pataba para sa mga magsasaka ng Alaminos

Produksiyon ng kabute bilang alternatibong pangkabuhayan

Pagpaparami ng kambing isa sa mga prioridad ng administrasyong Braganza.

VAN PARA SA MGA BARANGAY. Upang mabilis na makapagresponde sa anumang emergency binigyan ng administrasyong Braganza ang lahat ng mga barangay ng bagong vans.

For contributions, comments, suggestions, and feedbacks, contact us at: (075) 551-2249, [email protected] II Alaminos City Information Office, 2nd floor Alaminos City Hall, Quezon Avenue, Alaminos City Pangasinan

Page 7: Isla [May - Sepember 2007]

BASIC SERVICES Isla - August 2007 7

Libo-libong mga aklat at ibat-ibang mga kagamitan sa pagtu-turo ang inihandog ng lokal na gobyerno sa lahat ng mga pampub-likong paaralan sa elementarya.

Simula ngayon hindi na mararanasan ang dati abala at na-kakapagod na paglakad ng mga loan applications ng mga kasapi sa Government Service Insurance System GSIS sa Alaminos.

Libo-libong aklat ibinigay sa mga

pampublikong paaralan

GWA@Ps inilunsad sa Alaminos

Pitumput limang matatalino, masisipag at masisikap subalit mahihirap o underprivileged na mga mag-aaral ang pinagkalooban ng scholarship grants ng pamahalaang siyudad ng Alaminos noong ipinagdiwang ang ika-109 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, Hulyo 12, ng Pilipinas dito.

75 bagong iskolar ng lungsod pinangalanan

Ito ay matapos ilunsad sa lungsod ng Alaminos ang GSIS Wireless Automated Processing System (GW@Ps). Ang mga kasapi ng GSIS ay kailangan na lamang mag-tungo sa ATM kiosk ng GSIS na matatagpuan sa city hall ng Alaminos upang ilakad ang kanilang mga transaksiyon. Maliban sa pakinabang na ito malaking halaga din ang matitipid ng GSIS dahil ang mga transaksiyon ay hindi na gaanong gagamitan ng papel. Sa ngalan ng mga taga-Alaminos sa pamumuno ni Mayor Hernani Braganza nagpasalamat si City Administrator Wilmer S. Panabang sa pamunuan ng GSIS sa pangunguna ni General manager Winston F. Garcia at Dagupan Branch Manager Myrna Hortaleza. “Ang modernong machine na ito ay malaking ginhawa sa mga kasapi ng GSIS sa lungsod at buong unang distrito dahil hindi na nila kailanang magtungo sa Dagupan para sa kanilang mga transaksiyon,” ayon pa kay Panabang. Ayon naman kina Cecilia M. Nisperos at Febelina Jimenes, mga guro sa Ala-minos na kasapi sa GSIS, “hindi na kailangan pang magtungo sa Dagupan para makip-agtransaksyon at makuha ang mge benefits ko, malaking bawas sa gastos at pagod ito sa mga katulad namin.

Ang mga libro sa Ingles at Matematika ay binili sa pamamagitan ng Special Education Fund ng lungsod.Ayon kay Engr. Roel T. Anoñuevo, city planning develop-ment coordinator, ang librong ibinigay kasabay sa pagbubukas ng klase ay first phase pa lamang ng proyekto ng lokal na pamahalaan sa edukasyon. Masayang nagbigay puri ang mga lokal na opisyal ng Department of Educa-tion kay Mayor Hernani “Nani” Braganza dahil sa kanyang pagpapahalaga sa edukasyon ng mga mahihirap na mag-aaral. Noong 2004, inilunsad ng akkalde ang kauna- unahang computer literacy program para sa mga out-of-school-youth, inayos ang sports development program ng siyudad at itinatag ang Hundred Islands Youth and Sports Council.

Buong pagmamalaking sinama-han ng mga magulang ang kanilang mga anak na napiling iskolar. Ang pangkat na ito ng mga iskolar ang siyang pinakama-laki mula nang palawakin ng siyudad ang City Scholarship Program upang maian-gat at mapagbuti ang kabuhayan ng mga masisikap, matatalino at masisipag na mga mag-aaral at ang kanilang mga pamilya sa lungsod na ito.Simula ng umupo si Braganza ay mayroon ng kabuuang 112 na na magaaral ang nabigyan ng schol-arship grants. Habang binabati ni Mayor Braganza ang mga isko-lar at ang kanilang mga magu-lang dahil sa kanilang tagumpay, nag-iwan siya ng tagubilin o payo na sana’y huwag nilang sayangin ang napakagandang pagkakataon na iginawad ng kanilang pama-halaang lokal upang kanilang maabot ang kanilang mga pan-garap, magsilbing uliran sa ka-bataan at maging tagapagsulong ng positibo at magandang pagba-bago. Pinuri ni Mayor Bra-ganza ang mga magulang dahil sa kanilang walang sawang pag-sasakripisyo o pagpapakasakit upang mabigyan ng magandang kinabu-kasan ang kanilang mga anak. Kasabay ng kanyang pagbati, hinimok ni Braganza ang kanyang mga kababayan na magbayad sa tamang panahon ng kanilang mga bu-wis dahil dito nanggagaling ang pondong ginagamit ng lokal na gobyerno sa pag-bibigay ng mga scholarship grants, mga libro at pagpapatayo ng mga bahay-paar-alan.

Isang daan at walumpu’t isang mga aplikante ang dumaan sa masusi at mahigpit na pagsala, mga panayam at su-nud-sunod o serye ng pagsusulit na pinan-gasiwaan ng City Planning and Develop-ment Office at ng Alaminos City Division

of Schools base sa mga alituntunin na aprobado ng City Scholarship Board na pinangungunahan ni Col. Wilmer S. Panabang, ang City Administrator. Ang mga napiling iskolar ay pinangunahan nina Morri G. Figueroa at Angelo V. Ajoste, mga tanging ganap o full scholar.Sina Figueroa at Ajoste ay tatanggap ng P78, 600 bawat isa bilang pinakamalaking halaga o maximum worth of scholarship

grant na katumbas ng P7, 860 buwanang panustos o allowance. Apat na mga mag-aaral, sina Sheila Benitez, Giraldine Aponte, Cath-erine Tawatao at Domenden ang naging dapat o nag-qualify sa 75% scholarship.

Sina Carmela Joy Ginez, Marie Criss Aquino, Daryl Bembo, Kethlene Arah, Nathalie Ranches, Janice Giron, Brian Purganan at Laurene Jane Jiminez ang nag-qualify bilang half scholars samanta-lang sina Mylene Mendez, Ednalyn Dela Cruz, Genalyn Camba, Jieh Ann Mejia, Mary Grace Bito, Nelmar Reate, Stepha-nie Ann Carmelo, John Gringo Dumlao, Glennard Ranches, Evangelin Rarang,

Madonna Capiral, Areanne Zuzeth Carandang, Melvin Obay, Joana Marie Telan at Ernesto Castro Jr. ang mga nag-tagumpay upang mabigyan ng 25% schol-arship grants. Ang mga estudyanteng may 75%,

50% at 25% scholarship grants ay makatatanggap ng P58,950, P39, 300 at P19,650, alinsunod sa mga naturang porsyento. Pinasalama-tan nina Dr. Renato Viray, city schools division superintendent at Gng. Gloria Reinoso, Princi-pal II ng Alaminos City National High School, si Mayor Braganza at ang Sangguniang Panlungsod para sa kanilang kahanga-hanga at kapuri-puring handog sa mga kabataan ng lungsod. Sa ngalan ng mga isko-lar, sinabi rin ni Figueroa, ang nagkamit ng pinakamataas na marka sa pagsusulit, ang kanilang taos-pusong pagtanaw ng utang na loob sa City Council at kay Mayor Braganza na kanilang ti-nitingala bilang isang ulirang hal-imbawa at bayan. Ayon kay Dr. Viray, “ka-pansin-pansin ang positibong epekto ng scholarship program ng lungsod sa mga mag-aaral.” “Nagpupunyagi silang maabot at malampasan ang

kanilang mga kaklaseng napiling iskolar. Gayundin ang mga iskolars, naghahangad silang manatiling nangunguna sa klase.” “Ngayon pa lamang maituturing na nat-ing matagumpay ang education program ng lokal na pamahalaan ng Alaminos at ng DepEd.” “Kung magpapatuloy ito, asa-han nating maganda ang naghihintay na kinabukasan ng mga kabataang Alamin-ians,” ayon kay Viray.

SALAMAT SA GSIS. Wala ng abala at pagod ang hatid ng GW@Ps sa mga kasapi nito sa unang distrito. LIBRENG LIBRO. Bilang suporta sa programa sa edu-

kasyon libo-libong libro sa Matematika at Ingles ang ibinigay ng lokal na gobyerno sa mga pampublikong

For contributions, comments, suggestions, and feedbacks, contact us at: (075) 551-2249, [email protected] II Alaminos City Information Office, 2nd floor Alaminos City Hall, Quezon Avenue, Alaminos City Pangasinan

Page 8: Isla [May - Sepember 2007]

For contributions, comments, suggestions, and feedbacks, contact us at: (075) 551-2249, [email protected] II Alaminos City Information Office, 2nd floor Alaminos City Hall, Quezon Avenue, Alaminos City Pangasinan

BASIC SERVICES Isla - August 2007 8

Ang pagdiriwang ng Nutri-tion Month kamakailan ay nag-alay ng natatanging kahalaga-han sa Bright Child Program ni Mayor Hernani A. Braganza na ang hangarin ay ang pagkaka-roon ng mga malulusog, maru-runong at may tiwala sa sariling kakayahan na mga mag-aaral.

Mahigit 1,400 na mga bata sa lungsod na kulang sa sustan-sya ang isasailalim sa Bright Child Program ng siudad upang mabig-yan ng tulong.

Pagdiriwang ng Nutrition Month idinaos

Mga batang may kapansanan binigyan ng wheelchairs

‘Bright Child’ program inilunsad

Anim na mga batang may kapansanan ang binigyan ng lokal na pamahalaan at ng AKAPIN Partylist ng mga bagong wheel-chairs.

Ilang araw matapos ang isinagawang paglilipat (turn-over) ng may 39 na bagong L-300 vans sa bawat barangay ng lungsod, binasbasan naman ang isang bagong ambulansya na magagamit sa mga emergency situations.

Ang mga benepisyaryo ay sina Judilyn Cadlaan, Julie Irish Nacario, Jim-boy Morga, Jolina Camba, Rodel Dumak-tol at Mark Kevin Arig. Dalawa sa mga wheelchairs na ibinigay ay nagmula sa Philippine American Group of Educators and Sergeons (PAGES), isang mapag-kawanggawang grupo na nakabase sa US. Nagpahayag ng pasasalamat si Braganza sa AKAPIN Partylist at PAG-ES dahil sa kanilang “ginituang puso at pagmamahal sa mga mahihirap at kapus-palad. Kasabay nito nangako si Braganza ng patuloy na pagtulong ng lokal na gobyerno sa mga mahihirap na may kapansanan.” Ang Alaminos ay isa sa mga iilang lungsod sa Pilipinas na may kapabilidad na mamaha-

la ng Stimulation &Therapeutic Activity Center (STAC) na syang nangangalaga sa mga special children at mga batang may kapansanan. Ayon kay Cutit “mayroon ng 301 na special children sa lungsod ang nab-igyan ng kaukulang pangangalaga ng center, katulad ng pagtatasa ng kalagayan ng pasy-ente, hanggang sa treatment.” Bahagi ng treatment ay ang counseling, home visit, physical therapy at mga ibat-ibang social activities. “Ngayon ay namumuhay na ang marami sa mga pasyente ng katulad ng mga normal na kabataan, malaking ginhawa at tulong ito sa mga special children lalo na sa mga mahihirap nilang magulang,” ayon pa kay Cutit.

Ang ambulansya at mga vans ay bahagi ng mga programa ng lokal na gobyerno upang mas paiigihin pa ang pag-bibigay ng mga pangunahing serbisyo sa mamamayan lalo na sa mga mahihirap.Ayon kay Dr.Marivic O. Carambas, city health officer, “malaki ang maitutulong ng bagong ambulansya sa bawat mamama-yang Alaminians na kailangang-kailangang madala agad sa ospital dahil sa anumang pe-ligrosong kalagayan.” Ang ambulansya, na nakabase ngayon sa CHO, ay kasabay binili ng 39 na vans ng lungsod.

Hinikayat ni Alkalde Hernani “Nani” Braganza ang mga taxpayers na magbayad sa takdang panahon ng kanil-ang mga buwis sa gobyerno dahil sa kanila rin nanggagaling ang mga pondong gina-gamit ng lungsod sa pagbibigay ng serbi-syo. Nagpahayag si Braganza na ang pondong nanggagaling sa kanilang mga buwis ay nagagamit ng lubos at maayos katulad ng pagbili ng mga sumusunod na sasakyan, pagpapagawa ng mga farm-to-market roads, tulay, mga bahay-paaralan at ibat-ibang mga programa ng lungsod.

Inilunsad nitong Agosto, ang programa ay bilang bahagi ng pagdaraos ng Nutrition Month sa pangunguna ng city health office. Upang matiyak ang tagumpay ng programa, sasaklawan ng programa ang sumusunod: food assistance, micro-nutrient support, nutrition education at livelihood. Ayon kay CHO Victoria A. Carambas bumagsak ang kaso ng malnu-trition sa lungsod sa 11.45 percent, o mas mababang 5.23 percent kumpara noong nakaraang taon. Umaasa si Carambas na sa pamamagitan ng Bright Child Program mas bababa pa ang kaso ng kulang sa nu-

trisyon na mga bata. Ang mga benepisyaryo ay bibig-yan ng food supplement sa loob ng 90 araw. Sinabi ni Dr. Carambas na baban-tayang mabuti ng kanyang opisina ang ka-lagayan ng mga bata sa pamamagitan ng buwanang evaluation. Magsasagawa rin ng mga programa upang turuan ang mga magulang ng tamang pagpapakain sa mga anak ng masusustansyang pagkain ng hin-di gumagastos ng malaki. Naniniwala si Braganza na ang kaunlaran ay nagsisimula sapagkakaroon ng malakas at malusog na pangangatawan ng bawat mamamayang Alaminian.

Sa pagdiriwang na pinangunah-an ng City Health Office (CHO) at may temang “Healthy Lifestyle ng Kabataan, Landas sa Kinabukasan”, inilunsad ang City Plan of Action for Nutrition (CPAN) 2007. Ayon kay Dr. Ma. Victoria O. Carambas, city health officer, ang progra- ma ay may layuning mabigyan ng nagta- tanging halaga ang pagpapasuso (breast-

feeding) ng mga ina sa kanilang mga sanggol at pagbibigay ng mga masusus-tansiyang pagkain (supplemental feeding and micro-nutrient supplementation) sa mga pre-school at school children. Naging bahagi rin ng pagdiri-wang ang libreng mga panayam at pag-sasanay (seminars/lectures) para sa mga nagdadalang-tao at nagpapasusong mga ina.Ang mga kalahok sa milk feeding pro-gram ay mga tagapakinabang o benepi-syaryo ng Stimulation and Therapeutic Activity Center (STAC). Gaya ng naunang inihayag ni Nutrition Officer I Virginia Francisco, nagkaroon ng lingguhang Health and Nu-trition On-Air program sa DZWM.

Bagong Ambulansya binasbasan

BRIGHT CHILD. Masayang ipinahayag ni Administrator Wilmer Panabang ang 1400 na kabataang tatanggap ng suporta sa ilalim ng Bright Child program ng lungsod.

Page 9: Isla [May - Sepember 2007]

For contributions, comments, suggestions, and feedbacks, contact us at: (075) 551-2249, [email protected] II Alaminos City Information Office, 2nd floor Alaminos City Hall, Quezon Avenue, Alaminos City Pangasinan

Kinilala ni P/Supt.Rogelio E. Danoli ang mga suspects na sina Winston Camba, alias Batz at Harvey Perez, kapwa tsuper, at Liza Villareal, isang negosyante. Ang live-in partner ni Liza na kinilalang si Bing Camba, isa ring pinaghihinalaang tulak, ay nakatakas sa pagsalakay. Isinagawa ng lokal na pulisya ng Alaminos, 106th Provincial Mobile Group, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine Anti Il-legal Drugs Special Operation Task Force (PAIDSOTF) ang pagsalakay matapos

makakuha ng madyamento mula kay Judge Rolando S. Mislang ng RTC Branch 42 sa Dagupan City para siyasatin ang mga bahay ng mga suspects. Nakumpiska kay Camba ang 11 plastic sachets na nagla-laman ng purong shabu, isang disposable lighter, aluminum foil at mahigit tatlong libong piso. Nasamsam naman kina Villar-eal at Perez ang 16 na plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, 1 disposable lighter, 1 improvised water pipe, 1 disposable syringe, 1 improvised burner, forcep, 1 gunting at 1 plastic tube. Ayon kay Danoli ang nasamsam nilang droga ang pinakamalaki simula ng siya ay hinirang sa Alaminos bilang chief of po-lice.

Inihahanda na sa korte ang ka-song paglabag sa RA 9165 o Compre-hensive Dangerous Act of 2002 laban sa mga suspects kabilang si Bing Camba na ngayon ay pinaghahanap pa. Pinuri ni Mayor Hernani “Nani” Braganza si Dan-oli, 106thPMG, PAIDSOTF at PDEA sa kanilang panibagong tagumpay sa pag-sugpo laban sa iligal na droga. Simula ng umupo si Braganza bilang alkalde naging puspusan ang kampanya laban sa iligal na droga na naging daan para mapuksa ang mga tulak na namumugad sa ilang mga

barangay sa lungsod. Ang lungsod ng Alaminos ay tinanghal sa tatlong magkakasunod na taon, 2004, 2005 at 2006, bilang Best City Anti-Drug Council ng Pangasinan Pro-vincial Police Office at Police Regional Office. Base sa PNP at POSO report bumagsak ng higit kumulang 60 percent ang crime rate sa lungsod o mula sa higit 100 krimen noong 2004 bumaba na la-mang ito sa 40 sa taong 2007. Kasabay ng pagbaba ng krimen, patuloy namang tu-maas ang tourism arrival at dumami ang pumapasok na investments at trabaho sa lungsod. Patunay nito ang patuloy na pag-taas ng koleksyon ng buwis ng city trea-surer’s office mula taong 2004.

PUBLIC ORDER AND SAFETY Isla - August 2007 9

Ayon kay City Agriculturist Er-nesto De Leon ang mga iligal na istruk-tura ay pagaari ng mga mangingisda sa bayan ng Anda. Lahat ng mga nakuhang haligi at mga lambat ay naimbentaryo na at iniligpit sa POSO-Bantay Dagat De-tachment sa Bgry. Lucap. Ang operasyon ay magpapatuloy sa mga susunod pang mga linggo. Ayon sa mga pag-aaral ang siksikang fishpens at fishcages ay maaring mag-resulta sa mala-wakang fishkill tulad ng nangyari sa mga bayan ng Anda at Bolinao. Nagpatawag si Braganza ng isang diyalogo sa mga asosasyon ng mga mangingisda upang pa-gusapan ang patuloy na pagdami ng mga iligal na istruktura sa lungsod sa kabila ng mga ba-bala laban dito. S a m a n -tala, ayon kay Col. M a n u e l C r e d o , C o a s t a l Resource M a n -agement c o n s u l -tant, da-pat ma-higpit na ipatupad ang mga

lokal at naSYonal na batas laban sa ili-gal na pangingisda. “Nararapat lamang na kontrolahin natin ang pangingisda sa ating karagatan, dapat mapangalagaan at maprotektahan natin ito mula sa masa-mang dulot ng mga iligal na pangingisda kung ayaw nating tayo rin ang magdusa sa huli,” pakiusap ni Credo sa mga manging-isda sa lungsod. Isang task force ang binuo ni Braganza upang pamahalaang mabuti ang karagatan at para tiyaking mahigpit na naipapatupad ang mga batas laban sa iligal na pangingisda. Ayon pay Credo “nakita na ng mga mangingisda ang kabutihan ng pangangalaga sa mga likas yaman ng lung-sod. Sila na ang naguulat sa amin ng mga

gumagamit ng mga iligal na pamamaraan ng panging-isda. Nakita kasi nila na simula ng ipatigil ang mga bawal na pama-maraan ng pangingisda ay dumami ang kanilang mga huli at kita.”

Labing isang manging-isda mula sa Agoo, La Union ang hinuli ng pinagsamang pw-ersa ng 106th Provincial Mobile Group, Alaminos City police, Public Order and Safety Office at Bantay-Dagat dahil sa paggamit ng dinamita malapit sa Hundred Islands. Ang mga nahuli ay sina Felipe Ofiana, 59, Jay-ar Lopez, 42, Alfredo Samonte, 50 at Romy Dulay 32, Ian Ta-bas, Enteng Solomon at Rowel Madriaga.Lima sa mga nahuli ang dinala sa City So-cial Welfare and Development Office para pagpayuhan dahil menor pa ang mga ito.Nakumpiska sa mga nahuli ay ang motor-boat na ginamit nila, 1 bangka at 40 kilo ng sari-saring isda na nagkakahalaga ng P2000. Namataan ang mga mangingisda na gumagamit ng dinamita ng isang grupo sa pangunguna nina SPO2 Eduardo Ra-zote, P02 Ruben Mejia at Marcelino Laya.Kinumpirma ng City Agriculture Office na ang mga isdang huli ng mga manging-isda ay nakuha sa pamamagitan ng pag-papasabog ng dinamita. Ayon kay (ret.)Col.Manuel Cre-do sinampahan na ang mga nahuli ng mga

Tatlong pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga ang dinak-ip ng pinagsamang elemento ng pulisya sa lalawigan matapos ang isang pagsalakay sa barangay Poblacion, Alaminos.

LABAN SA MGA ILIGAL NA FISHPEN AT FISHCAGES

Operasyon baklas inumpishan na

11 iligal na mangingisda tiklo

3 tulak huli sa raid

Upang maiwasan ang masamang dulot ng mga iligal na fish-pens at fishcages sa karagatang sakop ng lungsod, ipinagutos ni Mayor Hernani “Nani” Braganza kamakailan ang pagtanggal at pag-sira sa mga ito.

Ang mga tauhan ng POSO-Bantay Dagat nanguna sa pagbabaklas ng mga iligal na fishcages at fishpens.

Ang mga nakumpiskang kargamento.

kaso sa paglabag ng Section 88 ng RA 8550 o Fishery Law of the Philippines.Pi-nuri ni Mayor Hernani “Nani” Braganza

ang lokal na pulisya, 106th PMG, POSO at Bantay-Dagat sa kanilang panibagongtagumpay laban sa iligal na pangingisda.

“Samantala ayon kina Col. Man-uel Credo, Coastal Resource Management consultant at Bantay Dagat Task Force head SPO2 Eduardo Razote, “simula ng umupo si Braganza bilang alkalde, kontro-lado na ng kinauukulan ang operasyon ng pangingisda sa lungsod ng Alaminos.” “Mahigpit na ipinatupad ang mga batas laban sa mga iligal na pangingisda lalung-lalo na ang paggamit ng dinamita, cyanide, paggamit ng fishpens at fishcages, commercial fishing at marami pa.” “Nagresulta ang mga programang ito sa maraming huli ng mga mangingisda at panunumbalik ng ideal marine ecosystem ng sIyudad. Dumami rin ang mga dumadalaw na dolphins sa territorial waters ng lungsod at libo-libong mga ibon, na may ibat-ibang specie, na ngayon ay isa sa mga dinadagsa ng mga turista sa Hundred Islands, ang nanin-irahan sa ilan sa mga isla,” ayon pa kina Credo at Razote. Ayon kay Razote at Credo “na-kita na ng mga mangingisda ang kabutihan ng pangangalaga sa likas yaman ng lungsod. Sila na ang nag-uulat sa amin ng mga gum-agamit ng mga iligal na pamamaraan ng pangingisda. Nakita kasi nila na simula ng ipatigil ang mga bawal na pamamaraan ng pangingisda ay dumami ang kanilang mga huli at kita.”

Page 10: Isla [May - Sepember 2007]

For contributions, comments, suggestions, and feedbacks, contact us at: (075) 551-2249, [email protected] II Alaminos City Information Office, 2nd floor Alaminos City Hall, Quezon Avenue, Alaminos City Pangasinan

ENVIRONMENT Isla - August 2007 10

Ayon kay Sarmiento nasa nasa-sakupan (jurisdiction) ng mga opisyal ng mga bayan ng Bani, Bolinao, Anda, Sual at Alaminos ang pagdeklara ng pagtigil sa operasyon ng mga fishpens. Ipinaliwanag ni Sarmiento na kung ginawa lamang ng mga alkalde ng bayan ng Bolinao at Anda ang nararapat, naiwasan sana ang nang-yaring malawakang fishkill sa kanilang mga bayan na sumira ng milyon-milyong halaga ng isda. Ipinanukala din ni Sarmiento ang pagbuo ng isang integrated manage-ment plan na lalahukan ng lahat ng mga coastal towns at city upang labanan ang fishkill at bigyan ng alternatibong pang-kabuhayan ang mawawalan ng trabahong mangingisda. Ayon naman kay May-

or Hernani “Nani” Simula ng maluklok bilang alka-lde sa Alaminos mahigpit na ipinatupad ang mga batas laban sa mga iligal na pang-ingisda lalung-lalo na ang paggamit ng di-namita, cyanide, paggamit ng fishpens at fishcages, commercial fishing at marami pa.Sa ngayon, marami ang nagiging huli ng mga mangingisda at nanunumbalik na ang ideal marine ecosystem ng syudad. Dahil dito lumaki din ang kita ng mga mngingisda sa lungsod. Braganza dapat bumuo sila ng isang Technical Working Group na sasali-han ng lahat ng mga LGUs sa Pangasinan upang sugpuin ang iligal na pangingisda at upang maiwasan ang fishkill.

“Dapat gawing bahagi ng Basic Education Curriculum (BEC) sa bansa ang mga ibat-ibang programa sa pangangalaga at pro-teksyon ng kalikasan.”

Ipinanukala ni Bureau of Fisheries and Agriculture Resourc-es Director Malcolm L. Sarmiento ang isang moratorium sa opera-syon ng fishpen at fishcages sa buong unang distrito ng Pangasinan upang maiwasan ang nagbabantang malawakang fishkill.

Pangangalaga ng kalikasan dapat

isama sa BEC

Paghimok ni Mayor Braganza

Magtanim ng punong-kahoy

Pagtigil ng operasyon ng fishcages at fishpens ipinanukala

Sa pamumuno ni Mayor Hernani A. Braganza, idinaos kamakailan ang malawakang pagtatanim sa kahabaan ng na-tional highways mula sa Brgy. Cabatuan hanggang Brgy. San

Vicente ng mga pinuno ng ba-rangay, mga kawani ng gobyer-no, mga lider at kaanib sa mga kapisanang pambayan, mga lider at kasapi sa mga samahang pan-gangalakal, mga lider ng mga

pribadong kapisanan, mga res-erbadong sundalo (reservists) at mga kabataang hindi nag-aaral (out-of-school youths).

Ito ang panukala ni Mayor Her-nani “Nani” Braganza sa ginanap na semi-nar ng mga opisyal ng Coastal Resource Management Office, Department of Edu-cation at Sagip Lingayen Gulf sa pagta-tanggol ng kalikasan. Ayon sa alkalde, ang pangangal-aga ng kalikasan ay hindi solong respon-sibilidad ng gobyerno kundi tungkulin ng lahat ng sangay ng lipunan at mga ka-bataan. Ang lungsod ng Alaminos ay tu-manggap na ng maraming parangal dahil

sa mga epektibong programa nito laban sa pang-aabuso ng kalikasan, tulad ng iligal na pangingisda. Nangunguna rin ang lungsod sa pagtatanim ng mga puno at mangroves.Sinangayunan naman ni SLGP project manager Susan J. Lucero at Alaminos City Division Supt.Renato Viray ang panukala ng alkalde. Nangako sila na tutulong upang aprubahan ng kaukulang ahensya ng gobyerno ang panukala ni Braganza.

Ang pagtatanim ng mga punong-kahoy (tree planting) ay isang pamama-

raan ng lungsod na ito upang ipagdiwang ang World Environment Day ( June 5), Philippine Arbor Day ( June 25) at Phil-ippine Environment Month. Bago nag-simula ang pagtatanim, nagkaroon muna ng isang simpleng programa sa Welcome Arch kung saan nagbigay ng masaya o malugod na pagbati si Barangay Chair-woman Dolores Bantola sa lahat ng mga dumalo. Sa kanyang maikling pahayag, sinabi ni Mayor Braganza ang kahalaga-han ng pagkakaroon ng mga programa sa pagtatanim ng punong-kahoy kabilang na ang Adopt-A-Mountain Program at ang pagsuporta sa Green Philippine Highways Program ng Department of Environment and Natural Resources lalo na ngayong lumalala ang suliranin sa kalikasan at pa-pawirin dulot ng global warming. Pinapurihan naman ni City En-vironment and Natural Resources Office (CENRO) Chief Celso Salazar ang pag-sisikap ng administrasyon ni Mayor Bra-ganza kabilang na ang City Agriculturist Office na magtanim ng mga punong-ka-hoy sa lungsod, pati na sa kahabaan ng national highways. Sa kanyang maik-sing mensahe, sinabi ni City Agricultur-ist Ernesto de Leon ang kahalagahan ng pagsasama-sama at pagtutulungan ng mga mamamayan upang mapanatiling buhay at mapalaki ang mga itinanim na punong-kahoy. Ayon kay Gester Tolentino, Agri-culturist II, mayroon nang plant nursery sa forest park kung saan iba’t ibang uri ng mga punong-kahoy, pati na mga namu-munga, ang pinararami.

Sama-sama ang mga opisyal ng lokal na gobyerno ng Alaminos at mga opisyal ng DepEd upang pagusapan kung paano pa paiigihin ang edukasyon sa lungsod.

MORATORIUM SA FISHCAGES AT FISHPENS: Mga alka-lde sa unang distrito nagsasama upang sugpuin ang iligal na pangingisda at nagbabantang malawakang fishkill.

LABANAN ANG GLOBAL WARMING. Pinangunahan ni Mayor Nani ang selebrasyon noong Hunyo ng World Environmet Day sa Alaminos.

Page 11: Isla [May - Sepember 2007]

For contributions, comments, suggestions, and feedbacks, contact us at: (075) 551-2249, [email protected] II Alaminos City Information Office, 2nd floor Alaminos City Hall, Quezon Avenue, Alaminos City Pangasinan

Ang pondong ito ay ginamit sa pagpapagawa ng mga farm-to-market roads (FRM), mga tulay, computer build-ings, classrooms, day care centers at mga barangay halls, street lights at post-harvest facilities, production wells, water line in-stallations, dams at spillways. Ang mga barangay na nabi-yayaan ng mga bagong daan ay ang Bo-laney, Linmansangan, Balayang, Macatiw, Alos, Tancarang, Inerangan, Tawin-tawin, San Antonio, Polo, Sabangan, Dulacac, Sta. Maria, Amangbangan, Amandiego, Balayang and Maawi. Ang bagong daan sa Macatiw-Limansangan-Tangcarang na nagkaka-halaga ng P 24.79 M na pinondohan ng DAR-ARCP-1 ay binuksan lamang sa

taong ito. Ayon kay Mabalot ang pondo na ginamit para sa mga proyektong ito ay nanggaling sa Department of Agrarian Reform (DAR), Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) at development fund ng lungsod. Ayon kay Sta. Maria barangay Kapitan Liborio Ramos, “dahil sa mga bagong daan na ito, hindi na kailangan pang umikot ng aking mga kabarangay sa mga dating dinadaanan nila. Mas mabilis, mas madali at mas tipid na ngayon ang magpunta sa Poblacion area at bumalik sa kanilang mga tahanan.” Noong nakaraang taon pinondohan naman ng Department of Public Works and ang apat na Mabey -Johnson Bridges. Ang mga ito ay makikita sa ba-rangay Tawin-tawin, Bolaney, Tangcarang at Sabangan. Ang mga day care centers ay itinayo naman sa Cayucay, Tawin-tawin at Balayang. Dalawang computer buildings at classrooms naman ang ipinatayo sa ba-rangay Inerangan at San Viente. Ang mga sumusunod na proyek-to ay nakatakdang buksan sa taong ito ni Mayor Hernani “Nani” Braganza: Mona-Pangapisan Road, Tawin-tawin Elemen-

tary School Road, Amangbangan Road, Ramos St. (Sta Maria) and Horacio St. (Poblacion), 4-Barrel Box Culvert (Du-lacac), Spillway (Telbang), Day Care

Center (Alos), Palay Warehouse Shed (Cabatuan), Flatbed Dyers (Telbang and Sta. Maria) at Irrigation Dam (Sta. Ma-ria-San Roque).

INFRASTRUCTURE Isla - August 2007 11

Higit kumulang P200 mily-ong ang inilaan ng lokal na goby-erno ng Alaminos para lamang sa mga infrastructure projects. Ito ay base sa program of work para sa taong 2004 hanggang 2007 ng City Engineering Office sa pangunguna ni Engr. Mario R. Mabalot.

Habang bumubuti ang koleksiyon ng real property tax-es (RPT) na siyang dahilan ng paglaki ng Special Education Fund (SEF), lumalakas naman ang kakayahan ng lungsod upang is-agawa o isakatuparan ang iba’t ibang mga proyekto at programa nito para sa edukasyon.

Mahigit 10 road at bridge projects sa lungsod na nagkaka-halaga ng higit kumulang P70 milyon ang nakatakdang buksan simula Agosto 31 ng taong ito. Ayon kay City Engineer Ma-rio Mabalo,t nakatakdang pasinayaan ni Mayor Hernani “Nani’ Braganza ang mga bagong daan at tulay sa barangay Sta. Maria, Amangbangan, Tawin-Tawin, In-erangan, Polo, San Jose at ilan pang mga barangay. Ang mga bagong daan ayon kay Mabalot ay magdudulot ng malaking gin-hawa sa mga residente ng lungsod lalung-lalo na sa mga magsasaka. “Ikokonekta ng mga daan at tulay na ito ang mga barangay kaya bibilis na ang mga biyahe papunta sa mga barangay na ito at Poblacion na dati ay mabagal at matagal,” sabi ni Mabalot.Ang mga projects na ba-hagi ng infrastructure at agriculture de-

P200 milyon inilaan ng lungsod para sa mga infrastructure projects

Alaminos City Division Office matatapos bago mag-pasko

Road at Bridge Projects bubuksanvelopment ng lungsod ay para lamang sa taong 2006 at 2007. Matapos buksan ang mga proyek-tong sumusunod ay nakatakdang umpisa-

han ulit ng lungsod ang pagpapatayo ng mga post-harvest facilities gaya ng flat bed mechanical dryers para sa mga magsasaka dagdag pa ni Mabalot.

Isa sa mga isinasagawang proyek-to ngayon ay ang modernong Alaminos City Division Office na nagkakahalaga ng higit kumulang sa P4.2 milyon.Nang lagdaan noong buwan ng Hunyo nina Mayor Hernani A. Braganza at Alex Ang, general manager ng ALCEL Construc-tion, na siyang magtatayo sa gusali, ang kontrata para sa proyekto, sinabi nilang matatapos ito bago sumapit ang kapasku-han. Ang paglagda sa kontrata na ginanap sa Alaminos Central School

(ACS) ay sinaksihan ng mga punong-guro sa mga pampublikong paaralan.Magka-karoon ang gusali ng conference room at sampung mga opisina para sa mga city

schools division superintendent and divi-sion supervisors and staff at para na rin sa kapakanan at pangangailangan ng mga guro at mag-aaral.

PANGAKONG DI NAPAPAKO. Ang infrastructure development ng administrasyong Braganza sa Alaminos tuloy-tuloy.

Bagong gusali ng DepEd division sa Alaminos para sa mas maayos na serbisyo sa mga mag-aaral.

Bagong mga daan, kalsada at tulay, una sa mga prayoridad ni Braganza.

Kabilang sa mga proyekto ng lungsod ay ang pinalawak na City Schol-arship Program, Book Project, Wire-less Internet Connectivity Project at ang patuloy na pagpapatayo ng mga paaralan (school buildings) at mga programang pampalakasan (sports development pro-gram). Pinapurihan nina Dr. Renato Vi-ray, city schools superintendent, at ng 43 na mga punong-guro mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan ng lungsod si Mayor Braganza dahil sa kanyang isa na namang handog para sa edukasyon. Ayon kay Dr. Gloria N. Reinoso, principal ng Alaminos National High School, “dahil sa mga mahahalagang proyektong ito sa edukasyon, mas nagig-ing mabisa at mabilis ang pagtuturo sa mga mag-aaral na nagresulta sa mataas na kaalaman at kakayahan nila sa mg iba`t-ibang asignatura.”

Page 12: Isla [May - Sepember 2007]

For contributions, comments, suggestions, and feedbacks, contact us at: (075) 551-2249, [email protected] II Alaminos City Information Office, 2nd floor Alaminos City Hall, Quezon Avenue, Alaminos City Pangasinan

FINANCE AND SPECIAL PROJECTS Isla - August 2007 12Tumaas ng 122 porsiyento ang koleksiyon ng siudad ng Alaminos sa business tax

at 124 porsiyento naman sa Real Property Tax sa taong 2006.

Sampung computer units at daan-daang reading glasses ang ipinamigay sa mga pampublikong paaralan at mga mahihirap na matatanda sa Alaminos noong Enero ng taong ito ng isang mapag-kawanggawang Alaminian na ngayon ay nakatira na sa ibang ban-sa.

Muling isasagawa ang DFA Mobile Passport services sa lung-sod ng Alaminos sa Oktubre 6 sa taong ito mula 7:30 ng umaga hang-gang 4:00 ng hapon sa Don Leopoldo Sison Auditorium.

Ito ang masayang ibinalita ni Mayor Hernani “Nani” Braganza kasabay ng pangakong mas paiigihin pa ang pag-bibigay ng mga pangunahing serbisyo lalo na sa mga mahihirap sa lungsod bunga ng mas malaking pondo na nanggagaling sa mga buwis. “Tayo’y nagpapasalamat sa ating mga kababayan na tapat na nagbabayad ng kanilang buwis,” sabi ni Braganza.Pinapurihan ng alkalde ang pagsisikap ng City Treasurer’s Office sa pangunguna ni Mrs. Shirley dela Cruz na malampasan nila ang kanilang target collection. Noong 2005, sa pamamagitan ng isang Executive Order, ipinag-utos ni Bra-ganza ang pagbuo ng Task Force Pantay-Pantay na siyang tutulong upang epek-tibong maipatupad ang mga ibat-ibang ordinansa ukol sa tamang pagbabayad ng buwis. Samantala tinanghal ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) bilang 2006 Most Outstanding City As-sessor sa buong rehiyon 1 si City Assessor Milagros L. Go, asawa ni Kagawad Orlan-do Go.Ang parangal kay Go ay bunga ng kanyang kahusayan at katapatan sa kan-yang tungkulin na naging daan para mas mapaiigi pa ang local assessment opera-tions sa lungsod.

Koleksyon ng buwis tumaas sa Alaminos

Bagaman matagal na sa Amerika, hindi nakakalimot si Dr. Jimmy R. Boton, dating executive director na Manila Zoo at Dean ng College of Animal Science sa Gregorio Araneta University Foundation, na bumisita sa kanyang bayang sinilangan upang dalawin ang kanyang mga kamaganak at magbigay ng tulong sa mga mahihirap na mag-aaral at mga matatanda. Noong nakaraang taon si Boton na siya ring pangulo ng Alaminos National High School Alumni Inc., ay namigay ng mga medical at psychology books, medical gadgets at iba pang mahahalagang kagamitan at instrumento. Bilang dating presidente ng San Diego Executive Lions Club (SDELC) at Alaminos City Association of San Diego CA. U.S.A. si Boton din ang nanguna upang tulungan ang lungsod ng Alaminos sa pangunguna ni Mayor Hernani “Nani” Braganza na kumbinsihin ang mga Alaminians na nakatira o naghahanapbuhay sa ibang bansa na umuwi at sumali sa selebrasyon ng Hundred Islands Global Homecoming bilang bahagi ng fiesta ng siudad. Taong 2003, sa ilalim ng Adopt-A-Hospital Project, si Boton at ang SDELC na kanyang pinamumunuan ay nagbigay ng P1.5 milyong halagang gamot, ophthal-mologic at iba pang medical equipment sa Western Pangasinan District Hospital at city health office. Pinasalamatan ni Braganza si Boton sa kanyang kagandahang-loob at pagmamahal sa kanyang mga kababayan.

Ito ang napatunayan matapos magkaroon ng mataas na kita ang lungsod mula-sa pangangasiwa ng Hundred Islands .Nagkaroon din mataas na kita ang ingat-yamandulot ng incentives na ibinibigay ng lungsod sa mga nagbabayad ng buwis sa takdang oras. Ang tourism code na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod noong 2006 ay nag-bibigay pahintulot kay Mayor Hernani “Nani” Braganza na gumawa ng programa paraisulong ang turismo sa Alaminos, kagaya ng pagtatanghal ng festivals at ibat-ibang uring programa para tangkilikin ang Hundred Islands. Nauna nang ipasa ng Sangguniang Panlungsod ang Alaminos City Investment Incentive Code na nagsusulong at naglalayon para sa pagkakaroon ng pantay-pantay na oportunidad sa mga nagnanais na magnegosyo sa lungsod, maliit man o malaking namumuhunan, na nagsimula ngayong taon. Bukod sa pagbibigay ng mga regular na insentibo ng pambansang pamahalaan sa mga negosyo sa labas ng Metro Manila at sa mga Special Economic Zones na isa na ang Alaminos, nag-aalok din ang lokal na pa-mahalaan ng iba pang mga insentibo. Kabilang dito ang hindi na pagbabayad ng building permits at iba pang buwissa real estate sa loob ng dalawang taon, maliban na lamang ang mga buwis sa barangay.. Ayon kay Tourism Department head Miguel Sison, “dahil sa patuloy na pagtaas ng kita ng lungsod bunga ng pagdami ng mga turista at investments, makikita ang pagdagsa ng mga fastfood restaurants at marami pang mga kainan at mga small and medium

Ang programang ito ng lokal na gobyerno ng Alaminos at ni First District Sangguniang Panlalawigan Member Danilo B. Dizon ay malaking tulong para sa mga Pangasinenses na nagnanais na mailakad sa loob lamang ng isang araw ang kanilang mga passports. Ayon kay Dizon sa pamamagitan ng DFA-MPS sa Alaminos hindi na kailangan pang magtungo ng mga nagnanais na maglakad ng kanilang passports sa Maynila o sa San Fernando, La Union. “Makakatipid sila ng malaki mula sa pamasahe, panahon at pagod,” ayon kay Di-zon. Ang mga pangunahing requirements sa mga nagnanais na maglakad ng kanilang passports ay ang mga sumusunod:NBI clearance, birth certificate in security paper issued by NSO, certified true copy and photocopy of birth certificate issued by the Local Civil Registrar and duly authenticated by NSO (or any document indicating full name, date and place of birth and citizenship, valid employment ID, voter’s affidavit, driver’s license. Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ni Mayor Hernani “Nani” Braganza, Alaminos City Kagawad Carol Dizon-Sison, Department of Foreign Affairs Consular Regional Office, Rep. Arthur Celeste, Gov. Amado T. Espino, Vice Gov. Marlyn Primicias, Sangguniang Panlalawigan at lahat ng alkalde at opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan sa unang distrito at lungsod ng Alaminos.

Salamat Jimmy BotonDFA Mobile Passport Services isasagawa sa Oktubre 6

Lalong umunlad ang industriya ng turismo sa Alaminos mata-pos maipatupad ng lungsod ang Tourism at Investment Codes nito.

Turismo lalong umunlad sa Alaminos

Sa tulong ng Tourism at Investment Codes

Si Mayor Nani kasama ang matulunging kababayang si Jimmy Boton.

enterprises. Ibig sabihin nito nadagdagan din ang mga taong nagkaroon ng trabaho at pagkakakitaan sa Alaminos.” Ayon kay Sison mula sa 63,696 noong 2005, halos nadoble ang bilang ng local at foreign tourist arrivals na umabot 111,006 sa taong 2006. “Kung susundin natin ang figure na ito lumalabas na halos nadodoble din ang rev-enues ng lungsod, gayundin ang mga mangangalakal.”Ang pangangalaga at pamamahala ng Hundred Islands ay naibalik sa lungsod ng Alaminos noong September 29, 2005.Sa taong 2007, mula Enero hanggang Agosto pa lamang, ay umabot na ang tourist arrivals sa Hundred Islands sa 115,811 na local at foreign tourist.

Page 13: Isla [May - Sepember 2007]

For contributions, comments, suggestions, and feedbacks, contact us at: (075) 551-2249, [email protected] II Alaminos City Information Office, 2nd floor Alaminos City Hall, Quezon Avenue, Alaminos City Pangasinan

Sina Urdaneta City Vice Mayor Julio Parayno at Sta.Barbara Ruben Jose ay nahalal bilang executive vice presidents, Calasiao Vice Mayor Ferdinand Galang, secretary-general; Lingayen Vice Mayor Orlando R. Bartolome, treasurer; Rosa-les Vice Mayor Romeo L. Sim, auditor at Bautista Vice Mayor Jose Espino, press relations officer. Nahalal bilang district vice presi-dents sina: Vice Mayors Alimar R. Briana ng Mabini (1st District); Bernardo F. de

Vera Sr., Bugallon (2nd District); Joseres RS. Resuello ,San Carlos City (3rd Dis-trict); Romulo V. Magliba, San Fabian (4th District); Bensaulozacheus Mariñas,

Sison (5th District) at Philipp G. Peralta na Balungao (6th District). Nahalal naman bilang director sina Vice Mayors Napoleon C. Celeste ng

Anda at Virgilio F. Vallarta ng Infanta (1st District); Roldan C. Sagles ng Aguilar at Pedro A. Merrera ng Binmaley (2nd Dis-trict); Mariano F. Espinoza ng Malasiqui at Asuncion R. Calimlim ng Mapandan (3rd District); Kim Michael Amador ng Manaoag at Pedro A. Surdilla ng Mangal-dan (4th District); Clemente B. Arboleda, Jr. ng Alcala at Reynaldo P. Reyes ng Po-zorrubio (5th District at Manuelito Nove-da ng Natividad at Reynaldo Corrales ng Santa Maria (6th District). Ang mga bagong halal na opi-syal ng VLMP ay nanumpa kay Atty. Sixto Aquino, Provincial Local Govern-ment Operations Officer, Pinangasiwaan ni Aquino at isang kinatawan mula sa VMLP national secretariat ang halalan.Vice Mayors Timoteo S. Villar of Santo Tomas and Gerardo M. Rosete of Burgos served as election officers.

LEGISLATIVE UPDATE Isla - August 2007 13

Ikatlo sa mga nanalong kagawad sa Alaminos nitong halalan 2007, si Ra-doc ang nagiisang abogado sa Sangguni-ang Panlungsod ng lungsod. Sa isang resoulusyon, pinuri ng mga miembro ng SP si Radoc sa tagumpay na kanyang na-

kamtan. “Malaking karangalan ang dala ng tagumpay ni Kagawad Radoc sa buong Sangguniang Panlungsod at sa ating mga kababayan sa Alaminos,” ayon kay Ka-gawad Carol Sison. Bagaman natalo ang kasama ni Radoc na si Kagawad Dennis Uy ng Poz-zorubio, nangako si Radoc na kanyang susuportahan si Board Member Raul Si-son, ang bagong pangulo ng PCL. Ang mga nanalong opisyal ng liga ay ang mga sumusunod: Raul P. Sison, pangulo; Ma-ria Isabel “Aisa” Villacorta, executive vice

president; Cheryl “Ting” Bascos, secretary general; Rose M. Marcella, treasurer; Ciri-lo “Ban” Radoc, Auditor; Manuel V. Mar-cella, P.R.O.; Jose Z. Carrera Jr., business manager and Jocelyn “Jo” Visya, Dante de Casto, Mildred Marcella, Cecil C. Celeste, Alexander T. Parayno, Dyna P. De Guz-man, Noel “Apol” Bautista at Reynaldo “Rey” Domitas, board of directors. Isa sa mga batikang kolumni-sta ng pahayagang The Northwest Sun, si Kagawad Radoc na isang CPA lawyer, ay ipinanganak noong Enero 9, 1958 sa

barangay Bolaney. Siya ay nagsilbi bilang Finance Manager at acting General Man-ager para sa Central Luzon Operations ng Pepsicola Products, Phils., Inc. ng mangu-na ang kompanya sa mga operasyon nito. Part-time professor din si Radoc sa Holy Angels University at Angeles University Foundation sa Pampanga.Naging bahagi si Radoc ng Del Rosario and Del Rosario Law Offices sa Makati-noong 1983-1986 Nagsilbi din siya bilang Auditor ng Commission on Audit (COA) Main Office noong 1979-1983.

Ito ang ipinahayag ni Alkalde Hernan “Nani” A. Braganza matapos ni-yang pinuri kamakailan ang ilang kawani ng lungsod sa kanilang kasipagan at kata-patan. Ayon kay Braganza sa pamamagi-tan ng mga incentives na ibibigay sa mga kawani inaasahang mas pagbubutihin pa nila ang kanilang mga tungkulin. “Sa katunaya ginagawa na namin itong pagbibigay ng incentives, pero mas

maganda kung ma-institutionalize natin ito,” ayon kay Braganza.Ang mga kawani ng lungsod na nangan-galaga sa karagatan at iba pang yaman ng lungsod ang ilan pa sa mga gustong big-yang pagkilala ng alkalde.Sinangayunan naman ng ilang mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod ang panuka-la at nagsabing mapapadali ang pagapruba nito.

Ipinasa noong Agosto 31 ang resolusyon no.2007-51 ng SP na may pamagat “Resolution requesting the Tech-nical Education and Skills Development Authority (TESDA), Region 1 (R-1), San Fernando City, La Union to establish a satellite office and training center in the city of Alaminos, Pangasinan,” ay inakdaan ni ABC President Mario Rabadon. Layunin ng naturang resolusyon na paunlarin ang kakayahan at kaala-man ng bawat mamamayang Alaminians upang ganap nilang magamit ang mga ito at maging kapaki-pakinabang sila tungo sa maunlad na pamayanan at bansa. Sa pamamagitan ng satellite of-fice at training center sa Alaminos, hindi na kailangan pang magtungo sa Lingayen at iba pang malalayong lugar ang mga

taga-unang distrito na nagnanais magaral dito sa TESDA. Nangangahalugan ito ng malak-ing kabawasan sa mga gastusin sa pa-masahe at pagod ng mga mahihirap na magaaral sa Alaminos at iba pang bayan sa unang distrito. Ang resolusyon ay inaprubahan ng lahat ng miyembro ng SP sa pangu-nguna ni Vice Mayor Teofilo Humilde.Kasabay ding inaprubahan ng SP ang res-olution 2007-52 na may pamagat na “Fa-vorably endorsing to the Honorable City Mayor Hernani A. Braganza the creation of the executive legislative advisory coun-cil (ELAC) as one of the special bo-dies in the city of Alaminos and prescribing for its composition and functions hereof,” nong Agost 31.

Naihalal bilang bagong auditor ng Philippine Councilors League (Pangasinan Chapter) si Kagawad Cirilo Radoc kamakai-lan sa Don Narciso Ramos Sports Complex.

Nakatakdang isampa ang isang ordinansa sa lungsod na magbibigay pagkilala o reward sa mga tapat at masisipag na kawani nito.

Itinayo kamakailan ang isang satellite office at training cen-ter ng Technical Education and Skills Development Authority (TES-DA) sa lungsod bilang tugon sa isang resolusyon ng Sangguniang Panlungsod.

Nahalal bilang bagong pangulo ng Vice Mayors League of the Philippines (Pangasinan Chapter) si Alaminos City Bise-Mayor Teofilo G. Humilde sa Consuelo’s hotel sa Lingayen.Papalitan ni Humilde si dating Bise-Mayor Alvin Fernandez, ngayon ay administrador ng Dagupan.

Humilde nahalal na pangulo ng VMLP

Kagawad Radoc bagong auditor ng PCL

Reward system para sa mga tapat at

masisipag isusulong sa SP

TESDA Satellite Office at Training Center itinayo sa Alaminos

Page 14: Isla [May - Sepember 2007]

For contributions, comments, suggestions, and feedbacks, contact us at: (075) 551-2249, [email protected] II Alaminos City Information Office, 2nd floor Alaminos City Hall, Quezon Avenue, Alaminos City Pangasinan

SUPPORT Isla - August 2007 14

Ang Plan 1000 ay bunga ng kauna-unahang People’s First Summit na dinaluhan ng mga ibat-ibang lider ng lokal na gobyerno, barangay, kabataan, at mga lokal na mamumuhunan upang makisali at maging bahagi ng mga plano sa pagpa-paunlad at pagpapaganda nang lungsod. “Dahil sa magandang samahan ng executive at legislative branches at mga opisyal ng barangay ng ating siyudad sa nakalipas na tat-long taon, nakamit natin ang maraming tagumpay,” sabi ni Braganza. Ang pagpapatibay ng isang resolusyon ng Sangguniang Panlungsod at ang malawakang suporta ng kanyang kababayan upang ibalik sa pangangalaga ng siyu-dad ang Hundred Islands Park ay isa sa mga halimbawa ng magandang samahan ng mga namumuno sa Alaminos. Samantala, masayang ipinaalam ni Braganza sa Sangguniang panlungsod at iba pang sector ng lipunan ang kinitang P4.7 million ng siudad sa pamamalakad ng Hundred Islands Park. Sa nakalipas na limang buwan ng taong ito ay may P5 milyon kita na dito ang siyudad.“Ipagpatuloy po natin ang magandang nasimulan natin, magsama-sama po tayong magtulungan tungo sa ating misyon na magkaroon ng maunlad, progresibo at tahimik na Alaminos”

Plan 1000 inilunsad Tungo sa maunlad na Alaminos City

natin,” sabi ni Braganza kasabay ng pagla-lagda ng isang covenant of support and participation. Bahagi ng tatlong araw na pagti-tipon na dinaluhan ng mahigit kumulang na 300 katao na pinangunahan ng Na-tional Economic Development Authority, Region I bilang facilitator sa pagbuo ng Plan 100, Plan 500 at Plan 1000 kabilang na rin ang ang pagkakaroon ng Execu-tive-Legislative agenda na siyang maging gabay ng siyudad sa pagpapatupad ng mga programa nito mula CY 2007 hanggang CY 2010. Ayon kay Director Leonardo N. Quitos, Jr. ng NEDA Region I, ang siyu-dad ang kaunaunahang pamahalaang lokal sa buong Region I na magpapatupad ng synchronized planning, programming, budgeting, implementation, monitoring at evaluation ng lahat alinsunod sa itinatak-da ng Joint Memo Circular 1 ng NEDA, DILG, DBM and DOF. Samantala, upang matiyak ang

People First Summit 2007: An All Leaders Forum matagumpay ...mula sa pahina 1

Inilunsad ni Mayor Hernani “Nani” Braganza sa pinakaunang sesyon ng Sangguniang Panlungsod ang Plan 1000 upang palakasin at patatagin pa ang mga programang pang-kaunlaran ng Alaminos sa susunod na tatlong taon.

Ang matagumpay na People’s First Summit na nilahukan ng mga opisyal ng lokal ng gobyerno, Sangguniang Panlungsod, mga mamumuhunan, opisyal ng barangay at marami pang iba.

maayos at mabilis na pagpapatupad ng mga proyekto, ipapatupad ng siyudad ang isang management strategy na tinaguriang clustering management scheme. Ayon sa scheme na ito, ang mga opisina ay pinag-samasama sa isang cluster ayon sa kanil-

ang mandates tulad ng Ekonomiya, Basic services, Public Order & Safety, Environ-ment at Infrastructure. Maliban dito, ang 39 na mga barangay ay hinati rin sa limang (5) man-agement area ayon sa kanilang common

physical attributes at characteristics. Ang isang management area ay pamumunuan ng isang Department Head sa Executive katuwang ng dalawang kagawad Sang-guniang Panlungsod.

Alkalde Hernani “Nani” Braganza kasama ang Sangguniang Panglunsod at mga opisyal ng NEDA Region 1 sa hul-ing araw ng People.. First Summit: An All Leaders Forum na ginanap sa Subic.

Page 15: Isla [May - Sepember 2007]

isla

For contributions, comments, suggestions, and feedbacks, contact us at: (075) 551-2249, [email protected] II Alaminos City Information Office, 2nd floor Alaminos City Hall, Quezon Avenue, Alaminos City Pangasinan

Isla - August 2007 15AUGUST

18 – Araw ng Wika19 – Ninoy Aquino Day

25 – National Heroes Day

National CelebrationLung Month

International Humanitarian Week

DepEd Activities25-31 - Go Negosyo Teen Edition9-10 - 1st Quarter Examinations18 - Parent-Teacher Conference28 - National Career Assessment Examination

SEPTEMBER2 – Family Week3 - National Crime Prevention4 – Alay Lakad8 – Philippine Travel Mart at SM Me- gamall, Mandaluyong ,Metro Manila15 – National Coastal Clean -up29 – Hundred Islands National Park Turnover 2nd Anniversary

National CelebrationCivil Service MonthTax Campaign Period

DepEd Activities1-6 - National Leadership Train-ing for Student Government Officers (NLTSGO)2-5 - Metrobank Foundation; Search for Outstanding Teachers*** Regional MILO Little Olympics

OCTOBER1 – Senior Citizen’s Week2 – Annual ATOP National Convention30 – Peoples (Halloween) Street Party31 - Peoples (Halloween) Street Party

National CelebrationNational Children’s MonthLocal Government Code MonthConsumer Welfare MonthNational Statistics Month**Mobile Registration **National Meat Consciousness Week (2nd Week)**National Fish Conservation Week (3rd Week)

DepEd Activities18-19 - 2nd Quarter Examinations22-26 - Five-Day Break (Mid Year Assessment and INSET)27 - Parent-Teacher Conference

NOVEMBER1 – All Saints Day2 – All Souls Day13 – Pangasinan Day14 – World Diabetes Day

30 – Bonifacio Day

National CelebrationPopulation Census MonthMalaria Prevention MonthNational Book Month

DepEd Activities18 - PEPT (Luzon)19-24 - Student Technologies and Entrepreneurs of Philippines-National Skills Development and Competition(STEP-NSDC)

25 - PEPT (Visayas-Mindanao

DECEMBER1 – World AIDS Day3-7 – Education Week25 – Christmas Day30 – Rizal Day

National CelebrationPopulation Census MonthMalaria Prevention Month

National Human Rights Month

Barangay Fiesta1st Week – Pangapisan Barangay Fiesta

EMERGENCY 117

PNP STATION551-5749

POSO551-2530

FIRE STATION551-4584

WPDH551-7129

DOCTOR’S HOSPITAL551-5427-29

PHIL. NATIONAL RED CROSS551-6356

CITY HALL DEPARTMENTS (552-7777) LOCALCITY ENGINEER’S OFFICE 103BUDGET OFFICE 104ACCOUNTING OFFICE 105TREASURER’S OFFICE 106PLANNING OFFICE 108LIBRARIAN 110/111AGRICULTURE OFFICE 107ASSESSOR’S OFFICE 113CIVIL REGISTRAR’S OFFICE 114LAND TAX OFFICE 115SUPPLY OFFICE 120MARKET SUPERVISOR OFFICE 120LICENSING OFFICE 123HRMO 124

CITY HALL DEPARTMENTS PHONE NO.ADMINISTRATOR 551-2146-47ACCOUNTING OFFICE 551-3096AGRICULTURE OFFICE 551-3101ASSESSOR’S OFFICE 551-3307BUDGET OFFICE 551-2420ENGINEERING OFFICE 551-3034CIVIL REGISTRAR’S OFFICE 551-3104CITY ADMINISTRATOR 551-2146CITY VETERINARY OFFICE 551-2701MAYOR’S OFFICE 551-7109/552-7406CITY HEALTH OFFICE 551-2956TREASURER’S OFFICE 552-7186GENERAL SERVICES OFFICE 551-2252CSWD 551-3062/2360SP SECRETARIAT 654-3080TOURISM OFFICE 551-2145VICE-MAYOR’S OFFICE 552-7044SP SESSION HALL 551-6182CPDC - MIS 551-6449COA 551-6473GSO 551-2252HIYSC 551-2253INFORMATION OFFICE 551-2249RECORD’S SECTION 551-2414LAND TAX 551-5562

ALAMINOS WATER DISTRICT 552-7180BIR 552-7390BUREAU OF LANDS 551-5199BFAR 551-2516COMELEC 551-5344DepEd 551-0212DAR 552-7020DENR 551-6482DPWH 552-7213LTO 552-7068CITY TRIAL COURT 551-4962HINP - Lucap Wharf 551-2505PROSECUTOR’S OFFICE 551-3030REGIONAL TRIAL COURT 552-7075BAYANIHAN (BOLANEY) 551-6372SSS 551-5908REGISTER OF DEEDS 551-6278PHILHEALTH 551-6046TELECOM MESSAGE CENTER 552-7099NFA 552-7407

PAHALANG 1. sapa, batis, at kauri 5. panangga12. dating beauty doctor ni Osang13. lampara14. Infantry Batallion15. pangalang babae17. Official Business18. kulisap; pag dinoble20. sana21. ka___; uri ng tela22. marinig ng kaunti24. iang senador27. dating asawa ni John Lennon28. kakaiba (ibang anyo)31. diyos – diyosan33. bulong34. namayapang artistang Rico35. norte37. anunsiyo39. buyo41. pa___; gusto42. apelyidong intsik43. bahay kanlungan44. karagdagan45.sawatahin

PABABA 1. isinadlak 2.isang uri ng kaso

3. patas 4. berdeng ilaw trapiko 6. araw (pangasinan) 7. lulubha 8. ___l; urbanidad 9. ba___; kampo10. talos11. malawakang kadiliman

15. gapas16. sila19. palayaw ng Francisca23. pangalang babae25. r___; pera ng Saudi26. isang uri ng tinapay29. lalawigan sa Bisaya30. isakatuparan

32. nilitis33a. alalay36. isang pantukoy37. diyos ng Islam38. kamalayan40. dating DILG chief

PALAISIPAN

Page 16: Isla [May - Sepember 2007]

www.alaminoscity.gov.ph II www.hundredislands.ph

Inihayag muli kamakailan ni Mayor Hernani A. Braganza ang kahalagahan ng pagkaka-roon ng pang-lalawigan at pang-rehiyon na cycling competitions bilang pamamaraan upang higit na mai-promote at mapalakas ang cycling na sports at upang makapag-produce ng world-class na mga manlalaro nito. Nauna nang inihayag ito ni Bra-ganza nang ganapin dito ang opening rites

Ang Alaminos City Taekwondo Team, partikular ang Mary the Queen Educational Foundation, ay tinanghal kamakailan lamang na kampeon sa 2007 Regional Inter-School Taekwondo Championship na ginanap sa Dagupan City.

Tatlumput-pitong koponan ng mga atleta na kinabibilangan ng mga sundalo, negosyante at mga estudyante ang nagtunggali sa taong ito upang mapanalunan ang pagkakampeon ng Smart Hundred Islands Adventure Race sa Alaminos.

Kahalagahan ng lokal na cycling events iginiit ni Mayor Braganza

Alaminos kampeon sa 2007 Regional Inter-School Taekwondo Championship Ang pambihirang karera ng mga atleta sa Hundred Islands

SMART HUNDRED ISLANDS ADVENTURE RACE

Nag-uwi ang koponan ng wa-long gintong medalya, anim na pilak at siyam na medalyang pilak matapos itong magpamalas ng kakaibang husay, deter-minasyon at kumpiyansa sa bawat laban. Ang mga nanalo ng ginto ay sina Alvin Cale, Allan de Guzman, Jilliane Clarence Dela Cruz, Rommel Dona, Melanie Hope Douglas, Terrence Marc Esquerra, Mau-reen Erika Garcia at Kim Angela. Hindi rin nagpaiwan sina silver medalists Cristina Mae Agbayani, Sean Rey Austria, Roel Jay Gambil, Jerickson Ramos, Mara Francini Reyes at Ger-lie Birog. Nagtamo naman ng pilak sina Jeannie Catunga, Kirt Douglas Jr., Jea-nette Gracia, Carl Drexter Langit, John Daryl Langit, Yvonne Manantan, Lorenz Gabriel Ruiz at Allyssa Nicole Tersol. Ayon kay Jose Elvis TC. Sison, city sports consultant, ito ang kauna-un-

ahang kampeonato na napanalunan ng batang koponan ng Alaminos sa isang prestiyosong torneyo. Bukod sa Alaminos Team, labing-pito pang koponan o ma-higit sa apat na daang manlalaro ang nag-pakitang gilas sa katatapos lamang na tor-neyo. Ani Sison, ang nasabing panalo ay patunay lamang na kayang-kaya ng maki-pagsabayan ang manlalaro ng lungsod sa iba pang magagaling na atleta sa bansa. Samantala, nakatakda namang magtungo ang koponan sa tanggapan ng alkalde para pormal na ipresenta ang kanilang tropeo. Sinabi naman ni Melba Cabatic, president ng Hundred Islands Taekwondo Club (HITC), kukunin nila ang nasabing ang pagkakataon para mul-ing taos-pusong pasalamatan si Mayor Hernani A. Braganza sa lahat ng tulong at suporta na ibinihagi niya sa HITC at sa lahat ng batang atleta ng lungsod.

Ang pambihira at kapanapanabik na adventure patungo sa Hundred Islands ay isa sa mga binabantayan ngayon ng maraming mga nature lovers at atleta sa buong ban-sa. Ang proyekto ay bahagi ng makulay na Hundred Islands Festival na kinatampukan din ng mga ibat-ibang aktibidad katulad ng Araw ng mga Magsasaka at Mangingisda, agri-trade fairs, Araw ng Kabataan, Salt Sculpture Contest, Araw ng mga Balikbayan at Longganisa Festival. Hatid ng patimpalak na ito ang lahat ng hinanahanap ng isang manlalaro: ang pambihirang karanasan na lakbayin ang walang-katulad na Hundred Islands sa pamamagitan ng mga ibatibang sports na susubok sa lakas, bilis at talino ng mga manlalaro. Ayon kay Elvis Sison ng Hundred Islands Youth and Sports Council, “ang Ad-venture Race na isinasagawa sa lungsod taon-taon ay isang matagumpay na tourism strategy ng lokal na pamahalaan.” “Ang karerang ito ay isa sa mga ibat-ibang aktibidad, gaya ng Tour De Hundred Islands, na dinadayo ng mga turista at mahihilig sa sports at ang magandang Hundred Islands,” dagdag ni Sison “Kasama sa mga larong ito ang running, biking, swim-ming, trekking, spelunking, rapelling, kayaking, paddling, land navigation at marami pang iba. “ Ang mga nanalo sa kumpetisyon sa mga sumsunod na kategorya: Elite cat-egory: Raquel Espinosa, Roel Ano, at Meriyln Lumagba ng Sandugo AFP, 1st place. Trek Ground Zero: Relos, Louie Peralta, Padua Editha, 2nd place. Boddy Sandugo Trek: 3rd place, Thadeus Festin, Jasmine Lasota and Jake Custodio from Quezon City; Team Sagul:Christine Bueta, Dela Cruz Antonino and Dela Cuesta Mendel 4th place,; and UPM Woohoo, 5th place, team of students and professionals composed of Den-nis Lopez, Dante Paulo Unson and Roselyn Babral. Nanalo sa Fun Category ay sina: UST MC boon, 1st place, composed of Julius Cruzat, Frederick Agoot, Sarah Gay Lao 20 years old, all students from the University of Sto . Tomas (UST); UST MC Carlos Amarillo; Global like trek, 3rd place, composed of Geoffrey Tan, Lenuel Basa and Da-vid Basa from metro Manila; Joshua brothers, 4th place, composed of Renato Acheta, Oliver Arellano and Alfonso Alpuerto; Barch Pakers, 5th place, composed of Mark Romano, Katrina Erika Aranjuez and Jacob Matias all from UP-Diliman. Ayon sa mga manlalaro walang katulad at hindi nila makakalimutan ang ligaya at saya na kanilang narasan sa Hundred Islands.

PADYAK PINOY SUMMER SHOWDOWN SA ALAMINOS. Nagwagi bilang Padyak Pinoy Champ si Victor Espiritu ng Wow Magic Sing.

ng ika-4 na stage ng Padyak Pinoy Sum-mer showdown, ang Alaminos-Vigan lap.Sinabi noon ni Mayor Braganza na sa pa-mamagitan ng Padyak Pinoy, naibalik ang Alaminos City sa sports at eco-tourism map ng bansa. Ayon pa sa kanya, ang major sports event na iyon ay nakatulong upang maibalik sa kamalayan (consciousness) ng mga Pilipino at dayuhang turista ang pambihirang kagandahan ng Hundred Is-lands. Pinasalamatan niya noon sina

Tour President Gary Cayton, Air 21 CEO-Mr. Bert Lim, ang iba pang mga nagsi-ayos (organizers) at major sponsors “for bringing Padyak Pinoy to the city and for helping the city promote its pride to the whole world through Living Asia Channel.” Ayon kay Cayton, magpapatuloy ang na-pakagandang cycling tradition na ito at siya’y nangakong magbibigay ng suporta sa pamahalaang lokal ng lungsod para sa susunod na Tour de Hundred Islands Cy-cling Classic dito. Nagpasalamat din siya at ang

kanyang mga kasamahan sa mainit, may kasiglahan at malugod na pagbati at pag-tanggap sa kanila ng pamahalaang lokal at mga mamamayan ng lungsod. Ayon kay Jerry Mateo, isang businessman, malaki ang naitulong ng mga karerang ito sa mga business estab-lishments sa lungsod. Sa tuwing may mga ganitong mga aktibidad, marami ang nagpupunta sa Alaminos, mga lokal at foreign tourists, upang manood at gumastos sa lungsod.”