30
KABANATA 2 KALIGIRANG PANG-KASAYSAYAN The past is never dead It is not even past - William Faulkner Requiem for a Nun Ang Bayan ng Indang Ang mga bayan sa lalawigan ng Cavite ay historikal na hinahati sa dalawang magkaibang topograpikal na katangian. Ang mga bayan na mula sa hilaga patungong kanlurang bahagi na nakaharap sa dalampasigan ng look ng Maynila ay tinatawag na lowland at ang mga bayan sa katimugan ay tinatawag na upland. Ang upland Cavite ay nagsisimula sa gulugod ng mga kabundukan ng Tagaytay at dumadausdos na pahilaga, pababa sa kalagitnaan ng mataas na lupa ng Katimugang Cavite, kung saan matatagpuan ang bayan ng Indang. Ang hangganang bayan ng Indang ay ang mga sumusunod: sa hilaga ang Naic; hilagang silangan, Lungsod ng Trece Martires at bayan ng General Trias; sa hilagang kanluran, ang bahagi ng bayan ng Maragondon; sa kanluran ay ang Alfonso; sa silangan ang Amadeo; at sa timugan ang Mendez at bahagi ng Lungsod ng Tagaytay. May layo na na 56 na kilometro patungo sa lungsod ng Maynila sa pinakamaikling ruta na Indang–Trece Martires. Mayroong lawak na 100.2 kilometro kuwadrado, binubuo ng 36 na barangay. 1 Ayon sa pinakahuling senso sa taong 2007, ang populasyon ay umaabot sa 60,755. 2 1 www.wikipedia.com 2 www.census.gov.ph 13

Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

KABANATA 2 KALIGIRANG PANG-KASAYSAYAN

The past is never deadIt is not even past

- William Faulkner Requiem for a Nun

Ang Bayan ng Indang

Ang mga bayan sa lalawigan ng Cavite ay historikal na hinahati sa dalawang magkaibang topograpikal na katangian. Ang mga bayan na mula sa hilaga patungong kanlurang bahagi na nakaharap sa dalampasigan ng look ng Maynila ay tinatawag na lowland at ang mga bayan sa katimugan ay tinatawag na upland. Ang upland Cavite ay nagsisimula sa gulugod ng mga kabundukan ng Tagaytay at dumadausdos na pahilaga, pababa sa kalagitnaan ng mataas na lupa ng Katimugang Cavite, kung saan matatagpuan ang bayan ng Indang. Ang hangganang bayan ng Indang ay ang mga sumusunod: sa hilaga ang Naic; hilagang silangan, Lungsod ng Trece Martires at bayan ng General Trias; sa hilagang kanluran, ang bahagi ng bayan ng Maragondon; sa kanluran ay ang Alfonso; sa silangan ang Amadeo; at sa timugan ang Mendez at bahagi ng Lungsod ng Tagaytay. May layo na na 56 na kilometro patungo sa lungsod ng Maynila sa pinakamaikling ruta na Indang–Trece Martires. Mayroong lawak na 100.2 kilometro kuwadrado, binubuo ng 36 na barangay.1 Ayon sa pinakahuling senso sa taong 2007, ang populasyon ay umaabot sa 60,755.2

Noong 1985, napansin ng mga historian na sina Saulo at Ocampo ang kamanghaan ng Indang sa aspekto ng edukasyon. Sa kabila noon nang kaliitang kita ng munisipalidad ay mayroon naman itong mga paaralan na binubuo ng 21 elementarya, anim na hayskul, isang kolehiyo, at isa sa bawat apat na mamamayan ay nag-aaral. Isang indikasyon ng mataas na pagpapahalaga ng

1 www.wikipedia.com

2 www.census.gov.ph

13

Page 2: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Kabanata 2 – Kaligirang Pangkasaysayan

mga mamamayan nito sa edukasyon bilang bahagi ng kanilang buhay.3 Kung napagtuunan lamang ng malalim na pag-aaral nina Saulo at de Ocampo ang kasaysayan ng Indang, mapapatunayan nila na ang kanilang naobserbahan ay produkto ng mahabang panahon sa pagpapahalaga ng mga mamamayan nito sa edukasyon. Sa pag-aaral ukol sa Indang ay mababakas na sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ay pinunyagi ng mga mamamayan nito na magkaroon ng mataas na antas ng edukasyon ang kanilang mga anak.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Indang Bago ang mga Espanyol

Daan taon pa man bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, ang Katimugang Cavite ay kalipunan na ng mga pre-kolonyal na komunidad, kung saan ang Indang ay istratehikong nakalagay. Ayon sa karaniwang kaalaman, ang pangalan ng Indang ay hinango mula sa puno na matatagpuan sa lugar.4

Ang katandaan ng Indang at mga karatig na pamayanan ay itinala ni Dr. Otley H. Beyer sa pamamagitan ng summary ng mga natuklasang mga artifacts sa pagitan ng Indang at Tagaytay na tinatayang ginamit pa sa mga huling Panahong Bato. Ang napakaraming mga piraso ng porselana mula sa Tsina at Sawankhalok (Thailand) na tinataya na kapanahon pa nang ika-13 hanggang ika-15 siglo na natagpuan sa sitio Pangil sa 3 Alfredo Saulo and Esteban de Ocampo. History of Cavite: The Mother Ground of Philippine Revolution, Independence, Flag, and National Anthem. (Provincial Government of Cavite, 1985):194.

4 Mayroong tatlong puno na maaring kumakatawan sa Indang: Ang hernandia ovigera na binabanggit ni Dr. Isagani R. Medina (1994:13), ang pinakamalapit na kauri at pinaghihinalaang iisa) ay ang hernandia peltata na ang isa sa lokal na katawagan ay calumpang. (Merrit. 1908:43). Ang baticulin (litsea) ay isa sa mga puno na tinatawag na indang, subalit ang katawagang ito ay ginagamit lamang sa mga pulo sa Kabisayaan. Sa Luzon ang anubing/anobing (artocarpus ovata Bl./o. artocarpus cumingiana Trec.) ay tinatawag na indang sa mga erya na nasasakop ng lalawigan ng Rizal at Laguna. (Schneider 1916:101).

14

Page 3: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Intermedia ng Indang/Anciano

sangadaan ng Indang, Amadeo at Silang.5 Ang mga eksistensiya ng mga kalakal na ito ay indikasyon sa pagkakawing ng Katimugang Cavite sa kalakalang Timog-Silangang Asya, dantaon pa man bago dumating ang mga Espanyol. Maidaragdag pa rito ang ang ritwal ng sayaw sa apoy ng Alfonso na isang indikasyon sa pagkakaroon ng kalipunan ng mga pre-kolonyal na pamayanan na pinaninirahan ng mga taong nagtataglay ng adbanseng kaalamang kultural at intilektwal.

Ang nakikitang salik sa paglitaw ng pre-kolonyal na pamayanan sa Indang ay dahilan sa lokasyon nito na nasa sentrong bahagi ng mataas na lupa ng lalawigan. Ang kabundukan ng Tagaytay na dumadausdos pababa sa mga pamayanan ng Palocpoc, Gahitan, Anoling, Kaykiwit mula sa Timugan; ang mga matandang bahayan ng Alas-as sa Timog Kanluran; ang ilang bahagi ng matandang pamayanan ng Maragondon sa Kanluran; at ang mga pamayanan ng Silang at Amadeo sa Silangan ay humuhugos lahat patungo sa Indang. Sa sangandaan ng matandang pamayanan ng Indang ay naiipon ang mga produktong ibinababa mula sa mataas na lupa at ang mga produktong ipinapanhik mula sa mga pamayanang dalampasigan. Bago pa man maganap ang kolonisasyon ay mababakas na ang importansiya ng Indang bilang sentro ng mga pre-kolonyal na transaksiyon na nagdaraan padausdos at/o papanhik sa isang mahaba ngunit hindi katarikang landas na sa paglipas ng panahon ay tinawag na Camino de Naic.6

Ang Indang sa Panahon ng Pananakop ng mga Espanyol

Sa pagdating ng mga Espanyol, ang lalawigan ng Cavite ay isa sa mga unang pook na napasailalim ng kanilang kolonisasyon at sa prosesong ito, ang pangangaral ng Katolisismo ang kanilang ginamit na instrumento. Sa mga unang taon ng Katolisisasyon ay naitalaga sa Katimugang Cavite ang mga

5

H. Otley Beyer. Outline Review of the Philippine Archelogy by Islands and Provinces. The Philippine Journal of Science (July-August, 1947):242.

6 Sa aklat ni Hugo Miller na Economic Conditions in the Philippines (1913:331), kinilala ang niya ang 16 na importanteng bayan sa Pilipinas ukol sa larangan ng distribusyon ng mga produkto para sa pang-domestikong pang-konsumo, ang Indang ay kabilang sa mga ito at binigyan ni Miller ng klasipikasyon na general market for highland.

15

Page 4: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Kabanata 2 – Kaligirang Pangkasaysayan

misyonerong Jesuita na ginamit na base ang bayan ng Silang. Mula roon, pinalaganap nila ang Katolisismo sa iba pang mga naninirahan sa erya ng mataas na lupa ng lalawigan na kinabibilangan ng Indang. Para sa konbinyensiya ng administrasyon at misyong pansimbahan, ang Indang at ang malaking bahagi ng mataas na lupa ng Cavite sa mga unang dekada ng kolonyalisasyon ay naging bahagi ng pueblo ng Silang. Ang kalayuan naman nang paglalakbay ng mga taga Indang para sa pagdalo sa obligasyong pansimbahan at transaksiyong pampamahalaan ang nagtulak sa kanila sa kinalaunan upang gumawa ng petisyon na maihiwalay ito mula sa Silang.

Natamo ng Indang noong 1655 ang katayuan bilang isang hiwalay na pueblo sa Silang at naitalaga si Don Juan Dimabiling bilang unang punong bayan.7 Si Padre Angelo Armano bilang unang kura-paroko,8 at itinalaga ang San Francisco Xavier bilang unang santo ng parokya. Naging bahagi ng Indang ang mga baryo ng Palocpoc, Gahitan, at Anuling sa timugang bahagi; at sinasakop naman nito ang Alas-as sa timog-kanluran na ngayon ay tinatawag na bayan ng Alfonso.

Ang Panimula ng Edukasyon sa Indang Hanggang Kalagitnaan Sa Ika-18 Dantaon

Ang Inpluwensiyang Jesuita

Ang pag-unawa sa pagkahilig ng mga taga-Indang sa edukasyon ay maipapaliwanag sa pagkakatalaga ng mga misyonerong Jesuita sa pueblo. Bago pa man dumating ang mga Jesuita sa Pilipinas ay taglay na ng mga ito ang isang matandang programang pang-edukasyon na sa kinalaunan ay naisa-kongreto at tinatawag na Ratio Studiorum para sa kanilang epektibong misyon. Ipinaliwanag ng wikipedia ang programa na:

7 Ang taong 1655 na pagkakatatag ng Indang ay taon lamang ng pagsisimula nito bilang isang kolonyal na pueblo. Ilang dantaon pa man, bago ang kolonisasyon ay establisado na ang pamayanan ng Indang. 8

Si Padre Angelo Armano ay unang naitala bilang misyonero na ang unang gawain sa Maynila ay mag-ipon ng mga kasaysayan ng mga santo. Sa dakong huli ay nalipat ng Antipolo at nag-aral ng wikang Tagalog na ginamit niya sa pangangaral pansimbahan na nagkaroon ng mahusay na resulta. Blair and Robertson. The Philippine Islands:1493-1803. V. 13:189.

16

Page 5: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Intermedia ng Indang/Anciano

Ratio Studiorum (Latin: "Plan of Studies") often designates the document that formally established the globally influential system of Jesuit education in 1599. Its full title is Ratio atque Institutio Studiorum Societatis Iesu ("The Official Plan for Jesuit Education").9

Nilinaw ng Catholic Encyclopedia ang naunang layunin ng programang Ratio Studiorum sa ganitong paliwanag:

The Constitutions of the Society from the beginning enumerated among the primary objects of the Society: teaching catechism to children and the ignorant, instructing youth in schools and colleges, and lecturing on philosophy and theology in the universities. Education occupied so prominent a place that the Society could rightly be styled a teaching order.

The Constitutions (Ratio) declared elementary education to be "a laudable work of charity, which the Society might undertake, if it had a sufficient number of men". In missionary countries, however, Jesuits have frequently devoted themselves to elementary education.10

Ang eksistensiya ng Ratio Studiorum at ang pagiging bagong kolonya ng Pilipinas ay mga kadahilanan na nagtulak sa mga Jesuita sa mga unang taon ng kanilang misyonerong gawain na harapin ang pagtuturo sa mga kabataan, kasabay ng pagbibigay ng pormal na instruksiyon sa mga ito. Sa pag-aaral ni Constante Floresca, ang unang paaralan para sa pagtuturo ng ketekismo na siyang naging precursor ng pormal na edukasyon sa Pilipinas sa panahon ng Espanya ay itinatag ng Jesuitang misyonero na si Padre Chirino noong 1593 sa Panay.11 Ang

9

www.wikipedia.org – ratio stadiorum

10 Catholic Encyclopedia- www.newadvent.org/-ratio stadiorum

11 Constante Floresca. Education in the Philippines During Early Period of Christianization from 1565 to 1600. Unpublished Masters’ Thesis.

17

Page 6: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Kabanata 2 – Kaligirang Pangkasaysayan

gawaing pang-edukasyon ng mga Jesuita na nagsimula kay Padre Chirino ay dinala ng mga ito sa kanilang mga misyon sa Luzon, na rito ang bayan ng Indang ay nakabilang. Kahit wala pang mga dokumento na direktang nagsasalaysay nang ginawang pagtuturo ng mga Jesuita sa Indang ay mayaman naman ang mga kapanahong dokumento na nagsasalaysay ng kanilang mga pagtuturo sa mga parokya na kanilang nasasakupan. Ang mga aktibidad na iyon ay masasalamin ang padron ng kanilang pang-edukasyonng gawain na naging isa sa mga mahalagang salik sa pagpapahalaga ng mga taga-Indang sa larangan ng edukasyon.

Gaya nang nabanggit, ang pagtuturo ng mga Jesuita ay nakapadron sa Ratio Studiorum na ipinaliwanag ni Guerrero na “ang layunin ay makalikha ng mga kabataan na tapat sa simbahan”.12 Hindi matatawaran ang naging bisa ng programang pang-edukasyon na pinairal ng mga Jesuita sa Indang. Sa mga unang pa mang bahagi ng ika-17 dantaon ay nakalikha na ito ng mga katutubong mamamayan na tapat sa korona at simbahan.

Sa pag-aaral ni Dr. Augusto de Viana, lumilitaw na ang isang mamamayan ng Indang na nagngangalang Juan de Santa Cruz na mula sa maharlikang lipi at panday ng bayan ang isinama ng misyonerong Jesuita na si Padre Diego Luis Sanvitores nang umalis siya mula sa Maynila noong Agosto 7, 1667, para sa kolonisasyon sa mga kapuluan ng Marianas. Si Juan de Santa Cruz ang namuno sa mga kasamahan niyang Pilipino sa ekspedisyon sa Marianas at ang isa sa mga nakasama rito ay si Pedro Calungsod ng Cebu.13 Ang naging pangunahing gawain ni Juan de Santa Cruz ay ang pagsisimula ng kolonisasyon ng Marianas at ang pagkakatatag sa pamayanan ng Agana (Guam) bilang sentro ng bagong kolonya ng Espanya sa Pasipiko. Sa internet, ang pangalan ni Juan de Santa Cruz ay nakasama sa talaan ng mga naging pinuno ng pulo ng Guam mula Hunyo 16, 1668 hanggang 1672 bilang komander-militar

University of San Carlos. 1950.

12 Leon Ma. Guererro. The First Filipino: A Biography of Jose Rizal. (Rizal Centennial Commission)1963:4113

Agusto de Viana. Juan de Santa Cruz and The Establishment of the Spanish Mission of The Mariana Islands During the 17th Century. Papel na binasa sa Ika-25 Pambansang Komperensiya sa Lokal at Pambansang Kasaysayan ng Philippine National Historical Society. Ginanap sa Cavite State University, Oktubre 22-25, 2004.

18

Page 7: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Intermedia ng Indang/Anciano

ng kolonya14 at nagsilbing tagapagtanggol ng mga misyonerong Jesuita sa kapuluan ng Marianas. Sa pagpapatuloy sa pag-aaral ni De Viana, ang asawa ni Juan de Santa Cruz ay nagturo sa mga Chamorro at unang guro sa paaralan ng Marianas.

Sa pag-uwi ni Juan de Santa Cruz ay naganap ang Chamorro Rebellion sa Marianas kung saan sina Padre Sanvitores at Pedro Calungsod ay pinaslang at naging mga martir ng pananampalatayang Katoliko sa Pasipiko.15 Sa pagreretiro ni Juan Santa Cruz noong 1671 ay nagbalik ito sa Pilipinas na walang pensiyon at parangal hanggang sa kinalaunan ay kilalanin ng Espanya ang kaniyang naging mahalagang partisipasyon sa pananakop ng kapuluan at tinagurian siya na Konkistador ng Marianas at ang kaniyang asawa ay naglingkod naman na guro sa mga mag-aaral na babae sa isang paaralan sa Maynila.16

14

Ang pagkakatalaga kay Juan de Santa Cruz bilang military commander ng Guam ay mababasa sa internet: www.worldstatesmen.org/guam.html

Ipinapaliwanag sa pag-aaral na ito na ang salitang panday sa konteksto ng kapanahunang iyon ay hindi lamang nakaukol sa mga tao na gumagawa ng mga kagamitang bakal. Sa katimugang Cavite ang panday ay katawagan din sa mga karpintero/anluwagi, subalit ang kapuna-puna sa depinisyon ng Vocabulario nina Noceda at San Lucar na ang “Panday: oficial en comun.

Dahilan sa ang deskripsiyon sa pag-aaral ni de Viana na si Juan de Santa Cruz ay mula sa maharlikang angkan at panday ng bayan ng Indang ay tiningnan ng nagsasaliksik ang listahan ng mga namuno sa bayan mula 1655 hanggang sa kasalukuyang panahon. Walang lumilitaw na apelyidong Santa Cruz na namuno sa bayan kundi de la Cruz. Sa mga may-apelyidong de la Cruz na namuno sa Indang ay sina:

Juan de la Cruz – 1664Cristobal de la Cruz – 1666Andres de la Cruz – 1670Juan de la Cruz – 1677

Magkakaroon tayo ng impresyon na ang kapanahunang iyon ay ang katanyagan ng angkan de la Cruz sa lokal na pulitika ng Indang. Mapapansin sa listahan ang pangalang Juan de la Cruz na naging pinunong bayan noong 1664 at 1677. Isang katanungan ang dapat na pag-aralan rito, kung si Juan de la Cruz na pinunong bayan ng Indang (1664 at 1677) ang siya rin si Juan de Santa Cruz na konkistador ng Marianas noong 1668-1672.

15 Ang kasaysayan ng misyon ni Padre Sanvitores sa Marianas ay maaring basahin sa Destiny’s Landfall: A History of Guam ni Robert E. Roger. University of Hawaii Press. 1995.

16 De Viana

19

Page 8: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Kabanata 2 – Kaligirang Pangkasaysayan

Ang Inpluwensiya ng IndangSa Pag-aaral ng mga Jesuita

Kung nainpluwensiyahan ng mga Jesuita ang sinaunang edukasyon ng mga mamamayan ng Indang, sa kabila naman nito ay nagkaroon naman ng bahagi ang bayang ito sa isa sa pinakainpuwensiyal na pag-aaral ng mga Jesuita ukol sa wikang Tagalog. Sa mga unang taon ng pangangaral ng Katolisismo sa Pilipinas ay sinikap ng mga naunang paring misyonero na makagawa ng kompaylasyon ng pag-aaral, kung saan pinagtutugma ang wikang Espanyol sa mga wika na ginagamit sa mga lokalidad na kinatatalagahan ng mga misyonero. Ang prosesong ito ng pag-aaral ay nagbigay daan sa pagsilang ng mga sinaunang anyo ng vocabulario na inihanda ng mga Agustino, Franciscano at mga Dominicano. 17

Sa pagbubukas ng ika-18 siglo, ang mga Jesuita ay nagsimula ng kompaylasyon ng mga salitang Tagalog na mula sa manuskrito na inihanda ng mga naunang prayle mula sa ibang mga orden. Ang proyekto ay pinasimulan nina Padre Pablo Clain, Francisco Jansens, at Jose Fernandez. Sa pagkamatay ni Padre Pedro Clain noong 1717, si Padre Juan de Noceda ang nagpatuloy ng pagsasa-ayos ng proyekto sa loob ng 30 taon, na sumasangguni sa 12 ladino.18 Ang proyekto ay ipinagpatuloy ni Padre Pedro de San Lucar at nagdadagdag ng mahahalagang entry partikular sa paggamit ng inflection at paraan ng paglagay ng affixes. Sa kabila ng pagiging panghuli ni Padre San Lucar ay nagkaroon naman siya ng mahalagang papel sa pinalisasyon nito:

17 Pasa sa maikli ngunit komprehensibong pagtalakay sa pagkakabuo ng mga vocubalario sa rehiyong Tagalog ay maaring basahin ang artikulong Tagalog Vocabularios na inihanda ng Pila Historical Society Foundation Inc. Maaring ma-i-download sa internet ang pdf file sa www.pinagpala.googlepages.com. Sa ginagawang patuloy na pag-aaral at pagkukumpara ng nagsasaliksik sa kasaysayan ng Indang, napansin nito na ang pinakamalapit rito sa pagkakatulad ng yamang-pangkasaysayan ay ang Pila, Laguna. Higit lamang na pinagpala ang Pila, Laguna dahilan sa pagkakaroon nito ng mga dedikadong mananaliksik, suporta ng pamahalaang lokal, at isang napakahusay na museo kung saan nila sinisinop ang mga relikyang kultural ng kanilang bayan.18

Ladino – katawagan sa mga mamamayan ng Pilipinas sa mga unang taon ng kolonisasyon ng Espanya na nagkaroon ng kaalaman sa pagsasalita at pagsulat ng wikang Espanyol.

20

Page 9: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Intermedia ng Indang/Anciano

Pansinin ang isang bahagi ng nilalaman ng pag-aaral ni Dr. Medina:

Fr. Pedro San Lucar evidently even made use of field study methods by going actually to several Tagalog-speaking areas like Cavite, Batangas, and part of what is now Rizal province, to gather enough data for monumental Vocabularios.19

Mapapansin na ang bahagi ng pag-aaral ni Padre San Lucar ay ginawa sa Cavite at Batangas. Sa ganito ay kinakailangan na sa mga panahong iyon, siya ay nasa isang istratehikong lugar na nasa hangganan ng dalawang lalawigan. Sa pagpapatuloy sa pag-aaral ni Dr. Medina ay makikita ang kinaroroonan nina Padre Noceda at San Lucar. Sa iisang pagkakataon.

Fr. Juan Jose Noceda , was native of Seville. He was born on February 24, 1681: He joined the Jesuits in 1700. Like Fr. San Lucar, the major part of religious life was spent mostly in upland Cavite (in Silang), where he was rector of Jesuit residence from 1725 to 1730. He returned to Silang again as rector from 1737 to 1740; he was transferred to Indang, serving town’s parish priest from 1740 to 1743… Apparently Fr. Noceda left a treatise on Tagalog accent which serve as Fr. Sanlucar guide, probably one of his short handwritten works only cited in introduction to 1832 and 1860 editions of the Vocabulario. His (Noceda) co-author, actualy the senior one.

Fr. Pedro de Sanlucar, saw the light of day in the walled city of Manila on January 30, 1707. Taking Jesuit vow in 1727, he received his first assignments in the upland towns of Cavite, earlier in Maragondon in 1734, and later in Indang from 1742 to 1745.20

Mapapansin sa kronolohiya, na nasa Katimugang Cavite ang dalawang Jesuita sa panahon na pinagyayaman nila ang mga kompilasyon ng mga pag-aaral ng mga nauna sa kanila. Sa ganito ay nagkaroon ng malaking bahagi

19 Medina 2001:68

20 Ibid.

21

Page 10: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Kabanata 2 – Kaligirang Pangkasaysayan

ang mga sinaunang ladino ng Katimugang Cavite sa pagpapayaman sa mga mahalagang nilalaman ng pag-aaral. Higit na kapuna-puna, na sina Padre Noceda at San Lucar ay kapwa nasa bayan ng Indang sa taong 1742-1743. Ang pagsasama ng dalawa ay hindi maaring pagkakataon lamang, partikular na sa mga Jesuita na ang bawat aksiyon ay tila istratehikong naka-programa sa kanilang pananaw na Ad majorem, Dei gloriam. Masasapantaha na walang pagkatakot sa kontradiksiyon na ang pagsasama nina Padre Noceda at San Lucar sa Indang ay higit na naka-pokus sa koordinatibong aktibidad sa ginagawa nilang vocabulario. Malaman na, ang Indang bilang bayan ay hindi lamang nasa crossroad ng Katimugang Cavite, kundi maging sa ruta patungo sa hilagang kanluran ng lalawigan ng Batangas. Higit na mapapansin na ang malaking bahagi ng Vocabulario ay hinango sa wikang Tagalog na ginagamit sa matataas at mababang lupa ng mga lalawigan ng Cavite, Batangas, at ilang bahagi ng ngayon ay lalawigan ng Rizal.21

Ang kumplisyon ay pagkakalimbag ng Vocabulario nina Noceda at San Lucar sa kapanuhunang iyon ay naging karagdagang ornamento sa estante ng mga aklat sa pag-aaral ng wika. Sa kabilang dako, ang mga seryosong mag-aaral ng kultura ng Cavite partikular ang mga nag-aaral ng lingwistiks ay higit na makikinabang sa pagbasa ng isang monumental na pag-aaral na kung saan ang ang bayan ng Indang minsang naging host sa dalawang paham.

Ang pananatili ng mga Jesuita sa Indang ay nagtapos sa bisa ng isang Decreto Real noong 1767 (ipinatupad sa Pilipinas noong 1768) na nagpapa-alis sa orden sa kabuuan ng imperyo ng Espanya dahilan sa kawalan ng pagtitiwala ng korona sa lumalakas na inpluwensiya ng orden sa kanilang mga kolonya

Mga Datos Pang-Edukasyon Ukol sa Indang sa Pagtatapos ng Ika-18 Siglo at Unang Kalahati ng Ika-19 na Siglo

Ang mga Jesuita ay nanatili sa Katimugang Cavite sa halos 175 na taon at direktang napangasiwaan ang bayan ng Indang sa mahigit na 120 taon. Sa pagkakataong ito ay wala pang nakalaan na karagdagang materyales historikal sa mga

21 Pagkatapos ng panunungkulan ni Padre Noceda sa Indang ay nalipat sa Kawit at sa bayan ng Cavite.

22

Page 11: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Intermedia ng Indang/Anciano

ispesipikong mga kaganapan sa Indang sa loob ng mga panahong iyon.

Subalit ang inpluwensiyang sa pagkahilig ng mga taga-Indang sa aspekto ng edukasyon sa kabila ng kanilang pagkawala mga Jesuita sa Indang ay masasalamin sa ulat pang-edukasyon sa Cavite noong 1794.

Sa ulat pang-edukasyon sa mga bayan sa lalawigan noong 1794, makikita ang mataas na porsiyento ng mga kabataan na nag-aaral sa Indang na umaabot sa 20.42% ng populasyon. Naungusan man ang Indang ng San Roque, Bacoor at Kawit, ito ay dahilan sa ang mga nabanggit na bayan ay mayroong mga malaking bilang ng mga naninirahang Tsino; ang kanilang populasyon ay nakaipon nang masisin sa maliit na erya na mayroong topograpiyang kapatagan at baybayin; mayroong silang aktibong pang-araw-araw na kabuhayan; at nasa sentro ng kalakalan. Samantalang ang Indang ay mayroong malawak at maburol na topograpiya ng lupa na naghihiwalay sa mga mamamayan nito sa mga dakong interyor at malayo sa sentro ng kalakalan.

Sa taong 1814, dalawampung taon pagkatapos ng naunang ulat, ito ay nasundan ng panibagong datos pang edukasyon ukol sa mga bayan ng lalawigan ng Cavite na kababatiran nang pagiging consistent ng Indang sa kaniyang palaaral na tradisyon.

23

Page 12: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Kabanata 2 – Kaligirang Pangkasaysayan

Makikita sa ulat ang mabilis na paglaki ng populasyon ng Indang na pumapangalawa na sa dami sa buong lalawigan. Sa larangan ng edukasyon, 20 taon ang nakalipas kumpara sa naunang ulat ay nakapagtala ang Indang ng 189.5% ng paglago sa dami ng mga mag-aaral o average na 9.47% paglago sa bawat taon. Lumilitaw rin sa datos na ang Indang ay pangalawa na sa dami ng mga mag-aaral at pangalawa rin sa porsiyento ng populasyon na nakapag-aaral sa lalawigan.

Ang Ulat Nina Buzeta at BravoUkol sa Kalagayan ng Bayan ng Indang

Noong 1850 – 1851, gumawa ng pagtitipon ng mga deskripsiyon ng mga bayan sa Pilipinas ang dalawang paring Agustino na sina Buzeta at Bravo. Isa sa kanilang naitala ang Indang at ang pag-uulat ay mapagkukunan ng mga posibleng salik sa pag-unlad ng bayan sa larangan ng edukasyon. Sa pag-uulat ay inilarawan ang Indang sa ganito:

“town with parish priest and gobernadorcillo, in island of Luzon, province of Cavite, diocese of the archbishopric of Manila; situated in 1240 34” 59”” long., 140 13’ lat., on the level land, at the bank of a river, which passes at the east of the town, (Bañadero - anciano) and not far from another which runs at the west (Binambangan - anciano). Its climate is temperate and healthful. The boundary is confined by Rosario (at 4 leagues at the north; by the mountains which divides this province from Batangas

24

Page 13: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Intermedia ng Indang/Anciano

at the south, by Silang (at 2 leagues) at the east, and by the town of Maragondon (3.5 leagues at the west-north-west) at the west. The land is very fertile, although mountainous, and watered by a great number of rivers.

Has some 2,809 houses… notable among them being the casa parroquial and the casa de comunidad… There is a primary school where plenty of students concur, endowed from the community funds, and a parish church served by a secular priest… Communicates with its neighbors by means of good roads, and receives weekly mail from the capital… Population: 16,855 souls.”22

Bakas sa ulat ang kaunlarang kabuhayan ng Indang noong 1850’s. Ang 2,809 na mga bahay at ang populasyon na 16,855 ay isang palatandaan ng malaking pamayanan sa kapanahunang iyon.23 Ang katangi-tanging casa paroquial at casa de comunidad ay mga indikasyon ng progreso ng pamayanan, sapagkat ang dalawang inprastraktura ay naitatayo lamang sa pamamagitan ng malaking donasyong pansimbahan at ang huli ay sa malaking buwis mula sa mga mamamayan.

Ang kasaganaang ito ay maiuugnay sa karagdagang inpormasyon na binanggit nina Buzeta at Bravo ukol sa pagkakaroon ng Indang ng saganang likas na yaman, industriya ng paghahabi ng telang abaka at bulak at ang lokasyon nito na sentro ng kalakalan dahil sa maayos na Camino de Naic na

22

Fr. Manuel Buzeta at Fr. Felipe Bravo, OSA. Diccionario geograpico, estadistico, historico de las islas Filipinas. Tomo II, (Madrid,1850): 108-109. Ang ginamit na panukat ng distansiya na isang liga ay katumbas ng limang kilometro.

23 Ang populasyon na ito ng Indang na 16,855 ay hindi natumbasan sa mga sumunod na senso sa panahon ng Espanya at sa dalawang senso sa panahon ng mga Amerikano (1903 at 1918).

25

Page 14: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Kabanata 2 – Kaligirang Pangkasaysayan

daanan ng kalakal mula at patungo sa mataas na lupa ng Cavite.24 Ang lingguhang palitan ng sulat ay indikasyon ng importansiya ng Indang sa larangan ng kalakalan at pakikipag-ugnayang pampamahalaan at ang pagkakaroon ng mga taal na mamamayan na naninirahan sa ibang lugar o ang pagkakaroon mga nandayuhan mula sa ibang lugar na naninirahan dito.

Sa pagsusuri sa ulat nina Buzeta at Bravo ay mayroong dalawang mahalagang bagay na dapat makita. Ang una ay ang pagkakaroon sa Indang ng isang paaralang primarya na dinadaluhan ng maraming mga mag-aaral at sinusuportahan mula sa pondo ng pamayanan. Isang konpirmasyon sa pansibikong ispirito ng Indang na gastusan ang paaralan mula sa salapi ng bayan at sa pagkahilig ng mga taga Indang sa edukasyon magmula pa sa panahon ng mga Espanyol.

Sa ulat nina Buzeta at Bravo ay binanggit na ang Indang ay pinangangasiwaan ng isang paring sekular na Pilipino. Sa kapanahunang iyon, upang ang isang paring Pilipino ay makapanungkulang kura-paroko sa isang parokya ay kailangan na humarap ito sa isang mahigpit na pagsusulit pansimbahan na tumitiyak na ito ay nakakahigit sa kakayahang pang-intilektwal kumpara sa kaniyang mga kapwa paring Pilipino at Espanyol. Maraming taon pa bago ang ulat nina Buzeta at Bravo, ang parokya ng Indang ay pinangangasiwaan na ng mga paring sekular, ang ilan sa kanila ay nagtataglay ng mga katutubo at mestisong pangalan tulad ng mga paring sina Juaquin Poeyo (1767), Rafael Ochoa (1768), Modesto Patricio de Lua (1768), Juan Salamat (1794), at sa panahon ng pag-uulat nina Buzeta at Bravo, ang kura paroko ng Indang ay si Padre Jose Diocno.25 Mula sa mga paring sekular na nangasiwa sa kanilang parokya ay namasid ng mga taga-Indang ang isang modelo na

24 Sa panahon ng Espanya, ang Camino de Naic ay bahagi ng sistema ng matandang Provincial Circumferential Road na umiikot sa buong lalawigan ng Cavite at ginamit pa hanggang sa panahon bago ang Komonwelth. Ang komprehensibong deskripsiyon ng topograpiya at sistema ng kalsada sa lalawigan bago ang Himagsikan ng 1896 ay mababasa sa Capitulo 1 – Teatro de Guerra sa aklat ni Federico de Monteverde y Sedano na Campaña de Filipinas : La Division Lachambre , 1897 (Libreria de Hernando y compania , 1898). 25

Gervacio Pangilinan. La Historica Cavite. 1926. Trans. Lourdes Arescopacochaga. (Cavite Historical Society, 2001): 202

26

Page 15: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Intermedia ng Indang/Anciano

nagpapakita sa kahalagahan ng intilektwal na kahigitan bilang susi sa pangunguna at pagtata-gumpay sa buhay. Mga modelo na sa paglaon ng panahon ay tutularan ng kanilang mga inapo.

Ang Edukasyon sa Indang sa Huling Bahagi ng Kolonyalismo ng Espanya

Ang mga datos pang-edukasyon sa mga huling dekada ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas ay higit pang kumukumpirma sa konsistensiya nang paalaral na tradisyon ng mga mamamayan sa Indang noong kapanahunan ng mga Espanyol.

The Royal decree of 1863 formally established primary education in the Philippines with separate schools for adults, boys and girls in every town, teaching Christían doctrine, moral and sacred history, reading, writing, Spanish, arithmetíc, geography, practical agriculture, good manners and music. The few available documents at the PNA (Philippine National Archive) in Manila give at least an idea of the number of pupils, boys and giris, who attended schools, dropouts, and the average monthly attendance in Cavite in the early years of public education. In August 1867, Indang had the highest enrollment with an average attendance of 480, followed by Alfonso with 160 pupiís out of 200 prospects, Imus with 120 out of 150 pupils, and Cavite Puerto with the least enrollment of only three out of 53 pupiís. Accounting for dropouts or absences was the planting schedule which coincided with school sessions and the establishment of private education in Cavite Puerto. In 1867, of the 1,709 enrolled, 1,506 attended on the average, and oniy 16 dropped out. From one document the enrollment of girls in 1867 shows the ages from six to 14 years and the total enrollment of 10,948 with oniy 536 attending. Again Indang topped the list with 1,336 pupils, followed by Bacoor with 1,275, and Imus with 1,268. Daily attendance, however, differed in towns. Bacoor, for instance, had a daily attendance of 150; Imus, 160; Tanza, 200; San Francisco de Malabon, 80; and Rosario, 20.26

26 Medina, 1994:169-170

27

Page 16: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Kabanata 2 – Kaligirang Pangkasaysayan

Ang patuloy na pag-unlad ng Indang sa larangan ng edukasyon sa paglipas ng panahon ay nagbigay sa kanilang naisin na ilunsad ang isang bagong paaralan na magkakaloob ng higit na mataas na antas ng pagkatuto kumpara sa paaralang primarya na noon ay siya lamang nakalaan para sa mag-aaral ng bayan.

Ang Kompleks ng Poblacion ng Indang 1890

Isa sa mga kalakip sa pag-uulat ukol sa kalagayan ng edukasyon at paaralan noong 1890 ay ang plano ng poblacion ng Indang na katatagpuan ng mga mahahalagang edipisyo ng bayan.

Kung pagbabasehan ang matandang plano ng poblacion ng Indang sa taong 1890 at maglalakbay ang mambabasa sa kapanahunan ay mamasid niya ang mga sumusunod. Magmula sa simbahan (1) at casa paroquial (2) ay nakaharap naman ang dalawang edipisyong pampubliko: ang tribunal (3) na katapat ng casa paroquial at ang escuela (4) na katapat naman ng kunlarang gilid ng simbahan. Mula sa oryentasyon ng plano ay mapapansin na ang escuela ay nasa tagiliran ng tribunal na pinaghihiwalay ng kalye San Gabriel at ang harapan nito sa hilaga ay nakaharap sa isang malaking lawad na lupa at sa gilid ng simbahan. Magmula sa paaralan ang guro ng bayan ay mayroong tinutuluyang bahay na nasa Kalye San Miguel(5).27

27 Sa mga pangalan ng matandang kalye sa poblacion ng Indang, ang nanatili na lamang ay ang Kalye San Miguel.

28

Page 17: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Intermedia ng Indang/Anciano

Ang planong ito ng poblacion na nagpapakita sa lokasyon ng paaralan ay magiging mahalaga sa pag-unawa ng mga mambabasa sa mga naging kalakaran ng edukasyon sa Indang magmula sa panahon ng Kolonyalismong ng Espanya hanggang sa taong 1906.

Ang Gusaling PaaralanAt Bahay ng Guro sa Indang

Kumpirmado sa pag-uulat nina Buzeta at Bravo ang pagkakaroon ng isang magandang gusaling paaralan sa bayan ng Indang noong 1850’s na dinadaluhan ng maraming mga mag-aaral. Isang kapalaran na naingatan sa Pambansang Arkibo ang maraming mga dokumentong pang-edukasyon sa mga huling bahagi ng ika-19 na siglo na kinatatalaan ng mga pag-uulat ukol sa kalagayan ng gusaling paaralan ng Indang.28

Isa sa mga nakasinop na dokumento sa Pambansang Arkibo ay ang pag-uulat na mayroong larawang guhit ukol sa deteryorasyon ng gusaling paaralan sa Indang noong 1881. Mula sa larawang guhit, ang nagsasaliksik ay gumawa ng rekonstruksiyon ng larawan ng matandang paaralan ng Indang.

Sa restorasyon, makikita ang kaayusan ng bahay paaralan ng Indang na iniuulat nina Buzeta at Bravo. Ang bubungan ay gawa sa cogon na mayroong anyong patatsulok. Ang ibabang bahagi ng gusali ay gawa sa batong adobe na karaniwang materyales pang-konstruksiyon sa Indang. Sa harapan ay isang maluwang na pintuan na may haliging gawa sa solidong adobe at sa magkabilang tagiliran ay dalawang bintana at tig-aapat na bintana sa magkabilang tagiliran. Base sa proporsiyon ng poblacion, ang gusali ng paaralan ay mayroong malawak na erya. Ang loob ng escuela ay may kalakihan, payak ang interyor na walang dibisyon, subalit hindi naman nag-aalis sa posibilidad na magkakaroon ng mga partisyon kung kakailanganin.

28 Ang Cavite Escuelas: (1881-1886) Book 1 ay halos naglalaman ng mga dokumento ukol sa paaralan ng Indang.

29

Page 18: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Kabanata 2 – Kaligirang Pangkasaysayan

Ang guro ng paaralan ng ay mayroong sariling lugar na tinutuluyan na matatagpuan sa silangang panig ng Kalye San Miguel. Ang lokasyon ay napakalapit sa escuela na tumitiyak sa pagdalo niya ng maaga sa klase at upang matugunan ang mga obligasyong sosyal na kaakibat ng kaniyang tungkulin. Ang

30

Page 19: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Intermedia ng Indang/Anciano

istraktura ay gawa sa bubungan na nipa at ang dingding ay gawa sa materyales na kawayan. Katulad ng mga sinaunang mga bahay sa Pilipinas mayron itong elebasyon na isang metro mula sa lupa upang makaiwas sa baha at putik sa tag-ulan. Mapapansin na tila pinagdikit ang dalawang istraktura na mayroong magkahiwalay na bubong. Ang isa ay nagsisilbing living quarter at para maging opisina naman ang isa.

Ang Pagkasira ng Escuela ng Indangat Ang Planong Pagtatayo ng Panibago

Sa pagsapit ng isang panahon ang kabuhayan ng Indang ay naapektuhan ng mga pang-kapaligarang kapinsalaan, na masasalamin sa naging kalagayan ng paaralan. Sa pag-uulat ng pamahalaang bayan ng Indang sa taong 1888 at 1891 ay mababasa:

1888 - Yndang – May gusali para sa paaralang panlalaki na inaarkila mula sa pondong lokal. Ito ay pinamamahalan ng isang maestro na na nagtapos sa Escuela Normal.29

1891 - Yndan – Ang paaralang pambabae ay yari sa yero ang bubong, samantalang ang sa lalaki ay inuupahan. Nasa mabuting estado ang paaralang panlalaki, samantalang karaniwan lamang ang sa babae.30

Sa mga ulat ay binanggit ang pag-arkila ng isang gusaling pinagdausan ng pag-tuturo para sa mga lalaking mag-aaral. Ang pag-upa na ito ay dahilan sa nasira na ang matandang paaralan na binabanggit nina Buzeta at Bravo. Ang larawan ng kasiraan ng paaralan at bahay ng guro ng Indang ay nai-preserba pa sa pambansang arkibo ng Philipinas. Sa pagkasira ng paaralan ay hindi naman pinabayaan ng Indang ang edukasyon. Ang pag-upa ng bahay upang

29 Memorias 1888, Calairo 2005:36

30 Memorias 1891, Calairo 2005:40

31

Page 20: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Kabanata 2 – Kaligirang Pangkasaysayan

pagdausan ng pag-aaral ay indikasyon na sa kabila ng kahirapan sa kabuhayan sa mga taong 1880 ay nandoon pa rin ang determinasyon na ituloy ang pang-edukasyong aktibidad ng bayan.

Ang sumunod na dokumento sa Pambansang Arkibo ay ang kahilingan ng pamahalaang bayan ng Indang na isinumite noong 1891 na napasakamay ng administrasyong sibil ng pamahalaan kolonyal ng Espanya at pinagkalooban ng espediente noong 1892 para sa obras publica. Kalakip sa espediente ang planong pagsasa-ayos ng sirang paaralan at ng bahay ng guro. Ang pagsasa-ayos ng escuela ay popondohan ng Limang Daan Piso (P500) na nahahati sa P314 para sa materyales at P180 para sa patrabaho. Masasalamin sa plano ang ambisyosong proyekto ng Indang na magkaroon ng isang mahusay na gusaling paaralan na sunod sa modelo ng kapanahunang iyon.

Sa pag-aaral sa plano nang pagsasa-ayos ng escuela ng Indang ay mapapansin na gagamitin pa rin ang matandang istrakturang bato sa ibaba. Pinanatili ang orihinal na bilang ng butas ng mga bintana sa likuran at tagiliran. Ang pinakamalaking pagbabago na mapapansin sa plano ay ang pagsasara sa lumang pintuan at ang pagpapaluwag sa magkabilang bintana sa harapan upang maging dalawang magkahi-walay na pintuan. Ang malawak na salas sa ibaba ay hinati sa dalawang dibisyon na pagdarausan ng pag-aaral sa mababang grado na magkahiwalay ayon sa kasarian – ang kaliwa para sa mga mag-aaral na lalaki at kanang bahagi ay para sa mga mag-aaral na babae. Sa bungad ng unang palapag ay mayroong magkahiwalay na hagdanan patungo sa ikalawang palapag na papanhik sa magkahiwalay na mga silid – aralan para sa mga mag-aaral na lalaki at babae na nasa mataas na grado ng pag-aaral.

Mapupuna na sa kabuuan ng plano nang pagsasa-ayos ng paaralan ay ang magiging elegansiya nito. Magmula sa bubong na binabalak na gawin mula materyales na hiero galvanizado.

32

Page 21: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Intermedia ng Indang/Anciano

Ang ikalawang palapag na sa impresyon ay gagawin mula sa mga matitigas na kahoy. Ang bintana ay gawa sa materyales na kapis na hinihila at binabatak upang mabuksan at masarahan. Sa ilalim ng bintana ay ang mga panambilya na hinugis mula sa simetrikal na butas ng kahoy upang daluyan ng hangin na magpapabuti ng bentilasyon sa loob ng ikalawang palapag.

Sa harapan ng unang palapag ay ang magkabilang pintuan na naghihiwalay sa gusali – ang escuela municipal de ninos at ang escuela municipal de ninas. Sa pagtutulad ng nagsasaliksik sa disenyo ng hagdanan ng paaralan sa panukalang plano at sa magiging katawagan sa paaralan ay mapununa ang inpluwensiya sa mga guro ng Indang na nagtapos sa escuela normal sa disenyo. Una ang planong hagdanan at ang pangalang escuela municipal ay itinulad nila sa ayos ng Ateneo Municipal de Manila – ito ay dahilan sa ang matandang Escuela Normal sa Maynila na pinagtapusan ng guro ng Indang ay sangay ng matandang Ateneo Municipal.

Sa pag-sasaliksik sa kinahinatnan ng mga planong pagsasa-ayos ng escuela at bahay ng guro ng Indang ay lumilitaw na ito ay hindi naisakatuparan. Maaring ang dahilan ay ang kawalan ng pondo ng pamahalaan sa kapanahunang iyon. Sa kabiguan na makapagpatayo ng bagong gusaling paaralan ay mahihinuha na ang matandang escuela ng Indang ay naipaayos naman bago maganap o makatapos ang peryodo ng rebolusyon noong 1896-1898 mula sa pondong lokal.

Ang Paghahangad ng Indang Para sa Higit na Mataas na Edukasyon

Ang paaralang primarya ng Indang, katulad ng lahat ng mga bayan sa Pilipinas noon ay limitado lamang sa tatlong taon ng pormal na pag-aaral. Ang nakapagtatapos noon sa kursong primarya ay nagpapatuloy ng kursong sekondarya sa kabisera ng lalawigan o sa Maynila. Ilan sa mga mag-aaral na nakapagtapos sa Maynila ay nagbalik sa Indang. Tunghayan ang binanggit ni Dr. Medina ukol sa mga mag-aaral na taga-Cavite sa huling bahagi ng ika-19 na siglo.

“Apparently, San Roque, Indang, and Imus continued to be the traditional “birthplaces” of many Cavite educators up to the beginning of the 20th

century. The pioner Filipino graduates from Escuela Normal de Maestros of Manila were Juan Peñaflor of Indang, the first Caviteño boys’ teacher. He was appointed in 1868 in his

33

Page 22: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Kabanata 2 – Kaligirang Pangkasaysayan

hometown, followed by Guillermo Tirona of Imus who was appointed in 1869 as the first teacher of his hometown, and Jose Basa y Enriquez of San Roque, who may rightfully called “teacher of teachers.”31

Isang kabalintunaan ang ipinapapansin ng nagsasaliksik sa kasaysayan ng edukasyon ng Indang. Gaya nang nabatid na sa unahan, iniwan ng mga Jesuita ang parokya noong 1768, subalit pagkatapos ng isang dantaon - 1868, hindi namamalayan ng Indang na nagbalik sa bayan ang diwa ng Ratio Studiorum sa pamamagitan ng gurong si Juan Peñaflor na isa sa kauna-unahang nagtapos sa Escuela Normal ng mga Jesuita sa Maynila. Sa karagadagang tala ni Dr. Medina sa kaniyang pag-aaral sa kasaysayan ng Cavite ay lumitaw ang pangalan ng isa sa mga unang gurong babae na nagturo sa paaralang primarya ng Indang na si Maria Ylagan na naitalaga sa pagtuturo noong taong 1873.

Ang palaaral na tradisyon ng mga mamamayan ng Indang ay hindi naging limitado sa pagpapatuloy ng kanilang mga kabataan sa pag-aaral sa Maynila. Isang mapagpasiyang hakbangin ang isinakatuparan sa Indang sa mga huling dekada ng ika-19 na siglo, ito ay ang bisyon na itaas pa ang antas ng edukasyon na maari nilang maipagkaloob sa mga kabataan ng bayan. Bago pa man maganap ang ang Himagsikang Pilipino noong 1896. sinimulan na sa Indang ang isang institusyon na ang ipinagkaloob na aralin ay lampas sa antas ng paaralang primarya gaya ng matutunghayan sa pag-aaral ni Dr. Medina.

One of the distinct educational developments at the tum of the 19th century was the establishment of latínitus or escuelas de latinidades, exclusive boys' schools which offered only some secondary education subjects, induding Latín and Spanish. Generally, such colegios (secondary schools) were second-class and were founded by graduales of the University of Santo Tomas. In Cavite, such schools included the Latinidad de Indang founded by Severino de las Alas which taught the first two years, the Colegio de Puerto Cavite in Tangway, founded by Antonio Custodio; the two colegios of San Roque founded by José Basa y Enriquez all in 1895, and another Colegio de San Roque founded by Anastacio Pinzón which also offered the first two

31 Medina 1994:169

34

Page 23: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Intermedia ng Indang/Anciano

years. Another escuela de 2.a enseñanza was founded by Fr. Perfecto Mañalac of Cavite Puerto, a profesorado de latinidad.32

In 1895 there were fifty-five Latinitus offering the first official two years; eight Latinitus the official first three years; five Latinitus with only the official first year; one Latinitus with only the official fourth year. Their tendency was to grow into 'complete' colleges so that sometime in future they might be able to give Bachelor of Arts degrees.33

Tiyak sa salaysay na ito ni Dr. Medina na mayroon ng mga kolehiyo na nakatatag sa lalawigan bago pa man maganap ang himagsikan noong 1896.34 Ang mga kolehiyo na binabanggit ni Dr. Medina ay matatagpuang lahat sa loob ng ngayon ay lungsod ng Cavite, maliban lamang sa kolehiyo na itinatag ni Don Severino de las Alas na tinatawag noon na Latinidad de Indang. Sa ganito ay lumilitaw na mayroong nang dalawang sentro ng edukasyon sa lalawigan ng Cavite sa pagtatapos ng ika -19 na siglo – ang bayan ng Cavite na kabisera at ang bayan ng Indang na sentro ng Katimugang Cavite.

Karagdagan na maipapalagay rito, na kung walang naganap na kagambalaang panlipunan sa mga taon ng 1896 - 1900 ay maaring nagkaroon ng kontinyuwidad ang operasyon ng paaralan na makapagkakaloob ng mataas na antas ng edukasyon para sa mga kabataan ng Indang. Ang aktibong pakikilahok ni Severino de las Alas sa himagsikan at pulitika sa panahon ng himagsikan ang naglayo sa kaniyang gawaing pang-edukasyon at nag-alis ng pagkakataon sa Indang sa pagkakaroon ng isang kumpletong paaralang pang-kolehiyo.

32 Ibid.

33 Bazaco – sinipi ni Medina: 1994:171 34

Ang terminong kolehiyo sa panahon ng Espanya ay tumatalakay sa mga paaralang sekondarya. Ang pagkakaiba lamang ay ang pagkakaloob nito ng academic degree na Bachelor of Arts. Ito ang dahilan kung bakit nagtataka ang mga mag-aaral ng nagsasaliksik sa Kursong Rizal kung bakit ang pambansang bayani ay mayroon nang titulong Bacheller en Artes bago sumapit sa edad na 16. Para sa malalimang paliwanag ukol sa Latinidad ay basahin ang pag-aaral ni Karl Schwartz Filipino Education and Spanish Colonialism: Toward an Autonomous Perspective. Comparative Education Review Vol. 15, No. 2 (June 1971).

35

Page 24: Intermedia ng Indang - Kabanata 02

Kabanata 2 – Kaligirang Pangkasaysayan

Ang Pagtatapos ng Kapangyarihan ng EspanyaSa Katimugang Cavite

Sa mga huling araw ng Agosto 1896 ay naganap ang Himagsikang Pilipino na naglalayon nang ganap ng kalayaan ng Pilipinas. Ang momentum ng himagsikan na nagsimula sa Kamaynilaan ay nalipat sa lalawigan ng Cavite at sa pangunguna o/at pakikilahok ng mga gurong lalaki sa Cavite ay napasimulan ang pagbawi ng mga bayan sa lalawigan mula sa kontrol ng pamahalaang Espanya.

Ang ilan sa mga gurong nasangkot sa himagsikan ay mga nagtuturo sa Katimugang Cavite. Sila ay sina Guillermo Bayan at ang kaniyang ayudanteng si Nicolas Madlangsakay sa Silang; sina Damian Panganiban at Cornelio Camantigue, at ayudanteng si Pedro Bayot sa Amadeo; Clemente Mariano sa Alfonso; Domingo Peňano ng Bailen; sina Ruperto de la Cruz at ang kaniyang ayudanteng si Filoteo Papa sa Mendez; at ang Indang ay nakapagtala ng maraming gurong rebelde na pinamumunuan ni Marcelo Basa at ng kaniyang mga kasamahan na si Cipriano Viscuňa (Acuňa) na nakatalaga sa paaralang baryo ng Guyam), at ayudanteng guro na si Simeon Austria.35

Ilan buwan lamang natamasa ng mga Pilipino ang kalayaan sa ilalim ng unang republika. Ang masakit na proseso ng kasaysayan ay nagpakita sa atin na ang lumang kolyar ng kolonyalismo ng Espanya ay pinalitan lamang ng panibago ng mga mananakop na Amerikano.

35

Medina 2001:78-81

36