1
Bago simulan ang panghihilot, karaniwang nagsasagawa muna ang manghihilot ng ritwal. Nagdarasal siya sa Maykapal upang bigyan siya ng kapangyarihang magbigay-lunas. Sunod, magsasagawa siya ng orasyon upang tawagin ang mga espiritu sa kapaligiran upang gabayan siya sa panggagamot. Panghuli, tatawagin niya ang maysakit upang pakilusin ang natural na kapangyarihan ng katawan upang gamutin ang kanyang sarili. Upang malaman ang ‘sala’ (malady), karaniwang sinisimulan ang panghihilot sa pamamagitan ng ‘panghihila.’ Pagkatapos masahiin ng langis ng niyog ang nananakit na kalamnan at buto, tatapalan ang nananakit na parte ng iyong katawan ng dahon ng saging. Ginagamit ang langis ng niyog upang panatilihing mainit ang kamay ng manghihilot habang ang dahon ng saging ay tinatapal dahil sa astringent at cleansing effect nito sa katawan. HILOT DS 123: Filipino Identity and Culture Kung dati sa mga komunidad lang sikat ang hilot, ngayon ay talamak na rin ito sa mga spa sa lungsod. Ilan sa mga ito ang Oriental Spa ng five-star Mandarin Hotel sa Makati, Chi Spa ng Shangri-La Mactan sa Cebu, Westin, Oakwood, Manila Peninsula, Holiday Inn at Hyatt hotel. Ang hilot ay ang sinaunang sining ng chiropractic na panggagamot na gumagamit ng pandama upang suriin ang parte ng katawan na masakit. Dadamhin ng tagahilot ang naantalang daloy ng espiritwal na enerhiya sa iyong katawan at saka mamasahiin ang iyong pilay o nananakit na kalamanan at buto. Sinasabing sa pamamagitan ng hilot ay namamanipula nila ang electrical charges sa iyong katawan upang makalikha ng mga biochemical reaction na tutulong sa katawan upang pagalingin nito ang kanyang sarili. Aplos (Bontoc) Aptus (Ivatan) Unar (Kalinga) Kemkem (Pangasinan) Ilot or Ilut (Ilocano, Itawis, Zambal, Pampango) Ilu (Ibanag) Ilat (Isneg) Elot (Ilongot) Agod or Agud (Maguindanaon, Maranao) Hagud (Bukidnon) Ablon (Northern Ilocano) Iba pang Katawagan sa Hilot Comadrona para sa mga kakapanganak pa lang Hilot para sa mga may pilay Acupressurist tiga-linya ng mga ugat (nerves) at taga-balanse ng enerhiya sa katawan Reflexologist tagatanggal ng sobrang enerhiya sa katawan Albularyo - gumagamit ng mga halamang- gamot sa panghihilot Uri ng Hilot Kasaysayan ng Panghihilot Walang formal na rekord na naitala sa ating kasaysayan ukol sa paglitaw ng hilot sa Pilipinas. Ang tanging labi na nagpapatunay na umiiral na sila dati pa ay ang kanilang mga pendant na gawa sa tanso na may iba’t ibang laki, hugis at naka -ukit na marka. Palagay kasi nila na ang mga pendant na ito ay may misteryosong kapangyarihan at ang sinuman na magsuot nito ay binibiyayaan ng supernatural na kakayahan. Sa kadahilanang ito, lubos ang kanilang pagpapahalaga sa mga pendant na ito. Bago sila mamatay, ipinamamana na nila ito sa iba nilang kapamilya na interesado sa hilot. Ang napiling tagapagmana ay daraan sa ‘apprenticeship’ upang matuto ng sining ng panghihilot. Maraming kadahilanan kung bakit patuloy na umiiral ang hilot sa bansa. Ang unang dahilan ay kahirapan. Sa mahal ng gastusin sa pagpapagamot sa ospital, minamabuti na lang ng ilan sa ating mga kababayan na magpatingin na lamang sa mga tagahilot. Maliit at kung minsan ay hindi na kasi naniningil ang mga tagahilot lalo na kung siya’y isang malapit na kaibigan. Bukod dito, madali rin kasi punt ahan ang mga tagahilot dahil karaniwan ang panghihilot sa probinsya. Di na kailangang dumayo sa kabayanan o kalungsuran kung mayroon namang tagahilot sa iyong komunidad. Panghuli, itinuturing kasi ng mga taong maysakit na ‘last resort’ ang hilot kapag wala na talagang lunas na mairerekomenda ang mga doktor. Paraan ng Panggagamot SANGGUNIAN: http://asiapacificuniverse.com/asia_pacific_features3.htm http://www.stuartxchange.org/Albularyo.html http://hilotmassage.com/ http://www.myhomespa.ph/filipinohilotmassage.html http://hilot.interfree.it/Web%20Articles%20English.htm CHARISS M. GARCIA BA DEVELOPMENT STUDIES

Indigenous Health Systems

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Indigenous Health Systems

Bago simulan ang panghihilot, karaniwang nagsasagawa muna ang manghihilot ng ritwal. Nagdarasal siya sa Maykapal upang bigyan siya ng kapangyarihang magbigay-lunas. Sunod, magsasagawa siya ng orasyon upang tawagin ang mga espiritu sa kapaligiran upang gabayan siya sa panggagamot. Panghuli, tatawagin niya ang maysakit upang pakilusin ang natural na kapangyarihan ng katawan upang gamutin ang kanyang sarili.

Upang malaman ang ‘sala’ (malady), karaniwang sinisimulan ang panghihilot sa pamamagitan ng ‘panghihila.’ Pagkatapos masahiin ng

langis ng niyog ang nananakit na kalamnan at buto, tatapalan ang nananakit na parte ng iyong katawan ng dahon ng saging. Ginagamit ang

langis ng niyog upang panatilihing mainit ang kamay ng manghihilot habang ang dahon ng saging ay tinatapal dahil sa astringent at cleansing

effect nito sa katawan.

HILOT DS 123: Filipino Identity and Culture

Kung dati sa mga komunidad lang sikat ang hilot, ngayon ay talamak na rin ito sa mga spa sa lungsod. Ilan sa mga ito ang Oriental Spa ng five-star Mandarin Hotel sa Makati, Chi Spa ng Shangri-La Mactan sa Cebu, Westin, Oakwood, Manila Peninsula, Holiday Inn at Hyatt hotel.

Ang hilot ay ang sinaunang sining ng chiropractic na panggagamot na gumagamit ng pandama upang suriin ang parte ng

katawan na masakit. Dadamhin ng tagahilot ang naantalang daloy ng espiritwal na enerhiya sa iyong katawan at saka

mamasahiin ang iyong pilay o nananakit na kalamanan at buto. Sinasabing sa pamamagitan ng hilot ay namamanipula nila ang

electrical charges sa iyong katawan upang makalikha ng mga biochemical reaction na tutulong sa katawan upang pagalingin nito

ang kanyang sarili.

Aplos (Bontoc)

Aptus (Ivatan)

Unar (Kalinga)

Kemkem (Pangasinan)

Ilot or Ilut (Ilocano, Itawis, Zambal, Pampango)

Ilu (Ibanag)

Ilat (Isneg)

Elot (Ilongot)

Agod or Agud (Maguindanaon, Maranao)

Hagud (Bukidnon)

Ablon (Northern Ilocano)

Iba pang Katawagan sa Hilot

Comadrona – para sa mga kakapanganak pa lang Hilot – para sa mga may pilay Acupressurist – tiga-linya ng mga ugat (nerves) at taga-balanse ng enerhiya sa katawan Reflexologist – tagatanggal ng sobrang enerhiya sa katawan Albularyo - gumagamit ng mga halamang-gamot sa panghihilot

Uri ng Hilot

Kasaysayan ng Panghihilot

Walang formal na rekord na naitala sa ating kasaysayan ukol sa paglitaw ng hilot sa Pilipinas. Ang tanging labi na nagpapatunay na umiiral na sila dati pa ay ang kanilang mga pendant na gawa sa tanso na may iba’t ibang laki, hugis at naka-ukit na marka. Palagay kasi nila na ang mga pendant na ito ay may misteryosong kapangyarihan at ang sinuman na magsuot nito ay binibiyayaan ng supernatural na kakayahan. Sa kadahilanang ito, lubos ang kanilang pagpapahalaga sa mga pendant na ito. Bago sila mamatay, ipinamamana na nila ito sa iba nilang kapamilya na interesado sa hilot. Ang napiling tagapagmana ay daraan sa ‘apprenticeship’ upang matuto ng sining ng panghihilot.

Maraming kadahilanan kung bakit patuloy na umiiral ang hilot sa bansa. Ang unang dahilan ay kahirapan. Sa mahal ng gastusin sa

pagpapagamot sa ospital, minamabuti na lang ng ilan sa ating mga kababayan na magpatingin na lamang sa mga tagahilot. Maliit at kung minsan

ay hindi na kasi naniningil ang mga tagahilot lalo na kung siya’y isang malapit na kaibigan. Bukod dito, madali rin kasi puntahan ang mga

tagahilot dahil karaniwan ang panghihilot sa probinsya. Di na kailangang dumayo sa kabayanan o kalungsuran kung mayroon namang tagahilot

sa iyong komunidad. Panghuli, itinuturing kasi ng mga taong maysakit na ‘last resort’ ang hilot kapag wala na talagang lunas na

mairerekomenda ang mga doktor.

Paraan ng Panggagamot

SANGGUNIAN:

http://asiapacificuniverse.com/asia_pacific_features3.htm

http://www.stuartxchange.org/Albularyo.html

http://hilotmassage.com/

http://www.myhomespa.ph/filipinohilotmassage.html

http://hilot.interfree.it/Web%20Articles%20English.htm

CHARISS M. GARCIA

BA DEVELOPMENT STUDIES