12
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Ikalawang Markahan - Modyul 3: Prinsipyo ng Likas Batas Moral Zest for Progress Zeal of Partnership 7 Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksyon: ___________________________ Paaralan: ___________________________

Ikalawang Markahan - Modyul 3: Prinsipyo ng Likas Batas MoralNakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang

  • Upload
    others

  • View
    172

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

  • Republic of the Philippines

    Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

    Ikalawang Markahan - Modyul 3:

    Prinsipyo ng Likas Batas Moral

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    7

    Pangalan: ___________________________

    Baitang at Seksyon: ___________________________

    Paaralan: ___________________________

  • 1

    ALAMIN

    Bahagi ng buhay ng tao ang gumawa ng pasiya araw-araw. Mula paggising sa

    umaga magsisimula na ang maghapong pagpapasiya. Babangon na o hindi pa, maliligo

    o maghihilamos, kakain na o mamaya pa ay ilan lamang sa mga pagpapasiyang ito.

    Marahil hindi na nga ito napapansin bilang bahagi ng pang-araw araw na gawain.

    Magkagayunman, sa pagpipili o paghuhusgang ginagawa ng tao, may kailangan siyang

    pag-ukulan ng pansin, Ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama at mali na kaniyang

    gagawin.

    6.1. Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang

    pagtungo sa kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang

    prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin ang mabuti at iwasan ang

    masama. EsP7PS-Ik-6.1

    6.2. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na

    taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral. EsP7PS-Ik-6.2

    Balikan

    Ating nalaman ang tamang kagamitan ng isip at kilos-loob tungo sa

    katotohanan at kabutihan. Naitataya rin ang sariling pasya o kilos sa bawat sitwasyon

    gabay ang sumusunod: Isip - Tungo ba sa katotohanan? At Kilos-loob – Tungo sa

    kabutihan?

    Panuto: Magbigay ng halimbawa ng mga pasya o kilos gamit ang isip at kilos-loob tungo

    sa kabutihan at katotohanan.

  • 2

    TUKLASIN

    1. Nakaaalala ng mga Gawain at karanasan na may kinalaman sa likas na batas moral.

    2. Nakikilala ang mga wastong paraan ng upang mabago ang mga pasyang taliwas sa

    likas na batas moral.

    3. Nakagagawa ng paraan upang mabigyan ng tamang solusyon ang bawat sanhi at

    bunga ng naging problema.

    Gawain 1

    Panuto: Buuin ang web organizer sa pamamagitan ng pagsagot ng katanungang “Ano

    ang Likas na batas moral?”

    Tanong:

    A. Batay sa iyong sagot sa nabuong web organizer, ano ang nagpapabuklod sa iyong

    sariling gawain at karanasan sa likas na batas moral?

    B. Ano ang maaring idulot nito sa iyong sarili sa pagkakaroon ng kaalaman sa Likas na

    batas moral?

    SURIIN

    Ang tao ang iisang nilikha na maaaring gumawa ng masama: ang sumira ng

    kapwa at sumira ng kanyang sarili. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob ang Likas

    na Batas Moral. Dahil ang tao ay natatanging nilalang na may isip at kilos-loob kaya

    dapat lamang na ipagkaloob ito para sa kanya.

    Ang Batas Moral ang nagsisilbing konsesya ng tao. Dito malalaman ng tao kung

    ang ginawa niya ay tama o mali. Dito rin nahuhubog ang isipan ng tao sa

    pagdedesisyon.

    Ano ang

    Likas na

    Batas Moral?

  • 3

    Bahagi ng buhay ng tao ang gumawa ng pasiya araw-araw. Mula paggising sa

    umaga magsisimula na ang maghapong pagpapasiya. Sa pagpipili o paghuhusgang

    ginagawa ng tao, may kailangan siyang pag-ukulan ng pansin. Ito ay ang pagpili sa

    pagitan ng tama at mali sa kaniyang gagawin. May mga desisyong nakasalalay ang iyong

    pagkatao at nakaaapekto sa iyong kapwa. Kaya't nangangailangan ito ng malalim na

    pag-iisip.

    Gawain 2

    Panuto: Tuklasin mo ang paraan ng iyong gagawing pagpipili sa situwasyong ito. Pag-

    aralan ang case study sa ibaba. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nahaharap sa

    ganitong situwasyon? Piliin ang iyong gagawin sa apat na pagpipilian at sagutin ang

    mga tanong pagkatapos.

    Sa apat na pagpipiliang gagawin, tukuyin mo kung ito ay tama o mali. Pangatuwiranan ang

    iyong naging sagot, isulat ito sa espasyo para sa paliwanag. Gawing gabay ang ilustrasyon sa

    ibaba. Matapos ang gawain, sagutin mo ang mga sumusunod na tanong na ito sa iyong

    kuwaderno :

    1. Alin sa apat na sitwasyon ang sinagutan mong tama? Bakit mo nasabing ito ay tama?

    ______________________________________________________________

    ______________________________________________________________

    2. Alin sa mga ito ang may sagot kang mali? Bakit mo nasabing ito ay mali? ______________________________________________________________

    ______________________________________________________________

    3. Paano mo nalaman ang tama o mali sa situwasyong ito?

    ______________________________________________________________

  • 4

    _____________________________________________________________

    PAGYAMANIN

    Gawain 3:

    Panuto: Muling balikan ang situwasyon at ang apat na pagpipilian sa ilustrasyon sa

    itaas, ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan? Alin sa apat na

    kilos ang iyong pipiliing gawin? Ipaliwanag.

    Gawain 4 Panuto: Gawin ang “Kontrata ng mga Pasya at Kilos na Pauunlarin Ko”. Gawing gabay

    ang unang halimbawa kung paano ito gagawin.

    Gawin ang “Kontrata ng mga Pasya at Kilos na Pauunlarin ko” Gawing

    Gabay ang unang halimbawa kung paano ito gagawin.

    Kung Ang pasya o kilos na kailangan baguhin

    Damdamin ko Damdamin ko sa pasya o kilos

    Kaya Ang dapat kong gawin tungo sa kabutihan

  • 5

    Halimbawa:

    Linggo Lunes

    Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado

    Kung Naglalaro ako ng computer games

    tuwing bago gawin ang

    homework ko

    Damdamin

    ko

    Nalulugkot dahil nagging

    pabaya ako. Nagsisisi ako dahil wala

    ako maisumete

    na homework kinabukasan

    Kaya Uunahin ko ang paggawa ng homework bago

    maglibang tulad ng

    paglalaro ng computer

    games.

    Ipinapangako kong tuparin ang mga tinukoy kong pagbabago sa loob ng isang linggo.

    Lagna ng Mag-aaral Lagda ng kapatid o kaklase na (Tagatupad ng Kontrata) sumasabay sa pagtupad

    Lagda ng Magulang

    ISAISIP

    Gawain 5 Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na situwasyon at gumawa ng sariling pagpapasiya. Isulat ang iyong pasiya at paliwanag kaugnay nito

  • 6

    Pag-isipan at sagutin mo ang tanong na ito:

    1. Saan ibinabatay ng iyong konsensiya ang kaniyang paghuhusga kung tama o mali ang isang kilos?

    2. Paano ka nakasisigurong tama ang paghuhusga nito?

    ISAGAWA

    Gawain 6

    Panuto: Sumulat ng isang pagninilay gamit ang pormat sa ibaba.

    Ano-ano ang konsepto at

    kaalamang pumukaw sa

    akin?

    Ano ag aking pagunawa at

    realisasyon sa bawat

    konsepto at kaalamang ito?

    Ano-anong hakbang ang

    aking gagawin upang

    mailalapat ang mga pag-

    unawa at reyalisasyong ito

    sa aking buhay?

    TAYAHIN

    Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

    1. Dahil natatangi sa tao ang Likas na Batas moral inaasahan na gagamitin niya ito sa:

    A. Paggawa ng kanyang hilig na gawin

    B. Paggawa ng tamang pasya

    C. Pagtaliwas ng tugkulin

    D. Lahat ng nabanggit

  • 7

    2. Si Ronnel ay isang batang anak pawis. Sa kabila ng kanilang kalagayan sa buhay

    patuloy pa rin siyang nangangarap. Pangarap niya ang maging isang doktor at

    maiahon sa kahirapan ang kaniyang magulang. Habang maaga pa ano ang dapat

    gawin ni Ronnel para matupad ang mga ito?

    A. Mag-aral ng mabuti

    B. Sabayan ang pagtratrabaho sa pag-aaral

    C. Maging madiskarte at mapamaraan para kumita habang nag-aaral

    D. Magdasal araw-araw para matupad ang mga pangarap

    3. Ikaw ay niyaya ng iyong kaibigan na kumain sa canteen ng iyong paaralan. Habang

    naglalakad nakita mo sa tabi ng basurahan malapit sa pintuan ng inyong canteen ang

    isang pitaka na may nilalaman na limang libong piso at I.D ng may-ari ng pitaka.

    Naalala mong namomoblema ang iyong ina sa pambili ng gamot sa iyong kapatid na

    may sakit. Ano ang dapat mong gawin sa sitwasyon na ito base sa unang prinsipyo ng

    Likas na Batas Moral?

    A. Hahayaan na lamang ito kung saan mo nakita

    B. Kukunin ito at ipambibili ng gamot para sa kapatid

    C. Hihingi ng tulong sa kaibigan at guro para maisauli ito sa may-ari

    D. Ipapaalam sa kaibigan at sabihing wag niya ito ipagsabi sa iba.

    4. Matagal ng alam ni Erica ang ginagawang pangungupit ng kaniyang kuya sa tuwing

    ito ay nagbabantay ng kanilang tindahan. Nagkaroon sila ng alitan ng kaniyang kuya

    kaya isinumbong niya ito sa kanilang mga magulang. Tama ba ang ginawa ni Erica?

    A. Oo, dahil ang pangungupit ay pagnanakaw na rin.

    B. Oo, para malaman nan g kanilang mga magulang.

    C. Hindi, dahil kuya niya ito.

    D. Hindi, dahil may personal siyang dahilan kaya niya ito sinumbong.

    5. Si Lina ay naglalaro ng mobile games habang nag-aalaga ng pamangkin. Dahil dito,

    nahulog at nagasgasan ang braso ng bata.Pagdating ng kanyang kapatid, Nakita nito

    na hindi lang pala gasgas ang tinamo ng bata, may bukol din pala sa noo.Nang

    tanungin siya, sinabi niyang napadikit lang sa dingding kaya't nagkaroon ng gasgas,

    subali't di niya alam bakit may bukol ito. Tama ba ang ginawang kilos dito ni Lina?

    A. Oo, dahil hindi niya alam na may bukol ito

    B. Oo, dahil sinabi niya naman ang dahilan kung bakit nagkaroon ng gasgas ang pamangkin niya sa braso.

    C. Mali, dahil nagsinungaling siya at hindi niya sinabi ang totoong nangyari D. Mali, dahil sinabayan niya ng paglalaro ang pagbabantay.

    6. Ang Batas-moral ay nagsisilbing ano ng isang tao? A. Kosensya C. Isip

    B. Puso D. Pakiramdam

    7. Alin sa sumusunod ang kinakailangan ukulan ng pansin sa pagpipili o paghuhusgang

    ginagawa ng tao?

    A. Pag-isip kung ano ang ikakasaya niya.

    B. Pagpili sa pagitan ng tama at mali sa kaniyang gagawin.

    C. Pagsangguni sa mga magulang o mga taong mas nakakaalam.

    D. Pagsasang-ayon sa sariling kasiyahan lamang.

  • 8

    8. Gumagawa si Yasser ng kaniyang proyekto sa EsP nang dumating ang kaniyang

    pinsan para yayain siya na maglaro ng basketball. Hindi kaagad nakapagbigay ng

    sagot si Yasser sapagkat iniisip niya ang posibleng maging bunga kung siya ay

    sasama. Makabuluhan ba ang ginawa ni Yasser?

    A. Oo, sapagkat kailangan niyang timbangin ang sitwasyon para makagawa ng

    tamang pasya.

    B. Oo, sapagkat lahat namanng bagay ay kailangan isipin.

    C. Hindi, sapagkat sinasayangan niya lamang ang kaniyang oras sa pag-iisip.

    D. Hindi, sapagkat hindi naman kailangan ang mag-isip para makasagot.

    9. Paano nasasabing tama ang isang kilos?

    A. Kapag ito ay makakapagpasaya sa isang tao.

    B. Kapag ito ay isinaalang-alang sa kabutihan ng pangkalahatan.

    C. Kapag ito ay sinunod sa kagustuhan ng mga magulang.

    D. Kapag ito ay ginawa base sa pansariling kasiyahan.

    10. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:

    A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao

    B. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.

    C. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakiha, kultura at kapaligiran ng tao.

    D. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama.

    11. Nais ni Rina na makakuha ng pasadong marka sa pagsusulit nila bukas sa Agham.Sa halip na mag-review inuna pa nito ang pag party kasama ang mga

    barkada. Gabi na ng siya'y makauwi. Maaga siyang dinalaw ng antok dahil sa tindi ng pagod kung kaya't gumawa na lamang siya ng kodigo upang masiguro na

    makakapasa siya at nakapasa nga talaga. Kung ikaw si Rina paano mo itatama ang nagawa mong mali? A. Susulat ako ng liham sa aking guro at iwan ito sa kniyang lamesa

    B. Kakausapin ko ang matalik kong kaibigan upang siya na lamang ag kumausap sa aking guro.

    C. Pagkatapos ng klase pupuntahan ko ang aking guro sa kaniyang opisina para isalaysay ang nagawa kong kasalanan at humgi ng paumahin

    D. Idadaan ko nalang ang lahat sa limot.

    12. Paano nasasabing tama ang isang kilos? A. Kapag ito ay ginawa para sa kabutihan ng pangkalahatan.

    B. Kapag ito ay ginawa para sa ikakasaya ng marami.

    C. Kapag ito ay ginawa para sa pansariling kasiyahan.

    D. Kapag ito ay ginawa upang makatulong sa iba.

    13. Hangad ni Seth na mapasaya ang kaniyang magulang kaya bilang anak kailangan

    niyang maging ganito maliban sa:

    A. Maging mabait at masunurin

    B. Maging Maluho at matiyaga

    C. Maging masipag at maalaga sa magulang at kapatid

    D. Maging responsible sa lahat ng bagay

  • 9

    14. Bakit nangangailangan ng malalim na pag-iisip bago gumawa ng desisyon?

    A. May mga desisyong nakasalalay ang iyong pagkatao at nakaaapekto sa iyong kapwa

    B. May mga desisyon na kailangan ng patnubay ng mga mas may nakakalaam. C. Sapagkat hindi lahat ng desisyon ay magpapasaya sa isang tao.

    D. May mga desisyon na hindi naman konektado sa buhay ng tao.

    15. Si Pedro at Juan ay magkatunggali sa katalinuhan. Samakatuwid silang dalawa ay inoobserbahan para sa pagpili sa pagiging Veledictorian ng taon. Labis na nakakabahala si Pedro sapagkat naapektuhan siya sa problema ng kaniyang

    pamilya at nalalapit na ang kanilang pagsusulit. Dahil sa kawalang ng konsentrasyon sa pag-aaral, naiisip ni Pedro mandaya sa pagsusulit ngunit

    kaluana’y hindi niya ginawa. Ano sa tingin mo ang dahilan? A. Dahil si Pedro ay may kakayahan na kumilala ng mabuti at masama.

    B. Dahil sinunod ni Pedro ang batas-moral upang gawin ang mabuti.

    C. Dahil hinusgahan ng konsensiya ni Pedro ang tama bilang tama at ang mali

    bilang mali

    D. Lahat ng nabanggit

  • 10

    Susi sa Pagwawasto

    Sanggunian

    Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul para sa Mag-aaral, pp 137-

    158

    Tayahin 1. B

    2. C 3. C

    4. D

    5. C 6. A

    7. B 8. A

    9.B 10. D

    11. C

    12. C 13. D

    14. A 15. D

  • 11

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Rey Anne S. Diaz

    SST-I, Basilan NHS, Isabela City Division

    Editor: April Joy I. Delos Reyes,SST-I

    Tagasuri: Aimee A. Torrevillas

    Tagaguhit:

    Tagalapat:

    Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS

    Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS

    Eduardo G. Gulang, SGOD Chief

    Henry R. Tura, CID Chief

    Elsa A. Usman, LR Supervisor

    Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator