8
2 Paigtingin ang paglaban para sa karapatan, kabuhayan at tunay na pagbabago! 3 SUMA TOTAL: Pagsahol ng krisis 4 Hinggil sa walang habas na pagtaas ng presyo ng langis Panghihimasok ng U.S. sa Pilipinas, tumitindi 6 8 No ordinary crime: Political motive behind attack vs. UP student leader Lordei Hina seen

i-download rito

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: i-download rito

2Paigtingin angpaglaban para sakarapatan, kabuhayanat tunay na pagbabago!

3 SUMA TOTAL:Pagsahol ng krisis

4Hinggil sa walang habas na pagtaas ng presyo ng langis

Panghihimasok ng U.S. sa Pilipinas, tumitindi6

8No ordinary crime:Political motive behind attackvs. UP student leader Lordei Hina seen

Page 2: i-download rito

2 MARSO 2012 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Paigtingin ang paglabanpara sa karapatan, kabuhayanat tunay na pagbabago!

Mas matinding krisis, ka-hirapan at pambubusa-bos ang sumambulat sa taumbayan nitong mga nakaraang mga linggo. Walang ibang patutun-guhan ang bayan kundi sa higit pang pagtindi ng krisis at kahirapan, at pagsasamatala ng iilan at dayuhan sa ilalim ng re-himeng US-Aquino.

Kaltas pondo, tuition hikes, K12 at bulok na edukasyon

Matagumpay ang ating mga pagkilos noong nakaraang taon laban sa budget cuts at bulok na sistemang panlipunan. Malakas nating inihayag ang pagtutol sa muli na namang pagkaltas ng pondo para sa edukasyon at serbisyong panlipunan. Nakiisa tayo sa mamamayan sa pagsas-abing sawang-sawa na tayo sa bulok na sistemang pahirap sa taumbayan.

Sa kabila nito, nanatiling mal-iit at pinagkakaltasan ang mga pondo ng pamantasan at ser-bisyong panlipunan habang dinagdagang muli ang pondo para sa kurupsyon, dole-outs, militar at utang panlabas.

Kaya naman tiyak na titindi pa ang komersyalisasyon at mga hakbangin para itaas ang matrikula at mga bayarin sa pamantasan, gayundin sa mga serbisyo ngayong taon dahil sa mga budget cuts. Muli na na-mang itinutulak ang mga iske-ma ng pagtataas ng matrikula at singilin sa iba’t ibang SUCs habang lumulubha ang pruble-ma ng kakulangan ng mga pasi-lidad at kawalan ng pondo para sa operasyon.

Sa mga pribadong pamantasan, higit na lumalakas ang loob ng mga kapitalista-edukador na magtaas ng bayarin dahil sa direksyon din ng gubyerno na magkomersyalisa. Kabi-kabila na naman ang nakatakdang pagtataas sa napakamahal na ngang matrikula at hindi makatwirang mga bayarin.

Nananatiling walang aksy-on ang gubyernong Aquino sa taon-taon na pagtataas ng matrikula at mga hindi makatwirang bayaring sinis-ingil ng mga pamantasan. Ti-nataya pang tataas ng mahigit 10-15% ang matrikula ngayong taon sa mahigit 400 na paman-tasan. Sa pagtindi ng patakaran

ng komersyalisasyon ng edu-kasyon, higit na mas marami ang pagkakaitan ng kanilang karapatan at kinabukasan.

Imbis na tugunan ang lumala-lang krisis sa edukasyon, pur-sigido ang rehimen na ipatu-pad ang dagdag-taon sa HS sa pamamagitan ng K12. Dagdag pahirap at krisis ang idudulot nito sa mga magulang, at higit na pabigat sa bulok na ngang kalidad ng edukasyon dahil sa kakapusan ng pondo. Lalo ni-tong patitibayin ang kolonyal at elitistang katangian ng edu-kasyon.

Malinaw ang tunguhin ni Aquino: higit na pagkakait ng karapatan sa edukasyon at pag-papasahol ng katangian nito na komersyalisado, kolonyal at pasista.

Tumitinding krisis at atake sa kabuhayan ng mamamayan

Dagdag pahirap sa mamama-yan ang sunud-sunod na pag-tataas ng presyo ng langis at mga bilihin na bumungad ngayong taon. Walang gina-gawa ang gubyernong Aquino para pigilan ang pagtataas ng

presyo sa kabila ng overpricing ng kartel ng mahigit P9 kada li-tro ng produktong petrolyo.

Kasabay nito, nagtaas rin ang singil ng kuryente, tubig at toll sa SLEX. Nakaamba pa rin ang pagtaas ng pamasahe ng LRT-MRT. Umaabot na sa lagpas P1000 ang kinakailangan ng isang karaniwang pamilya para mabuhay ng matiwasay, habang nakapako naman ang mini-mum wage sa P404 sa NCR.

Bumungad agad sa unang bu-wan ng taon ang marahas na demolisyon sa Brgy. Corazon de Jesus sa San Juan. Direksyon ng gubyerno na idemolish ang kalakhan sa mahigit 2.5 mi-lyong Pilipino na informal set-tlers sa NCR at sa buong bansa para sa paglalarga ang Public Private Partnership (PPP) pro-jects ni Aquino.

Ang nararanasan ng mamama-yan ay malagim na epekto ng bulag na pagtalima ni Aquino sa patakaran ng neoliberal na globalisasyon at pagpabor nito sa interes ng dayuhan at iilan. Habang pinababayaan ang ka-

sundan sa pahina 6

Photo from Pinoy Weekly

Page 3: i-download rito

MARSO 2012 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MARSO 2012

sundan sa pahina 7

3

PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS AT IBA PANGBILIHIN

Noong nakaraang taon, 44 na beses nagtaas ang presyo ng langis, na ngayo’y mas mataas na ng halos P11 kumpara sa presyo nooong Enero ng na-karaang taon. Tinatayang overpriced, o mas mataas sa aktwal na presyo, ng P9 kada litro. Nagpatuloy ito ngayong 2012: nagtaas na ng siyam na beses ang mga kartel ng lan-gis sa loob pa lamang ng dala-wang buwan. Nangangahulu-gan na nahigitan na nito ang average na pitong beses na pagtataas sa bawat dalawang buwan noong nakaraang taon.

Nagtaas rin ang singil ng kury-ente (Meralco 6.8%, Napocor 14.2%), tubig (Manila Water 25%, Maynilad 35%), at toll sa SLEX. Nakaamba rin na 100% pagtaas ng pamasahe ng LRT-MRT.

EDUKASYONGMAKA-DAYUHAN AT PARA SA IILAN

Ngayong taon, umabot na sa P71,336 ang average na matrikula at mga bayarin sa isang taon ng college educa-tion (P35,668 kada semestre). Dulot ito ng mga patakaran gaya ng CHED Memo Order 13 at Education Act of 1982 na nag-aalis sa kapangyarihan ng gobyerno na magtakda ang matrikula ng mga pamantasan at inilipat ito sa mga adminis-trasyon ng mga paaralan.

Tatlong daang pamantasan na naman muli ang magtataas ng matrikula ng aabot sa 15%. Sa kabila ito ng lumolobong kita: ang top 5 na pamantasan ay kumita ng mahigit P3.45 bily-on sa nakaraang anim na taon. Ngayong 2012, P583 milyon

ang bawas sa pondo ng mga pampublikong pamantasan. Ang ipinagmamalaking dagd-ag P4.2 bilyon ay kondisyunal at hindi naman direktang ilala-gay sa pondo ng mga paman-tasan.

Sa loob ng dalawang taon ni Noynoy, dalawang beses rin kinaltasan o binarat ang pon-do ng mga serbisyong panli-punan. Ngayong taon, ang pinagsamang pondo ng lahat ng serbisyong panlipunan ay P568 bilyon, habang ang pondo ng pambayad utang ay P738 bilyon.

MABABANG SAHOD,KONTRAKTWALISASYON, AT KAWALAN NGTRABAHO

Tatlo sa sampung Pilipino ay walang trabaho: 4.3 milyon ang walang trabaho, habang 7.2 milyon ang kulang ang kinikita. Hindi nakapagtataka na 77.4 milyong Pilipino, o ha-los 8 sa kada 10, ay nabubu-hay sa di-lalampas sa P104 kada araw.

Kahit ang mga ‘mapapalad’ na may trabaho ay di rin sapat ang kinikita. P404 ang mini-mum wage sa NCR, subalit P1008 ang minimum na ki-nakailangan para mabuhay ng disente ang isang pamilya.

Malaking papel ang kontrak-twalisasyon, o pagiging di-regular ng mga manggagawa at empleyado. Dahil walang kasiguruhan ang kanilang tra-baho, madali silang takutin ng mga kapitalista na huwag sumali sa mga unyon at igiit ang mga karapatan tulad ng pagsunod sa minimum wage, pagbigay ng tamang over-time pay, sick leave, maternity leave, atbp.Sa kasalukuyan, 55% ng lahat

ng manggagawa ay kontrakt-wal, at 20% ng lahat ng mga kumpanya ay lumalabag sa minimum wage. Pinapayagan ng gobyerno ang kontrakt-walisasyon para makaakit ng napakaraming mga dayuhang korporasyon sa ating bansa.

DEMOLISYON NG MGATAHANAN

Maraming komunidad ng maralitang-lungsod ang wina-sak noong 2011 para bigyang-daan ang mga malalaking proyektong PPP (Public-Private Partnership), tulad ng Quezon City Central Business District at National Government Cent-er. 29 na demolisyon (18 sa NCR) ang naganap, at 29,303 na pamilya (107,910 tao) ang nawalan ng tirahan. Dahil sa nabanggit na napaka-babang budget sa pabahay, ang mga biktima ng demolisyon ay di-nadala sa mga relocation sites na walang mga hanapbuhay, paaralan, klinika, kuryente, malinis na tubig, atbp.

Sa mismong pagtataya ng go-byerno, 556,000 na pamilya, o nasa 2.5 milyong Pilipino sa NCR pa lamang (o 1/4 ng buong populasyon ng rehiyon) ay target pang i-demolish na mga tahanan. Samantala, am-inado ang gubyerno na nasa 30,000 lamang ang nakahan-da nitong relokasyon, na nasa malalayong lugar pa at di ma-titirhan.

PYUDALISMO,PANG-AAGAW NG LUPA, PAGSIRA SA KALIKASAN

Nananatiling konsentrado sa kamay ng iilan ang mga lupang agrikultural, at nagdudulot ng di-sapat na kabuhayan sa mayorya ng mga magsasaka. Bulok at mapagpanggap ang land reform program ng goby-erno: sa kasalukuyang bagal ng pamamahagi ng lupa, ti-natayang kailangan pa ng 5 taon pagkatapos ang dead-line ng CARPER sa 2014 para maibigay ang mga lupang ti-natarget na ipamahagi. Isang ehemplo ang Hacienda Luisita ng pamilya Aquino: gagawin ng gobyerno at ng mga land-lord ang lahat para manatili ang mga lupain sa kamay nila (‘just compensation’, o pag-

bayad sa mga landlord).Hindi lamang mabagal ang pamamahagi ng lupa, bina-bawi pa ito ng mga landlord o kaya nang-aagaw ng mga bagong lupain. Bukod sa mga landlord, mga dayuhang kor-porasyon rin ang nasa likod nito. Halimbawa sa San Mari-ano, Isabela, 11,000 ektarya ang inaagaw para pagtam-nan ng isang korporasyong Hapones ng bio-ethanol.

Pati mga dayuhang mining companies, nanghihimasok sa mga lupain, inaagawan ang mga katutubo at magsasaka, at nagdudulot ng matinding pagwasak sa kalikasan. Ilan sa mga tampok ay sa: Pala-wan, South Cotabato (SMI-Xstrata), Zamboanga (TVI – Canada), Compostela Val-ley (RMMI – U.S), Cagayan, Nueva Vizcaya (OceanGold at FCF – Australia), Pampanga (Shuley – China), Ilocos, at Pangasinan.

PASISMO NG ESTADO, KAWALAN NG HUSTISYA

Patuloy na walang nananagot para sa napakaraming pagla-bag sa karapatang pantao na naganap noong nakaraang administrasyon. Ang tinagu-riang ‘The Butcher’, si Gen. Jovito Palparan, ay nananatil-ing malaya pagkatapos siyang sampahan ng kaso noong Disyembre. Maaaring siya ay kinukupkop ng mga nasa ka-pangyarihan (tulad ng mili-tar), hindi talaga sinsero ang gobyerno sa paghahanap sa kanya, o pareho.

Samantala, dumadami ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ni Aquino, lalo na sa mga kabataan. Dalawang es-tudyante ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang hinuli ng militar: si Maricon Montajes sa Batangas, at si Ericson Acosta (dati ring campus journalist) sa Leyte. Tatlo ang pinaslang: Lester Barrientos (aktibistang pang-kultural) ng Mindoro, Kenneth Reyes ng Batangas (taga-pangulo ng Bayan-Batangas at dating miyembro ng Anakbayan), at Jerwin An-tonio (kabataang manging-

Page 4: i-download rito

4 MARSO 2012 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Ilang beses na nagtaas ng presyo ng langis? Ano ang epekto nito sa mamamayan?

• Nagtaaas ng P14.39/litro ang diesel• Nagtaas ng P15.03/litro ang gasolina

Ngayong taon (as of Marso 05):• Nagtaas ng P2.85/litro ang diesel• Nagtaas ng P4.70/litro ang gasolina

Sa ilalim ni Noynoy (as of Marso 05)

Nagbabadya pa ang higit na tataas ang mga presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na linggo.

Sobrang dalas at laki ng pag-taas ng presyo ng langis. Mula 2001, higit triple na ang itinaas ng halaga ng bilihing petrolyo.

• Premium mula P16.56/litro noong 2001, P58.50 na• Diesel mula P13.82/litro noong 2001, P48.28 na

Anong epekto ngpagtataas ng presyo ng langis sa mamamayan?

12.9 milyon na mga pamilya, o katumbas ng mga 70 hang-gang 80 milyon na Pilipino, ay nabubuhay sa di-lalam-pas sa P104 kada araw. Ang tinatantyang kailangan ng isang pamilya kada araw para sa disenteng pamumu-hay ay P1,008, subalit ang minimum wage sa kasaluku-yan ay nasa P426. Sa pag-taas ng presyo ng langis, lalong lalayo ang agwat ng kita ng mamamayan, at ng kanilang mga gastusin.

Halimbawa:Pagliit ng kita ng mga mag-sasaka at mangingisda – Nagmamahal ang gastusin ng mga magsasaka at man-gingisda sa produksyon, tu-lad ng mga de-makina na barko o patubig sa sakahan. Kasalukuyan, di-bababa sa P75,000 kada ektarya ang ginagastos ng mga magsa-saka ng palay.

Pagmahal ng singil sa kury-ente – Maraming mga planta ng kuryente sa bansa ay gumagamit ng mga maki-nang kumokonsumo ng die-sel imbes na uling.

Pagtaas ng gastusin ng mga maliliit na negosyante – Kasalukuyan, tayo ang may pinaka-mahal na singil sa kuryente sa kahit anong bansa sa Asya. Nagdudulot ito ng pagtaas ng gastusin ng mga maliliit na negosy-ante, isang mahalagang salik bakit nalulugi ang mga SMEs (small and medium enterprises).

Pagmahal ng mga pagkain at iba pang bilihin – Dahil nagmamahal ang produk-syon ng pagkain at iba pang kalakal, pati ang gastusin para sa transportasyon, nag-tataasan ang presyo ng mga bilihin.

Pagmahal ng pagluluto – Nagmamahal ang gastos sa pagluluto gamit ang LPG. Maaapektuhan nito ang kita ng mga karinderya at restau-rant, pati ang presyo ng mga pagkain nila.

Pagliit ng kita ng mga dray-ber at operator ng jeep, taxi, at tricycle – Ayon sa pag-aaral, nababawasan ng P210 ang arawang kita ng mga tsuper ng jeep sa bawat pisong itinataas ng presyo ng langis.

Pagtaas ng pamasahe – Ngayon ay humihirit ang

ibang grupo ng drayber at operator ng jeep ng P1 pag-taas sa pamasahe, at pag-taas ng flagdown ng taxi pa-puntang P50.

Bakit hindi makatarungan ang walang habas napagtataas ng presyo nglangis?

Una, malinaw na overpriced ang produktong petrolyo da-hil monopolyado ng kartel ang lokal na suplay ng lan-gis.

Pangalawa, dahil monop-olyado din ng kartel ang pandaigdigang merkado, mi-namanipula nito ang presyo ng langis sa daigdig, sini-sirit pataas at pinapatungan bago pa man ito dumating sa bansa.

Pangatlo, artipisyal na isini-sirit pa pataas ng spekulasy-on ang presyo ng produk-tong petrolyo sa daigdig para pagkakitaan pa ng husto ng mga pinansyal na institusyon at malalaking kumpanya ng langis.

Paano nakakapanggoyo ang kartel ng langis at nag-ooverprice sa lokal na pump prices?

Dahil kontrolado ng Shell, Caltex at Petron, ang tatlong pinakamalalaking kumpanya ng langis sa bansa ang ha-los 90% ng pamilihan, kaya nilang magkontsabahan para dayain ang presyo ng produktong petrolyo. Kahit na may imbak pa nang aabot sa tatlong buwan ng langis, agad nang magtataas ng presyo ang mga kump-anya oras na gumalaw ang presyo sa pandaigdigan o di kaya’y tumaas ang halaga ng dolyar.

Awtomatiko ding may patong ang mga kumpanya sa ba-wat paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado na higit sa halagang dapat na katumbas.

Kapag bumababa naman ang presyo sa pandaigdi-gang pamilihan o halaga ng dolyar, hindi naman nag-

HINGGIL SA WALANG HABAS NA PAGTAAS NG PRE$¥O NG LANGIS

Page 5: i-download rito

5MARSO 2012 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

sundan sa pahina 7

bababa ng angkop na halaga ang mga kumpanya. Kadala-san pa nga’y nagtataas pa sila ng presyo.

Ang mga iskemang ito ay hinahayaan at higit pang si-nusuhayan ng patakaran ng deregulasyon ng gubyerno. Sa kabila ng panggogoyo ng mga kumpanya, walang gi-nagawa ang gubyerno para pigilan ang mga pagtataas ng presyo nito. Sa halip, pinabibigat pa nga nito ang pasanin ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpapa-taw ng buwis sa binabayaran ng mamamayan na lumalaki din sa pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa pag-aaral ng IBON, mula Enero ng 2008 hang-gang sa 2011, nasa P9.00/litro ang overprice o di makatwirang patong ng mga kumpanya sa presyo ng produktong petrolyo. Dahil pa lamang sa overpricing, tinatayang P369.65 million araw-araw ang nakakamal ng kartel ng langis!

Hindi ba’t tumataas ang pr-esyo ng krudo sa pandaig-digang pamilihan? Ito raw ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis.

Ang pagtaas ng presyo sa ti-natawag na spot market o sa kaso nati’y presyo ng Dubai crude, ang pinagbabatayan ng pagtataas umano din ng presyo ng langis. Pero malaking kalokohan ito pag-kat sa totoo’y hindi naman talaga dito bumibili ng krudo ang kartel.

Ang totoo’y 33% lamang ng lahat ng ibinebentang krudo sa mundo ay dumadaan sa ‘world spot market’. Ang natitirang 67% ay ipinagbe-benta ng mga dambuhalang kumpanya ng langis sa isa’t-isa.

Halimbawa, ang Pilipi-nas Shell ay nakakontrata ng suplayan ng krudo ng Royal Dutch Shell, na par-ent company nito. Hindi ito apektado ng paggalaw ng presyo pagkat kontrolado na ng pandaigdigang monopoly kartel ang mga prosesong

dinadaanan ng langis at higit na mas mababa ito sa kumpara sa presyo ng spot market.

Dahil monopolyado nila ang produksyon mula ump-isa hanggang dulo, kaya nilang magpatupad ng mga iskema kagaya ng transfer pricing, kung saan pinapa-tungan nila ang presyo sa kada dinadaanang proseso ng produksyon ng langis mula pagmimina hanggang pamamahagi. Nadidikta din nila ang presyo at naitutulak ito sa pamamagitan ng pag-mamanipula sa suplay ng langis at spekulasyon.

Bakit nga ba sumisirit pa pataas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado?

Itinuturo nilang dahilan ang kakulangan ng suplay ng langis sa daigdig kaya sumi-sirit ang presyo. Pero kung tutuusin, may sapat na su-play ang daigdig ng krudo. Walang totoong krisis sa su-play upang maging sapat na dahilan para sa pagtataas ng presyo ng krudo.Ispekulasyon at manipu-lasyon ng mga monopolyo sa langis sa daigdig ang tu-nay na dahilan ng pagsirit ng presyo ng sa pandaigdigang merkado. Sa pamamagitan ng ispekulasyon, artipisyal na isinisirit pataas ang pre-syo ng langis para pagkakak-itaan ito ng mga malalaking pinansyal na institusyon.

Habang itinutulak pataas ang presyo ng langis, binibili na ang suplay ng langis para sa mga susunod na taon, sa taya na maibebenta pa ito sa mas mataas na halaga. Isini-sirit pa nito pataas ang pr-esyo at sa ganitong paraan pinipiga pa ng mga pinansy-al na institusyon ang malak-ing tubo. Mangangahulugan naman ito ng todong pahirap sa nakararaming mamama-yan ng daigdig.

Sa ilang pag-aaral, aabot sa $50-$60 kada bariles (ka-tumbas ng P23.72-P24.88 kada litro) ang ipinapatong ng mga dambuhalang kartel

sa presyo. Tinatayang 60% ng presyo ay dahil lamang sa spekulasyon!

Anung ginagawa nggubyerno ni Aquino bilang tugon sa pagtataas ngpresyo ng langis?

Walang makabuluhang gi-nagawa ang gubyernong Aquino para pigilan ang pag-tataas ng presyo ng langis. Hinahayaan pa ang overpric-ing ng presyo ng langis. Pro-tektor pa ito ng malalaking kumpanya.

Ano ang Oil Deregulation Law?

Higit na sumahol ang pag-tataas ng presyo nang isa-batas ang Oil Deregulation Law (ODL) noong 1998 o RA 8472. Bago nito, dumadaan pa sa proseso ng pagpasa ng Energy Regulatory Board (ERB) ang pagtataas ng pr-esyo ng langis. Bagamat nakapagtataas din ng sobra-sobra sa panahong ito, higit pa itong dumalas at sumahol nang tanggalin ang regu-lasyon.

Ikinatwiran ng gubyerno sa pagpapatupad ng pa-takarang deregulasyon na mabubuksan umano ang “kompetisyon,” mabubuwag ang mga kartel, at mapipigil ang pagtataas ng presyo ng langis. Sa totoo, layunin ng deregulasyon na higit na pat-indihin ang kita ng mga mo-nopolyo at higit na pigain ang sobra-sobrang tubo mula sa mamamayan.

Sa panahon ng deregulasy-on, sinamantala ng husto ng kartel ang walang limita-syong pagtataas. Nagtaas ng higit sa 60 ulit mula 2001-2011 ang presyo ng langis. Samantalang sa 25 taon bago nito, 23 beses lamang nagtaas ang presyo.

Paano nakikinabang ang gubyerno sa buwis naipinapataw ng langis?

Naghihirap na nga, higit pang pinahihirapan ng gu-byerno ang mamamayan sa

HINGGIL SA WALANG HABAS NA PAGTAAS NG PRE$¥O NG LANGIS

Page 6: i-download rito

MARSO 2012 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

pakanan ng mamamayan, pro-tektor naman ito ng mga kartel at malalaking negosyo at dayu-han.

Panlilinlang at panunupil sa mamamayan

Ang pagsusulong ni Aquino ng impeachment ni Chief Justice Renato Corona ay hindi sinse-rong hakbangin para panagu-tin si Arroyo at inappoint na si Corona. Malinaw ang tunay na motibo nito: ilihis ang atensyon ng publiko mula sa kanyang pananagutan sa hindi pagkaka-so kay Arroyo; pagtakpan ang kainutilan nito sa pagtugon sa mga karaingan ng taumbayan; at baliktarin ang ruling ng Ko-rte Suprema na ipamahagi ang Hacienda Luisita.

Samantala, tumitindi naman ang kurupsyon at kabulastu-gan ng kanyang mga kaklase, kabarkada, kabarilan at kapar-tido. Pabor sa kanyang mga kroni ang mga patakaran at kontrata ni Aquino sa PPP.

Imbis na tugunan ang pruble-ma ng mamamayan, pinasasa-hol ni Aquino ang panlilinlang at pandarahas sa mamamayan. Halimbawa ang mga dole-outs na CCT, habang itinutuloy ang pandarahas at panunupil sa ila-lim ng Oplan Bayanihan. Kam-

akailan lamang, tatlong mag-aaral ng UP ang hinaras ng militar habang nagfifield work sa Pampanga. Sunod-sunod ang mga atake at panghaharass sa mga aktibista. Samantala, bigo si Aquino sa pananagot sa mga pasistang militar na may utang na dugo sa mamamayan kabilang si Jovito Palparan.

Nakalatag ang plano para sa pagpapatindi ng interbensyon ng Estados Unidos sa ating ban-sa. Matapos ang umano’y “ter-ror threat” noong Enero, bigla na ngayong nag-aanunsyo ng iba’t ibang antas ng pakikipag-usap ang rehimen sa US para dagdagan ang tropang Kano sa Pilipinas at patindihin ang panghihimasok nito sa bansa.

Sawang-sawa na tayo! Pala-wakin ang pagkakaisa, patin-dihin ang paglaban

Hindi na natin maaari pang hayaan ang pambubusabos at pagpapahirap ng naghaharing sistema ng iilan at dayuhan sa mamamayan. Sa harap ng patong-patong na pahirap, pa-palaki at papatinding paglaban din ang ating dapat na itapat.

Mabisa ang naging pagkakaisa at malawak na pagkilos natin noong mga nakaraan na dapat nating ipagpatuloy, palawakin at higit pang palakasin.

Nanawagan tayo muli sa ka-bataan at mamamayan ng malalaking pagkilos sa mga su-sunod na mga linggo. Tanging sa nagkakaisang tinig at pagki-los natin maipaglalaban ang at-ing mga karapatan at mabibigo ang mga hakbangin ng rehimen laban sa bayan.

Ilunsad natin ang mga makasaysayang mga walk-outs, strike, camp-outs, occupations sa mga pamantasan, komu-nidad, opisina at pagawaan. Palakasin natin ang mga pa-kikibaka ng mamamayan at malakas itong tungtungan para sa ilantad at labanan ang bulok na sistema. Palawakin natin ang pambansa demokratikong paglaban: buuin ang maram-ing mga balangay at yagakin ang mamamayan na kumilos para sa tunay na pagbabago at kalayaan.

MuLa sa pahina 26

Ito ang sinisimbolo ng Strategic Defense Dialogue (SDD), isang pulong sa pagitan ng mga opisyal ng gobyerno at militar ng Estados Unidos at Pilipinas na inilunsad noong nakaraang Enero 26-28.

Napagkasunduan dito ang patuloy na pamamalagi ng mga tropang Kano sa bansa sa bisa ng Visiting Forces Agreement (VFA). Sa gani-tong paraan, nailulusot ang Rehi-meng U.S-Aquino ang permanen-teng presenya ng mga nasabing sundalo sa pagdadahilan na sila ay ‘bisita’ lamang at hindi namamalagi sa mga permanenteng base. Kaya bagama’t nagsasalitan sila, sa kahit anong pagkakataon ay mayroong mga sundalong Kano sa ating bansa, kaya masasabi natin na sa totoo ay permanente sila dito. Sa katunayan, ilulunsad ang pinaka-malaking ‘war exercises’ ngayong Abril sa pagitan ng U.S at Pilipinas kung saan ilulunsad ito sabay-sabay sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Bukod pa dito, pinagkasunduan rin ang pagbubukas ng mas maraming daungan sa Pilipinas para pasukin ng mga barkong pang-gera ng U.S, ang pananatili ng 600-katao na Joint Special Operations Task Force (JSOTF-P) na nakabase sa Camp Na-varro sa Zamboanga City, at kahit ang pagbabalik ng mga base militar ng Amerika sa ating bansa.

Lahat ito ay bahagi ng pagpapa-higpit ng kontrol ng U.S sa Pilipinas bilang isang mala-kolonya, at bilang isang base para maglunsad ng mga operyasong militar laban sa mga tinuturing nitong kaaway tulad ng

Panghihimasok ng U.S. sa Pilipinas, tumitindi

Tsina at mga bansang Muslim sa Timog-Silangang Asya.

Mamamayan ang magdudusa sa mga salot na dala ng mga dayuhang sundalo: paglabag nila sa mga kara-patan ng Pilipino, tulad ng nangyari sa Subic Rape Case; paglaganap ng mga bisyo tulad ng prostitusyon at droga; pagpasok ng mga sandata at iba pang kagamitang nukleyar na nakakapinsala sa kalusugan at ka-likasan; Labas pa dito ang paglabag sa ating soberanya sa pamamagitan ng paglunsad ng mga operasyong militar ng mga Kano sa ating saril-ing bayan (airstrike ng mga ‘drones’ at mga sundalo na nakahalo sa mga yunit ng AFP).

Ang mga tropang Kano ang nu-mero unong pwersa na manunupil sa mamamayang lumalaban kontra sa dominasyon at pananamantala ng U.S sa ating ekonomiya, likas-yaman, lakas-paggawa, atbp; pati na rin sa mga polisiya ng deregulasyon, pribatisasyon, at liberalisasyon na sapilitang ipinataw sa atin.

Higit pa dito, gagamitin nila ang Pilipinas bilang lunsaran ng mga atake sa isang posibleng gera laban sa Tsina, o kaya naman para durugin ang mga kontra-U.S na mga grupo sa mga katabing bansa.

Tungkulin ng bawat tunay na maka-bayang kabataan ang labanan ang patuloy na panghihimasok ng U.S sa Pilipinas, ang kawalan ng tunay na kalayaan at demokrasya, at ang pagkalat ng agresyon sa bawat su-lok ng mundo.

rafaeL antonio duLce

AB

AB

Page 7: i-download rito

7MARSO 2012 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MARSO 2012

Ang Opisyal na Pahayagan ng Anakbayan Pambansang Tanggapan

PATNUGUTANPUNONG PATNUGOT | Rafael Antonio DulceKAWANIHAN | Vencer Crisostomo, Charisse BanezPAGLALAPAT | Edward Pastor, Paolo Lorenzo

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, mag-email sa [email protected]

isda, miyembro ng Anakbayan) ng Navotas.

Kamakailan, hinarass ng militar ang tatlong estudyante ng UP na nakikipamuhay sa mga katutubong Aeta sa Porac, Pampanga, at isang lider estudyante si Lordei Hina, ay tinangkang paslangin sa loob ng student council office. Inu-lat din ang paniniktik sa mga opisyal ng Colege Editors’ Guild of the Philippines.

Inaasahang titindi pa ang panunupil sa mamayan habang tumitindi rin ang panghihimasok ng Estados Unidos (US) sa Bansa. Inuupatang ng US ang sigalot sa pagitang ng Pilipi-nas at Tsina at nagpapakawala ng terror scare para bigyang dahilan ang plano ng US na magbalik muli ng baseng militar na kagaya ng Subic Base at ilunsad ang malalaking military exercises sa bansa.

SUMA TOTAL | MULA SA PAHINA 2

AB

pagpapapasan sa kanila ng VAT sa langis. 12% ng ibina-bayad ng mamamayan ay VAT. Halimbawa’y P50 kada litro ang presyo’y nagiging P56 kada litro dahil sa buwis.Hindi napupunta sa taum-bayan ang VAT na ito. Napu-puntang kalakhan sa pam-bayad utang sa malalaking dayuhang bangko at kinuku-rakot ng gubyerno. Utos ng mga dayuhang bangko ang patakarang ito na higit na nagpapahirap sa mamama-yan.

Ano-ano ang mga“solusyon” ni Aquino?

Nananawagan ang gubyer-no sa mga ahensya nito na magtipid ng enerhiya at ba-wasan ang konsumo. Ngunit kahit naman bumaba ang konsumo, na sa katunayan ay nangyari noong mga na-karaang taon, pataas pa rin ang presyo ng langis.

Karaniwang nililihis din ang usapan sa paghahanap ng mga alternatibong source ng langis. Pero wala na-mang seryosong programa ang gubyerno para dito at sa katunayan ay ibinebenta pa nga sa malalaking dayu-hang kumpanya ang mga alternate sources ng energy gaya ng Malapaya na 90% kontrolado na rin ng dayu-hang kartel ng langis.

Ano ang dapat gawin sa harap ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo nglangis?

Labanan ang overpricing ng langis

Kinakailangan ng pagkakai-sa at sama-samang pagki-los ng iba’t-ibang sektor ng lipunan para pigilan ang so-bra-sobrang pag-presyo sa langis. Sa bansang Nigeria, inatras ng gobyerno ng 35% ang presyo ng langis (katum-bas ng P12/litro) pagkata-pos ng mga dambuhalang protesta noong Enero: wel-ga ng mga manggagawa, walkout ng mga estudyante, at daan-daang libo na nag-mamartsa sa mga lansan-gan.

Ibasura ang Oil Deregulation Law.

Walang duda na ang deregu-lasyon ay higit pang nagpa-sahol sa pananamantala ng ganid na kartel sa langis at pagpapahirap sa taumbay-an. Dapat kagyat na itulak ng mamamayan ang pag-babasura ng ODL at simu-lan ang makabuluhang mga hakbang para kontrolin ang presyo ng langis at itigil ang pagsasamantala ng mga monopolyong kartel.

Isabansa ang industriya ng langis. Wakasan angimperyalistang kontrol sa langis.

Dapat magkaroon ng makub-uluhang mga hakbang para sa pagsasabansa ng indus-

triya ng langis, na tuluyang wawasak sa dayuhang kon-trol sa langis. Kailangang ta-pusin ang pagiging lubusang palaasa ng ating ekonomiya sa import, gayundin tapusin ang suliraning idinudulot ng monopolyo ng mga TNC sa industriya ng langis at ener-hiya.

Dapat tiyakin ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng krudo at mga produktong petrolyo, at tiyakin nagsisilbi sa kapakanan ng bayan at pangangailangang pang-ekonomiya ang industriya ng langis.

Ilan sa mga mungkahi ng IBON na hakbang ng guby-erno para sa pagregulate ng oil industry:

• Sentralisadong pagbili ng langis at mga produktong petrolyo;• Commodity swap at/o ibang mga pamamaraan ng pagbili ng langis;

• Pagkakaroon ng buffer fund para sa epekto ng mga biglaang pagtataas ng pr-esyo;• Buy-back ng Petron Corp;• Aktibong partisipasyon ng estado sa petroleum refining;• Mekanismo para sa pagtiti-yak ng makatwirang presyo ng langis; at• Kontrol ng estado sa mga lokal na sources ng langis.

Kailangang patindihin ang paglaban at likhain ang pa-palawak na pakikibaka laban sa pagtataas ng presyo ng langis at pagsasabansa ng industriya ng langis. Dapat palawakin at palakasin ang pambansa- demokratikong pakikibaka ng mamama-yan na magluluwal ng isang kinabukasang ang lipunan at gubyerno ay malaya na sa dikta ng dayuhang interes at mamamayan na ang nag-papasya para sa kanilang interes at para sa pagbubuo ng lipunang sosyalista: tunay na malaya at masagana.

HINGGIL SA WALANGHABAS NA PAGTAAS|MULA SA PAHINA 5

AB

Page 8: i-download rito

The attack vs. University of the Philippines (UP) student leader Lordei Hina cannot be simply considered a case of an ordinary crime. After careful evaluation of the circumstances – with con-sideration to the cases of harassment and “psy-ops” (psychological warfare op-erations) done against pro-gressives in the past few weeks — we have reason to believe that the attack could be part of a campaign by the Armed Forces of the Philippines and the Aquino administration against ac-tivists.

Hina was attacked in broad day-light last February 1, inside the Office of the University Student Council (USC) in Vinzons Hall, UP Diliman, a known meeting place of student leaders and activists. She was waiting to attend an important organiza-tional meeting when she was attacked. The perpetrator was later caught with Hina’s bag, hers and her companion’s lap-top and several cellphones, which contained important in-formation regarding her activi-ties, which could might as well be the assailant’s target.

Hina was stabbed in the head several times by an ice pick which pierced through her temples. She was found ly-ing unconscious in a pool of blood about an hour later. She was immediately rushed to the hospital where she have been critical and in a coma for sev-eral days. Doctors have said the possibility of brain damage and effect on her basic sensory skills was high.

Hina is a known student leader and organizer. She is a former Secretary General of the Center for Nationalist Studies (CNS) and a key organizer of Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP (STAND UP). She was a key player in the nationwide fight against budget cuts in UP and social services. She is committed to organizing students and youth in campuses and urban poor communities in struggles for basic rights and social change.

A day after the attempted mur-

No ordinary crime:Political motive behind attackvs. UP student leader Lordei Hina seen

der of Lordei, news broke out that former student leader and known cultural activist Ekis Gimenez of Sining na Naglil-ingkod sa Bayan (Sinagbayan) was also attacked by unidenti-fied assailants on his way home. He suffered a skull fracture and had to undergo surgery on his head.

This also happened weeks af-ter several UP students were harassed by military elements in Porac, Pampanga and Calata-gan, Batangas. These events simply cannot be dismissed as coincidental.

It is all too easy for the military to hire criminals to murder or maim activists and progres-sives. In fact, this tactic has been employed many times during the Marcos dictatorship and the ‘Low Intensity Conflict’ of former president Cory Aqui-no. Corrupt politicians are also known to do this against their political opponents, journalists, and ordinary critics.

One such example is that of the late Bishop Alberto Ramento of the Aglipayan Church, a human rights advocate and staunch supporter of the Hacienda Lu-isita strike. He was stabbed sev-eral-dozen times while he was sleeping in his Tarlac residence in October 2006. Despite claims by the police that it was part of

a robbery by ‘gang members’, no valuables were taken from the bishop’s home.

The attacks and harassment be-ing done against UP students, who are known for their fierce criticism of the Aquino admin-istration and its budget cuts against social services, can be viewed as part of an overall ‘psy-ops’ campaign by the AFP. ‘Psy-ops’ are meant to ‘paralyze’ activists and progressives from undertaking their work through a variety of means: terroriz-ing, maligning, demonizing and criminalizing them.

These activities fit the array of programs and activities de-scribed in the Aquino govern-ment’s Oplan Bayanihan. The new military plan focuses on psy-ops and propaganda: “peo-ple-centered” approach, “civic-military” and “non-combat” operations. The attacks against Hina, Gimenez, the ‘Porac 3′, and other cases in different re-gions carry these marks.

Notably, fake statements have also been consistently released

to media, purportedly from Kilu-sang Mayo Uno (KMU) and Prof. Jose Ma. Sison to sow intrigue and malicious rumors about the progressive movement. In the case of the former, KMU pur-portedly said that it believed in justice and thus supports the current administration. In the case of the latter, it was claimed that Sison would be a part of the Aquino cabinet, despite repeated denials. Both are ap-parently being made to confuse the public and in one way or the other marginalize the progres-sive movement.

We urge the UP community to hold an independent and impar-tial investigation regarding the incident. We call on students and youth, human rights advo-cates, and the Filipino people in general, to be critical and vigi-lant and to intensify the call for justice for Lordei Hina. We must mobilize thousands upon thou-sands of youth and students to call for an end to state violence and repression, and strengthen further the struggle for genuine social change.

Photo Credits Pher Passion

AB

bisitahin ang www.anakbayan.org