12
1. Ano ang kaugnayan ng anyong-pisikal at heograpiya ng Pilipinas sa patuloy na pagbuo ng kasaysayan/kapaligiran? Sinasabing ang paraan ng pamumuhay ng tao ay nakadepende sa kanyang kapaligiran. Dahil dito, ang kalinangang pangkultura at teknolohiya na nahubog ng tao bilang tugon sa kanyang kapaligiran ang siyang nagtatakda ng kilos at gawi ng tao. (pahina 10 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo) 2. Ano ang kalakasan at kahinaan ng kabihasnang pre-historiko? Ang kalakasan at kahinaan ng mga tao ? KALAKASAN : Napayabong ang kultura at kasanayang Pilipino sapagkat nagawang makibagay ng mga unang tao sa kanilang kapaligiran at napatunayan nito na mataas talaga na ang antas ng kamulatan ng mga tao noong unang panahon pa lamang. KAHINAAN : Walang tiyak at malinaw na pinagmulan ng lahing Pilipino. Nakadepende lamang sila sa kanilang kapaligiran at walang permanenteng tirahan. (pahina 16- 19 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo) 3. Ano ang pinakamahalagang bunga ng mga sumusunod na panahon: Ipaliwanag. A. Prehistoriko Natutong sumabay sa pagbabago ng panahon at kapaligiran ang mga tao at nagawa rin nilang magamit ang mga bagay sa kanilang lugar upang mabuhay na nagpapatunay na noong unang panahon pa lang ay mataas na ang antas ng pag-iisip ng lahing Pilipino. (pahina 16- 19 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo) B. Panahon ng Kastila Ang pagyakap ng mga Pilipino sa relihiyong Kristiyanismo na may malaking ambag sa kultura ng ating lahi hanggang sa kasalukuyang panahon. (pahina 61 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo) C. Panahon ng Amerikano Natuto tayo ng bagong sistema ng edukasyon na kung saan walang pinipiling estado sa buhay at binigyan din tayo ng sapat na kasanayan upang mamahala at karapatan upang magsarili. (pahina 174- 177 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo) D. Panahon ng Hapon Ang pag-alab ng damdaming makabayan ng mga Pilipino dahil sa pagnanais na makalaya. (pahina 207-215 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo) E. Pagkatapos ng Ika-II Digmaang Pandaigdig Paglaya sa bansang Hapon at pagkakaroon ng bagong Pamahalaan gawa ng pagtutulungan ng mga Pilipino.

histo.docu.doc

Embed Size (px)

DESCRIPTION

histo.docu.doc

Citation preview

Page 1: histo.docu.doc

1. Ano ang kaugnayan ng anyong-pisikal at heograpiya ng Pilipinas sa patuloy na pagbuo ng kasaysayan/kapaligiran?

Sinasabing ang paraan ng pamumuhay ng tao ay nakadepende sa kanyang kapaligiran. Dahil dito, ang kalinangang pangkultura at teknolohiya na nahubog ng tao bilang tugon sa kanyang kapaligiran ang siyang nagtatakda ng kilos at gawi ng tao. (pahina 10 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

2. Ano ang kalakasan at kahinaan ng kabihasnang pre-historiko? Ang kalakasan at kahinaan ng mga tao ? KALAKASAN : Napayabong ang kultura at kasanayang Pilipino sapagkat nagawang makibagay ng mga

unang tao sa kanilang kapaligiran at napatunayan nito na mataas talaga na ang antas ng kamulatan ng mga tao noong unang panahon pa lamang.

KAHINAAN : Walang tiyak at malinaw na pinagmulan ng lahing Pilipino. Nakadepende lamang sila sa kanilang kapaligiran at walang permanenteng tirahan.(pahina 16- 19 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

3. Ano ang pinakamahalagang bunga ng mga sumusunod na panahon: Ipaliwanag.A. Prehistoriko

Natutong sumabay sa pagbabago ng panahon at kapaligiran ang mga tao at nagawa rin nilang magamit ang mga bagay sa kanilang lugar upang mabuhay na nagpapatunay na noong unang panahon pa lang ay mataas na ang antas ng pag-iisip ng lahing Pilipino.(pahina 16- 19 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

B. Panahon ng Kastila Ang pagyakap ng mga Pilipino sa relihiyong Kristiyanismo na may malaking ambag sa kultura ng

ating lahi hanggang sa kasalukuyang panahon.(pahina 61 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

C. Panahon ng Amerikano Natuto tayo ng bagong sistema ng edukasyon na kung saan walang pinipiling estado sa buhay at

binigyan din tayo ng sapat na kasanayan upang mamahala at karapatan upang magsarili. (pahina 174- 177 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

D. Panahon ng Hapon Ang pag-alab ng damdaming makabayan ng mga Pilipino dahil sa pagnanais na makalaya.

(pahina 207-215 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)E. Pagkatapos ng Ika-II Digmaang Pandaigdig

Paglaya sa bansang Hapon at pagkakaroon ng bagong Pamahalaan gawa ng pagtutulungan ng mga Pilipino.(pahina 216-221 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

F. Administrasyon ni Marcos Mas naging sibilisado at tumaas ang antas ng disiplina ng mga tao sa ilalim ng pamumuno ni

Pangulong Marcos.(pahina 238- 251 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

G. Panahon ng EDSA Revolution Nagkaisa ang mga Pilipino at ipinaglaban ang mga karapatan ng bawats tao sa pmamagitan ng EDSA

Revolution upang mapatalsik ang noo’y namumuno na si dating Pangulong Ferdiand Marcos.(pahina 253- 258 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

H. 2000-Kasalukuyan Ang pagpapahalaga sa karapatang pantao. Sinusubok pa rin hanggang sa ksalukuyan ang karapatan

nating mga Pilipino.(pahina 281- 290 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

4. Paano nadawit ang Pilipinas sa mga sumusunod ng digmaan ? Digmaang Kastila-Amerikano

Page 2: histo.docu.doc

Nadawit ang Pilipinas sa Digmaang Kastila-Amerikano dahil sa ang Pilipinas ay sakop ng mga Kastila. Dahil sa pagkakaroon ng interes ng Amerika sa Cuba ay nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng Kastila at Amerikano dahil sa panahong iyon ay sakop ng mga Kastila ang Cuba. Nagdeklara ng digmaan ang Amerika dahil sa pagkasabog ng bapor nilang “Maine” ( isang bapor na pandigma ng mga Amerikano na nakadaong sa pantalan ng Cuba ) at isinisi sa mga Kastila. Ito ang naging dahilan upang sakupin ng Amerikano ang Pilipinas at iba pang mga bansa.

Digmaang Amerikano-Hapon Dahil sa paglubsob ng Hapon sa China itinigil ng Estados Unidos ang pakikipagkalakalan sa Hapon

at pinaalis sa bansang China. Sa halip na umalis ay nagdeklara ang Hapon ng digmaan sa Estados Unidos. Dahil ang Pilipinas ay sakop ng Estados Unidos kaya sinugod tayo ng mga Hapon. Ito ang dahilan ng pagkadawit ng Pilipinas sa digmaang Amerikano-Hapon.

5. Paano nakatugon ang mga Pilipino sa mga hamon ng kasaysayan? Ano ang dulot ng mga pagtugong ito sa kanila? Ang mga naging tugon ba ay nakatulong o hindi ?

6. Ano ang mga espesipikong pagbabagong naganap sa Pilipinas sa mga panahong sumusunod, ipaliwanag :A. KastilaB. AmerikanoC. Hapon

Panahon ng Kastila Panahon ng Amerikano

Panahon ng Hapon

A. KALAGAYANG PANGKABUHAYAN

Naging mabagal ang unang dalawang siglo ng kanilang pananakop sa kapuluan. Ang mabagal na pag-unlad ng Pilipinas sa panahong ito ay dahilan sa ang pansin ng Espanya ay nakatuon sa pagpapalakas ng kanyang hawak sa Pilipinas. Naging mapang-abuso ang mga kastila sa mga Pilipino at ang kanilang pagiging “corrupt.”

-Kalakalang galleon-Polo Y Servicios-Tributo-Bandala-Monopolyo ng Tabako-Compania Royal de Filipinas

(pahina 93-96 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Umunlad ang maraming industriya sa Pilipinas sa panahon ng mga Amerikano. Nagkaroon ng mga makabagong teknolohiya at nag bukas ang malalaking industriya. Ito ay utang sa patakaran sa malayang pangangalakal ng Estados Unidos. Dahil sa patakarang ito ay malayang nakapasok ang mga produktong Pilipino sa EU ng walang buwis. Sa paglaki ng kita ng pamahalaan, nakapagpagawa ng maraming daan at tulay, gusaling pambayan, pagamutan at paaralan.

(pahina 182 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Dinala ang Islam ng mga mangangalakal at mga misyonaryo mula sa Indonesia. Noong ika-16 dantaon, matatag na ang Islam sa Sulu at lumaganap ito mula sa Mindanao; nakarating ito sa Maynila noong 1565. Kahit kumalat ang Islam sa Luzon, ang pagsamba pa rin sa mga anito ang relihiyon ng karamihan sa mga pulo ng Pilipinas. Dinala ng mga Muslim ang pulitikal na konsepto ng mga estadong pinamunuan ng mga raha at sultan. Ngunit ang mga konsepto ng mga Muslim at ng mga magsasaka ng Hilagang Luzon ng teritoryalismo ay hindi lumaganap sa ibang lugar. Nang makarating ang mga Kastila noong ika-16 dantaon, karamihan sa humigit-kumulang na 500,000 katao ay nanirahan sa mga panirahang barangay.

(WikiFilipino)

Page 3: histo.docu.doc

B. KALAGAYANG PANLIPUNAN

Sa panahon ng mga kastila nagkaroon ng iba’t ibang uri ng tao sa lipunang Pilipino. Ang mga pinakamataas na antas ng lipunan at tinawag na naghaharing uri na binubuo ng mga PENINSULARES o mga kastilang pinanganak sa Espanya. Ang gitnang uri ay mga INSULARES o CREOLES na mga kastilang pinanganak sa Pilipinas. Nagsisilbi silang pinuno ng mga hukbong kolonyal o mga datihang hari. ILUSTRADO o mayayaman at may pinag aralang mga Pilipino. Ikatlong uri ay ang INDIO na nahahati sa dalawa: ang Masa at ang Principales. Ang masa ang itinuturing na pinaka mababang antas.

(pahina 86 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Ang mga kababaihan sa panahon ng mga Amerikano ay nagtamasa ng mga kalayaan. Nabukasan sa kanila ang pagkakataon na makapag hanapbuhay sa mga tanggapan at pabrika, sila ay hinayaang makalabas sa kanilang mga tahanan at makapag aral nang anumang propesyon na nais nila. Binigyan din sila ng karapatan na makaboto at mula noon ay nagsimula na silang pumailanlang sa larangan ng pulitika.

(pahina 184 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Naging laganap ang sosyal at pulitikal na organisasyon ng populasyon sa mga pulo. Ang mga magsasaka lamang ng Hilagang Luzon ang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo.Ang simpleng yunit ng pamahalaan ay ang barangay, na isang grupong pinamunuan ng isang datu. Sa isang barangay, ang mga sosyal na dibisyon ay ang mga maharlika, kung saan kasama ang datu; ang mgatimawa; at ang mga alipin. Maraming kategorya ang mga alipin: ang mga magsasakang walang lupa; ang mga timawang nawalan ng kalayaan dahil sa pagkakautang o parusa sa krimen at ang mga bihag ng digmaan.

(WikiFilipino)C. KALAGAYANG

PAMPULITIKAIsang pamahalaang kolonyal ang ipinairal. Ang pagsanib ng ng simbahan at ng estado sa pamamahala ay isa sa mga tampok na katangian ng pamahalaang itinatag ng mga Kastila. Ang pmamahala sa Pilipinas ay nakasalalay sa kapangyarihan ng sibilyan. Nagkaron ng iba’t ibang pwesto sa pamahalaan Lahat ay nakaayon sa mga batas na ipinapatupad ng hari ng Espanya.

(pahina 80-85 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Naipatatag ang Pamahalaang Militar. Na ang hangarin ay matamo ang katahimikan, kapayapaan at kaayusan ng bansa sa nagaganap ng labanang Pilipino- Amerikano at upang maisaayos at maihanda ang Pilipinas para sa pamahalaang sibil.

(pahina 157-158 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Naitatag ang Ikalawang Republika ng Pilipinas. Hawak pa rin ng bansang Hapon kaahit na sinasabing ito’y malaya na. Dito rin lumaganap ang sinasabing “puppet government” na siya namang tinutulan ng mga Pilipino.

(pahina 214- 215 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

D. PINAKAMAHALAGANG AMBAG

Natuto ang mga Pilipino na makipag palitan ng produkto sa mga kalapit

Labis ang nagging impluwensya ng Amerika sa mga Pilipino sa

Ang pagtuturo ng Niponggo sa mga paaralan.

Page 4: histo.docu.doc

bansa at ang iba’t ibang paraan ng paglilingkod sa pamamagitan ng lakas paggawa.

larangan ng kultura. Pinakamalaking impluwensya ng Amerikano ang paggamit ng wikang Ingles. Ginawa itong medium ng pagtuturo mula elementarya hanggang kolehiyo. Ito rin ang wikang gamit sa pagnenegosyo at sa pamahalaan.

(pahina 178 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

(pahina 211 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

E. PAMAMARAANG GINAMIT SA PANANAKOP

Pinalaganap nila ang Kristyanismo bilang tanda ng samahan ng simbahan at ng pamahalaan kung saan ginamit nila ang kanilang kapangyarihan upang takutin at himukin ang mga Pilipino na makiisa sa kanilang mga nais gawin.

(pahina 64-68 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Sa pamamagitan ng Benevolent Assimilation Proclamation ni Pang. William Mckinley, ipinahayag ang pananakop sa Pilipinas noong Disyembre 21,1898. Sa kanyang talumpati sa Kongreso ng amerika ay ipinahayag niya ang layunin ng Amerika sa Pilipinas, Ang sabi ni Pang. Mckinley “Ang Pilipinas ay atihindi para abusuhin kundi para paunlarin, gawing sibilisado, turuan at sanayin sa siyensya ng pamamahala.”

(pahina 157 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Ipinahayag nila na ang kanilang hangarin ay mapalaya ang mga Pilipino sa mapaanikil na pamamahala ng mmg Amerikano. Ipinahayag din Nanlaban ang mga Pilipino sa mga Hapones. Gumamit sila ng dahas ngunit hindi pa rin nila nakuha ang simpatiya ng mga Pilipino.

(pahina 209-211 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

F. MGA PATAKARANG IPINATUPAD

- Kalakalang galleon- Polo Y Servicios- Tributo- Bandala- Monopolyo ng

Tabako- Compania Royal de

Filipinas(pahina 94-96 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

-Pamahalaang Militar- Pamahalaang Sibil- Ang Batas Pilipinas ng 1902- Ang Asembleya ng Pilipinas- Pilipinisasyon sa pamahalaan- Batas Jones ng 1916(pahina 157-151 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Batas Komonwelt blg. 672 – nagsasaayos sa pambansang banko ng Pilipinas.

(pahina 219 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Page 5: histo.docu.doc

G. MGA SALIGANG BATAS

Dito nabuo ang saligang batas na binuo ang kumite ng “pitong matatalinong tao”. Ang Saligang Batas 1935 ang isa sa pinakamahalagang dokumento ng kasaysayang ng Pilipinas. Naglalamat ito ng mga ninanais at minimithi na mga Pilipino.

(pahina 193-196 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Saligang Batas ng 1943 – pinangakuan ang Pilipinas ng kalayaan ng mga Hapon. Sa bisa ng pangakong ito, nagkaroon ng Komisyon sa Paghahanda para sa kalayaan ng Pilipinas.

(pahina 213 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

H. MAHALAGANG PARTISIPASYON NG MGA PILIPINO

Dahil sa mga pagmamalabis ng mga Kastila sa mga Pilipino, ang mga ito ay madalas na nagrebelde laban sa pamahalaan ng Kastila. Sa loob ng 30 taon na papamahala ng Kastila sa bansa ay nagkaroon ng mahigit 100 himagsikan. Ito ang isa sa malaking partisipasyon ng mga Pilipino para makamit muli ang Kalayaan ng Pilipinas.

Nakipagsanib- pwersa ang mga Pilipino sa mga Amerikano laban sa Espanya.

(pahina 135 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Sa pagtatanggol sa bansa ay nagpakita ng labis na tapang ang mga Pilipinong sundalo kasama ng mga Amerikano. Napilitang sumuko ang mga ito. Mula sa Mariveles, Bataan ay pinalakad sila hanggang San Fernando, Pampanga- ito ang tinatawag na Death March.

(pahina 210 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

I. PINAKAMAHALA-GANG TURNING POINT. BAKIT?

J. TUGON NG MGA PILIPINO SA PAGBABAGO

K. PINAKAMALAKING SULIRANIN

7. Ipaliwanag ang mga sumusunod. Ano ang naging papel/idinulot ng mga ito?

Benevolent Assimilation Sa pamamagitan ng Benevolent Assimilation Proclamation ni Pang. William Mckinley, ipinahayag

ang pananakop sa Pilipinas noong Disyembre 21,1898. Sa kanyang talumpati sa Kongreso ng amerika ay ipinahayag niya ang layunin ng Amerika sa Pilipinas, Ang sabi ni Pang. Mckinley “Ang Pilipinas ay atihindi para abusuhin kundi para paunlarin, gawing sibilisado, turuan at sanayin sa siyensya ng pamamahala.”

(pahina 157 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Parity Rights

Page 6: histo.docu.doc

Nagkakaloob sa mga mamamayang Amerikano ng karapatang gumalugad sa mga likas na yaman at magtatag ng mga pampublikong kagamitan sa bansa.(pahina 196 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Philippine Assembly Tatlong kondisyon ang itinadhana ng batas ng Pilipinas 1902 bago itinatag ang Asembleya ng

Pilipinas. Ang mga itoay ang panunumbalik ng ganap na kapayapaan at kaayusan; pagsasagawa ng pambansang sensus mula 1903 hanggang 1905 at pag iral ng dalawang taon ng katahimikan at kapayapaan pagkatapos na mailathala ang sensus. Noong hulyo 4, 1902 base sa rekomedasyon ni Gob. Taft, ipinahayag ni Pang Roosevelt ang pag-iral ng lubos na kapayapaan sa Pilipinas at pagwawakas ng digmaan. Lahat ng kondisyon para sa pagtatag ng Asembleya ng Pilipinas ay naisagawa na kung kaya ang halalan para sa mga kasapi ng Asembleya ay itinakda noong Hulyo 30,1907. Ang pagtatakda ng pagdaraos ng halalan ay nagging isang magandang pagkakataon para sa mga Pilipinong lider pulitiko. Naging daan ito upang sila ay magtatag ng mga partido pulitikal na magagamit nilang sandata upang ipahayag ang kanilang paninindigan at hangaring lumaya(pahina 165 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Philippine Commission Ito ang ipinagkaloob ng Amerika sa Pilipinas upang magkaroon ng kapangyarihan sa lehislatibo ng

pamahalaan. Mga Pamahalaan sa Panahon ng Amerikano

Isa na dito ang Pamahalaang Militar na itinatag sa utos ni Pangulong Mckinely.Dalawa ang hangarin ng pagtatag ng pamahalaang Military. Una, ang matamo ang katahimikan, kapayapaan at kaayusan ng bansa sa nagaganap na labanang Pilipino – Amerikano. Ikalawa, upang maisaayos at maihanda ang Pilipinas para sa pamahalaang sibil.(pahina 157 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

HUKBALAHAP Hukbong Bayan Laban sa Hapon. Ang itinatag na guerilla army ng mga pesante sa Gitnang Luzon.

Pinangunahan to ni Luis Taruc. Nang matapos ang digmaan, pumasok sa pulitika ang mga Huk sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa Partido Nacionalista. Naniniwala sila na nagging tagasuporta ng mgaa hapones si Roxas kaya ibinigay nila ang kanilang buong suporta sa kandidatura ni Osmeña. Nanalo sila sa halalan subalit hindi nagkaroon ng pagkakataong manungkulan sapagkat ideneklara ni Roxas na tulisan ang mga HUKBALAHAP.(pahina 226- 227 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Philippine Bill of Rights Ang pagpasa ng Kongreso ng EU sa batas Pilipinas ng 1902 na inisponsoran ni Kinatawan Henry

Allen Cooper ng Wisconsin ay higit na nagbigay daan upang mabukasan ng mga Pilipino ang maraming pagkakataon upang makapanungkulan sa pamahalaan. Ang batas na ito ay nagbibigay ng maraming karapatan sa mga Pilipino at nagsisilbing kauna-unahang batas organiko ng Pilipinas na pinagtibay para sa Pilipinas ng Kongreso ng EU noong 1902. (pahina 163 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Jones Law Ang batas na ito ay nangangako ng pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas sa lalong madealing

panahon kapag nagkaroon na ang bansa ng isang matatag na pamahalaan.(pahina 170 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Tydings-McDuffie Nagtagumpay si Quezon na makakuha ng bagong batas para sa pagsasarili ng Pilipinas. Nagpasa ang

Kongreso ng bagong batas na ang awtor ay sina Senador milliard tidings at kinatawan John McDuffie. Ang Batas Tydings-McDuffie ay nilagdaaan ng Pang. Roosevelt. Ang batas tidings ay halos walng pinagkaiba sa Batas hare-Hawes Cutting maliban sa probisyong panahong itatagal ng

Page 7: histo.docu.doc

base militar sa Pilipinas. Ang batas na ito ay nagtatadhana ng sampung taong pagtatag ng isang pamahalaang Komonwelt na tatagal ng sampung taon bilang paghahanda sa pagkilala ng kasarinlan na itinakda sa Hulyo 4, 1946.(pahina 191 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Wood-Forbes Nagpadala ang pangulong Harding ng isang Misyon para sa pagsasarili na binubuo nina Hen.

Leonard Wood at William Cameron Forbes. Ang misyon ay inatasan na magsuri sa kalagayan ng Pilipinas. Sa ulat na isinumite ng Misyon ay sinabi na hindi pa handa ang bansa sa pagsasarili. Ang ulat ay pinagtibay ni Pangulong Harding. Sa kabila ng hindi magandang ulat ng Misyong Wood-Forbes, hindi nawalan ng pag asa ang mga Pilipino. Ipinagpatuloy nila ang kanilang mga pagkilos para sa pagsasarili. Matiyaga nilang isinagawa ang pagpapadala ng mga misyon para sa pagsasarili upang mapahinuhod ang Kongreso ng estado.(pahina 187 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Misyong Ox-Rox Sa dalawang partido pulitika sa Estados Unidos, ang partido Democrata ang may simpatiya sa mga

Pilipino. Sa panahong ito nagtingo sa EU ang Misyong Osmeña-Roxas na lalong kilala sa Misyong OS-ROX upang muling hilingin ang kalayaan ng Pilipinas.(pahina 190 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Puppet Government Ang ikalawang Republika ng Pilipinas ay isa lamang Pamahalaang Puppet. Nagpatuloy ang pagtutol

ng mga Pilipino sa pamahalaang itinatag ng mga Hapones. Lalo naming nagging napakalupit ng mgaa Hapones. Naging napakahirap ng buhay para sa mga Pilipino. Samantala ay patuloy ang pakikipaglaban ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo.(pahina 215 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

Death March Sapilitan paglalakad mula Mariveles, Bataan hanggang San, Fernando, Pampanga ng mga sundalong

Pilipino at Amerikano na nadakip ng mga Hapon sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nagsimula noong 9 Abril 1942, ang pagmartsang ito ay nag-umpisa sa Mariveles, Bataan patungong San Fernando, Pampanga (na umabot ng 88 kilometro ang layo), hanggang Capas, Tarlac at muling naglakad ng layong 13 kilometro hanggang matunton ang Himpilang O'Donnell. Tumagal ang pagmamartsang ito ng anim na araw.(pahina 210 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

KALIBAPI Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas. Ang layunin ng KALIBAPI ay ang pag-isahin ang

mga Pilipino upang makipagtulungan sa Administratibong Militar na Hapon sa pagbabangon sa bansa. Hangad nito ang pagpapasigla ng mga katangiang Oryental tulad ng pagtitiwla, pagsasakripisyo, pagttiwala sa sarili at kasipagan, Ang mga pilipinong may edead labingwalo at maaring maging kasapi ng KALIBAPI.(pahina 213- 214 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

PCPI

Code of Ethics Ipinalabas Quezon upang mapalakas ang hibla ng moralidad at pagmamahal sa bansa ng mga

Pilipino. Ang kodigong ito ay ipinatuturo sa lahat ng paaralan. Sa biasa ng Actang Pangedukasyon ng 1940 nagkaroon ng malaking pagbabago sa sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas.(pahina 200 ng Historia: Pag- usbong, Pakikipagtagpo, at Pagbubuo)

8. Pumili ng isang pangulo ng bansa. Ipaliwanag ang kanyang mga kahinaan at kalakasan, mga naitulong bilang Pilipino?

Page 8: histo.docu.doc

9. Ano ang pinakamabigat na suliranin at aral ng kasaysayan ng Pilipinas sa kasalukuyan?

10. Isulat ang Lupang Hinirang. Ano ang mga hamon na nakapaloob sa awit? Ano ang mga kongkretong tugon sa mga hamon?

Lupang Hinirang LyricsJulian Felipe

Bayang magiliw Perlas ng silanganan Alab ng puso Sa dibdib mo'y buhay 

Lupang Hinirang Duyan ka nang magiting Sa manlulupig Di ka pasisiil 

Sa Dagat at bundok sa simoy At sa langit mo'y bughaw May dilag ang tula At awit sa paglayang minamahal Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na nagniningning Ang bituin at araw niya'y kailanpama'y di magdidilim 

Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta Buhay ay langit sa piling mo Aming ligaya nang pag May mang-aapi Ang mamatay ng dahil sayo.

Mga Pagsubok :

Mga Tugon sa mga Hamon :

11. Para sa buong klase. Gumawa ng aplikasyon na nagpapakita ng mga “values” na natutunan sa kasaysayan, mga mabuting katangian ng isang Pilipino. Maaaring kumuha ng ideya sa Lupang Hinirang.

12. Ano ang pinakamahalagang mensahe ng pelikula/ book review? Ano ang hamon sa iyo? Ano ang iyong tugon?