6
SAINT PEDRO POVEDA COLLEGE Sibika at Kultura 2 SY 2011-2012 MGA MAKASAYSAYANG POOK SA PILIPINAS RIZAL PARK Ito ay kilala bilang Luneta Park. Makikiita ito sa Lungsod ng Maynila. Dito ipinabaril si Jose Rizal ng mga Kastila na sumakop sa Pilipinas. Maraming namamasyal dito at nais makita ang monumento ni Rizal. 1 SESYON 10 HANDOUT BILANG 11 Nakikilala mo ba ang mga taong ito? Sila ang mga bayani at naging president ng ating bansa. May malalaki silang nagawa para sa Pilipinas. Sila ay bahagi ng ating kasaysayan. Halina at tayo ay bumalik sa kwento ng ating lahi sa paglalakbay sa mga lugar o pook na makasaysayan. LUZON

hekasi1-7.weebly.com€¦  · Web viewIsa itong tanggulan o fort noong panahon ng mga Kastila. Dito ikinulong si Rizal bago siya barilin sa Luneta. AGUINALDO SHRINE. Ito ay makikita

  • Upload
    others

  • View
    22

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: hekasi1-7.weebly.com€¦  · Web viewIsa itong tanggulan o fort noong panahon ng mga Kastila. Dito ikinulong si Rizal bago siya barilin sa Luneta. AGUINALDO SHRINE. Ito ay makikita

SAINT PEDRO POVEDA COLLEGESibika at Kultura 2

SY 2011-2012

MGA MAKASAYSAYANG POOK SA PILIPINAS

RIZAL PARK

Ito ay kilala bilang Luneta Park. Makikiita ito sa Lungsod ng Maynila.

Dito ipinabaril si Jose Rizal ng mga Kastila na sumakop sa Pilipinas.

Maraming namamasyal dito at nais makita ang monumento ni Rizal.

RIZAL SHRINE

Ito ay matatagpuan sa Calamba, Laguna.

Ipinanganak dito si Jose Rizal. Ito ang tirahan ng kanyang pamilya.

Sa ngayon, ito ay isa nang museo na nagpapakita ng naging buhay ng kanyang pamilya.

1

SESYON 10HANDOUT BILANG 11

Nakikilala mo ba ang mga taong ito? Sila ang mga bayani at naging president ng ating bansa. May malalaki silang nagawa para sa Pilipinas. Sila ay bahagi ng ating kasaysayan. Halina at tayo ay bumalik sa kwento ng ating lahi sa paglalakbay sa mga lugar o pook na makasaysayan.

LUZON

Page 2: hekasi1-7.weebly.com€¦  · Web viewIsa itong tanggulan o fort noong panahon ng mga Kastila. Dito ikinulong si Rizal bago siya barilin sa Luneta. AGUINALDO SHRINE. Ito ay makikita

FORT SANTIAGO

Ito ay makikita sa Intramuros, Maynila.

Isa itong tanggulan o fort noong panahon ng mga Kastila. Dito ikinulong si Rizal bago siya barilin sa Luneta.

AGUINALDO SHRINE

Ito ay makikita sa Kawit, Cavite. Ito ang bahay ni Emilio Aguinaldo.

Dito ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.

CORREGIDOR

Ito ang huling tanggulan nng mga sundalong Pilipino at Amerikano para ipaglaban ang Pilipinas laban sa mga Hapones.

DAMBANA NG KAGITINGAN

Ito ay makikita sa Mt. Samat ng Bataan.

Itinayo ito bilang parangal sa mga sundalong Pilipino at Amerikano na lumaban sa mga Hapones noong World War II.

MALACAÑANG PALACE

Ito ay makikita sa Lungsod ng Maynila.

Dito tumitira ang mga nagiging pangulo ng Pilipinas. Kalimitan ay dito nag-oopisina at nakikipagmiting ang pangulo.

2

Page 3: hekasi1-7.weebly.com€¦  · Web viewIsa itong tanggulan o fort noong panahon ng mga Kastila. Dito ikinulong si Rizal bago siya barilin sa Luneta. AGUINALDO SHRINE. Ito ay makikita

EDSA SHRINE

Ang EDSA Shrine ay makikita sa kahabaan ng EDSA. Ang katawagang EDSA ay galing sa pangalan ng isang magaling na Pilipinong manunulat noong panahon ng Amerikano na si Epifanio de los Santos.

Dito nangyari ang makasaysayang People Power 1 at 2.

Ang People Power 1 ay nangyari noong Pebrero 22-25,1986. Muling nakamit ng mga Pilipino ang kalayaan nang tinutulan nila ang pamamahala ni Ferdinand Marcos at naging pangulo si Corazon Aquino.

Naganap ang People Power 2 noong Enero 23-25, 2011. Dito naman ay ginusto ng mga Pilipino na mapalitan si Joseph Estrada bilang pangulo ng Pilipinas at pumalit sa kanya si Gloria Macapagal Arroyo, na vice-president noong panahong iyon.

MAGELLAN’S CROSS Ito ay makikita sa Lungsod ng Cebu.

Ipinapaalala nito ang pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas dala ng mga Kastila.

Ang krus na ito ay ni Magellan nang dumating siya sa Pilipinas noong 1521.

3

VISAYAS

Page 4: hekasi1-7.weebly.com€¦  · Web viewIsa itong tanggulan o fort noong panahon ng mga Kastila. Dito ikinulong si Rizal bago siya barilin sa Luneta. AGUINALDO SHRINE. Ito ay makikita

MONUMENTO NI LAPU-LAPU Ito ay makikita sa Mactan,Cebu.

Dahil sa kagitingan ni Lapu-Lapu sa pagtatanggol sa Pilipinas laban sa mga Kastila, nagpatayuo ng monument para sa kanya.

Makasaysayan ang pulo ng Mactan sa Cebu.

LEYTE LANDING MEMORIAL Ito ay makikita sa Palo, Leyte.

Dito dumaong si Heneral Douglas MacArthur nang bumalik siya sa Pilipinas noong World War II.

Dito naging kilala ang pangako niyang, “I shall return”, matapos siyang pumunta sa Australia mula sa Pilipinas.

DAPITAN SHRINE

Ito ay makikita sa Zamboanga del Norte.

Dito nanirahan si Jose Rizal matapos siyang ipatapon ng mga Kastila. Siya ay tumira ng 4 na taon dito.

4

MINDANAO

Page 5: hekasi1-7.weebly.com€¦  · Web viewIsa itong tanggulan o fort noong panahon ng mga Kastila. Dito ikinulong si Rizal bago siya barilin sa Luneta. AGUINALDO SHRINE. Ito ay makikita

MGA DAPAT TANDAAN:

5

Kailangan nating pangalagaan ang ating mga makasaysayang pook para mapanatili ang kagandahan at kaayusan ng mga ito.

Ipagmalaki natin ang mga makasaysayang pook ng bansa dahil ito ay sariling atin.

Lagi nating alalahanin ang mga aral na ibinibigay ng ating kasaysayan.