From This Night to Forever

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    1/17

    FROM THIS NIGHT TO FOREVERPrecious Hearts Romances

    Noelle Arroyo

    TEASER

    UNANG nagtagpo ang mga landas nina Arianna at Enrique para sa hulinoong gabing iniregalo ang dalaga sa kanya. Nang magising siya atnatuklasan ang dugo sa kama, hindi na siya pinatahimik ng kanyangkonsensya.

    MATAGAL nang kilala ni Arianna si Senyorito Enrique pero ni sa hinagapay hindi niya pinangarap na ito ang lalaking naghihintay sa kanya nanggabing iyon. Ang inasahan niya ay impyerno, hindi langit sa mga bisignito. At nang iniwan niya ito, may iniwan din siyang parte ng kanyangpagkatao na ito lamang ang makapagbabalik.

    HINANAP ni Enrique ang magandang estranghera para lang matuklasangnagtatrabaho ito sa loob mismo ng kanyang hasyenda. Pwede sana niyanggawin dito anuman ang kanyang gusto at hindi siya nito malalabanan.

    Pero lumaban si Arianna gaya din nang paglaban niya sa buhay. At sadigmaang iyon, nagupo ang kanilang mga puso ng pag-ibig kung saanpanalo lahat nang sumusuko at lumalaya lahat nang naduduwag.

    Halos gabi - gabi, nagdaraan ako sa bahay nyo sa pag -asang makita manlang kita sa ilaw ng gasera sa bintana kapag nagsasara ka na. Baliwakong nag- isip ng paraan kung paano ako makalalapit sa yo nang hindimo ako katatakutan. After what happened that night, after what Ivedone to you, siguro kapag nakita mo ako, malamang na tatakbo kangparang nakakita ng multo.

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    2/17

    Chapter ONE

    TAHIMIK ANG YABAG ng mga paa, nilakad ni Arianna ang driveway mula sagate patungong bahay. Madilim ang gabi at tanging ang liwanag lang ngbuwan ang kanyang gabay. Tahimik din ang paligid, kung may ingay manay nagmumula sa mga kuliglig.

    Pero hindi sasapat iyon para matakpan ang malakas na kabog sakanyang dibdib.

    Mapula ang kanyang damit, simpula ng dugong dadaloy kungmagtatagumpay ang kanyang lakad ngayong gabi. Bahagya nang nakita angpagkatal ng kanyang kamay sa naisip. Nakarating ang dalaga sa baba ngtatlong baitang na hagdang marmol at sandali siyang tumigil. Sandalingsandali, inangat niya ang kanyang mukha para tanawin ang taas ngbahay ang bintanang naroroon kung saan pakiramdam niya ay maynakasilip. Nanatili iyong madilim. Hindi niya makita kung may kurtina.Hindi niya makita kung may tao.

    Pero sigurado si Arianna na merong tao roon. Isang lalaki. At siyaang hinihintay nito.

    Yumuko siya, pumikit at ilang sandaling pinanlabanan angnararamdamang pagkaliyo. Hindi pwedeng mataranta o manghina ang loob.Lampas na siya sa pag-urong, sa pagsuko. Wala nang ibang paraan. Itolang.

    Kailangan niyang iligtas ang kanyang kapatid. Ito lamang angparaan.

    Nakakuyom ang mga kamay, sa wakas ay kumilos si Arianna. Inakyatniya ang hagdan at nakarating siya sa malalaki at mabibigat na doubledoors. Hinawakan niya ang isa sa mga brass na hawakan at itinulak iyonmatapos ang isang pisil. Hindi niya alam ang aasahan, pero nangmagbukas ang pinto nang walang kahirap-hirap, pakiramdam niya ay noonlang siya talaga nakarating sa puntong wala na talagang urungan,magbago man ang kanyang isip o hindi. Matakot man siya o tumakbo.

    Inangkin niya ang unang hakbang papasok sa bahay.

    At napahingal nang maramdaman ang hila nang malalakas na mga kamaysa kanya patungo sa kadiliman.

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    3/17

    PINANOOD NI Enrique ang paglalakad ng babae mula sa gate palapit sabahay. There was no hesitant step there, just sure steps, a confidentsway of the hips that seem so natural, so full of grace. Mahina siyangnatawa sa description niyang naisip. So full of grace yeah . So incontrast with the bloody red scrap of thin material that was herexcuse for a dress.

    He has to admire the woman. Wala itong suot na anumang panakip salamig ng gabi. And shes beautiful what he could see of her, atleast. Maputi ito, at dahil doon ay lumulutang ang malasutlang kutissa kabila ng dilim, lumalaban sa pulang pulang tela nang malambotnitong damit. Brad did say she was going to be a beauty. Her longhair, looking full and soft, cascaded down her breasts and back insoft curls. Naramdaman niya ang pagsigid ng init sa kanyang laman nangmakita sa kanyang isip na sumasabunot ang kamay niya sa kalambutanniyon sa unan habang inaangkin niya ang mainit nitong katawan.

    Nagulat si Enrique sa kanyang sarili. Napatingin siya sa kopita ngalak na kanyang hawak. Lusting over a call girl, he has never lustedover a call girl this hard. Hes never lusted over a call girl,period.

    So it must be the brandy.

    Muli niyang ibinalik ang tingin sa lumalapit na babae habangnakadarama nang pag-usbong nang kung anong satisfaction sa kanyangdibdib. Well and good, for the first time in weeks, hed felt astirring in his loins that did not involve Helena. After the bitchdumped him for someone richer, Enrique had been living in a swirl ofshock. Hindi pa rin siya makapaniwala na salapi nga lang ang dahilankung bakit siya nito minahal at na iyon din ang dahilan kung bakitsiya nito iniwan. Hindi siya makapaniwala na sa walong buwan nilangrelasyon, naitago nito sa kanya ang malaking bahaging iyon ng pagkataonito. Hindi siya makapaniwala na ang babaeng inalayan niya ng kanyangpuso, buhay at kinabukasan ay isang malaking fake.

    Hindi siya makapaniwala na siya, si Enrique Guerrero, ay nagawangmapaikot nang isang babae fooled, blindsided by a fucking bitch. Hindibat isinumpa niyang hindi siya matutulad sa kanyang ama?

    Napupuno ng pait at galit ang dibdib at ulo ni Enrique nang makitaniyang tumigil ang babae sa may baba ng hagdan. Naningkit ang kanyangmga mata nang makita niya iyong sandaling galaw na nagpapakita ngreluctance. Ng kaba. Ngumiti pa siya nang bahagya. Go on, run away. Bescared. Its not going to be easy for you tonight

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    4/17

    Pero hindi ito tumakbo. Sa halip, nag-angat ito ng mukha atdirektang tumitig sa kanyang mga mata na parang alam nitong naroroonsiya.

    Hindi lamang ang direktang titig na iyon, hindi lamang angperpektong kagandahan ng mukha, kundi iyong emosyon ng kahinaan roonang parang sibat na tumusok sa kanyang puso. Sobra ang naramdamanniyang salakay ng damdamin, bahagya siyang napaurong na para iyongisang literal, isang pisikal na suntok sa kanyang solar plexus.

    Its a trick of the light , pagdadahilan niya. Or he was not drunkenough. Nang makabawi siya, hindi na nakatingin ang babae sa bintana.Nagbuntunghininga siya, malalim, saka niya tuluyang inubos angnatitirang brandy sa kopita.

    And then he was in a hurry to get downstairs. To take her.

    And conquer her.

    Another fucking daughter of Eve.

    Get this over with, nagngingitngit ang mga ngipin na utos niya sasarili. Get this over with. Get over that that look on her face thatseem to say she was about to cry. Bitches dont really cry, they cracka laugh so pure and evil, the sound would make any self-respectingasshole cry. Get over her. Get over Helenas fucking shadow. Get overthem bitches. This is for you, Helena. This is for you, mother!

    Nakarating siya sa pinto habang bumubukas iyon. Kasabay nangpaglantad ng silhouette ng babae sa pintuan, umabot ang kanyang kamayat hinila niya ito papasok.

    Narinig niya ang gulat, parang takot nitong paghingal. That seemedto spur the awakened devil in him more. Itinulak niya ang pinto pasaranang isa niyang kamay saka niya ito pasalyang isinandal sa likod nangisa pang pinto.

    Isinabunot niya ang mga daliri niya sa malambot nitong buhok. Assoon as his brain registered that it was softer than hed imagined,hinawakan nang isa niyang kamay ang baba nito, sinapo ang panga.

    Saka niya inangat ang mga labi nito sa kanyang mapanibasib nahalik.

    SA ASULTONG iyon, ni hindi nagkaroon ng pagkakataon na magmanhid angutak ni Arianna gaya nang kanyang inaasam. Nahila siya mula sa labaspero sa halip na sa kaligtasan sa loob ng bahay ay sa panganib nawalang katiyakan. Naramdaman niya ang sakit nang paghampas niya sapinto noong tinulak siya roon ng mararahas nitong mga kamay, nang

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    5/17

    matipuno nitong katawan. Isa itong malaking lalaki, iyon ang tumakassa kanyang tigagal na isip bago siya napahingal nang sabunutan nitoang kanyang buhok, marahas na sapuin ang kanyang panga, at sibasibinang kanyang mga labi nang walang kaingat-ingat nitong halik.

    Napapikit na lamang si Arianna. Inasulto siya ng amoy ng alak,marahas na kamay na humawak at pumisil sa isa niyang dibdib bago iyonbumaba upang saluhin ang isa niyang hita at iangat sa balakang nito.Ni hindi na siya makahinga sa halik nito pero muntik na siyangmapairit nang maramdaman ang matigas nitong pagkalalaki habangitinutulak nito iyon sa kanya. Hu bad ito hubad sa loob ng roba. Diosko, Dios ko, huwag ganito, huwag po, iyon ang pumasok sa kanyang isip.Walang nakaaalam kung nasaan siya ngayon. Hindi niya pwedeng sabihinito kahit kanino maliban kay Aling Venus. Baka tuluyang mamatay angkanyang Inay kapag nalaman nito ang nangyayari sa nag-iisa nitong anakna babae sa mga sandaling iyon. Kailangan pa siya ng kanyang pamilya.Kailangan niyang mabuhay.

    Inimpit niya ang iyak, ang daing, ang takot. Hindi siya pwedengtumanggi. Hindi siya pwedeng tumulak. Makukulong si Tommy. Hindipwdeng makulong ang kapatid ko.

    Kailangan kong nakaligtas dito.

    Nag-angat ng ulo ang lalaki at nagitla siya sa narinig na utos.Kiss me, damn it! Kiss me back! Youre like a brick, whore . Kiss me!

    Nangatal ang kanyang mga labi. Umalpas ang iniimpit niyang daing.Hindi niya alam kung paano gagawin ang iniuutos nitong gawin.

    Magpaganda ka lang. Magpakita ka ng laman. Pustorahan mo angmukha mo. Makita lang niya kung gano ka kaganda, alam na niya anggagawin, iyon ang sinabi sa kanya ni Aling Venus. Hindi mokailangang pakahirap. Humiga ka lang don at matatapos din ang lahat.

    Ni walang oras para sa higaan. Inaangkin na siya nito dito salikod ng pintuan.

    Damn it!

    Napapitlag na naman siya. Saka napahingal noong mula sa pinto aypasalya siya nitong hinila sa madilim na kalooban ng bahay. Sa kabilang dilim, nakalalagos ang sinag ng buwan sa manipis na mga kurtina atnakita niyang isa iyong maluwang na espasyo. At na hinihila siya nitosa isang dambuhalang sofa.

    Napairit siya, hindi niya napigil, ang marinig niya ang ingay ngnapunit na tela. Iirit sana siyang muli pero muli nitong inangkin angkanyang mga labi. Bumagsak ang kanyang damit, nalantad ang kanyangdibdib. Sandali lang at naibaba nito ang straps ng kanyang bra at

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    6/17

    sumama ang brang iyon sa damit niya sa sahig. Natira ang kanyangpanties.

    Saka siya nito itinulak sa sofa.

    Dios ko, Dios ko, Dios ko, Dios ko

    Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inutusan ang kanyang sarilina mula sa sandaling iyon, hindi na siya mumulat pa.

    Pero iyong inasahan niyang susunod na mangyayari ay hindinangyari. Sa halip, nanatili ang lamig sa kanyang balat, nanatilingnakahiga siya roon, hindi nadadaganan, at wala siyang narinig na ingaysa sumunod na mga sandali maliban sa paghingal ng lalaking umasulto sakanya sa pinto.

    Napamulat si Arianna sa kabila ng takot. Anong ginagawa nito?

    Pero nakatitig lamang sa kanya ang lalaki.

    At namalayan na lang niyang napapatitig din siya rito.

    Paanong hindi siya tititig, kilalang kilala niya ito.

    Dios ko si Senyorito Enrique!

    NOONG PUMAYAG si Ariannang isuko ang kanyang dangal sa isang magdamagkapalit nang hindi pagsasampa ng kaso sa kanyang bunsong kapatid,

    hindi niya alam kung kanino siya ireregalo. Ang sabi lang ni AlingVenus ay regalo siya nang isang mayamang suki sa bar nito sa isangkaibigan at ang bayad sa kanya ay sasapat para sa halagang ninakaw niTommy sa kaha nito.

    Ni sa hinagap, hindi niya inakalang ang lalaking pagreregaluhan sakanya ay ang nag-iisang anak ni Don Sylverio Guerrero, ang mayamanghasyendero na nagmamay-ari nang tinitirikang lupa ng kanilang bahay.Oo ngat isa ang bahay na ito sa mga pag -aari ng mga Guerrero. Kumaboglalo ang dibdib niya ang bahay na ito ay pribadong pahingahan nangmismong lalaking ito. Pero ni hindi niya naisip... ni sa hinagap...Nakita na niya si Senyor Enrique nang ilang beses habang siyay

    lumalaki pero laging sa malayo lamang. At sigurado siyang ni hindisiya nito napapansin.

    Si Enrique si Senyor Enrique, paano nangyari ito?

    My God youre so beautiful, narinig niyang sambit nito.

    Nasa katawan niya ang mga mata nito, unti-unting umaangat pabaliksa kanyang mukha. Nagtama ang kanilang mga mata. At nag-init ang

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    7/17

    kanyang mga pisngi nang noon nito ibinagsak sa sahig ang suot nitongroba.

    Kahit kailan, sa buong dalawamput dalawang taon ng kanyang buhay,ay hindi pa nakakita nang hubad na katawan nang isang lalaki siArianna.

    Natulala siya, pero sandali lang dahil kumilos ito. Yumuko ito atbinuhat siya nito mula sa sofa.

    This is better done in bed, dont you think?

    Hindi , tanggi ng isip niya habang napapahawak nang mahigpit sabalikat nito sa takot na mahulog. Pero huli na ang lahat.

    Bumubulusok na siya sa loob ng banging ang lalim ay walangkatapusang kadiliman...

    BAHAGYANG NANGATAL si Arianna nang maramdaman niya sa kanyang likodang malamig na tela ng bedsheets sa kama. Napapikit siya dahil sakwartong pinagdalhan nito sa kanya, walang pwedeng pagtaguang dilim.Bukas ang mga bintana at pumapasok sa mga iyon ang liwanag ng buwan.Kung mulat siya, makikita niya lahat nang gagawin nito sa kanya.

    Ang nakapagtataka, iyong pagkasindak na naramdaman niya kanina aynabawasan na. Na para bang nang makita na siya nito, nabawasan angkarahasan sa mga kilos nito. Hindi lamang iyon, nang makilala niyaito, may kung anong kabatirang hindi siya nito sadyang sasaktan angpumawi sa matinding takot na nagdala ng pakiramdam sa kanyang hindisiya makaliligtas sa gabing ito kanina lang.

    Kilalang patas ang mga Guerrero, karespe-respeto. Nang mamatay angkanyang Itay, pwede na silang palayasin ng mga ito dahil wala nangnagtatrabaho sa lupa. May sakit sa puso ang kanyang Inay na lalonglumala nang mamatay ang asawa nito at bata pa noon si Tommy. Wala nangmaaari pang asahan ang mga Guerrero sa kanila.

    Pero hindi sila pinaalis ni Don Sylverio. Hindi lamang iyon,nagbibigay ng tulong ang mga ito sa mga panahon ng kalamidad sakanilang mag-iina gaya nang ginagawa ng mga ito sa iba. Hindi silasinita noong ginamit nila ang maliit na plot sa tabi ng kanilangnilipatan noong umalis sila sa mga bahay para sa mga pamilya ng mgatrabahador para taniman ng gulay na pinagkakakitaan nila at kinukunanng pagkain. At kapag may araw ng gamutan, isa ang kanyang Inay sawalang palyang sinusundo ng jeep na naghahatid sa lahat sa healthcenter na pribadong minamantine ng mga Guerrero.

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    8/17

    Nabubuhay pa silang mag-iina dahil sa mga Guerrero. Malaki angutang na loob nila sa mga ito.

    Napalunok siya noong humiga ito sa tabi niya. Ibinigay niya angkanyang dangal para sa kaligtasan ng kinabukasan ng kapatid niya.

    Pero hindi lamang pala. Hindi niya inakalang ibibigay niya iyon sahalagang mas mataas pa.

    Halikan mo ako, narinig niyang utos nitong muli, pero hindi nasa marahas na tinig.

    Sa mga sandaling iyon, handa na siyang sumunod.

    Gagawin niya ang anumang ipagagawa nito. Sa buong magdamag.

    Pagkatapos niyon, kalilimutan na niyang nangyari sa kanya anggabing ito sa buo niyang buhay.

    NAGMULAT SI Arianna.

    Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nagkunwaring tulog, perohindi iyon gaanong katagalan. Naririnig niya ang malalim at regular napaghinga ni Senyorito Enrique sa kanyang tabi. Nakatabing sa kanilaang kumot, sa ilalim niyon ay nakayakap sa kanya ang isa nitong brasoat nakabuhol sa kanyang mga hita ang isa nitong hita. Sandali niyangpinroblema kung paano siya makakawala.

    Kailangan na niyang umuwi. Tapos na ang kanyang trabaho. Tapos naang lahat.

    Dahan-dahan niyang binuhat ang kamay nito para ilagay sa tabinito. Pagkatapos niyon ay ang hita naman nito. Dios ko, ang bigat! Isaitong matangkad na lalaki na may maskuladong katawan. Ang mgakababaihan sa hasyenda ay hinangaan ang kagwapuhan nito at porma samalayuan. Hindi niya alam kung merong naglakas ng loob magparamdam nginteres. Mabait ang mga Guerrerro pero malinaw sa kilos ng mga ito angmalaking agwat nito sa lahat. Kumpara sa kanila, mistulang agila angmga ito sa kalangitan habang silay mga sisiw na tumatanaw lamang.

    Dito sa San Arkanghel Gabriel, ang mga ito ay mistulang mga diyos.Lahat ay nakikinig sa mga ito. Maging matataas na mga opisyal ay hindimagtatangkang kalabanin ang mga ito. Patas ang mga Guerrero peronakakatakot namang kaaway. Bukod sa mag-ama, ang mga tiyuhin, angibang mga pinsan, at iba pang mga kaanak na basta may koneksyon aynakikisabit. Pero ang mag-amang Sylverio at Enrique ang nakahihigit salahat.

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    9/17

    Hindi niya inakalang nakasama niya si Enrique sa kama sa buongmagdamag.

    Muli, nilagyan niya ng harang ang kanyang isip. Kung pababayaanniyang tumakbo ang kanyang utak, baka ikabaliw niya iyon. Bahagyasiyang napangiwi nang maramdaman niya ang kirot sa kanyang kaselanan.At maging iyon, kung paano nangyari ang hindi maipaliwanag na sakitat sarap, ay tinanggihan ng kanyang utak.

    Bumaba siya sa kama. Ni hindi ito kumilos. Siguro nga ay lasing nalasing ito. Binawi niya ang nag-iisang saplot na natira sa kanya nanahubad din sa huli. Hindi na niya pinansin ang natuyong pahid ng dugosa kanyang mga hita at sinuot niya ang maliit na tela. Saka yakap angdibdib na lumabas siya ng kwarto at bumaba sa salas.

    Kung saan niya nadidismayang binawi ang sira na niyang pulangdamit sa sahig.

    Meron pang isang piraso ng damit na natira at iyon ay ang roba niSenyor Enrique. Nag-aalala niyang minataan iyon, pero hindi siyapwedeng umuwi nang hubad!

    Sa huli, sinuot niya ang roba para matakpan ang kanyang katawan.Sigurado siyang marami pang roba si Senyorito Enrique at hindi nitoipagdadamdam ang pagkawala nang isa.

    Pagkatapos ay lumabas siya ng bahay.

    At tumakas na siyang muli sa kadiliman.

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    10/17

    Chapter TWO

    KIPKIP SA KANYANG dibdib ang mga lapel ng roba, naglakad sa tabi ngkalsada si Arianna. Hindi niya pinapansin ang anumang maaaringmagbigay ng takot sa kanya. Kaninang nilalakad niya ang kabilangdireksyon, ang takot na naramdaman niya ay nakatutok lamang sa kanyang

    patutunguhan. Pero tapos na iyon, tapos na lahat. Pwede na silangmakapagsimulang muli.

    Bigla, nakakita siya ng pagkilos sa kanyang unahan. Napatigil siArianna, nag-aangatan ang mga balahibo sa katawan sa atake ng takot.Pero napigil ang irit nang makilala niya agad kung sino iyong nakatayosa kanyang daraanan.

    Tommy !

    Ate...?

    Nadismaya siya nang mahulaan niya ang dahilan kung bakit itonaroroon ngayon. Tommy ...

    Nasa mukha nito ang mas malalang pagkadismaya habang nakatitig angtulala nitong mga mata sa suot niya.

    Humakbang siya palapit. Tommy ...?

    Umangat sa kanyang mukha ang mga mata nito. Mabilis na iyonngayong napupuno ng luha. Totoo nga...?

    Sigurado na ito, pero ang tanong pa rin sa huli. Naawa siya rito.

    Tommy ... Tuluyan na itong umiyak.

    Nasambot niya ang bunsong kapatid bago ito bumagsak sa lupa.

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    11/17

    PAANO MO nalaman? mahinang tanong ni Arianna sa kapatid. Nakauwi nasila noon sa bahay at buhay ang gasera sa gitna ng mesa sa kusinanoong lumabas siyang muli pagkatapos maglinis at magbihis. Naroroonito, umiinom ng kape at hinihintay siya.

    Nagbuntunghininga ito. Mapula pa rin ang mga mata nito at paligidniyon dahil sa pag- iyak nito kanina. Galing ako kina Aling Venus.Nagpunta ako sa bar para kausapin siya tungkol sa kung pano ko...kung pano ko babaya ran ang kinupit ko. Handa ko nang gawin ang lahat.Pero tinawanan niya ako at sinabi niyang masyado pa akong bata sakahuwag na akong mag-alala dahil bayad ka na. Nagwala ako kasi isa langang alam kong paraan para makabayad ka... Parang babagsak na naman ang luha nito. Sinabi niya kung saan ka makikita noong nagsimula naakong magbasag ng gamit, pero hindi na raw ako aabot pa. Tama siya,tama siya...I binagsak nito ang ulo sa mga kamay na nakakuyom samesa.

    May nakarinig ba sa inyo? May nakaalam bang i ba? taranta niyan gtanong.

    Umiling ito. Wala. Wala, ate. Napagalitan pa niya ako sa pag-iingay ko . Sisirain ko raw ang negosyo nya.

    Napapikit siya, nakahinga nang maluwag. Mabuti kung ganon.

    Nasa mukha nito ang nag-aantak nitong konsensya nang mag-angat itong tingin sa kanya. Ate... patawarin mo ako!

    Napatawad na kita! giit niya rito. Nagkamali ka, oo. Pero hindika masamang tao, Tommy .

    Pero dahil sa ginawa ko, ito ang nangyari sa yo.

    Pinilit niyang ngumiti. Anong nangyari sa kin? Wala. W alangnangyari sa kin.

    Napatitig ito sa kanya.

    Hindi ka makukulong, iyon ang mahalaga. At siguro naman, hindi kana uulit. Titigil ka na rito at tutulungan mo kami ni Inay kumita ditosa hasyenda.

    Ate

    Ibabaon natin ang lahat sa limot. Walang kailan gang makaalam.Ligtas na tayo... at kalilimutan nating nangyari ang gabing ito.Naiintindihan mo ba?

    Ilang sandaling nakatulala lang ito, pagkatapos ay tumango ito.

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    12/17

    Nagbuntunghininga siya. Matulog ka na. Mayamaya lang ay umaga naat mamumuti pa tayo na ng ibebentang gulay.

    Nakayuko, tumayo ito. Opo, Ate. Saka ito pumasok sa nag -iisangkwartong ginagamit nilang mag-iina sa maliit na kubo.

    Naiwan siya sa mesa. Matagal niyang tinitigan ang ilaw sa gasera.Hindi itinaboy ng paliligo ang mga kirot na iniinda pa rin ng kanyangkatawan kaya iyong sinabi niya kay Tommy, iyong paglimot, ay hindimadaling sundin para sa kanya.

    Pero hindi nito iyon kailangang malaman.

    Nang nagsimulang uminit ang kanyang mga mata, hinipan niya angilaw sa gasera.

    At sa dilim niya tahimik na iniyakan ang nawala sa kanya.

    UNTI-UNTING NAGMULAT ng mga mata niya si Enrique. He felt strangeopenning his eyes in a room that he seemed to see for the first time even when it was his own room in his own house. Nagtataka niyangitinutok ang kanyang mga mata sa hindi kumikilos na ceiling fan sakisame.

    Something happened last night. Something beautiful that hecouldnt remember . Was it a dream? Except he was lying naked on hisbed.

    Pumihit siya at umabot sa kung sino sa kanyang tabi isangimboluntaryong pagkilos bago makahabol ang kanyang isip. Pagkatapos aynatigilan siya. There was noone there. Nagsalubong ang kanyang mgakilay, saka sandaling natulala nang maisip na hinahanap niya siHelena.

    Pero hindi... mali. He still loathed Helena like the plaque butshe wasnt the one sitting on his muddled head right then. Ibangkatawan ang hinahanap niya. Ibang babae. Isang babaeng gusto niyangmayakap muli... gusto niyang maangking muli.

    Shouldnt have fallen asleep. I still want her, want her again.Ang maalala ito habang nasa ilalim niya ito, while he was drivinghimself into her... hard... loosing himself in the moment. Loosingeverything in him. Even the madness. Even the hate.

    Saka siya unti-unting nakaalala.

    Umuwi siya sa San Arkanghel Gabriel dahil wala siyang ibangmatakbuhan. Wala pang masyadong nakaaalam nang pag-iwan sa kanya niHelena... but Brad knew. Pinsan niya ang lalaki at isa sa kanyang

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    13/17

    matalik na kaibigan sa kabila nang malaking pagkakalayo ng kanilangmga ugali. They got drunk, right here in this house. Halos isanglinggo siyang nakulong dito, walang katulong, walang ibang kasama. Atdumarating si Brad kapag may oras ito para samahan siya.

    Hanggang sa naubos na ang pasensya nito sa kanya.

    You got to get off this, Enrique. Find other women, play for awhile. Maraming babae dyan ang papayag sa affair na walangcommitment. Hindi pwedeng magkaganito ka dahil lang sa isang walangkwentang babae.

    Lahat sila, mga walang kwenta!

    Not everyone and you know it. Minalas ka lang.

    Ilang sandaling hindi siya nakaimik. Alam niyang kapag ganoongmarahan ang tinig nito, ang naaalala nito ay ang mabait nitong ina.But the knd of woman her late Auntie Bea was seemed to be one in amillion kung ang swerte niya ang pagbabasehan.

    I dont want to play around. Its just a waste of time, reklamoniya.

    Brad knew that, too. Kaya nga may plano ako. Pumayag ka lang. Maybabae akong ireregalo sa yo. Okay ito. Makakalimutan mo talaga siHelena kahit isang gabi lang.

    Call girl? sambit niya nang may pandidiri. Are you kidding me?Actually, hindi niya gusto iyong ideyang galawin ang isang babaengginalaw ng iba, lalo na ng pinsan niya.

    Umiling ito. Siguro nga pero hindi yung ordinaryong call girllang. Hindi yung makikita mo basta sa mga bar. I know this mamasan,alam niya ang kailangan ko. Sa ekspresyon sa mukha niya, natawa ito.Not mine, this time. Ill ask someone specially for you.

    Sira ang ulo ko kapag pumayag ako, natatawa pa niyang sabi.

    May simpatya ang tinapon nitong tingin sa kanya. At ib abalik kosa yo... papayag ka bang matuluyang masira ang ulo dahil lang kayHelena?

    Dahil doon... ewan niya pero namalayan na lang niyang pumapayagsiya. Not to touch the girl, he just wanted Brad to stop. Stop feelingsorry for him. Stop pitying him. Lalo lang lumalala ang sama ng loobna kanyang nararamdaman. Lalo lang bumabagsak ang pagtingin niya sakanyang sarili.

    And everything culminated to last night.

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    14/17

    He touched the girl. Not just touched, hes been taken by her themoment he saw her beautiful, vulnerable face in the moonlight. Shedreleased the rage in him and made him realize he could make love toanother woman again. The way he did with Helena.

    No, not even like that. When he possessed that woman last night,malaya siya sa anino ni Helena at nang ibang masasamang mga alaalaniya sa mga anak ni Eba. Everything else was just forgotten. He wantedthat again her again, kahit alam niya kung ano ito.

    That brought him up short.

    Isa itong call girl.

    Isang babaeng nagbebenta ng katawan.

    Shouldnt that make him feel repulsed?

    Excep t it didnt. Sa mga sandaling iyon ng pagtitimbang, masmataas pa ang tingin niya sa babaeng iyon kagabi kaysa kay Helena. Shecame here, bearing herself as what she really was. Helena came to himbearing pretty strappings, bu t all shes come up to really was awhore, up for the highest bidder, mapait niyang naisip.

    My lady in red was more beautiful than Helena could ever be,nagmamalaki pa niyang naisip bago siya natawa sa kanyang sarili.

    Saka siya muling natigilan.

    Tumatawa siya. Tumatawa... siya. And even at that moment, he was

    still smiling. He felt like laughing at H elenas face. She was a vainlittle bitch. She wouldnt like the idea of someone lowly in lifebeing more beautiful even without the strappings.

    Tuluyan na siy ang bumangon. Shed be long gone by now, naisip niyahabang tumitingin sa labas ng bintana at nakikitang maliwanag na. Perotatawagan niya si Brad para ipaalam ditong kailangan ulit niya angbabaeng iyon... h is lady in red. Maybe he didnt need someone to love.Maybe, what he needed was a mistress, someone without a mask. Someonewho would tell him exactly what she wanted without taking his heart.

    Yes. Exactly that, satisfied niyang sabi sa kanyang sarili.

    Then he looked for his robe. Wala sa sahig. Naalala niyang sa babapa lang ay naghubad na siya kagabi.

    Pero lumipad lahat sa isip niya nang makita niya ang bahid ng dugosa kamang nalantad nang nahilang blanket noong tumayo siya.

    Pakiramdam niya ay namaga ang ulo niya.

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    15/17

    Isa lang ang ibig sabihin niyon... isa.

    His lady in red...

    ...was a fucking virgin.

    Napapikit siya.

    Pagkatapos niyon, nangangatal sa galit na tinawagan niya si Brad.

    MAAGA PA ay kasama na ni Tommy si Arianna sa paglalako ng gulay.

    Parang walang ipinag-iba ang araw na iyon sa mga nagdaan malibansa kasama na niyang muli ngayon ang kapatid. Masayang pinapansin paiyon ng mga suki sa labas ng hasyenda. Matagal na siya ang nag-iisangnakasakay sa trybike at naglalako ng kanyang paninda. Napagod si Tommy

    sa ganoong buhay at tumigil sa pagpasok sa eskwela, pagkatapos aynaghanap ng trabaho sa bayan na mas sasapat daw sa kanila ang kitakaysa sa karampot na kinikita nila sa pagtitinda ng gulay.

    Alam niyang nataranta na lang ito dahil sa paglaki ng kanilanggastos sa mga gamot ni Inay. Bilang nag-iisa na ngayong lalaki sapamilya, sa kabila ng batang edad ay naramdaman nitong kailangan nanitong magpakalalaki at maghanap. Napadpad nga ito sa bar ni AlingVenus, naging serbidora doon, boy, janitor. At kumita ito ng sapatdahil na rin sa mga tip ng mga babaeng nagtatrabaho kay Aling Venustuwing napapatakbo ito sa kung anu-anong utos. Pero nang lumala angsakit ng kanilang Inay, nataranta na naman si Tommy.

    Noon ito nangupit kay Aling Venus. Naipagamot nila ang Inay niyasa pag-aakalang ang dala nitong pera ay naipon nito habang ang iba paay inutang na idinahilan nito sa kanya. Wala na ang pera nang malamanniya sa huli ang ginawa nito.

    Pinatawag siya ni Aling Venus sa bayan at nagbanta ito na kunghindi babayaran ni Tommy ang salapi, ipakukulong nito ito.

    Noong isang linggo lang iyon. Isang linggong nataranta siya sapag-iisip kung anong gagawin habang hinahanap ang naglayas na siTommy. Pinatawag siyang muli ni Aling Venus kahapon, at nang magharapsilang muli ay halos lumuhod na siya rito sa pagmamakaawang hayaan nalang nitong magbayad sila nang paunti-unti, sa makakaya nila sa kitasa bukid.

    Pero tinawanan lang nito iyon.

    Mabuti ba sana kung inutang nyo yung pera, pwede yang sinasabimo. Pero ninakaw ng kapatid mo ang pera kahit mabuti ang pakitungo kosa kanya rito. Naawa na nga ako sa kanya, nagtraydor pa siya sa

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    16/17

    kin... pero may paraan para makabayad kayo nang hindi kayonagpapawala kahit isang sentimo. Alam ko namang wala kayongpagkukunan.

    Napatingin siya rito. Hindi siya ignorante. Sa tingin nito sakanya, nagkakutob siya kung ano iyong paraang sinasabi nito.

    At hindi siya nagkamali.

    Bumalik siya sa kasalukuyan sa tawag ni Tommy.

    Ate, kung pwede pa raw matawaran yung pakwan.

    Ah, oho, oho. Magkano ho bang gusto nyo ? nakangiti niya ngtanong sa parokyano.

    Naubos nila ang mga gulay at prutas nang umagang iyon, atnakabalik pa sila sa bahay nang may sapat pang oras para makapaglutong tanghalian.

    MATAGAL BAGO napakalma ni Brad si Enrique bago nito naunawaan angsinasabi ng pinsan.

    Nat awa pa ito. What? She got you a virgin? Anak ng... kaya palahumingi pa ng ekstrang bayad ang matandang yon!

    Nagngitngit ang mga ngipin ni Enrique. Ilang sandali ang pinalipasniya bago niya nagawang muling makapagsalita. She... was... a...

    virgin, Bra d. Dont you understand what that means?

    What? In that business, all it amounts to is the price. I paidfor a virgin, so I got you a virgin.

    Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

    Whoa, wait... nalilito nitong bawi sa kabilang linya. Are youtry ing to tell me you didnt want a virgin? Look, pasensya na. Hindiko rin alam. Ang sabi ni Aling Venus, ikukuha niya ako ng bago y ungfresh sa business. Pero hindi niya nilinaw na isang virgin angipapa dala nya sa yo. I really didnt know.

    Napapikit si Enrique. Sumasakit ang kanyang ulo. It was like theywere talking about meat in the market. It didnt feel like that lastnight.

    Naaalala na niya lahat, bawat detalye. She was scared, a scaredlittle thing, and he was rough with her. Everytime he remembered howhe d entered her without knowing it was her first time, he wouldcringe.

  • 8/6/2019 From This Night to Forever

    17/17

    He could be a woman-hater sometimes but hed never deliberatelyhurt a lesser gender. Kahit sa isang babaeng binayaran, even if shewas the only one, alam niyang hindi siya ganoon. At least, alam niyanghindi siya ganoon kababa, mapait niyang naisip. But he was angry anddrunk last night. He should have noticed something.

    Look, Enrique, these girls, when they enter this kind of...transactions they know what theyre getting int o. Matitibay angkanilang mga sikmura at handa ang kanilang loob. So it was a lousyfirst time for you, too. Pero we can remedy that. Kukuha ako ng bago,yung siguradong hindi virgin. Babawi ako.

    Dont bother, sambit niya. Mauubos lang ang pasensya niya sapagpapaliwanag. Just find out who she is.

    Whoa... wait. Are you saying...? Nagbuntunghininga ito. Itonaman ngayon ang mukhang nauubusan ng pasensya. Look, Enrique, let metake care of this, okay? Huwag ka nang sumali. Walang kwentang gusotito.

    Brad, aniya sa malamig na tinig, I should know who she is before tonight or you dont get that money for the new generators. Andyou should know not to treat me with kid gloves.

    I didnt... Enrique naman...

    Fucking bastard.

    Ibinaba niya ang awditibo ng telepono bago ito may masabingmagiging dahilan pa para masira niya iyon.