Upload
chariss-garcia
View
66
Download
3
Embed Size (px)
Citation preview
Ang sapatos ay pangkaraniwang sapin sa paa na nagsisilbing proteksyon ng taong nagsusuot nito sa mga nakakasakit o nakapandidiring bagay na maaari nating matapakan habang tayo’y abala sa paglalakad at walang panahon upang tignan ang ating n ilalakaran. Pananggalang din ito sa paltos na maaaring idulot ng mainit at maalikabok na lansangan. Dahil dito, mahalagang pumili tayo ng sapatos na hindi lamang babagay sa ating paa kundi komportable ding suotin.
Karaniwan sating mga babae ang nagsusuot ng mga sapatos na may mataas na takong sa mga kadahilanang nagpapaganda ito ng
postura, nakapagpapatangkad at siyempre uso o fashionable tignan. Sa laki ng demand para dito, di na nakapagtataka ang pagsulpot sa pamilihan
ng iba’t ibang klase ng sapatos na may mataas na takong gaya ng:
MGA PAMANTAYAN SA PAGPILI NG SAPATOS: 1. Pumili ng sapatos na gawa sa leather dahil mainam ang
bentilasyon nito sa paa at maganda ang hubog (fitting) nito. 2. Ang suwelas ng sapatos ay dapat na matibay, sunod-sunuran
(flexible), at maayos ang hilabit (grip) nito sa lupa. 3. Dapat mayroong panloob na sapin (insoles) ang sapatos na iyong
bibilhin. 4. Nag-iiba ang sukat ng ating paa. Ang pinakamainam na oras
upang bumili ng sapatos ay tuwing hapon hanggang gabi dahil ito ang oras kung saan ang iyong mga paa ay pinakamalaki.
5. Hindi magkasukat ang ating mga paa. Sukatin ang sapatos na bibilhin sa mas malaki mong paa.
6. Wag umasa sa laki ng sapatos na karaniwan mong binibili sa pamilihan. Tandaan na ang laki ng sapatos ay batay sa disenyo at materyales na gamit sa paggawa nito.
7. Maglaan ng espasyo (3/8" to 1/2") mula sa pinakamahaba mong daliri sa paa upang masiguro na hindi masikip sa paa ang sapatos na kukunin.
8. Pumili ng sapatos na kahugis ng iyong paa. 9. Tumayo habang nagsusukat ng sapatos. Subukan mo ring ilakad
ang sapatos na iyong natipuhan bago ito bilhin upang matiyak na hindi ito masakit sa paa.
10.Iwasang gumamit ng mga sapatos na patulis ang dulo. Mas mainam ang paggamit ng pabilog, kuwadrado o bukas (open-toe) na sapatos.
11.Iwasan ang paggamit ng mga sapatos na may mataas na takong kung mahaba ang iyong lalakarin.
12.Kung nais talagang gumamit ng sapatos na may mataas na takong, siguruhing hindi lalagpas sa 2.5” ang takong nito.
13.Iwasan ang mga stiletto, prism, cone, at spool na takong dahil
mataas ang panganib na matapilok ka gamit ang mga ito.
MASAMANG EPEKTO NG PAGGAMIT NG SOBRANG TAAS NA TAKONG: Napakahalaga para sa karamihan ng mga babae ang pagsusuot ng mga sapatos na may takong dahil sa mga bentaheng nabanggit kung kaya naman pinipili na lang nila na tiisin na lang ang sakit sa paglalakad gamit nito kaysa hindi makasunod sa uso. Lingid sa kanilang kaalaman, ang pagsusuot palagi ng mga sapatos na may mataas na takong ay may mga panganib na hatid tulad ng: 1. Pananakit ng likuran 2. Pananakit ng paa 3. Hirap sa paglalakad 4. Panganib ng pagkakatapilok
5. Pagkakaroon ng kalyo sa paa
MGA KLASE NG Matataas na
TAKONG NG SAPATOS
Stiletto
Heels
Cone
Heels
Wedge
Heels
Kitten
Heels
Puppy
Heels
Prism
Heels
Spool
Heels
REFERENCE: http://www.indiaparenting.com/fashion/309_2653/advantages-and-disadvantages-of-wearing-heels.html http://www.footcaredirect.com/shoes.html
http://en.wikipedia.org/wiki/High-heeled_footwear
MGA PAALALA SA PAGPILI NG SAPATOS DS 123: Filipino Identity and Culture
Chariss GarciA 2008-20118 BA Development Studies