45
 KAMALAYA N S A S TEM CELLS  BILANG LUNAS SA MALULUBHANG SUGAT SA BALAT TULAD NG MALALANG PAGKASUNOG AT MGA GENETIC SK IN DI SE ASE S  Isang Pananaliksik na Ipinasa sa Universidad ng Santo Tomas Fakultad ng Farmasya Departamento ng Farmasya Bilang Parsyal na Pagtugon sa mga Kahingian sa Filipino 2 Mga tagapanaliksik: Buiza, Aimeriel Dela Rosa, Angela Beatrice Dy, Evan Eriele Ramoran, Edrick Glenn Sado, Franz Lorenz 1C  Pharmacy Marso 2013

Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog at Mga Genetic Diseases

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Thesis sa Filipino

Citation preview

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 1/44

 

KAMALAYAN SA STEM CELLS BILANG LUNAS SA MALULUBHANG SUGAT SA BALAT

TULAD NG MALALANG PAGKASUNOG AT MGA GENETIC SKIN DISEASES  

Isang Pananaliksik na Ipinasa sa

Universidad ng Santo Tomas

Fakultad ng Farmasya

Departamento ng Farmasya

Bilang Parsyal na Pagtugon sa mga Kahingian

sa Filipino 2

Mga tagapanaliksik:

Buiza, Aimeriel

Dela Rosa, Angela Beatrice

Dy, Evan Eriele

Ramoran, Edrick Glenn

Sado, Franz Lorenz

1C – Pharmacy

Marso 2013

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 2/44

 

PAGKILALA

Kami ay lubos na nagpapasalamat sa aming tagapayo, Gng. Rhodelia Mendoza, na

naglaan ng panahon upang maibahagi ang kanyang kaalaman na nagbigay daan upang

matapos namin ang aming pananaliksik. Hindi magiging posible ang pananaliksik na ito kung

wala siya.

Nais naming pasalamatan si Dra. Grace Lopez, M.D., Cosmetic o Clinical Dermatologist,

isang dalubhasa sa balat at gumagamit ng stem cells bilang gamot sa sakit sa balat, sa

paglalaan ng panahon upang makapanayam siya. Sa tulong niya, higit kaming naliwanagan sa

aming paksa at nasagot din ang mga tanong na kailangan patunayan sa pananaliksik na ito.

Lubos din ang pagpapasalamat namin sa mga tumugon sa aming pagsisiyasat, mga mag-aaral

ng Medisina mula sa iba't ibang unibersidad.

Sa aming mga magulang, maraming salamat sa pagsuporta at paggabay sa amin, hindi

lamang sa pananaliksik na ito kung hindi sa lahat ng aming ginagawa. Pinasasalamatan din

namin ang aming mga kaibigan at kamag-aral na umalalay at nagbahagi ng kanilang mga

kaalaman upang higit na maisaayos ang pananaliksik.

Higit sa lahat, kami ay nagpapasalamat sa Panginoon na nagbigay sa amin ng

kaalaman, pasensya at lakas ng loob upang matapos at maging matagumpay ang pananaliksik.

Iniaalay namin sa Iyo ang lahat ng paghihirap, karanasan at kaalaman na nakuha mula sa

pananaliksik na ito. Ito ay para sa Iyo. 

Mga Tagapanaliksik:

Buiza, Aimeriel

Dela Rosa, Angela Beatrice

Dy, Evan Eriele

Ramoran, Edrick Glenn

Sado, Franz Lorenz

i

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 3/44

 

ABSTRAK

 Ang pananaliksik na “Kamalayan sa Stem Cells bilang Lunas sa malubhang sugat sa

balat tulad ng malalang pagkasunog at mga genetic diseases” ay isinagawa upang patunayan

na mula sa mga pagsisiyasat at panayam na ang stem cells ay epektibo at ligtas (walang side-

effects) sa balat ng tao.

Upang mangalap ng mga datos, nagsagawa ng pagsisiyasat sa mga mag-aaral ng

medisina at nakipagpanayam sa isang doktor, Dra. Grace Lopez, M.D., na may sapat na

kaalaman sa paksang sinasaliksik. Ayon sa resulta ng sarbey, kahit na hindi pa tuwirang

itinuturo sa kolehiyo ang stem cells, may angking kaalaman pa rin ang mga mag-aaral tungkol

dito mula sa mga nababasang libro o artikulo na nagtataglay ng mga impormasyon at pag-aaral

tungkol sa paksang ito. Marami rin ang naniniwala na epektibo ang stem cells kahit hindi pa nila

nararanasan ang naturang therapy.  Ayon naman kay Dra. Grace Lopez, totoong epektibo ang

stem cells sa balat ng tao at marami ng Pilipino ang sumailalim dito. Dagdag pa niya, ito ay

epektibo sa pagbibigay lunas kahit sa mga genetic skin diseases tulad ng eczema at psoriasis.

 Ang kasalukuyang ginagamit na stem cell ay xenogenic na galing sa tupa. Ito raw ang kanilang

ginagamit dahil ito ay napatunayang may epektong panterapeutika at napag-aralan na ng higit

sa 40 taon.

Napatunayan ng pag-aaral na ito na ang stem cells ay kasalukuyan nang ginagamit sa

bansa. Samakatuwid, ito ay epektibo at maaaring gamitin sa panggagamot sa mga sakit sa

balat pati na rin sa pagpapaganda nito. Pinatunayan din na isa ang paggamit ng stem cells sa

mga hakbang upang mapaunlad ang larangan ng Medisina sa bansa at makatuklas ng mga

lunas hindi lamang sa balat kung hindi sa higit na marami pang karamdaman na hanggang sa

ngayon ay wala pang lunas.

Susing salita: Stem Cell Therapy, eczema, psoriasis, xenogenic  

ii

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 4/44

 

TALAAN NG MGA NILALAMAN

Pagkilala..............................................................................................................................i

 Abstrak................................................................................................................................ii

Kabanata 1: Suliranin at Kaligiran ng Pananaliksik.............................................................1

Kaligiran ng Pananaliksik.........................................................................................2

Suliranin...................................................................................................................2

Layunin ng Pananaliksik..........................................................................................2

Kahalagahan ng Pananaliksik..................................................................................2

Saklaw at Limitasyon................................................................................................3

Kahulugan ng mga Katawagan.................................................................................4

Balangkas Konseptwal..............................................................................................6

Kabanata 2: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral..........................................................7

Kabanata 3: Metodolohiya....................................................................................................22

Kabanata 4: Paglalahad at Pagsusuri ng Datos...................................................................24

Kabanata 5: Paglalagom, Konklusyon at Rekomendasyon..................................................32

Bibliyograpiya........................................................................................................................35

 Appendix...............................................................................................................................37

 Appendix A: Talatanungan........................................................................................37

 Appendix B: Liham Pahintulot...................................................................................38

 Appendix C: Mga Litrato kasama si Dra Grace Lopez, M.D......................................39

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 5/44

 

TALAAN NG PIGURA

Pigura 1.........................................................................................................6

Pigura 2........................................................................................................22

Pigura 3........................................................................................................24

Pigura 4........................................................................................................25

Pigura 5........................................................................................................26

Pigura 6........................................................................................................26

Pigura 7........................................................................................................27

Pigura 8........................................................................................................27

Pigura 9........................................................................................................28

Pigura 10......................................................................................................28

Pigura 11......................................................................................................29

Pigura 12......................................................................................................29

Pigura 13......................................................................................................30

Pigura 14......................................................................................................37

Pigura 15......................................................................................................38

Pigura 16......................................................................................................39

Pigura 17......................................................................................................39

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 6/44

 

KABANATA 1

Suliranin at Kaligiran ng Pananaliksik

I. Kaligiran ng Pananaliksik

 Ayon sa United States Department of Health & Human Services, National Health

Institute (2012), ang Stem Cell Therapy ay isa sa mga makabagong paraan ng panggagamot na

patuloy na pinag-aaralan ng mga eksperto. Ito nga ba ay epektibo at makapagpapabuti sa

kalusugan ng tao?

 Ang stem cells ay mga specialized cells na nagbibigay buhay sa higit pang specialized 

cell na makatutulong sa katawan upang bumuo ng isang mekanismo ng self-regeneration o self-

repair . May dalawang uri ng stem cells: a.) Embryonic Stem Cells, na nakahiwalay sa inner cell  

mass ng blasto cyst, at b.) Adult Stem Cell , na matatagpuan at makukuha mula sa iba’t ibang

tisyu ng katawan. (Elsin, Y. M. 2003).

Lumalabas sa mga saliksik na ang stem cells ay mayroong maraming benepisyo na

maaaring maibigay sa tao. Nakapagbibigay lunas ito sa mga sakit ng iba’t ibang parte ng

katawan ng tao tulad ng diyabetis, Parkinson’s Disease, Alzheimer’s Disease, Arthritis, mga

sakit sa balat at iba pa. Sinasabi din na may anti-aging  na epekto ito o nakapagpapabata sa

pamamagitan ng pagpapalakas ng pagbabagong paggaling at pagpapalakas ng resistensiya ng

katawan. Ang katawan ng tao ay gumagamit ng sariling stem cell  upang gumawa mismo ng

higit na malakas, malusog at matibay na katawan laban sa sakit. Habang nagkaka-edad ang

tao, ang stem cell ay parehong nagkukumpuni ng mga nasirang tisyu at organo, pati na rin ang

pagpapalit ng mga stem cell na nawala sa paglipas ng panahon.

Binigyan ng pansin sa pananaliksik na ito ang epekto ng Stem Cell Treatment sa balat

ng tao. Ang balat ay may kakayahang patuloy na mag self-renew habang nabubuhay ang isang

tao o hayop dahil sa presensya ng adult stem cells na nagbibigay ng mga panibagong cells 

para palitan ang mga sira o patay na mga cells. Kapag nasusugatan ang isang tao, ang balat

ay may kakayahang i-regenerate ang sarili nito hanggang sa ito ay gumaling. Ngunit, kapag ang

sugat ay masyadong malubha tulad ng malalang pagkasunog ng balat o kaya naman ay mga

genetic skin diseases, hindi kaya ng balat na ayusin ang sarili nito ng walang tulong medikal.

 Ang bawat pamamaraan ng panggagamot ay sinasaliksik at pinauunlad upang

makatulong at mapabuti ang pamumuhay ng tao. Ipinakikita sa pananaliksik na ito ang mga

kasalukuyang mga paraan na naisagawa upang i-regenerate ang balat sa pamamagitan ng

stem cell technology. 

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 7/44

 

II. Suliranin 

 Ang suliranin na pagtutuunan ng pansin at nais bigyang kasagutan at kalinawan ng mga

mananaliksik ay kung maaari bang gamitin ang stem cell   therapy  sa panggagamot ng mga

malulubhang sugat tulad ng malalang pagkasunog ng balat at mga genetic skin diseases at ang

kamalayan ng mga mag-aaral ng Medisina sa bisa ng Stem Cells. Nais ring bigyang kasagutan

ng pananaliksik na ito ang mga katanungan ng karamihan tulad ng kung ano ang uri ng stem

cells ang ginagamit sa panggagamot na ito at kung anu-ano ang mga side-effects na maaaring

makuha mula rito.

III. Layunin

Mula sa suliraning nabanggit, nais ng mga mananaliksik na masukat ang kamalayan ng

mga may kaalaman sa larangan ng agham partikular na ang mga mag-aaral ng medisina, sa

Stem Cell bilang lunas sa mga sakit sa balat.

Nais din nilang mabigyang linaw ang isipan ng mga tao tungkol sa mga positibong

epekto ng Stem Cell Therapy sa balat ng tao. Matapos nito ay nais ding bigyang diin ng mga

mananaliksik ang mga sakit at karamdaman sa balat na maaaring mapigilan, o mabigyang

lunas ng paraang ito.

Layunin din ng mga mananaliksik na makapagpahayag ng mga patunay na mula sa mga

panayam ng mga dalubhasa o eksperto sa larangang ito tungkol sa pagiging epektibo ng Stem 

Cell  Therapy sa balat ng tao.

 At bilang buod ng buong pananaliksik na ito, nais din nilang mapatunayan at maipakita

kung malalampasan nga ba ng mabubuting epekto ang ilang mga komplikasyon ng Stem Cell 

Therapy.

IV. Kahalagahan ng Pananaliksik

 Ang napiling paksa ng mga mananaliksik ay may malaking posibilidad na

makapagpabuti sa pamumuhay ng mga ordinaryong tao dahil sa maaari nitong (kung

mapapatunayan) maibsan ang paghihirap na dinaranas ng tao o pasyente mula sa mga

karamdamang nabanggit, at maaari din itong makapagsasalba ng buhay.

2

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 8/44

 

Bagaman nakapokus ang pananaliksik na ito sa tulong na maaaring maibigay ng Stem

Cell Treatment  sa mga karamdaman sa balat ng tao, hindi lamang dito natatapos ang mga

benepisyo na maaaring idulot ng paraang ito sa tao. Ang stem cell treatment ay marami pang

paggagamitan at marami pang mga sakit na kayang lunasan. Kung mapapatunayang tunay

ngang epektibo ito at maaaring maging lunas sa nakararaming Pilipino, magiging napakagaling

at kapakipakinabang ang Stem Cell Therapy sa ating bansa. Magiging maganda ang lagay ng

kalusugan ng mga tao, at magdudulot ito ng pagbuti ng pagtatrabaho ng bawat isa, na magiging

daan tungo sa pagbuti rin ng ekonomiya ng bansa.

Ito rin ay makapagpapaunlad ng larangan ng medisina at iba pang Health Care Professions.

Maaari itong maging makabagong paraan ng panggagamot, at malutasan din ang patuloy na

mabilis na pagbabago ng mundo kung saan pabata na ng pabata ang nagkakasakit ng malala,

at umiikli ang life span o buhay ng tao.

V. Saklaw at Limitasyon

Hango sa iba’t ibang mga pag-aaral at mga kaugnay na literaturang nakalap ng grupo,

maraming uri ng Stem Cell Therapy . Ang pananaliksik na ito ay tatalakay lamang sa epekto at

tulong na maaaring ibigay ng stem cell treatment sa balat ng tao partikular na sa paggagamot

ng malalang pagkasunog ng balat at ilang generative skin diseases. Kasama rito ang proseso,

epekto nito sa tao, at kaligiran nito.

Walang eksperimentong isinagawa kaya naman ang mga impormasyong nakalap ay

hango lamang sa mga survey  at panayam sa mga taong may kinalaman dito tulad ng mga

doktor at mga pasyenteng may karanasan sa stem cell treatment .

 Ang pagsasaliksik na ito ay nakatuon lamang sa kamalayan ng mga mag-aaral ng

Medisina na may suporta mula sa mga kaugnay na literatura na nakalap ng mga mananaliksik.

Hindi pagtutuunan ng pansin ng grupo ang moral at ethical na bahagi nito, sapagkat

alam nilang maselan ang usaping ito, lalo na sa simbahan.

3

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 9/44

 

VI. Kahulugan ng mga Katawagan: 

1. Adipose tissue  –  ito ang tinatawag na taba na kadalasan pag sumasailalim sa 

liposuction ay ang tinatanggal 

2. Allogeneic  – nanggaling sa isang tao na katugma ng pasyente at nasisiguradong walang

sakit ang iimplantang stem cell 

3. Anticoagulants  –  isang uri ng gamot na pumipigil sa pagbuo ng dugo para matigil ang

pagdurugo. 

4. Astrocyte  – isang uri ng pang-alalay na glial cell na natatagpuan sa nervous system. 

5. Autologous – nanggaling sa mismong pasyente ang iimplantang stem cell.

6. Blastocoel   – ang lukab na puno ng tubig sa loob ng blastocyst , isang maagang yugto ng

nagdedevelop na embryo. 

7. Blastocyst   – isang embryo na hindi pa nakakapag implant . Gawa ito sa 150 cells galing

sa cell division na nagaganap pakatapos ng fertilization. Ang Blastocyst ay isang bilog

na gawa ng cells sa labas (ang trophoblast ), isang lukab na puno ng tubig (ang

Blastocoel ), at ang kumpol ng cells sa loob (ang inner cell mass). 

8. Cell  Culture  – artipisyal na pagpapalaki ng cells para sa experimental na pananaliksik. 

9. Eczema  –  pamumula, pangangati at pag papantal-pantal ng balat. Ang eczema pag

kinamot ay maaring magkaroon ng pagsusugat at pagdurugo.

10. Fertilization  – ang pagsasama ng panlalaking sex cell (sperm/ punla) at ng pambabaeng

sex cell (egg)

11. Glial cell  – isang uri ng cell na umaalalay sa iba pang uri ng cell.

12. HIV - Human Immunodeficiency Virus ay isang retrovirus na mabagal magpadami at nag

dudulot ng AIDS o Accuired immunodeficiency Syndrome na isang nakakahawa na sakit

na sumisira sa immune system ng isang tao at maaring magkaroon ng sakit na cancer 

dahil dito. 

13. In vitro  – salitang Latin na nangangahulugang “sa loob ng salamin” ito ay ginagawa sa

isang test tube o petri dish na isang artipisyal na kapaligiran 

14. In vitro fertilization - isang paraan kung saan pinagsasama ang egg cell at ang sperm

cell sa isang artipisyal na kapaligiran tulad ng laboratoryo. 

15. Inner cell mass (ICM)  – ang kumpol ng mga cell  sa loob ng blastocyst . Ito ang

pinagmumulan ng embryo at ang embryo naman ang pinagmumulan ng fetus. Ito ang

maaring gamitin upang makagawa ng embryonic stem cells. 

16. Multipotent   – pagkakaroon ng kakayahang maging higit na madami sa isang uri ng cell  

4

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 10/44

 

ng katawan. 

17. Neural stem cell   – isang stem cell na natatagpuan sa adult neural tissue na nakakagawa

ng neurons at pang alalay na glial cell.

18. Precursor type – ito ay uri ng stem cell na nanggaling sa tumubo na na parte ng katawan

ito rin ang tinatawag na Organ specific na stem cell.

19. Psoriasis – ang pagdami ng bagong skin cells dahil sa maling pagkakakilala ng immune

system ng katawan sa isang normal na cell 

20. Regenerative medicine  – isang bahagi ng medisina na pinag-aaralan at gumagamit ng

lunas na stem cell upang makakumpuni ng sirang tisyu at maayos ang mga nasirang

bahagi ng katawan. 

21. Somatic cell   – lahat ng cell sa katawan ng tao maliban na lang sa mga sex cells (egg at 

sperm) ay tinatawag ring adult cells

22. Species-specific  – ito ang klase ng stem cell kung saan nabibilang ang embryonic stem

cell. Ito ay nanggagaling sa isang hindi pa tumutubong parte ng katawan tulad ng nasa

isang fetus o embryo. Maari itong makadulot ng tumor o makasira ng iba pang cell.

23. Therapeutic cloning   – ang proseso ng paggamit ng somatic cell nuclear transfer (SCNT) 

para makagawa ng cells na kapareho ng cells ng pasyente. Sa pagsasama ng isang

somatic   cell nucleus at enucleated egg  ng pasyente, ang doktor ay makakakuha ng

embryonic   stem cell  mula sa nagawang embryo na maaaring gamitin upang ma-

r egenerate ang tisyu na kapareho ng nasa katawan ng pasyente. 

24.  Xenogeneic  – nanggaling sa mga hayop katulad ng tupa o kuneho ang stem cell . 

5

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 11/44

 

VII. Balangkas Konseptwal

Pigura 1

Stem Cells

Embryonic Cells

mula sa fertilized eggcells (embryo)

Hindi pa lubusang

ginagamit dahil sa isyu

ng pagiging ethical  

 Adult Stem Cells

mula sa mga tisyu at

organo ng tao o hayop

Ginagamit na sa

kasalukuyan partikular

sa balat ng tao

Stem Cells bilang

gamot sa sakit sa balat

Psoriasis

Eczema

Skin Cancer 

Cosmetic repair 

6

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 12/44

 

KABANATA 2

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

 Ang kaugnay na literatura at pag-aaral para sa pananaliksik na ito ay nagbibigay pansin

sa mga pag-aaral sa  Adult stem cells at ang kaakibat nitong epekto sa katawan ng tao. Ang

mga literatura ay tumatalakay sa mga patunay na ang Adult stem cells ay mabisang panggamot

sa mga sakit na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang lunas. Ang kabanatang ito ay

magsisimula sa pagtalakay sa paglalarawan sa stem cells, kasunod ang iba't ibang uri at gamit

ng naturang cells. Marami ng pag-aaral ang ginawa at kasulukuyang ginagawa upang

mapalawak pa ang kaalaman sa stem cell technology . Marami pa ring mga katanungan na

pumapalibot dito. Sa pananaliksik na ito, mahalagang maunawaan ng mambabasa ang mga

karaniwang kaalaman sa pag-aaral ng stem cells.

 Ang Stem Cells

 Ang stem cells ay mga unspecialized cells na maaaring mag self-renew o magkaroon ng

differentiation upang maging ganap na matured cells na may natatanging tungkulin sa katawan.

Ito ay matatagpuan sa mga mature na tisyu na bubuuin ng katawan upang palitan ang mga

sirang cells sa mga tisyu at organo. (Elsin, Y. M. 2003).

 Ang mga stem cells ay makikila mula sa iba pang mga uri ng cells dahil sila ay maaaring

maging tissue - o - organ - specific cells na may natatanging tungkulin. Sa ibang mga organo,

katulad ng bone marrow , ang mga stem cells ay naghahati-hati upang palitan ang mga sirang

tisyu. Subalit, sa ibang organo katulad ng  pancreas at puso, ang stem cells ay naghahati-hati

lamang sa bibihirang kondisyon. (US Dept. of health & Human Services, National Health

Institute, 2012)

May dalawang uri ng stem cells, ang Embryonic  stem cells na mula sa mga embryo at  

ang Adult stem cells na matatagpuan sa katawan ng tao partikular sa mga tisyu at organo.

 Ang Embryonic stem cells, kagaya ng imunumungkahi ng kanyang pangalan, ay mula sa

mga embryos. Karamihan nito ay mula sa mga embryos na nabuo mula sa mga itlog na

nafertilized sa pamamaraan ng in vitro vertilizaton. Hindi sila mula sa mga itlog sa katawan ng

isang babae. (US Dept. of health & Human Services, National Health Institute, 2012 )

 Ang Adult stem cells ay makikita sa maraming mga tisyu at organo, kasama na dito ang

utak, bone marrow, blood vessels, balat, ngipin, atay at puso. Sila ay pinaniniwalaang tira-tira

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 13/44

 

mula sa isang partikular na bahagi ng bawat tisyu (stem cell niche). Sa karamihan ng mga tisyu,

may mga ebidensyang nagsasabing ang ibang uri ng stem cells ay  pericytes, mga cells na

binubuo ng pinakalabas na bahagi ng blood vessels. Maaari rin na ang stem cells ay walang

tinag sa mahabang panahon hanggang sila ay ma-activate ng pangangailangan ng katawan

upang mapanatili nito ang kalusugan ng mga tisyu o di kaya makagamot ng sakit o tissue injury .

Kakaunti lamang ang bilang nito sa bawat tisyu at kapag ito ay natanggal sa katawan, ang

kakayahang maghati ay limitado, na magreresulta sa pagkahirap ng  pagproduce ng mga stem 

cells sa hinaharap. (US Dept. of health & Human Services, National Health Institute, 2012 )

Medikal na aplikasyon ng Epidermal stem cells

 Ayon kina Gaelle Lapouge at Cedric Blanpain ng Université Libré de Bruxelles (2004),

ang balat daw ng tao o hayop ay may kakayahang mag-regenerate habang nabubuhay ang

mga ito dahil sa pagkakaroon nito ng mga  Adult stem cells. Matapos masugatan ang isang tao,

may kakayahan ang balat na pagalingin ang sarili sa loob ng ilang araw o lingo. Ngunit, kung

ang sugat na natamo ay masyadong malubha, ang balat ng tao ay wala ng kakayahang

pagalingin ito ng walang tulong pang-mediko.

 Ang kagandahan ng kaugnay na literaturang ito ay ipinaliliwanag nito kung paano

nakatutulong ang stem cells sa paggamot ng mga malulubhang paso at ilang karamdaman sa

balat.

 Ang negatibong impormasyon naman na matatagpuan rito ay ang pagsasabi kung

paano mare-reprogram ang mga Skin stem cells na ito para maging Pluripotent stem cells na

lumalabag sa batas ng ating simbahan.

 Ang Adult Stem Cell Therapy 

Isa sa mga pinakapinag-aaralan ngayon ay ang stem cells (Adult stem cells) dahil sa

nakikitang mga potensyal nito sa pagtuklas sa mga lunas ng mga pambihirang sakit.

 Ang mga  Adult stem cells ay nasa buong katawan natin at nagsisilbing natural na

nakagagamot. Ang mga cell  na ito ay mayroong napakataas na potensyal at lubos na

makapangyarihan. Ang mga  Adult stem cells ay ginagamit nang lunas para sa kanser sa loob

na ng 40 na taon. Ang cells na nagmumula rin sa sariling katawan ng pasyente ang ginagamit

upang gamutin ang kanyang karamdaman. Walang posibilidad na tanggihan ng sariling

8

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 14/44

 

katawan ang bagong tisyu na nagawa mula rin sa sariling katawan, kaya naman sinasabing

ligtas at epektibo ito, at nakapagbibigay ng positibong medikal na resulta.

 Ayon sa mga resulta mula sa cardiac, pulmonary, at vascular na mga proseso, ang Adult 

stem cell procedure ay tunay na ligtas tulad din ng mga kumbensyunal at kasalukuyang mga

kalunasang isinasagawa.

 Ang Adult stem cells ay kinukuha mula sa sariling dugo ng pasyente sa pamamagitan ng

paggamit ng standard blood draw. Sa Regenocyte Therapeutic, ang mga natural na stem cells 

na nasa dugo ng tao ay nililinang upang maging milyon-milyon.

 Ayon sa pag-aaral na pinamagatang Generalized Potential of Adult Neural Stem Cells 

na isinagawa nina Clarke, Diana L; Johansson, Clas B;Wilbertz, Johannes;Veress, Biborka;et al

noong taong 2000, sinasabi rito na ang differentiation potential ng mga stem cell sa katawan ng

isang adult ay inakalang limitado sa mga cell lineages na makikita sa mga organo kung saan

sila nakuha ngunit may mga patunay na may mga stem cell  na may mas malawak na

differentiation repertoire. Ipinapakita sa pag-aaral na ito na ang mga neural stem cell mula sa

utak ng mga adult na daga ay makakatulong sa pagbuo ng chimeric chick at embryo ng mga

daga upang makabuo ng mga cells ng lahat ng germ layers. Ipinapakita nito na ang isang adult 

neural stem cell ay may malawak na developmental  na kapasidad at maaaring magamit para

mag-generate ng iba’t ibang uri ng cell para sa transplantation sa iba’t ibang sakit. 

Regenocyte Adult Stem Cells.

 Ang Regenocyte Adult stem cells ay pinapadala sa international treatment center  at

isinasalin na kung saan ito kailangan ng pasyente sa pamamagitan ng ineksyon. Ito ay

nagsisimula ng muling paglago ng higit na mabuting daloy ng dugo sa mga apektadong bahagi

ng katawan ng pasyente. Ang layuning ng prosesong ito ay palitan ang mga nasirang cells at

palaganapin ang pagbunga ng mga bagong blood vessels at tissues, upang matulungan at

mapabuti ang may problema sa ating katawan tulad ng mga iba’t ibang organs.

(http://www.regenocyte.com/adult-stem-cell-therapy.html)  

 Ang Pangunahing Papel ng Adult Stem Cells: sa kanyang therapeutic na Perspektibo 

Hango sa pag-aaral na pinamagatang The Key Role of Adult Stem Cells: Therapeutic 

Perspectives (2008), ang mga adult stem cells ay hinihiwalay sa mga adult na tisyu, umbilical 

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 15/44

 

cord, dugo at iba pang mga hindi embryonic na pinanggagalingan, at kaya nitong baguhin ang

sarili at maging maraming uri ng tisyu at uri ng cell  tugon sa  pathiphyiological na stimuli . Ang

mga klinikal na aplikasyon ng mga adult stem cells at  progenitor cells ay may potensyal sa

regenerasyon ng mga cell ng dugo, balat, buto, cartilage, at muscle ng puso, at may potensyal

rin sa mga degenerative na sakit. Ang mga multi-pluripotent  na  Adult stem cells ay may

kakayahang baguhin ang kanilang  phenotype bilang tugon sa trans-differentiation o paghahalo

at maaaring isama ang mga therapy  na isinasaayos ng  pharmacological  na modulasyon.

Halimbawa, ang pagpapagalaw ng mga endogenous na stem cell  at pagdirekta sa kanila sa

loob ng isang tisyu para magsimula ng isang regenerasyon. Ang mga  Adult stem cells ay

maaari ring makapagbigay ng paraan para sa gene therapy , at ang mga genetically engineered  

na Adult stem cells ng tao ay nakapagpapakita ng tagumpay sa paggamot ng isang genetic na

karamdaman.

 Ang pagkuha ng Embryonic stem cells mula sa mga embryo ng tao ay nagsusulong ng

ethical, legal, relihiyoso, at pulitikal na mga katanungan. Ang potensyal ng paggamit ng stem

cells para sa pag-generate ng mga tisyu ng tao ay paksa ng mga pampublikong debate. Ang

mga stem cells ay kailangang gamitin sa isang standardisado at kontroladong mga kondisyon

upang makasiguro sa ligtas na mga kondisyon para sa mga pasyente. Ang isang kritikal na

punto ay ang pag-alam sa mga kapahamakan ng tumourigenicity ; ang isyung ito ay mas

konektado sa embryonic kumpara sa Adult stem cells. (Pessina A., Gribaldo L. 2006)

Mula naman sa panulat nina Hombach-klonisch, Sabine; Panigrahi, Soumya; Rashedi,

Iran; Seifert, Anja; Alberti, Esteban noong 2008 na pinamagatang  Adult Stem Cells and their 

Transdifferentiation Potential  – Perspectives And Therapeutic Applications, ang mga stem cell  

ay mga multipotent progenitors na kayang baguhin ang kanilang mga sarili ng may malawakang

potensyal ng pag-unlad sa isang tisyu sa loob ng binigay na oras. Ang mga normal na stem cell  

sa isang adult  na organismo ay responsable sa pagbabago at pagsasaayos ng mga luma o

sirang tisyu. Ang mga  Adult stem cell ay makikita sa halos lahat ng tisyu sa mga panahon ng

pag-unlad. Sa pag-aaral na ito, ipinakikilala sa mga mambabasa ang mga pangunahing mga

impormasyon tungkol sa nasabing paksa. Inilarawan dito and mga napiling paraan ng

pagbubukod ng mga stem cell at marka ng mga stem cell  para sa iba’t ibang populasyon ng

stem cell . Kabilang dito ang mga marka para sa endothelial progenitor cells 

(CD146/MCAM/MUC18/S-endo-1, CD34, CD133/prominin, Tie-2, Flk1/KD/VEGFR2),

hematopoietic stem cells (CD34, CD117/c-Kit, Sca1), mesenchymal stem cells 

10

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 16/44

 

(CD146/MCAM/MUC18/S-endo-1, STRO-1, Thy-1 ), neural stem cells (CD133/ prominin, nestin,

NCAM), mammary stem cells (CD24, CD29, Sca1), at intestinal stem cells (NCAM, CD34, Thy-

1, CD117/c-Kit, Flt-3). Ang hiwalay na seksyon ay nagbibigay ng pinaikling kabuuan ng mga

klinikal na pagsusuri na isinagawa kamakailan lamang na kinipapalooban ng mga stem cells na

patungo sa pagsasaayos ng mga nasirang myocardium. Sa huling bahagi ng pag-aaral na ito,

napaisip ang mga mananaliksik tungkol sa paksa at ang patuloy na pagpapaunlad rito.

(Hombach-klonisch, Sabine; Panigrahi, Soumya; Rashedi, Iran; Seifert, Anja; Alberti, Esteban

2008).

Stem Cells sa Tissue Engineering 

 Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na  Adult stem cells in tissue engineering . Ito ay

isinagawa nina Thomas Hodgkinson, Xue-Feng Yuan at Ardeshir Bayat noong taong 2009. Ito

ay mula sa  journal na Expert Review Medical Devices. Sinasabi rito na ang tissue engineering  

ay isang mabilis na umunlad na paksa ng pag-aaral na kailangan tuparin ang pangako nito sa

paglilinaw at pagpapaliwanag ng potensyal na aplikasyon ng  Adult stem cell  sa klinikal na

pagsasanay. Kamakailan lamang, napag-alaman na ang mga  particular na Adult stem cells ay

may kakayahang mag transdifferentiate . Inakala na ang matagumpay na aplikasyon ng  Adult 

stem cells ay ang pinakamahalaga sa paglikha ng totoong biomimetic na tisyu. Kahit na ito ay

malawakan pa ring pinapalaganap, iminumungkahi ng mga pag-aaral na sa mga susunod na

panahon, ang bone-marrow  na mula sa stem cells ay maaaring hindi na makonsidra bilang

pinakaangkop na kandidato para gamitin sa tissue engineering . Ang hiwalay na pag-aaral ay

matagumpay na nag-engineer ng mga tisyu in vitro at in vivo gamit ang hair follicle at Adipose 

derived stem cells. Dahil sa kanilang  potency , abundance at noninvasive na paraan ng

pagkuha, ang mga populasyon na ito ay ang sinasabing pinakamaayos na napag-aralan

hanggang sa kasalukuyan. Ang pag-aaral na ito ay may layunin na talakayin ang kandidatong

adult stem cell na populasyon na sumusubok na ma-asess ang pinakamagagandang paksa ng

isang pag-aaral.

Stem Cells bilang Kinabukasan ng Regenerative Medicine

 Ang mga medikal at siyentipikong interes sa stem cells ay base sa kagustuhan na

makahanap ng mapagkukunan ng mga bago at malulusog na tisyu para magamot ang mga

1

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 17/44

 

organo na sira o apektado ng anumang sakit. Napagalaman naman na ang mga organo tulad

ng balat at atay ay kayang iregenerate ang kanilang mga sarili kapag ito ay nasira, ngunit hindi

pa alam kung bakit at paano nagkaroon ng ganitong kakayahan ang mga tisyung ito

samantalang ang iba ay wala. Ayon sa mga bagong pananaliksik, ang mga stem cells daw ay

ang susi sa mga regenerative na kakayahan na ito. May mga tiyak na mapagkukunan ng stem

cells sa mga tisyu na mula sa mga may gulang na tulad ng bone marrow na may abilidad na

baguhin ang sarili sa iba’t ibang klaseng uri ng cell ng nasabing tisyu na kasing tagal ng buhay

ng isang organismo. Gayun pa man, ang mga cells na may abilidad na hatiin at baguhin ang

sarili para maging specialized cells ng iba’t ibang klase ng tisyu ay bihira sa may mga gulang

na. Ang walang limitasyon na  potensyal  ng mga hindi pa nagbabagong mga cell  ng isang

embryo ang nagbigay daan sa mga Embryonic cells para maging pokus ng siyentipikong

interes. Mula pa noong 1998, pinaunlad ni James Thomson ng Unibersidad ng Wisconsin-

Madison ang unang Embryonic stem cell na mula sa tao. Ang atensyon na nakuha nito ay dahil

sa mga siyentipikong ulat na nagpopokus sa potensyal ng mga stem cell na makagamot ng

mga degenerative na karamdaman. Ang mga bagong kaalaman na ito na tinatawag na

regenerative medicine ay may layuning malaman kung paano at bakit ang mga stem cells, mula

man sa may gulang na o sa mga embryo, ay may kakayahang maging specialized na tisyu, at

may layunin din ito na paunlarin ang potensyal nito sa mga therapy  na may kinalaman sa

pagpapalit ng tisyu na magbabalik ng mga nawalang kakayahan ng mga nasira ng organo. Ang

listahan ng mga sakit na maaring target ng mga stem cell therapy ay nagpapakita lamang kung

bakit ang stem cells ay nagbibigay ng malaking pag-asa para sa pagpapaunlad ng medisina.

Ilan sa kanila - tulad ng Parkinson’s disease, diyabetis, sakit sa puso,  Alzheimer’s disease at

spinal cord injury - ay mayroon lamang kakaunti o walang lunas kaya naman milyun-milyong

mga tao ang naghahanap ng lunas para rito. (Committee on the Biological and Biomedical 

 Applications of Stem Cell Research, at Board on Life Sciences National Research Council 

Board on Neuroscience and Behavioral Health Institute of Medicine, 2002).

 Adult stem cells at ang kanyang kahalagahan sa cell therapy 

Para sa kanilang mga natatanging katangian, ang mga stem cells ay nangangako na

magkaroon ng pangkalahatang gamit sa klinikal na panggagamot, lalo na sa regenerasyon ng

mga organo at mga tisyu ng katawan ng tao. Ang paksang ito ay nakatatanggap ng

malawakang atensiyon mula sa mga espesyalista mula sa iba’t ibang sang ay ng agham at

walang duda na ito ang isa sa mga pinakasikat na paksang pinag-aaralan ngayon sa medisina

12

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 18/44

 

ng bagong milenyo. Sa komunikasyong ito, ang mga awtor ay tumalakay sa dalawang

pangunahing pinagkukunan ng stem cells na angkop sa cell-based therapy . Ang una ay ang

mga stem cells na mula sa embryonic tissues at ang pangalawa naman ay mula sa mga adult 

tissues— Adult stem cells. Sa ngayon, ang pangangalap at ang therapeutic  na gamit ng

Embryonic stem cells ay maaaring iugnay sa napakaraming problema na parehong metodikal at

ethical. Ang pag-uutilize ng  Adult stem cells sa cell bases therapy  ay isang solusyon sa

kasalukuyang estado ng replacement therapy. Gayunpaman, kailangan pa rin nating mag-

angkin ng kamalayan na hindi ito isang kompromiso ngunit isa sa mga pinakamabuting paraan

para gamutin ang iba’t bang klaseng karamdaman. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw

kung anong paraan ang higit na angkop na at na sa atin pa rin kung anong paraan ang ating

pipiliin para sa ikabubuti ng nakararami. Kung ikokonsidera ang kasalukuyang estado ng

kaalaman, imposibleng mahulaan kung anong uri ng stem cells ang makapagbibigay ng

mabubuting resulta. Matinding mga pananaliksik ang kinakailangan na gawin at patunayan sa

pamamagitan ng pagsasagawa nito at kailangan ding maayos na ang mga ethical na isyu na

kasama nito. (Filip S, Mokrý J, Hruška I, 2003) 

Stem Cell Therapy : A New Treatment for Burns?

 Ang stem cell therapy  ay lumabas bilang isang maaasahang bagong paraan sa halos

lahat ng aspeto ng medisina. Ang malawak na magkaibang uri ng cells ay pareho na ngayong

kinukuha sa natural (Embryonic at Adult stem cells) o artipisyal na paraan (induced pluripotent 

stem cells or iPSCs) at ang kanilang tadhana ay naging kontrolado na salamat sa patuloy na

pananaliksik sa larangang ito. Tayo ay nasa simula ng makabagong panahon sa medisina na

may maraming aplikasyon para sa stem cell therapy , hindi lamang bilang isang monotherapy,

pati na rin sa iba pang istratehiya tulad ng organ transplantation o standard drug treatment .

Nakakalungkot isipin na mayroon pa rin itong mga seryosong  preclinical na suliranin tulad ng

differentiation, cell fusion, senescence at signalling crosstalk  sa mga growth factors at 

biomaterials na nananatiling hadlang para sa ganitong uri ng paraan ng panggagamot.  Ang mga

malulubhang pagkasunog ng balat ay may maraming indikasyon para sa stem cell  therapy,

kasama na rito ang pagbababuti ng paggaling ng mga sugat, pagpapalit ng mga nasirang balat

at perpektong regenerasyon ng balat – kasama ang skin appendages at reduced fibrosis – pati

na rin ang systemic effects tulad ng pamamaga, hypermetabolism at immunosuppression.  Ang

layunin ng pagaaral na ito ay ilarawan mabuti ang mga napatunayang katangian ng stem cells 

at i-delineate ang mga bagong paraan sa stem cell field , sa konteksto ng pagkasunog ng balat

13

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 19/44

 

at paggaling ng mga sugat. (Anna Arno , Alexandra H. Smith  , Patrick H. Blit , Mohammed Al

Shehab  , Gerd G. Gauglitz  and Marc G. Jeschke, 2011)

 An update review of stem cell applications in burns and wound care

 Ang pangunahing layunin ng panggagamot sa mga cutaneous na paso at sugat ay para

ma-restore ang mga nasirang balat, parehong structural  at functional  na aspeto, pabalik sa

orihinal na katayuan nito. Ayon sa mga makabagong pananaliksik, makikita na malaki ang

potensiyal ng stem cells sa pagpapaganda ng kalidad ng paggaling ng mga sugat at pagre-

regenerate ng balat at mga appendages nito. Ang mga stem cell based therapeutic  na

istratehiya ay nagbibigay ng mga bagong prospects sa medical na teknolohiya para sa mga

sugat at paso. Ang pananaliksik na ito ay may layuning magbigay ng isang bagong overview ng

mga aplikasyon ng stem cell therapy  sa mga pamamahala ng mga paso at sugat. (Burd,

 Andrew; Huang, Lin, 2012)

Stem cell strategies in burns care

 Ang pag-asam ng kakayahan na palitan ang nasirang tisyu sa proseso ng regenerasyon

ay makapagbabago sa epekto, pamamahala at kalalabasan ng mga paso. Ang kasalukuyang

pagkakaintindi sa stem cell based modulation at therapy  kasama ng kanilang potensiyal nakaunlaran ay makapagdadala sa pag-asam na ito sa kaganapan. Ang papel na ito ay

magbibigay ng background sa istratehiya ng paggamit ng stem cells sa panggagamot ng mga

paso at inaalam din nito ang aktwal o inaasam na aplikasyon kung saan mababago nito ang

pangangalaga sa mga paso sa buong mundo.   (  A. Burd, K. Ahmed, S. Lam, T. Ayyappan,  L.

Huang, 2007)

Stem cells and their applications in skin-cell therapy 

 Ang stem cell biology sa balat ay isang field ng life sciences na mabilis na umuunlad. 

Parami ng parami ang mga ebidensiya na ang balat ay nagrerepresenta ng isang malakihang

reservoir para sa  Adult stem cells (kasama ang mesenchymal, hematopoietic  at neural stem

cells) kasama rin ang epidermis.  Alam na natin na ang balat ay madaling pagkuhanan at

immune privileged , ang mga skin stem cells ay hindi lamang magbibigay ng pag-asa para sa

1

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 20/44

 

pagsasaayos ng balat ngunit may naglalahad ng kasalukuyang estado ng pananaliksik sa

paksang ito at tinatalakay ang pagkakaroon,  plasticity, at mga potensyal na gamit ng skin stem

cells. (Chunmeng Shi ,Ying Zhu, Yongping Su, Tianmin Cheng, 2006)

Gene therapy of skin adhesion disorders

 Ang gene therapy  ay isang potensiyal na paraan ng panggagamot para sa mga

malalalang karamdamn na namamana na kung saan ay may maliit na tsansa na mahanapan ng

lunas. Kasama na rito ang mga malulubhang sakit tulad immunodeficiencies at metabolic 

disorders pati na rin ang mga hindi gaanong malubha na may kinalaman sa hindi magandang

kalidad ng pamumuhay at pang matagalang symptomatic treatments, tulad ng muscular 

dystrophy, cystic fibrosis o thalassemia.  Ang skin adhesion na mga depekto ay nabibilang sa

parehong grupo. Para sa mga hindi gaanong malulubhang uri, ang gene therapy  o

transplantation ng cultured skin na mula sa mga genetically corrected epidermal stem cells, ay

nagrerepresenta ng isang magandang therapeutic option, at isang potensyal na paraang ng

panggagamot. Ang mga kasalukuyang pag-unlad sa gene transfer  at stem cell culture 

technology  ay ginagawang mas malapit ang option na ito. Ang papel na ito ay kritikal na

tumatalakay sa progreso at mga bagay na inaasam mula gene therapy  para sa mga skin

adhesion defects, at mga factors na naglilimita sa pag-unlad nito. (Cavazza, 2012)

Skin: a promising reservoir for adult stem cell populations

 Ang Plasticity ng adult cells ay nakita sa mga post-natal na tisyu noong mga nakaraang

taon at nakahalina sa atensyon sa regenerative medicine. Ang balat ang pinaka-malaking

organo sa ating katawan. Ang adult skin ay mayroong epidermis, dermis, at appendages tulad

ng buhok at glands na kaugnay ng epidermis ngunit nakabaon sa malalim na bahagi ng dermal 

layer. Ang skin stem cell biology ay naging pokus ng interes sa kasalukuyang life science.  Angmga stem cells na may limitadong differentiation na may potensyal sa regenerasyon at

pagsasaayos ng epidermis ay kilala na maging sa mga naunang dekada. Ang mga

kasalukuyang pag-aaral ay naglalahad na ang mga adult skin tissues ay mayroong mga cell 

 populations na may pluripotent na katangian. Ang mga mulitipotent na stem cells mula sa mga

hair follicle at non-follicular  na balat, parehong epidermal  at dermal  na tisyu, nakita na

1

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 21/44

 

mayroong differentiation na kapasidad para mag-regenerate ng maramihang cell lineages.

Mula sa mga kasalukuyang datos, ang haypotesis ay ang balat raw ay maaaring magsilbing

reservoir  ng mga  Adult stem cell populations, kasama na ang mga committed stem cell 

 populations at Pluripotent stem cell populations na parehong nasa epidermal at dermal tissues.

 Alam naman nating madali itong i-access, ang mga stem cells sa balat ay hindi lamang

magbibigay ng isang experimental model para sa skin biology ngunit makapagbibigay rin ito ng

isang experimental model  para sa pag-aaral ng epithelial  –mesenchymal interactions ng iba

pang mga organo sa labas ng balat. Ang mga stem cell populations sa skin tissues ay kaya ring

magkaroon ng extensive therapeutic implications sa pagpapalit ng balat at maari ring

magsilbing isang alternatibong mapagkukunan ng stem cells sa labas ng balat. Ang in site

activation at mobilization ng stem cell populations sa balat ay isang magandang paraan para i-

renew at ayusin ang epidermis, dermis at mga appendages. 

 Adult Stem Cells

 Ang pag-unlad ng isang multicellular na organismo ay makakamit sa pamamagitan ng

mga pangyayari na naka pre-program sa genome. Ang mga pangyayaring ito ay sumailalim ng

cellular proliferation, lineage commitment, lineage progression, lineage expression, cellular 

inhibition at isang regulated apoptosis.  Ang sunud-sunod na na paglaganap ng mga cells sa

pamamagitan ng mga pangyayaring ito ay nagreresulta ng pagkabuo ng mga differentiated cells, tisyu, at organo na bumubuo sa isang indibidwal. Kahit na ang karamihan sa mga cell ay

lumalaganap sa pamamagitan ng pagkakasunud-sunod na ito, may ilang mga cells ang iniiwan

ang pag-unlad na continuum para maging mga reserbang  precursor cells. Ang mga reserbang

 prescursor cells na ito ay kasama sa tuloy-tuloy na pangangalaga at pagsasaayos ng mga tisyu

at organong ito sa kabuuan ng haba ng buhay ng isang indibidwal. Kamakailan lamang ay

ipinapalagay na ang mga  precursor cells sa mga  postnatal na indibidwal ay limitado sa mga

lineage-committed (multipotent, tripotent, bipotent, and unipotent) progenitor cells at lineage-

uncommitted pluripotent (epiblastic-like, ectodermal, mesodermal, at endodermal) stem cells napara lamang sa ilang mga tisyu. Gayunpaman, ang mga pag-aaral na isinigawa ni Young  at

kanyang mga kasamahan ay nagpakita ng presensya ng dalawang kategorya ng mga  precursor 

cells na mahahanap sa loob ng mga organo at tisyu ng mga  postnatal  na hayop. Ang mga

reserbang precursor cells na ito ay nagbibigay ng patuloy na pangangalaga at pagsasaayos ng

organismo matapos ito maipanganak. (Henry E. Young, Asa C. Black, 2004)

1

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 22/44

 

 Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay nagsagawa ng mga pananaliksik tungkol

sa mga literatura na may kinalaman sa  Adult stem cells at mga potensyal na aplikasyong

pangklinika. Ang pokus ng pag-aaral na ito ay sa mga adult stem cells at nagsama rin ng mga

resulta mula sa mga pag-aaral ng mga hayop na nagtataglay ng potensyal na Adult stem cell na

gagamitin sa panggagamot ng mga pasyente. Matapos ang mga isinigawang pag-aaral ang

kaalaman ng mga mananaliksik tungkol sa  Adult stem cells ay higit na lumaki kaysa sa mga

nauna ng kaalaman tungkol dito. Ang mga resulta mula sa mga pag-aaral ng hayop at mga

pangkilinkal na pagsusuri sa tao ay nagpapakita na may mga kapaki-pakinabang na abilidad

para sa paglago, pagsasaayos, at regenerasyon ng mga nasirang cells at tisyu ng katawan ang

adult stem cells.  Ang tulong na maibibigay ng  Adult stem cells sa medisina ay tunay ngang

napakalaki. (David Prentice, 2003)

Epithelial Skin Stem Cells

Mula sa aklat na Handbook of Stem Cells sinasabi na ang balat ay isang kumplikadong

tisyu na gawa sa nakabalangkas na kombinasyon ng mga uri ng cells. Ito ay may malawak na

regenerative na kapasidad at mayroong iba’t ibang uri ng stem cells (SCs). Ang Embryonic at

 Adult stem cells ay mayroong mga pagkakaiba. Ang literaturang ito ay nakapokus sa mga

epithelial skin stem cells (ESSCs) sa mga  postnatal na balat ng daga.  Ang mga pag-aaral na

hindi isinagawa sa tao ay higit na napagkukuhanan ng impormasyon at hindi gaanong

nalilimitahan ng mga isyung ethical. Ang mga ESSCs ay inaakalang makikita sa isang

specialized area ng hair follicle na tinatawag na “ the bulge” . Ang mga cell Nonhuman studies

allow for high flexibility and increased depth of study and are less restricted na makikita rito ay

nagtataglay ng abilidad na mag-differentiate sa ibang mga cell lineage rin kapag sumasailim sa

mga kondisyon na tulad ng stress upang mag-regenerate ng hindi lamang hair follicle ngunit

pati na ng mga sebaceous gland at epidermis. Sa balat ng isang matanda, ang stem cells ay

alam bilang mga slow cycling cells na nagpapanatili ng bromo-deoxy-uridine (BrdU) DNA label 

sa loob ng matagal na panahon. Kung paano nagagawang mapanatili ng mga cell na ito ang

kanilang mga kakayahan tulad ng self-renewal at differentiation ay hindi pa rin alam hanggang

ngayon. Kung ang mga cell  na ito ay iba mula sa kanilang  progeny o kung ang lokasyon na

17

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 23/44

 

tinatawag na niche, ang nagtuturo sa kanila upang maging stem cells ay nanatili pa ring isang

bukas na tanong. Ang trabaho ay nagsimula na upang ipaliwanag ang mga mekanismo na

nagkokontrol sa mga cells na ito sa balat ng daga. Ang pagsubok na ihiwalay ang mga slowly 

cycling cells at malaman ang mga marka ng ESSCs na maaaring magbigay ng mga kakaibang

katangian ng mga cells na ito ay nalampasan na. Nagbukas ito sa mga panibagong mga

kaalaman para sa hinaharap na pag-intindi sa kung ano ba ang nagpapanatili sa mga cells na

ito sa isang dormant  ngunit potent  na estado. (Tudorita Tumbar, Elaine Fuchs, 2013)

Epithelial Skin Stem Cells

 Ayon sa aklat na Methods in Enzymology, ang mga pangunahing pag-unlad sa pag-

unawa ng epithelial skin stem cells ay nakamtan na.  Ito ay naging posible dahil sa mga

makabagong paraan ng labeling , tracking, isolating, at characterizing  na nakapagpayaman sa

populasyon ng stem cells. Ang literaturang ito ay naglalaman ng mga in vivo at in vitro assays

na nag-aanalisa ng mga skin epithelial stem cells.  Ang kahulugan ng stem cell ay lubos nang

nagagamit. Ang hindi malabong pagkakakilanlan ng stem cell  na nakapaloob sa isng tisyu ay

hindi pa rin posible. Ang mga limitasyon na ito ang humahadlang sa mga pag-aaral na may

layuning magbigay ng impormasyon tungkol sa cellular mechanisms sa isang stem cell 

compartment. Ang literaturang ito ay naglalaman ng mga kasalukuyang paraan ng pag-aanalisa

ng mga hair follicle stem cells, kumpara sa iba pang epithelial compartments, dahil ang hair 

follicle ang lubos na napag-aralan sa kasalukuyan. (Tudorita Tumbar, 2006)

Skin Tissue Engineering 

 Ayon sa aklat na Comprehensive Biomaterials, ang pagsasama ng pagpapagaling, cell 

biology, at skin tissue engineering  na pananaliksik ay patuloy ng isinasagawa sa loob ng 60

taon. Sa literaturang ito, makikita ang anatomiya ng balat at mga tungkulin nito, ang proseso ng

paggaling ng sugat, at mga pagsusubok na may relasyon sa pagpapagaling ng sugat na

kinakaharap ng tissue engineering . May ilang mga biomaterials na nasuri para sa kanilang mgapotensyal na gamit bilang mga pamalit sa balat para mapalitan o maregenerate ang balat na

may normal pa ring istruktura at gamit. Gayunpaman, halata naman na ang perpektong pamalit

sa balat ay hindi umiiral. Ang mga problema at pagsubok na mayroon ang mga pamalit sa balat

na ito ay ang mga sumusunod: mababang mekanikal na katangian, kawalan ng biocompatibility,

kaunting structural differentiation, limitadong vascularization, at pagkakaroon ng sugat.

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 24/44

 

Gayunpaman, isang artikulasyon sa pagitan ng skin tissue engineering at regenerative medicine

ang maaaring makapagbigay ng mga transpormasyon sa larangang ito na humantong sa

abilidad na i-restore ang istruktura at gamit ng balat. Sa pamamagitan ng kombinasyon ng

manipulasyon ng stem cell, angiogenesis control, maunlad na bioactive molecules, at maunlad

na biomaterials, maaaring maging posible ang pagkakaroon ng isang awtentkong pamalit sa

balat o isang engineered composite na nakapagdudulot ng regenerasyon ng balat. (Q.

Zeng, L.K. Macri, A. Prasad, R.A.F. Clark, D.I. Zeugolis, C. Hanley, Y. Garcia, 2011)

Tissue engineering of skin

 Ayon sa aklat na Burns, ang engineering ng mga pamalit sa balat at ang kanilang mga

aplikasyon sa mga pasyente ay nabigyang katuparan. Gayunpaman, ang mga cell biologists,

biochemists, technical engineers, at mga doctor ay patuloy pa ring nahihirapan sa pagbuo ng

mga pamalit sa balat na maaaring i-transplant  sa malalaking bilang, kung possible ay sa isa

lamang na surgical na interbensyon na walang iiwang malubhang sugat. Ang pagbuo ng isang

dermo-epidermal na pamalit ay mabilis na nagvavascularize na pangunahing sumusuporta sa

isang stratifying epidermal graft sa isang biodegradable matrix , na maaari isagawa ng isang

surgeon, ay isa na ngayong matinding layunin. Ang layuning ito ay maabot habang sinusunod

ang mga kinakailangan upang maging ligtas at ang mga batas ng ekonomiya. (Sophie Böttcher-

Haberzeth,Thomas Biedermann, Ernst Reichmann, 2010)

The Next Generation of Burns Treatment: Intelligent Films and Matrix, Controlled Enzymatic 

Debridement, and Adult Stem Cells

 Ang literaturang ito na mula sa  journal  na Transplantation Proceedings ay inilarawan

ang isang teknolohiya na base sa nanoengineered multifunctional acellular biologic scaffolds na

inihalo sa mga pantapal sa sugat at mga films ng parehong uri. Ang paraang ito ay

nagpapahintulot ng piniling pagpapadala at pagpapalabas ng mga protektadong biomaterials at

bioactive substances sa isang sugat o nasirang tisyu habang isinasagawa ang piling anchoring 

at adhesion ng mga endogenous circulating repairing cells tulad ng mesenchymal stem cells,

upang magkaroon ng mabilis at higit na physiologic  na proseso ng pagpapagaling. Naipakita rin

sa literaturang ito ang bagong kontroladong enzymatic debridement  na proseso upang

makapagdulot ng higit na epektibong scarolysis ng nasunog na tisyu. Sa gabay ng mga nauna

ng in vitro at in vivo na datos, nakumbinsi ang mga mananaliksik na maaaring isama sa

paraang ito ang iba pang gamit ng adult stem cells, tulad ng endometrial regenerative cells,

upang higit na mapaunlad ang vascularization ng mga ito na may malaking potensyal sa pag-

1

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 25/44

 

aaral ng regenerasyon ng tisyu at organo. Malaki rin ang tulong nito sa panggagamot ng mga

pasyenteng may malubhang paso sa pamamagitan ng pagbabago ng paraan ng panggagamot

ng mga sugat na ito sa hinaharap. (H. Drago, G.H. Marín, F. Sturla, G. Roque, K. Mártire, et al.,

2010)

 Adult Stem Cells for Tissue Repair — A New Therapeutic Concept?

 Ang adult stem cell  ay may kakayahang gumawa ng bagong stem cell  at ayusin ang

nasirang parte ng katawan. Ang embryonic stem cell ay maaaring bumuo ng panibagong parte

ng katawan kaysa ayusin ang nasirang parte dahil dito posibleng madoble ang parteng iyon.

Maaari din namang bumuo ng tumor ang paggamit ng embryonic stem cell . Sinisira nito ang

ibang cell habang ito ay lumalaki at gumagawa ng bagong parte ng katawan. Ang adult stem

cells ay maaring makuha sa bone marrow  o sa dugo na dumadaloy sa katawan ng tao.

Kalimitan kapag ang stem cell na galing sa isang babae ay ilalagay sa isang lalaki o ang stem

cell  na galing sa isang lalaki na ilalagay sa babae, nadiskubreng nagkakaroon ng Y

chromosome sa babae at karagdagang X chromosome sa mga lalaki. (Martin Körbling, M.D.,

Zeev Estrov, M.D., 2003)

Tissue Engineering 

 Ayon sa aklat na Comprehensive Nanoscience and Technology, ang tissue engineering  

ay nangangako ng solusyon para sa kakulangan ng donor organ sa pamamagitan ng

pagsasama-sama ng mga kaalaman mula sa larangan ng cell biology, material science,

engineering, at surgery  para i-regenerate o palaitan ang mga nasirang tisyu. Ang mga cells,

biomaterials, at bioreactors ay ang tatlong bahagi ng standard tissue engineering paradigm at

ang tagumpay ng pagsasagawa ng maayos na engineered  na tisyu ay nakasalalay sa

pagsasama-sama ng mga bahaging ito. Ang pagpili ng pagkukunan ng cell, scaffold generate

material, at uri ng bioreactor ay nakadepende sa uri ng engineered na tisyu. Ang mga cell  na

gagamitin ay dapat maaring malakihan; ito ay nagpapalala ng interes ng sa paggamit ng stem

cells sa regenerative medicine.  Ang mga biomaterials ay kinakailangang mayroong pisikal at

bayolohikal na  katangian bilang suporta sa paglago ng tisyu.  Ang mga bioreactors ay

kinakailangang magbigay ng  perfusion depende sa particular na uri ng stimuli para maging

maunlad ang cell viability  at ang mga gamit ng tisyu. Mayroon ng mga maliliit ngunit

matagumpay na klinikal na aplikasyon ng tissue engineering sa mga pasyente, kinapapalooban

2

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 26/44

 

ito ng tissue-engineered trachea, bladder, blood vessel, at balat. (L.L.Y. Chiu, Z. Chu, M.

Radisic, 2011)

 Adult Stem Cell Research Avoids Ethical Concerns

 Ayon sa artikulong ito, ang Adult stem cell ay mas mahina at mabagal mag -regenerate

hindi katulad ng Embryonic stem cell . Ngunit napag-alaman na ng mga bihasa na kahit ganito

ang kanilang natuklasan tungkol sa  Adult stem cells ay mas mapakikinabangan ang Adult stem

cells dahil ang mga stem cell na ito ay hindi makapagdudulot ng tumor at hindi makasisira ng

iba pang mga cells. Base sa naging resulta ng ginawang experimento sa mga zebra fish,

nalamang may potensyal ang  Adult stem cell  na bumilis ang pag-regenerate katulad ng

potensyal ng Embryonic stem cell. ( Erika Celeste, 2010)

Skin provides Australia's first adult stem cells for rare genetic disease.

Nalaman ng mga bihasa na ang mga pasyenteng may kakaibang genetic diseases ay

mayroong mga stem cell sa kanilang balat na maaring maging gamot sa kanilang sakit. Ang

mga stem cell na ginagamit ay mga iPS o Induced pluripotent stem cells na nakuha sa

 pagreprogram o pagbago ng cell upang makagawa ng bago o ibang uring cell  na naangkop.

(University of Melbourne, 2011)

Potential of Stem Cells for Skin Regeneration Following Burns

 Ang Embryonic stem cells ay dating inisip na maaring maging gamot ng mga nasugatan

at nasunog / nalapnos ang balat. Ito ay napapaligiran ng maraming etikal na isyu ng simbahang

Katoliko kaya't minabuting ng mga bihasa na pag-aralan ang Adult stem cells. Sa isinagawang

pag-aaral, nadiskubre ng mga bihasa na maaring makatulong ang  Adult stem cell  sa

pagpapabilis ng paggaling ng mga sugat ng mga biktima ng pagkasunog ng balat. Ang  Adult 

stem cells din ay nakakapagregenerate ng mga glands katulad ng keratinocytes, sebaceous

glands at sweat glands ngunit hindi pa nakakatiyak kung gumagana ba taalaga ang mga glands 

na nanggagaling sa mga stem cells na ito. (Wei Lu, Yong Jie Zhang, Yan Jin, 2009)

2

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 27/44

 

Kabanata 3

Metodolohiya

I. Deskripsyon

Matapos makakalap ng mga pangkaligirang impormasyon ay nangalap ang mga

mananaliksik ng impormasyong susuporta sa kanilang paksa. Upang maisakatuparan ang mga

ito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pagsisiyasat o sarbey na may hindi bababa sa 50

na tagatugon at nakipagpanayam sa ekspertong may sapat na kaalamang may kinalaman sa

paksang Stem Cell Therapy .

II. Proseso

Pigura 2

Nagkalap ng impormasyonukol sa stem cells partikular 

ang adult  stem cells namaaring magbigay lunas sa

mga sakit sa balat,depinisyon, gamit at mga

kaugnay na pag-aaraltungkol dito

Nagsagawa ng sarbey sa mga mag-aaral ng medisina na may sapat na

kaalaman sa Stem cells upangmapatibay ng mga mananaliksik angkanilang pagaaral na ang stem cell aymabisang gamot sa malubhang sakit

sa balat

Matapos magsagawa ng sarbey samga mag-aaral ng medisina, isang

eksperto o doktor naman angnakapanayam. Ito ay doktor namay karanasan sa paggamit ng

adult stem cell technology kasamana rin dito ang mga mananaliksiksa Stem Cell laboratory tulad ng

sa Makati Medical Center. 

Nilapatan ng naaayongstatistika ang mga nakalap na

impormasyon mula sa mgataga-tugon. Ginamit ito upangpatunayan na ang adult stemcell ay epektibo at ligtas na

pamamaraan ng panggamot,partikular sa balat.

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 28/44

 

Panayam:

 Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng isang panayam sa isang dalubhasa sa mga

sakit sa balat na si Dra. Grace M. Lopez, M.D., miyembro ng Philippine Association for Primary

Skin Health, nagtayo ng Philippine Skin Health Foundation kung saan siya ay kilalang

nagtuturo sa mga kapwa doktor ng mga dagdag na kaalaman at mga bagong pamamaraan ng

paglunas ng mga sakit sa balat. Naghanda ang mga mananaliksik ng mga katanungang nais

nilang mabigyang linaw.

Inalam ng mga mananaliksik ang mga esensyal na kaalaman ukol sa  Adult Stem Cell 

Treatment ang ang kasalukuyang estado nito sa larangan ng panggagamot sa mga sakit sa

balat.

Matapos ang panayam ay nilagom ng mga mananaliksik ang mga datos at

impormasyong kanilang nakuha mula kay Dra. Lopez at ginawa ring daan tungo sa pagbuo ng

kanilang konklusyon.

Sarbey:

 Ang mga mananaliksik ay gumamit ng  purposive sampling  o pagkakaroon ng

requirement sa pagpili ng mga taong may kakayahan at angking kaalaman sa paksa.

Mga mag-aaral ng Medisina mula sa iba’t ibang unibersidad, upang malaman ang

pangkalahatang kaalaman at hindi lamang sa isang unibersidad, ang naging mga tagatugon ng

sarbey na naglalaman ng mga katanungan ukol sa kamalayan ng mga tagatugon sa Stem Cell 

Therapy . Ang mga resultang nakuha mula rito ang ginawang datos ng mga mananaliksik upang

gumawa ng mga analisis at kasagutan sa mga layunin at suliraning naipahayag sa unang

kabanata.

23

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 29/44

 

KABANATA 4 

Paglalahad at Pagsusuri ng Datos

 Ang kabanatang ito ay magtatalakay at magbibigay ng higit na pagpapaliwanag sa mga

resultang nakalap ng mga mananaliksik mula sa pagsisiyasat at panayam na isinagawa. Ang

pagsisiyasat ay nagkaroon ng 50 na tagatugon mula sa iba't ibang mag-aaral ng Medisina ng

iba't ibang Unibersidad. Samantalang, ang panayam naman ay isinigawa sa Medical Skin

Health Clinical and Cosmetic Dermatology Clinic sa tulong ni Dra. Grace M. Lopez, M.D., isang

doktor na dalubhasa sa mga sakit sa balat, nagtuturo at tagapagsalita sa iba’t ibang mga

kapulungan na may patungkol sa mga sakit sa balat. Mula sa mga resulta ay napatunuyan ng

mga mananaliksik na ang Stem cells ay mabisang gamot sa sakit sa balat.

Survey :

Narito ang mga katanungang nakapaloob sa sarbey at ang mga resultang nakalap :

Pigura 3

Sa katanungnang ito, maaaring tanggapin ng mga mananaliksik ang kasagutang oo at

hindi sapagkat ito ay nagtatanong lamang kung nagkaroon na ang mga tagatugon ng

pagkakataong makapagsagawa ng masinsinang pag-aaral tulad ng isang pananaliksik na

kanilang isinasagawa ngayon.

 Ang mga sumagot ng oo ay mas makapagpapalakas sa pagpapatibay na ang paksang

ito ay makahulugan at nararapat lamang bigyang pansin. Ang mga sumagot naman ng hindi ay hindi tahasang nagpapahayag ng kawalang

kasaysayan pag-aralan ang paksang ito ngunit maaaring mayroon silang kaalamaan, at

maaaring isa pa rin itong pinagbibigyang pansing paksa subalit ay wala silang pagkakataong

makapagsagawa ng isang pormal at masinsinang pag-aaral tungkol dito.

OO

44%

HINDI

56%

Nagkaroon na ba kayo ng pagkakataong mapag-aralan kung ano angStem Cells at Stem Cell Therapy /Treatment ?

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 30/44

 

Pigura 4

 Ang mga kasagutan ng mga tagatugon sa katanungang ito ay nagbigay sa mananaliksik

ng pagkakataong malaman kung alin sa dalawang pinakamalawak at kilalang proseso ng stem

cell ang mas binibigyang pansin sa kasalukuyan, at maaaring naghahayag ng pagtanggap athindi lubos na pagtanggap nito sa lipunan.

 Ayon sa pananaliksik, ang Embryonic Stem Cells nga ang maaaring nagdudulot ng hindi

gaanong magandang imahe sa stem cell treatment  sapagkat ito ang paraan ng pagkuha ng

stem cell mula sa isang embryo na binubo ng eggs na na-fertilize sa pamamagitan ng in vitro 

mula sa mga taong walang kakayahang magbuntis o infertile. Ang paraan ng pagkuha ng stem

cell na ito ang nagdudulot sa simbahan at sa maraming tao tanggihan at hindi tanggapin ang

stem cell bilang isang ganap na paraan ng panggagamot dahil ito ay may malaking epekto sa

usaping moral at etikal ng sambayanan.

 Ang Tissue Stem Cells na mula naman sa Adult Stem Cells ang paraan ng pagkuha ng

stem cells na walang nilalabag na isyung moral at etikal. Isa ito sa mga nais na ring bigyang

kasagutan ng mga mananaliksik: may uri ng stem cell treatment  na hindi maiuugnay sa

pagiging imoral, kaya naman maaaring maging ganap itong paraan ng paggagamot sa mga

may sakit lalo na sa mga nangagnailangan nito, at maaari itong ipalaganap sa lipunan, sa mga

tao mang may matibay na etikal at moral na paniniwala o wala.

 Ang resultang nakalap ng mga mananaliksik na nagsasabing mas marami ang

nakapagsagawa na ng pag-aaral sa Tissue Stem Cells mula sa  Adult Stem Cells ay

nagpapatunay na mas katanggap-tanggap ito, at maraming pag-aarala na ang isinagawa upang

patunayan na isa itong epektibong paraan ng panggagamot, at may posibilidad na ito ay sakit

sa balat.

Tissue Stem Cells na

mula sa Adult Stem

Cells 

84%

Embryonic Stem cells 

16%

Kung oo ang sagot sa unang tanong, anong uri ng stem cell angginagamit bilang lunas sa mga sakit sa balat tulad ng pagkasunog ng

balat at genetic skin d iseases ?

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 31/44

 

Pigura 5

 Ang sagot na oo, na mas nakararami kaysa sa hindi, ay nagpapahayag ng kaalaman ng

mga mag-aaral ng medisina, maging nasa unang taon man ito o mas mataas, na ang Adult

Stem Cell ay may pagkakaiba sa Embryonic Stem Cell , maaaring malaki ang pagkakaiba na ito

ayon sa kanilang magkakaalam o kahit maliit lamang. Ang mahalaga ay nagkakaroon ng

dibisyon ang dalawang uri ng stem cell treatment  at ito ay nagpapahayag na may kanya-

kanyang pagkakaiba at may katangi-tanging karakteristik ang dalawa na nagsisilbing paraan ng

pagbubukod dito.

Pigura 6

 Ang kasagutan sa tanong na ito ay nagbigay sa mga mananaliksik ng pagkakataong

malaman kung ayon sa kaalaman ng mga mag-aaral mula sa medisina, gaano mag kaliit o

kalawak ang kaalamang ito, ay nagsasabi at nalalaman nila kung may mabuting naidudulot nga

ang stem cell therapy/treatment sa kalusugan ng tao, hindi ikinokonsidera ang moral o etikal na

aspeto na ito. Kaya naman nagpapatibay ang malaking bahagi ng mga tagatugon na sumagot

na oo, sapagkat ipinapakita nitong tunay na nakapagpapagaling ito at maaaring isa ang sakit sa

balat sa mga sakit na malulunasan nito.

OO

84%

HINDI

16%

Ayon sa inyong pansariling kaalaman, iba ba ang Adult Stem Cell saEmbry onic Stem Cell ?

OO

94%

HINDI

6%

Sa inyong palagay, epektibo ba at nakapagbibigay nga ba ng mabutingepekto ang Stem Cell Therapy /Treatment ?

26

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 32/44

 

Pigura 7

 Ang mas malaking bahagi ng sagot sa katanungnag ito na oo ay mas nakapagpapatibay

na may kaalaman ang mga tagatugon, maaaring nagmula sa iba’t -ibang paraan ukol sa stem

cell bilang lunas sa mga karamdaman sa balat tulad na lamang ng pagkasunog o genetic skin

deseases.

Pigura 8

 Ang follow-up na katanungang ito na nalamangan ng mga sumagot ng oo kaysa hindi,

ay higit na pinagtitibay naman ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik na tunay

ngang nakapagpapagaling ng mga sakit sa balat ang stem cell therapy .

Pinagtitibay din nito na marami na ang mga naging pag-aaral, mga artikulo, balita sa

telebisyon, o maging mula sa mga kakilala ng mga tagatugon, na naging dahilan ng kaalaman

nila sa pagpapagaling ng stem cell therapy sa mga sakit sa balat, ang nagbibigay ng positibong

epekto nito sa kalusugan.

OO

68%

HINDI

32%

Nakapagsagawa na ba kayo ng pag-aaral o nakapagbasa na ba kayo ngmga artikulo o aklat na tungkol sa paggamit ng stem cells bilang lunas

sa mga sakit sa balat tulad ng pagkasunog ng balat at genetic skin 

diseases ?

OO

60%

HINDI

40%

Kung oo ang sagot sa tanong sa itaas, naging maganda at positibo baang mga nakalagay dito?

27

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 33/44

 

Pigura 9

 Ang sagot sa tanong na ito ay nagbigay sa mga mananaliksik ng pangkalahatang

kaalaman ng mga mag-aaral sa medisina sa maaaring maging masamang epekto rin ng stem

cell matapos ito magbigay ng magandang epekto bilang kalunasan sa sakit sa balat, o

anumang uri ng sakit basta’t ito ay naisagawa sa pasyente. 

Higit na marami ang tumugon ng wala, na maaaring magpahayag na walang tiyak naside effect na nakasasama sa tao ang stem cell . Maaaring mayroon itong side-effect  ngunit

ayon na rin sa pananaliksik ay ito ay depende sa bawat isa, kung paano tatanggapin ng

katawan ang stem cell , kaya naman iba iba ang reaksyon ng bawat tao rito, ngunit mas

nakalalamang na wala dahil sa mga sagot ng tagatugon at ayon na rin sa pananaliksik.

Pigura 10

 Ang follow-up na katanungang ito ay nagpapakita at nagbigay daan sa mga

mananaliksik na ang mga nakasaad sa itaas ang mga pinakakilalang side-effect  ng stem cell 

treatment. Ayon sa pananaliksik, ang rejection at impeksyion nga ang nangununa sa listahan ngside-effects na ito dahil nga iba iba ang katawan ng bawat tao kaya naman maaaring maganda

ang responsiveness ng isa, ngunit masama sa isa. Maaaring i-reject ng katawan ang stem cell  

lalo na kung hindi ito adult stem cell na nagmula mismo sa iyong sarili kundi ang iba pang uri ng

stem cell  lalo na ang embryonic stem cell  sapagkat ito ay isang foreign body  sa katawan.

Maaaring hindi lamang tumugon ang katawan at hindi magbigay ng kahit anong epekto ito sa

MAYROON

28%

WALA

72%

May alam ba kayong mga side effects na pwedeng makuha mula rito?

25%

25%

17%

9%

8%

8%8%

Kung mayroon ano/ano-ano ang mga ito?

Kanser

Impeksiyon

Rejection

Pagbaba ng timbang

2

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 34/44

 

kalusugan, ibig sabihin ay parang walang nalagay na stem cell , o maaari ring naming tanggihan

ito at magdulot ng mas malalang impeksyon at komplikasyon. Ngunit ayon sa pag-aaral ay

kaunti lamang ito at ito ay depende sa katawan ng tao, kaya naman nais bigyang linaw ng mga

mananaliksik ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga pagsusuri o tests muna sa pasyente

bago ito sumailalim sa stem cell therapy  upang maiwasan ang pag-reject  o impeksyon at

komplikasyon.

Pigura 11

 Ayon sa pananaliksik at hindi na rin lingid sa kaalaman ng marami na ang stem cell ,

bilang isang komplikado at matrabahong proses ng pagpapaganda ng kalusugan ng tao ay

hindi biro ang halagang ibinabayad upang maisagawa ito sa pasyente. Ayon sa iba’t ibang

pananaliksik, nagsisimula ang stem cell therapy sa labinlimang libong piso (Php 15,000) at

umaabot maging hanggang sa isa o dalawang milyong piso (Php 1,000,000  – Php 2,000,000)

depende sa uri ng stem cell , sa dami ng ilalagay sa katawan at sa kalimitang gagawin ito. Ang mga sumagot ng oo ay nagpapahiwatig na nakikita ng mga tagatugon na mayroong

kamahalan ang prosesong ito at nakikita rin nilang tama lamang at makatarungan ang halaga

kung ang epekto na rin lamang sa kalusugan ang pag-uusapan, o ang sinasabi nga nilang

worth it ang pera sa panggagamot na ito dahil maaaring tunay nga at lubos na gumaling ang

pasyenteng kanilang nalamang sumailalim sa stem cell therapy. 

Pigura 12

OO64%

HINDI

36%

Sa tingin mo, tama lang kaya o sulit nga ba ang malaking halaga nakailangan para sa Stem Cell Treatment ?

OO

90%

HINDI

10%

Mairerekomenda mo ba ito sa nakararaming Pilipino?

29

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 35/44

 

 Ayon sa kasagutan ng mga tagatugon na mas nakararami ang oo, ay irerekumenda nila

ang stem cell therapy  bilang kaganapang lunas para sa mga karamdaman ng tao.

Ipinapahiwatig nito na tunay ngang maganda ang naidudulot nito sa kalusugan dahil nagmula

na rin ang mga kasagutang ito sa mga mag-aaral ng medisina na may kaalaman sa kalusugan

ng tao.

Maaaring ang mga sumagot ng hindi ay dahil sa moral o etikal na aspeto, o maaari rin

naming dahil masyadong malaking halaga ang kailangan upang maisagawa ang prosesong ito.

 At kung ibabase sa ekonomikal na kalagayan ng bansa ay hindi pa ito handa upang gawing

pangunahing lunas ang stem cell therapy .

Pigura 13

 Ayon sa kasagutan ng mga tagatugon na mas maraming sumasang-ayon na

nalalampasan ng mas mabuting epekto ng stem cell ang isyu hinggil sa pagiging imoral nito ay

nagpapatunay na mabuti talaga ang epekto nito sa kalusugan ng tao. Maaaring hindi ito

tanggapin ng lipunan at ibang sekta ng lipunan ngunit hindi maitatangging may higit na

maganda at positibong dulot ito sa tao, sa agham at sa kalusugan.

OO

78%

HINDI

22%

Kaugnay sa isyu hinggil sa pagiging unethical ng Stem Cell Therapy/Treatment , naniniwala ka ba na higit na matimbang ang

mabuting epekto nito sa kalusugan ng tao kaysa sa pagigingunethical nito?

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 36/44

 

Panayam:

Si Dra. Grace Lopez, M.D. ay isang clinical  at cosmetic dermatologist  na aming

nakapanamayan tungkol sa stem cells, ang mga klase, gamit, at epekto nito. Tinanong ng mga

mananaliksik sa kanya kung anong uri ng stem cells ang ginagamit sa paggagamot ng iba’t

ibang mga sakit tulad ng malalang pagkasunog ng balat at kanyang sinabi na mayroong tatlong

klase ng stem cells na ginagamit: autologous, xenogeneic, at allogeneic.  Ang autologous stem

cell transplantation ay ang paraan kung saan ang stem cells na ginagamit ay mula sa pasyente

mismo. Ang mga xenogenic stem cells naman ay mga stem cells na mula sa mga hayop tulad

ng mga tupa at kuneho na may malakas na immune system kaya sila ang mga pinagkukunan.

 Ang allogenic stem cells naman ay mga stem cells na galing sa isang donor na maaaring isang

kamag-anak o kaibigan na walang sakit at may kaugmang stem cells para hindi ito tanggihan ng

katawan ng pasyente.

Tinanong ng mga mananaliksik kung saan kinukuha ang mga stem cells at ang kanyang

tugon ay maaari itong kuhanin mula sa bone marrow at mga adipose tissue o taba. Isa rin sa

mga katanungan ng mga mananaliksik kung ano ang ipinagkaiba ng embryonic stem cells at ito

raw ay tinatawag na species-specific na maaaring makasira sa mga cells at magdulot ng cyst o

tumor kaya hindi nila ito ginagamit. Ang ginagamit lang nila ay ang  precursor type na stem cells 

o organ-specific dahil ito ay tumubo o mature na at hindi tulad ng embryonic stem cells na

tutubo pa lamang, kaya maaaring tumubo ang panibagong organ na maaaring magdulot ng

komplikasyon. 

Itinanong din ng mga mananaliksik kung anong mga uri sakit ang kayang pagalingin ng

stem cells at sinabi niya na kaya ayusin ang pinsalang dinulot ng mga sakit tulad ng eczema at

 psoriasis kung ito ay natuklasan ng maaga. Kaya rin daw nitong pagalingin ang sakit na HIV

dahil ito ay nakakapag-alis ng virus nito.

 Ang ginagamit nilang stem cells ay ang xenogeneic na galing sa mga tupa. Ito raw ang

kanilang ginagamit dahil ito ay napatunayang may epektong panterapeutika. Inusisa rin ng mga

mananaliksik ang mga posibleng idulot na side-effects ng paggamit ng stem cells at sinabi ni

Dra. Lopez na maaari ngang hindi ito tanggapin ng katawan sapagkat ito ay intuturing nitong

isang foreign body . Idinagdag din niya na isang kontraindikasyon ang paggamint ng stem cells

sa mga anticoagulants, kaya hindi ito maaaring isagawa sa mga pasyenteng gumagamit ng

anticoagulants tulad ng warfarin, at hindi rin ito maaaring ibigay sa mga buntis para matiyak ang

kaligtasan ng kalusugan.

3

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 37/44

 

KABANATA 5

Paglalagom, Konklusyon at Rekomendasyon

 Ang kabanatang ito ay naglalaman ng paglalagom ng buong pananaliksik, konklusyonna nabuo mula sa mga resultang nakuha at mga rekomendasyon base sa mga suliraning

kinaharap habang isinasagawa ang pananaliksik na ito.

Paglalagom

Ilan sa pinakamahahalagang layunin ng pananaliksik na ito ay patunayan kung maari

bang gamitin at epektibo ba ang stem cell sa panggagamot ng mga malulubhang sugat tulad ng

malalang pagkasunog at mga genetic skin diseases; at ang pagtuklas sa kamalayan ng mga

Pilipino sa Stem Cell Therapy. Upang maisakatuparan ito, kinailangan ng mga mananaliksik na

maghanap ng mga kaugnay na mga pag-aaral at literatura para sa pag-unawa sa stem cells;

ano ito? Ano-ano ang iba't ibang uri nito? May mga side-effects na bang natuklasan?

Nagagamit na ba ang teknolohiyang ito ngayon sa bansa? Ilan sa mga natuklasan mula sa mga

kaugnay na pagaaral ang mga sumusunod:

 Ayon sa United States Department of Health & Human Services, National Health

Institute (2012), ang Stem Cell Therapy ay isa sa mga makabagong paraan ng panggagamot na

patuloy na pinag-aaralan ng mga eksperto. May dalawang uri ng Stem Cells, ang embryonic  

stem cells na mula sa mga embryo at ang adult stem cells na matatagpuan sa katawan ng tao

partikular sa mga tissues at organs. Ayon kina Gaelle Lapouge at Cedric Blanpain ng Université

Libré de Bruxelles (2004), ang balat daw ng tao o hayop ay may kakayahang mag-regenerate 

habang nabubuhay ang mga ito dahil sa pagkakaroon nito ng mga adult stem cells. Matapos

masugatan ang isang tao, may kakayahan ang balat na pagalingin ang sarili sa loob ng ilang

araw o lingo. Ngunit, kung ang sugat na natamo ay masyadong malubha, ang balat ng tao ay

wala ng kakayahang pagalingin ito ng walang tulong pang-mediko. Ang adult   stem cells ay

kinukuha mula sa sariling dugo ng pasyente sa pamamagitan ng paggamit ng standard blood 

draw. Sa Regenocyte Therapeutic, ang mga natural na stem cells na nasa dugo ng tao ay

nililinang upang maging milyon-milyon.

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 38/44

 

Matapos matuklasan ang mga preliminaryong kaalaman ay nagsagawa ng survey ang

mga mananaliksik. Nagkaroon ng 50 tagatugon ang mga mananaliksik na may pangunahing

layunin na matuklasan kung ginagamit ba talaga ang stem cells bilang lunas sa sakit sa balat at

kung may natuklasan ng side-effects ang paggamit ng Stem Cells. Ang naging target population

ng mga mananaliksik ay mga Medicine Students mula sa iba't ibang Unibersidad, sapagkat sila

sa lahat ng mga kursong ang tiyak na may kaalaman sa stem cells. Ninais ng mga mananaliksik

na maintindihan ang pagkakaiba ng adult stem cell at embryonic stem cell ; kung paano at saan

ito nakukuha; kaya nagsagawa rin ng mga panayam sa mga eksperto o doktor ang mga

mananaliksik upang mapagtibay ang resulta ng survey at makumpirma kung nagagamit na nga

ba talaga ang stem cell sa panggagamot sa sakit sa balat.

Konklusyon 

Matapos ang isinagawang sarbey sa mga mag-aaral ng medisia at panayam sa isang

dalubhasang si Dra. Grace Lopez, M.D. na may angking kaalaman sa paksa ng pag-aaral ay

nakabuo ang mga mananaliksik ng konklusyon ukol sa pag-aaral na ito sa stem cells bilang

lunas sa mga sakit sa balat tulad ng pagkasunog at genetic skin diseases.

Masasabi ng mga mananaliksik na kahit na hindi pa tuwirang itinuturo sa kolehiyo ang

paraan ng panggagamot na gamit ang stem cells, may angking kaalaman pa rin ang mga mag-

aaral tungkol dito dahil sa mga nababasang libro o artikulo na nagtataglay ng mga

impormasyon at pag-aaral tungkol sa paksang ito. Maraming mga mag-aaral ng medisina ang

naniniwala na mas matimbang ang mabuting epekto ng paggamit ng stem cell sa katawan

kaysa sa mga unethical na isyu na kasama nito. Masasabing maganda itong senyales na may

kamalayan ang bahagi ng lipunang may kinalaman sa agham lalo na ang mga nagnanais

maging doktor.

Ginagamit na sa ilang mga ospital tulad ng Makati Medical Center sa bansa ang stem

cells bilang paraan ng panggagamot ng mga sakit sa balat tulad ng malubhang pagkasunog at

genetic skin diseases.

 Ang  Adult Stem Cells at Embryonic Stem Cells ay napatunayan ding may malaking

pagkakaiba mula sa paraan ng pagkuha o pag-culture, paraan ng paglagay nito sa tao

hanggang sa epekto nito. Napatunayan rin na ang uri ng Stem Cells na ginagamit sa

33

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 39/44

 

panggagamot ng mga sakit sa balat na nabanggit ay mga Tissue Stem Cells na mula sa Adult 

Stem Cells.

Ilan sa mga side-effects sa katawan ng tao ang paggamit ng mga stem cells tulad ng

impeksiyon, rejection ng ating katawan, kanser, anemia, at iba pa.

Pinatunayan ng pananaliksik na ito na ang stem cells ay kasalukuyan nang ginagamit sa

bansa. Samakatuwid, epektibo ito at maaaring gamitin sa panggagamot sa mga sakit sa balat

pati na rin sa pagpapaganda nito. Marami na ring Pilipino ang sumailalim sa panggagamot

gamit ang stem cells na walang naramdamang side-effects hanggang sa ngayon.

Nagpapatunay din ito na marami na ring Pilipino ang nakaaalam sa ganitong klase ng

teknolohiya ng panggagamot.

Rekomendasyon 

Patungkol sa mga mag-aaral o mananaliksik kaugnay ang stem cells. Inirerekomenda

ng mga mananaliksik na magkaroon ng mas malawak na target population. Maliban sa mga

mag-aaral ng Medisina ay mas mainam kung isasama rin ang mga mag-aaral na may kursong

Molecular Biology at mga kursong kaugnay ng Biotechnology at ang mga  pasyente na dumaan

na sa proseso ng stem cell treatment . Sa pamamagitan nito, higit na mapagtitibay na ang stem

cells ay epektibo at walang side effects na naggaling mula sa mga nag-aaral tungkol dito at ang

mga nakaranas na ng teknolohiyang ito. Inirerekomenda rin ang higit na maraming panayam

mula sa mga propesyonal at doktor na nanaliksik at gumagamit ng ganitong uri ng

panggagamot. Sa tulong nila, mas mauunawaan at maipapaliwanag ang pananaliksik at higit sa

lahat, magiging higit na konkreto ang pananaliksik.

34

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 40/44

 

BIBLIYOGRAPIYA

 A., D. (2003-2004). Adult Stem Cells: 19 Issues L. & Med. 265.

 Atala, A. (2013). Handbook of Stem Cells (2nd edition). NC: nthony Atala Wake Forest

University Department of Urology Winston-Salem,.

Burns. (2010). review , 450-460.

Cavazza A., M. F. (2012 Aug 13). Gene therapy of skin adhesion disorders. Curr Pharm

Biotechnol. , 10.

De Luca M., P. G. (2009). Gene therapy of inherited skin adhesion disorders: a critical overview.

Ducheyne, P. (2011). Comprehensive Biomaterials.

Elsin, Y.M. (2003). Tissue Engineering, Stem Cells & Gene Therapies. New York: Springer-

Verlag.

Friedman, Lauri S., and Hal Marcovitz. Is Stem Cell Research Necessary? Referencepoint

Press, 2009.

Haerens, Margaret. Embryonic and Adult Stem Cells. San Diego: Greenhaven Press, 2009.

Henry Young, A. B. Adult Stem Cells. Macon, Georgia: Department of Pediatrics, Mercer 

University School of Medicine.

Irina Klimanskaya, R. L. (2006). Methods in Enzymology. 1-534.

Kilner, John, et al. Basic Questions on Genetics, Stem Cell Research and Cloning: Are These

Technologies Okay to Use? Grand Rapids: Kregel, 2002.

Marzilli, Alan. Stem Cell Research and Cloning . New York: Chelsea House, 2007.

Mummery C., Sir Wilmut I., Van A., De, et. al., (2010). Stem Cells: Scientific Facts and Fiction.

U.S.A : Elsevier Inc., Academic Press

Panno, Joseph. Stem Cell Research: Medical Applications and Ethical Controversy. New York:

Checkmark, 2006.

Potten, Christopher S., Robert B. Clarke, James Wilson, and Andrew G. Renehen, eds. Tissue

Stem Cells. New York: Informa Healthcare, 2006.

Prentice, David A. Stem Cells and Cloning . 2nd ed. San Francisco: Benjamin Cummings, 2008. 

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 41/44

 

Robert Lanza, John Gearhart, (2009). Essentials of Stem Cell Biology. U.S.A. : Elsevier Inc.,

 Academic Press

Shi Y., Clegg D.O., (2008). Stem Cell Research and Therapeutics. California, U.S.A.: Springer 

S. T. Q. Zeng, L.K. Marki. Stony Brook, NY, USA : State University of New York-Stony

Brook,.

Snow, Nancy E., ed. Stem Cell Research: New Frontiers in Science and Ethics . Notre Dame,

IN: University of Notre Dame Press, 2005.

Taupin, P., (2008). Stem Cells and Regenerative Medicine, Volume III: Pharmacology and 

Therapy. New York : Nova Publishers Inc.

Van Zyl, B., (2009). How Adult Stem Cell Therapies Can Save Your Life: Medicine's Best Kept 

Secret . U.S.A : iUniverse Inc.

Wertz, Dorothy C. “Embryo and Stem Cell Research in the USA: A Political History.” Trends in

Molecular Medicine 8 (2002): 143-146.

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 42/44

 

APPENDIX

Appendix A: Talatanungan

36

Pigura 14

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 43/44

 

Appendix B: Liham Pahintulot 

3

Pigura 15

7/14/2019 Fil 2(Thesis) -Kamalayan Sa Stem Cells Bilang Lunas Sa Malubhang Sugat Sa Balat Tulad Ng Malalang Pagkasunog…

http://slidepdf.com/reader/full/fil-2thesis-kamalayan-sa-stem-cells-bilang-lunas-sa-malubhang-sugat-sa-balat 44/44

 

Appendix C: Mga Litrato kasama si Dra Grace Lopez, M.D. (Pebrero 9, 2013)

Pigura 16

3