5
IMPORMASYON MAHITUNGOD SA SAKIT SA BATO (KIDNEYS) I. ANO ANG BATO O KIDNEY A. KAALAMAN TUNGKOL SA URINARY TRACT SYSTEM KUNG SAAN ANG BATO AY KABAHAGI/ANG MGA BAHAGI NG URINARY TRACT SYSTEM 1. BATO/KIDNEYS Ang bawat ta a! "a!#ng $%ang &a#'% ng bat na "atatag& an %a $* #ang ba+ag$ ng t$!an, %a *a $wa at *anang tag$ $#an ng -'#t'b#a "n. Ang "ga $t a! * a! "a& a & ang t%*a at' 0a+$ %a "a#a"$ng gat n$t. Ang bat a! "a!#ng "$ ! n "$ !ng n'&+#n%/ ' na % "a%a a %a 0 g &ang $+$wa a! at $ta&n ang "a# # "$ng $*$0 %a % "a%a"a %a $+$. . URETERS Ang #'t'#% a! $%ang &a#'% na t b na + "$g$t * " ang %a 12 13 0a $ $n +'% ang +aba at "a! %a $*a wa ng (1/3) 0a $ ang wang 0$a"'t#. D$t 0 "a0a ! ang $+$ng nagb b +at %a bat &at ng Sa &antg * ng %aan $t !a &an%a"anta ang na$$&n. 4. PANTOG (URINARY BLADDER) It a! *a+a $nt a0 %a $%ang % &t na !a#$ %a "ga +$"a!"a! ng a"an at $t$0 na "atatg& an %a ba+ag$ ng &' -$% * ng %aan ang $+$ a! &an%a"anta ang na$$&n. Ma*a*a#a"0a" ang $%ang ta ng &ag $+$ *a&ag ang &antg a! nag a a"an nan g 56 466 " , baga"at $t a! "aa#$ng "ag a"an ng 0a awang b'%'% na 0a"$ n$t. 2. URETHRA It a! 0a !an ng $+$ na nagb b +at %a &antg &ag&a aba% ng *atawan. Ka&ag nag&a&a$+$ ang $%ang ta, ang #'t+#a #$7 ' na na%a $babang ba+ag$ ng &antg a! b b *a% at 0a0a ! ang $+$ %a #'t+#a &a aba%. II. BAKIT MAHALAGA ANG BATO? A. ANO ANG MGA GA8AIN /NATUTULONG NITO SA KATA8AN NG TAO UPANG MANATILI ITONG MALUSOG9 1. Ang bat !a nag%a%a a ng t b$g at ' ' t# !t'% ng *atawan . In$ a aba% ng bat ang %b#ang t b$g %a *atawan at$n$$wan a"ang ang "ga %an*a& na *$na*a$ angan n$t. It a! g "agawa ng "ga *'"$*a na *a$ angan &ang &anat$ $+$ng "a %g ang *atawan. S$na%a a ng bat ang 0 g, $t a! &ang $+$wa a! at $ta&n ang "ga 0 "$ %a *atawan na na*a*a a%n. P#0 *t $t ng "'tab $%" ng *atawan na $n$ a aba% %a &a"a"ag$tan ng &ag $+$. 4. Ang "ga bat a! "$ $*+a ng +#"n' na '#!t+#&$'t$n, $t a! t"t ng %a bn' "a##w na "$*+a nang & ang %' ! a ng 0 g.

Esrd BroadcAST

Embed Size (px)

DESCRIPTION

ESRD

Citation preview

IMPORMASYON MAHITUNGOD SA SAKIT SA BATO (KIDNEYS)

I. ANO ANG BATO O KIDNEY

A. KAALAMAN TUNGKOL SA URINARY TRACT SYSTEM KUNG SAAN ANG BATO AY KABAHAGI/ANG MGA BAHAGI NG URINARY TRACT SYSTEM

1. BATO/KIDNEYSAng bawat tao ay mayroong isang pares ng bato na matatagpuan sa likurang bahagi ng tiyan, sa kaliwa at kanang tagiliran ng vertebral column. Ang mga ito ay kulay mapula-pulang tsokalate dahil sa maraming ugat nito. Ang bato ay mayroong milyun-milyong nephrons/cell na sumasala sa dugo upang ihiwalay at itapon ang maruruming likido sa sumasama sa ihi.

2. URETERSAng ureters ay isang pares na tubo na humigit kumulang sa 14-18 dali inches ang haba at may sa ika-walong (1/8) dali ang luwang o diametro. Dito dumadaloy ang ihing nagbubuhat sa bato patungo Sa pantog kung saan ito ya pansamantalang naiipon.

3. PANTOG (URINARY BLADDER)Ito ay kahalintulad sa isang supot na yari sa mga himaymay ng laman at litid na matatgpuan sa bahagi ng pelvis kung saan ang ihi ay pansamantalang naiipon. Makakaramdam ang isang tao ng pag-ihi kapag ang pantog ay naglalaman nan g 250-300 ml, bagamat ito ay maaring maglaman ng dalawang beses na dami nito.

4. URETHRAIto ay daluyan ng ihi na nagbubuhat sa pantog pagpalabas ng katawan. Kapag nagpapaihi ang isang tao, ang urethral orifice na nasa ibabang bahagi ng pantog ay bubukas at dadaloy ang ihi sa urethra palabas.

II. BAKIT MAHALAGA ANG BATO?A. ANO ANG MGA GAWAIN /NATUTULONG NITO SA KATAWAN NG TAO UPANG MANATILI ITONG MALUSOG?

1. Ang bato ya nagsasala ng tubig at electrolytes ng katawan2. Inilalabas ng bato ang sobrang tubig sa katawan atiniiwan lamang ang mga sankap na kinakailangan nito. Ito ay gumagawa ng mga kemikal na kailangan upang panatilihing malusog ang katawan. Sinasala ng bato ang dugo, ito ay upang ihiwalay at itapon ang mga dumi sa katawan na nakakalason. Produkto ito ng metabolismo ng katawan na inilalabas sa pamamagitan ng pag ihi.3. Ang mga bato ay lumilikha ng hormone na erythropoietin, ito ay tumutulong sa bone marrow na lumikha nang pulang selyula ng dugo.4. Mahalaga ang bato sa pagsasaayos ng presyon ng dugo. Ito ay sa pamamagitan ng pag ayos ng blood volume o dami ng dugo at asin (sodium) sa katawan. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglikha ng angiotensin, isa ring kemikal na galing sa bato.

III. BAKIT MAHALAGA ANG MAGPA-EKSAMEN NG IHI MINSAN SA ISANG TAON?

A. Ang pag eksamen sa ihi o urinalysis ay isang mabisa, simple at murang paraan upang malaman kung may problema sa ihi na maaring sinyales ng sakit sa bato. Sa pagsusuri ng ihi sa laboratory, maaaring Makita kung may protina, glucose, dugo o nana sa ihi na mga palatandaan nh sakit. Isa o ilan man sa mga palatandaan na Makita sa ihi ay nangangailangan ng masusing pagsususring isang doktor

IV. ANO ANG WASTONG PARAAN NG PAGKOLEKTA AT PAGDALA NG IHI SA LABORATORYO?A. Ang ihi sa umaga ang pinkamainam na kolektahin para sa eksaminasyon sa laboratoryB. Maghanda nng 50 ml na steriladong bote na lalagyan nang ihi na ibinibigay sa barangay health center.C. Maghugas nang kamay. Hugasan mabuti ang uri ng tubig at sabon.D. Padaluyin ang unang ihi at isahod sa lalagyan ang kalagitnaan nito (midstream) hanggang 2/3 puno.E. Isarang mabuti ang takip ng lalagyan at isulat sa nakadikit na label na lalagyan ang pangalan ng pasyente at oras ng pag kolektaF. Dalhin kaagad sa laboratory ang ihi. Kailangan maeksamen ito sa loob ng dalawang oras pagkakolekta. Kung hindi kaagad madadala, ilagay muna sa refrigerator. Kung malayo ang lugar na panggagalingan patungo sa laboratory, ilagay sa container na may yelo ang bote ng ihi

V. BAKIT MAHALAGA NA ITAGUYOD AT PALAGANAPIN ANG KAALAMAN UKOL SA PAG IWAS SA SAKIT SA BATO?DAHIL ANG SAKIT SA BATO AY ISANG PANGANIB SA KALUSUGAN AT BUHAY NG TAO KUNG HINDI MATUTUKLASAN NG MAAGA AT MABUBIGYAN NG KAUKULANG LUNAS. A. Sa ngayon, ang sakit sa bato ay pang-sampu sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas. Ang nanungunang dahilan ng paglubha nang karamdaman ay ang hindi magap na pagkatuklas nito. Maaring walang makitang sintomas o palatandaan sa isang taong may sakit sa bato lalo na sa simula nito. Ito ay maaring malaman lamang kapag nagpa eksamin ng ihi o nagpa suri sa doctor. Kapag hindi nalaman , ang sakit na ito ay maaring lumala at mauwi sa estado na di na maibabalik sa normal na kundisyon ng mga bato, katulad ng END STAGE RENAL DISEASE (ESRD) O CKD V.B. Ito ay maaaring magdulot ng emosyonal at psychological na alalahanin di lamang sa pasyente kundi pati na sa kanyang pamilya.C. Ang malaking halaga na gugugulin sapagpapagamot, dialysis, transplantation o pagtustus sa habang buhay na pag-inom ng anti-rejection drugs ay malaking pasanin ng pasyente at pamilya.D. Ang pisikal na kondisyon katulad ng panghihina, wlang ganang kumain at iba pang pagbabago sa katawan dulot ng karamdaman ay makaaapekto sa normal na Gawain ng pasyente. Ang trabaho ay maari ring maapektohan sa madalas na di pag pasok o dahil sa maraming oras na gugugulin sa pagpapagamot.

VI. ANO ANG MGA SAKIT SA BATO AT ANG KANILANG MGA PALATANDAAN O SINTOMAS?

A. Urinary Tract InfectionImpeksyon o pamamaga ng daluyan ng ihi. Ito ay kondisyon ng pagdami ng mga organismo o mikrobyo sa bato, sa ureter at sa pantog.a. Upper Urinary Tract Infection1. Pyelonephritis o impeksyon sa bato- nilalagnat, giniginaw, nagsusuka, pagsakit ng tiyan/ tagiliran, pag iinit ng katawan kapag umiihib. Lower Urinary Tract Infection1. Cystitis o impeksyon sa pantog-masakit sa ilalim ng puson bago umihiB. GlomerolunephritisSakit sa bato na namamaga ang mga maliliit na ugat sa nephrons o blood filters. Bagamat nagiging sakit din ito ng mga matatatnda, ang kalimitang nagkakasakit nito ay mga bata. Ang maaring pagsimulan nito ay ang tonsillitis, pharyngitis o impeksyon sa balat- pamamanas, altapresyon, pamumula ng ihi, kulay tsaa o coke na ihi, pag dalang ng ihiC. Nephrosis o Nephrotic Syndrome- ito ay kondisyon na nagkakaroon ng sobrang protina ang ihi at sobrang pamamanas ng katawan.-pamamanas ng talukap ng mga mata, mukha, mga binti at paa, pisngi, tiyan (buong katawan) at ihi na mabula.D. Renal Calculi-ito ay kondisyon na nagkakaroon ng bato (stone) sa bato (kidney)E. Renal Failure- ito ay pagkakalason ng dugo sanhi ng malubhang pagkasira ng mga bato. Ito ay kondisyon na wala ng ganap na kakayahan ang dalawang bato na gawin ang kanilang tungkulin. Karaniwan ito ay nakikita sa End Stage Renal Disease (ESRD) kung kalian ang may sakit ay nangangailangan nan g dialysis o kidney transplant operation.

VII. ANO-ANO ANG MGA PARAAN UPANG ITAGUYOD ANG MALUSOG NA PANGANGATAWAN?A. UMINOM NG 8-10 (ADULT), 6-8 (BATA) BASONG TUBIG ARAW ARAW (PARA SA MGA NORMAL ANG BATO)B. Pamalagiin ang kalinisan ng katawan.C. Ugaliin ang araw araw na pagdumi.D. Huwag pigilan ang ihi.E. Isanguni sa doctor ang anumang impeksyon sa lalamunan at balatF. Huwag paglaruan ang maseselang bahagi ng katawn tulad ng ari.G. Ugaliin ang taunang pagpapasuri ng ihiH. Kumain ng pagkaing masusutansya, hindi sobrang maalat o matamis.I. Magpakuha ng presyon ng dugo dalawang beses sa isang taon.J. Mag ehersisyo araw-araw ayon sa kakayahan ng katawan.K. Kumpletuhin ang kailangang bakuna o imunisasyon sa bataL. Huwag manigarilyoM. Uminom lamang ng gamut kung may peskripsyon ng doctor.N. Kung nais uminom ng herbal supplements, kumunsulta muna sa doctor.

REFERENCE:RENAL DISEASE CONTROL PROGRAM (REDCOP) http://www.redcop.org