12
0 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan - Modyul 8: Ang Dignidad ng TAo Zest for Progress Zeal of Partnership 7 Pangalan ng mag-aaral: ___________________________ Baitang at Seksyon: ___________________________ Paaralan: ___________________________

eal of artnership Edukasyon sa PagpapakataoDignidad ng TAo Z est for P rogress Z eal of P artnership 7 ... Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda

  • Upload
    others

  • View
    17

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: eal of artnership Edukasyon sa PagpapakataoDignidad ng TAo Z est for P rogress Z eal of P artnership 7 ... Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda

0

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan - Modyul 8: Ang

Dignidad ng TAo

Zest for Progress

Zeal of Partnership

7

Pangalan ng mag-aaral: ___________________________

Baitang at Seksyon: ___________________________

Paaralan: ___________________________

Page 2: eal of artnership Edukasyon sa PagpapakataoDignidad ng TAo Z est for P rogress Z eal of P artnership 7 ... Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda

1

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

1. Napatutunayan na ang

a. paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang

mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili at b. ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging

pantay at magkapareho nilang tao (EsP7PT-IIh-8.3)

2. Naisasagawa ang mga konkretong paraan upang ipakita ang paggalang at pagmamalasakit sa mga taong kapus-palad o higit na nangangailangan kaysa sa kanila (EsP7PT-IIh-8.4)

Panuto: Tunghayan ang mga kasunod na mga salita. Tukuyin

ang ipinahahayag ng bawat aytem sa letrang a, b, at c tungkol sa larawan.

Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Gabay mo ang unang bilang. a. Madalas na katawagan sa kanila ng mga tao

b. Ang iyong damdamin kapag nakakikita ka ng mga tao na tulad niya sa kalye

c. Paraan ng pakikitungo sa kanila ng mga tao 1. Pulubi

2. Down syndrome

3. Basurero

4. Pilay

5. Pulitiko

a. Pulubi b. Naaawa c. Pinandidirihan, nilalayuan, iniiwasan

ALAMIN

BALIKAN

a. b.

c.

a. b. c.

a.

b. c.

a. b.

c.

Page 3: eal of artnership Edukasyon sa PagpapakataoDignidad ng TAo Z est for P rogress Z eal of P artnership 7 ... Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda

2

Panuto: Gamit ang concept map. Isulat ang iba’t ibang kaugnay na

konsepto ng DIGNIDAD. Pag-ugnayin sa pamamagitan ng arrow ang magkakaugnay na konsepto. Nasa ibaba ang isang halimbawa ng magiging

pormat ng gawain.

PANTAY NA PAGKILALA SA DIGNIDAD, SA KAPWA AY IBIGAY

Saan ngayon nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang tao? Ang

pagkakapantay-pantay ng tao ay nakatuon sa kaniyang dignidad bilang tao

at ang karapatan na dumadaloy mula rito.

Paano mo maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng

isang tao?

Una, pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin, hindi siya

isang bagay o behikulo upang isakatuparan ang isang bagay na ibig

mangyari. Lalong hindi dahil siya ay nagtataglay ng mga katangiang

mapakikinabangan. May ilang mga taong nagiging makasarili na ang tingin

TUKLASIN

SURIIN

DIGNIDAD

Page 4: eal of artnership Edukasyon sa PagpapakataoDignidad ng TAo Z est for P rogress Z eal of P artnership 7 ... Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda

3

sa tunay na saysay o halaga ng kaniyang kapwa ay batay sa pakinabang na

maaari nilang makuha mula rito. Maraming kompanya na binabale-wala na

lamang ang maraming taong serbisyo ng kanilang mga empleyado sa

dahilang hindi na sila kasimproduktibo at epektibo noong sila ay bata pa at

malakas. Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa

pagtanda. At lalo’t higit hindi sila katulad ng isang bagay na basta na

lamang itatapon at isasantabi kung luma na at wala nang pakinabang. Wala

man siyang tinapos na kurso, siya man ay bata o matanda o may espesyal

na kondisyon, ay nararapat na igalang.

Ikalawa, ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay

ibinibigay hangga’t siya ay nabubuhay. Dapat ay patuloy mong

isinasaalang-alang at hinahangad ang lahat ng makabubuti para sa iyong

kapwa. Halimbawa, ang pagmamahal ng anak sa magulang ay dapat walang

pasubali o walang hinihintay na kapalit (unconditional). Hindi nararapat na

mabawasan ang paggalang ng anak sa kaniyang mga magulang kapag ang

mga ito ay tumanda na at naging mahina. Mahalagang iyong isaisip at

isapuso: Ang tao ang pinakabukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos dahil

sa taglay niyang isip at kilos-loob. Nakatatanggap tayo ng labis-labis na

biyaya, pagmamahal at pagpapahalaga mula sa Kaniya. Kung minsan bulag

tayo sa katotohanang ito kung kaya nakararamdam tayo ng kakulangan.

Hinahanap natin sa ating sarili ang lahat ng ating nakikita sa ating kapwa.

Sa ganitong paraan, inaakala natin na tayo ay napagkakaitan. Ang di

matinag na karangalang taglay ng tao ay ang pinakamahalagang ari-arian

ng isang tao. Nagmumula ang kahalagahang ito hindi sa anumang

―mayroon‖ ang isang tao kung hindi ano siya bilang tao.

Kung ang lahat ng tao ay mabibigyang-linaw ukol sa bagay na ito,

hindi na magiging mahirap ang pagpapanatili ng mataas na antas ng

dignidad ng bawat tao sa anumang uri ng lipunan.

TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA

1. Paano mo maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng

tao?

Page 5: eal of artnership Edukasyon sa PagpapakataoDignidad ng TAo Z est for P rogress Z eal of P artnership 7 ... Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda

4

2. Bakit mahalaga ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng tao?

Gawain: PANANALIKSIK!

Panuto: Ang ating pamahalaan ay naglulunsad ng mga programang

kumikilala at makapagpapaangat ng dignidad ng tao. Magsagawa

ng pagsasaliksik at magtala ka ng 2-3 programa ng pamahalaan

na kumikilala sa dignidad ng lahat ng tao at ng mga

napababayaang sektor ng lipunan (marginalized). May inihandang

halimbawa sa ibaba.

Programa/

Proyekto

Layunin Paano nito naiaangat ang

dignidad ng tao

Special Education

Upang bigyan ng pantay na

pagkakataong makapag-aral ang mga taong may

kapansanan

Naitatanim sa isip ng mga batang may espesyal na pangangailangan

at sa kanilang mga magulang na kinikilala ng pamahalaan ang kanilang kahalagahan bilang

bahagi ng lipunan.

1.

2.

3.

4.

5.

PAGYAMANIN

Page 6: eal of artnership Edukasyon sa PagpapakataoDignidad ng TAo Z est for P rogress Z eal of P artnership 7 ... Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda

5

Panuto: Makikita sa ibaba ang isang DIGNITY BAROMETER.

1. Tayahin kung ano ang estado niyongsariling dignidad sa kasalukuyan. Isa (1) ang pinakamababa at sampu (10) ang pinakamataas.

2. Batay sa iyong ginawang pagtataya sa iyong sarili, sagutin ang tanong na: Ano ang aking nararapat na gawin upang maging

karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng aking kapwa? 3. Gawin mong malikhain ang iyong presentasyon sa gawaing ito.

May inihandang halimbawa sa ibaba para sa iyo. 4. Kumusta kaibigan? Nag-enjoy ka ba? Napagtagumpayan mong

muli ang nagdaang gawain. Gamitin mong gabay ang gawaing

ito sa araw-araw, maging paalala sana ito sa iyo sa bawat araw ng iyong tungkulin para sa iyong sarili at sa iyong kapwa.

Matapos na mapalawak mo ang iyong kaalaman at kakayahan tungkol sa dignidad, lalabas ka na sa iyong kapwa. Hindi sapat na

naiangat mo ang sarili mong dignidad, kailangang makatulong ka upang maiangat ang dignidad ng iyong kapwa. Ito ang nagbibigay ng

kabuluhan sa buhay ng tao. Kung kaya, gagawin mo sa bahaging ito ang gawaing: DIGNIDAD NG KAPWA KO, IAANGAT KO.

Panuto: 1. Pumili ka ng sinuman sa pamilya, sa iyong mga kaibigan

o hindi mo man kakilala sa pamayanan na sa iyong palagay ay mababa ang pagtingin o tiwala sa kaniyang sarili. Narito ang

ilan sa mga palatandaan ng taong may mababang pagtingin sa kanyang sarili:

a. Hindi tiyak sa patutunguhan ng kanyang buhay.

b. Maraming nakikitang pagkakamali sa kanyang buhay at sa ibang tao. Maraming mga negatibong palagay at paghuhusga.

c. Hindi nakalilimot sa mga nagdaang karanasan na pinaniniwalaang dahilan kung bakit hindi na siya maaaring magpatuloy mabuhay nang masaya.

d. Pinapahirapan o sinasaktan nang madalas ang kanyang sariling kalooban at mahirap na magpatawad sa sarili at sa kapwa.

e. Hindi nakikita ang saya o galak sa anumang kanyang ginagawa.

f. Tinitingnan ang sarili na higit mababa kumpara sa ibang tao.

2. Kausapin mo siya at tulungang maiangat ang kaniyang pagpapahalaga sa sarili.

3. Ilapat mo ang mga hakbang na iyong natutuhan mula sa babasahin.

D I G

N I

T Y

B A R

O M

E T

E R

ISAISIP

ISAGAWA

Page 7: eal of artnership Edukasyon sa PagpapakataoDignidad ng TAo Z est for P rogress Z eal of P artnership 7 ... Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda

6

4. Huwag kang mapapagod hangga’t hindi mo siya nakikitaan ng palataandaan ng pag-angat ng kaniyang pagpapahalaga sa kaniyang

sarili. 5. Isulat sa isang diyaryo journal ang lahat ng mga pangyayari sa bawat

araw na ikaw ay nakikipag-usap sa kaniya at itala mo rin ang pag-unlad sa bawat araw na iyong nakikita sa kaniya.

6. Kapag napagtagumapayan mo ito, nakatulong ka na sa kapwa mo, Madaragdagan pa ang iyong tunay na kaibigan.

Maraming Pagpipilian

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang

pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang unang hakbang upang mapahalagahan mo ang dignidad ng

isang tao?

A. Pahalagahan mo ang iyong sarili

B. Pahalagahan mo ang tao bilang tao

C. Pahalagahan mo ang mga bagay na mahalaga sa iyo

D. Pahalagahan mo ang iyong dignidad

2. Hanggang kailan ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao?

A. Habang siya ay nabubuhay

B. Habang siya ay mahirap

C. Habang siya ay mayaman

D. Habang siya ay may kapansanan

3. Ano ang tawag sa pagmamahal na alang pasubali o walang hinihintay na

kapalit katulad ng pagmamahal ng magulang sa anak?

A. Uncomfy C. Mercy

B. Unconditional D. Grace

4. Kung ang tao ay bulag sa katotohanan, ano ang kanyang

nararamdaman?

A. Karamdaman C. Kakulangan

B. Kasiyahan D. Kalungkutan

5. Saan nakatuon ang pagkapantay-pantay ng mga tao?

A. Sa isip at kilos-loob C. Sa kanyang Sarili

B. Sa dignidad D. Sa konsensya

6. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?

A. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.

B. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng

talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang tao.

PAGTATAYA

Page 8: eal of artnership Edukasyon sa PagpapakataoDignidad ng TAo Z est for P rogress Z eal of P artnership 7 ... Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda

7

C. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang

maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng

ating pagkatao.

D. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa

kanila natin matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal

at espiritwal.

7. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?

A. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan

B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya

C. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula

rito

D. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig

8. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad

maliban sa:

A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.

B. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.

C. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng

pagkakataon

D. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang

pakikitungo sa iyo.

9. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang

tao?

A. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.

B. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.

C. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo

sa mga ito.

D. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang

pagmamahal at pagpapahalaga.

10. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng

kanyang kapwa?

A. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan

ng isang empleyado na tumatanda na

B. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa

na nangangailangan ng kanyang tulong

C. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa

pamahalaan

Page 9: eal of artnership Edukasyon sa PagpapakataoDignidad ng TAo Z est for P rogress Z eal of P artnership 7 ... Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda

8

D. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba.

11. Ano ang pinakamahalagang ari-arian ng tao?

A. Ang kanyang karangalan C. Ang kanyang Konsensya

B. Ang kanyang sarili D. Ang kanyang talino

12. Ano ang unang nasa isip ng mga kumpanya kapag mayroong aplikante

na may kapansanan?

A. Hindi nila kaya ang stress sa trabaho

B. Hindi sila matalino

C. Hindi sila marunong magsalita sa mga tao

D. Hindi nila kaya ang magtrabaho

13. Ang tao ang pinakabukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos dahil sa

taglay niyang_____________________.

A. lakas C. talino

B. isip at kilos-loob D. konsensya

14. May ilang mga taong nagiging makasarili na ang tingin sa tunay na

saysay o halaga ng kaniyang kapwa ay batay ___________________.

A. sa pakinabang na maaari nilang makuha mula rito

B. sa kanilang kakayahan

C. sa kanilang pananampalataya sa Diyos

D. sa kanyang pakikipagkapwa-tao

15. Ano ang halimbawa ng paggalang sa tao hangga’t ito ay nabubuhay?

A. Paggalang sa mga magulang kahit sila ay matanda na

B. Paggalang sa asawa kahit marami na siyang anak

C. Paggalang sa mga guro kahit sila ay hindi nagtuturo sa klase

D. Paggalang sa mga kapatid kahit sila ay hindi mabait

Page 10: eal of artnership Edukasyon sa PagpapakataoDignidad ng TAo Z est for P rogress Z eal of P artnership 7 ... Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda

9

Sangunian:

Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul para sa

Mag-aaral, DepEd-BLR,p. 183-205

Susi sa Pagwawasto

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Tzualqarnain E. Asmawil

TAYAHIN

1. B 2. A

3. B 4. C

5. A 6. D

7. C 8. D 9. C

10. A 11. A

12. D 13. B

14. A 15. A

Page 11: eal of artnership Edukasyon sa PagpapakataoDignidad ng TAo Z est for P rogress Z eal of P artnership 7 ... Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda

10

Teacher I, Basilan NHS, Isabela CityDivision Editor: Jonathan Gilbert E. Cruz, SST-II

Tagasuri: Aimee A. Torrevillas, SST-III

Tagaguhit:

Tagalapat:

Tagapamahala: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS

Maria Laarni T. Villanueva, OIC-ASDS

Eduardo G. Gulang, SGOD Chief

Henry R. Tura, CID Chief

Elsa A. Usman, LR Supervisor

Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator

Page 12: eal of artnership Edukasyon sa PagpapakataoDignidad ng TAo Z est for P rogress Z eal of P artnership 7 ... Hindi nawawala ang pagiging tao at ang kaniyang dangal dahil sa pagtanda

11

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX Our..

Eden... Land...

My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd

Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, Gladly now I go to give thee this faded life's best, And were it brighter, fresher, or more blest Still would I give it thee, nor count the cost. On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Others have given their lives, without doubt or heed; The place matters not-cypress or laurel or lily white, Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, T is ever the same, to serve our home and country's need. I die just when I see the dawn break,

Through the gloom of night, to herald the day; And if color is lacking my blood thou shalt take,

Pour'd out at need for thy dear sake To dye with its crimson the waking ray.

My dreams, when life first opened to me, My dreams, when the hopes of youth beat high, Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea From gloom and grief, from care and sorrow free; No blush on thy brow, no tear in thine eye. Dream of my life, my living and burning desire,

All hail ! cries the soul that is now to take flight; All hail ! And sweet it is for thee to expire ; To die for thy sake, that thou mayst aspire; And sleep in thy bosom eternity's long night. If over my grave some day thou seest grow, In the grassy sod, a humble flower, Draw it to thy lips and kiss my soul so, While I may feel on my brow in the cold tomb below The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Let the moon beam over me soft and serene, Let the dawn shed over me its radiant flashes, Let the wind with sad lament over me keen ;

And if on my cross a bird should be seen, Let it trill there its hymn of peace to my ashes.

Let the sun draw the vapors up to the sky,

And heavenward in purity bear my tardy protest Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh, And in the still evening a prayer be lifted on high From thee, 0 my country, that in God I may rest. Pray for all those that hapless have died, For all who have suffered the unmeasur'd pain; For our mothers that bitterly their woes have cried, For widows and orphans, for captives by torture tried And then for thyself that redemption thou mayst gain And when the dark night wraps the graveyard around

With only the dead in their vigil to see Break not my repose or the mystery profound

And perchance thou mayst hear a sad hymn resound 'T is I, O my country, raising a song unto thee.

And even my grave is remembered no more Unmark'd by never a cross nor a stone Let the plow sweep through it, the spade turn it o'er That my ashes may carpet earthly f loor, Before into nothingness at last they are blown. Then will oblivion bring to me no care

As over thy vales and plains I sweep; Throbbing and cleansed in thy space and air With color and light, with song and lament I fare, Ever repeating the faith that I keep. My Fatherland ador'd, that sadness to my sorrow lends Beloved Filipinas, hear now my last good -by! I give thee all: parents and kindred and fr iends For I go where no slave before the oppressor bends, Where faith can never kil l, and God reigns e'er on high! Farewell to you all, from my soul torn away, Friends of my childhood in the home dispossessed! Give thanks that I rest from the wearisome day!

Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved creatures all, farewell! In death there is rest!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of meeting my responsibility to the past, and the task of performing my obligation to the future.

I sprung from a hardy race, child many generations removed of ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance of new land that was to be their home and their children’s forever.

I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.

The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the insignia of my race, and my generation is but a stage in the unending search of my people for freedom and happiness.

I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance, was my mother, and my sire was the West that came thundering across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of

the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has bound his limbs, and start moving where destiny awaits.

I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge that has come ringing down the corridors of the centuries, and it shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears when first they saw the contours of this land loom before their eyes, of the battle cries that have resounded in every field of combat from Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:

―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom shall have been added unto my inheritance—for myself and my children and my children’s children—forever.‖