10
Banghay-Aralin sa Hekasi VI (Unang Markahan) Inihanda ni Gng. Luningning R. Racasa, Master Teacher I-VPES Pagpapahalaga at Paniniwalang Nagbubuklod sa mga Pilipino I. Layunin: 1. Nakikilala ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino. 2. Naiisa – isa at naitatala ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino. 3. Nakalalahok nang masigla sa pangkatang gawain. II. Paksang- aralin 1. Pagpapahalaga at Paniniwalang Nagbubuklod sa mga Pilipino. 2. Batayan: BEC I-B 2 p. 16 Pilipinas: Bansang Papaunlad 6 pp. 44 – 45 Ang Bayan Kong Mahal pp. 56 Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa pp.32-46 Kultura, Kasaysayan, at Kabuhayan pp. 32-38 4. Mga Kagamitan Mga larawan na nagpapakita ng mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino. Tsart 5. Integrasyon: Edu. sa Pagpapahalaga - Pagpapahalaga sa mga paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino III. Mga Gawain / Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1.Pag-uulat

Downloaded Lesson Plan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Leesson Plan in makabayan

Citation preview

Page 1: Downloaded Lesson Plan

Banghay-Aralin sa Hekasi VI

(Unang Markahan)

Inihanda ni Gng. Luningning R. Racasa,

Master Teacher I-VPES 

 

 Pagpapahalaga at Paniniwalang Nagbubuklod sa mga Pilipino

 

I. Layunin:

            1. Nakikilala ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino.

            2. Naiisa – isa at naitatala ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga

                  Pilipino.

            3. Nakalalahok nang masigla sa pangkatang gawain.

 

II. Paksang- aralin

             1. Pagpapahalaga at Paniniwalang Nagbubuklod sa mga Pilipino.

             2. Batayan:

                          BEC I-B 2 p. 16

                          Pilipinas: Bansang Papaunlad 6 pp. 44 – 45

                           Ang Bayan Kong Mahal pp. 56

                          Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa pp.32-46

                          Kultura, Kasaysayan, at Kabuhayan pp. 32-38

             4. Mga Kagamitan

                        Mga larawan na nagpapakita ng mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod

                            sa  mga  Pilipino.

                        Tsart

             5. Integrasyon:

                     Edu. sa Pagpapahalaga - Pagpapahalaga sa mga paniniwalang nagbubuklod sa mga

Pilipino

 

  III. Mga Gawain / Pamamaraan     

       A. Panimulang Gawain

           1.Pag-uulat

           2. Balik – aral

                       Anu-ano ang pangkat etniko sa bansa?

                       Paano nagkakatulad ang mga hilig at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino?

 

Page 2: Downloaded Lesson Plan

           3. Pagganyak:

                       Nakakita na ba kayo ng mga mamamayang nagtutulong-tulong upang ilipat ang  isang

bahay?

                       Ano ang tawag sa ganitong gawain?

                       Ano ang ipinapakita ng bayanihan sa mga mamamayan?

                       Paano ito masasabi na isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino?

                       Paano nito nabubuklod ang mga Pilipino?

 

        B. Panlinang na Gawain:

              1. Pagbubuo ng Suliranin:

                       Anu-ano ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa mga Pilipino?

 

              2. Pangkatang Gawain:

                       a. Idikit sa paligid ng silid-aralan ang mga sumusunod na larawan:

                            Pamilyang Nagsisimba                       All Souls day

                            Bayanihan                                         Pamilyang Nagtutulungan

                            Bayaning Nakikipaglaban para sa Kalayaan

                            Mamamayang Nakikipagtulungan sa Pamahalaan

                            Pamilyang Nagdadamayan kung may kasalan, namatayan, at iba pang okasyon

 

                         b. Isang makabayang awitin ang pakikinggan 

                         c. Pagsimula ng tugtog, pupunta ang bawat grupo sa mga larawang nakadikit sa  

                                  bawat paligid ng silid-aralan

                         d. Pag-aralan ang pagpapahalaga at paniniwalang nagbubuklod sa Pilipino na

                                  ipinahihiwatig ng mga larawan.

             3. Pag-uulat ng bawat pangkat.

             4. Pagtatalakayan:

                    a. Paano nabubuklod ang mga Pilipino sa bayanihan? Kasalan? Pagdiriwang ng araw

                         ng patay? Pasko? Bagong taon? Pananalig sa Diyos? Pagpapahalaga sa 

                         Demokrasya at kalayaan?

                    b. Alin sa mga pagpapahalagang ito ang ginagawa ng inyong pamilya? Bakit?

                    c. Sa palagay mo, alin sa mga pagpapahalaga natin ang dapat panatilihin at hindi?

                        Bakit?

 

         C. Pangwakas na Gawain:

Page 3: Downloaded Lesson Plan

                    1. Pagbubuo ng kaisipan sa pamamagitan ng graphic organizer

                              Anu-anong pagpapahalaga at paniniwala ang nagbubuklod sa mga Pilipino?

     2. Paglalapat:

                    Sa inyong barangay sa ngayon, alin-aling pagpapahalaga at paniniwala ang nakikita o

isinasagawa pa ?

                    Paano nyo ito sinasagawa?

                    Nakatutulong ba ito upang ang mamamayan sa inyong lugar ay magkabuklod? Bakit?

                 

                  3. Pagpapahalaga:

                     Mahalaga ba na panatilihin natin ang ating mga pagpapahalaga at paniniwala? Bakit?

                     Paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa ating mga paniniwala?

                     Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapalaganap at mapapahalagahan ang mga

                           magagandang pagpapahalaga at paniniwala ng ating lahi?

 

 IV. Pagtataya:

                   Basahin ang mga pangungusap. Isipin kung anong pagpapahalaga ng mga Pilipino ang     

ipinahihiwatig ng bawat isa. Piliin ang sagot sa kasunod na talaan.

                        1. Naghimagsik ang mga Pilipino laban sa mga dayuhang nais na sumakop sa kanila.

                        2. Ang mga mamamayan ang pumipili ng mga pinunong mamamahala sa bansa.

                        3. Magkakatulad sa mga tinatamasang karapatan at kalayaan ang mga mahihirap at

                                mayayaman.

                        4. Hindi tumatanggap ng anumang regalo o suhol ang mga pinuno at kawani ng

pamahalaan sa mga serbisyong ibinibigay ng mga ito sa mga tao.

                        5.Sinisikap ng tao na na gumagawa ng mabuti sa kapwa habang siya ay nabubuhay.

                        6. Kapag minamahal natin ang ating mga kapwa gumagawa tayo ng kabutihan sa kanila.

                        7. Pinararaan natin ang pagkakataong makapagpapa-unlad sa kabuhayan, huwag

                                  lamang malayo sa pamilya.

                        8. Ginagawang dekorasyon sa tahanan ang diploma ng mga anak na nagtapos sa pag-

                                   aaral.

                        Paniniwala sa kabilang buhay             Kalayaan

                        Pagkakapantay-pantay                         Katapatan sa paglilingkod

                        Demokrasya                                          Pag-ibig sa kapwa

                        Edukasyon                                            Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak

                        Maayos na pagtanggap sa bisita

Page 4: Downloaded Lesson Plan

 

 V. Takdang –aralin:

          Gumupit ng mga larawang nagpapakita ng mga pagpapahalaga at paniniwala ng mga Pilipino.

Idikit ito sa bond paper at ilagay sa folder.

Page 5: Downloaded Lesson Plan

Lesson Plan in Sibika at KulturaApril 7, 2006 · 9 Comments · UncategorizedI.Layunin:

 A.Nakikilala ang  magagandang tanawin at pook pasyalan ng sariling pook/bansa.

 B.Nailalarawan angmagagandang tanawin at pook pasyalan ng  sariling pook/bansa.

    Naiguguhit ang magandang tanawin ng Bulkang Mayon.

    Pagmamalaki at Pagpapahalaga

II. Pinag-isang Tema: Pilipinong Makabayan

    Paksa: Pilipinas ang Magandang Bansa

    Kaisipan: Mahalin at Ipagmalaki ang bansa

    Sanggunian: Sibika at Kultura1

                       PELC1.B.8

III. A.Panimulang Gawain:

        Balik-aral

        Ipakita ang larawan ng Talon ng Pagsanjan at Hundred Islands. Saan matatagpuan

Page 6: Downloaded Lesson Plan

        ang Talon ng Pagsanjan? Bakit marami ang dumarayo roon?

  B. Panlinang na Gawain

      1. Pagganyak

          Nakakita na ba kayo ng bulkan o isang larawan nito? Maganda ba ito o

          nakakatakot?

       2. Paglalahad:

           a. Sa saliw ng awiting iparirinig ay ganyakin ang mga batana ipikit ang

               mga mata at magkaroon ng imaginary trip sa isang magandang pook.

               Anong pook ang inyong narating? Ilarawan ang mga bagay na inyong nakita sa

               inyong isip.

             b.Sa pamamagitan ng larawan ay magpakita ng ibat-ibang magandang tanawin o

                pook pasyalan.

         3. Pagtatalakay

Page 7: Downloaded Lesson Plan

             Ipakita ang mga larawan ng mga batang nagkaroon na ng pagkakataong

             makapunta sa mga pook na ito.

             Bakit ito dinarato ng mga Pilipino at dayuhan? Ano ang nadama nila sa pagka-

             karoon ng Pilipinas ng magandang tanawing ito?

   C. Pangwakas na Gawain:

       1. Paglalahat

           Pumili ng isang larawan at hayaang magsabi ang mga bata kung bakit napili ang

           larawan ng tanawin o pook pasyalan.

        2. Paglalapat:

            a. Dapat mo bang ipagmalaki ang magagandang tanawin sa Pilipinas? Bakit?

            b. Iguhit ang paglubog ng araw sa isang puting papel.

IV. Pagtataya:

     Isulat sa patlang ang T kung tama ang pangungusap at M kung mali.

Page 8: Downloaded Lesson Plan

     1. Dinarayo ng mga turista ang ating magagandang tanawin.

     2. Matatagpuan sa Albay ang Bulkang Taal.

     3. Sa Quezon matatagpuan ang Talon ng Pagsanjan.

     4. Ang Banawe Rice Terraces ay ginawa ng mga Ifugao.

     5. Dapat nating ipagmalaki ang magagandang tanawin.

V. Takdang Aralin

     Maghanap ng larawan ng paglubog ng araw at idikit sa bond paper.

VI. Karagdagang Gawain:

     Gumuhit ng isang magandang tanawin ng bansa na gusto mo.