Discourse Analysis Sample

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Halimbawa ng Discourse Analysis ng isang patalastas. Ginamit ko rito ang S-P-E-A-K-I-N-G ni Dell Hymes

Citation preview

TAN, Mary Ann CBPS 1-12014-01163-MN-0Ika-11 ng Hulyo, 2014Paggamit ng Diskors Analisis sa Isang Patalastas Lo, Karen PoTagpuan: McDonaldsNaglalakad si Gina papuntang mesa, bitbit ang isang tray.Lolo: Saan ka ba nanggaling Gina?Karen: Lo, Karen po. (habang inaabot ang isang hamburger sa kanyang lolo)Lolo: Kasi ang tagal na nating hindi nagkikita, Gina.Karen: Lolo: O sige, kain na Gina.Karen: Karen po.Lolo: Ito para sa paborito kong apo si Karen.Ang napili kong gawaan ng pagsusuri ng diskurso ay ang patalastas ng McDonalds na may pamagat na: Lo, Karen Po. Ang napili ko namang paraan sa pagsusuri ng patalastas na ito ay ang S-P-E-A-K-I-N-G ni Dell Hymes. Sa pamamraang ito, sinuri ko ang mga sumusunod:Setting at Scene: Ang tagpuan ay sa McDonalds. Gabi noong araw na iyon at may kalamigan dahil sa airconditoner ng McDo habang ang mabubuo namang eksena ay ang panginginain ng mag-lolo.Participants: Ang mga taong kasangkot sa patalastas ay sina Kare at ang Lolo niya.Ends: Ang layunin ng usapan ay matama ng apo ang kanyng lolo na hindi siya si Gina kundi si Karen taliwas sa iniisip/inaakala nito.Act Sequence: Nagkaroon ng palitan ng kumbersasyon sa pagitan ng maglolo. Nagsimula ito nang yayain ni Karen ang kanyang lolo na kumain na dahil hawak na ni Karen ang kanilang inorder. Nagkaroon din ng palitan ng ideya sa pamamagitan ng pagbibigay ng saloobin ng kanyang lolo (speaker) sa unang bahagi ng patalastas kung saan ine-enkowd niya ang ideya niyang si Karen ay si Gina habang ang kanyang apo naman ay siyang nagdedekowd ng ideyang ipinadala ng kanyang lolo sa pamamagitan ng pakikinig at panaka-nakang pagtatama ng kanyang lolo. Mayroon ding bahagi sa patalastas kung saan napabuntong-hinininga na lamang ang dalaga. Ngunit, sa huling bahagi nito ay makikita ang pagmamahal ng lolo sa kanyang paboritong apo na si Karen.Keys: Ang pamamaraan ng pagsasalita ng mga kasangkot sa patalaastas ay pormal at may paggalang. Gaya na lamang sa panig ni Karen dahil kahit hindi siya naiintindihan ng kanyang lolo ay naroroon pa rin ang paggalang niya at ang pormalidad ng kanilang pag-uusap. Ditto rin lumitaw ang modelo ng komunikasyon na komunikasyong pantao at interaksyon.Instrumentalities: Naiparating ang ikinukubling kahulugan sa pamamagitan ng pasalita. Gamit ang pasalita, nabigyanng diin ang bagay na itinatago sa kaibuturan ng puso ng dalaga tungkol sa kanyang lolo. Ngunit, sa huli ay siya rin ang bahagyang nagulat dahil sa paglalahad ng kanyang lolo na kahit puro nalang si Gina ang hinahanap niya ay mananatili at nananatiling si Karen pa rin ang kanyang paboritong apo.Norms: Ipinakita ng patalastas na ito na ang paggalang/pagrespeto ng apo sa kanyang lolo dahil sa pangongopo at dahil pilit nitong iniintindi at nagtitimpi kahit na medyo nasasaktan siya sa maling ideolohiya ng kanyang lolo.Genre: Ang proseso ng komunikasyon ay simpleng kwentuhan dahil ito ay kinapapalooban ng pagtatanong ng lolo at ang pagsagot naman ng apo niyang si Karen. Kinapapalooban rin ito ng pagpapaliwanag kung titignan naman natin ang anggulo ni Karen dahil itinatama niya ang kanyang lolo sa pamamagitan ng pagsasabing Lo, Karen po.