41
ARALIN 2: MGA SINAUNANG PAMUMUHAY SA ASYA Yugto: Linangin/ Firm-up

Dinastiya sa japan

Embed Size (px)

Citation preview

ARALIN 2: MGA SINAUNANG

PAMUMUHAY SA ASYA

Yugto: Linangin/ Firm-up

1. Flag Identification

2.

3. This flag consists of a white

background with a red circle in the middle. The circle in the middle of the flag represents the sun. Its name translates to "The land of the rising sun." The white represents honesty and purity and the red disc is a sun symbol meaning brightness, sincerity and warmth.

PAKSA: MGA DINASTIYA SA JAPAN

Grapikong Pantulong sa Gawain

FOCUS QUESTIONPaano nakatulong ang

kabihasnan sa pagbabago, pag-unlad

at pagpapatuloy ng kabihasnan tungo sa

pagkakakilanlang Asyano?

Proseso ng Gawain 1. Basahin ang sipi ng aralin mula sa Batayang Aklat: Ang Asya sa Sinaunang Panahon: Silangan at Hilagang Asya pp.172-188 2.Gawin ang Flow Chart tungkol sa daloy ng mga Mahahalagang Pangyayari sa Silangan at Hilagang Asya. Itala kung kailan naganap ang pangyayari. 3. Itala ang mahahalagang pangyayari sa Flow Chart. Itala din kung anong aspeto ito ng pangyayari. (tulad ng kabuhayan, lipunan, edukasyon, paniniwala, sining at kultura,pagpapahalaga at iba pa). 4. Magkaroon ng pag- uulat pagkatapos masagutan ang chart upang masuri ng lubos ang bawat pangyayari sa bawat rehiyon. 5. Katulong sa pagsagot ng mga gawain ay ang kasunod na mahahalagang sipi na babasahin.6. Sagutin ang Pamprosesong Tanong.

Task Card 2: Silangang Asya

TASK NEEDS

Pamprosesong Tanong (LM- ph. 140) 5. Ano ang mga mahalagang pangyayari sa

panahon ng Hapones? 6. Ilarawan ang Minamoto at Ashikaga ?

ano ang mahalagang ambag nila sa pamumuhay at lipunang Hapones ?

7. Paano naka impluwensiya ang kulturang hapones sa paghubog ng pamumuhay ng mga Silangang Asyano ?

8. Paano nakatulong ang heograpiya ng hilagang Asya sa pag-usbong ng kanilang kabihasnan?

I

II

III

IVPAGBIBIGAY REAKSYON

Pangkatang Gawain

Pre-view to Japan..... Tulad ng Korea, nababalot sa alamat ang

pinagmulan ng Japan. Ayon sa alamat, ang unang emperador ng Japan ay si JimmuTenno. Sinakop niya ang mga Kalabangangkan na nasa kapatagan ng Kyushu at Honshu noong 600 B.C.E. Banal si Jimmu Tenno dahil siya ay apo ni Amaterasu o ang diyosa ng araw. Lumawak ang kontrol ngYamato na angkan ni Jimmu Tenno saJapan. Kalaban din ng Yamato ang mga Ainu mas naunang nanirahan sa Japan kaysa mga tinatawag na Hapones ngayon. Unti unting itinaboy tungo sa hilagang islang Hokkaido ang mga Ainu.

Mga Dinastiya sa Japan (LM. ph. 139)

Ang Liping Yamato at Nara. Ito ang paglaganap ng impluwensyang Tsino at Japan. Naging

tulay ang Korea sa pagdating ng Buddhism at Confiucianism. Itinayo ang lunsod ng Nara noong 710 C.E. Itinayo ang kapital ng Japan sa Heian. Si Fujiwara Kamatari ang batang emperador na naging regent. Ang regent ang siyang namamahala sa ngalan ng emperador. Namayani ang eleganteng pagsusulat ng tula, sining ng calligraphy, at pananamit. Naisulat sa panahong ito ang dakilang nobela na “The Tale of Genji” ni Murasaki Shikibu o Lady Murasaki. Nagkaroon ng labanan ng mga angkang aristokratiko sa huling bahagi ng panahong Heian, Lumitaw ang grupong bushi at samurai. Nabuo ang tradisyong military na nakapaloob sa Bushido. Pagkatapos ng Heian ay sumunod ang bakufu.

Gawain 7: Flowchart ng mga Pangyayari (LM- ph.139)

Itala sa flowchart ang mahahalagang pangyayari sa Silangang Asya (Japan)

Si Fujiwara Kamatari

Panahon ng YamatoAt Nara

Ang Panahon ng Yamato at Nara

Ang panahon ng Yamato noong circa 300-720 C.E. at Nara noong 710-794 C.E. ay panahon ng paglalaganap ng impluwensiyang Tsino at Japan. Naging tulay ang Korea sa pagdating ng Buddhism at Confucianism. Kaakibat nito ang pamahalaan, batas, pagkain, arkitektura, at sistema ng pagsulat ng mga Tsino. Nagsimulang lumawak ang kapangyarihan ng emperador sa pamamagitan ng Repormang Taika at binuo ang isang sentralisadong pamahalaang halaw sa China. Itinayo ang lungsod ng Nara noong 710 C.E. Ito ang pinakaunang permanenteng lungsod sa Japan na kinopya sa lungsod ng Chang An sa China.

Ang Fujiwara ( 794-1185 C.E.)

Itinayo ang bagong kabisera ng Japan sa Heian (Kyoto sa kasalukuyan) noong 794 C.E at natapos noong 1185 C.E. Nagpatuloy ang paghihiram ng kulturang Tsino at sentralisasyon ng estado sa panahong ito. Ngunit maisasantabi ang emperador ng makapangyarihang angkan ng Fujiwara. Nagsimula ito nang maging regent si Fujiwara Kamatari ng batang emperador. Ang regent ang siyang namamahala sa ngalan ng emperador. Namahagi ang Fujiwara ng lupa sa mga angkang aristokratiko. Ngunit unti unting nawala ang kontrol ng pamahalaan sa mga pribadong lupain ng mga aristokratiko at mula rito, lumitaw ang mga independenteng Han o lupain na kontrolado ng mga daimyo o pinunong piyudal.

Si Fujiwara Kamatari

Panahon ng YamatoAt Nara

Murasaki Shikibu o

Lady Murasaki

Murasaki Shikibu o Lady Murasaki

Nagkaroon ng labanan ng mga angkang aristokratiko sa huling bahagi ng panahon ng Heian. Nabuo ang mga pribadong hukbo o puwersang militar dahil sa pagtindi ng labanan. Lumitaw ang grupong bushi (mandirigma) at samurai (nangangahulugang “ang mga naglilingkod”) mula sa aristokrasya. Sila ang mandirigma na nagtatanggol sa mga daimyo. Kasabay nito ang pagbubuo ng tradisyong militar na nakapaloob sa Bushido o “Alituntunin ng Karangalan”. Mahalaga sa tradisyong ito ang katapatan, karangalan, at katapangan. Naging mahusay sa paggamit ng espada at pana, at pagsakay sa kabayo ang mga samurai. Kaugnay sa tradisyon ng Bushido ang ritwal ng seppuku o harakiri na nangangahulugang marangal na pagpapatiwakal.

Si Fujiwara Kamatari

Panahon ng YamatoAt Nara

Murasaki Shikibu o

Lady Murasaki

Panahonng

Heain

Panahong Heian

Ang pagtatapos ng panahong Heian ay hudyat ng pagbubuo ng bakufu o pamahalaang militar sa Japan. Sa pamahalaang militar, iisang angkan ang naging dominanteng makapangyarihang politikal ayon sa dami ng kontroladong samurai at malawak na lupain. Isang shogun o dakilang heneral ang namumuno sa pamahalaan kung kaya kilala rin ito sa pangalang shogunato. May tatlong shogunato na nabuo sa Japan. Ito ang shogunato ng Minamoto, Ashikaga, at Tokugawa. Sa panahon ng shogunato, nawalan ng politikal na kapangyarihan sa pamahalaan ang emperador bagama’t nanatili siya bilang simbolo at para gampanan ang mahahalagang ritwal ng Shinto.

Mga Shogunatong Minamoto,

Ashikaga, at Tokugawa.

Panahonng

Heain

Si Fujiwara Kamatari

Panahon ng YamatoAt Nara

Murasaki Shikibu o

Lady Murasaki

Ang Minamoto (1185-1333 C.E.)

Unang shogunato sa Japan ang Minamoto. Natalo ng angkang Taira. Itinayo ang lungsod ng Kamakura bilang sentro ng pamahalaan. Sa panahong ito nangibabaw ang aristokratikong bushi at samurai. Namayani ang sistemang piyudal kung saan ang mga daimyo ay kailangang sumunod sa shogun. Ngunit ang mga daimyo ay nanatiling makapangyarihan sa sariling sakop na teritoryo.

Sa panahong ito naganap ang dalawang beses na paglusob ng mga Mongol sa Japan noong 1274 at 1281. Ngunit sinalubong ng malalakas na bagyo ang pagsalakay na ito ng Mongol kung kaya nasalanta ng malakas na ulan at alon ang mga barko na sinasakyan ng sumasalakay na Mongol. Tinawag na kamikaze o banal na hangin ang mga bagyong ito na simbolo ng proteksiyon ng mga kami o espiritu sa mga Hapones.

Ang Ashikaga (1333-1568 C.E.) Napalitan ng angkang Ashikaga ang

Minamoto noong 1333. Inilipat din ang sentro ng pamahalaan sa Muromachi. Sa panahong ito, hindi lubusang nakontrol ang mga hiwa-hiwalay na daimyo kung kaya nagpatuloy ang labanan hanggang sa tuluyang sumiklab ang digmaang sibil noong 1573. Nagtapos ang pamumunong Ashikaga noong 1568.

Ang Shogunato ng Tokugawa

(1600-1868 C.E.) Ang pagkakaisa sa Japan ay naibalik

sapamamagitan ng tatlong dakilang mandirigma sina Oda Nobunaga, Toyotomi Hideyoshi, at Tokugawa Ieyasu. Si Oda Nobunaga (1534-1582) ay isang makapangyarihang daimyo.Sinimulan ni Nobunaga ang paggapi sa iba pang daimyo at pagkontrol sa mga Buddhist. Pinatay siya ng sarili nitong vassal noong 1852 at pinalitan naman ni Toyotomi Hideyoshi(1536-1598).

Toyotomi Hideyoshi

o Upang lalong maging matatag ang kanyang pamamahala, ipinag-utos ni Hideyoshi ang direktang pagbubuwis sa mga magsasaka at ipinagbawal ang Kristiyanismo sa Japan. Ipinag-utos din niya ang pagsalakay sa Korea. Nang mamatay siya noong 1598, si Tokugawa Ieyasu (1542-1616) ang pumalit matapos matalo ang iba pang karibal sa digmaan ng Sekigahara.

Tokugawa Ieyasu

Ang mga

Daimyo at

Bakufu

Mga Shogunatong Minamoto, Ashikaga,

at Tokugawa.

Panahonng

Heain

Si Fujiwara Kamatari

Panahon ng YamatoAt Nara

Murasaki Shikibu o

Lady Murasaki

Ang Digmaan ng Sekigahara

Itinatag ni Ieyasu ang isang sentralisadong

pamahalaang militar batay pa rin sa sistemang piyudal. Hinati sa tatlong uri ang mga daimyo:

ang shimpan daimyo o mga kaugnay na angkan;

ang fudai daimyo o kasaping angkan; at tozama daimyo o tagalabas na angkan.

Ang mga tozama ay dating kalaban ng Tokugawa nanapasailalim sa kanila. Upang mangyari ito, ipinatupad ng Tokugawa ang sistema ng sankin kotai o pagbisita ng mga daimyo sa Edo(ngayon ay Tokyo) bawat dalawang taon. Samantala habang sila ay nasa kanilang lupain, ang asawa at anak ng mga daimyo ay sapilitang pinanatili sa Edo.

The samurai were not just warriors. Their lives were governed by Bushido in battle and also in their normal life. Bushido is rules of conduct which are followed by the samurai. This explains why Bushido is also called “The way of the Samurai.”

SAMURAI AT BUSHIDO

7 VIRTUE OF

Talasalitaan:

Benevolence- pantay na pamamalakad ng isang autoridad.

Rectitude- pag-uugali na nagpapakita ng pagiging tapat, at may mataas na moral sa lipunan.

Courage- pagpapakita ng pagiging matapang na pagharap sa ano mang pagsubok.

Politeness- kaasalan sa paggawa ng tama o mabuti. Loyalty- pagiging tapat at pagpapakita ng suporta sa tao

o bagay/bansa. Honesty- pagsasabi ng katotohanan o pagiging totoo,

pagsunod sa batas at taliwas sa salitang panloloko. Honour- mataas na pananaw sa pagtitiwala sarili sa

paggawa at pagdesisyon ng tama o mabuti.

Ang mga

Daimyo at Bakufu

Mga Shogunatong Minamoto, Ashikaga,

at Tokugawa.

Panahonng

Heain

Ang Digmaan ng Sekigahara

Si Fujiwara Kamatari

Panahon ng YamatoAt Nara

Murasaki Shikibu o

Lady Murasaki

Sa larangan ng kultura, naging sikat sa hanay ng mga samurai ang Zen Buddhism. Nagbago ang sining sa paglitaw ng kabuki na isang uring teatro at ng haiku na isang uri ng tula. Sa kabilang banda, bumuti ang agrikultura at lumaki ang populasyon sa Japan dahil sa kapayapaan sa loob ng panahong Tokugawa.

Apat na Uring Panlipunan

 Malakas ang kalakalan at lumitaw ang uring mangangalakal. Ang tradisyonal na lipunang Hapones ay nahahati sa apat na uring panlipunan: ang samurai, magsasaka, artisano, at mangangalakal. Marami sa mga Hapones ang marunong sumulat at magbasa dahil laganap ang paggamit ng sistema ng pagsulat na tinatawag na katakana at hiragana.

Ang mga

Daimyo at Bakufu

Mga Shogunatong Minamoto, Ashikaga,

at Tokugawa.

Panahonng

Heain

Ang Digmaan ng Sekigahara

Si Fujiwara Kamatari

Panahon ng YamatoAt Nara

Murasaki Shikibu o

Lady Murasaki

Ang mga Bushido

at Samurai

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Reaksyon sa daloy ng mga Pangyayari sa Silangang Asya

(Mga Dinastiya sa Japan)

PangkatangGawain

Pamprosesong Tanong (LM- ph. 140) 5. Ano ang mga mahalagang pangyayari sa

panahon ng Hapones? 6. Ilarawan ang Minamoto at Ashikaga ? Ano

ang mahalagang ambag nila sa pamumuhay at lipunang Hapones ?

7. Paano nakaimpluwensiya ang kulturang hapones sa paghubog ng pamumuhay ng mga Silangang Asyano ?

8. Paano nakatulong ang heograpiya ng hilagang Asya (Japan) sa pag-usbong ng kanilang kabihasnan?

I

II

III

IVPAGBIBIGAY REAKSYON

Mag TRI-Question Tayo!(LM ph. 140-141)Mga Pangyayari Ano ang bahaging ginampanan ng

pangyayaring ito sa kanilang bansa na kinabibilangan ?

Bakit mahalaga ang mga pangyayaring

ito sa kanilang bansa ?

Paano nakatulong sa pagbuo at

paghubog ang mga pangyayaring

ito sa kanilang pamumuhay ?

( JAPAN) Naisulat sa

panahong ito ang dakilang

nobela na The Tale of Genji ni

Murasaki Shikibu o Lady

Murasaki. Nagkaroon ng

labanan ng mga angkang

aristokratiko sa huling bahagi ng panahong

Heian.

May tatlong shogunato na nabuo

sa Japan. Ito ang shogunato ng

Minamoto, Ashikaga, at Tokugawa. Sa

panahon ng shogunato, nawalan

ng politikal na kapangyarihan sa pamahalaan ang

emperador bagama’t nanatili siya bilang

simbolo at para gampanan ang

mahahalagang ritwal ng Shinto.

Ang pagkakaisa sa Japan ay naibalik

sapamamagitan ng tatlong dakilang mandirigma sina Oda Nobunaga,

Toyotomi Hideyoshi, at

Tokugawa Ieyasu. Si Oda Nobunaga

(1534-1582) ay isang

makapangyarihang daimyo.

Namayani ang eleganteng

pagsusulat ng tula, sining ng

calligraphy, at pananamit. Naisulat sa

panahong ito ang dakilang nobela na “The Tale of Genji”

ni Murasaki Shikibu o Lady

Murasaki.

Mga Pangyayari Ano ang bahaging ginampanan ng

pangyayaring ito sa kanilang bansa na kinabibilangan ?

Bakit mahalaga ang mga pangyayaring

ito sa kanilang bansa ?

Paano nakatulong sa pagbuo at

paghubog ang mga pangyayaring

ito sa kanilang pamumuhay ?

( JAPAN) Lumitaw ang

grupong samurai. Nabuo ang tradisyong

military na nakapaloob sa

Bushido. Pagkatapos ng

Heian ay sumunod ang

bakufu.

Itinatag ni Ieyasu ang isang sentralisadongpamahalaang militar batay pa rin sa sistemang piyudal. Hinati sa tatlong uri ang mga daimyo: ang shimpan daimyo o mga kaugnay na angkan; ang fudai daimyo o kasaping angkan; at tozama daimyo o tagalabas na angkan.

Malakas ang kalakalan at lumitaw

ang uring mangangalakal. Ang

tradisyonal na lipunang Hapones ay nahahati sa apat na

uring panlipunan. Marami sa mga Hapones ang

marunong sumulat at magbasa dahil laganap ang

paggamit ng sistema ng pagsulat na tinatawag na

katakana at hiragana.

Sa larangan ng kultura, naging sikat

sa hanay ng mga samurai ang Zen

Buddhism. Nagbago ang sining sa

paglitaw ng kabuki na isang uring teatro at ng haiku na isang

uri ng tula. Sa kabilang banda,

bumuti ang agrikultura at lumaki ang populasyon sa

Japan dahil sa kapayapaan sa loob

ng panahong Tokugawa

Note: Maaaring sagutin ang takda at iba pang mga katanungan sa https://www.edmodo.com/homeCode: 8-4 (cwh3xf), 8-5 (93pb66), 8-6 (7nrm8e), 8-12 (tvdghw), 8-14 (t2mnjt), 8-17 (2tmcfr)

TAKDA/GAWAING

BAHAY

SALAMAT PO!

MR. LAWRENCE B. DUQUEA.P TEACHER TONDO H.S