1
L aganap na ngayon ang pagkakaroon ng diabetes. Maaari mong makuha ang sakit na ito dahil namana mo ito sa iyong magulang o di kaya naman ay bunga ng iyong unhealthy lifestyle. Sa kabutihang palad, may mga kaso ng diabetes na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabago ng ating mga kinagawian. Maaaring maiwasan ang paglala o pagkakaroon ng diabetes kung (1) laging mageehersisyo, (2) papanatilihing tama lang ang iyong timbang (gamit ang BMI), at (3) laging babantayan ang iyong kinakain. DIABETES FOOD PYRAMID Pinakamahalaga ang pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa starch gaya ng tinapay, cereals at kanin. Sikaping maka-anim o higit pa na servings nito kada araw. Tumutulong ito upang mapanatili sa normal na antas ang iyong blood sugar at nakapagbibigay din ng enerhiya sa mga cells sa iyong katawan. Mainam kung iyong pipiliin ang brown rice sa halip na white rice; steel-cut oats sa halip na processed cereals o instant oatmeal; at whole-grain bread sa halip na white bread. Sumunod ang mga prutas at gulay. Tiyaking maka-limang prutas o gulay kayo kada araw. Mayaman kasi ang mga prutas at gulay sa fiber na maaaring (1) makatulong sa pagpapabuti ng iyong blood sugar control at sa gayo’y mapababa ang panganib ng pagkakaroon ng diabetes, (2) magpababa ng posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso, at (3) makatulong sa pagbabawas ng timbang. Sunod ang pagkain ng karne at/o pag-inom ng gatas. Ang mga ito ay sagana sa protina, bitamina at mineral. Kung ikaw ay buntis, mainam na damihan ang iniinom na gatas kada araw. Huli ang pagkain ng mga matatamis nang hindi sobra-sobra. Taliwas sa pag-aakala ng karamihan, maaari pa rin namang kumain ng mga matatamis ang mga taong may diabetes basta sisiguruhin lang nila babawasan nila ang kanilang kinakaing matamis. Ang Diabetes Food Pyramid ay nagsisilbing gabay sa kung ano ang dapat kainin ng mga taong may diabetes, kailan dapat kumain at gaano karami ang kailangan nilang kainin bawat araw upang mapanatiling stable ang kanilang blood sugar level. IBA’T IBANG URI NG DIABETIC DIET Pritikin Diet binubuo ito ng pagkain ng prutas, gulay, whole grains, atbp. na mataas sa carbohydrates at roughage/ dietary fiber. Sinasamahan ang diet na ito ng pageehersisyo. Glycemic Index (G.I.) Diet layunin nito na pababain angiyong glycemic index. Binubuo ito ng pag-iwas sa mga pagkain tulad ng patatas at white bread at sa halip ay pagkain ng mga multi-grain at sourdough breads, legumes at whole grains (mga pagkain na mas mabagal maconvert sa glucose). Low Carb Diet minumungkahi nito ang paunti-unting pagtatanggal ng carbohydrates sa iyong diet at ang pagpapalit nito ng mani, karne, itlog, abokado, gulay, atbp. na maaring makatulong upang mawala ang diabetes. Ang taba (fats) ang magiging pangunahing panggagalingan ng calories para sa katawan. Gayunpaman, dapat isaisip na dapat iwasan ang mga saturated fats sa diet na ito sapagkat pinapataas nito ang blood cholesterol na maaaring maging salik sa pagkakaroon ng sakit sa puso. High Fiber Diet binibigyang importansya sa diet na ito ang pagkonsumo ng mga pagkaing mataas sa fiber gaya ng prutas at gulay. Mainam ang pagkain ng mga ito sapagkat hindi lamang nila kokontrolin ang iyong blood sugar level kundi maaari pa silang makatulong sa pagpapanatili o pagbabawas ng iyong timbang. Paleolithic Diet nakabatay ang diet na ito sa pagkain ng mga ligaw na halaman at hayop na laging kinokonsumo ng mga tao dati noong Paleolithic era. Binubuo ang diet na ito ng pagkain ng mga isda, hayop na kumakain ng damo, prutas, mani, halamang ugat at ang pag-iwas sa mga grains, legumes, dairy products, asin, refined sugar, at processed oils. Vegan Diet isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagbabawas ng pagkain ng karne. Nakakatulong ang low-fat vegan diet sa pagpapataas sa ating glycemic control. REFERENCE: http://www.helpguide.org/life/healthy_diet_diabetes.htm http://diabetes.niddk.nih.gov/dm/pubs/eating_ez/ http://www.lifeclinic.com/focus/diabetes/diet.asp http://en.wikipedia.org/wiki/Diabetic_diet CHARISS M. GARCIA BA DEVELOPMENT STUDIES

Diabetology

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Diabetology

L aganap na ngayon ang pagkakaroon ng diabetes. Maaari mong makuha ang sakit na

ito dahil namana mo ito sa iyong magulang o di kaya naman ay bunga ng iyong

unhealthy lifestyle. Sa kabutihang palad, may mga kaso ng diabetes na maaaring

maiwasan sa pamamagitan ng pagbabago ng ating mga kinagawian. Maaaring

maiwasan ang paglala o pagkakaroon ng diabetes kung (1) laging mageehersisyo, (2)

papanatilihing tama lang ang iyong timbang (gamit ang BMI), at (3) laging babantayan ang

iyong kinakain.

DIABETES FOOD PYRAMID Pinakamahalaga ang pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa starch gaya ng tinapay, cereals at kanin. Sikaping maka-anim o higit pa na servings nito kada araw. Tumutulong ito upang mapanatili sa normal na antas ang iyong blood sugar at nakapagbibigay din ng enerhiya sa mga cells sa iyong katawan. Mainam kung iyong pipiliin ang brown rice sa halip na white rice; steel-cut oats sa halip na processed cereals o instant oatmeal; at whole-grain bread sa halip na white bread. Sumunod ang mga prutas at gulay. Tiyaking maka-limang prutas o gulay kayo kada araw. Mayaman kasi ang mga prutas at gulay sa fiber na maaaring (1) makatulong sa pagpapabuti ng iyong blood sugar control at sa gayo’y mapababa ang panganib ng pagkakaroon ng diabetes, (2) magpababa ng posibilidad na magkaroon ng sakit sa puso, at (3) makatulong sa pagbabawas ng timbang. Sunod ang pagkain ng karne at/o pag-inom ng gatas. Ang mga ito ay sagana sa protina, bitamina at mineral. Kung ikaw ay buntis, mainam na damihan ang iniinom na gatas kada araw. Huli ang pagkain ng mga matatamis nang hindi sobra-sobra. Taliwas sa pag-aakala ng karamihan, maaari pa rin namang kumain ng mga matatamis ang mga taong may diabetes basta sisiguruhin lang nila babawasan nila ang kanilang kinakaing matamis.

Ang Diabetes Food Pyramid ay nagsisilbing gabay sa kung ano ang

dapat kainin ng mga taong may diabetes, kailan dapat kumain at gaano

karami ang kailangan nilang kainin bawat araw upang mapanatiling

stable ang kanilang blood sugar level.

IBA’T IBANG URI NG DIABETIC DIET Pritikin Diet – binubuo ito ng pagkain ng prutas, gulay, whole grains, atbp. na mataas sa carbohydrates at roughage/ dietary fiber. Sinasamahan ang diet na ito ng pageehersisyo.

Glycemic Index (G.I.) Diet – layunin nito na pababain angiyong glycemic index. Binubuo ito ng pag-iwas sa mga pagkain tulad ng patatas at white bread at sa halip ay pagkain ng mga multi-grain at sourdough breads, legumes at whole grains (mga pagkain na mas mabagal maconvert sa glucose).

Low Carb Diet – minumungkahi nito ang paunti-unting pagtatanggal ng carbohydrates sa iyong diet at ang pagpapalit nito ng mani, karne, itlog, abokado, gulay, atbp. na maaring makatulong upang mawala ang diabetes. Ang taba (fats) ang magiging pangunahing panggagalingan ng calories para sa katawan. Gayunpaman, dapat isaisip na dapat iwasan ang mga saturated fats sa diet na ito sapagkat pinapataas nito ang blood cholesterol na maaaring maging salik sa pagkakaroon ng sakit sa puso.

High Fiber Diet – binibigyang importansya sa diet na ito ang pagkonsumo ng mga pagkaing mataas sa fiber gaya ng prutas at gulay. Mainam ang pagkain ng mga ito sapagkat hindi lamang nila kokontrolin ang iyong blood sugar level kundi maaari pa silang makatulong sa pagpapanatili o pagbabawas ng iyong timbang.

Paleolithic Diet – nakabatay ang diet na ito sa pagkain ng mga ligaw na halaman at hayop na laging kinokonsumo ng mga tao dati noong Paleolithic era. Binubuo ang diet na ito ng pagkain ng mga isda, hayop na kumakain ng damo, prutas, mani, halamang ugat at ang pag-iwas sa mga grains, legumes, dairy products, asin, refined sugar, at processed oils.

Vegan Diet – isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagbabawas ng pagkain ng karne. Nakakatulong ang low-fat vegan diet sa pagpapataas sa ating glycemic control.

REFERENCE: http://www.helpguide.org/life/healthy_diet_diabetes.htm

http://diabetes.niddk.nih.gov/dm/pubs/eating_ez/

http://www.lifeclinic.com/focus/diabetes/diet.asp

http://en.wikipedia.org/wiki/Diabetic_diet

CHARISS M. GARCIA

BA DEVELOPMENT STUDIES