3
Komiteng Tagapagpaganap Komite Sentral Partido Komunista ng Pilipinas S a tabing ng dilim bago mada- ling-araw ng Marso 13 sina- lakay at pinaslang ng mga berdugong galamay ng pasistang estado si Kasamang Julius Giron at 2 pang kasama sa Baguio City. Si Kasamang Julius ay nagpapa- galing sa malubhang karamdamang acute pancreatitis na tumama sa kanya noong Hulyo 2019, sumira sa kanyang bato at nagpwersa sa kan- yang magpasyudad para magpaga- mot. Ang pagpatay sa kanya ay wa- lang pasubaling isa na namang kaso ng extrajudicial execution, pampuli- tikang pamamaslang, pagpatay sa hors de’ combat na labag sa mga in- ternasyunal na makataong batas, at bahagi ng madugong kampanya ng pamamaslang ng pasistang rehi- meng Duterte at AFP-PNP sa mga rebolusyonaryo at iba pang lumala- ban. Si Kasamang Julius na mas kila- la sa rebolusyonaryong hanay bilang Kasamang Alban, Amian, Nars, Kiko ay 69 taong gulang. Nagluluksa ang Partido, Bagong Hukbong Bayan, mga alyadong organisasyon ng Na- tional Democratic Front of the Phi- lippines at ang rebolusyonaryong masa. Ipinagluluksa rin natin ang kasamang duktor at taguyod na idi- namay sa walang-awang pagpas- lang. Mariing kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas ang pasis- tang kalupitan, pang-aabuso at aro- gansya ng uhaw-sa-dugong papet na rehimeng Duterte at mersenar- yong AFP-PNP. Walang pakunda- ngang nilalapastangan nila ang sa- rili nilang mga batas, ang interna- syunal na mga pamantayan at ma- kataong batas, gayundin ang kasun- duang CARHRIHL na pirmado ng GPH at NDFP dala ng hibang na ambisyong suhayan ang papet na estado at lunurin sa dugo ang mga naghahangad ng pundamental na pagbabago sa lipunan. Hindi kailanman matutupad ang kanilang buktot na hangarin. Ang mga pasistang kalupitan at panu- nupil ay lalo lamang nagpapasilakbo sa galit at paglaban ng mga api at busabos. Sa bawat Kasamang Alban na kanilang pinapaslang, maraming libo pang anak ng bayan ang napu- pukaw at tumitindig upang ipagpa- tuloy ang paglaban hanggang ma- gapi ang paghahari ng mga pasista, papet at reaksyunaryo. Nagdadalamhati tayo dahil ma- laking kawalan sa Partido at rebo- lusyon si Kasamang Alban. Kaalin-

cpp.ph · 1970 na nagpalaganap ng kilusang propaganda sa buong bansa at nag-hasik ng binhi ng armadong pakiki-baka sa iba’t ibang rehiyon. Gaya ng libu-libong iba pang kabataang

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: cpp.ph · 1970 na nagpalaganap ng kilusang propaganda sa buong bansa at nag-hasik ng binhi ng armadong pakiki-baka sa iba’t ibang rehiyon. Gaya ng libu-libong iba pang kabataang

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Komiteng TagapagpaganapKomite SentralPartido Komunista ng Pilipinas

Sa tabing ng dilim bago mada-ling-araw ng Marso 13 sina-lakay at pinaslang ng mga

berdugong galamay ng pasistangestado si Kasamang Julius Giron at2 pang kasama sa Baguio City.

Si Kasamang Julius ay nagpapa-galing sa malubhang karamdamangacute pancreatitis na tumama sakanya noong Hulyo 2019, sumira sakanyang bato at nagpwersa sa kan-yang magpasyudad para magpaga-mot. Ang pagpatay sa kanya ay wa-lang pasubaling isa na namang kasong extrajudicial execution, pampuli-tikang pamamaslang, pagpatay sahors de’ combat na labag sa mga in-ternasyunal na makataong batas, atbahagi ng madugong kampanya ngpamamaslang ng pasistang rehi-meng Duterte at AFP-PNP sa mgarebolusyonaryo at iba pang lumala-ban.

Si Kasamang Julius na mas kila-la sa rebolusyonaryong hanay bilangKasamang Alban, Amian, Nars, Kiko

ay 69 taong gulang. Nagluluksa angPartido, Bagong Hukbong Bayan,mga alyadong organisasyon ng Na-tional Democratic Front of the Phi-lippines at ang rebolusyonaryongmasa. Ipinagluluksa rin natin angkasamang duktor at taguyod na idi-namay sa walang-awang pagpas-lang.

Mariing kinukundena ng PartidoKomunista ng Pilipinas ang pasis-tang kalupitan, pang-aabuso at aro-gansya ng uhaw-sa-dugong papetna rehimeng Duterte at mersenar-yong AFP-PNP. Walang pakunda-ngang nilalapastangan nila ang sa-rili nilang mga batas, ang interna-syunal na mga pamantayan at ma-kataong batas, gayundin ang kasun-duang CARHRIHL na pirmado ng

GPH at NDFP dala ng hibang naambisyong suhayan ang papet naestado at lunurin sa dugo ang mganaghahangad ng pundamental napagbabago sa lipunan.

Hindi kailanman matutupad angkanilang buktot na hangarin. Angmga pasistang kalupitan at panu-nupil ay lalo lamang nagpapasilakbosa galit at paglaban ng mga api atbusabos. Sa bawat Kasamang Albanna kanilang pinapaslang, maraminglibo pang anak ng bayan ang napu-pukaw at tumitindig upang ipagpa-tuloy ang paglaban hanggang ma-gapi ang paghahari ng mga pasista,papet at reaksyunaryo.

Nagdadalamhati tayo dahil ma-laking kawalan sa Partido at rebo-lusyon si Kasamang Alban. Kaalin-

Espesyal na Isyu

Marso 30, 2020

www.cpp.ph

Pagpupugay kayKasamang Julius Giron

Page 2: cpp.ph · 1970 na nagpalaganap ng kilusang propaganda sa buong bansa at nag-hasik ng binhi ng armadong pakiki-baka sa iba’t ibang rehiyon. Gaya ng libu-libong iba pang kabataang

March 30, 2020 ANG BAYAN2

sabay, binibigyang-pugay natin siyadahil sa mga kahanga-hangang na-gawa sa mahaba at matapat napaglilingkod sa proletaryado atsambayanan. Pinaparangalan natinsiya bilang huwarang komunistangpinuno, kadre at mandirigma na gu-manap ng krusyal na papel sa pag-susulong ng kilusan at paglampasng Partido sa mga kagipitan. Dahilsa kanyang maningning na rekord,inihalal siya ng Ikalawang Kongresong Partido bilang isa sa mga panga-lawang tagapangulo at kagawad ngKomite Sentral, Kawanihang Pam-pulitika at Komiteng Tagapagpaga-nap ng Komite Sentral.

Si Kasamang Alban ay mahusayna lider ng Cordillera at hilagangLuzon. Siya ay may dugong-Igorotat nag-ukol ng malaking bahagi ngkanyang rebolusyonaryong pag-aa-ral at praktika sa usapin at pakiki-baka ng minoryang mamamayan.Ginamit niyang gabay ang Marxista-Leninista-Maoistang teorya at linyang Partido sa usaping pambansa,demokratikong rebolusyong bayan,at matagalang digmang bayan sapagsisiyasat at pag-unawa sa mgapartikular na katangian at panga-ngailangan ng lipunan at rebolusyonsa Cordillera. Binigyan niya ng par-tikular na pansin ang mga leksyonghinalaw ng Partido mula sa mga ka-ranasan sa maagang yugto ng paki-kidigmang gerilya at paglaban sa

pasistang diktadurang US-Marcosat ang paglalapat ng mga ito sapaglilinaw sa linya ng integradongpagsusulong ng demokratikong re-bolusyong bayan at pakikibaka parasa pagpapasya-sa-sarili ng minor-yang mamamayan ng Cordillera. Sagayon, narating ng kilusan sa rehi-yon ang wala pang kapantay na la-wak, lakas at pamumuno sa mama-mayang Cordillera at ang pakikiba-kang Cordillera ay naging tampokna pwersa sa pakikibaka ng mgapambansang minorya, pakikibakangantidiktadura at buong pakikiba-kang pambansang demokratiko.

Kabilang si Kasamang Alban samakapangyarihang hukbong aktibis-tang iniluwal ng Unang Sigwa ng1970 na nagpalaganap ng kilusangpropaganda sa buong bansa at nag-hasik ng binhi ng armadong pakiki-baka sa iba’t ibang rehiyon. Gaya nglibu-libong iba pang kabataang es-tudyante, agad siyang bumalik sarehiyong kinagisnan upang ipalaga-nap ang propagandang pambansangdemokratiko, magbuo ng mga bala-ngay ng Kabataang Makabayan atiba pang progresibong organisa-syong masa, at mag-umpisa ng pus-pusang gawaing propaganda, pag-oorganisa at pagpapakilos sa hanayng masang anakpawis at iba pangdemokratikong uri sa kalunsuran atkanayunan. Nang marekrut sa Par-tido noong 1971, tumayo siyang ka-lihim ng Komite ng Partido sa Syu-dad ng Baguio at Direktor ng Rehi-yunal na Kawanihan sa Unyon ngManggagawa.

Mula 1973 nagkonsentra siya sapakikibaka sa kanayunan. Nagingkalihim siya ng Sangay ng Partido saPlatun ng BHB sa Montañosa (Ifu-gao-Benguet-Mountain Province) atUpisyal Pampulitika ng Platun. Na-ging kagawad siya ng Komiteng Ta-gapagpaganap ng Partido sa Rehi-yong IMP at kabilang sa mga na-nguna sa pagpapalawak ng mga so-nang gerilya, pag-oorganisa ng mgaminoryang Cordillera, pagbubuo ngmga sandatahang yunit pampropa-ganda ng hukbong bayan at pagsisi-mula ng pakikidigmang gerilya.

Noong 1974 nadakip siya atmalupit na pinahirapan ng mgatortyurer ng pasistang diktadura.Sa harap ng matinding pahirap atpeligro, hindi kailanman natinagang kanyang paninindigan at kata-patan sa Partido at mga rebolusyo-naryong prinsipyo. Hindi siya nag-dalawang-isip kailanman sa kan-yang komitment sa rebolusyon atsambayanan. Sa ilang taong pagka-kabilanggo, naging isa siyang pa-ngunahing lider ng mga bilanggongpulitikal na matapang na nagpatu-loy ng paglaban, nagtransporma ngmga preso tungong iskwelahan,pandayan at sentro ng protesta atpakikibaka.

Nakatakas siya noong 1979,agad na bumalik sa kanayunan, attuwirang lumahok sa komprehensi-bong pagsulong at paglakas ng pa-kikibakang Cordillera. Pinamunuanniya ang Komiteng Probinsyal ngKalinga noong umabot sa kaigti-ngan ang armado at di-armadongpaglaban sa mapandambong naproyektong Chico Dam ng pasistangdiktadura. Naging kagawad siya ngKomiteng Tagapagpaganap ng Ko-miteng Rehiyon ng IMP (Ilocos-Montanosa-Pangasinan) at kaga-wad ng Komisyon sa HilagangLuzon.

Ang apat na laking-distritonglarangang gerilya sa Cordillera, namay tig-isang laking platung san-datahang yunit pampropaganda aymasiglang lumawak nang paalun-a-lon sa tulong at tulak ng maka-pangyarihang pagdaluyong ng mgaprotesta at pakikibakang masa la-ban sa Chico Dam, Cellophil atpambansang pang-aapi, at laban sapasistang diktadura. Nasaklaw ngarmadong pakikibaka ang lahat ngprobinsya, lumaganap at dumalasang mga taktikal na opensiba nghukbong bayan, bumilis ang pagta-tayo ng mga bagong platun atiskwad bunga ng pagdami ng san-data mula sa mga taktikal na open-siba. Lumawak at lumakas ang mgaorganisasyong masa, ang mga an-tipyudal na pakikibaka, pag-oorga-nisa at pagpapakilos laban sa pam-

instagram.com/prwc.official

@prwc_info

fb.com/cppinfo

[email protected]

Espesyal na Isyu | Marso 30, 2020

ANG

Ang Ang Bayan ay ini la lathala

dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido

Komunista ng Pi l ipinas

Page 3: cpp.ph · 1970 na nagpalaganap ng kilusang propaganda sa buong bansa at nag-hasik ng binhi ng armadong pakiki-baka sa iba’t ibang rehiyon. Gaya ng libu-libong iba pang kabataang

ANG BAYAN March 30, 2020 3

bansang pang-aapi at ang iba’tibang tipo ng kampanya at pakiki-bakang masa, at ang pagbubuo ngmga lokal na organo ng kapangyari-hang pampulitika. Sa iba’t ibangsaklaw at antas, lumawak at luma-kas ang mga rebolusyonaryo atprogresibong pwersa at pakikibakasa pamamagitan ng mapanlikha atmaramihang-panig na kumbinasyonng mga armado at di-armado, iligal,malaligal at ligal na mga anyo ngorganisasyon at pakikibaka. Itina-tag ang Cordillera People’s De-mocratic Front bilang komprehensi-bong rebolusyonaryong nagkakai-sang prente ng mamamayang mi-norya para sa pambansang demok-rasya at karapatan sa pagpapasya--sa-sarili.

Sa ika-9 na Plenum ng KomiteSentral nahalal si Kasamang Albanbilang regular na kagawad ng Komi-te Sentral. Naging kalihim siya ngKomiteng Rehiyon ng Cordilleranoong 1986 at pangalawang taga-pangulo ng Komisyon sa HilagangLuzon noong 1987. Pinamunuan ni-ya ang paglaban sa panghahati ngPangkating Balweg-Molina-Ortegaat kanilang kampanyang mag-udyokng kontrarebolusyonaryong lokalis-mo sa hanay ng masang minorya la-ban sa Partido, BHB, CPDF at mgaelementong galing sa patag. Pagka-tapos humiwalay sa Partido at huk-bo, mabilis na inilantad ng pangka-tin ang bangkrap nilang linya at ka-tangian nang sumuko sa reaksyu-naryong gobyerno at naging mgabayarang paramilitar ng AFP.

Sa ika-10 Plenum ng KomiteSentral nanindigan si KasamangAlban para sa mga saligang rebolu-syonaryong prinsipyo ng Partido atIkalawang Dakilang Kilusang Pag-

wawasto, laban sa rebisyunismo,Kaliwa at Kanang oportunismo, atiba pang malulubhang paglihis. Na-halal siyang kagawad ng Kawani-hang Pampulitika at Komisyong Mi-litar habang gumaganap ng tung-kulin bilang tagapangulo ng Komi-syon sa Hilagang Luzon. Pinamunu-an niya ang mga organisasyon ngPartido sa hilagang Luzon sa pus-pusang pagpuna at pagwawasto samalulubhang kakulangan at kahina-an at sa mahirap na pagpapaniba-gong-lakas mula sa malalaking pin-sala at pag-atras habang nagta-tanggol laban sa todong gyera ngpapet na rehimeng Ramos at to-dong pananabotahe at panghahating mga kontrarebolusyonaryongtaksil na nakapuslit sa pamunuanng Partido, hukbo at NDFP. Nabigoang mga atake mula sa labas at saloob na nagtangkang ganap na du-rugin ang Partido at rebolusyon.Nakapagpanibagong-sigla ang Par-tido at mga rebolusyonaryongpwersa bagamat patuloy hanggangngayon ang pagbawi sa dating sak-law at lakas.

Sa ika-11 Plenum ng KomiteSentral nahalal siyang kagawad ngKomiteng Tagapagpaganap ng Ko-mite Sentral at tumupad ng maha-halagang tungkulin sa pambansangpamumuno. Sa katungkulang ito pi-namunuan niya ang pagtiyak sa ka-ligtasan at muling pagtitipon ngmga sentral na organo ng Partidonang mapuruhan ng atake ng kaa-way. Higit pa, gumanap siya ng pa-ngunahing papel sa koordinasyon,paghahanda at pagdaraos ng Ikala-wang Kongreso ng Partido na lalongnagpatibay sa pagkakaisa at pani-nindigan ng Partido sa mga saligangrebolusyonaryong prinsipyo at sa

pangkalahatang linya ng demokra-tikong rebolusyong bayan sa pama-magitan ng matagalang digmangbayan. Kinilala ng Ikalawang Kong-reso ng Partido at binigyan ng ibayopang tulak ang pagpapaunlad atpromosyon ng malaking bilang ngmga kadreng kabataan at nasa ka-sibulan sa iba’t ibang saklaw at la-rangan ng pakikibaka. Lalong pina-tibay nito ang Partido para sa pag-pupursigi sa landas ng armadongrebolusyon sa harap ng total war ngpasista, papet at reaksyunaryongrehimeng US-Duterte at magiting napagwawagayway ng pulang bandilang proletaryong rebolusyon sa pa-nahon ng transisyon tungo sa pani-bagong paglakas ng pandaigdigangrebolusyong sosyalista.

Sa panahon ng mga mahigpit napagsubok, pinatunayan ni Kasa-mang Alban ang kanyang lubos nakatapatan at dedikasyon sa Partidoat rebolusyon. Sa malalaking usapinpalagi niyang mulat na binibigyanng pinakamataas na pagpapahalagaang mga rebolusyonaryong prinsip-yo, ang pananalig at pakikipagkaisasa malawak na masa, ang pagtata-guyod sa pamumuno at pagkakaisang Partido, at ang optimismo samaaliwalas na kinabukasan para sarebolusyon at sambayanan. Hang-gang sa katindihan ng kanyang ka-ramdaman, ang palaging nangu-nguna sa isip niya ay ang mabilis napagbalik sa tungkulin at pag-aam-bag sa pakikibaka ng uri at bayan.

Nawala man sa atin si Kasa-mang Alban, dakila ang kanyangpamanang halimbawa at mga aral.Mahalin natin ang kanyang alaala atmatatag na tahakin ang kanyangproletaryong rebolusyonaryonglandas.

Mabuhay si Kasamang Alban!Mabuhay ang Partido!Mabuhay ang demokratikong rebolusyong bayan!