7
CLSU Intrams simula na Magsisimula ngayong araw ang una sa tatlong Biyernes, Hulyo 29 (Opening Friday), Agosto 5 (Knock-out Friday) at Agosto 12 (Championship Friday), bilang pagdaraos ng 48 th University Intramural Games. Upang hindi makaistorbo sa mga klase, gaganapin na ang University Intrams sa tatlong sunud-sunod na Biyernes mula ngayon. Magbibigay ng Ni Mark Lyndon Antaran pambungad na pananalita si Dr. Danilo G. Tan, vice president for academic affairs sa panimulang programa. Susundan ito ng mga inspirasyonal na mensahe mula kanila CLSU President Dr. Ruben Sevilleja at sa bagong pinuno ng University Supreme Student Council, Zadieshar Sanchez. Pangungunahan naman ng mga athletic manager at muse ng bawat yunit ang pagtataas ng kani-kanilang unit banners. Kaugnay nito, si Arnel Ventura, State Universities and Colleges (SUC) III Olympics 2011 gold medalist, ang magsisindi ng Flame of Friendship, habang si Mike Gerald Discion, SUC III Olympics 2011 gold medalist, ang mangunguna sa pagbigkas ng Oath of Sportsmanship. Samantala, gaganapin din ang ‘Search for Ms. Intrams 2011’ na pamamahalaan ni Prof. Adonis Voltaire-Villanueva. Bilang na ng gin- tong medalya ang batayan upang makamit ang pangka- lahatang kampeonato ngayong Intrams. Inaprubahan ang pag- babagong ito ng Univer- sity Sports Development Council na kinabibilan- gan nina Dr. Danilo Tan, vice president for aca- demic affairs; Jay San- tos, direktor ng Insti- tute of Sports, Physical Education and Recre- ation (ISPEAR) at lahat ng mga unit manag- er sa pagpupulong na isinagawa noong Hulyo 7 para sa Intramural Games ngayong taon. Ang pangkalahat- ang ranking ay matutu- koy gamit ang modified medal system kung saan pagtutuusan ng pitong Ni Mark Lyndon Antaran IHANDA NA. Pinangunahan ng Reserved Officer Training Corps (ROTC) ang CLSU sa paghahanda ng field na paggaganapan ng iba’t ibang laro sa 48 th University Intramural Games na magsisimula ngayon. Pormal na idedeklara ang pagsisimula ng palaro ni Jay Santos, direktor ng Institute of Sports, Physical Education and Recreation (ISPEAR). Isasagawa ang pagtatapos na programa sa Agosto 12 matapos malaman ang huling resulta championship games. yunit ang 228 na ginto para makopo ang pang- kahalatang kampeonato. Pinakamaraming ginto ang makukuha mula sa athletics (men & wom- en), 53 ginto saman- talang 44 ginto at 11 ginto naman ang mako- kopo sa swimming (men & women) at football ayon sa pagkakasunod. Kaugnay nito, knock- out system ang gagamitin sa mga individual event tulad ng taekwondo, lawn tennis, table tennis, badminton at billiards. Round robin naman ang gagamitin sa mga team event kung saan magkakaroon ng dala- wang bracket sa bawat laro at ihahanay ang finalists noong na- karaang taon sa mag- kahiwalay na bracket. Samantala, mahigpit na ring ipatutupad sa mga manlalaro ang pagsusuot ng kani-kanilang uni- porme kung saan nang- ingibabaw ang opisyal na kulay na nakatalaga sa kinabibilan nilang yunit. Kung sino mang man- lalaro o team, maliban sa swimming at tae- kwondo, ang lumabag sa nasabing regulasyon ay matatalo sa laro sa pamamagitan ng default. Maaari lamang maglaro ang manlal- aro sa dalawang sports o isang team sports at limang individual events maliban sa relay sa ath- letics at swimming. Who represents what? Unit I College of Educa- tion, Agricultural Sci- ence High School and University Science High School. Unit II College of Agri- culture. Unit III College of Engineering and College of Home Science and Industry. Unit IV College of Veterinary Science and Medicine. Unit V College of Arts and Sciences. Unit VI College of Busi- ness Administration and Accountancy. Unit VII College of Fisheries Ginto para sa kampeonato Tomo XLVIII Blg. 3 Pre-Intrams Issue (Hulyo 29, 2011)

CLSU Collegain (Pre-Intrams issue 2011)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

CLSU Collegain (Pre-Intrams issue 2011)

Citation preview

Page 1: CLSU Collegain (Pre-Intrams issue 2011)

CLSU Intrams simula naM a g s i s i m u l a

ngayong araw ang una sa tatlong Biyernes, Hulyo 29 (Opening Friday), Agosto 5 (Knock-out Friday) at Agosto 12 (Championship Friday), bilang pagdaraos ng 48th University Intramural Games.

Upang hindi makaistorbo sa mga klase, gaganapin na ang University Intrams sa tatlong sunud-sunod na Biyernes mula ngayon.

Magbibigay ng

Ni Mark Lyndon Antaranpambungad na pananalita si Dr. Danilo G. Tan, vice president for academic affairs sa panimulang programa.

Susundan ito ng mga inspirasyonal na mensahe mula kanila CLSU President Dr. Ruben Sevilleja at sa bagong pinuno ng University Supreme Student Council, Zadieshar Sanchez.

P a n g u n g u n a h a n naman ng mga athletic manager at muse ng bawat yunit ang pagtataas ng kani-kanilang

unit banners.Kaugnay nito, si

Arnel Ventura, State Universities and Colleges (SUC) III Olympics 2011 gold medalist, ang magsisindi ng Flame of Friendship, habang si Mike Gerald Discion, SUC III Olympics 2011 gold medalist, ang mangunguna sa pagbigkas ng Oath of Sportsmanship.

Samantala, gaganapin din ang ‘Search for Ms. Intrams 2011’ na pamamahalaan ni Prof. Adonis Vo l ta i re -V i l l anueva .

Bilang na ng gin-tong medalya ang batayan upang makamit ang pangka-lahatang kampeonato ngayong Intrams.

Inaprubahan ang pag-babagong ito ng Univer-sity Sports Development Council na kinabibilan-gan nina Dr. Danilo Tan, vice president for aca-demic affairs; Jay San-tos, direktor ng Insti-tute of Sports, Physical Education and Recre-ation (ISPEAR) at lahat ng mga unit manag-er sa pagpupulong na isinagawa noong Hulyo 7 para sa Intramural Games ngayong taon.

Ang pangkalahat-ang ranking ay matutu-koy gamit ang modified medal system kung saan pagtutuusan ng pitong

Ni Mark Lyndon Antaran

IHANDA NA. Pinangunahan ng Reserved Officer Training Corps (ROTC) ang CLSU sa paghahanda ng field na paggaganapan ng iba’t ibang laro sa 48th University Intramural Games na magsisimula ngayon.

Pormal na idedeklara ang pagsisimula ng palaro ni Jay Santos, direktor ng Institute of Sports, Physical Education and Recreation (ISPEAR).

Isasagawa ang pagtatapos na programa sa Agosto 12 matapos malaman ang huling resulta championship games.

yunit ang 228 na ginto para makopo ang pang-kahalatang kampeonato.

Pinakamaraming ginto ang makukuha mula sa athletics (men & wom-en), 53 ginto saman-talang 44 ginto at 11 ginto naman ang mako-kopo sa swimming (men & women) at football ayon sa pagkakasunod.

Kaugnay nito, knock-out system ang gagamitin sa mga individual event tulad ng taekwondo, lawn tennis, table tennis, badminton at billiards.

Round robin naman ang gagamitin sa mga team event kung saan magkakaroon ng dala-wang bracket sa bawat laro at ihahanay ang finalists noong na-karaang taon sa mag-kahiwalay na bracket.

Samantala, mahigpit na ring ipatutupad sa mga manlalaro ang pagsusuot ng kani-kanilang uni-porme kung saan nang-ingibabaw ang opisyal na kulay na nakatalaga sa kinabibilan nilang yunit.

Kung sino mang man-lalaro o team, maliban sa swimming at tae-

kwondo, ang lumabag sa nasabing regulasyon ay matatalo sa laro sa pamamagitan ng default.

Maaari lamang maglaro ang manlal-aro sa dalawang sports o isang team sports at limang individual events maliban sa relay sa ath-letics at swimming.

Who represents what?

Unit I College of Educa-tion, Agricultural Sci-ence High School and University Science High School.Unit II College of Agri-culture.Unit III College of Engineering and College of Home Science and Industry. Unit IV College of Veterinary Science and Medicine.Unit V College of Arts and Sciences.Unit VI College of Busi-ness Administration and Accountancy. Unit VII College of Fisheries

Ginto para sa kampeonato

Tomo XLVIII Blg. 3 Pre-Intrams Issue (Hulyo 29, 2011)

Page 2: CLSU Collegain (Pre-Intrams issue 2011)

BALITA

2

Yunit VI apektado sa modified medal system

Plano ng College of Business Administration and Accountancy (Yunit VI) na idepensa lamang ang kanilang pang-apat na puwesto sa University Intramural Games ngayong taon dahil sa kakulangan nila sa mga manlalarong may potensyal na magkamit ng ginto.

Ayon kay Dr. Rodrigo Gatchalian, athletic manager ng Yunit VI, mas mahirap para sa kanilang kolehiyo ang bagong modified medal system kung saan paramihan ng gintong medalya ang labanan.

“Mahirap kasing mag-predict ngayon dahil binago ang sistema. Last year fourth kami, siguro ngayon target namin ma-maintain

Ni Carla Padilla ‘yon,” sabi ni Gatchalian.Dagdag pa niya,

pabor ang ganitong sistema sa mga dati ng malalakas na koponan tulad ng College of Arts and Sciences (Yunit V) at College of Education (Yunit II) na madalas manalo sa athletics.

Malaki rin umano ang pag-asang umangat ng College of Fisheries (Yunit VI) kung mananatili silang malakas sa swimming kung saan 22 na gintong medalya ang maari nilang maiuwi.

“Kaya namin iniisip na hindi tataas ang ranking ng CBAA kasi gold medal system ngayon. Eh alam namin na noong nakaraang taon, kaya lang kami nakaaabot ng third and fourth kasi nagpa-partcipate kami sa lahat ng event. Kahit

Handa nang sumabak ang Yunit IV sa 48th An-nual University Intra-mural Games na gaga-napin sa sunud-sunod na Biyernes, Hulyo 29, Agosto 5 at Agosto 12.

Mula sa dating sistema ng pagpili sa pamamagitan ng mini-intrams, binago ang pamamaraan at naging tryouts na la-mang, nangyari ito sa pakikipagtulunagn ng CVSM Student Coun-cil at ng mga fakulti ng nasabing kolehiyo.

“Nabago ang siste-ma ngayon ng Intrams, ngunit masasabi ko namang nasa pitum-pung porsyento na ang

kahandaan ng aming mga manlalaro,” pa-hayag ni Dr. Reginaldo V. Abuyuan, athletic manager ng Yunit IV.

“Intrams is any-body’s ball game,” dagdag pa niya.

Ayon kay Abuyuan, sa ngayon ay wala si-lang inaaasahang po-sisyon na makukuha, ang gusto lamang nila ay mag-enjoy ang mga manlalaro nila.

“Hindi lahat ng laro ay kaya naming sali-han, ang ginawa namin ay pinalakas na lamang namin ang team na mas malaki ang tyansa na manalo tulad ng volley-ball team (men),” pag-tatapos ni Dr. Abuyuan.

Yunit IV handa naNi Kevin Estigoy

Bagaman pasok sa top 3 nitong mga na-kalipas na taon, magig-ing mahirap sa College of Agriculture (Yunit II) ang pag-angat ng pu-westo ngayong taon dahil sa gold system na siyang bagong pa-takaran na ilulunsad sa 48th Annual Intramural Games ng unibersidad.

“Mahirap makapasok sa top 3 kasi gold sys-tem na ang style ngayon eh. Halimbawa naka-30

na gold at isang silver ‘yong CAS tapos kami 29 na gold at 50 na sil-ver. Champion pa rin ang CAS,” paliwanag ni Prof. Ariel Mactal, sports coordinator ng Yunit II.

Sinigurado naman niyang mananatili si-lang malakas sa soft-ball women, volley-ball men at baseball na pinagharian nila noong nakaraang taon.

Ayon kay Mactal, hu-mina ang kanyang mga koponan lalo na ang swimming team dahil

Yunit II mahihirapang makapasok sa top 3Ni Jerson Señorin nagsipagtapos na ang

mga magagaling na man-lalaro ng nasabing yunit.

Nagkaroon naman ng

pagpili ng mga manlal-aro ang nasabing yunit-nitong ika-8 ng Hulyo bilang paghahanda.

Yunit VI, page 7

MAKUHA SA TIYAGA. Puspusan ang pag-eensayo ng mga manlalaro ng sepak takraw ng Yunit VII sa University Field kahapon para maging handa sa Intrams ngayong taon.

Page 3: CLSU Collegain (Pre-Intrams issue 2011)

OPINYONMula sa 12 estudy-

ante noong July 19, 1910 nang unang opi-syal na magbukas ng klase ang CLSU, may-roon na ito ngayong 9,314 estudyante. Ang malaking populasyon na ito ay kalakasan sana ng kampus upang palutangin ang pagiging maka-CLSU ng mga estudyante: CLSU spirit kumbaga. Subalit, karamihan sa 9,314 estudyante rito ay may kanya-kan-yang pagkakakilanlan bilang miyembro ng organisasyon, frater-nity, sorority, at iba pa. Ang iba naman ay nais makilala sa kani-kanilang mga kurso o kolehiyo. Nakalu-lungkot man, kakaun-ti ang kumikilala sa kanilang sarili bilang estudyante ng CLSU.

Kung hindi pa mag-tatapos sa kolehiyo ang mga estudyante ay hindi pa sila mauub-ligang awitin ang CLSU Hymn na dapat sana ay natu-tunan na noong una pa lamang. Ang mga kolehiyo sa CLSU ay hindi lamang magka-kalayo sa pisikal na distansya kundi pati sa mga adhikain. Lahat ay nais manguna, para bang nahati sa walong ang kampus. Higit pa riyan ay ang matinding kompetisyon ng mga organisasyon para sa karangalan at kasi-katan. At kahit mata-pakan na ang kanilang mga kapwa estudy-ante ay sige pa rin.

Ngayon na magbu-bukas ang University Intrams ay pansaman-talang magkakaisa ang mga kolehiyo upang buuin ang pitong yunit na maglalaban-laban. Kapansin-pansin na-man na mukhang

EDITORYAL

College Spirit

3

hindi pa rin mapaghi-walay ang tambalang CEN at CHSI na bu-mubuo sa Yunit III ka-hit lumaki na ang kani-kanilang populasyon. Tila nakuntento na ang CHSI na maging anino

na lamang ng CEN.G a y u n p a m a n ,

magandang oportuni-dad pa rin ang Intrams upang tipunin ang mga estudyante at palutan-gin ang kanilang col-lege spirit. Sa gani-tong paraan, kahit paano ay mararamda-man ng mga estudy-ante na sila ay bahagi ng kanilang kolehiyo na nagkakaisa para sa tagumpay ng kani-kanilang mga manlal-aro. Bagaman mag-kakalaban ang mga yunit, kahit paano ay magkakaroon ng opor-tunidad na magkaha-lubilo ang mga estudy-ante na dati ay hindi man lamang lumala-bas sa kanilang kole-

hiyo o organisasyon.Totoo na nailalabas

sa kompetisyon ang kagalingan ng mga estudyante pero hindi sana ito ang maging

dahilan upang magka-roon ng mga perma-nenteng harang ang kanilang mga mundo.

Page 4: CLSU Collegain (Pre-Intrams issue 2011)

OPINYON

4

Numero Uno

Sa pelikulang Three Idiots, itinanong sa kanilang klase kung sino ang unang taong nakat-apak sa buwan, madali nilang nasagot na ito ay si Neil Armstrong. Pero sino kaya ang pangalawa sa kanya? Hindi na sila na-kasagot. Ang tanong na ito ay hindi naglalayong magbigay ng trivia o ano pa man. Nais lang nitong ipahiwatig na ang laging naaalala at nabibigyang halaga ay kung sino ang nauna. Pero sabi nga ni Morrie sa sikat na no-

bel na Tuesdays with Morrie, lahat ay gus-tong manguna pero ano nga ba ang masama sa pagiging pangalawa?

Sa gaganaping In-trams, pagkatapos ng la-hat, marahil ang tatatak lang sa isip ng mga tao ay kung sino ang magka-kampe -on. Ito rin ang nais m a a b o t ng pitong yunit na maglalaban. Lahat ay nag-aabang kung maidedepensa ba ng CAS ang korona o babawiin na ito ng CAg? O di naman kaya ay baka may dark horse na kole-hiyo na aagaw nito? Wala man lang nagbabanggit na kaisipan sa kung pa-paano magiging kasiya-

siya ang Intrams para sa lahat. Lahat ay pa-tungkol sa kompetisyon.

Kung tutuusin, ang mga araw ng Intrams ay takas ng mga estudyante sa lahat ng presyur at hi-rap sa pag-aaral. Pana-hon ito upang marana-san ng mga estudyante

a n g s a y a s a p a k i -k i l a -hok at k a s -a b i -k a n s a

p a n -onood ng mga laro. Para naman sa mga atleta na nagbuhos ng kanilang panahon, lakas at pagod sa mga ensayo, ito na ang pagkakataon para madama nila ang mo-mentum ng paglalaro at ang tunay na kahal-

agahan ng sportsman-ship. Bagama’t sa huli ang lahat ng manlalaro at koponan ay naghah-angad ng ginto, mas ma-halaga pa rin ang pros-eso ng laro higit sa ano pa man. Ang proseso ng laro na sana ay walang mandaya, makasakit o gumawa ng masama para lang manalo. Mai-hahalintulad ito sa isang mahabang biyahe kung saan hindi mahalaga ang destinasyon kundi ang ruta na daraanan at ang lahat ng mga masa-sayang karanasan dito.

Ang pagiging nume-ro uno ay maaring tu-matak sa tao ngayon. Pero makalipas ang 10 o 20 taon, malilimutan na rin ito. Ang karanasan lang ang isang bagay na pang-habambuhay na ti-timo sa puso at isip ng mga manlalaro at mag-ing ng mga taga-panood.

Aktib dapat lahat!Hindi lamang mga

manlalaro ang napa-pagod. Hindi lamang sila ang may kakayah-ang magbigay karanga-lan sa ating institusyon.

Oo nga’t literal na pawis ang ibinubuhos nila sa kanilang larangan, aminado akong dapat si-l a n g s a l u -d u h a n sa pa-god at hirap na d i n a r a -nas nila sa mga p a g s a -sanay at sa araw mismo ng kanilang mga laro. Ngunit hindi lamang sila ang may disiplinang kah-anga-hanga at nararapat nating bigyan-pansin.

Naalala ko noong mga nakaraang taon ko rito sa CLSU, sa bawat pagtata-pos ng Intrams ay itina-tanong ng mga propesor namin kung sino raw ang mga naglaro sa Intrams, inililista nila ang mga pangalan nila at saka sila binibigyan ng plus

points. Naalala ko rin n o o n g minsang m a n -g a n t y -a w kami ng m g a k a p -wa ko

manunulat ng Colle-gian sa aming mga guro na bigyan din kami ng karagdagang puntos sapagkat kami man ay nagtrabaho rin noong

Intrams. Dahil bilang mga manunulat ng Col-legian ay kailangan din naming mag-field at i-cover ang bawat laro tuwing Intrams — puro ngiti lamang ang inaabot naming kasagutan mula sa aming mga guro.

Hindi kami humahanap ng kapalit sa ginagawa naming paglilingkod bi-lang mga manunulat ng unibersidad na ito, ngunit nakalulungkot rin palang isipin na hindi nabibig-yang halaga ang aming mga pagod at paghihirap, na hindi man literal na pawis ay puyat naman at oras na inilalaan namin para sa publikasyong ito.

Sa Intrams lamang natin nakikita ang mga atletang ito, ngunit kami ay buong taon ninyong

nakasasama sa kahit ano mang pinagdara-anan ng ating paara-lan, masaya man ang mga ito o malungkot.

Hindi lamang po mga atleta ang napapagod, hindi lamang po sila ang kayang magdala ng mga tropeo at rekognasyon sa ating paaralan. Mayroon din namang mga pinuno, mga mang-aawit, mga

Aktib, page 5

Pero sabi nga ni Mor-rie sa sikat na nobel na Tuesdays with

Morrie, lahat ay gustong manguna pero ano nga ba ang masama sa pagiging pangalawa?

...hindi man literal na pawis ay puyat naman at oras na

inilalaan namin para sa publikasyong ito.

Page 5: CLSU Collegain (Pre-Intrams issue 2011)

OPINYON

5

Play on! Magsisimula na naman ang Intrams! Magsisimula na na-man ang sipaan, bus-luan, takbuhan, languy-an, paluan, at syempre kantsyawan. Sa bawat taon, sa bawat intramsl, camaraderie at sports-manship ang dalawang salitang bumibida. Alam na ng lahat kung ano ang ibig sabihin ng mga ito ngunit ang tanong, naisasapuso nga ba nila?

Sa tatlong taong na-saksihan ko ang Intra-mural Games dito sa unibersidad, napansin ko ang pagkakaibigan at pagsasaya ng mga estudyante ngunit may isang bagay na tila ku-lang — buong- pusong

suporta ng mga estudy-ante. Harapin natin ang katotohanan, ang pana-hon ng Intrams ay gina-gamit ng marami bilang magandang oportuni-dad upang maglakwat-sa at maglibang hindi sa paraan ng pakikila-hok o pagsuporta sa mga manlalaro. Kung sabagay, hindi naman sapilitan ang pagsu-porta, hindi makokon-trol ang isipan ng bawat estudyante at hindi sila mapipigil kung nanaisin nilang umi-nom na la-mang sa PNR, matulog na la-mang, umuwi sa kani-kanilang bayan o mag-punta sa mall. Ito ang dahilan kung bakit sa tingin ko ay tama lamang na isaga-wa ang palaro tuwing Biyernes (Hulyo 29, Agosto 5 at Agosto 12).

Tama nga naman, sa halip na sagasaan ang mga araw ng klase, mas mabuting gawin

Manood, makilahok, sumuporta!‘to kapag walang pa-sok. Tama lamang na tuwing Biyernes dahil ‘di naman buo ang pagsu-porta. Tama lamang na tuwing Biyernes sapag-kat sa halip na magkaisa ang lahat sa aktibidad na tunay na para sa ating mga estudyante ay sasa-glit lang ang marami sa field upang makapag-at-tendance pagkatapos ay uuwi na, ang iba nama’y ite-text ang kaklase para pirmahan sila sa atten-dance. Siguro ito ang

kabutihang dulot ng

apat na araw na klase sa isang linggo — may araw upang isagawa ang ilang aktibidad dito sa unibersidad. Hindi binibi-tin o pinuputol ng kada Biyernes na selebra-syon ng Intrams ang ka-kaibang pananabik natin

sa magkakasunud-su-nod na araw ng Intrams gaya noon. Isang mab-uting alternatibo ito para magamit ang mga araw sa mas mabuting paraan. (Trivia: Sa isinagawang survey ng USSC sa pag-tatapos ng nakaraang semestre kung pabor ang mga estudyante sa implementasyon ng apat na araw na klase, 60.3% ang ‘di pabor mula sa 544 na estudyanteng kanilang ininterbyu.)

Ang Intrams ay ‘di lamang para sa mga manlalaro kundi para rin sa ating lahat ito. Ang sportsmanship at camaraderie ay para sa ating lahat. Mag-kaisa tayo, sumuporta tayo at magsaya tayo! Ipakita nating hindi la-mang kompetisyon ang

diwa ng Intrams kundi mabuti at masigla ring paraan upang lalo tay-ong magkaisa. Makila-hok hindi para sa atten-dance. Makilahok hindi dahil ni-required ng in-yong propesor. Makila-hok upang sumuporta.

mananayaw at mga ma-nunulat na kung tutuusin, ay mas marami pa ngang naiuuwing parangal sa kani-kanilang mga kom-petisyong nilalahukan.

***Ang saya sanang isip-

in kung bawat Intrams ay iniisip nating para sa ating lahat ito, hindi la-mang tayo manunuod sapagkat tayo ay ina-tasang manood, ngunit manunuod tayo kundi-nais nating makitang magwagi ang ating mga

kolehiyo. Hindi lamang tayo magche-cheer da-hil nakita natin ang ating mga crush na naglalaro, bagkus magche-cheer tayo sapagkat alam nat-ing malaki ang maitutu-long nito sa mga manlal-aro. Hindi lamang tayo pumapasok sa uniber-sidad tuwing intrams dahil lamang ayaw na-tin magbayad ng fine o mag-masswork, bagkus dahil nararamdaman din natin ang pakikiisa sa ibang nangangailangan ng ating mga suporta.

Tandaan po nating hindi lamang po ang mga

atleta ang star ng in-trams gaya ng hamon na sinasabing star ng pasko. Tayo pong lahat ay may mga trabaho at parte na ginagampanan sa mga panahong gaya nito. Hayaan niyo po, aking ipaglalaban na magka-roon na ng Most Valuable Audience (MVA) at Most Valuable Cheerer (MVC) sa susunod na mga taon.

***Sa Intrams na ito,

hayaan po nating ma-muno naman ang pagka-kaisa at pag-uunawaan sa bawat isa sa halip na kayabangan at pasika-

tan ng iba’t ibang kole-hiyo. Hayaan po nating mamayagpag ang saya at tamis ng pagkapa-nalo, ang patas na la-banan at ang hamon na pagbutihin at pagtibayin ang isang pundasyon.

Lahat po sana ay su-maksi sa pagbabago. Pagbabagong hindi dulot ng panahon o ng bagong direktor ng ISPEAR, ngunit pagbabagong matatamasa natin sa ating mga sarili. Pag-babago sapagkat ngay-on, aktib dapat lahat!

Aktib...from page 4

Ang Intramurals ay ‘di lamang para sa mga manlalaro

kundi para rin sa ating lahat ito

“”

Page 6: CLSU Collegain (Pre-Intrams issue 2011)

LATHALAIN

6

Hindi lamang ang landas sa pag-abot ng sariling

pangarap ang kanilang tinatahak. Hindi lamang pansariling karanga-lan ang kanilang ipina-glalaban. Bawat atleta ay tumatahak sa landas kung saan naglalayong maabot ang pangarap na magtagumpay sa SUC III Olympics. Bawat atleta ay lumalaban para sa karangalan ng CLSU.

Hawak ang sulo ng pangarap na pinag-alab ng mithiin na matupad ang pangarap para sa CLSU, matapang silang lumalakad sa karimlan na walang kasiguraduhan.

Ang panimula ng pagkakamit ng

medalyaNagsimula ang pag-

takbo ni Leah Prado, mag-aaral sa ikalawang taon ng Bachelor of Sci-ence in Agriculture para sa karangalan ng CLSU nang siya ay nasa ika-apat na taon pa lamang ng kanyang p a n g -

sekond-a r y a n g

edukasyon sa University Labo-

ratory High School (ULHS) Palusapis.Hindi man nakapag-

uwi ng medalyang ginto mula sa SUC III Olym-pics noong 2009, tinapa-

tan naman ito ng limang iba’t ibang medalya na kanyang natanggap sa nasabing Olimpyada.

Nalagpasan niya ang kanyang mga ka-laban at pumangalawa sa 4x400 relay at med-ley relay samantalang pumangatlo naman siya sa 200m dash, 400m run, 400m low hur-dles at 4x100m relay.

Nang siya ay makapag-tapos sa mataas na paaralan, pinagpatuloy ni Leah ang kanyang pag-aaral sa CLSU. Da-hil dito, kanyang ipinag-

patuloy ang pagkaka-mit ng karangalan sa larangan ng athletics.

Sa ikalawang pag-kakataon, tumak-bong muli si Leah

sa karera ng mga pangarap sa ginanap na SUC III Olympics

noong 2010 sa Bulacan State University (BulSU).

Ang dating limang medalya na naiuwi ng kanyang unang karera noong hayskul ay nag-ing anim matapos ang nasabing palakasan.

Pumangalawa siya sa 4x400 relay at med-ley relay samantalang pangatlo sa 200m dash, 400m dash, 400 low hurdles at 4x100 relay.

“Masaya dahil may mga medalyang naiuwi para sa CLSU, subalit

nakalulungkot dahil hin-di ginto,” saad ni Leah.

Ayon kay Leah, de-terminado siyang luma-ban dahil sa karanga-lan na maibibigay niya sa unibersidad kasabay na rin dito ang pagna-nais na ibalik ang hirap at suporta ng kanyang coach at teammates.

Ang hirap sa likod ng tagumpay

Bagaman nagkamit na ng ilang medalya at ang kanyang kagalingan sa larangan ng karera ay tunay na kahanga-hanga, sumagi na rin sa isipan ni Leah na tu-migil na sa kanyang karera bilang varsity.

Ayon sa kanya, mahi-rap pagsabayin ang pag-aaral at ang pagiging var-sity. Dahil sa pag-aalab na determinasyon na gi-nagatungan ng kanyang coach at teammates, hindi niya naituloy ang pagtigil sa pagtakbo.

Sa halip na sumuko, pinilit balansehin ni Leah ang kanyang pag-aaral at ensayo. Pinabulaanan din niya ang haka-haka na ang mga manlalaro ay mga delinkwenteng mag-aaral matapos magkamit ng 1.78 na General Point Average (GPA) noong nakaraang semester.

“Hindi totoo iyon. Malamang hindi lamang nila (ibang atleta) kay-

ang pagsabayin ang kanilang pag-aaral at pag-eensayo o kaya ay naiimpluwensiyahan ng mga barkada. Huwag naman sana nilang la-hatin,” saad ni Leah.

Matapos ihayag ni Jay C. Santos, bagong direk-tor ng Institute of Sports, Physical Education and Recreation (ISPEAR) ang kanyang prediksyon na ang mga atleta ng ath-letics at swimming ang pangunahing magdadala ng pangarap na umangat ang puwesto ng CLSU sa gaganapin na SUC III Olympics, magkahalong saya at pressure ang nararamdaman ni Leah.

“Masaya naman na ganoon kaso nakaka-pressure. Papaano kung matalo?,” sabi niya.

Pangarap at mithiinKasabay ng pan-

garap na maabot ang kanyang pangarap na magtapos sa kolehiyo, pinipilit ding abutin ni Leah ang pangarap ng CLSU na maabot ang pinakamataas na puwes-to sa SUC III Olympics.

Ang pangarap na ito na pangarap din ng bu-ong CLSU ay nakapatong sa balikat ng bawat atle-ta na naghahanda nang tumahak sa arena ng palakasan. Ang pangarap na ito na ating minimithi ay kanilang pinagpap-aguran at pinagbubu-wisan ng mga sakripisyo.

Wala man kasigu-raduhan ang kanilang tagumpay sa darating na mga olympics, sa pag-bubuhat pa lamang ng responsibilidad na itaas ang noo ng CLSU sa la-rangan ng palakasan, bawat atleta na patuloy na lumalaban ay mai-tuturing nang kampe-on ngayon pa lamang.

Pagtahakpangarap

patungongNi Mariell Anne Salatamos

Pagtahak, page 7

Page 7: CLSU Collegain (Pre-Intrams issue 2011)

BALITA

7

Sapagkat, tinahak nila ang landas na hindi lahat ay may lakas ng loob na tahakin. Binu-hat nila ang responsibi-lidad na kinatatakutang buhatin ng iba. Hin-awakan nila ang sulo na walang nais humawak

sa takot na baka masu-nog nito ang kanilang mga sariling pangarap.

Matapos ang lahat, silang mga atleta pa rin ang maituturing na buhay na bayani ng ating unibersidad sa la-rangan ng palakasan.

Pagtahak... from page 6

Kaiba sa nakasanayan, ang kampeon noong na-karaang taon na Yunit V o College of Arts and Sci-ences ay hindi nagdaos ng mini-intrams bilang paghahanda sa Univer-sity Intramural Games na gaganapin ngayong Hulyo 29, Agosto 5 at Agosto 12.

Naging batayan ng Yunit V ang maigting na pagkakasunod-sunod ng mga gawain sa klase at nagpasyang ang ga-waing pang-isports ay maaring hanapan na la-mang ng ibang oras.

Ginanap ng Yunit III ang isang tryout nitong Hulyo 15 para piliin ang kani-kanilang mga manlalaro sa gaganap-ing CLSU Intramural Games.

Handa nilang tang-kain ang isa sa mga tatlong pinakamatataas na posisyon sa Intrams kung kaya puspu-san ang ginawa nilang paghahanda.

Pinangunahan ang nasabing pagsasanay ng kanilang athletic manager na si Dr. Poli-carpio Bulanan.

Bukod sa isinagawang

Yunit III tatangkaing makapasok sa top 3

Ni Edwin Respicio

CAS hindi nagdaos ng mini-intrams

Ni Chary Baniqued

Itinakda tuwing alas-sais ng hapon ang pagta-tryout sa lahat ng isports na paglalabanan na nag-umpisa noong unang linggo ng Hulyo.

Nagpaskil din ang mga coach sa buong kolehi-yo kung saan maaaring mag-tryout para sa mas detalyadong imporma-syon.

“As I have noticed, handa na nga ang CAS. Kasi hindi naman susugal ang CAS kung hindi nila kaya,” pahayag ni Patrick de Ramos, presidente ng CAS Central Council.

pagsasanay, isinabay rin ng College of Engi-neering ang kanilang college masswork para mapanatiling malinis ang pagsasanayan ng kanilang mga atleta.

Nagtalaga naman ng isang team captain ang bawat coach sa iba’t ibang larangan ng isports upang pan-gunahan ang kanilang grupo.

M a t a t a n d a a n g pumang-lima ang Yunit III nitong nakaraang Intrams at nagkam-peon sa larangan ng chess (men).

Yunit VI... from page 2

paano nakapapasok kami ng second or third sa mga laro pero sa first wala talaga,” sabi ni Arden John G. Barreras, presidente ng Student Council ng nasabing kolehiyo.

Samantala, sa chess at basketball women naman inaasahang

magiging malakas ang laban ng CBAA.

Bilang paghahanda, nagsagawa rin ang CBAA ng mini-intrams noong Hulyo 7.

Sa bawat laro sa nasabing mini-intrams ay may nakatalagang isang estudyante at fakulti coach upang salain ang kanilang mga manlalaro.