Upload
elriz-brillantes-gomez
View
484
Download
25
Tags:
Embed Size (px)
DESCRIPTION
physical educ case
Citation preview
1
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1. Introduksyon
Ang mga pang-akademikong asignatura na katulad ng Siyensya, Matematika at Araling
Panlipunan ay mas binibigyang importansya ang paglilinang sa intelektwal na aspeto ng isang
indibidwal. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga libro, kwaderno, yeso at pisara
sa pagtalakay ng diskurso.
Ang Edukasyong Pangkatawan naman ay mas binibigyang pansin ang paghahasa o
paglilinang sa pisikal na aspeto ng isang mag-aaral. At ayon kay Nenita J. Dimapilis et al, 2009,
ang objectiv ng asignaturang Edukasyong Pangkatawan ay:
"Physical Education as part of the educational system strives to help or facilitate the development of the potentialities of the individual so that he can attain total fitness that enables him to enjoy a good and useful life. It includes the acquisition and refinement of motorskills as well as develops and maintains fitness for optimal health and well-being."
At mas madaling nakakamit ang objektiv na ito sa pamamagitan ng mga wasto at maayos
na mga kagamitan at angkop na pasilidad. At mas napapadaling matutuhan ng isang indibidwal
ang mga aralin at aktibidad na nakapaloob sa asignaturang ito kung naisasagawa ito ng aktwal.
2. Layunin ng Pag-aaral
Ang pangkatang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa pananaw ng mga
mag-aaral ng GRC na kumukuha ng asignaturang Edukasyong Pang-Katawan hinggil sa
kalagayan ng mga kagamitan at pasilidad na pang-edukasyong pangkatawan. Naglalayon ang
papel na ito na malaman ang mga sumusunod:
2
a.) Malaman kung ano ang kalagayan ng mga kagamitan na ginagamit sa
asignaturang Edukasyong Pangkatawan.
b.) Malaman kung ano kalagayan ng mga pasilidad na ginagamit sa asignaturang
Edukasyong Pangkatawan.
c.) Anong mga hakbang ang isinasagawa ng mga guro at administrasyon upang
matugunan ang mga pagkukulang?
d.) Mga suhestyon ng mga mag-aaral na maaring makatulong upang maibsan ang
mga kakulangan sa mga kagamitan at pasilidad.
3. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay buong-pusong naniniwala na ang pag-aaral na ito ay
napakahalaga. Ito ay magsisilbing payak na kaalaman na maaring gamitin ng mga mag-aaral ng
Global Reciprocal Colleges upang lalo pang mapaunlad ang kanilang kaalaman sa tinatalakay na
paksa.
Mahalaga ang mga datos at impormasyong nakalahad dito dahil napakalaki ng
maitutulong hindi lamang sa mga estudyante ng paaralan kundi pati sa ibang mag-aaral at
mananaliksik na nais magkaroon ng impormasyon hinggil sa kalagayan ng mga kagamitan at
pasilidad na ginagamit sa asignaturang Edukasyong Pangkatawan.
Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maari ring malaman ang mga kakulangan sa
kaalaman ng mga estudyante at iba pang kaugnay na pag-aaral na dapat pang paunlarin sa mga
paaralan.
3
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsuri sa pananaw at kaalaman ng mga
estudyante ng Global Reciprocal Colleges hinggil sa kalagayan ng mga kagamitan at pasilidad na
ginagamit sa asignaturang Edukasyong Pangkatawan. Saklaw nito ang mga mag-aaral na
kumukaha ng asignaturang Edukasyong Pangkatawan ng kasalukuyang semester.
Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa una at ikalawang taon sa lahat ng kurso sapagkat
saklaw ng kanilang kurso ang nasabing asignatura. Naniniwala ang mga mananaliksik na sa
kasalukuyang panahon ay pinakamainam na magkaroon ng pag-aaral na ganito upang masagot
ang mga katanungan at makapagbigay ng sapat na impormasyon sapagkat nalalapit na naman
ang pagsisimula ng panibagong semester.
Sa kabuaan, ang mga artikulong nabanggit ay maaring gamiting sanggunian upang
malaman ang kahalagahan ng isang maayos at kumpletong pasilidad at kagamitan sa pag-aaral
ng asignatura lalo na at ang pisikal na aspeto ng isang indibidwal ang hihinangin.
5. Depinisyon ng mga Terminolohiya
Curriculum Standard- batayan na sinusundan ng paaralan at guro sa pagsasakatuparan ng
syllabus na nakalaan sa isang asignatura.
Edukasyong Pangkatawan- isang pang-akademikong asignatura kung saan nililinang ang
pisikal na kakayahan ng isang indibidwal.
Kagawaran ng Edukasyon (DepEd)- isang kawani ng gobyerno na namamahala sa mga
asignaturang itinuturo sa mga primeryang paaralan.
Musika,Sining at Edukasyong Pangkatawan (MSEP)- pang-akademikong asignatura sa
elementarya at hayskul na ang nililinang ay ang pagiging kamalikhain at pisikal na
4
kakayahan.
Random Sampling- ang hindi kontrol na pagpili ng mga respondante na magiging parte
ng pag-aaral na isasagawa.
Respondante- mga indibidwal na nakilahok at sumagot sa isinagawang pag-aaral ng mga
mananaliksik.
Standardized Tests- pag-susulit na isinasagawa at ibinibigay ng mga kawani ng
pamahalaan upang malaman ang antas at kalidad ng pagtuturo ng isang institusyon.
5
KABANATA II Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Simula sa primeryang edukasyon hanggang sa kolehiyo, ang asignaturang Edukasyong
Pangkatawan ay itinuturan sa lahat ng mag-aaral. Ngunit sa kabilang banda, madaming mga
mag-aaral ang nahihirapang matutuhan ang mga itinututro sa nasabing asignatura. At ang
sinasabing nangungunang dahilan nito ay ang kakulangan sa kagamitan.
Ang paaralang Saint Mary's Academy, sa pagsunod sa curriculum standard na kanilang
pinapairal para sa primeryang edukasyon, ang pag-aaral ng Musika, Sining at Edukasyong
Pangkatawan (MSEP) ay inihanda batay sa mga layunin ng makabagong sistema ng edukasyon
mula sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa hangaring makahubog ng mag-aaral sa aspetong
pisikal, emosyonal, pangkaisipan, pakikihalubilo at pangkultura. Bibigyan diin ang kahalagahang
pangkatauhan upang makatulong sa paghubog ng isang tunay na mamamayang Pilipino na
magsisilbing gabay upang maging kapaki-pakinabang na kasapi ng pamilya, pamayanan, bansa
at sandaigdigan. At isinasakatuparan nila ito sa pamamagitan ng pagtugon ng mga
pangangailangan ng nasabing asignatura. Naglalaan sila ng sapat na pondo upang
makapagpatayo at mapangalagaan ang kanilang mga pasilidad at kagamitan.
At batay sa ehekotibong lagom na inilabas sa Intergovernmental Relations Staff
Information Report ng Tennessee Advisory Commission, 2003, mayroon daw malaking
pagkakaugnay sa pagitan ng kumpletong pasilidad pampaaralan at ang pag-uugali at
partisipasyon ng mag-aaral sa asignatura. Dahil sa lahat ng pag-aaral na isinagawa ng kanilang
estado sa nakalipas na tatlumpung taon, napatunayan nila na ang relasyon sa pagitan ng
kondisyun ng paaralan, silid-aralan at mag-aaral ay istatiskal na napakahalaga. Dahil kung
6
susumahin, mas mataas ng lima hanggang labing pitong puntos ang nakukuha ng mga mag-aaral
na nakakapag-aral sa mas makabago at kumpletong mga pasilidad kaysa sa mga mag-aaral na
nag-aaral ng may mga kakulangan sa kagamitan at pasilidad sa standardized tests na ibinibigay
sa kanila.
At sinasabi sa artikulo na inilathala ni John B. Lyons sa kanyang internet page :
"While it has been said, "A good teacher can teach anywhere," a growing body of research literature also strongly suggests a direct relation between the condition and utility of the school facility and learning. The classroom is the most important area within a school. It is here that students spend most of their time, hopefully in an environment conducive to learning. Learning in the classroom requires a reasonable level of concentration, listening, writing, and reading. Individual classrooms and entire facilities need to be evaluated, not only on how they meet changing educational requirements, but also on how they meet the environmental requirements for health, safety, and security."
Sa kabuaan, ang mga artikulo na nakalap ng mga mananaliksik ay nagsasaad kung gaano
ka-importante ang wasto, angkop at kumpletong kagamitan at pasilidad sa pag-aaral ng isang
indibidwal ng isang asignatura.
7
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
1. Disenyo ng Pananaliksik
Ayon kay Virginia Ordoñez, 2007, ang kadalasang ginagamit ng mga baguhang
mananaliksik sa paggawa ng isang sulating papel ay and deskriptib-analitik. Ginagamit ang
metodolohiyang ito ay sapagkat hindi na nangangailangan ang paggamit ng masalimuot na
paggamit o pagsangguni sa mga istatistiks.Maaring suriin lamang nito ang mga datos o
inpormasyon na nakalap bunga sa isinagawang sarbey.
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptib-analitik na
pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang
kaalaman at pananaw ng mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Edukasyong
Pangkatawan hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng mga kagamitan at pasilidad na ginagamit sa
pagtuturo ng asignatura sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang sarbey.
2. Mga Respondente
Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral na naka-enroll sa
asignaturang pangkatawan mula sa una hanggang ikalawang taon sa kasalukuyang semestre ng
Global Reciprocal Colleges.
Ang mga respodente ay nagmula sa mga kursong Edukasyon, Business Administration,
Information Technology at Accountancy. At pinili rin ng mga mananaliksik ang paggamit ng
random sampling kung kaya't ang bilang ng pagkakabahagdan ng mga respondente sa bawat
8
kurso ay hindi pantay. Pansinin ang talahanayan sa ibaba kung saan ipinapakita ang
representayon ng distribusyon ng bawat respondente.
Talahanayan 1
BSBA BSED/BEED BSIT BSA
Bilang ng Lalaki 25 10 6 5
Bilang ng Babae 31 8 7 8
Kabuaang Bilang 56 18 13 13
3. Instrumentong Pampananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng isang sarbey. Ang mga
mananaliksik ay naghanda ng sarbey-kwestyoner upang malaman ang mga panananaw at
palagay ng mga mag-aaral ng GRC hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng mga kagamitan at
pasilidad na pang-edukasyong pangkatawan. Ang sarbey-kwestyoner ay naglalaman ng limang
katanungan at ilan sa mga ito ay may pagpipiliang sagot.
At para sa lalong pagpapabuti ng pag-aaral ay minabuti ng mga mananaliksik na
9
mangalap ng mga inpormasyon sa iba't ibang hanguan sa aklatan tulad ng mga nakalimbag na
libro, artikulo at maging na rin sa internet.
4.Tritment ng mga Datos
Sa kadahilanan na ang pangkatang pananaliksik na ito ay isang panimulang pag-aaral
lamang at hindi isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri, ay walang ginawang
pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at komplikadong istatistika.
Tanging pagta-tally lamang at pagkuha ng porsyento lamang ang kinailangang gawin ng mga
mananaliksik.
10
KABANATA IV
PRESENTASYON AT TRITMENT NG MGA DATOS
Sa pananaliksik na ito ay nakalap at natuklasan ang mga sumusunod na datos at impormasyon:
Grap 1. Distribusyon ng mga respondente ayon sa kasarian
Ipinapakita sa Grap 1 ang distribusyon ng mga respondente hinggil sa kanilang kasarian.
At sa isangdaang (100) respondente, apatnapu't anim (46) sa kanila ay mga lalaki at ang
natitirang limampu't apat ay pawang mga kababaihan.
11
Grap 2. Distribusyon ng mga respondente batay sa Gulang.
Tatlumpu't walo (38) sa aming mga repondente ay may edad sa pagitan ng labing walo
hanggang labing siyam (18-19) gulang samantalang tatlumpu't tatlo (33) naman ay may edad na
labing anim hanggang labing pito (16-17). At labing anim (16) naman ay nasa pagitan ng edad
na dalawampu hanggang dalwampu't isa (20-21) at ang natitirang labing tatlong (13)
respondente ay mahigit dalwampu't dalawa (22) pataas na ang edad. Makikita natin sa grap na ito
madami sa aming mga respondente ay nasa pagitan ng labing walo hanngang labing siyam na
gulang kung saan ang mga kabataan sa ganitong edad ay mas aktibo sa mga gawaing pisikal.
Grap 3. Opinyon o Palagay ng mga Mag-aaral hinggil sa kalagayan ng mga Pasilidad Pang-
Edukasyong Pangkatawan.
12
Tinanong ng mga mananaliksik ang isangdaang (100) respondente kung ano ang kanilang
tingin sa kasalukuyang kalagayan ng mga pasilidad na ginagamit sa pag-aaral at pagtuturo ng
asignaturang Edukasyong Pangkatawan sa GRC. Ipinarayt sa kanila ito sa pagitan ng isa
hanggang apat. Kung saan ang rayting na isa ay nagsasabing MAYROON, ang rayting na dalawa
ay WALA habang ang rayting na tatlo ay MAYROON NGUNIT SIRA at ang rayting na apat
naman ay MAYROON NGUNIT KULANG ang katumbas.
Grap 3.a. Volleyball Court
01020
30405060
708090
Mayroon Wala MayroonNgunit Sira
MayroonNgunit Kulang
Sa isangdaang (100) respondente, pito (7) sa kanila ang nagsabing mayroong Volleyball Court ang GRC samantalang walumpu't tatlo (83) naman ang nagsabing wala ang GRC ng nasabing pasilidad. At sampu (10) naman ang nagsabing mayroon nga ngunit kulang at wala naman ang nagsabing mayroon ngunit sira. Masasabi natin na napagkakamalan ng mga mag-aaral ng GRC na bahagi o pagmamay-ari ng paaralan ang pasilidad na ginagamit at matatagpuan sa Dorotea.
13
Grap 3.b. Basketball Court
Anim (6) sa isangdaang respondente ay nagsabing mayroong Basketball Court ang paaralan habang walumpu't tatlo (83) naman ang nagsabing wala. Mayroon namang isa (1) ang nagsabing mayroon ngunit sira at sampu (10) naman ang nagsabing mayroon ngunit kulang.Masasabi natin na napagkakamalan ng mga mag-aaral na ang covered court sa Dorotea, na kadalasang ginagamit ng paaralan para isagawa ang mga aktibidad na nangangailangang gumamit ng court, ay bahagi o parte pa rin ng paaralan.
Grap 3.c. Badminton Court at Table tennis
Sa isang daang repondente tatlumpu't dalawa (32) ang nagsabing mayroon habang
14
sinalungat naman ito ng dalawampu't dalawang (22) respondente sa pagsasabing wala.Kung
kaya't masasabi natin na nagugulumihanan ang mga mag-aaral na kung dapat bang i-konsider
and maliit na espasyo sa P.E room ng paaralan bilang isang katanggap-tanggap na pasilidad na
pang-badminton. At mayroon din na anim (6) ang nagsabing mayroon nga ngunit sira naman at
mayroong sampu (10) naman ang nagsabing mayroon ngunit kulang.
Grap 3.d. Swimming Pool
0102030405060708090
Mayroon Wala MayroonNgunit Sira
MayroonNgunit Kulan
Pito (7) sa mga respondente ang nagsabing mayroong Swimming Pool ang GRC at
walumpu't anim (86) naman ang nagsabing wala. Habang ang natitirang pito (7) ay nagsabing
mayroon nga ngunit kulang naman. Masasabi natin na mayroong ilan sa mga mag-aaral ng GRC
na hindi gaanong lubusang alam ang mga pasilidad na mayroon ang paaralan.
Grap 3.e. Gymnasium
15
Labing lima (15) sa mga respondente ang nagsabing mayroong ganitong klaseng pasilidad ang
GRC at ang marahil na tinutukoy nila ay ang P.E room na matatagpuan sa unang palapag ng
gusali samantalang animnapu't siyam (69) naman ang nagsabing wala. At mayroong dalawa (2)
ang nagsabing mayroon ngunit sira at labing apat (14) naman ang nagsabing mayroon nga ngunit
kulang naman.
Grap 4. Opinyon o Palagay ng mga Mag-aaral hinggil sa kalagayan ng mga Kagamitan Pang-
Edukasyong Pangkatawan.
Tinanong ng mga mananaliksik ang isangdaang (100) respondente ang kanilang tingin
ang kasalukuyang kalagayan ng mga kagamitan na ginagamit sa pag-aaral at pagtuturo ng
asignaturang Edukasyong Pangkatawan sa GRC. Ipinarayt sa kanila ito sa pagitan ng isa
hanggang apat. Kung saan ang rayting na isa ay nagsasabing MAYROON, ang rayting na dalawa
ay WALA habang ang rayting na tatlo ay MAYROON NGUNIT SIRA at ang rayting na apat
naman ay MAYROON NGUNIT KULANG ang katumbas.
16
Grap 4.a First-aid Kit
Sa isangdaang (100) respondente na tinanong namin, apatnapu't isa (41) sa kanila ang
nagsabing mayroong ganitong klase ng kagamitan ang GRC at labing dalawa (12) naman ang
nagsabing wala.At apat (4) sa kanila ang nagsabing mayroon ngunit sira naman at Limampu't
apat (54) naman ang naniniwalang mayroon ngunit kulang.
Grap 4.b. Kagamitan Pang-Basketball
17
Dalawampu't siyam (29) ang nagsabing mayroon ang GRC at labing dalawa (12) ang
nagsabing wala. At tatlo (3) ang nagsabing mayroon ngunit sira at limampu't isa (51) ang
nagsabing mayroon ngunit kulang.
Grap 4.c Kagamitan Pang-Volleyball
18
Ang nagsabing mayroong kagamitang pang-volleyball ang GRC ay dalawampu't siyam
(29) habang labing lima (15) naman ang nagsabing wala. Mayroon ding tatlo (3) ang nagsabing
mayroon ngunit sira at limampu't dalawa (52) naman ang nagsabing mayroon ngunit kulang.
Grap 4.d Kagamitan Pang-Badminton
19
Mayroong tatlumpu't tatlo (33) ang nagsabing mayroon ang GRC ng nasabing kagamitan
samantalang sampu (10) naman ang nagsabing wala. Isa (1) lang naman ang nagsabing mayroon
ngunit sira at limampu't anim (56) ang nagsabi at naniniwala na mayroon ngunit kulang ang
paaralan sa nasabing kagamitan.
Grap 4.e Kagamitan Pang-Table tennis
20
Sa isangdaang (100) respondente, apatnapu't dalawa (42) ang nagsabing mayroon habang
walo (8) ang sumalungat at nagsabing walang kagamitan ang matatagpuan o nagagamit sa
paaralan. May sampu (10) namang nagsabi na mayroon ngunit sira at apatnapu (40) ang
nagsabing mayroon ngunit kulang.
21
Grap 4.f. Kagamitan Pang-Gymnastics
Mayroong sampu (10) ang nagsabing mayroong ganitong kagamitan ang GRC at
animnapu't dalawa (62) ang nagsabing wala. Isa (1) lang ang nagsabing mayroon ngunit sira
samantalang dalawampu't pito (27) ang nagsabing mayroon ngunit kulang. Masasabi natin na
karamihan sa mga respondente ay nagsasabing walang kagamitang pang-gymnastics ang GRC na
maaeing gamitin sa pagsasagawa ng nasabing isport.
22
Grap 4.g. Kagamitan Pang-Arnis
Limampu't apat (54) ang nagsabing mayroong ganitong klaseng kagamitan sng paaralan
habang labing dalawa (12) naman ang nagsabing walang ganitong klaseng kagamitan ang GRC.
Lima (5) naman ang nagsabing mayroon ngunit sira ang mga kagamitan habang dalawampu't
walo (28) naman ang ngasabing mayroon ngunit kulang.
23
Grap 4.h. Kagamitan Pang-Chess
Sa isangdaang (100) respondente, limampu't tatlo (53) ang nagsabing mayroon ang GRC
ng kagamitang pang-chess ang GRC habang labing isa (11) ang nagsabing
wala. Tatlo (3) naman ang nagsabing mayroon ngunit sira at tatlumpu't isa (31) ang nagsabing
mayroon ngunit kulang.
24
Grap 4.i Kagamitang Pang-Sayawan
Ipinapakita sa grap 4.i na apatnapu't siyam (49) sa mga respondente ang nagsabing
mayroong ganitong kagamitan ang GRC habang sinalungat naman ito ng anim (6) na
respondente sa pagsasabing wala. At anim (6) rin ang nagsabing mayroon ngunit sira at
tatlumpu't siyam (39) naman ang nagsabing mayroon ngunit kulang ang mga kagamitang
nagagamit.
25
Grap 5. Epekto ng kakulangan sa Kagamitan sa Mag-aaral.
25%
19%
10%20%
26%
Kawalan ng Interes
Hirap Matuto
Hirap Isagawa ang mga Aktibidad
Iba pang opinyon
Walang Kumento
Ipinapakita sa grap 5 ang tatlong pinaka-epekto ng mga kakulangan sa kagamitan na
ginagamit sa pag-aaral at pagtuturo ng asignaturang Edukasyon Pangkatawan. At lumabas sa
mga impormasyon na nakalap ng mga mananaliksik na ang kahirapan na matutuhan ang
nasabing asignatura ang nanguna sa mga nagiging epekto ng kakulangan sa mga mag-aaral. At
sinundan ito ng kahirapan sa pagsasagawa ng mga mag-aaral ng mga aktibidad ng nasabing
asignatura at ang kawalan ng kanilang interes.Mayroon din namang ilan na hindi nagbigay ng
komento.Ang labinsiyam na bahagdan (19%) naman ay kinapapalooban ng mga kasagutan ng
mga respondente na hindi direktang sinagot o malayo ang kasagutan sa katanungan na ibinigay
ng mga mananaliksik.
26
Grap 6. Epekto ng kakulangan sa Pasilidad sa Mag-aaral.
8%
24%
17%
12% 15%
24%
Kawalan ng Interes
Hirap Matuto
Hirap Isagawa ang mga Aktibidad
Iba pang opinyon
Walang Kumento
Karagdagang Gastos
Nang tanungin namin ang mga respondente kung ano sa tingin nila ang naging epekto sa
pag-aaral nila ng nasabing asignatura. Dalawampu't tatlo (23) ang nagsabing nahihirapan silang
matutunan ang itinuturo sa asignatura at dalawampu't tatlo (23) din ang nagsabing nahihirapan
silang isagawa ang mga aktibidad na ibinibigay.Labing lima (15) naman ang nagsabing
nawawalan ng interes, labing pito (17) ang malayo o hindi direktang sinagot ang katanungan sa
sarbey kwestyoner at walo (8) naman ang nagsabing nadaragdagan ang gastos nila. Habang
labing dalawa (12) naman ang hindi nagbigay komento. Kung ibabatay natin ang epekto sa mga
mag-aaral ng kakulangan ng mga pasilidad sa grap na ito, maaring sabihin na kung kaya't hirap
matutuhan o hirap kawilihan ng mga mag-aaral ang asignatura ng lubos iyon ay marahil sa
nahihirapan silang isagawa ang mga aktibidad na ipininapagawa sa nasabing asignatura.
27
Grap 7. Suhestyon ng mga mag-aaral upang maibsan ang Problema.
Nakatala sa grap 7 ang mga nangunang suhestyon ng mga mag-aaral upang maibsan o
mapunan ang problema sa kakulangan ng kagamitan at pasilidad na ginagamit sa asignaturang
Edukasyong Pangkatawan.At tatlumpu't siyam (39) sa mga respondente ang nagsabing
kinakailangan ng bumili at mag-paggawa ng mga kagamitan at pasilidad. Dalawampu't lima (25)
naman ang nagsabing mangalap ng pondo at dalwampu't isa (21) naman ang nagsabing
ipagbigay alam ito sa mga namamahala sa paaralan. Mayroon namang labing lima (15) na hindi
nagbigay komento.
28
KABANATA V
LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
1. Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang mga opinyon, pananaw at
kaalaman ng mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Edukasyong Pangkatawan sa Global
Reciprocal Colleges hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng mga kagamitan at pasilidad na
ginagamit sa pag-aaral at pagtuturo ng nasabing asignatura.
Gamit ang metodolohiyang deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng
sarbey-kwestyoner na pinasagutan sa isangdaan (100) respondente sa lahat ng kurso na
kumukuha ng edukasyong pangkatawan mula una hanggang ikalawang taon na naka-enroll sa
Global Reciprocal Colleges.
2. Kongklusyon
Batay sa mga nailahad na mga datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga
sumusund na kongklusyon:
a. Alam nga ngunit ilan sa mga mag-aaral ng GRC ay hindi, ang kakulangan sa mga pasilidad na
kinakailangan sa pag-aaral at pag-tuturo ng asignaturang Edukasyon Pangkatawan.
b. Alam nga ngunit ilan sa mga mag-aaral ng GRC ay hindi, ang kakulangan sa mga kagamitan
29
na kinakailangan sa pag-aaral at pag-tuturo ng asignaturang Edukasyon Pangkatawan.
c. Madami sa mga mag-aaral ang nahihirapang matutuhan ang mga itinuturo sa nasabing
asignatura dahil sa kakulangan.
d.Nawawalan na ng interes o gana ang mga estudyante sa asignaturang Edukasyong
Pangkatawan na nagiging dahilan sa madalas nilang pagliban na nagiging dahilan ng pagkaka-
drop nila sa klase.
e. Hindi maisagawa ng maayos ng mga mag-aaral ang mga pisikal na aktibidad dahil sa
kakulangan ng mga kagamitan at walang maayos na pasilidad;
f. At dahil sa malayo ang ginagamit na pasilidad sa pagtuturo ng asignatura, nadaragdagan ang
gastos ng mga mag-aaral.
3. Rekomendasyon
Kaugnay ng mga kongklusyon na nabanggit, buong-pagkukumbabang inererekomenda
ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na suhestyon upang masolusyunan o maibsan man
lang ang mga pagkukulang:
a. Mag-sagawa ng isang fund raising na programa ang paaralan upang makalikom ng pondo na
maipang-bibili ng mga kagamitan na labis na kinakailangan sa pag-aaral at pagtuturo ng
asignatura.
30
b. Makipag-uganayan sa ibang institusyon ang mga namamahala ng paaralan upang makakuha
ng i-sponsorship na maaring magbigay ng pondo upang makapag-paggawa ng mga pasilidad.
c. Magsagawa ng isang programa kung saan mangongolekta ang mga estudyante ng mga
patapong kagamitan na maaring ibenta sa junkshop. At ang malilikom na salapi ay mapupunta sa
pagbili ng mga kagamitan na lubos na kinakailangan sa asignatura at maging ng mga mag-aaral.
d. Ipagbigay alam ng mga guro at administrasyon sa mga namamahala sa paaralan ang lagay at
nagiging epekto ng mga kakulangan sa kagamitan at pasilidad sa mga mag-aaral upang makabuo
na sila ng plano upang matugunan ang problema.
31
Bibliografi
www.adamson.miu.ph (Accessed March 11)
Lyons, John. "DO SCHOOL FACILITIES REALLY IMPACT A CHILD'S EDUCATION?-An introduction to the issues". http://www.coe.uga.edu/sdpl/articlesandpapers/lyons.html (Accessed March 9,2011)
http://www.sma-pc.edu.ph/gs_curriculum.html (Accessed March 16, 2011)
Dimapilis, Nenita, Lorna Espeo, Maria Luisa Isip at Marifel Muli. 2009.Physical Education 1 (Physical Fitness and Gymnastics).2009
Ordonez, Virginia ."Pagbasa at Pagsulat, Tungo sa Pananaliksik".Jimcy Publishing House, Cabanatuan City.2007
32
APENDIKS A
PORMULARYO NG PAGPAPATIBAYNG PAKSA AT PAMAGAT NG PAG-AARAL
Marso 24, 2011
Lupong PampananaliksikDepartamento ng FilipinoGlobal Reciprocal Colleges
Mga Pinagpipitagang Miyembro ng Lupon,
Buong-paggalang naming ipinapasa ang paksa at aming tentatibong pamagat-pampananaliksik ng aming pangkatang pananaliksik sa Filipino 2 para sa inyong ebalwasyon at pagsang-ayon.
Larangan: Edukasyon Paksa: Edukasyong Pangkatawan
Mungkahing Pamagat: Kalagayan ng mga Kagamitan at Pasilidad pang-Edukasyong Pangkatawan sa Global Reciprocal Colleges
Lubos na gumagalang, Binigyang-pansin:
Jan Elriz Brillantes Ram GayataoLider ng Pangkat Propesor
____________________________________________________________________________
Pasya ng Lupon:
_______ Tinanggap at sinang-ayunan ang pamagat _______________ Tinanggap at sinang-ayunan ang pamagat ________ nang may rebisyon._______ Iminungkahing mag-disenyo ng ibang pamagat hinggil sa paksang napili._______ Iminumungkahing palitan ang paksa at pamagat ng pag-aaral.
33
APENDIKS B
LIHAM SA PAGHINGI NG PAHINTULOT SA PAGSARBEY
Pebrero 21, 2011
Prop. Stella Galang
Dekana
Global Reciprocal Colleges
Mahal naming Propesora,
Maalab na Pagbati!
Kami po ay isang pangkat ng mga mag-aaral sa I-Persistence na kasalukuyang kumukuha ng
asignaturang Filipino 2. Isa po sa mga pangangailangan ng nasabing asignatura ay ang pagsulat
ng isang pangkatang pananaliksik.
Sa kasalukuyan po, kami ay nagsusulat ng isang pangkatang pananaliksik tungkol sa Kalagayan
ng mga Kagamitan at Pasilidad pang-Edukasyong Pangkatawan sa Global Reciprocal Colleges.
Kaugnay po nito, nais po naming hingin ang pahintulot ng inyong tanggapan upang kami'y
makapamahagi ng sarbey-kwestyoner sa mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang
Edukasyong Pangkatawan.
34
Ang mga datos na aming makakalap sa sarbey ay makakatulong po nang lubos sa aming pag-
aaral.
Inaasahan po namin ang inyong positibong pagtugon sa aming kahilingan.
Lubos na gumagalang,
Jan Elriz Brillantes
Lider ng Pangkat
35
APENDIKS C
SARBEY-KWESTYONER
Mahal naming Respondante,
Maalab na pagbati!
Kami po ay mga mag-aaral ng Filipino 2 na kasalukuyang nagsusulat ng isang pangkatang tesis tungkol sa “Kalagayan ng mga Kagamitan at Pasilidad pang-Edukasyong Pangkatawan sa Global Reciprocal Colleges.”
Kaugnay nito, inihanda namin ang kwestyoner na ito upang makatanggap ng mga datos na kailangan namin sa aming pananaliksik.
Kung gayon, mangyari po lamang na sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming magiging kumpidensyal na impormasyon ang inyong mga kasagutan.
Maraming salamat po!
-Mga Mananaliksik
____________________________________________________________________________________
Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang at kung may pagpipilian, lagyan ng tsek ang kahon o bilugan ang aytem na tumutugma sa inyong sagot.
Pangalan (opsyunal): __________________ Kasarian: Lalaki BabaeKurso: _____________ Edad:
16-17 18-19 20-21 22-pataas
Rayting: 1- Mayroon 2-Wala 3-Mayroon ngunit Sira 4-Mayroon ngunit Kulang
1.) Ano sa tingin mo ang kalagayan ng mga sumusunod na pasilidad:
a.)Volleyball Court 1 2 3 4 b.)Basketball Court 1 2 3 4
c.)Badminton Court/Table tennis 1 2 3 4 d.)Swimming Pool 1 2 3 4 e.)Gymnasium 1 2 3 4
2.) Ano sa tingin mo ang kalagayan ng mga sumusunod na kagamitan:
a)First-aid Kit 1 2 3 4
36
b) Pang-basketball 1 2 3 4
c) Pang-Volleyball 1 2 3 4
d)Pang-Badminton 1 2 3 4
e) Pang-Table Tennis 1 2 3 4
f) Pang-Gymnastics 1 2 3 4
g) Pang-Arnis 1 2 3 4
h) Pang-chess 1 2 3 4
i) Pang-sayawan 1 2 3 4
3.) Ano sa tingin mo ang maaaring epekto ng kakulangan sa mga kagamitan sa pag-aaral ng asignaturang Edukasyong Pangkatawan? ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________
4). Ano sa tingin mo ang maaaring epekto ng kakulangan sa mga pasilidad sa pag-aaral ng asignaturang Edukasyong Pangkatawan? ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________
5.) Ano ang iyong suhestyon na maaring makatulong upang matugunan o masolusyunan ang problema?____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
37
APENDIKS D
LIHAM-PAANYAYA SA PANELIST
Marso 22, 2011
Prop. Arnel Peralta
Propesor, Global Reciprocal Colleges
Mahal naming Propesor,
Mabunying pagbati!
Kaugnay sa pasalitang presentasyon ng aming grupo sa pangkatang papel namin na may pamagat
na Kalagayan ng mga Kagamitan at Pasilidad pang-Edukasyong Pangkatawan sa Global
Reciprocal Colleges, ay nais po namin kayong anyayahan upang maging panelist na
pinaniniwalaan namin makapagbigay ng mga propesyonal at kapakipakinabang na input tungo sa
lalong ikakatagumpay ng aming pananaliksik.
Gaganapin po ang aming presentasyon sa Marso 28, 2011, Lunes sa ganap na 1:00 ng hapon sa
Study Hall.
Dalangin po namin ang inyong pagpapaunlak sa aming paanyaya.
Dalangin po namin ang inyong pagpapaunlak sa aming paanyaya.
38
Kalakip po nito ang kopya ng aming pangkatang pananaliksik at pormularyo sa pag-eebalweyt
ng pasalitang presentasyon para po sa maaga ninyong paghahanda kung tatanggapin ninyo ang
aming paanyaya.
Marami pong salamat at patuloy nawa kayong pagpalain ng Poong Maykapal!
Lubos na gumagalang,
Jan Elriz Brillantes
Lider ng Pangkat
Binigyang Pansin:
Prop. Ram Gayatao
Propesor
39
Marso 22, 2011
Prop. Caridad Aclo
Propesor, Global Reciprocal Colleges
Mahal naming Propesor,
Mabunying pagbati!
Kaugnay sa pasalitang presentasyon ng aming grupo sa pangkatang papel namin na may pamagat
na Kalagayan ng mga Kagamitan at Pasilidad pang-Edukasyong Pangkatawan sa Global
Reciprocal Colleges, ay nais po namin kayong anyayahan upang maging panelist na
pinaniniwalaan namin makapagbigay ng mga propesyonal at kapakipakinabang na input tungo sa
lalong ikakatagumpay ng aming pananaliksik.
Gaganapin po ang aming presentasyon sa Marso 28, 2011, Lunes sa ganap na 1:00 ng hapon sa
Study Hall.
Dalangin po namin ang inyong pagpapaunlak sa aming paanyaya.
Dalangin po namin ang inyong pagpapaunlak sa aming paanyaya.
Kalakip po nito ang kopya ng aming pangkatang pananaliksik at pormularyo sa pag-eebalweyt
ng pasalitang presentasyon para po sa maaga ninyong paghahanda kung tatanggapin ninyo ang
40
aming paanyaya.
Marami pong salamat at patuloy nawa kayong pagpalain ng Poong Maykapal!
Lubos na gumagalang,
Jan Elriz Brillantes
Lider ng Pangkat
Binigyang Pansin:
Prop. Ram Gayatao
Propesor
41
APENDIKS E
PORMULARYO SA PAG-EEBALWEYT NG PANGKATANG PANANALIKSIK
Pamagat: _________________________________________________
_________________________________________________
Mananaliksik: ______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
Taon at Pangkat: _______________ Semestre:_______ Taong Akademiko: _____________
Sistema ng Pagmamarka:
Apat (4) na puntos ang pinakamataas na maaring ibigay sa bawat aytem. Maaring
magbigay ng puntos na may desimal ( halimbawa: 1.2, 2.3, 3.5) ayon sa paghuhusga ng
ebalweytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total ng puntos upang makuha ang
kabuuang marka.
A. Paksa at Suliranin
1. Signipikant at napapanahon ba ang paksa ng pananaliksik? _______
2. Sapat ba ang pagtalakay sa introduksyon? _______
3. Malinaw at sapat ba ang saklaw at limitasyon ng paksa
42
upang makalikha ng mga valid na paglalahat? _______
4. Maayos at malinaw ba ang pamagat at angkop ba
iyon sa paksa ng pag-aaral? _______
5. Malinaw, ispesipik at sapat ba ang tiyak na layunin
ng pag-aaral? _______
6. Sapat at matalino ba ang pagpili sa mga terminong
binigyan ng depinisyon at malinaw ba ang pagpapakahulugan
sa bawat isang termino? _______
Sub-total: _______
B. Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
1. Sapat at Angkop ba ang mga pag-aaral
at literaturang tinalakay? _______
2. Malinaw at mayos ba ang pagtalakay sa mga
pag-aaral at literaturang iyon? _______
3. Wasto at maayos ba ang dokumentasyon ng mga
pag-aaral sa iba pang hanguang ginamit? _______
Sub-total: ______
C. Disenyo ng Pag-aaral
1. Angkop ba sa paksa ang pamamaraan/metodong
ginamit sa pananaliksik? _______
43
2. Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naayon
ba iyon sa sayantipik na metodo ng pananaliksik? _______
3. Sapat at angkop ba ang respodenteng napili sa paksa
ng pananaliksik? _______
4. Malinaw at wasto ba ang disenyo ng insturmentong
ginagamit sa pangangalap ng datos? _______
Sub-total: _______
D. Presentasyon
1. Sapat, valid at relayabol ba ang mga datos
na nakalap? _______
2. Maingat bang nasuri at nalapatan ba ng wastong
istatistikal tritment ang mga datos? _______
3. Wasto at sapat ba ang naging interpretasyon
ng mga datos? _______
4. Malinaw, maayos at konsistent ba ang tekstwal
at tabular/grapikal na presentasyon ng mga datos? _______
Sub-total: _______
E. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
1. Mabisa at sapat ba ang pagkakalagom sa
mga datos? _______
2. Lohikal at valid ba ang mga kongklusyon?
44
Nakabatay ba iyon sa mga datos na nakalap? _______
3. Nasagot ba sa konklusyon ang mga ispesipikong
katanungan sa layunin ng pag-aaral? _______
4. Lohikal, pisibol, praktikal at ateynabol ba ang
mga inilahad na rekomendasyon?Makalulutas ba ang
mga iyon sa mga suliraning natukoy sa pag-aaral? _______
5. Malinaw, tuwiran at maayos ba ang paglalahad ng
mga lagom, kongklusyon at rekomendasyon? _______
Sub-total: _______
F. Mekaniks at Pormat
1. Wasto ba ang pormat ng bawat bahagi ng
pangkatang pananaliksik? _______
Nasunod ba ang mga tuntunin at tagubilin na tinalakay
sa klase? _______
2. Nasunod ba ang mga tuntuning panggramatika
sa teksto ng pangkatang papel? _______
3. Sapat at maayos ba ang pagkaka-proofread
at pagkaka-edit ng pamanahong papel? _______
Sub-total: _______
45
Kabuuang/Katumbas na Marka: ________
Ebalweytor: ____________________________________
Petsa: ________________________________________
46
APENDIKS F
PORMULARYO SA PAG-EEBALWEYT NG PASALITANG PRESENTASYON
Pamagat: _________________________________________________
_________________________________________________
Mananaliksik: ______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
Taon at Pangkat: _______________ Semestre:________ Taong Akademiko: _____________
Sistema ng Pagmamarka:
Apat (4) na puntos ang pinakamataas na maaring ibigay sa bawat aytem. Maaring
magbigay ng puntos na may desimal ( halimbawa: 1.2, 2.3, 3.5) ayon sa paghuhusga ng
ebalweytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total ng puntos upang makuha ang
kabuuang marka.
A. Masteri
1. Naipamalas ba ng bawat miyembro ng pangkat
ang masteri at kahandaan sa pagtalakay ng paksang
47
naitakda sa bawat isa? _______
2. Sapat, malinaw at mapanghikayat ba ang
pagtalakay ng bawat isa? _______
3. Sapat at malinaw ba ang mga inilahad na
paliwanag at halimbawa ng bawat miyembro? _______
4. Wasto, sapat at mapanghikayat ba ang pagsagot
ng bawat isa sa mga katanungan ng mga panelist? _______
5. Obhetibo at valid ba ang mga pahayag ng bawat
isa sa mga katanungan ng mga panelist? _______
Sub-total: _______
B. Pamamaraan
1. Lohikal ba ang presentasyon ng buong pangkat? _______
2. Gumamit ba sila ng mga kailangang kagamitang
awdyo-biswal? _______
3. Angkop at epektib ba ang kagamitan ng pangkat? _______
4. Epektib at kompitent ba ang pangkat sa manipulasyon
ng mga kagaitan sa presentasyon? _______
5. Angkop at epektib ba ang pamamaraan o istratehiyang ginamit
ng pangkat? _______
48
Sub-total: _________
C. Artikulasyon
1. Sapat ba ang lakas ng tinig ng bawat miyembro
ng pangkat sa pagsasalita? _______
2. Malinaw at wasto ba ang kanilang bigkas sa mga salita? _______
3. Angkop at epektib ba ang kanilang galaw, kumpas at
iba pang non-verbal clues? _______
4. Wala ba silang mga nakakadistrak na mannerism sa pagsasalita? _______
5. Wasto at angkop ba sa diwa ng mga pahayagan ang kanilang
bilis sa pagsasalita, tono, diin at hinto/pausing? _______
Sub-total: _______
D. Disiplina
1. Nagsimula at natapos ba sa takdang oras ang
presentasyon ng pangkat? _______
2. Naging malinaw, matapat at magalang ba sila sa
pagsagot ng mga tanong ng panelist? _______
3. Naipamalas ba nila ang pagkakaisa at kooperasyon
sa presentasyon? Hindi ba monopolisado ng isa o ilan
ang mga gawain? _______
4. Naipamals ba ng bawat isa ang mga tiwala sa sarili? _______
49
5. Angkop ba ang anyo, ayos at kasuotan ng bawat isa? _______
Sub-total: _________
Kabuuang/Katumbas na Marka: ________
Ebalweytor: ____________________________________
Petsa: ________________________________________
Mga Puna at Mungkahi:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
50