24
Proyekto sa Filipino Ipinasa ni: Jerry Nicol Jr Ipinasa kay: Donah Ruth Pabilonia

biboy

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: biboy

Proyekto sa

FilipinoIpinasa ni:

Jerry Nicol JrIpinasa kay:

Donah Ruth Pabilonia

Pamagat: Bata, Bata Pa’no ka Ginawa?

Page 2: biboy

Suliranin: Ang mga suliraning pamilya na inilahad ng may akda sa nobela ay nag-uugat sa mag kakaibang pamamaraan sa pag didisiplina sa mga anak, pang iinsulto at paulit ulit na pananariwa sa mga nagging kamalian at pagiging makasarili ng asawa

Panimula: Hanggang sa ang bata ay hindi na bata kung ama, o ina. Ano ang ituturo niya ngayon sa kanyang mga anak? Lahat ng dapat niyang matutuhan ngayon pa lang, hindi pagkamasunurin at pagkakimi, kundi pagkibo pag may sasabihin at paglaban pag kailangan. Lahat ng panahon ay hindi panahon ng mga takot at pagtitimpi; lahat ng panahon ay panahon ng pagpapasiya.

Mga Layunin: Para sakin ang layunin ng aklat na ito ay namulat tayong mga Pilipino tungkol sa mga nang yayari sa ating paligid at lipunan

Page 3: biboy

Kongklusyon: Hindi perpekto ang “Spring Awakening”. Hindi rin ito overwhelming na pagkatapos ilatag ang telon ay mabibingi ka sa palakpakan at papuri. Pero may malaking silver lining ang materyal at ito ay ang music ni Duncan Sheik. Hindi ako mananawang ulitin ang dula para lang dito. O mas mainam, bumili ng OST at ikumpara ang original cast sa Manila cast at paulit-ulit na patugtugin. 

Talasanggunian: A. Mga Aklat

Lualhati Torres Bautista, Bata Bata Pa’no ka Ginawa? Maynila Navotas Press.

B. InternetAng Surian

Page 4: biboy

Proyekto sa

FilipinoIpinasa ni:

Nathaniel AstorIpinasa kay:

Donah Ruth Pabilonia

Page 5: biboy

Pamagat: Sa mga Kuko Ng Liwanag

Suliranin:Nag umpisa ang kalbaryo ni Julio sa buhay nang lumuwas sa Maynila ang kasintahan nito.

Panimula: Sa paghahanap ni Julio, naranasan niya ang kahirapan ng buhay. Ilang construction site na rin ang kanyang pinagtrabahuan. Isa sa mga pinasukan niya ay ang 'The Future La Madrid Building'. Dito nakilala niya ang mga kaibigang sina Atong, Imo, Benny, Omeng at Gido. Siya ay nagtatrabaho bilang kantero at may suweldo na dos singkwenta

Page 6: biboy

bawat araw. Pero, halos kakarampot na kita nalang ang kanyang natatanggap sapagkat dinudugas siya ni Mr. Balajadia ang tagapangasiwa ng construction. 

Mga Layunin: Ang akda niyang Sa Mga Kuko Ng Liwanag ay naglalaman ng mga problemang kinahaharap ng maralitang Pilipino

Kongklusyon: panahong iyon. Ipinakita rin an gang kahinaan at bulag na pagtanggap ng mga taong tumatanggap sa kanilang aral.

Page 7: biboy

Talasanggunian:A. Mga aklat

EDGARDO M. REYES, Sa Mga Kuko ng Liwanag, Maynila Navotas Press.

B. InternetAng Surian

Proyekto sa

Page 8: biboy

FilipinoIpinasa ni:

Nelson John Llovit

Ipinasa kay:

Donah Ruth Pabilonia

Page 9: biboy

Pamagat: Mga Ibong Mandaragit

I. Layunin

1. Makapagplano at makagawa ng matalinhaga at malaman na pag-uulat ukol sa Ibong

Mandaragit

2. Maipamalas ang leksiyon, silbi at kahalagahan ng kuwento sa kapwa mag-aaral

II. Panimula

Palabas (video) ukol sa diskriminasyon

III. Katawan/Nilalaman

A. Balangkas ng Pangyayari

Pagsasa-ulat: maikling dula (skit) base sa nagawang iskripto

Mga pangunahing tauhan: Mando Plaridel, Steve, Pilipino

Tagpuan: Washington, U.S.: punong siyudad ng “demokrasya”

Balangkas:

i. “cara” at “cruz” ng salaping tanso at pilak: dalawang mukha ang isang larawan

a. Makinis ang karayagan

b. Magaspang ang kabaligtaran

ii. Si Mando ay humanga sa United States ngunit nabigo rin dahil sa kanyang mga nakita

iii. Mga nakasalimuha niyang simbolo ng pagkapantay-pantay at kalayaan sa United States:

a. Dalawang kapulungan ng Kongreso sa Capitol Hill

b. Jefferson Memorial at Lincoln Memorial

c. Libingan ng Arlington

d. Dating villa ni Heneral Robert Lee

e. Mount Vernon – sariling asyenda ni Presidente Washington

iv. Napatunayan ni Mando na bihira ang isang bagay na walang “cara” at “cruz”:

a. Kapulungan ng mga sundalong sibilyan na dinaluhan ni Mando

Ipinapahayag ang paninindigan na maging patas ang pagpapalagay ng mga

Amerikanong sundalo sa iba’t ibang dako ng bansa maging sila’y puti, itim,

pula, dilaw, o kayumanggi

Puti’y tangi sa ibabaw ng mga de-kolor

b. Army, bahaykalakal, mga union, paaralan, sasakyan, liwaliwang pambayan

Nakabukod ang itim at puti

c. Maraming paaralan, otel, restaurant, sasakyan, panoorin, at iba pang institusyon

Page 10: biboy

“off limit” sa sinomang may kulay

d. Itim: hindi malayang nakakaboto

e. Kalakaran ng itim: mabababa at mabibigat na trabaho

v. Habang nasa kapulungan: Tinapik siya ni Steve

a. Steve- Negrong papatin na isa sa mga paunang iskaut na nakarating sa bundok ng

Luson nang una sa hukbo ng liberasyon ng magkakaanib.

vi. Kuwento ng pangdidiskrimina kay Steve sa Washington

a. Si Steve ay nabigyan ng medalya sa kabayanihang nalingkod niya sa U.S

b. Nagtungo siya sa otel upang kumain ng masarap na pananghalian

c. Hinarang ng bantay-pinto sabay sabi: “Sorry, Buddy, but your color is no passport to

this establishment.”

d. Kahit ay may medalya nang nakasabit sa kanya dahil sa kabayanihang nailingkod,

ay ‘di pa rin niya magawang kumain sa isang disenteng otel sa siyudad ng

demokrasya

e. Marahil sa pagkasawi, bumili siya ng wiski at naglasing sa parke

f. Dinakip siya ng pulis dahil sa paratang na paghahampaslupa at paglabag sa

kaayusan at katahimikan

g. Siya’y wala nang trabaho dahil ipinagkaloob niya na sa iba ang trabaho niya bago

ang gera at kasalukuya’y mahina na; ipinagkakasiya niya nalang ang maliit na

pensiyon

h. Inanyayahan ni Mando na magtungo si Steve sa Pilipinas at doon magtrabaho ng

gawaing agpang sa kanya

vii. Kuwento ng kapwa Pilipinong natagpuan ni Mando na matagal nang namamalagi sa

U.S.

a. Galing sa plantasyon ng tubo at pinya sa Haway

b. Lumipat sa pataniman ng asparagus sa Californiya

c. Nagtuloy sa pangisdaan ng salmon sa Oregon at Alaska

d. Nasaksihan ang pang-aapi sa manggagawang dumarayo sa Amerika noong “peace

time”; Ang tawag ay “brown monkey” sa mga Pilipino, Mehikano, Instik,

Hapones

e. Bawal mag-asawa o makipagkaibigan man lamang ang brown monkey ng puti

f. Nagtiis, nag-ipon, nakapag-aral, at nagtapos sa isang unibersidad

g. Naging ciudadanong Amerikano (American Citizen) sa pag-iisip na ito ang lulunas

ng kanyang pagka-api

h. Isang araw ay inanyayahan siya ng kaibigang mestisong Kubano sa klub sa

Washington. Hindi American Citizen ang kanyang kaibigan ngunit maputi at

Page 11: biboy

mukhang kastila. Hindi pinapasok ang Pilipino sa club dahil siya’y kayumanggi,

samantalang ang kaibigan ay pinapasok dahil siya’y mukhang puti. Hindi rin

nakatulong ang pagiging American Citizen ng Pilipino upang makamit ang

respeto.

i. Nagwakas ng pagkukuwento sa konklusyon na hindi pala ang dokumento o

“identification tag” ang may kabuluhan kundi ang kolor ng balat.

viii. Inihalintulad ni Mando ang Pilipinong nakilala sa ibang mga Pilipinong namamalagi sa

inang bayan

ix. Humingi ng payo ang Pilipino dahil siya’y hirap sa Estados Unidos ngunit kapag

bumalik naman sa sariling bayan ay sayang ang ginugol na oras para sa U.S.

x. Nagsermon si Mando ukol sa pagiging tapat iyong pinanggalingan

xi. Nagpasalamat ang Pilipino at pinagisipan mabuti ang payo

xii. Nang magkita muli ang dalawa ay may kasama nang iba pang Pilipino ang kababayan ni

Mando

a. Nais bumalik ng mga Pilipinong ito sa Pilipinas

b. May mga naipon ang mga ito at binabalak nilang puhunanin sa isang industriya sa

sariling bayan

c. Sila’y pinuri ni Mando, aniya: “Mabuhay kayong lahat.”

B. Halagang Pangkatauhan

Pagiging makabayan

Nais ni Mando na maglingkod ang mga Pilipino sa sarili nilang bansa. Sinabi rin niya

na dapat balikan ang bayang sinilangan at doon gamitin ang kaunlarang nakamit sa

ibang bansa.

Diskriminasyon

Ang mga tao sa Amerika ay hindi nabibigyan ng pantay na karapatan dahil binabase

nila ito sa kulay ng balat: puti o itim.

Hindi pagtangkilik sa sariling katauhan

Ang Pilipinong nakilala ni Mando sa kuwento ay nagpabago pa ng “citizenship” para

makakuha ng patas na karapatan sa iba; ngunit hindi niya alam na ang kulay ang

tinitignan, hindi ang “identification card”.

C. Suliraning Panlipunan

Page 12: biboy

Hindi na talaga natin maiiwasan pa ang diskriminasyon. Ito ay ipinahiwatag sa

kabanatang 39 sa pamamagitan ng pagkwento ng isang Amerikanong itim o negro na si Steve

ukol sa kanyang mga karanasan sa sariling bayan. Ang kulay ng kanyang balat ang

nagpapahiwalay sa kanya at napagtitingnan siya ng mababa ng mga Amerikanong puti.

Ibinahagi ni Steve na ipinaglaban niya ang bayan sa giyera at muntikan na ngang malagot ang

buhay at malubha pang nasugatan. Ngunit nang nakabalik na siya mula sa giyera sa kanyang

bayang ipinagtanggol at ipinagsakripisyuhan ay ipinagbawal siyang pumasok sa isang

desenteng kainan dahil sa kanyang kulay. Tila ay kaawa-awa talaga itong mga negro, dahil

hindi sila malayang mabuhay ng maginhawa sa kanilang bansa. Dapat ay tanggapin natin ang

bawat isa sa ating mga kababayan kahit ano pa man ang kanilang itsura o kulay.

Isa pang suliranin na nakuha sa kabanatang ito ay ang pagtalikod sa lupaing

pinagmulan. May isang Pilipinong nagkwento kay Mando. Itong Pilipino ay sa wakas naging

isang ‘American Citizen’, kaya akala niya ay malaya na siyang mamumahay sa Estados Unidos

at makakapag-asawa siya na rin siya ng isang ‘blonde’. Ngunit may isang pangyayaring

nagpagising sa kanya sa realidad ng buhay. Ang Pilipino ay Pilipino at hindi pwedeng maging

Amerikano kailan man. Hindi siya pinapasok sa isang ‘club’ dahil siya ay kayumanggi. Kahit

pagpilitan niya na siya ay ganap na Amerikano ay walang mangyayari dahil ang nakikita nila

ang kulay ng balat at hindi ang “identification card”. Hindi masamang manirahan sa ibang

bansa, ngunit kung tuluyang iiwanan ang pinagmulan, ito ay hindi makabayan. Ang nararapat

ay mangibang bansa upang mag-ipon para sa pamilya at kung sapat na para sa lahat ay

bumalik sa sariling bansa, ang bansang nakakita sa iyong paglaki.

D. Malalim/Makabuluhang Pahayag

“Ano ang katatakutan mo sa pag-uwi sa Pilipinas? Na, ikaw e maninibago sa maraming

bagay? Hindi ba ibayong hirap at salabid ang sinagupa mo nang mandayuhan ka rito? Tuusin

ang ‘yong mga unang taon, ang bigat ng mga trabahong ginagamitan ng kamay, at ang pag-

alipusta ng mga puti. Naranasan mo ba ‘yan sa baying sarili nang bago ka mangibanglupa?

Hindi masama ang dumayo sa banyagang lupalop upang paunlarin ang sarili. Pero kung ikaw e

maunlad na’y dapat bumalik sa pinagmulan at du’n gamitin ang ‘yong kaunlaran. Walang

lupang dayuhan na maaari m

ong ipalit sa ‘yong sinilangan.” - Mando

E. Pag-uugnay sa Kasalukuyan

Mauugay natin ang Mga Ibong Mandaragit sa nagpapatuloy na suliraning

diskriminasyon. Hanggang ngayon ay talamak pa rin ang diskriminasyon maging sa

Page 13: biboy

sariling bansa, at lalo na sa Amerika. Patuloy na nangingibabaw ang puti kaysa sa mga

itim at mga Asyano.

Tulad ng Pilipino sa Mga Ibong Mandaragit, ay mayroong ding mga Pilipino sa

kasalukuyan na nagnanais talikuran ang pagka-Pilipino nila upang maging bahagi ng

ibang nayon. Ang mga ito’y nagpapalit ng “citizenship”, nag-aasawa ng dayuhan,

nagiging TNT para lamang manatili sa nangingibang bansa, at iba pa. At tulad din ng

Pilipino, sila’y kailanman hindi magiging tulad ng mga dayuhan sa nangingibang

bansa; sila’y kailanmang nananatiling Pilipino.

F. Pagpapaliwanag sa pamagat

May mga taong bukod sa hangad na tularan ang lalong walang habas na ibong

mandaragit: ang Agila, ay may mga palatandaan pa rin ng buwitre, ng kuwago at ng malaking

bayakang (vampira) sumisipsip ng dugo ng tao.

Sila ang mga palatandaan na isa ring Agilang nanunubok at lumalaklak, isang

buwitreng nagpapakabundat sa mga patay at sirang karne, isang kuwagong nagpapanggap na taglay

ang lahat ng dunong sa ulo na magagalitin at bayakang walang kalatis na sumisipsip ng dugo ng

kanyang biktima hanggang sa ito'y iwan kung wala nang katas.

Ang mga ibong mandaragit na ito ang nagtatagumpay. Ang kanilang paglipad at

layunin a hindi mapipigil.

Ngunit sino ang hahadlang sa kanila?

Ang ila'y nakikihati sa mga ninakaw at dinambong. Ang iba'y hindi makatutol, sa

kahinaan ng boses. At ang iba pa'y nangamamatay sa nakababaklang pagkasira ng kanilang mga

sariling lakas at kapakanan.

Wala na ang kasumpa-sumpang nilikha na gumamit ng mga balatkayo ng Agila, ng

Buwitre, ng Kuwago at ng Bayakan, ngunit naiwan ang kanyang mga inapo, at ang inga inapo ng

kanyang mga ahente at kasosyo. Matatagpuan sila hindi lamang sa bulubundukin, kundi sa mga

kapatagan, kabukiran, lawa, dagatan, kabayanan, lungsod, sa malakaing gusali, sa matataas na

katungkulan, sa mahahalagang kapakanan, na ang kanilang matatalim na tuka, ngipin at kuko'y

ginagamit sa dati't dati ring paglaklak ng buhay at pagsipsip ng dugo ng kanilang mga biktima.

IV. Pagwawakas

Mayroon tayong dalawang aral na mapupulot sa kabanatang ito.

1) Sa mundo ngayon, taglay pa rin ang diskriminasyon. Tulad ng pinakita ng Pilipino, ay dapat

maging matatag tayo kapag tayo’y nabibiktima dito. Ipinakita natin ang natataglay na

kakayahang balutan ng galing at sipag ang masasamang nasusumbat sa atin. Huwag tayong

Page 14: biboy

magpa-api; ipinakita natin na hindi nadaraan sa pisikal na kaanyuhan ang respeto, kung hindi

sa tunay na dignidad ng tao at sa kabutihan ng kanyang loob.

2) Katulad ng sinabi ni Mando, hindi masamang paunlarin ang sarili sa banyagang lupalop,

basta’y bumalik lang sa pinaggalingan upang ipamahagi ang kaunlaran. Si Mando ay nagpakita

sa atin ng kabayanihan sa kanyang isip na naging tulay ng insipirasyon sa kaibigan niya’t

kapwa Pilipino. Maging Mando rin tayong lahat na tapat sa kanyang pinanggalingan at tapat sa

kanyang sarili. Ipagmalaki natin ang ating mga tagumapay hindi sa ibang bayan, kung hindi sa

inang bayan, upang maipagmalaki rin nating ang bayang sariling atin.

V. Dagdag na Impormasyon (May-akda)

Si Amado Vera Hernández (Setyembre 13, 1903—Marso 24, 1970) ay isang makata at

manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa

siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga

kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa

pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-

tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.

Ipinanganak siya sa Hagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo, Maynila kung saan nakapag-

aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan

(American Correspondence School). Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na si Atang

de la Rama. Ang mag-asawa ay kapwa kinilala bilang mga Pambansang Alagad ng Sining; si Hernandez

para sa Panitikan, samantalang si de la Rama para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.

Ang Mga Ibong Mandaragit (Mga Ibong Mandaragit: Nobelang Sosyo-Politikal) ay

isang nobelang isinulat ng manunulat at aktibistang makalipunan na si Amado V.

Hernandez noong 1969. Sa pamamagitan ng mahabang salaysaying ito, hinangad ng may-akda ang

pagbabago at pagaangat ng kalagayan ng lipunan. Naglalahad ito ng katayuan ng pamumuhay at

kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino. Nang sumapit na ang kalagitnaan ng 1944 sa Pilipinas,

humihina na ang puwersang pansandatahan ng Imperyo ng mga Hapones. Malapit na ang pagkagapi ng

mga Hapon sa Asya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tinalakay din ng nobela ang kalagayan ng

mga mamamayan sa pagdating ng industriyalisasyong dala ng mga Amerikano sa Pilipinas. Naisalin din

ang Mga Ibong Mandaragit sa mga wikang Ingles at Ruso. 

Page 15: biboy

Proyekto sa

FilipinoIpinasa ni:

Reena Camille AriendaIpinasa kay:

Page 16: biboy

Donah Ruth Pabilonia

Pamagat: CANAL DELA REINA

Suliranin: Ang suliranin ay nag-umpisa nang malaman ni Caridad na biniliang kanyang lupa, di umano ni Nyora Tentay mula sa dating katiwalanila na si Osyong. Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi naiwasangmagkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa.

Panimula: Magandang suriin ang nobelang Canal de la Reina sa aspetongSosyo-ekonomikal

Page 17: biboy

at Sosyo-politikal. Makikita kasi rito ang tunay nakalagayan ng isang lipunan at ang pag-uugali o reaksyon nito sa isangisyung napapanahon.

Mga Layunin: Sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ang may kayasa buhay kung kaya’t siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doonupang umutang dahil sa kakapusan sa pera. Imbes na tulungan niyaang mga ito ay tinatapalan pa niya ng malaking interes ang mgaumuutang. Nakikita rin dito ang kahirapa

Page 18: biboy

n dahil mayroong mgakatiwalian at bayaran sa mga opisyal.Kongklusyon: Ang kalutasan ng nobela ay naging maayos at masaya. Ang lahatay nagdiwang dahil ang kanilang mga suliranin ay natapos sa isangmaayos at mapayapang paraan. Si Junior ay pinayagan nang kumuhang abogasya at si Leni at Gerry naman ay nagpakasal na. Nagpasyasilang mag-umpisa ng bagong buhay at mga pangarap sa kanilang lupasa Canal de la Reina

Talasanggunian: InternetA.Internet

Page 19: biboy

Liwayway A. Arceo Canal de la Reina MaynilaB. InternetAng Surian