11

Banta ng terorismo ♥

Embed Size (px)

DESCRIPTION

FOLLOW me on twitter @luckymeitnok

Citation preview

Page 1: Banta ng terorismo ♥
Page 2: Banta ng terorismo ♥
Page 3: Banta ng terorismo ♥

Higit na naging mapanganib ang

buhay ng tao sapagkat walang

pinipiling bibiktimahin ang terorismo---

opisyal o sibilyan man, bata o

matanda man. Kabilang sa mga

aktibong grupong terorista sa Asya

ang Jemaah Islamiyah, Al-Qaeda

Network, Hezbollah at iba pa.

Page 4: Banta ng terorismo ♥

Usap- usapan sa buong daigdig ang

pagbomba sa iba’t-ibang panig ng

asya. Kabilang dito ang masaklap na

pagbomba sa isang lugar panturista

sa Bali, Indonesia noong Oktubre

12, 2002 na ikinamatay ng mahigit

200 katao at ikinasugat din ng mahigit

200 pa.

Page 5: Banta ng terorismo ♥

Noong Disyembre 30 2000, apat na sunod-

sunod na pagsabogng bomba sa iba’t ibang

panig ng Metro Manila ang gumimbal sa

Pilipinas. Tinagurian itong Rizal Day Bombing.

Sa Mindanao, may naganap ding pagsabog ng

bomba sa isang palaruan sa Maguindanao

noong 2004 at sa paliparan sa Davao noong

2003. Lahat ng ito ay ibinibintang na gawa ng

mga terorista na naghahasik ng lagim at

gumagamit ng dahas upang isulong ang kanilang

layunin

Page 6: Banta ng terorismo ♥

Napabalita rin ang mga “kidnapping” o pagdukot ng mga

dayuhan sa Pilipinas. Nagresulta ang sunod sunod na

pagbihag ng mga dayuhan sa Pilipinas sa pagbaba ng

sigla ng turismo. Kabi-kabila ang mga babala ng mga

pamahalaan ng ibang bansa sa kanilang mga

mamamayan ukol sa panganib na banta ng terorismo sa

Pilipinas at ibang bahagi ng Asya. Ikinabahala rin ito ng

mga lokal at dayuhang namumuhunan sa Pilipinas.

Ibayong pagbabantay rin sa mga matatao at

estratehikong lugar tulad ng paliparan, daungan ng

barko, imbakan ng langis, at istasyon ng pampublikong

sasakyan ang isimagawa ng pamahalaan.

Page 7: Banta ng terorismo ♥

Upang labanan ang banta ng terorismo, naglaan ang

pamahalaan ng mas malaking pondo sa sandatahang

panlakas, Nangangahulugan ito na mas madaragdagan

ang mga kagamitan at pagsasanay na militar sa halip na

gamitin ang pondo sa mga pangunahing serbisyong

panlipunan tulad ng kalusugan, edukasyon, pabahay, at

iba pa. Nangamba rin ang marami ng lumaganap ang

iba’t – ibang uri ng bio – terrorism tulad ng paggamit ng

“anthrax” at iba pang nakamamatay na virus at bacteria.

Page 8: Banta ng terorismo ♥

Noong Setyembre 11, 2001, pinasabog ng mga terorista

ang ilang bahagi ng United States, kabilang ang World

Trade Center. Bilang tugon ng United States at mga

bansang kaalyado nito, naglunsad sila ng malawakang

giyera laban kay Saddam Hussein, pinuno ng Iraq. Ang

giyerang ito ay nagresulta sa sapilitang pagpapauwi ng

marami sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Iraq.

Ikinabahala ito ng maraming Pilipinong may mga mahal

sa buhay na nagtatrabaho at naninirahan sa Iraq at

maging sa mga karatig bansa nito.

Page 9: Banta ng terorismo ♥

Ang pagkakasangkot ng ilan sa mga grupong Islamic

Fundamentalist o mga radikal na Muslim sa Kanlurang

Asya ay tuwiran at di- tuwirang nakaapekto sa

pangkalahatang imahe ng mga kapatid nating Muslim sa

Pilipinas. Ang Islamic Fundamentalist ay nagtataguyod

ng kanilang radikal na layunin at gumagamit ng dahas

upang mapaabot ang kanilang mga hinihiling. Dahil sa

kagagawan ng ilang miyembro ng mga grupong Islamic

Fundamentalists, mas lumaganap ang diskriminasyon at

maling impresyon sa mga Muslim sa Mindanao. Sa

kabuuan, karamihan sa mga Muslim ay namumuhay

nang mapayapa at maayos.

Page 10: Banta ng terorismo ♥

Sa pangkalahatan, malawak

ang naging epekto ng

terorismo sa

pampulitika, pang-

ekonomiya, pang-

kalusugan, at

pangkapayapaang aspeto ng

lipnuang Pilipno

Page 11: Banta ng terorismo ♥