28
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Ang Natatanging Kultura ng mga Rehiyon, Bansa, at Mamamayan sa Daigdig 8

Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

  • Upload
    others

  • View
    68

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2:

Ang Natatanging Kultura ng mga

Rehiyon, Bansa, at Mamamayan sa

Daigdig

8

Page 2: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Ang Natatanging Kultura ng mga Rehiyon, Bansa at Mamayan sa Daigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronilo AJ K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando

Telefax: (045) 598-8580 to 89

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Geline T. Fajardo

Content Editors: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag, PhD

Mary Jane P. Soriano / Ma. Leonora B. Cruz

Tagasuri: Nenita J. Barro / Ma. Leonora B. Cruz

Diosdado S. Mateo / Erfe Donna A. Aspiras

Edelwiza L. Cadag

Illustration/Layout Editor: Jonathan Paranada / Ryan Corpuz Pastor

Tagaguhit: Joey-Rey D. Magracia

Tagalapat: Phoebe Marie B. Santarromana

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, EdD, CESO V

Librada M. Rubio, PhD

Angelica M. Burayag, PhD

Ma. Editha R. Caparas, PhD

Nestor P. Nuesca, EdD

Marie Ann C. Ligsay, PhD

Dominador M. Cabrera, PhD

Edward C. Jimenez, PhD

Ma. Leonora B. Cruz

Page 3: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

8

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2:

Ang Natatanging Kultura ng mga

Rehiyon, Bansa, at Mamamayan sa

Daigdig

Page 4: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Natatanging Kultura ng mga

Rehiyon, Bansa at Mamamayan sa Daigdig!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong

o estratehiyang magagamit sa paggabay sa

mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

iii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Natatanging Kultura ng mga

Rehiyon, Bansa at Mamamayan sa Daigdig!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Page 6: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

iv

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

v

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Page 8: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang makatulong na higit mong maunawaan

ang aralin tungkol sa natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at mamayan sa

daigdig. Pagtutuonan ng pansin sa ating pag-aaral sa modyul na ito ang mga

mahahalagang bagay o datos na bumubuo sa heograpiyang pantao at kung paano

nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng indibiduwal o isang

pangkat ng tao.

Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksang talakayan:

Talakayan 1 – Heograpiyang Pantao

Talakayan 2 – Wika

Talakayan 3 – Relihiyon

Talakayan 4- Lahi/Pangkat Etniko

Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang

a. nakapag-iisa-isa ang bumubuo sa heograpiyang pantao;

b. nakapagsusuri ang wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko ng daigdig; at

c. nakapagpahahalaga sa natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at

mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat, etno-lingguwistiko, at relihiyon sa

daigdig).

Page 9: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

2

Subukin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa

iyong sagutang papel.

1. Ilang pamilya ng wika ang mayroon sa buong daigdig ayon sa Ethnologue

(16th edition)?

A. 147 C. 149

B. 148 D. 150

2. Laking Australia ang kaklase ni Tere na si Gabriel kaya naman hindi sila

magkaintidihan nang mabuti. Anong aspekto ng heograpiyang pantao ang

naging hadlang sa kanila?

A. disiplina C. lahi

B. relihiyon D. wika

3. Sa anong aspekto ng pamumuhay nabibilang ang Negroid at Caucasoid?

A. lahi C. wika

B. relihiyon D. disiplina

4. Bakit mahalaga ang wika sa mga tao?

A. dahil wala silang maipapahayag na mensahe kung hindi sila

magsasalita

B. dahil kailangan nila ito sa pang-araw-araw na pamumuhay

C. dahil ito ang nagbibigay sa tao ng pagkakakilanlan

D. dahil gusto nila ng may sariling wika

5. Ang mga sumusunod ay pangunahing lahi sa daigdig MALIBAN sa:

A. Latinoid C. Mongoloid

B. Caucasoid D. Negroid

6. Sa Rehiyong Antarctic, Australia, at Ocenia, ano ang tawag sa nabuong wika

ng mga katutubo at Europeo?

A. Ruso C. Pidgin English

B. Quechua D. Griyego

7. Sa Silangang Europe, anong paniniwala ang mayroon ang mga taong nakatira

sa dating Soviet Union?

A. Greek Orthodox C. Roman Orthodox

B. Western Orthodox D. Eastern Orthodox

8. Anong salita ang may ibig sabihin ng “buoin ang mga bahagi para maging

magkakaugnay ang kabuoan nito”?

A. religare C. lengguwahe

B. ethnos D. cultura

9. Sa anong aspekto ng pamumuhay nabibilang ang Islam at Kristiyanismo?

A. wika C. pangkat-etniko at lahi

B. nasyonalidad D. relihiyon

10. Ano ang iba pang tawag sa heograpiyang pantao?

A. kultural na heograpiya C. pisikal na heograpiya

B. disiplinang heograpiya D. makasaysayang heograpiya

Page 10: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

3

11. Ano ang tawag sa wikang Indian at Espanyol na opisyal na wika ng Peru?

A. Macedonian C. Ruso

B. Quechua D. Pidgin English

12. Alin sa sumusunod ang HINDI batayan sa paghahati-hati ng mga tao? Sa

mga pangkat?

A. wika C. yaman

B. relihiyon D. pangkat-etniko at lahi

13. Saang kultural na heograpiya nabibilang ang Filipino at Mandarin?

A. relihiyon C. tao

B. wika D. pangkat-etniko at lahi

14. Ano ang tawag sa pag-aaral ng distribusyon ng mga tao, ang kanilang

katangiang kultural, at mga gawain sa daigdig?

A. populasyon C. heograpiyang pisikal

B. heograpiyang pantao D. kasaysayan

15. Bakit mahalaga ang relihiyon sa tao?

A. dahil isa itong oportunidad upang maparami ang kaibigan at kakilala

B. dahil ito ang gumagabay sa kanilang pamumuhay at pakikitungo sa

kapwa

C. dahil natatakot silang walang mapuntahan kapag namatay

D. dahil ito ang nagbibigay sa kanila ng pangangailangan.

Page 11: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

4

Aralin

1 Heograpiyang Pantao

Ang sangay na tumutukoy sa mga pag-aaral sa mga aspektong kultural na

matatagpuan sa daigdig; paraan ng interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran;

kung paano niya binabago at kung paano rin siya nababago o naapektuhan ng

kalikasan ay tinatawag na heograpiyang pantao. Sa modyul na ito, hihimay-himayin

ang mga bumubuo sa heograpiyang pantao: ang wika, relihiyon, lahi at pangkat-

etniko ng rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig. Pagtutuunan nang pansin dito

kung paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng

indibiduwal o isang pangkat ng tao. Gayundin, ang pagiging instrumento ng kultural

na heograpiya sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig. Halina’t simulan na ang

pagkatuto.

Balikan

Binubuo ng kalupaan, klima, katubigan, wildlife, lupa, at mineral ang pisikal

na katangian ng daigdig. Nakaiimpluwensiya ang isa’t isa sa pamumuhay at kultura

ng mga tao. Maglista ng mga salitang naglalarawan sa heograpiya. Ang mga salitang

ito ay dapat nagsisimula sa titik na bumubuo sa heograpiya.

H

E

O

G

I

Y

A

R

A

P

Page 12: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

5

Tuklasin

Hanapin ang limang salitang may kaugnayan sa natatanging kultura ng mga

rehiyon, bansa, at mamamayan sa daigdig. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

A B Q S H H J K C L Q W E U I O P A

Q V D G Q Q Z Z M L B M D F H K L O

F G H B C S E T Y A K S M H J K K B

C D E T F B H Y H H M K L L L I M E

A A D F R A R E L I H I Y O N X S A

K O P L K F T B G H J E R T V C B E

I A S S R R T T Y Y D G E U U J F B

W V F C H G Y K L W E T H J G J M V

K L R S C E Y I O Z A T K G S E E V

G D D R Z C E W B K H E O K M A N B

X D F C U V A D G T E Q Q I P L M N

A S D V C E N N R A W T J S Y Y H J

A Z K L Q R A V W Z O A X X I O U J

O A T N A P G N A Y I P A R G O E H

Mga Tala para sa Guro

Importanteng maging pamilyar sa mga simbolo ng mga

relihiyon upang makatulong sa mas malalim na pagkaunawa.

Gayundin, ang sariling pagsasaliksik ng karagdagang kaalaman

patungkol sa mga wikang sinasalita ng bawat rehiyon, kultura ng

bawat lahi at pangkat-etniko. Marapat na ipaunawa sa mga mag-

aaral ang kahalagahan ng respeto at pagkakaisa sa kabila ng

pagkakaiba-iba.

Page 13: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

6

Heograpiyang Pantao

Tinatawag ding heograpiyang kultural ang heograpiyang pantao. Ang paggamit ng

mga heograpo ng iba’t ibang pananaw upang maipakita ang kultural na rehiyon at

mga bansang kabilang dito. Relihiyon, wika, medisina, ekonomiya, politika, mga

lungsod, populasyon, kultura, at iba pang aspektong kultural na maaaring

magbigay-liwanag kung bakit kumikilos ang mga tao sa isang lugar tulad ng

kanilang ginagawa sa kanilang buhay ang pinag-aaralan dito. Ating suriin ang mga

pangunahing aspekto ng heograpiyang pantao:

Ang race o lahi ay tumutukoy

sa pagkakakilanlan ng isang pangkat

ng mga tao, pisikal o bayolohikal na

katangian ng pangkat.

Maihahalintulad sa isang mosaic ang

daigdig dahil na rin sa maraming

natatanging paglala-rawan ng mga

naninirahan dito.

Nagmula naman ang salitang

“etniko” sa salitang Griyego na

ethnos na ang ibig sabihin ay “mamamayan”. Ang mga miyembro ng pangkat-etniko

ay may iisang maliwanag na sariling pagkakakilanlan.

Suriin

Ang wika ay isang masistemang

balangkas na sinasalitang tunog na

pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo

upang magamit ng mga tao sa

pakikipagtalastasan na nabibilang sa

iisang kultura ayon kay Henry Gleason.

Isang organisadong paraan ng pagsamba

sa isang bagay na espiritwal o kaisipan sa buhay

ay tinatawag na relihiyon. Madalas, ang mga tao

ay idinidikit ang sining sa relihiyon.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/3/37/Re

ligious_symbols-4x4.svg/768px-Religious_symbols-4x4.svg.png

Page 14: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

7

Wika

Nagbibigay ng identidad o pagkakakilanlan sa taong kabilang sa isang

pangkat. Itinuturing din itong kaluluwa ng isang kultura. Ang mga taong may

magkakaparehong wika ay kadalasang may pareho ring kaasalan at paniniwala

Nakapaloob ang mga wikang ito sa mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-

ugatan o language family Sa kabuoan, ayon sa Ethnologue (16th edition), mayroong

147 language families sa buong daigdig. Ang ilan sa pangunahing pamilya ng wika

sa daigdig ay ang Afro-Asiatic, Austronesian, Indo-European, Niger-Congo, Sino-

Tibetan.

Afro-Asiatic

Buhay na Wika: 366

Bahagdan ng mga Nagsasalita: 5.81

Bansang Gumagamit ng Wika: Algeria, Bahrain, Cameroon, Chad, Cyprus,

Egypt, Eritrea, Ethiopia, Georgia, Iran, Iraq, Israel, Jordan, Kenya, Libya, Mali, Malta, Mauritania, Morocco, Niger, Nigeria, Oman, Palestine, Saudi Arabia,

Somalia, Sudan, Syria, Tajikistan, Tanzania, Tunisia, Turkey, United Arab

Emirates, Uzbekistan, at Yemen

Austronesian

Buhay na Wika: 1,221

Bahagdan ng mga Nagsasalita: 5.55

Bansang Gumagamit ng Wika:

Brunei, Cambodia, Chile, China, Cook Islands, East Timor, Fiji, French

Polynesia, Guam, Indonesia, Kiribati,

Madagascar, Malaysia, Marshall Islands, Mayotte, Micronesia,

Myanmar, Nauru, New Caledonia, New Zealand, Niue, Northern Mariana

Islands, Palau, Papua New Guinea, Philippines, Samoa, Solomon Islands,

Suriname, Taiwan, Thailand, Tokelau, Tonga, Tuvalu, United States,

Vanuatu, Vietnam, Wallis at Futuna

Indo-European

Buhay na Wika: 436

Bahagdan ng mga Nagsasalita:

46.77

Bansang Gumagamit ng Wika:

Afghanistan, Albania, Armenia,

Austria, Azerbaijan, Bangladesh, Belarus, Belgium, Bosnia and

Herzegovina, Brazil, Bulgaria, Canada, China, Croatia, Czech

Republic, Denmark, Fiji, Finland, France, Germany, Greece, Iceland,

India, Iran, Iraq, Ireland, Isle of Man,

Israel, Italy, Latvia, Lithuania, Luxembourg, Macedonia, Maldives,

Myanmar, Nepal, Netherlands, Norway, Oman, Pakistan, Peru,

Poland, Portugal, Romania, Russian Federation, Serbia, Slovakia,

Slovenia, South Africa, Spain, Sri Lanka, Suriname, Sweden,

Switzerland, Tajikistan, Turkey,

Ukraine, United Kingdom, United States, Vatican State, at Venezuela

Sino-Tibetan

Buhay na Wika: 456

Bahagdan ng mga Nagsasalita: 20.34

Bansang Gumagamit ng Wika:

Bangladesh, Bhutan, China, India, Kyrgyzstan, Laos, Myanmar, Nepal,

Pakistan, Thailand, at Vietnam

Niger-Congo Buhay na Wika: 1,524

Bahagdan ng mga Nagsasalita: 6.91 Bansang Gumagamit ng Wika: Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso,

Burundi, Cameroon, Central African Republic, Chad, Comoros, Congo, Côte

d’Ivoire, Cuba, Democratic Republic of the Congo, Equatorial Guinea, Gabon, Gambia, Ghana, Guinea, Guinea- Bissau, Kenya, Lesotho, Liberia, Malawi, Mali,

Mayotte, Mozambique, Namibia, Niger, Nigeria, Rwanda, Senegal, Sierra Leone, Somalia, South Africa, South Sudan, Sudan, Swaziland, Tanzania, Togo, Uganda,

Zambia, at Zimbabwe

Page 15: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

8

Mga Wika sa Iba’t Ibang Rehiyon sa Daigdig

Latin America at Carribean

Wikang Espanyol ang opisyal na ginagamit ng mahigit kalahati ng mga

bansa sa Latin America at Carribean. Pagpasok ng mga Indian ay nabago ito kaya

tinawag ang wika sa Mexico na Mexican Spanish.

Sa Brazil, Portuges ang opisyal na wikang nagtataglay ng salitang Indian

at African. Pranses sa Haiti at Martinique, at Ingles sa Jamaica at Guyana.

Quechua, isang wikang Indian at Espanyol ang opisyal na wika sa Peru.

Kanlurang Europe at Silangang Europe

Karamihan sa mga taga-Kanlurang Europe ay nagsasalita ng wikang

nagmula sa Indo-European. Sa hilagang bahagi ng rehiyon ay nagsasalita ng

Ingles, Danish, at Swedish. Sa France-French, Portugal-Portugese, Spain-

Spanish, at Italy-Italia ay mga wikang Romano.

Halos 100 wika ang ginagamit sa Silangang Europe. Ang wika at diyalekto

dito ay nagmula sa pamilya ng wika ng Indo-European at Ural-Atlaic. Sa hilagang

bahagi ng rehiyon ay nagsasalita ng wika mula sa Ural-Atlaic. Ang wikang

Romano na gamit sa rehiyon ay Romanian. Nagmula sa Germanic ang wikang

German na ginagamit ng iilang lugar sa rehiyon. Karamihan sa Indo-European ay

ang Russian, Polish, Bulgarian, Serbo-Croatian, Solvenne, at Macedonian.

Hilaga, Gitnang Silangan, at Sub-Saharan Africa

Sa Hilaga at Gitnang Silangan ng Africa, natuto ng Muslim ang mga hindi

Arabong yumakap ng Islam. Nagmula sa pamilya ng Afro-Asiatic ang Arabic. Sa

Israel ay Hebrew ang sinasalita, Berber naman sa Timog Morocco at Algeria.

Turkish ang ginamit na salita ng Turkey at Cyprus. Galing sa sangay ng wikang

Indo-European ang iba pang pangunahing wika ng rehiyon tulad ng Pashto na

ginagamit ng Afghanistan at Persian ng Iran. Wikang Pranses at Espanyol naman

ang ginagamit sa mga transaksiyon sa gobyerno at negosyo sa ibang mga bansa

ng rehiyon tulad ng Morocco na nasakop noon.

African, Afro-Asiatic, at Indo-European ang tatlong pamilya ng wika sa

Sub-Saharan Africa. Wikang African ang sinasalita sa pinakamaraming tao. Ang

pinakamalaking pangkat naman ay ang wikang Bantu na ginagamit sa sentral,

silangan, at timog na bahagi ng rehiyon. Arabic at Berber ang pangunahing Afro-

Asiatic na ginagamit sa hilagang-kanluran ng Sub-Sahara. Sa Timog Africa

naman ay malawakang paggamit ng wikang Indo-European tulad ng Ingles at

African ay nahubog mula sa mga mananakop na mga Olandes.

Timog Asya

Ang mga wikang Hindu, Urdu, at Bengali ang pangunahing ginagamit na

wika sa rehiyon. Sa Nepal at Sri Lanka, Nepali at Sinhalese ang opisyal na wika

na mula sa pamilya ng wikang Indo-European. Wikang Hindi naman bilang una

o ikalawang wika ng halos kalahati ng populasyon sa India na mga taga-hilaga at

sentral. Ang wikang Ingles ay popular din sa India na naging impluwensiya ng

pananakop ng Britain. Ang opisyal na wika ng Pakistan ay Urdu. Dravidian aman

ang wika ng 1/5 na tao sa Timog India at hilagang bahagi ng Sri Lanka.

Page 16: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

9

Relihiyon

Nagmula ang salitang relihiyon sa “religare” na ang ibig sabihin ay “buoin ang

mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuoan nito”. Ilan sa mga

pangunahing relihiyon sa mundo ay Hinduismo, Kristiyanismo, Islam, Budismo,

at Confucianismo. Ang tanong ukol sa kahulugan at layunin ng buhay ang

sinasagot ng relihiyon. Sinusuportahan din nito ang isang mahahalagang

pagpapahalaga ng isang pangkat ng tao. Mayroong iba-ibang paniniwalang

pangrelihiyon ang tao: monoteismo ang tawag sa paniniwala sa iisang Diyos; ang

pananampalataya naman sa maraming Diyos ay tinatawag na politeismo. Ang

sumusunod ay ilan sa iba’t ibang relihiyon sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig:

Silangang Asya

Sa kadahilanang maraming iba’t ibang pangkat ang nanakop sa rehiyon

iba’t ibang wika rin ang dulot nito. Nagmula sa tatlong sangay ang wika sa

rehiyon: ang Sino-Tibetan, Tibet o Burman na gamit ng mga tao sa talampas ng

Tibet, at ang Chinese. Nahahati ang wikang Chinese sa iba’t ibang sangay gaya

ng Mandarin na gamit ng Hilagang China, Wu, at Cantonese sa timog ng China.

Karamihan ng mga Tsino sa kasalukuyan ay gumagamit ng Mandarin bilang

opisyal na wika ng China. Mandarin din ang gamit ng Taiwan kabilang sa

diyalektong Taiwanese at Hakka. Ang Japan at Korea ay may wikang nagmula sa

sangay ng Japanese at Korean. Samantala, Mongol naman ang salita sa Mongolia.

Manchu ang gamit na wika sa Manchuria na nagmula sa sangay ng Ural-Atlaic

na ginagamit din madalas ng mga taong naninirahan sa hilaga at kanlurang

bahagi ng rehiyon.

Timog-Silangang Asya

Nagmula sa tatlong sangay ang wikang ginagamit sa rehiyon: Malayo-

Polynesian, ang Sino-Tibetan, at ang Mon-Khmer.Karamihan ng diyalekto ay

resulta ng migrasyon at kolonyalismo sa rehiyon tulad ng mga sumusunod: Ilang

Espanyol, Ingles, at Pilipino sa Pilipinas; sa Singapore ay Chinese, Malay, at Tami;

ang ginagamit sa negosyo ng Malaysia ay Ingles ngunit may hakbang na

isinagawa upang salitang Malay ang gamitin sa pangkalahatan; nagsasalita ng

Ingles, Pranses, Chinese, at Ruso ang karamihan ng tao sa mga lungsod ng

Vietnam bilang karagdagan sa wikang Vietnamese.

Antarctic, Australia, at Oceania

Sa sangay ng Indo-European nagmula ang malaking bahagi ng sinasalita

sa rehiyon. Sa Australia, New Zealand, at maraming bahagi sa Oceania ay Ingles

ang wikang gamit. Ang wikang Pranses ang gamit sa French Polynesia at iba pang

bahagi ng Oceania na nanatiling nasa ilalim ng politikal na kontrol ng France.

May iba pang katutubong wika ang gamit sa Oceania na kabilang sa sangay ng

Malayo-Polynesia. Halos 700 na lokal na diyalekto ang ginagamit sa Papua New

Guinea at dulot ng pangangailangan sa kalakalan, nabuo ang isang wika na may

halong katutubo at Europeo na tinawag na Pidgin English.

Page 17: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

10

Antarctic, Australia, at Oceania

Bago pumasok ang mga

Europeo, ang mga tao sa rehiyon ay

sumusunod sa iba’t ibang relihiyon.

Pagpasok ng mga misyonaryong

Europeo dala-dala nila ang ideya at

pagpapahalaga ng Kristiyanismo.

Nagpatuloy ang tradisyonal na

paniniwala sa maraming bahagi ng

rehiyon. Iilan lamang ang sumusunod

sa prinsipyong Islam at Hindu.

Latin America at Carribean

Relihiyong Romano Katoliko

ang malakas na impluwensiya sa

Latin America at Carribean. Ito ay

relihiyon ng pitong bansa bagama’t

ang bawat isa ay may kalayaang

pumili ng kanilang pananam-

palataya. Ang mga Indian at African

ay kinikilala ang Romano Katoliko

ngunit patuloy pa rin nilang

sinusunod ang kaugalian sa

pananampalataya ng kanilang mga

ninuno.

Kanlurang Europe

Ang karamihan sa mga taga-

Kanlurang Europe ay Katoliko.

Protestante naman ang dominante sa

hilaga at hilagang kanluran. Ang mga

bansang malapit sa Dagat

Mediterranean Sea sa Ireland ay mga

Romano Katoliko. Greek Orthodox ang

sinusunod ng karamihan sa taga-

Greece na anyo rin ng Kristiyanismo.

Sa Hilagang Ireland ay may

minsanang pagsiklab ng hidwaan sa

pagitan ng mga Romano Katoliko at

Protestante ngunit sila ay malayang

pumili ng kanilang pananampalataya.

Hilagang Africa at Gitnang Silangan

Halos sa lahat ng rehiyon

maliban sa Israel ay Islam ang

sinusunod ng mga tao. Bagama’t ang

Hudaismo at Kristiyanismo ay

nagsimula sa rehiyon, iilang bahagi

lamang ang yumakap dito. Sa Israel

matatagpuan ang karamihan sa mga

Hudyo. Kristiyanismo ang

pananampalataya ng karamihan sa

Lebanon at Cyprus. Maronites naman

sa mga Kristiyanong Lebanese na

isang sangay ng Katolisismo.

Samantalang Greek Orthodox ang

sinusunod ng mga taga-Cyprus.

Sub-Saharan Africa

Tradisyonal na relihiyon tulad

ng African, Islam at Kristiyanismo

ang pangunahing relihiyon sa

rehiyon. Naniniwala sila sa animismo

o ang kaluluwa ng mga ninuno ay

pinaniniwalaang buhay sa kalikasan.

Gayundin ang paniniwala nila sa

iisang tagalikha ng tao. May malawak

na tagasunod ang Islam na

matatagpuan sa Ethiopia, Nigeria at

Tanzania. Ang malaking bahagi ng

Kristiyano ay matatagpuan sa Timog

Africa.

Silangang Europe

Silangang Orthodox at sangay ng

Romano Katoliko ang pangunahing

relihiyon dito. Ang relihiyon ng bawat

lugar ay nagpapakita ng kasaysayan.

Ang iba pang relihiyon sa rehiyon ay

Protestantismo, Hudaismo, at Islam.

Ang karamihan sa naninirahan sa

dating Soviet Union ay may

paniniwalang Eastern Orthodox.

Malawak din ang pagtanggap nito sa

Romano Katoliko at halos 1/3 ng

mga tao sa Albania ay kabilang sa

ganitong pananampalataya.

Gayundin sa Polan, Czechoslovakia,

at Hungary.

Page 18: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

11

Ilan sa mga Simbolo ng Relihiyon sa Daigdig

Timog Asya

Binubuo ng Hinduismo,

Islam, at Budismo ang pangunahing

relihiyon dito. May ilan din na

yumakap sa Kristiyanismo. Ang

mga tao sa India at Nepal ay

sumusunod sa Hinduismo. May

mga Hindu rin sa Bhutan, Sri

Lanka, Pakistan, at

Bangladesh.Karamihan ng mga tao

sa Pakistan at Bangladesh ay Islam

ang sinusunod at may mangilan-

ngilan sa Hilagang India. Sa Sri

Lanka at Bhutan ay malakas ang

Budismo. May ilan din sa Nepal at

Sentral India. May mga tagasunod

ang ibang relihiyon tulad ng

Kristiyanismo sa Timog India at

Sikh sa Punjab. Ang Sikh ay

kombinasyon ng Islam at

Hinduismo.

Silangang Asya

Ang pagkakaroon ng relihiyon

ay pinahina ng gobyernong

komunista sa China, Mongolia, at

North Korea. Ninais palitan ng

gobyerno ng China ang prinsipyong

Confucianismo kaya karamihan sa

mga tao na naninirahan sa

Silangang Asya ay walang

sinusunod na relihiyon. May ilang

mga tao sa lugar na sumusunod pa

rin sa aral ng Budismo,

Confucianismo, o Taoismo. Sa mga

hindi komunistang bansa

karamihan dito ay yumakap sa

Confucianismo o Taoismo. Minsan,

sumusunod ang mga tao sa mahigit

sa iisang relihiyon. Sa Japan

matatagpuan ang maraming taga-

sunod ng Shintoismo. May maliit na

bilang ng Muslim ang naninirahan

sa rehiyon dulot ng kalakalan.

Yumakap ang ilan sa Kristiyanismo

sa may South Korea.

Timog Silangang Asya

Ang karamihan ng tagasunod ng Budismo ay mula sa Indochina.

Malaking populasyon ng Malay Peninsula ang yumakap sa Islam dala ito ng

mangangalakal na Muslim. Sa Pilipinas, malaki ang bahagdan ng tao ang

tagasunod ng Romano Katoliko dulot na rin ng mahigit 300 daang taong

pananakop ng mga Espanyol. Malaking bahagi ng populasyon sa rehiyon ay

mula sa China kaya sumunod sila sa Confucianismo o Taoismo. Tradisyonal

na relihiyon batay sa animismo ang ilan na nasa bulubunduking lugar.

Page 19: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

12

Lahi o Pangkat-etniko

Pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, wika, pinagmulan, at relihiyon

ang mga miyembro ng pangkat-etniko. Maraming eksperto ang namumuno sa pag-

aaral ng iba’t ibang klasipikasyon ng tao sa daigdig, ngunit marami rin ang

nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaari ito pagmulan ng

diskriminasyon. Ilan sa mga pangunahing lahi sa daigdig ay: Mongoloid na nagmula

sa Asya, Caucasoid na nagmula sa Europa, at Negroid na nagmula sa Aprika.

Pagyamanin

Gawain 1: 3-2-1 CHART

Sa tulong ng mga kaalaman sa nasuring teksto, punan ang chart ng hinihingi nitong

impormasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Bumubuo sa

heograpiyang pantao 3

Kahalagahan kung

bakit kailangan pag-

aralan ang

heograpiyang pantao 2

Sariling pakahulugan

sa heograpiyang pantao

1

Page 20: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

13

Gawain 2: KA-PARES

Basahing mabuti ang mga pahayag at tukuyin ang mga kahulugan at halimbawa sa

HANAY A na bumubuo ng heograpiyang pantao sa HANAY B. Maaring maulit ang

iyong sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Gawain 3: INFO-GRAPHIC POSTER

Sa mga wikang napag-aralan sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig, gumawa ng info-

graphic poster na nagtataglay ng impormasyon ukol dito at may adhikaing palaguin

ang sariling wika. Bago i-upload sa napiling social networking site ang nagawang

info-graphic poster, siguraduhing ito ay nasuri muna ng iyong guro. Sagutin ang

katanungang “Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan at mapauunlad

ang iyong sariling wika?”.

1. Ito ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, pisikal o bayolohikal na

katangian ng pangkat

a. kultura

2. Ang karamihan ng tagasunod ng Budismo ay mula sa Indochina

b. relihiyon

3. Monoteismo ang tawag sa paniniwala sa iisang

Diyos c. wika

4. Ang may halong katutubo at Europeo na tinawag

ay Pidgin English. d. lahi

5. Ang mga tao ay idinidikit ang sining, madalas sa aspektong kultural na ito.

e. pangkat-etniko

6. Afro-Asiatic, Austronesian, Indo-European, at

Niget Congo Sino-Tibetan

7. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “ethnos”, na

ang ibig sabihin ay “mamamayan”.

8. Ito ang sumsasalamin sa kultura ng tao.

9. Nagmula sa salitang “religare” na ang ibig sabihin ay “buoin ang mga bahagi para maging

magkakaugnay ang kabuoan nito”.

10. Ito ay isang organisadong paraan ng pagsamba sa isang bagay na espiritwal o kaisipan sa buhay.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Info-graphic Poster

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Nilalaman Nakapaloob sa info-graphic poster ang wikang kanyang napili ay nagtataglay ng

wasto at napakahalagang impormasyon

10

Pagkamalikhain

Ang pagkakadisenyo ng info-graphic

poster ay may kaaya-ayang disenyo at naaangkop sa konsepto.

10

Kabuluhan

Naglalahad ng makabuluhang pahayag

ang info-graphic poster na sumasagot sa katanungan

5

Kabuoan 25

HANAY A HANAY B

Page 21: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

14

Gawain 4: TAMA o MALI

Tukuyin kung Tama o Mali ang ipinapahayag ng bawat pangungusap. Isulat sa

sagutang papel ang TAMA kung wasto ang pangungusap. Kung mali, isulat ang

salitang naging dahilan kung bakit naging mali ang pahayag at isulat muli ang buong

pangungusap gamit ang salitang magwawasto sa pahayag.

1. Ang pananampalataya sa maraming Diyos ay tinatawag na politeismo

2. Greek Orthodox ang tawag sa isang sangay ng Katolisismo na sinusunod

ng mga Kristiyanong Lebanese.

3. Monoteismo ang tawag sa kaluluwa ng mga ninuno na pinaniniwalaang

buhay sa kalikasan.

4. Ang karamihan sa mga taga-Kanlurang Europe ay Katoliko.

5. Protestantinismo ang sinusunod ng karamihan sa taga-Greece na anyo

rin ng Kristiyanismo.

6. Sa Japan matatagpuan ang maraming taga-sunod ng Sikhismo.

7. Malakas ang impluwensiya ng Relihiyong Romano Katoliko sa Latin

America at Carribean.

8. Pinahina ng gobyernong komunista sa China, Mongolia, at North Korea

ang pagkakaroon ng relihiyon sa Silangang Asya.

9. Sa Timog Silangang Asya, malaking bahagdan ng populasyon na

nanampalataya sa relihiyong Budismo ay mula sa Pilipinas.

10. Kombinasyon ng Islam at Hinduismo ang Sikh.

Gawain 5: E-POST CARD

Pumili ng isang relihiyon at lumikha ng E-postcard tungkol dito. Sundin ang format

sa ibaba. Sagutin ang katanungang “Paano mo maipaliliwanag ang katagang “unity

in diversity” sa konsepto ng relihiyon?” bilang caption sa iyong post. Bago i-upload

sa napiling social networking site ang nagawang E-postcard, siguraduhing ito ay

nasuri muna ng iyong guro

Simbolo ng relihiyon

Pangalan ng relihiyon

Impormasyon

Kahalagahan ng Relihiyon

Page 22: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

15

Pamantayan sa Pagmamarka ng E-postcard

Pamantayan Paglalarawan Puntos

Nilalaman Nakapaloob sa E-postcard ang wikang kanyang napili ay nagtataglay ng wasto at napakahalagang

impormasyon

10

Pagkamalikhain Ang pagkakadisenyo ng E-postcard ay may kaaya-

ayang disenyo at naaangkop sa konsepto

10

Kabuluhan Naglalahad ng makabuluhang pahayag ang E-postcard na sumasagot sa katanungan

5

Kabuoan 25

Gawain 6: SALIKSIKIN

Punan ang graphic organizer base sa hinihinging impormasyon. Kung

kinakailangang magsaliksik pa ng karagdagang impormasyon ay iyong gawin.

Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Pangunahing

Lahi/Pangkat-etniko Katangian Rehiyon sa Daigdig

1.

2.

3.

Isaisip

Ibuod ang mahahalagang kaisipan sa natatanging kultura ng rehiyon, bansa, at mga mamamayan sa daigdig. Isulat ang tamang impormasyon upang mabuo ang diwa ng

mga pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang _____________ ay ang sangay na tumutukoy sa mga pag-aaral sa

mga aspektong kultural na matatagpuan sa daigdig.

Mayroong _____________ language families sa buong daigdig. Ang ilan

sa pangunahing pamilya ng wika sa daigdig ay ang Afro-Asiatic, ____________,

Indo-European, Niger-Congo, Sino-Tibetan.

Nagmula ang salitang relihiyon sa “___________” na ang ibig sabihin ay

“buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito”. Ilan

sa mga pangunahing relihiyon sa mundo ay Hinduismo, ______________,

Islam, Budismo, at Confucianismo

Ilan sa mga pangunahing lahi sa daigdig ay: _____________ na nagmula

sa Asya, Caucasoid na nagmula sa Europa, at Negroid na nagmula sa Aprika.

Page 23: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

16

Isagawa

Sagutin ang katanungan batay sa iyong sariling pagkaunawa sa aralin. Isulat ang

iyong sagot sa sagutang papel.

Tayahin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa

iyong sagutang papel.

1. Anong matandang relihiyon ang umunlad sa India?

A. Budismo C. Islam

B. Hinduismo D. Kristiyanismo

2. Sa heograpiyang pantao, anong aspekto ang tumutukoy sa pagkakakilanlang

bayolohikal ng pangkat ng tao?

A. lahi C. wika

B. relihiyon D. kultura

3. Saang pamilya ng wika nabibilang ang wikang Filipino?

A. Afro-Asiatic C. Indo European

B. Niger-Congo D. Austronesian

4. Anong aspekto ng kultural na heograpiya ang tumutukoy sa sistema ng

paniniwala at ritwal?

A. lahi C. wika

B. relihiyon D. kultura

5. Anong heograpiyang pantao ang tumutukoy sa pangkat ng taong may iisang

kultura at pinagmulan?

A. etniko C. wika

B. relihiyon D. kultura

6. Ano ang salitang Greek ng mamamayan?

A. religare C. lengguwahe

B. ethnos D. cultura

Paano naaaninag ang kultura sa isang

lugar o rehiyon?

Page 24: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

17

7. Anong pamilya ng wika ang may pinakamaraming taong gumagamit?

A. Austronesian C. Indo-European

B. Afro-Asiatic D. Sino Tibetan

8. Anong relihiyon ang itinuturing na may pinakamaraming tagasunod?

A. Islam C. Confucianismo

B. Kristiyanismo D. Buddhismo

9. Ano ang salitang-ugat ng relihiyon?

A. cultura C. ethnos

B. lengguwahe D. religare

10. Si Zico ay nakatira sa Pilipinas at ginagamit na wikang pang-komunikasyon sa

ibang tao ay Filipino. Anong kultural na heograpiya ang tinutukoy dito?

A. lahi C. wika

B. relihiyon D. kultura

11. Anong tawag sa paniniwalang panrelihiyon ang naniniwala sa iisang Diyos?

A. animismo C. politeismo

B. monoteismo D. shamanismo

12. Namasyal ang magbabarkadang Deru, Renee, Josel at Mikaela sa bansang

Vietnam, Laos, at Cambodia. Anong relihiyon ang maaring dominante sa rehiyon?

A. Budismo C. Hinduismo

B. Islam D. Kristiyanismo

13. Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas ng mahigit 300 daang taon. Ano ang

kanilang wikang sinasalita?

A. Pidgin English C. Cantonese

B. Spanish D. Ruso

14. Anong tawag sa paniniwalang panrelihiyon ang naniniwala sa maraming Diyos?

A. animismo C. politeismo

B. monoteismo D. shamanismo

15. Ang pamilyang Chiu ay mula sa bansang China. Alin sa mga sumusunod ang

maaaring wikang kanilang ginagamit o sinasalita?

A. Mandarin C. Bantu

B. Tami D. Filipino

Page 25: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

18

Karagdagang Gawain

Basahin ang mga salitang nasa Geopardy Board. Bumuo ng

mga tanong na akma sa mga salita. Isulat ang sagot sa iyong

sagutang papel.

heograpiyang pantao wika relihiyon

kultura lahi pangkat-etniko

Kristiyanismo Austronesian Mongoloid

Page 26: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

19

Susi sa Pagwawasto

TUKLASIN

SUBUKIN

1.A 9. D

2.D 10. A 3.A 11. B

4.C 12. C

5.A 13. B

6.C 14. B

7.D 15. B

8.B

Activity 1

Batay sa sariling

pagkaunawa ng mag-aaral

ang kasagutan

Assessment 1

1.D 6. C

2.B 7. E

3.B 8. C

4.C 9. B

5.B 10. B

Activity 2

Batay sa sariling

pagkaunawa ng mag-aaral

ang kasagutan

Assessment 2

1. TAMA

2. Greek Orthodox-

Maronites

3. monoteismo-animismo

4. TAMA

5. Protestantenismo- Greek

Orthodox

6. Sikhismo-Shintoismo

7. TAMA

8. TAMA

9. Pilipinas- Indochina

10. TAMA

Activity 3

Batay sa sariling

pagkaunawa ng mag-aaral

ang kasagutan

Assessment 3

1. Mongoloid- Asya

2. Caucasoid-Europa

3. Negroid-Aprika

Ang mga katangian ng bawat

lahi/pangkat-etniko ay

nakadepende sa

masasaliksik ng mga mag-

aaral

ISAISIP

-heograpiyang pantao

-147

-Austronesian

-religare -Kristiyanismo

-mongoloid

ISAGAWA

Batay sa sariling

pagkaunawa ng mag-aaral ang kasagutan

TAYAHIN

1.B 11. B

2.A 12. A

3.D 13. B

4.B 14. C 5.A 15. A

6.B

7.C

8.B

9.D

10.C

KARAGDAGANG GAWAIN

Batay sa sariling pagkaunawa

ng mag-aaral ang kasagutan

Page 27: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

20

Sanggunian

Antonio, Eleanor D. et al. Kayamananan (Kasaysayan ng Daigdig). (2017). Rex Book

Store, Inc., 856 Nicanor Reyes sr. St., Sampaloc, Manila

K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies in Araling Panlipunan. Deped Learning Portal https://lrmds.deped.gov.ph/detail/

18275

Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan. Modyul ng Mag-aaral (2014) Department

of Education-Instructional Materials Council Secretariat. Deped Complex

Meralco Avenue, Pasig City.

Project EASE Araling Panlipunan III, Modyul 1 Heograpiya ng Daigdig

http://www.lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_01__HEOGRAPIYA_NG_DAIGDIG.PDF

Tiamson, Juan Alvin B. Ang Ating Daigdig: Kasaysayan, Pagsulong, at

Pag-uugnayan. (2007). St. Augustine Publications. Inc. España cor. Don Quijote st., Sampaloc, Manila

Page 28: Araling Panlipunan...Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III – Learning Resources

Management Section (DepEd Region III-LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center

Maimpis, City of San Fernando (P)