Upload
evelyn-manahan
View
8.239
Download
8
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Citation preview
Ang Zarzuela at Walang Sugat
ni :Evelyn R. ManahanIcehs Sta. Filomena, Iligan City
• Severino Reyes, kilala bilang Lola Basyang •itinuturing na Ama ng Sarsuwela.• Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula.•Ang sumulat ng dulang Walang Sugat
Ano ba ang Zarzuela?
• Sa Espanya at Latin Amerika , ito ang bersyon nila ng operetta
•Ito ay isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa España noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin at may paksang mitolohikal at kabayanihan. Hinango ang taguring Sarsuwela sa maharlikang palasyo •Popular na Zarzuela sa Pilipinas ang Walang Sugat ni Severino Reyes.
Walang SugatPagkakalarawan:
Ang Walang Sugat ay naisulat nang ang zarzuela ay naging mabisang daan upang maipahayag ng mga Pilipino ang kanilang pagka makabayan .
Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Español ay namulaklak noong Panahon ng Himagsikan at ng Amerikano
Walang SugatBanghay:
Tampok sa dula ang pag-iibigan nina Tenyong at Julia. Si Tenyong at Julia ay magkasintahan . Kumaharap ng matinding pagsubok ang kanilang pag-iibigan nang maaresto ang tatay ni Tenyong dahil sa mga pagkilos nito laban sa mga prayleng Kastila.
Walang SugatBanghay:
Ang tatay ni Tenyong ay tinortyur nang matindi at nasa bingit na nang kamatayan nang abutan ni Tenyong at ng kanyang ina. Sa pagkamatay ng
kanyang ama, si Tenyong ay nagpasyang sumama sa armadong pakikibakang inilulunsad ng Katipunan.
Dito sila nagkahiwalay ni Julia.
Walang SugatBanghay:
Sa kanilang matagal na pagkawalay ay pinuwersa si Julia na ikasal sa ilustradong si Don Miguel. Bago ang nakatakdang kasal, pinahanap ni Julia si Tenyong sa dating alalay nito na si Lucas. Nahanap ni Lucas si
Tenyong sa kampo ng mga rebelde at naipaabot ang masamang balita ng pwersahang pagpapakasal ni
Julia kay Don Miguel.
Walang SugatBanghay:
Pero bago pa man makatugon si Tenyong sa liham ni Julia, sinalakay ng mga Kastila ang kampo ng mga Katipunero. Nagkahiwalay si Lucas at Tenyong sa
gitna ng labanan. Nakatanggap ng liham si Julia mula sa isang heneral na malubhang nasugatan at nawawala ang batang Kapitan na si Tenyong.
Walang SugatBanghay:
Dumating na ang nakatakdang araw ng kasal at napilitan na rin si Julia na pumayag, sa pag-akalang
patay na si Tenyong at sa kagustuhang hindi mapahiya ang kanyang ina. Engrandeng selebrasyon ang magaganap at nakatipon ang buong bayan. Pero bago mairaos ang seremonya, dumating si Lucas na may balitang nakita na si Tenyong pero agaw-buhay
itong nakaratay sa katre.
Walang SugatBanghay:
Dinala si Tenyong sa pinagdausan ng kasal ni Julia. Sa muling pagtatagpo ng magkasintahang sawi, hiniling
ni Tenyong sa pari na, yaman din lamang na mamamatay na siya, ikasal na sila ni Julia. Sa
pagkamatay daw ni Tenyong, maaari nang pakasalan ni Julia si Miguel. Dahil mukhang matutuluyan na nga
si Tenyong, pumayag na rin si Miguel sa kakaibang dying wish na Tenyong.
Walang SugatWakas:
Kinasal si Tenyong at Julia ng paring Kastila. Matapos ang seremonya ng kasal, biglang tumayo si Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw; “Walang sugat!
Walang sugat!”.
Walang SugatWakas:
Kinasal si Tenyong at Julia ng paring Kastila. Matapos ang seremonya ng kasal, biglang tumayo si Tenyong, at lahat ay napamanghang sumigaw; “Walang sugat!
Walang sugat!”.
Walang SugatKaisipan:
Tampok ang tema ng Walang Sugat, tapat na pagmamahalan nina Tenyong at Julia sa gitna ng digmaan, sakripisyo, pagkawalay si Tenyong na kailangan lumayo upang makipaglaban sa mga mananakop na Kastila., at kontradiksyon ng indibidwal sa pamilya tulad ni Julia na ipinagkasundo ng kanyang ina kay Miguel. Tampok din dito ang pagmamahal sa bayan at sa pamilya.
Sanggunian
K to 12 Grade 8 Gabay ng Guro
Mula sa kompaylasyon ni Binibining Jobelle F. Tecson .
http://natoreyes.wordpress.com/2012/09/14/rebyu-walang-sugat-pero-malalim-ang-tama/