2
REGIONAL HUMAN RIGHTS COMMISSION Autonomous Region in Muslim Mindanao www.rhrc.armm.gov.ph https://www.facebook.com/RHRCARMM https://www.twitter.com/ARMMRHRC The views expressed in this publication are those of the author(s) and do not necessarily represent those of the United Nations, including UNDP, or their Member States. Saan ko sila mapupuntahan? Regional Office / Maguindanao Provincial Office 1F Japan-ARMM Friendship Hall and Training Center (JICA Building), ORG Compound, Gov. Gutierrez Avenue, Cotabato City Tel./Fax: (064) 552 0436 [email protected] BaSulTa Sub-Regional Office 306 Fernando Compound, Sta. Maria, Zamboanga City Tel./Fax: (062) 955 44 23 [email protected] Lanao del Sur Provincial Office 2F Titanic Building, New Capitol Complex, Buadi Sacayo, Marawi City, Lanao del Sur [email protected] Ano ang Karapatang Pantao o Human Rights? Karapatang Pantao ang tawag sa mga bagay- bagay na dapat matamasa ng isang tao sa simpleng dahilang siya ay tao na may dignidad at karangalan. Anu-ano ang mga halimbawa ng karapatang pantao? Ang mga halimbawa nito ay: karapatang mabuhay ng may karangalan at dignidad karapatang hindi ma-discriminate, o itratong iba dahil sa kulay ng balat, relihiyon, lipi o lahing pinanggalingan, at iba pa karapatang magkaroon ng kalayaan sa paniniwala sa relihiyon at isabuhay ito karapatan sa maayos na trabaho at sapat na sweldo karapatang hindi maisailalim sa pagpapahirap o torture karapatang ituring na inosente hangga’t hindi napapatunayang may sala Marami pang karapatan ang nasasaad sa mga pinirmahang tratado at dokumento ng Pilipinas. Halimbawa nito ay ang mga kasunduan tungkol sa mga karapatang sibil at politikal, pang ekonomiya at kultura, karapatan ng mga kababaihan, mga bata, mga OFW, mga may kapansanan, at iba pa. Sino ang may obligasyon na protektahan ang mga karapatang pantao? Ang bawat tao naman at may obligasyon na irespeto ang karapatan ng iba. Ang estado o gobyerno ang may pangunahing responsibilidad na protektahan ang mga karapatang pantao ng mamamayan. Bukod dito, responsibilidad rin ng mga bansa na itaguyod (promote) at bigyang katuparan (fulfill) ng mga karapatan. ang rhrc at Karapatang Pantao sa armm

ang rhrc at Karapatang Pantao sa armm · Kongreso ng Pilipinas ng mga panukalang magsusulong ng karapatang pantao, at maglalaan ng tulong pinansyal sa mga biktima ng paglabag nito,

  • Upload
    others

  • View
    41

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

REGIONAL HUMAN RIGHTSCOMMISSIONAutonomous Regionin Muslim Mindanao

www.rhrc.armm.gov.ph https://www.facebook.com/RHRCARMM https://www.twitter.com/ARMMRHRC

The views expressed in this publication are those of the author(s) and do not necessarily represent those of the United Nations, including UNDP, or their Member States.

Saan ko sila mapupuntahan?

Regional Office / Maguindanao Provincial Office

1F Japan-ARMM Friendship Hall and Training Center

(JICA Building), ORG Compound, Gov. Gutierrez Avenue,

Cotabato City

Tel./Fax: (064) 552 0436

[email protected]

BaSulTa Sub-Regional Office 306 Fernando Compound, Sta. Maria, Zamboanga CityTel./Fax: (062) 955 44 23 [email protected]

Lanao del Sur Provincial Office

2F Titanic Building, New Capitol Complex, Buadi Sacayo,

Marawi City, Lanao del Sur

[email protected]

Ano ang Karapatang Pantao o Human Rights?

Karapatang Pantao ang tawag sa mga bagay-bagay na dapat matamasa ng isang tao sa simpleng dahilang siya ay tao na may dignidad at karangalan.

Anu-ano ang mga halimbawa ng

karapatang pantao?

Ang mga halimbawa nito ay:karapatang mabuhay ng may karangalan at •dignidadkarapatang hindi ma-discriminate, o itratong •iba dahil sa kulay ng balat, relihiyon, lipi o lahing pinanggalingan, at iba pakarapatang magkaroon ng kalayaan sa •paniniwala sa relihiyon at isabuhay itokarapatan sa maayos na trabaho at sapat na sweldo•karapatang hindi maisailalim sa pagpapahirap o torture•karapatang ituring na inosente hangga’t hindi •napapatunayang may sala

Marami pang karapatan ang nasasaad sa mga pinirmahang tratado at dokumento ng Pilipinas. Halimbawa nito ay ang mga kasunduan tungkol sa mga karapatang sibil at politikal, pang ekonomiya at kultura, karapatan ng mga kababaihan, mga bata, mga OFW, mga may kapansanan, at iba pa.

Sino ang may obligasyon na protektahan ang mga

karapatang pantao?

Ang bawat tao naman at may obligasyon nairespeto ang karapatan ng iba.

Ang estado o gobyerno ang may pangunahing responsibilidad na protektahan ang mga karapatang pantao ng mamamayan. Bukod dito, responsibilidad rin ng mga bansa na itaguyod (promote) at bigyang katuparan (fulfill) ng mga karapatan.

ang rhrcat Karapatang

Pantao saarmm

Nagmonitor ng mga sapilitang paglikas dahil 1. sa hidwaan (Sabah crisis, Zamboanga siege, mga alitan sa Basilan, Lanao at Maguindanao) at mga natural na kalamidad

Nag-imbestiga at nagdokumento ng mga 2. naireport na paglabag sa karapatang pantao kaugnay ng sapilitang paglikas at mga kaso ng warrantless arrest at mistaken identity (Basilan)

ano ang rhrc?

Ang Regional Human Rights Commission (RHRC) ang institusyon sa loob ng ARMM na nagpuprotekta, nangangalaga at nagpapatupad ng mga karapatang pantao ng mga residente nito, mapa-Bangsamoro man, settler o katutubo.

kelan ito natatag?

Nabuo ito sa pamamagitan ng isang batas na ipinasa ng Regional Legislative Assembly: ang Muslim Mindanao Autonomy Act 288 noong June 2012.

Magsagawa ng imbestigasyon o pagsisiyasat sa lahat ng 1. uri ng paglabag sa karapatang pantao sa ARMM

Pangalagaan at proteksyonan ang mga karapatang 2. pantao ng mga mamamayan ng ARMM, pati na ang mga kasalukuyang nakatira sa ibang bansa

Magbigay ng tulong panlegal (legal aid) para sa mga 3. kapos-palad na mamayan ng ARMM na naging biktima ng paglabag ng karapatang pantao, o nangangailangan ng proteksyon

Bumisita at mag-inspeksyon sa lahat ng uri ng kulungan 4. sa ARMM, kasama na ang mga matatagpuan sa loob ng kampo ng militar

Magsaliksik, magturo, at magbigay ng impormasyon tungol 5. sa pagtataguyod at pagrespeto sa karapatang pantao

Mag-rekomenda sa ARMM Regional Assembly at sa 6. Kongreso ng Pilipinas ng mga panukalang magsusulong ng karapatang pantao, at maglalaan ng tulong pinansyal sa mga biktima ng paglabag nito, pati ang kanilang mga pamilya

Bantayan ang pagtupad ng pamahalaan ng Pilipinas at ng 7. pamunuan ng ARMM sa mga pandaigdigang kasunduan sa karapatang pantao

Humingi ng tulong mula sa kahit anong opisina o 8. ahensya ng pamahalaan sa ARMM sa paggampan ng kanyang mga tungkulin

Siguruhin na naitataguyod ang mga karapatan at interes 9. ng kababaihan at kabataan nang naaayon sa batas

Gampanan ang iba pang tungkulin na itinakda ng batas10.

Kasama ang Public Attorney’s Office (PAO), tumulong upang 3. masigurong ang karapatan ng mga menor-de-edad na naaresto at naditine ay maprotektahan (Maguindanao)

Nagproseso ng mga walk-in na kaso kaugnay ng mga pag-aresto 4. at paghahalughog ng walang warrant, at harassment ng pulis.

Tumanggap ng mga reklamo tungkol sa karahasan laban sa 5. kababaihan at trafficking o sapilitang pagpapatrabaho

Sa pakikipapag-ugnayan sa PNP at AFP, nagsagawa ng training 6. tungkol sa karapatang pantao, international humanitarian law, at internal displacement

Nagsagawa ng capacity-building training sa karapatang pantao 7. para sa mga lider ng komunidad at sa mga miyembro ng Bangsamoro Leadership Management Institute (BLMI)

Tumulong upang pagkasunduin ang mga partidong may alitan (rido)8.

Sa ngayon, anu-ano na ang nagawa ng RHRC?

Anu-ano ang mga gawain ng RHRC?

Ang BHRN ay network ng halos isandaang mga organisasyon, ahensya ng gobyerno, LGUs, at mga indibidwal na nagnanais protektahan at pangalagaan ang karapatang pantao sa ARMM sa pamamagitan ng response at prevention. Ang BHRN ay binuo upang magsilbing epasyo at mekanismo para sa mga civil society

organizations at ahensya ng gobyerno na mag-usap at mag-refer ng mga kaso para pangalagaan at protektahan ang karapatang pantao.

Municipal Human Rights Profile (MHRP)Ang MHRP ay proyekto na naglalayon na alamin kung ano ang katayuan ng karapatang pantao sa ARMM sa lebel ng bayan o munisipyo. Ang impormasyong kinalap ng MHRP ay maaring magamit upang tiyakin na ang mga programa ng ARMM Regional Government at ng mga LGUs ay nakakatugon sa totoong pangangailangan ng mga residente nito.

anu-ano ang mga programa ng rhrc?

Ang RHRC ay pwedeng makatulong sa iyo na dumulog sa PAO para sa libreng tulong legal, kung kailangan mo ng abugado.

ano po yung independent human rights institution?

Ang Komisyon ay malaya at walang kinikilingan. Ito ay may sariling pagpapasya pati na sa usapin ng pondo at hindi maaaring basta-basta lamang diktahan ng ibang ahensya o opisina ng pamahalaan. Magkagayunman, nasasaad sa batas na tungkulin ng RHRC ang makipag-ugnayan at makipagtulungan sa pamunuan ng Commission on Human Rights, at maging sa Gobernador ng ARMM, sa paggampan ng kanyang mga tungkulin, at sa pagpapatupad ng mga programa at polisiya.