2
Ang Makasaysayang Bayan ng Pandi Panahon ng Kastila ito’y bahagi ng malawak na lupain na kung tawagi’y Hacienda Santa Maria de Pandi na sumasakop sa mga bayan ng Santa Maria, Balagtas at malaking bahagi ng Angat at Bustos. Panahon ng Rebolusyon ang bayan ng Pandi ay may ginampanang mahalagang bahagi tungo sa Kasarinlan ng Pilipinas… Matapos ang Sigaw ng Balintawak noong 1896 ay itinatag ni General Eusebio Roque o mas kilala sa bansag na “Maestrong Sebio” ang kauna-unahang Republika ng Pilipinas na tinawag na “Republica de Cacarong” sa bayan ng Pandi na mas nauna pa sa Republikang itinatag sa Malolos. Ito ay binubuo ng 6,000 Katipunero (tala mula sa National Historical Commission) at kumatawan

Ang Makasaysayang Bayan Ng Pandi

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Makasaysayang Bayan Ng Pandi

Ang Makasaysayang Bayan ng Pandi

Panahon ng Kastila ito’y bahagi ng malawak na lupain na kung tawagi’y Hacienda Santa Maria de Pandi na sumasakop sa mga bayan ng Santa Maria, Balagtas at malaking bahagi ng Angat at Bustos.

Panahon ng Rebolusyon ang bayan ng Pandi ay may ginampanang mahalagang bahagi tungo sa Kasarinlan ng Pilipinas…

Matapos ang Sigaw ng Balintawak noong 1896 ay itinatag ni General Eusebio Roque o mas kilala sa bansag na “Maestrong Sebio” ang kauna-unahang Republika ng Pilipinas na tinawag na “Republica de Cacarong” sa bayan ng Pandi na mas nauna pa sa Republikang itinatag sa Malolos. Ito ay binubuo ng 6,000 Katipunero (tala mula sa National Historical Commission) at kumatawan sa pinakauna at tunay na organisadong Rebolusyonaryong Pamahalaan.

Page 2: Ang Makasaysayang Bayan Ng Pandi

Ang pinangyarihan ng “Labanan ng Kakarong de Sili” ay bahagi na ng kasalukuyang Bgy. Real de Cacarong kung saan isang bantayog ng Inang Pilipina ay itinayo noong 1924 ng Kakarong Lodge No. 168 ng Legionarios del Trabajo bilang pag-alala sa may 1,200 na mga Katipunero na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan.