51
Ang Filipinas Bilang Teritoriyong Kolonial ng Espanya

Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Embed Size (px)

DESCRIPTION

From: Ma'am Bermudez

Citation preview

Page 1: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Ang Filipinas Bilang Teritoriyong Kolonial ng Espanya

Page 2: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya
Page 3: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Pagdating ng mga Kastila

•Si Magellan at Rajah Kolambu

•Si Magellan at Rajah Homabon at Reyna Juana

•Si Magellan at Datu Zula ng Mactan

•Si Magellan at Lapulapu

Page 4: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Rajah Kolambu•Noong ika-28 ng Marso, ang pulutong nila

Magellan ay dumaong sa isa pang pulo, ang Mazaua (maaring ang Limasawa ng Leyte, o ang Masau ng Butuan).

• Inihatid si Rajah Kolambu ng kanyang mga tauhan sa barko ni Magellan upang salubungin ang dayuhan.

•Hinandugan niya ito ng 3 porselanang sisidlan na puno ng bigas; binigyan naman siya ni Magellan ng pulang sumbrero at pula at dilaw na bata.

Page 6: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Unang Misa sa Limasawa

• Nang araw ding yaon, Huwebes Santo, naganap ang unang misang Katoliko sa kapuluan, sa pamumuno ni P. Pedro de Valderrama.

• Dinaluhan ito ni Rajah Kolambu at ni Si Awi (Siawi).

• Itinayo ni Magellan ang isang krus

Page 7: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya
Page 8: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Rajah Humabon at Reyna Juana•Nang makarating si Magellan sa sa Sugbu (Cebu),

nakilala niya si Rajah Humabon na agad hiningi na kilalanin ang kanyang pamumuno at ang pag-aalay ng tributo.

•Tumanggi si Magellan, at sa halip, inialok nito ang proteksyon at pakikipag-kaibigan ng hari ng Espanya.

•Humanga si Rajah Humabon (Carlos) sa aral ng Kristiyanismo at nagpabinyag ito at ang asawang si Hara Amihan (Reyna Juana).

• Isang imahen ng Santo Niño ang naging handog ni Magellan kay Reyna Juana.

Page 9: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya
Page 10: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya
Page 11: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya
Page 12: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Lapulapu• Chieftain ng Mactan• A.k.a. Cali Pulacu• Tumanggi sa bagong sistemang

politikal at sa pagbabayad ng tributo.

• Nagpasyang kumalas sa pamumuno ni Rajah Humabon.

• Para maturuan ng leksyon, ipinasya ni Magellan na lusubin ang Mactan noong Abril 27, 1521...

Page 13: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya
Page 14: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya
Page 15: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Giting ng Malay• Inasinta ni Lapulapu at ng mga tauhan

nito ang mga walang takip na binti ng mga Espanyol

• Napilitan ang mga dayuhan na umatras at bumalik sa kanilang mga barko.

• Isang palasong may lason ang humagip kay Magellan at isang sibat na kawayan ang tumama sa kanyang mukha.

• Namatay si Magellan at iniwan na ng kanyang mga sundalo ang kanyang bangkay sa mga katutubo.

Page 16: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya
Page 17: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Masaker

•Mayo 1, 1521•Habang ang mga

Espanyol ay dumadalo sa salu-salong inihanda ni Rajah Humabon, ang mga mandirigma ng Cebu ay lumusob na ikinamatay ng kulang-kulang na 30 Kastila.

Page 18: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Paalam...• Ang mga natirang miyembro ng ekspedisyon ay

napilitan ng lumisan ng Cebu bago pa sila maubos.• Sinunog ang barkong Concepcion sa kakulangan ng

taong magpapatakbo nito.• Ang natirang dalawang barko (Trinidad at Victoria)

ang siyang nagpatuloy ng paglalayag patungong Moluccas.

Page 19: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Victoria

•Tanging ang barkong Victoria lamang ang nakabalik ng Espanya noong September 6, 1522, sa pamumuno ni Juan Sebastian del Cano.

•Ang biyahe sa buong mundo ay inabot ng 2 taon, 11 buwan, at 16 na araw.

•Tanging 18 tao lamang natira mula sa orihinal na 250.

Page 20: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Antonio Pigafetta

Page 21: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Sebastian Del Cano

• A.k.a. Elcano

•Primus Circumdedisti Me

Page 22: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

1525• Captain Garcia Jofre de

Loaysa• 7 barko at 450 katao• Matapos tawirin ang

Magellan Strait, pinagwatak-watak ang ekspedisyon ng malakas na bagyo.

• Nagkasakit at namatay si Kapitan de Loaysa.

• Ang kanyang mga tao ay ‘di rin nakarating sa Pilipinas.

Page 23: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

1526

•Si Sebastian Cabot, anak ng Venetian explorer na si John Cabot ang sumunod na sumubok at nanguna ng ekspedisyon.

•4 na barko at 250 katao.

•Hindi nila natagpuan ang Magellan’s Strait.

Page 24: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

1527• Alvaro Saavedra Ceron

(pinsan ng Hernando Cortes ng Mexico)

• Unang biyahe mula sa Viceroyalty ng Mexico (New Spain)

• 2 barko para mag-imbestiga

• Ang barkong Florida ang nakarating sa Surigao subalit hindi nakapag-colonize.

Page 25: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya
Page 26: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

1529

•Ayon sa Treaty of Tordesillas (1494), ang Eastern Hemisphere ay nakalaan sa Portuguese colonization.

•Subalit sa panibagong kasunduan (Treaty of Zaragoza, 1529), ang hatian ay itinalaga sa 297 ½ leagues sa silangan ng Moluccas.

•Dahil dito, ang Portugal ang nagmay-ari ng lahat ng lupain sa kanlurang bahagi, at ang Espanya naman sa silangang bahagi.

Page 27: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya
Page 28: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

“Mahal kong Pilipinas”

• Ibinenta ng Espanya ang Moluccas sa Portugal sa halagang 350,000 na gold ducats ($630,000), na sadya namang nasa loob ng sakop ng impluwensya ng Portugal...

•Subalit inangkin ang Pilipinas na sa panahong iyon ay tinawag na Islas del Poniente (the Sunset Islands).

Page 29: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

1542

•Nagpasiya si Haring Carlos na magpadala ng panibagong ekspedisyon upang igiit ang pag-angkin sa Pilipinas.

•Ipinadala niya si Ruy Lopez de Villalobos at pinamuno ng anim na barko at 400 katao.

•Mahigpit na ipinagbilin ng Hari na iwasan ni Villalobos ang Spice Islands sa pagtungo sa Islas del Poniente.

Page 30: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

1543•Pebrero 2, 1543 nang marating ni

Villalobos ang Banganga Bay sa silangang Mindanao.

•Pinangalanan niya ang Mindanao bilang Caesaria Caroli (imperial island of Charles)

•Narating ang katimurang isla ng Saranggani (pinangalanan nitong Antonia, hango sa Viceroy Antonio de Mendoza ng Mexico)

Page 31: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Ruy Lopez de Villalobos

•Ang iba niyang tauhan ay nakarating hanggang Leyte at pinangalanan itong Felipinas.

•Subalit tulad ng mga nauna naging bigo rin sila sa pananakop.

•Namatay siya sa Moluccas, sa kandili ni St. Francis Xavier, kilalang apostol ng mga Indios.

Page 32: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

1555-1556

•Ipinasya ni Haring Carlos na ipasa na ang korona sa kanyang anak na si Prinsipe Felipe.

•Si King Philip ay namuno sa Netherlands noong 1555, at sa Espanya noong 1556.

Page 33: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

King Philip II• Sa panahon ng paghahari ni

Felipe, ang Espanya ay nasa kahinugan ng kapangyarihan.

• Nagpadala si Haring Felipe ng utos sa Mexican Viceroy Velasco upang maghanda ng panibagong ekspedisyon sa Pilipinas.

• Inatasan si Miguel Lopez de Legazpi para pamunuan ang ekspedisyon.

Page 34: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Miguel Lopez de Legazpi

•1505-1572•Sundalo, abogado,

administrador•Personal na

pinagkagastahan ang ekspedisyon sa Pilipinas dahil sa napipinto noong bankruptcy ng pamahalaan ng Mexico.

Page 35: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

1564

•Nilisan ni Legazpi at ng kanyang tauhan ang Natividad, Mexico noong Nobyembre 19, 1564.

•4 na barko at 380 katao•5 paring Agustinians ang

sumama sa ekspedisyon•Kasama rin si Padre

Andres de Urdaneta

Page 36: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

1565

•Si Legaspi at mga kasama ay nakarating malapit sa isla ng Cebu noong Pebrero 13, 1565.

•Dahil sa banta ng mga Cebuanos, sila’y ay naglayag pa hanggang makarating ng Samar.

•Nakipag-sandugo (blood compact) kay Urrao noong Pebrero 22.

•Nagtuloy sila sa Limasawa at doon ay tinanggap ng isang punong nagngangalang Bankaw.

Page 37: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Sandugo

•March 16, 1565: Legazpi at Sikatuna•Legazpi at Gala

Tagbilaran, Bohol

Page 38: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Rajah Tupas• Hari ng Cebu• Pamangkin ni Rajah

Humabon• Tinalo ni Legazpi sa

labanan noong April 27, 1565

• Kinumbinse ng kapatid na si Tamuyan na tanggapin ang pakikipagkaibigan ni Legazpi.

Page 39: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Pananakop ng mga Kastila• Sinikap ni Legazpi na akitin ang mga taga-Cebu

na bumalik at itayong muli ang kanilang mga tahanan.

• Sa tulong ni Cid Hamal (Sidamit), isang Muslim-Malay, si Legazpi ay nagtagumpay.

• Mula noon, kinilala ng mga Cebuanos ang Hari ng Espanya bilang pinuno, at nagsimula silang magbayad ng tributos.

• Kapalit ng tributos ay ang ipinangakong pangangalaga ng pamahalaan ng Espanya sa mga katutubo.

Page 40: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya
Page 41: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Meztizos y Meztizas• Si Jandulaman, pinangalanang

Isabel (Isabel Garces, namatay na asawa ni Legazpi), ang sinabing unang Cebuana na naging binyagang Kristiyano sa panahong ito.

• Isang biyudang pamangkin ni Haring Tupas, matapos binyagan ay nagpakasal kay Master Andres, isang Griegong kasapi ng Legazpi expedition.

Page 42: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Felipe at Carlos

•Tinanggap na rin ni Haring Tupas ang binyag, at pinangalanang Felipe (King Philip II).

•Ang kanyang anak na si Pinsuncan ay tumanggap na rin ng binyag at pinangalanang Carlos (King Charles V).

•Ang iba pang mga katutubo sa Cebu ay nagpabinyag na rin.

Page 43: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

1569• Lumipat si Legazpi sa Panay, dala ng kakulangan

ng pagkain sa Cebu.• Samantala, pinabalik nya ang apong kasama sa

ekspedisyon sa Mexico upang mag-ulat sa Hari ng Espanya.

• Sa baybayin ng Panay River, itinatag ang ikalawang Spanish settlement.

• Sa tulong ni Padre Juan de Alba at mga misyonerong Agustiniano, ang mga tao ay naging mabait kay Legazpi.

• Si Datu Macabaog at Datu Madidong ng Panay ay naging binyagan din.

Page 44: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

1570• Ipinadala ni Legazpi si Juan Salcedo (apo niyang

dumating sa Cebu buhat Mexico noong 1567) sa Mindoro upang parusahan ang mga piratang Muslim na nandarambong sa mga taga Panay.

• Sa puwersa ng 30 Espanyol at ilang daang Bisaya, ginuho ni Salcedo ang mga kuta ng mga Moro sa Ilin at Lubang.

• May 8, 1570, umalis ng Panay si Marshal Martin de Goiti at mga tauhan nito at binaybay ang Pansipit River sa Batangas.

• Nakarating si Goiti sa pampang ng ilog Pasig at natagpuan ang isang pader na may itinatagong kuta sa likod.

Page 45: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Rajah Sulayman

•Si Rajah Matanda at Rajah Sulayman (Soliman) at si Goiti

•Kasikasi (sandugo o blood compact) sa pagitan ni Rajah Sulayman at Goiti

•Hari ng Maynilad: ayaw ng tributo para sa Espanya.

Page 46: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Fort Santiago• Pinalusob ni Goiti ang 80 niyang mandirigma

laban sa kuta ni Sulayman (kilala ngayon bilang Fort Santiago).

• Buong giting at tapang na ipinagtanggol ng mano-mano ni Sulayman at ng mga tauhan nito ang kanilang kuta, subalit sa dulo’y tinupok ng apoy ang kanilang mga tahanan.

• Umatras sila Sulayman at nagkanlong sa kabila ng ilog Pasig.

• Ang Maynilad ay napailalim sa puwersa ng Kastila noong Mayo 24, 1570.

Page 47: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Maynilad

Page 48: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

1571• Ipinasiya ni Legazpi na sakupin ang Maynilad.• Narating nya ang Manila Bay noong Abril 1571,

dala ang mas malakas na puwersanng binubuo ng 27 sasakyang dagat, 280 mga Espanyol, at 600 na kaibigang Bisaya.

Page 49: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Lakandula• Hari ng Tondo at

tiyohin ni Rajah Sulayman

• Dahil nakitang walang saysay ang makipaglaban pa sa mga Espanyol ay nakipagkasundo na sa mga ito.

• Hinikayat rin saiRajah Sulayman na makipagkasundo na.

Page 50: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Bambalito•Mandirigma mula

Macabebe•Sulayman at

Lakandula•Kampo sa Navotas•Mahigit 2,000

mandirigma at 40 caracoas (bangka) ay sumugod laban sa mga tauhan ni Goit...

Page 51: Ang Filipinas bilang teritoryong Kolonial ng Espanya

Araw ng Maynila

•June 24, 1571, Feast Day of St. John the Baptist

•Itinalaga ni Legazpi ang Maynila bilang kapitolyo ng Pilipinas

•Nueva Castilla•Itinatag ang pamahalaang pang-syudad at

cabildo (city council and court).