4
ALIBUGHA SHEREEN T. CUETO 12/13/14 BS PHARMACY 1-M I. Paguuri- uri ng mga ideya/detalye A. Pangunahing ideya Ang magulang ay mananatili sa tabi ng kanilang mga anak pagbalibaliktarin man ag mundo. Ang isang anak maging sinuman at gaano man kasama ay mananatiling mabuti sa mata ng kanilang mga magulang. Sila ay mananatili sa puso’t isipan ng kanilang mga magulang. Ito man ay nakagawa ng kasamaan o kabutihan mananatili pa rin ang pagmamahal sa kanilang mga puso at isipan. Sa oras ng pangangailangan o kagiptan kahit pagbalibaliktarin man ang sitwasyon ang mga magulang ang unang nabibigay ng kamay sa kanilang anak at patuloy itong nagbibigay pag-asa tungo sa tamang landas nang magkaroon ng magandang kinabukasan. Kahit na madalas natin tiisin ang ating mga magulang pinipilit nila tayong unawain at suportahan pa rin sa abot ng kanilang makakaya upang maipadama lamang ang kanilang pagmamahal sa atin. Dahil kahit kailan man walang magulang ang nakakatiis sa kanilang mga anak. Walang magulang ang naghangad ng kapahamakan para sa kanilang mga anak. B. Sumusuportang ideya Sa pagsasadula ng mga nagsipag-ganap ang pangunahing tauhan na si Eddy na kinuha ang kanyang mana at pilit na nakipaggsapalaran sa Maynila dahil sa pangarap nitong makapagtrabaho rito at sa pagaakalang mapapalago nito ang kanyang pera. Kahit na alam nyang lubos na dinamdam iyon ng kanyang ama. Maraming nagawa si Eddy pagkakamali ngunit pilit itong inintindi ng kanyang ama dahil sa alam nito na mas kinakailangan ngayon ng kanyang anak ng sapat na pangunawa dahil sa di inaasahang pagkakadapa. Kahit na napuno ng pagkamuhi at selos ang bunsong kapatid ni Eddy. Ipinapaliwanag ng kanyang ama na muling

ALIBUGHA

Embed Size (px)

DESCRIPTION

filipino

Citation preview

ALIBUGHASHEREEN T. CUETO 12/13/14BS PHARMACY 1-MI. Paguuri- uri ng mga ideya/detalyeA. Pangunahing ideyaAng magulang ay mananatili sa tabi ng kanilang mga anak pagbalibaliktarin man ag mundo. Ang isang anak maging sinuman at gaano man kasama ay mananatiling mabuti sa mata ng kanilang mga magulang. Sila ay mananatili sa pusot isipan ng kanilang mga magulang. Ito man ay nakagawa ng kasamaan o kabutihan mananatili pa rin ang pagmamahal sa kanilang mga puso at isipan. Sa oras ng pangangailangan o kagiptan kahit pagbalibaliktarin man ang sitwasyon ang mga magulang ang unang nabibigay ng kamay sa kanilang anak at patuloy itong nagbibigay pag-asa tungo sa tamang landas nang magkaroon ng magandang kinabukasan. Kahit na madalas natin tiisin ang ating mga magulang pinipilit nila tayong unawain at suportahan pa rin sa abot ng kanilang makakaya upang maipadama lamang ang kanilang pagmamahal sa atin. Dahil kahit kailan man walang magulang ang nakakatiis sa kanilang mga anak. Walang magulang ang naghangad ng kapahamakan para sa kanilang mga anak.B. Sumusuportang ideyaSa pagsasadula ng mga nagsipag-ganap ang pangunahing tauhan na si Eddy na kinuha ang kanyang mana at pilit na nakipaggsapalaran sa Maynila dahil sa pangarap nitong makapagtrabaho rito at sa pagaakalang mapapalago nito ang kanyang pera. Kahit na alam nyang lubos na dinamdam iyon ng kanyang ama. Maraming nagawa si Eddy pagkakamali ngunit pilit itong inintindi ng kanyang ama dahil sa alam nito na mas kinakailangan ngayon ng kanyang anak ng sapat na pangunawa dahil sa di inaasahang pagkakadapa. Kahit na napuno ng pagkamuhi at selos ang bunsong kapatid ni Eddy. Ipinapaliwanag ng kanyang ama na muling magbabalik at mabubuhay ng may pagkatuto si Eddy dahil naniniwala ang kanyang ama na isa iyong aral para sa kanyang anak na ipakitang hindi madali ang buhay at pagsasarili. Ang kanyang panganay na kapatid ay nagsilbing isang halimbawa ng isang mapait na karanasan na hindi nararapat na tularan. At sa araw ng kasiyahan maraming nagulat sa pagbabalik ni Eddy at maraming nakasaksi sa pagsisi ni Eddy sa paglabag sa kanyang ama at taos pusong tinanggap si Eddy ng kanyang ama na tila parang wala lang nangyari. Parang bagong simula sa isang araw na kay gandang pagsumikapan.

II.Bakit dapat panoorin/pag-aralan ang paksa?Nararapat na pag-aralan ang paksa upang malaman ng bawat indibidwal kung gaano ang paghihirap ng mga magulang upang mabuhay at matustosan lamang ang kanilang anak sa pang araw-araw na pangangailangan upang mabuhay. Dahil din sa kwentong alibugha magkakaroon ng pagtatanto ang mga anak ukol sa kanilang tungkulin sa kanilang magulang. May bago bang kaisipan/impormasyon ang tinalakay? Kung mayroon, anu-ano ang mga ito at papaano ito magagamit sa inyong kurso o kalagayang bilang estudyante?Bilang isang mag-aaral sa kolehiyo dapat alam nating gamitin ang mga perang pinadala ng ating mga magulang dahil dugo't pawis nilang pinaghihirapan ang mga ito upang tayo ay makapag-aral at magkaroon ng maayos na pamumuhay dahil ito ay paghahanda para sa ating mga kinabukasan

III. Ano ang tono/damdamin at pananaw sa dula? Anu-ano ang suliranin, solusyon at mga rekomendasyon sa pananaliksik?Sa unang senaryo ng dula ay may pagalit, may malumanay, may kasiyahan na tono at damdamin na nangyari. Magaling at maganda ang kanilang pag-dudula damang- dama nila ang kanilang pag-ganap sa sitwasyon sa mga eksena.Kahit nagkaroon sila ng mga problema tulad sa pera, komunikasyon at relasyon sa isa't isa, sa huli ay naisaayos nila ang di pagkakaintindihan at nagawan pa nila ng solusyunan ang lahat ng problema at nagkapatawaran. Ang lahat ng problema ay may solusyon kung ang lahat at magkakaisa at marunong umunawa. Maaring hindi maidadaan sa medaling usapan ang mga bagay-bagay ngunit mayroong sapat at tamang oras para maisagawa ang lahat ng bagay ng tama. Sa bandang huli ng dula o pananaliksik natauhan rin si Eddy sa kanyang nagawa at buong puso naman siayang pinatawad ng kanyang tatay at kanyang kapatid.

IV. Opinyon VS KatotohananAnong tiyak na isyu ang mayroon at pumili ng isang argumentong papanigan na bibigayan na ebidensya upang mapatunayan ang pagiging totoo nito?Ang isang isyu sa dula ay ang kahalagaan ng pera. Ang pera ay pwedeng magdulot ng kabutihan o kasamaan. Depende sa paraan ng paggamit at pananaw ukol ditto. Sa aking opinyon maraming pamilya ang namomroblema dahil sa pera. Dahil sap era sila ay maaring magkahiwa-hiwalay upang mabigyan lamang ng magandang kabuhayan ang bawat isa. Sa kabilang banda naman maaring sila ay magagawan ng mana mula sa kanilang mga magulang dahil dito sila ay maaring magkaroon ng inggit sa bawat isa. May mga tao na gusting magsariling buhay at kukunin ang kanyang parte na kayamanan at siya na ang bahala na magpalago ng pera. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ito ay maaring mawala rin sa iisang iglap lamang.

V. Anu-anong tiyak na maling kaisipan/pahayag ang nabanggit sa dula? (Ano ang batayang Konseptual o Teoretikal ang ginamit sa pananalik?)Isa sa maling kaisipan na nabanggit sa dula ay pilit niyang iniisip na kaya ang isang bagay pero ang totoo naman ay hindi niya kaya. Siya ay napipilitan lamang dahil sa udyok ng pagkakataon na kailangan niyang panindigan kung ano ang kaniyang nasimulan.