3
LAYUNIN A. Nakikilala ang mga unang tula na nagtataglay ng mensahe. B. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng bulong at kawikaan. C. Nabibigkas nang malinaw at naaayon sa kinakailangang diin ang bawat isa. ANG BULONG Ang bulong ay karaniwang ginagamit sa kulam na gawa ng tao o likha ng anumang gawa ng lamang-lupa. Ginagamit itong pasintabi o paumanhin sa mga lamang- lupa.Nasasalamin dito ang paggalang at pangamba sa mga hindi nakikitang espiritu. Narito ang ilang halimbawa: Sa pagdaan sa pook na masukal ay karaniwang inuusal ang ganitong bulong. Tabi, tabi po, nuno Hindi ko po kayo nakikita Tabi, tabi po, nuno Makikiraan po lamang. Bulong na inuusal ng inang nagdadalantao. (Mindoro) Hesus Maria Husep Ako po’y manunubig Huwag po sana nila akong masilip. ANG KAWIKAAN Ang kawikaan ay mga salitang kapupulutan ng aral upang maging gabay o patnubay sa pang araw-araw na pamumuhay.

Ailyn Report

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ailyn Report

LAYUNIN

A. Nakikilala ang mga unang tula na nagtataglay ng mensahe.B. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng bulong at kawikaan.C. Nabibigkas nang malinaw at naaayon sa kinakailangang diin ang bawat

isa.

ANG BULONG

Ang bulong ay karaniwang ginagamit sa kulam na gawa ng tao o likha ng anumang gawa ng lamang-lupa.

Ginagamit itong pasintabi o paumanhin sa mga lamang-lupa.Nasasalamin dito ang paggalang at pangamba sa mga hindi nakikitang espiritu.

Narito ang ilang halimbawa:

Sa pagdaan sa pook na masukal ay karaniwang inuusal ang ganitong bulong.Tabi, tabi po, nunoHindi ko po kayo nakikita Tabi, tabi po, nunoMakikiraan po lamang.

Bulong na inuusal ng inang nagdadalantao. (Mindoro)Hesus Maria HusepAko po’y manunubigHuwag po sana nila akong masilip.

ANG KAWIKAAN

Ang kawikaan ay mga salitang kapupulutan ng aral upang maging gabay o patnubay sa pang araw-araw na pamumuhay.

Kagaya rin ito ng mga tanaga, salawikain, kasabihan atbp. Ito rin ay may dalang aral at kaalaman sa mga mambabasa ng mga ito. Ang kaibahan lang nito ay ang anyo nito. Ang panaludturan ay tatatluhin.

Page 2: Ailyn Report

Narito ang ilang halimbawa:

Humingi ka at ika’y pagbibigyan. Ang katotohanan ang magpapalaya sa iyo.

Sanggunian:

Sulyap sa Panulaang FilipinoVico, Lorelie L., Maharlika I, Sampaloc Manila< St. Augustine Publications Inc.fil.wikipilipinas.org/index.php/tl.answers.com

Ailyn R. Rosario-BSE III- FILIPINO-

Page 3: Ailyn Report